"Hindi ka ba masaya sa nilalaro natin, Trina?" Tanong ng batang si Marco kay Trina habang nakabusangot ito at halos hindi maipinta ang mukha.
"Sa tingin n'yo matutuwa ako? Eh, puro toy car, spiderman, at superman ang nilalaro niyo. Lahat pang lalaki! Kayo kaya ang maglaro ng Barbie doll 'di ba hindi rin kayo matutuwa!" Yamot na sabi ni Trina sa dalawang batang lalaki na kalaro niya.
"Ano pala ang gusto mong laro?" Masungit na sagot naman ng batang si Franco habang nililigpit nito ang mga laruan nila at binabalik sa box.
"Malamang! Iyong lahat tayo nag-eenjoy hindi iyong kayo lang!" inis na saad ni Trina.
"Ganito na lang, akin na 'yang hawak mong Barbie doll." Sabi naman ni Marco at kinuha rin niya sa kanyang tabi ang laruan nitong si Superman.
"Kunwari'y may kasalan. Sina Barbie doll at Superman ang ikakasal. Tapos, ikaw naman Franco kunwari ang Pari." Masiglang sabi ng batang si Marco.
"Ano ba 'yan! Ang boring naman ng larong gusto niyo!" kakamot-kamot sa kanyang ulo na sabi ng batang si, Franco.
"Sige na Franco, 'wag ka nang kill joy." Nakangiting saad naman ni Marco.
"Sige na nga," Sabi ni Franco na halatang napipilitan lang.
Habang pinaglalakad nila ng dahan-dahan ang kanilang mga laruan ay siya namang kanta ni Franco ng pang kasal. Natatawa pa si Katrina dahil hindi mabigkas ni Franco ang kinakanta nito.
Nang makarating na sila sa harap ni Franco na siyang kunwaring pari ay saka nila pinaupo ang mga laruan sa may damuhan at pinaharap ito sa kaniya.
"Ikaw Trina, tinatanggap-"
"Sandali lang," putol ng batang si Trina sa sasabihin ni Franco. "Bakit pangalan ko? Dapat Barbie na lang ang binigkas mo kasi sila naman ang kinakasal." Reklamo ng batang si Trina na nakanguso pa.
"Huwag ka nang magreklamo, Trina, naglalaro lang naman tayo eh," sabi naman ni Marco na kumakamot sa ulo. Nainis siguro dahil nabitin sa akmang pagsasalita ng kunwaring Pari nila.
"Sige na nga," inis na sabi ni Trina.
"Ikaw Trina, tinatanggap mo ba si Marco na maging kabiyak sa hirap at ginhawa-" huminto si Franco at napakamot sa ulo dahil nakalimutan niya ang susunod na sasabihin.
"Ano nga ang kasunod? Nakalimutan ko," tumatawang sabi niya.
"Ewan ko sa 'yo. Dito ka na nga at ako na lang ang Pari." Inis na sabi ni Marco.
Umiiling-iling naman si Franco habang umaalis sa harapan at pumalit sa pwesto ni Marco.
Nang magkapalit na sila ay siya naman pinagpatuloy ni Marco ang sasabihin sana ni Franco.
"Do you Franco, take this woman to be your lawfully wedded wife, to love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health, in sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?" Saad ni Marco.
"Sandali lang, bakit naging English na? Wala man lang akong naintindihan kahit isang salita." Reklamo ng batang si Trina habang salubong ang mga kilay nitong pilit na iniintindi pa rin ang mga salitang binigkas ni Marco.
"Hay naku! Patapusin niyo muna kaya ako?" Naiinis nang sabi ni Marco. "Kanina ka pa panay reklamo, Trina."
"Oo nga, Marco, saan mo narinig iyan sinabi mo ngayon?" Si Franco naman ang nagsalita.
"Isa ka pa. Itutuloy pa ba natin ito o hindi na?"
"Nagtatanong lang naman kami. Kung ayaw mong sagutin, eh 'di wag!" Sabi ni Trina na umirap pa at tumagilid sa kanilang dalawa.
Napakamot si Marco sa kanyang ulo at ngumiti nang pilit.
"Kay Nanay Celia. Nadatnan ko kasi siya isang beses sa sala na sumisinghot at umiiyak. Akala ko kung napano na siya. Tatanungin ko sana kung ayos lang ba siya, pero nang lapitan ko siya, nanonood lang pala ng kdrama. At ang pinapanood niya ay kinakasal ang bidang lalaki at babae. Doon ko narinig iyang sinabi ko ngayon sa paring nagkakasal sa kanila." Paliwanag niya, humihingal pa ito sa haba ng kanyang sinabi.
"Nanonood ba si Inay ng kdrama?" Tanong ni Trina nang bigkasin ni Marco ang pangalan ng kanyang Ina.
"Oo, adik kaya ni Nanay Celia sa kdrama." Tumatawang sabi ni Marco.
"At saka ano pala iyong kdrama?" Tumatawang sabi ni Trina. Hindi pa kasi niya alam iyon lalo na't nasa murang edad pa lang sila.
"Ang pagkakaalam ko mga palabas iyon sa Korea. Ewan ko lang kung tama ba ako, kasi iyon lang din ang nakikita ko kapag nanonood si Nanay Celia." Sabi ni Marco
"Nakikinood ka pala kung ganu'n?" Sabi naman ni Franco na halatang tinutukso si Marco.
"Hindi 'no! Umayos na kayong dalawa at ipagpatuloy na natin ang laro." Saad ulit ni Marco at muling nagsalita. Inulit niya ang kanyang sinabi kanina at ngayon naman ay kay Trina niya iyon sinabi.
"Dahil mag-asawa na kayo ay pwede mo nang halikan ang iyong asawa, Franco." Nakangiting sabi ni Marco.
Nilapit naman ni Trina ang kanyang Barbie doll kay Superman upang bigyan ng halik sa pisngi.
"Bakit si Barbie doll ang pinapahalikan mo, Trina?" Sabi ng kunwaring pari na si Marco.
"Bakit? Eh, sila naman ang kinasal ah, hindi naman kami ni, Franco." Inosenteng sabi ni Trina.
"Sila Barbie doll lang ang kinasal pero pangalan niyo ang ginamit. You may now kiss the bride, Franco." Sabi ulit ni Marco na may pilyong ngiti sa labi.
Hinalikan naman ni Franco si Trina sa pisngi.
"Yiee! May first kiss ka na." Biro ni Marco kay Trina na agad naman pinamulahan ng mukha.
"Laro lang iyon 'no!" Irap ni Trina, habang nakangiti lang din si Franco sa pang-aasar ni Marco.
"Pero bakit namumula ka? Siguro may crush ka kay Franco 'no?" Muling pang-aasar ni Marco.
"Hoy! Ang bata ko pa para magka-crush 'no. 'Tsaka kung mag ka-crush man ako hindi sa kanya. Ang sungit kaya niyan kalaro." Irap naman ni Trina sa kanila.
"Parang ang bait mo ah," irap naman ni Franco sa kaniya.
"Kung ayaw mo pala kay Franco, eh sino ang gusto mo? Iyong palaboy diyan sa may kalsada na lagi mong binibigyan ng pagkain?" Nakangiting sabi naman ni Marco.
"Hindi ah, pero papipiliin ako, mas gusto ko pa iyon kaysa kay Franco. At least iyon mabait, eh siya," sabi ni Trina na nakanguso kay, Franco. "Pikon na, hindi pa marunong ngumiti. Lalo tuloy siyang nagmumukha pangit." Inis na bigkas ni Trina.
"Ako pa ang pangit? Ikaw nga diyan takot sa tubig. Hindi naliligo kaya mabantot." Sagot naman ni Franco sa kanya.
"At least ako inaamin kong takot ako sa tubig. At kahit takot ako sa tubig naliligo pa rin ako hindi katulad mo, mas mabango pa yata iyong batang lansangan kaysa sa iyo." irap naman ni Trina.
Samantalang palipat-lipat lang ng tingin sa kanila si Marco habang tumatawa sa asaran ng dalawa.
"Bahala na nga kayong dalawa diyan." Inis na sabi ni Trina. Dinampot na nito ang kanyang mga laruan at iniwan ang dalawang nakatingin na lang sa kanyang paglayo.
"Ikaw kasi pinatulan mo pa. Parang hindi mo kilala si Trina, hindi iyon nagpapatalo." sabi ni Marco.
"Bahala siya sa buhay niya." Maikling sabi lang ni Franco at tumayo na rin.
"Hoy! Saan ka pupunta?" habol sa kanya ni Marco habang bitbit niya ang kanilang mga laruan.
"Uuwi na, baka hanapin tayo ni Mom and Dad." Saad ni Franco.
Si Trina ay nasa walong edad habang parehong onse anyos naman ang kambal na sina Marco at Franco. Naging magkaibigan sila kahit na malayo ang agwat ng kanilang pamumuhay. Ang kambal ay mga haciendero samantalang si Trina ay isang hamak na anak ng isang mayordoma sa mansion ng mga De Hermosa. Pero hindi naging hadlang ang katayuan nila sa buhay para paglayuin sila ng panahon. Ang Don at Donya na magulang ng kambal ay may mabuting puso lalo na sa mahihirap. Hindi iyon lingid sa lahat lalo na't saksi sila kung gaano kabuti ang kalooban ng mga ito.
Sabay nang naglakad ang dalawa pauwi sa kanilang bahay bitbit ang mga laruan.
Nasa pintuan pa lang ay bumungad na sa kanila ang dalawang doctor. Nagtaka sila kung bakit may doctor sa kanilang bahay. Mabilis silang umakyat at narinig nila ang boses ng kanilang Ama na umiiyak.
Binuksa nila ang pinto kung saan nila narinig ang boses ng kanilang Ama.
"Mom..." Sabay nilang bigkas sa mahinang boses. Parehong naglaglagan ang mga laruan sa kanilang kamay dahil sa nasaksihan.
Kalong ng kanilang Ama ang ina nilang wala nang buhay. Pareho silang natulala at walang masabi. Tanging pagluha lang ang kanilang magawa. Dahan-dahan silang lumapit sa kaniang Ama at tahimik na umupo sa tabi. Niyakap sila ng mahigpit ng kanilang Ama habang umiiyak ito. Ayaw nilang magtanong sa kanilang ama dahil ramdam nila sa mga oras na iyon ang sakit. Wala rin silang kaalam-alam sa sitwasyon ng kanilang Ina dahil walang bakas ng sakit sa maganda nitong mukha. Hindi nila alam na may sakit ba ito o wala dahil lagi nilang nakikitang masigla at masaya ang kanilang Ina. Sa murang edad ay nawalan sila ng Ina. Ina na mapagmahal, maaalalahanin at higit sa lahat, Ina na kahit saang dako ng mundo ay alam nilang walang katulad.
20 YEARS LATER"Katrina, gumising ka na diyan. Ano'ng oras na nakabulagta ka pa rin." Sigaw ni Nanay sa akin. Ang pagkakaalam ko ay nasa loob siya ng kusina dahil naririnig ko ang mga bagay na kumakalabog sa loob.Uminat-inat ako at bumangon na dahil baka hampasin pa ako ni Inay ng kalderong nangingitim na ang puwetan. Halos magkalapit lang ang kwartong tinutulugan namin ng bunso kong kapatid sa kusina kung kaya't pati munting ingay ay naririnig ko. Dahil na rin siguro nakasara ang pintuan ng kwarto ko, kung kaya naman sumisigaw na si Nanay sa pagtawag ng aking pangalan. Maliit lang ang bahay namin. Sementado, pero kasya lang sa aming magpamilya. Dalawa lang kaming magkapatid. Lalaki ang bunso na nag-aaral pa sa high school samantalang graduating naman na ako sa kolehiyo sa kursong bussiness administration. Bata pa lang ako, pangarap ko nang makapagtrabaho sa mga malalaking kompanya kaya naman todo effort akong makapagtapos sa pag-aaral kahit na hirap sa buhay. Minsan pumapasok rin a
"Ate Tinay, na saan ka?" Sigaw ng kapatid kong si Miko pagpasok niya sa loob ng aming bahay. Naririndi ako sa kaniyang pagsigaw lalo na ang pagbigkas niya ng aking palayaw.Nasa loob ako ng aming kwarto, inaayos ko ang mga gamit kong nakakalat sa ibabaw ng mesa. Katatapos ko lang din kasing gumawa ng aming project. Ramdam ko pa ang pangangalay ng batok ko dahil inabot na yata ako ng apat na oras bago matapos.Pagkatapos ko sa kwarto maglinis ay lumabas naman ako sa sala. Kanina pa ako paikot-ikot sa aming bahay at nag-aayos ng kung anu-ano para lang hindi ako dalawin ng pagkabagot. Nang marinig ko ang boses ng aking kapatid ay lumabas akong nakataas ang aking kilay at naka-pameywang sa harap ng pinto."Hindi ba't sinabihan na kita na 'wag mo akong tawaging 'Tinay'. Pwede naman Ate Trina, Ate Kat, o Ate Reign, huwag lang Ate Tinay dahil para akong nabibingi sa tuwing binibigkas mo 'yan." Yamot kong sabi sa aking kapatid. Naiinis ako, sa dinami-rami ng palayaw na pwedeng makuha sa panga
"Bessy, totoo bang uuwi na sila Don Ignacio?" Sabi ni Christine habang patuloy pa rin ito sa pagnguya ng prutas."Iyan ba ng pinunta mo rito ang makitsismis? Kahit kailan talaga napakatsismosa mo. Saan lupalop mo naman narinig iyang balita?" sabi ko kahit na alam ko naman talagang uuwi na sila Don Ignacio rito sa Pilipinas."Eh, saan pa nga ba 'di sa mga kumare ni mama na mga tsismosa. Alam mo naman sa karinderya kapag nagkumpulan na iyan sila, alam mo na kung ano'ng meron. Eh, dakilang Marites ba naman si Aling Bechay walang preno ang bunganga." mahabang sabi ni Christine."Wala ka naman pinagkaiba sa kanila. Tsismosa ka rin kahit kailan.""Hoy! Ang hard mo sa akin ah," sabi niyang naka-pout pa ang labi."Bakit totoo naman 'di ba? Paano mo malalaman na uuwi na sila Don Ignacio kung hindi mo narinig ang pinag-usapan nila? Eh, 'di ba nakinig ka sa usapan ng mga tsismosa niyong kapitbahay. Once a tsismosa always a tsismosa." nakataas kilay kong sabi."Ang sakit mo magsalita ah, para kan
"Isang buwan na lang ga-graduate ka na, Katrina." kausap ko ang aking sarili habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Bumuntong hininga pa ako at napatingala sa ulap na kulay asul. "Iba talaga kapag pinanganak ka ng mahirap. Makakaraos din tayo, Inay, Itay," muli kong sambit. Inayos ko ang aking bag at mabilis nang naglakad. Tumakbo ako nang makita kong mapupuno na ang jeep na ba-biyahe papunta sa aming bayan. Kung sa isang nakapila na jeep pa kasi ako sasakay baka abutin ako ng ilang minuto bago mapuno. Minsan, hindi sa school ako nai-stress, kung 'di sa biyahe, mainit na malayo pa. Malayo rin kasi ang pinapasukan ko abot din ng isang oras mabuti sana kung kasama ko palagi si Kristine. Minsan kasi sinusundo at hinahatid siya ng kaniyang Papa gamit ang kanilang motor. Nakakatanggal din kasi ng pagod kapag may kasama kang kaibigan na minsan joker minsan may aning-aning. "Sorry po, Kuya," hinging paumanhin ko sa lalaking nabangga ko ang braso dahil sa pagmamadali kong makasakay. B
Pagdating ni Nanay sa bahay ay bumungad sa akin ang napakalawak niyang ngiti. Hindi kasi siya magkandaugaga sa kaniyang mga dala. Naroon sa kabila ang isang basket na may iba-ibang imported na laman, katulad na lamang ng pabango, shampoo, lotion, sabon, toothpaste at iba pa. Sa kabilang basket naman ay mga imported na pagkain tulad ng de lata, chocolate, gatas, at mga junk foods."Tulungan mo nga akong bata ka, nakatingin ka lang sa akin na para bang nakakita ka ng multo." ani niyang hingal na ang boses."Bakit ba naman kasi pagkadami-rami ng bitbit mo, 'Nay? Para kang nag-grocery sa kabilang bayan." Sabi ko habang nilalapag sa mesa ang kaniyang mga dala."Binigay ito ni Don Ignacio. Ayaw ko ngang tanggapin, siya lang ang nagpumilit. Hinatid din naman ako rito ng driver nila kaya hindi ako napagod sa pagbitbit." ani ni Nanay na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi. Minsan lang kasi kami mag-grocery, tuwing sumasahod lang sila sa hacienda kaya naman malaking bagay na ang mga natanggap
Medyo may kalayuan ang bahay namin sa mansion pero hindi ako natatakot magkalad kahit na dumidilim na ang kalangitan. Wala naman kasi akong nadadaanan na malalagong damo o mga puno dahil mga magagandang halaman lang ang tangi kong nakikita. Napakatahimik at ang tanging naririnig ko lang ay ang huni ng mga ibon. Huminto ako saglit sa may kumpol ng naggagandahang puting rosas at kumuha roon ng isang bulaklak. Inipit ko ito sa aking tenga at saka pinagpatuloy ang aking paglalakad. Pasipol-sipol pa ako habang sinasamyo ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat. Napakasariwa ng hangin na nanggagaling sa mga puno at halaman, walang bahid ng usok na nanggagaling sa mga sasakyan sa syudad.Natatanaw ko na ang munti namin bahay kaya nagmadali na akong naglakad. Ilang dipa na lang nang biglang may humawak sa aking balikat. Napasigaw ako sa gulat at biglang tumakbo. "Trina, sandali lang." Napahinto ako sa aking pagtakbo dahil kilala ko ang boses na nanggagaling sa aking likuran."Kanina
"Ano'ng pakaway-kaway na iyon, Ate Trina?" Nagulat ako kay Miko na biglang pumasok sa loob ng bahay na wala man lang ingay. Nagulat ako at kamuntik ko pang ibato ang hawak kong remote sa kaniya. Ang ganda pa naman ng pinapanood ko na kdrama. Nawala tuloy ang focus ko sa panonood."Bakit ka ba sumusulpot na lang nang basta-basta? Paano kung mainit na tubig ang hawak ko at bigla kong naibuhos sa iyo, eh 'di sana laptos na iyang balat mo!" inis kong sabi sa kaniya."Huwag mong ibahin ang usapan, Ate Trina." sabi ulit nito na parang nang-iinis pa ang ngiti at muling inulit ang kaniyang tanong."Bakit? May kakaiba ka bang nakita sa pagkaway ko? May malisya na naman ba diyan sa utak mo?" "Bakit ka ba nagagalit? Nagtatanong lang ang tao. Masyado ka naman defensive." sabi ni Miko na may nakakalokong ngiti sa labi."Umalis ka na sa harapan ko Miko, habang hindi pa kumukulo ang dugo ko. Baka hindi mo maguhustuhan ang gagawin ko sa iyo." inis kong sabi habang nakatutok sa kaniyang harapan ang h
Malapit na kami sa sakayan ng jeep nang bumaba ang pamilyar na pigura sa loob ng itim na kotse. Hinila ko si Christine na nagtatanong ang itsura. Aakyat na sana kami sa jeep nang tawagin ako ni Marco. Hindi ako lumingon pero ang kaibigan kong matalas ang pandinig ang lumingon sa aming likod na kung saan nakatayo roon si Marco."Bessy may tumawag sa iyong gwapo." kinikilig nitong sabi. Hindi pa kasi nito kilala si Marco kaya naman ganu'n na lang siya mag-react."Huwag ka ngang assume-ra. Baka kapangalan ko lang iyon." sabi kong hindi pa rin lumilingon sa aking likod."Hindi eh, ikaw talaga iyon. At saka dito siya nakatingin sa atin. Andiyan na siya, Bessy, palapit na siya sa atin!" ani ni Christine na andu'n pa rin ang kilig. Para itong sinisilihan sa pwet dahil sa kilig. Hindi ko siya pinakinggan. Humakbang ako palayo at aakyat na sana sa jeep pero ang bruha kong kaibigan, hinila ako pabalik. "Ayy, kalabaw ka! Kaya pala puro ka hindi kasi nakatalikod ka sa akin. Sino ba ang tinitign

"Hindi ka ba masaya sa nilalaro natin, Trina?" Tanong ng batang si Marco kay Trina habang nakabusangot ito at halos hindi maipinta ang mukha."Sa tingin n'yo matutuwa ako? Eh, puro toy car, spiderman, at superman ang nilalaro niyo. Lahat pang lalaki! Kayo kaya ang maglaro ng Barbie doll 'di ba hindi rin kayo matutuwa!" Yamot na sabi ni Trina sa dalawang batang lalaki na kalaro niya."Ano pala ang gusto mong laro?" Masungit na sagot naman ng batang si Franco habang nililigpit nito ang mga laruan nila at binabalik sa box."Malamang! Iyong lahat tayo nag-eenjoy hindi iyong kayo lang!" inis na saad ni Trina."Ganito na lang, akin na 'yang hawak mong Barbie doll." Sabi naman ni Marco at kinuha rin niya sa kanyang tabi ang laruan nitong si Superman. "Kunwari'y may kasalan. Sina Barbie doll at Superman ang ikakasal. Tapos, ikaw naman Franco kunwari ang Pari." Masiglang sabi ng batang si Marco."Ano ba 'yan! Ang boring naman ng larong gusto niyo!" kakamot-kamot sa kanyang ulo na sabi ng bata