MAHAHALAGANG gamit lang ang inilagay ni Jerry sa kanyang maleta. Kasama roon ang ilang bugkos-bugkos na pera. Inipon niya iyon nang paunti-unti tuwing may pagkakataon na mautusan niya si Lodi, isa sa mga pinagkakatiwalaan niya sa mansyon.Matapos maiayos ang mga dadalhin ay tinungo niya ang bintana. Natanaw niya sa gate ang dalawang guwardiya roon na kasundo naman niya. At naabusuhan na niya ang mga ito sa kanilang plano. Ang problema lang nila ay may mga tauhan ang kanyang mga magulang na paroo't parito sa pagroronda ng paligid.Napatingin si Jerry sa may pinto nang makarinig siya ng mahihinang katok sa labas. Kasabay niyon ang pagpasok ni Erin na hawak-kamay si Amberlyn. "Dad -""Sshhh," saway agad nina Erin at Jerry sa bata. "Pinaalalahanan na kita kanina, 'di ba? Hinaan mo lang ang boses mo.""Sorry po, Yaya.""Amber, maglaro muna kayo ni Angel. Huwag lang kayong maingay.""Sige po, Daddy."Sinundan ng tingin nina Erin at Jerry ang pagsampa ni Amberlyn sa kama."Sir, sigurado na
NAPAUPO ng tuwid si Erin habang ang mga palad ay nakatakip sa magkabilang tainga ni Amberlyn. Dinig na dinig kasi sa pinagtataguan nila ang sagutan ng mga amo."Yaya...""Ssshhh!"Alam niyang lumabas ng silid ang mag-asawa. Pero naalarma siya sa malakas na sigaw ng among babae na sinundan ng kalabog. At kinabahan siya sa senaryong pumasok sa kanyang isip. "Dito ka lang.""Huwag niyo po akong iiwan, Yaya.""Sandali lang ako.""I want to see my daddy, too.""Oo, mamaya. Kapag hindi ka nag-ingay rito, dadalhin kita sa kanya.""But he's just outside.""Amber, huwag matigas ang ulo. Sinabi ko na sa 'yo na palagi kang makikinig sa akin.""Opo, Yaya."Inayos ni Erin ang pagkakaupo ng bata sa loob ng bathtub. "Huwag kang lalabas, ha?""Opo. Hindi rin ako mag-iingay.""Good.""Bilisan mo lang po, Yaya. I'm scared."Tumango lang si Erin at patingkayad na humakbang patungo sa pinto. Maingat muna niyang pinihit ang seradura bago siya sumilip sa labas. Wala na ngang tao roon. Pero nakakalat ang m
MULA sa pagkakahinto ng sasakyan dahil sa traffic light, natuon ang tingin niya sa tinapatan nilang isang public park. May ilang magkakapareha roon. At mayroon ding pami-pamilya. Hindi tuloy maiwasan na maalala ni Jamilla si Amberlyn. Her smile and giggles bring back the old memories when Von and Lala are still alive. May nakikita kasi siyang similarly sa bata at dalawa niyang kapatid.Marahil nangungulila lang siya lalo na sa kanyang namayapang anak.Nang umusad ulit ang sasakyan, pinili niya na ipikit muna ang mga mata. At binalikan niya sa isip ang larawan ng maamong mukha ni Amberlyn."Ma'am?""Yes, Tere?" tugon niya nang nakapikit pa rin."Tumawag na po ang excavation team. Nahukay na ang labi ng mga kapatid mo at idederetso na po nila iyon sa ospital na magsasagawa ng DNA test.""Good.""Nandito na tayo," anunsiyo ni Rex nang ihinto ang sasakyan.Dumilat naman si Jamilla at tinanaw ang matayog na gusali na kanilang tinapatan. And another old memories came rushing back to her na
HINDI nabubura ang mga ngiti sa labi ni Jamilla mula sa paglabas ng gusali ng AbTv hanggang makarating ng kotse.It was another sweetest revenge. She knows how important the position and the TV station are to Gray Arellano. He deserved it, anyway. He just reaps what he sows.Jordan's friend Jack has made again a contribution to this day. Nagawa nitong alamin ang bad side ng isang tao. Madali ritong makahanap ng mga impormasyon kapag high ranking o high-profiled ang gustong ipatrabaho ng kliyente."Ma'am, dederetso na po tayo sa ospital?" tanong ni Tere."Yes."Humiwalay sa dalawa si Jaston dahil may ibang pinapalakad dito ang dalaga."Sa tingin ko po magiging maayos na ngayon ang AbTv sa bagong managing director dahil mukha naman siyang may mabuting kalooban. And he knows how to appreciate people helping him," saad ni Tere nang nasa loob na sila ng kotse."I made a background check, and he's really a nice man."Kalahating oras lang ang naging biyahe patungo sa ospital na pagsasagawaan
"YAYA, bakit po tayo nandito?""Hinihintay natin ang pamilya mo.""Kasama po ba nila si Daddy? Hindi ko kasi siya nakita sa kuwarto niya.""Lumabas ka na naman nang hindi ko alam?""I just want to play with him.""Ang tigas talaga ng ulo mo!""Yaya, huwag ka na pong magalit."Masuyo na lang na sinuklay ng mga daliri ni Erin ang buhok ng bata. Gan'on naman ang ginagawa niya kapag nilalambing ito o ipinaunawa rito na mahal niya ito kahit sinusuway nito ang kanyang mga utos at bilin."Yaya, nasaan po si Daddy?"Mula sa pagkakaupo sa tagong sulok sa itaas ng hagdan ay napatingin si Erin sa ibaba ng palapag ng bahay. Tanaw roon ang pangunahing entrada maging ang malawak na living area.Kanina pa siya matiyagang naghihintay ng balita tungkol sa kalagayan ni Jerry. Alam niyang malala ang pagkakahulog nito sa hagdan dahil sa nakita niyang dugo na umagas dito. Pero dalangin niyang sana ay makaligtas ito."Yaya, I want to see Daddy."Bumalik ang tingin ni Erin kay Amberlyn. Hindi niya pa nasasa
HALOS hindi na umabot si Jamilla sa pinto ng penthouse. Mula pa lang sa ospital hanggang sasakyan at pauwi, nakakaramdam na siya ng panghihina.Meeting with Delda Ancheta drains her strength. Para kasing may mali sa mga paliwanag nito. May sinasabi itong hindi kapani-paniwala. At rila may gusto itong ilihim.Agad na ibinagsak ni Jamilla ang sarili sa mahabang sofa nang makapasok siya sa loob ng penthouse. Pumikit siya. At saka muling binalikan sa isip ang paghaharap nila ng dati niyang doktora.That day, on the way to the hospital, she was in preterm labour. Pero nagkataong walang bakanteng operating room nang araw na iyon. At wala ring doktor dahil sa mass road accident.Ramdam niya ang paglaban ng kanyang anak sa kamatayan kahit inagasan siya noon ng maraming dugo. Pareho nilang pinatatag at pinalakas ang isa't isa.When she's about to give birth, Delda was approachable. Mabait ito. Kaya nga hindi naging mahirap sa kanya na malagpasan ang sakit ng panganganak.Nang magising siya, gu
"TAHAN na, tahan na.""I want to see my Daddy!""Hindi pa nga puwede kasi nasa ospital pa siya," patuloy na pag-aalo ni Erin sa umiiyak na alaga."But children can go also to the hospital!""Oo, pero hindi papayag ang pamilya mo na pumunta tayo roon.""Bakit po?""Uhm..." Nag-isip siya ng idadahilan, "Baka kasi magkasakit ka rin.""No, Yaya. I'm strong. Please? I want to see my Daddy.""Amber -""Ano bang ingay rito, ha?"Parehong napapitlag sina Amberlyn at Erin nang dumating si Miguel. Halatang lasing ito.Nasa sala ang dalawa at hindi nila inaasahang darating ng maaga ang ginoo.Madalas hatinggabi o madaling-araw na ang buong pamilya umuuwi dahil kaliwa't kanan ang mga party na dinadaluhan ng mga ito. Pero iyon ay noong may DBK at Fab & Style pa.Baka lagi nang umuwi ng maaga ang mag-asawa. At delikado na ang alaga niya ang pagbuntunan ng galit ng mga ito."Lolo..." Lumapit ito sa matanda, "Where's Daddy?""Ikaw!" Hinablot nito sa damit ang apo, "Ikaw ang nagdala ng kamalasan sa bu
NAMIMIGAT pa ang talukap ng kanyang mga mata. Ang gusto niya ay manatiling tulog upang wala siyang maalala at wala siyang iisipin. Pero ang haplod ng mainit na palad sa pisngi niya ay nag-iimbita sa kanyang kamalayan na gumising. She is longing for that touch since she felt it for the first time. Tila ang dantay niyon ay pumapawi sa mga problema't alalahanin niya sa buhay.Nang dumilat si Jamilla, ngumiti siya sa taong nagbibigay lagi ng kaligtasan at kasiyahan sa kanya. Without this man, she can't be on her own. Ito ang lakas niya, noon at ngayon."How are you?""Jordan.""You sleep like a princess.""Are you my Prince Charming who wakes me up from my deep sleep?"Nakangiting tumango si Jordan. "There's no witch around, so I easily found my way here.""Mabuti naman at hindi ka nahirapan. But for sure, pinagsawaan mo muna akong titigan."Ngumiti ulit ito. "May masakit ba sa 'yo? Do you feel better now?"Bumaba ang tingin ni Jamilla sa kumot na nakatabing sa kanyang katawan. At napamu
"NAKIKITA mo ba ang taong 'yon?"Sinundan naman ng tingin ni Amberlyn ang itinuro ng ina at saka tumango nang matanaw sa unahan ang isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa malawak na karagatan."Ibigay mo ito sa kanya..."Nabaling ang mga mata ng bata sa singsing na iniangat ng ina sa harapan nito. "Are you going to marry him?"Buong paglalambing na ginulo ni Jamilla ang buhok ng anak. "You're really smart.""Ibig pong sabihin magiging daddy number two ko na siya?""He's going to be the best daddy in the whole world." Napansin ni Jamilla ang lumarawang lungkot sa mukha ng anak. "Why?""Daddy number one is still my best daddy from Pluto to Earth."Napipilan si Jamilla."Mommy?""Hmm?""Mommy has Daddy number two. Tito Gener has Tita Money. Me, I have Angel and Yaya Erin. But Daddy Jerry has no one."Muling natigilan si Jamilla. Hindi niya inilihim sa anak ang mga nangyari lalo na sa pamilya ng ama nito."Mommy, I want to live with Daddy.""Baby..." Iniharap niya ang anak sa kany
"MOMMY, I'm so happy today. Can we do this again?"Nakangiting sinulyapan ni Jamilla ang anak matapos maupo sa harapan ng manibela. "Sure, anak. Gagawin natin lahat nang makapagpapasaya sa 'yo.""Yeheyyy!" Natutuwa nitong itinaas ang yakap-yakap na manika. "Did you hear that, Angel? She's the best mommy in the world!"Pinaandar na ni Jamilla ang kotse. Nagsisimula na siyang bumawi sa ilang taon na nawala sa kanila ng anak. Pero mas makukumpleto ang kaligayahan niya kung masasabi na niya rito ang buong katotohanan sa relasyon nilang dalawa. At isasakatuparan na niya ang pagtatapat sa araw na iyon."Mommy, where are we going now?""Gutom ka na ba?""Opo.""Then, let's eat first.""You're also hungry, Angel?" Hinawakan nito sa ulo ang manika at pinatango. "We really are sisters."Inunat ni Jamilla ang braso at masuyong hinaplos ang pisngi ng anak. "I love you, baby.""I love you more, Mommy."Mula sa Enchanted Kingdom ay dumiretso ang dalaga sa Paseo de Santa Rosa. Noong isang araw pa si
"PUMUNTA ka sa mga tita at tito mo sa Amerika. Alam ko na hindi ka nila pababayaan doon.""No," salungat ni Jerry sa suhestiyon ng ina. "I want to stay here para lagi ko kayong madadalaw.""Forget about us."Napatingin si Jerry sa ama. "Dad, what are you saying?""Kalimutan mo nang may mga magulang kang tulad namin. Go on with your own life. Huwag mo lang uling tatahakin ang daan na nagdala sa amin sa buhay na ito."Pinatatag ni Jerry ang kanyang sarili kahit nakakaramdam siya ng awa sa ama't ina.Hindi man lamang pumasok sa isip niya minsan na makikita ang mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.Nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sina Miguel at Amelita sa kasong murder, arson at kidnapping. No bail and parole. Sa loob ng selda na nila gugugulin ang ilang taon na natitira na lang sa kanilang buhay."Hindi ako naging mabuting anak. I'm sorry.""No." Ginagap ng ginang ang kamay ni Jerry, "Wala kang dapat na sisihin kundi kami ng papa mo. Pero tadaan mo lang lagi na hindi mababago
MABILIS ang naging usad ng pagdinig sa patong-patong na mga kasong isinampa sa pamilya Villar.Malakas ang nakalap na mga ebidensiya ni Gener. Idinawit nito ang mga dating opisyal at katrabaho na sangkot sa tampering ng Angeles Murder case.Mas lumakas pa ang pagdidiin ng kampo ni Jamilla sa pamilya Villar dahil sa CCTV footage na nakuha sa mismong Red Intel Manila na sinuportahan ng testimonya ni Aurora Pulatis.Isa sa mabigat na kaso na kinaharap nina Miguel at Amelita ay kidnapping. Tumayo bilang testigo sina Dra. Delda Ancheta at Zeraida Capisano.Natanggalan ng lisensiya ang direktor ng Miracle Hope na tumulong sa pag-kidnap kay Amberlyn at pinatawan ito ng pitong taon na pagkakabilanggo.Dumagdag ang kasong child abuse na nagdiin kay Corrie nang akusahan ito ni Erin ng labis na pagmamaltrato sa hindi naman pala nito anak. Sampung taon na sentensiya ang iginawad dito ng hurado at sampung taon naman sa naudlot na plano nitong pagtakas sa batas kasama ang kalaguyo nitong pulis.Mad
"KUKUHA lang ako ng mainit na tubig. Huwag kang lalabas ng silid, ha?"Hinawakan ni Amberlyn sa ulo ang nilalarong manika at pinatango iyon. "Opo," tugon niya sa maliit na tinig."Promise?"Muli niyang pinagalaw ang ulo ni Angel. "Promise, Tita Tere. I will be a good girl.""Okay. Babalik agad ako."Sinundan ng pagbangon ni Amberlyn sa higaan ang paglapat ng isinarang pinto ni Tere."Angel, ikaw ang nangako sa kanya kaya huwag na huwag kang lalabas ng silid.""Let's play and happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ni Amberlyn ang tiyan nito."Okay. Let's play and be happy when I come back. Sandali lang ako." Inihiga ni Amberlyn sa kama ang manika. "Miss ko na kasi si Yaya Erin kaya sisilipin ko lang siya.""Let's play and be happy!""I'll be back."Pinakiramdaman muna ni Amberlyn ang likod ng pinto bago marahang pinihit ang seradura at sumilip sa maliit na nilikhang siwang niyon. Natutulog sa hilera ng mga upuan ang dalawang bantay habang ang isang gising ay nakalikod at abala nama
"KAYA mo na ba uli silang harapin?""Kakayanin ko," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Jordan. "I've been waiting for this day.""Kung sigurado ka na at handa ka na, then go ahead. I'll be right here."Nag-iwan muna nang huling sulyap si Jamilla sa mga taong naroon sa loob ng interrogation room bago siya humakbang patungo sa pinto ng extension room.Sandali munang nakipagtitigan ang dalaga sa seradura at saka unti-unti 'yong pinihit.Marahan na tinapik ni Jordan sa balikat ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng control panel kung saan nakakonekta iyon sa loob ng silid na napapagitnaan lang ng malapad na kuwadradong one-way glass wall. "Please, start."Tumalima naman agad ang operator na pansamantalang tinanggal ang audio at video sa interrogation room.Wala mang naririnig na tinig o ingay sa labas, malinaw na malinaw naman na nakikita ni Jordan sa loob ng silid ang iisang reaksyon sa mukha ng pamilya Villar nang pumasok na roon si Jamilla."Masaya ka na ba?" asik na salubong ni C
PALIPAT-LIPAT ang tingin ng immigration officer sa hawak na passport at may-ari niyon na makikita sa window glass ang nakalarawang iritasyon sa mukha."What took you so long?" asik ni Corrie. "Baguhan ka lang ba rito?""No. I've been here for more than twenty years.""Then you should retire! Ang bagal mo!"The man smirked. Tumango-tango rin ito at lalo pang binagalan ang pagkilos. "I'm really planning. At magiging memorable pa yata ang retirement year ko.""I don't have time for chit-chat, okay? Do your job. Sayang ang pinapasahod sa 'yo ng gobyerno.""Why such in a hurry, Mrs. Corrie Han Villar?""Gosh! You're annoying! Bilisan mo riyan!""Hindi mo puwedeng apurahin ang immigration officer. May sinusunod kaming protocol dito para sa checking and verification ng mga documents. But if you're really in a hurry, may kilala ka ba rito sa loob na puwedeng makatulong sa 'yo?"Lumapit na si Amelita mula sa likuran ng yellow line dahil sa tagal ni Corrie. Narinig na rin niya ang malakas niton
"MUM, stop it."Sandaling natigil sa pagtitipa ng mensahe sa cellphone si Amelita. Sinulyapan nito ang anak.Magkakasama sa mahabang police patrol vehicle ang buong pamilya. Naroon din si Monette. Nakahiwalay lang sa kanila sina Lodi, Baldo at Edna."Don't try to stop me." Sumulyap ito sa mga kasamang pulis. "Gusto mo ba na makulong, ha?""We've been free for too long..." Pinilit ni Jerry na makapagsalita. He's still weak, but he has to voice out his sentiments that his been keeping it deep within his broken heart. "Dapat nga noon pa natin pinagbayaran lahat nang mga kasalanan natin."Maraming dahilan kaya pakiramdam niya ay durog na durog ang puso niya. He's an unworthy man, a worthless father, not a so-good husband and son.Minsan hindi niya maiwasan na hilinging hindi na lang sana siya nakaligtas noong gabing maaksidente siya. Because living is pointless anymore."We did nothing wrong!" madiing saad ni Amelita. "Ang babae na iyon ang dahilan kaya nandito tayo sa sitwasyon na ito! I
"DOC, anong nangyari? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang anak ko?"Lumipas na ang mahigit apat na oras na sinabi ng doktor na dapat ay bumalik na ang malay ni Amberlyn, pero nagpalit na ang bagong araw ay nanatili pa rin itong tulog. Hindi man lang ito nagbibigay ng senyales kahit ang dumikat kahit saglit."Normal na ang kanyang mga vital signs. There is no indication of any infection or side effects and even the postoperative complication. We're confused, too.""No explanation at all? It can't be," wika ni Jamilla nang naiiling habang puno ng pag-aalala. "There might be something wrong with her.""Did your child have any traumatic experience?"Napakunot ng noo si Jamilla. "Why?""During her operation, I noticed some old scars from her body. And some are deep na para bang galit na galit ang sinumang tao na gumawa niyon."Napahagulhol si Jamilla."Who did it?"Umiling si Jamilla. "Not me. But someone who is evil!" saad niya na puno ng galit sa pagkakaalala kay Corrie