Share

CHAPTER 3

Author: JessSkyla
last update Last Updated: 2023-04-22 01:53:51

"Ate Tinay, na saan ka?" Sigaw ng kapatid kong si Miko pagpasok niya sa loob ng aming bahay. Naririndi ako sa kaniyang pagsigaw lalo na ang pagbigkas niya ng aking palayaw.

Nasa loob ako ng aming kwarto, inaayos ko ang mga gamit kong nakakalat sa ibabaw ng mesa. Katatapos ko lang din kasing gumawa ng aming project. Ramdam ko pa ang pangangalay ng batok ko dahil inabot na yata ako ng apat na oras bago matapos.

Pagkatapos ko sa kwarto maglinis ay lumabas naman ako sa sala. Kanina pa ako paikot-ikot sa aming bahay at nag-aayos ng kung anu-ano para lang hindi ako dalawin ng pagkabagot. Nang marinig ko ang boses ng aking kapatid ay lumabas akong nakataas ang aking kilay at naka-pameywang sa harap ng pinto.

"Hindi ba't sinabihan na kita na 'wag mo akong tawaging 'Tinay'. Pwede naman Ate Trina, Ate Kat, o Ate Reign, huwag lang Ate Tinay dahil para akong nabibingi sa tuwing binibigkas mo 'yan." Yamot kong sabi sa aking kapatid. Naiinis ako, sa dinami-rami ng palayaw na pwedeng makuha sa pangalan ko, Tinay pa ang naisipan niyang sabihin. 

"Ano ba ang masama sa Tinay, Ate? Ang cute nga eh, para kang teenager." Sabi ni Miko na pinipilit ang sarili na hindi matawa.

"Ano'ng cute do'n? 'Tsaka pa'nong naging teenager 'yon? Eh, mukha ngang pang gurang!" Sabi kong tinampal pa sa braso ang aking kapatid dahil mukhang iniinis lang niya ako.

"Ewan ko sa 'yo, Ate Tinay!" Saad niyang diniinan pa ang aking pangalan. Tumatawa itong tumakbo palayo sa akin dahil alam niyang pipingutan ko siya. 

Umiiling na lang ako habang tumatawa nang tumatawa ang aking kapatid. Alam niya kasi na ayaw na ayaw ko sa aking palayaw kung kaya't iyon ang madalas niyang pang-asar sa akin. 

"Siya nga pala, Ate, pinauwi ito ni Itay sa akin galing hacienda," turo niya sa isang basket ng ibat-ibang klase ng prutas. May hinog na mangga, pinya, chico, lansones, at ang pinakapaborito ko sa lahat, ang durian. Para sa akin sobrang sarap no'n kahit na hindi kanais-nais ang amoy. Ganu'n naman minsan, kung ano pa ang mabaho siya pa ang masarap kainin. 

"Ate, kapag kumain ka ng durian, pwede ba sa ilog ka muna maglagi?" Sabi ni Miko. May ilog kasi na medyo may kalayuan sa amin malapit sa mansion ng mga De Hermosa. Minsan sumasakay pa kami sa kabayo ng kapatid ko para lang makapunta roon.

"Hindi ko kaya ang amoy niyan, baka kabagin ako." Nakangiwing saad pa niya.

Kabaliktaran ko naman ang aking kapatid. Kung gaano ko kagusto ang durian, siya namang pinakaayaw niya.

"Bahala ka sa buhay mo, hindi ako ang mag-a-adjust para sa 'yo 'no." Mataray kong sabi. "Pumunta ka muna sa hacienda ng mga De Hermosa kung ayaw mo ng amoy ng durian. Ang arte!" nakataas ang kilay kong sabi.

"Ang baho kaya niyan, mas mabango pa ang dighay ko." Naiinis din na sabi ni Miko.

"Kumuha ka ng bulak, spray-an mo ng pabango at isuksok mo diyan sa ilong mo kung ayaw mong amuyin!" Pang-aasar ko.

"Nakakatawa ka, Ate." Irap niyang sagot sa akin.

"Bakit mo pa kasi dinala iyan dito kung nababahuan ka? Bakit hindi mo na lang binigay sa mga trabahador sa hacienda?" inis kong sabi.

"Magagalit sa akin si Itay, pinadala talaga niya iyan sa akin kasi alam niyang paborito mo iyan." busangot na sagot ng aking kapatid.

Napangiti ako dahil sa pagiging maalalahanin ng aming Ama. "No choice ka pala dahil si Itay ang nagbigay niyan." natatawa kong sabi.

"Ganu'n na nga." irap naman ng aking kapatid.

Hindi ko na siya pinansin at nag-ayos na lang ako ng mga prutas sa mesa bago ko naisipang magluto ng ulam. Baka darating na rin kasi sila Inay. Masabon pa ako nang wala sa oras kapag nadatnan na wala pa rin pagkain. Hindi kasi sila kumakain sa mansion dahil malapit lang naman ang bahay namin. Lupa ng mga De Hermosa ang kinatatayuan ng bahay namin at mismong si Don Ignacio ang nag-suggest na do'n na lang itayo ang bahay na balak ipagawa ng aming Itay at ito na nga ang bahay na iyon. Napakabait ng Don, lalo na ang namayapa nitong asawa na si Donya Esmeralda. Wala kang masasabing hindi maganda sa pamilya De Hermosa dahil halos lahat ng mga magagandang katangian ay nasa kanila na.

Pakanta-kanta ako habang nililigpit ko ang mga prutas na dala ng aking kapatid. Pero bigla kong nabitawan ang hawak kong durian nang makarinig ako ng sigaw. Buti na lang at hindi iyon bumagsak sa aking paanan kung hindi ay baka lamog na at sugat-sugat ang aking paa sa dami ng tusok nito.

"Good morning, people of the world!" Sigaw iyon ni Christine, ang kaibigan kong minsan maganda, minsan may aning-aning.

"Ay, bilat mong walang hugas!" Gulat kong sabi.

"Ano ba 'yang bunganga mo, Mars! Masyadong mabantot ang pinagsasabi." Sabi niyang pinatirik pa ang mga mata.

"Ano na naman kaya ang ginagawa ng babaeng ito rito?" Kausap ko ang aking sarili.

"Oh, speaking of mabaho, may isa pang dumating." Biro ni Miko na nagbabalat ng chico. Ang lapad pa ng ngiti nito habang ngumunguya.

"Hoy! Sinong mabaho?" Nakapameywang na sabi ni Christine na nakaharap pa kay, Miko. Natatawa na lang ako dahil parang mga aso't pusa itong dalawa kapag nagkita.

"Iyong durian ni Ate Tinay, mabaho, parang ikaw malayo pa lang amoy ko na." Dinig kong sabi ni Miko.

"Bastos pala itong kapatid mo, Katrina. Hindi marunong gumalang sa matanda sa kanya. Malapit na ito sa akin." Sabi naman ni Christine.

"Paano naman kita gagalangin, eh mas isip bata ka pa sa akin." Natatawang sabi ni Miko. Ngumingiti na lang ako mag-isa habang pinapakinggan ang pagdedebate nilang dalawa.

Mabilis pa sa alas kwatrong lumapit si Christine kay Miko at piningot ang tenga ng aking kapatid. Tawa lang ako nang tawa sa kanila.

"Tama na Ate Christine, hindi na po mauulit." Sabi ni Miko na nakangiwi na sa sakit.

"Sa susunod 'wag mo akong sabihang mabaho at amoy durian dahil kahit mag-amuyan pa tayo ng kili-kili at tumira ka pa diyan ng sampung taon mas mabango pa rin ang kilikili ko sa 'yo. At sa susunod 'wag mo akong sabihan na isip bata dahil ikaw ang mas totoy pa lang. Naiintindihan mo?" Kunwaring galit na sabi ni Christine sa aking kapatid.

Natatawa ako sa itsura ni Christine dahil nakakagat pa ito sa kanyang labi habang pinagsasabihan ang aking kapatid. Nakikita ko tuloy ang itsura ni Nanay sa kanya tuwing pinapagalitan si Miko.

"Aray! Oo na, Ate Christine. Aray!" Sigaw ni Miko. 

"Ngayon magtanda ka na dahil kung hindi, hindi lang iyan ang aabutin mo!" Sabi naman ni Christine na pinapalaki pa ang mata. Pati tuloy butas ng kanyang ilong ay lumaki din sa kaniyang ginawa. 

"Matanda na ako. Mas matanda pa nga ako mag-isip kaysa sa 'yo. Tingnan mo nga ang itsura mo, mukha kang kulang sa buwan." Sabi naman ni Miko na nagpainis muli kay Christine.

"Aba't hindi ka talaga nadadala 'no? Dapat ang mga batang mala siling labuyo ang bunganga, tinatapalan ng graba sa bibig." Akmang hihilahin na naman sana ni Christine si Miko nang tumakbo ito nang mabilis. "Bumalik ka ditong bata ka!" Sigaw ni Christine nang makalayo na ang aking kapatid.

"Kung hindi lang malaki ang agwat niyo ng kapatid ko, baka kayong dalawa ang magkatuluyan." Natatawa kong sabi kay Christine. "Para kayong mga aso't pusa."

"Hoy! Katrina, child abuse naman 'yang sinasabi mo. 16 years old pa lang ang kapatid mo. May gatas pa iyan sa labi 'no. 'Tsaka hindi ako pumapatol sa patpatin. Ang gusto ko 'yong matigas na ang katawan, may pandesal at higit sa lahat, iyong malaki." Irap sa akin ni Christine. 

Natawa ako sa sinabi niyang malaki. Ewan ko ba sa babaeng ito, walang preno ang bunganga.

Pareho kami ng edad ni Christine. Magkaibigan na rin kami simula elementary hanggang college. Motto na yata namin ang 'kung na saan ang tae nando'n din ang bangaw' kaya naman nu'ng mag-college kami ay do'n din siya nag-enroll sa skwelahang in-enroll-an ko. 

"Bakit ka nga pala naparito?" Maya-maya'y tanong ko sa kanya. 

"Saan ba napadpad iyang utak mo, Trina? Higit kumulang isang oras, sampung minuto at limang segundo na ako rito 'tsaka ka pa lang magtatanong, hays!" Umiiling nitong sabi sabay pinipitik pa ang kamay niya sa hangin.

"Eh, kung sinagot mo na lang kaya ang tanong ko. Ang haba pa ng sinabi mo."

"Ano kasi, ahm..." Sabi ulit ni Christine na pinapungay pa ang mga mata. 

"Ano nga? Malapit na akong maubusan ng pasensya sa 'yo. Itatakwil na kita bilang kaibigan." Seryoso ang mukha kong nakatingin sa kanya. Pero pabiro lang iyon.

"Pwede ba akong kumain dito? Naubusan kasi kami ng ulam sa karinderya. Pinakyaw kasi nung foreman na mukhang hilaw lahat ng paninda, ni Mama." Nakangiting sabi ni Christine sa akin. Nagpa-cute pa ito na parang manikang kumukurap ang mata.

"Nagbibiro ka lang 'di ba?" Kunot noo kong sabi. Alam ko kasing palabiro itong si Christine kaya hindi ako naniniwala sa kanyang sinabi. 

"Mukha lang akong joker pero hindi ako nagbibiro." Seryosong sabi naman niya.

"Ewan ko sa 'yo, sige na umupo ka na diyan at sasandukan kita ng pagkain. Mukhang nalipasan ka na ng gutom." 

Tumawa naman siya sa aking sinabi at umupo na nga sa harap ng mesa. Magsasandok na sana ako ng kanin nang muli siyang magsalita.

"It's a prank, friend." Tumatawa niyang sabi. "Nandito talaga ako dahil sa durian. Naamoy ko kasi hanggang sa bayan at dito ko natunton ang amoy. Pwede na bang buksan iyan?" Hirit pa niya.

"Puro ka kalokohan. Baka mag-away na naman kayo ni Miko dahil diyan. Ayaw na ayaw pa naman niya ng amoy ng durian."

"Ay, naku! Bahala siya sa buhay niya 'no. Dadating din ang araw na kakain siya nang mas mabaho pa sa durian." 

Natawa ako nang malakas sa sinabing iyon ni Christine. 

"Bakit ano pa ba ang mas mabaho sa durian?" Tanong ko.

"Panis na tahong." Sabi niya habang nagbabalat ng hinog na mangga. Ang seryoso pa ng mukha nito habang sumusubo no'n. 

Napaupo ako sa upuang plastik dahil hindi ko na nakayanan ang aking tawa. 

"Ewan ko na lang kung hindi pa siya kabagin kapag kumain ng panis na tahong. 'Yung walang hugas na tahong." Sabi ulit niya.

"Ewan ko sa 'yo, ang dami mong kalokohan." Sabi ko habang nagpupunas sa gilid ng aking mata. Naluha na ako sa katatawa sa kanya. Ewan ko ba kung bakit may kaibigan akong galing mental hospital. Mukhang na overdose yata sa gamot. 

Related chapters

  • HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO   CHAPTER 4

    "Bessy, totoo bang uuwi na sila Don Ignacio?" Sabi ni Christine habang patuloy pa rin ito sa pagnguya ng prutas."Iyan ba ng pinunta mo rito ang makitsismis? Kahit kailan talaga napakatsismosa mo. Saan lupalop mo naman narinig iyang balita?" sabi ko kahit na alam ko naman talagang uuwi na sila Don Ignacio rito sa Pilipinas."Eh, saan pa nga ba 'di sa mga kumare ni mama na mga tsismosa. Alam mo naman sa karinderya kapag nagkumpulan na iyan sila, alam mo na kung ano'ng meron. Eh, dakilang Marites ba naman si Aling Bechay walang preno ang bunganga." mahabang sabi ni Christine."Wala ka naman pinagkaiba sa kanila. Tsismosa ka rin kahit kailan.""Hoy! Ang hard mo sa akin ah," sabi niyang naka-pout pa ang labi."Bakit totoo naman 'di ba? Paano mo malalaman na uuwi na sila Don Ignacio kung hindi mo narinig ang pinag-usapan nila? Eh, 'di ba nakinig ka sa usapan ng mga tsismosa niyong kapitbahay. Once a tsismosa always a tsismosa." nakataas kilay kong sabi."Ang sakit mo magsalita ah, para kan

    Last Updated : 2023-04-22
  • HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO   CHAPTER 5

    "Isang buwan na lang ga-graduate ka na, Katrina." kausap ko ang aking sarili habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Bumuntong hininga pa ako at napatingala sa ulap na kulay asul. "Iba talaga kapag pinanganak ka ng mahirap. Makakaraos din tayo, Inay, Itay," muli kong sambit. Inayos ko ang aking bag at mabilis nang naglakad. Tumakbo ako nang makita kong mapupuno na ang jeep na ba-biyahe papunta sa aming bayan. Kung sa isang nakapila na jeep pa kasi ako sasakay baka abutin ako ng ilang minuto bago mapuno. Minsan, hindi sa school ako nai-stress, kung 'di sa biyahe, mainit na malayo pa. Malayo rin kasi ang pinapasukan ko abot din ng isang oras mabuti sana kung kasama ko palagi si Kristine. Minsan kasi sinusundo at hinahatid siya ng kaniyang Papa gamit ang kanilang motor. Nakakatanggal din kasi ng pagod kapag may kasama kang kaibigan na minsan joker minsan may aning-aning. "Sorry po, Kuya," hinging paumanhin ko sa lalaking nabangga ko ang braso dahil sa pagmamadali kong makasakay. B

    Last Updated : 2023-05-06
  • HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO   CHAPTER 6 ANG PAGBABALIK

    Pagdating ni Nanay sa bahay ay bumungad sa akin ang napakalawak niyang ngiti. Hindi kasi siya magkandaugaga sa kaniyang mga dala. Naroon sa kabila ang isang basket na may iba-ibang imported na laman, katulad na lamang ng pabango, shampoo, lotion, sabon, toothpaste at iba pa. Sa kabilang basket naman ay mga imported na pagkain tulad ng de lata, chocolate, gatas, at mga junk foods."Tulungan mo nga akong bata ka, nakatingin ka lang sa akin na para bang nakakita ka ng multo." ani niyang hingal na ang boses."Bakit ba naman kasi pagkadami-rami ng bitbit mo, 'Nay? Para kang nag-grocery sa kabilang bayan." Sabi ko habang nilalapag sa mesa ang kaniyang mga dala."Binigay ito ni Don Ignacio. Ayaw ko ngang tanggapin, siya lang ang nagpumilit. Hinatid din naman ako rito ng driver nila kaya hindi ako napagod sa pagbitbit." ani ni Nanay na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi. Minsan lang kasi kami mag-grocery, tuwing sumasahod lang sila sa hacienda kaya naman malaking bagay na ang mga natanggap

    Last Updated : 2023-05-10
  • HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO   CHAPTER 7

    Medyo may kalayuan ang bahay namin sa mansion pero hindi ako natatakot magkalad kahit na dumidilim na ang kalangitan. Wala naman kasi akong nadadaanan na malalagong damo o mga puno dahil mga magagandang halaman lang ang tangi kong nakikita. Napakatahimik at ang tanging naririnig ko lang ay ang huni ng mga ibon. Huminto ako saglit sa may kumpol ng naggagandahang puting rosas at kumuha roon ng isang bulaklak. Inipit ko ito sa aking tenga at saka pinagpatuloy ang aking paglalakad. Pasipol-sipol pa ako habang sinasamyo ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat. Napakasariwa ng hangin na nanggagaling sa mga puno at halaman, walang bahid ng usok na nanggagaling sa mga sasakyan sa syudad.Natatanaw ko na ang munti namin bahay kaya nagmadali na akong naglakad. Ilang dipa na lang nang biglang may humawak sa aking balikat. Napasigaw ako sa gulat at biglang tumakbo. "Trina, sandali lang." Napahinto ako sa aking pagtakbo dahil kilala ko ang boses na nanggagaling sa aking likuran."Kanina

    Last Updated : 2023-05-14
  • HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO   CHAPTER 8

    "Ano'ng pakaway-kaway na iyon, Ate Trina?" Nagulat ako kay Miko na biglang pumasok sa loob ng bahay na wala man lang ingay. Nagulat ako at kamuntik ko pang ibato ang hawak kong remote sa kaniya. Ang ganda pa naman ng pinapanood ko na kdrama. Nawala tuloy ang focus ko sa panonood."Bakit ka ba sumusulpot na lang nang basta-basta? Paano kung mainit na tubig ang hawak ko at bigla kong naibuhos sa iyo, eh 'di sana laptos na iyang balat mo!" inis kong sabi sa kaniya."Huwag mong ibahin ang usapan, Ate Trina." sabi ulit nito na parang nang-iinis pa ang ngiti at muling inulit ang kaniyang tanong."Bakit? May kakaiba ka bang nakita sa pagkaway ko? May malisya na naman ba diyan sa utak mo?" "Bakit ka ba nagagalit? Nagtatanong lang ang tao. Masyado ka naman defensive." sabi ni Miko na may nakakalokong ngiti sa labi."Umalis ka na sa harapan ko Miko, habang hindi pa kumukulo ang dugo ko. Baka hindi mo maguhustuhan ang gagawin ko sa iyo." inis kong sabi habang nakatutok sa kaniyang harapan ang h

    Last Updated : 2023-05-17
  • HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO   CHAPTER 9

    Malapit na kami sa sakayan ng jeep nang bumaba ang pamilyar na pigura sa loob ng itim na kotse. Hinila ko si Christine na nagtatanong ang itsura. Aakyat na sana kami sa jeep nang tawagin ako ni Marco. Hindi ako lumingon pero ang kaibigan kong matalas ang pandinig ang lumingon sa aming likod na kung saan nakatayo roon si Marco."Bessy may tumawag sa iyong gwapo." kinikilig nitong sabi. Hindi pa kasi nito kilala si Marco kaya naman ganu'n na lang siya mag-react."Huwag ka ngang assume-ra. Baka kapangalan ko lang iyon." sabi kong hindi pa rin lumilingon sa aking likod."Hindi eh, ikaw talaga iyon. At saka dito siya nakatingin sa atin. Andiyan na siya, Bessy, palapit na siya sa atin!" ani ni Christine na andu'n pa rin ang kilig. Para itong sinisilihan sa pwet dahil sa kilig. Hindi ko siya pinakinggan. Humakbang ako palayo at aakyat na sana sa jeep pero ang bruha kong kaibigan, hinila ako pabalik. "Ayy, kalabaw ka! Kaya pala puro ka hindi kasi nakatalikod ka sa akin. Sino ba ang tinitign

    Last Updated : 2023-06-17
  • HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO   CHAPTER 1 KABATAAN

    "Hindi ka ba masaya sa nilalaro natin, Trina?" Tanong ng batang si Marco kay Trina habang nakabusangot ito at halos hindi maipinta ang mukha."Sa tingin n'yo matutuwa ako? Eh, puro toy car, spiderman, at superman ang nilalaro niyo. Lahat pang lalaki! Kayo kaya ang maglaro ng Barbie doll 'di ba hindi rin kayo matutuwa!" Yamot na sabi ni Trina sa dalawang batang lalaki na kalaro niya."Ano pala ang gusto mong laro?" Masungit na sagot naman ng batang si Franco habang nililigpit nito ang mga laruan nila at binabalik sa box."Malamang! Iyong lahat tayo nag-eenjoy hindi iyong kayo lang!" inis na saad ni Trina."Ganito na lang, akin na 'yang hawak mong Barbie doll." Sabi naman ni Marco at kinuha rin niya sa kanyang tabi ang laruan nitong si Superman. "Kunwari'y may kasalan. Sina Barbie doll at Superman ang ikakasal. Tapos, ikaw naman Franco kunwari ang Pari." Masiglang sabi ng batang si Marco."Ano ba 'yan! Ang boring naman ng larong gusto niyo!" kakamot-kamot sa kanyang ulo na sabi ng bata

    Last Updated : 2023-04-22
  • HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO   CHAPTER 2

    20 YEARS LATER"Katrina, gumising ka na diyan. Ano'ng oras na nakabulagta ka pa rin." Sigaw ni Nanay sa akin. Ang pagkakaalam ko ay nasa loob siya ng kusina dahil naririnig ko ang mga bagay na kumakalabog sa loob.Uminat-inat ako at bumangon na dahil baka hampasin pa ako ni Inay ng kalderong nangingitim na ang puwetan. Halos magkalapit lang ang kwartong tinutulugan namin ng bunso kong kapatid sa kusina kung kaya't pati munting ingay ay naririnig ko. Dahil na rin siguro nakasara ang pintuan ng kwarto ko, kung kaya naman sumisigaw na si Nanay sa pagtawag ng aking pangalan. Maliit lang ang bahay namin. Sementado, pero kasya lang sa aming magpamilya. Dalawa lang kaming magkapatid. Lalaki ang bunso na nag-aaral pa sa high school samantalang graduating naman na ako sa kolehiyo sa kursong bussiness administration. Bata pa lang ako, pangarap ko nang makapagtrabaho sa mga malalaking kompanya kaya naman todo effort akong makapagtapos sa pag-aaral kahit na hirap sa buhay. Minsan pumapasok rin a

    Last Updated : 2023-04-22

Latest chapter

  • HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO   CHAPTER 3

    "Ate Tinay, na saan ka?" Sigaw ng kapatid kong si Miko pagpasok niya sa loob ng aming bahay. Naririndi ako sa kaniyang pagsigaw lalo na ang pagbigkas niya ng aking palayaw.Nasa loob ako ng aming kwarto, inaayos ko ang mga gamit kong nakakalat sa ibabaw ng mesa. Katatapos ko lang din kasing gumawa ng aming project. Ramdam ko pa ang pangangalay ng batok ko dahil inabot na yata ako ng apat na oras bago matapos.Pagkatapos ko sa kwarto maglinis ay lumabas naman ako sa sala. Kanina pa ako paikot-ikot sa aming bahay at nag-aayos ng kung anu-ano para lang hindi ako dalawin ng pagkabagot. Nang marinig ko ang boses ng aking kapatid ay lumabas akong nakataas ang aking kilay at naka-pameywang sa harap ng pinto."Hindi ba't sinabihan na kita na 'wag mo akong tawaging 'Tinay'. Pwede naman Ate Trina, Ate Kat, o Ate Reign, huwag lang Ate Tinay dahil para akong nabibingi sa tuwing binibigkas mo 'yan." Yamot kong sabi sa aking kapatid. Naiinis ako, sa dinami-rami ng palayaw na pwedeng makuha sa panga

  • HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO   CHAPTER 2

    20 YEARS LATER"Katrina, gumising ka na diyan. Ano'ng oras na nakabulagta ka pa rin." Sigaw ni Nanay sa akin. Ang pagkakaalam ko ay nasa loob siya ng kusina dahil naririnig ko ang mga bagay na kumakalabog sa loob.Uminat-inat ako at bumangon na dahil baka hampasin pa ako ni Inay ng kalderong nangingitim na ang puwetan. Halos magkalapit lang ang kwartong tinutulugan namin ng bunso kong kapatid sa kusina kung kaya't pati munting ingay ay naririnig ko. Dahil na rin siguro nakasara ang pintuan ng kwarto ko, kung kaya naman sumisigaw na si Nanay sa pagtawag ng aking pangalan. Maliit lang ang bahay namin. Sementado, pero kasya lang sa aming magpamilya. Dalawa lang kaming magkapatid. Lalaki ang bunso na nag-aaral pa sa high school samantalang graduating naman na ako sa kolehiyo sa kursong bussiness administration. Bata pa lang ako, pangarap ko nang makapagtrabaho sa mga malalaking kompanya kaya naman todo effort akong makapagtapos sa pag-aaral kahit na hirap sa buhay. Minsan pumapasok rin a

  • HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO   CHAPTER 1 KABATAAN

    "Hindi ka ba masaya sa nilalaro natin, Trina?" Tanong ng batang si Marco kay Trina habang nakabusangot ito at halos hindi maipinta ang mukha."Sa tingin n'yo matutuwa ako? Eh, puro toy car, spiderman, at superman ang nilalaro niyo. Lahat pang lalaki! Kayo kaya ang maglaro ng Barbie doll 'di ba hindi rin kayo matutuwa!" Yamot na sabi ni Trina sa dalawang batang lalaki na kalaro niya."Ano pala ang gusto mong laro?" Masungit na sagot naman ng batang si Franco habang nililigpit nito ang mga laruan nila at binabalik sa box."Malamang! Iyong lahat tayo nag-eenjoy hindi iyong kayo lang!" inis na saad ni Trina."Ganito na lang, akin na 'yang hawak mong Barbie doll." Sabi naman ni Marco at kinuha rin niya sa kanyang tabi ang laruan nitong si Superman. "Kunwari'y may kasalan. Sina Barbie doll at Superman ang ikakasal. Tapos, ikaw naman Franco kunwari ang Pari." Masiglang sabi ng batang si Marco."Ano ba 'yan! Ang boring naman ng larong gusto niyo!" kakamot-kamot sa kanyang ulo na sabi ng bata

DMCA.com Protection Status