20 YEARS LATER
"Katrina, gumising ka na diyan. Ano'ng oras na nakabulagta ka pa rin." Sigaw ni Nanay sa akin. Ang pagkakaalam ko ay nasa loob siya ng kusina dahil naririnig ko ang mga bagay na kumakalabog sa loob.
Uminat-inat ako at bumangon na dahil baka hampasin pa ako ni Inay ng kalderong nangingitim na ang puwetan. Halos magkalapit lang ang kwartong tinutulugan namin ng bunso kong kapatid sa kusina kung kaya't pati munting ingay ay naririnig ko. Dahil na rin siguro nakasara ang pintuan ng kwarto ko, kung kaya naman sumisigaw na si Nanay sa pagtawag ng aking pangalan.
Maliit lang ang bahay namin. Sementado, pero kasya lang sa aming magpamilya. Dalawa lang kaming magkapatid. Lalaki ang bunso na nag-aaral pa sa high school samantalang graduating naman na ako sa kolehiyo sa kursong bussiness administration. Bata pa lang ako, pangarap ko nang makapagtrabaho sa mga malalaking kompanya kaya naman todo effort akong makapagtapos sa pag-aaral kahit na hirap sa buhay. Minsan pumapasok rin akong waitress sa karinderya ng kaibigan kong si Christine sa may bayan. At doon ako nakakakuha, ng allowance tuwing kulang na sa budget si Inay.
Nag-ayos muna ako ng higaan bago ako lumabas. Pinagpag ko ang mga kumot pati na rin ang kutson. Humatsing pa ako nang tatlong beses dahil sa alikabok. Kailangan ko na yatang maglaba ng kumot at mukhang inaamag na ito.
Pagkatapos ko sa aking ginagawa ay uminat-inat akong lumabas sa aming kwarto. Tumingin ako sa orasan sabay hikab. Alas, nuwebe na pala ng umaga, hindi na ako magtataka kung bakit kulang na lang gumamit ng mikropono si Inay sa pagtawag sa 'king pangalan, buti na lang din at linggo, walang pasok sa school. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata, medyo mahapdi pa iyon na parang kulang pa rin sa tulog. Madaling araw na kasi ako nakatulog dahil tinapos ko pa ang thesis namin. Kailangan kong makahabol kung gusto ko pang makahawak ng diploma.
Nabungaran ko sa kusina si Inay na nagkukumpini ng talbos ng kamote. At sa gilid, naman niya ay may isdang nakababad sa asin at suka. May mga nahiwang sibuyas at luya rin sa tabi no'n. Sa unang tingin pa lang alam ko na kung anong ulam, nilagang talbos ng kamote na lalagyan ng suka, sibuyas, luya at konting bagoong isda. Sa madaling salita, salad ng talbos ng kamote. At pa-partner-an ito ng pritong isda. Bigla tuloy akong nagutom at nawala ang aking antok sa ulam. Paborito ko kasi ang talbos ng kamote na kahit ilaga lang ay solve na sa akin. Ikaw ba naman na anak mahirap, malamang sa malamang kahit tuyo lang ulam na.
Dumiretso ako sa lababo, naghilamos at nag-tooth brush 'tsaka ako nagtimpla ng kape.
"Mag-almusal ka na may pritong itlog d'yan at nilagang saba baka sakaling magising ang diwa mong mukhang tulog pa." Sabi ni Inay na hindi naman mukhang galit pero mukhang malapit nang magalit. Umupo ako sa mono block at nagsimulang magbalat ng saging.
"Ang aga-aga, 'Nay, nakabusangot ka. Linggo pa naman ngayon. Baka naman gusto mong ngumiti kahit pilit lang para naman ulanin tayo ng swerte ngayong maghapon." Sabi kong nakangiti kay Inay. Sinadya ko pang ilabas ang bagong toothbrush kong ngipin para naman tumawa siya kahit pilit lang.
"Huwag mo akong pinagloloko, Katrina Reign. Kumain ka lang nang kumain diyan para masimulan mo ang umaga na may laman ang tiyan mo. Hindi puro kalokohan iyang pinagsasabi mo. Wala ka nang ibang ginawa kung hindi magdada diyan." seryosong sabi ni Inay.
Umayos ako sa aking pagkakaupo dahil sa pagbigkas ni Inay sa buong pangalan ko. Alam ko kasing hindi maganda ang mood niya 'pag ganu'n. Pasimple ko siyang sinilip at wala ngang kangiti-ngiti ang kanyang mukha.
"Ay, kabayong bundat!" bigla kong sigaw. Nagulat si Inay at ang hawak niyang sibuyas ay tumilapon sa kung saan. Tawa ako nang tawa sa aking kalokohan. Nakita ko kasi kung paano nagulat si Inay. Sinadya ko iyon nang sa gayon ay mabuhay naman ang bahay naming maliit na napakatahimik. Tanging tunog lang ng paghiwa ni Nanay ng sibuyas ang naririnig ko at ang paghigop ko ng kape.
"Anak ka ng tipaklong!" inis na sabi ni Inay. Akmang kukurutin niya sana ako sa braso pero nagmadali akong tumakbo.
"Anak mo po ako, hindi ng tipaklong." biro kong muli.
Bumalik ako sa aking upuan upang ipagpatuloy ang pagkakape.
"Grabe ka naman makagising kanina 'Nay, kahit naman bumulong ka maririnig ko pa rin ang boses mo. Ang lapit lang kaya ng kwarto sa kusina." Kakamot-kamot kong reklamo kay Inay, habang ngumunguya ng saging.
"Umayos ka Katrina, dahil kanina pa kita ginigigising. Kulang na lang umabot sa mansion ng Hermosa ang boses ko para lang gisingin ka. Kamuntik na nga akong gumamit ng speaker at itutok d'yan sa tenga mo eh," sermon sa akin ni Inay.
"Wala naman tayong speaker, 'Nay. Wala nga rin po akong matandaan na nagkaroon tayo nu'n." Tumatawang sabi ko.
Hahampasin sana ako ni Inay ng talbos ng kamote pero nailagan ko ito.
"Huwag kang pilosopong bata ka!" Inis na sabi ni Inay. Pangiti-ngiti lang ako at sinasabayan ng pagnguya ng saging saba. Natutuwa akong binibiro si Inay. Gusto ko kasi laging good vibes lang kahit na minsan alam kong hirap na sila ni Tatay sa pagtataguyod sa amin ng kapatid ko. Kahit na pagod na sila ay todo kayod pa rin. At ang pagbibiro ko sa kanila ang isang paraan ko para maibsan ang kanilang pagod. kahit man lang sa pagbibiro ko ay makita ko silang nakangiti. Siguro para sa iba ang pagbibiro sa magulang ay hindi maganda pero para sa akin, nakadepende kung anong biro ang gagawin mo. And it's my way how to make them smile.
"Kanino po kayo bumili nitong saging, 'Nay?" Tanong ko habang patuloy pa rin sa pagkumpini ng talbos ng kamote si Nanay. Ewan ko ba kung bakit hindi tumitigil ang bunganga ko sa pagdaldal. Siguro nakaka-hyper ang saging saba.
"Pati ba naman iyan itatanong mo pa?"
"Hindi naman po masama ang magtanong, kung sinagot niyo na lang po sana ang tanong ko, eh 'di hindi po nasayang ang laway niyo." muli kong biro.
Sa huling sinabi ko ay nahampas ako ni Inay ng kanyang bimpo. Hindi ko nailagan dahil tumungga ako ng kape. Buti na lang at nangalahati na at hindi iyon natapon sa aking damit.
Tawa ako nang tawa pagkatapos no'n. Masarap biruin si, Inay. Hindi naman siya galit medyo naiinis lang. Hindi ko naman sinasadyang pilosopohin si Inay. Gusto ko lang siyang makitang ngumiti kaso lang mukhang baliktad yata ang ginawa ko. Ako ang natatawa sa yamot niyang itsura.
"Ayusin mo na itong gulay at magprito ka na rin ng isda. Binabad ko na iyan sa asin at kaunting suka para hindi malansa. Uuwi kami ng Itay mo mamayang tanghali para kakain. May importante lang kaming ginagawa sa mansion ng mga Hermosa." Mahabang sabi ni Inay.
"Ano'ng meron sa mansion ngayon, 'Nay?" curious kong tanong. Ngayon ko lang kasi nakita si Inay na nagmamadali sa gawaing bahay. Mukhang may importanteng gagawin sa mansion ng mga Hermosa.
"Tumawag kahapon si Don Ignacio sa iyong Ama. Mukhang uuwi yata sila pero hindi sinabi kung dito na sila maglalagi." paliwag ni Inay. Tumango-tango ako at napaisip nang malalim.
"Uuwi na pala sila? Kamusta na kaya ang dalawang kumag na iyon?" bulong ko.
"May sinasabi ka, Katrina?" kunot noong sabi ni Inay.
"Ha? Ahm, wala po. May naalala lang po ako." sabi ko na lang kay Inay. "Ahm, si Itay po pala?" muli kong tanong habang nagpapalit ng pang-itaas na damit si Inay.
"Nauna na, kailangan siya do'n dahil manganganak na ang isa sa mga kabayong inaalagaan niya."
"Sige po, 'Nay."
"Sige na, mag-ayos ka rito at gagayak na ako. Gisingin mo na rin ang kapatid mo para may katulong ka rito sa gawaing bahay."
Lumabas na si Inay sa pinto nang maisipan kong magtanong muli.
"Pwede po ba akong pumunta sa mansion mamaya? Gusto ko lang din po tumulong sa mga gawain niyo do'n. Wala naman na po akong gagawin 'tsaka nakakaboring 'Nay 'pag walang ginagawa. 'Tsaka gusto ko rin po pumasyal sa hacienda. Ang tagal ko nang hindi nakakapunta doon, 'Nay." Nakangiti kong sabi. Sinadya ko pang magpa-cute kay Inay, nagbabakasakali na payagan ako. Nu'ng huling punta ko kasi doon ay disaster ang nangyari. Inutusan ko ang kapatid ko na umakyat ng mangga at ang kinalabasan, nalaglag ito sa puno at puro gasgas ang inabot, mabuti na lang din at hindi nabalian.
"Huwag mo nang ipilit ang gusto mo, Katrina. Para may magawa ka, maglinis ka ng bahay. Pakintabin mo ang sahig at paputiin mo ang puwet ng kaldero. Maglaba ka rin kung gusto mo." Saad ni Inay.
"Kahit mag-tumbling pa po ako nang mag-tumbling hindi na puputi ang kalderong minana niyo pa po yata sa mga ninuno niyo." Saad ko habang nakakunot noo kay Inay. Pa'no ba naman kasi, lupa pa lang yata ako buhay na buhay na iyang kaldero. Paano pa iyon puputi? Kahit yata ipakiskis ko pa gamit ang makina wala pa ring mangyayari, baka makina pa ang bumigay.
"Hay naku! Bahala ka na kung ano'ng gagawin mo. Matulog ka maghapon kung gusto mo. Basta 'wag mo lang kalimutang kumain." Sabi ni Inay sabay talikod sa akin. Tinanaw ko na lang ang bulto niyang papalayo sa aming bahay.
Ganyan si Inay, kahit gaano man kaingay ng kanyang bunganga ay hindi pa rin niya nakakalimutang paalalahanan kami lalo na pagdating sa pagkain.
Bumuntong hininga na lang ako at bagsak ang balikat kong pumasok sa loob ng bahay.
"Ate Tinay, na saan ka?" Sigaw ng kapatid kong si Miko pagpasok niya sa loob ng aming bahay. Naririndi ako sa kaniyang pagsigaw lalo na ang pagbigkas niya ng aking palayaw.Nasa loob ako ng aming kwarto, inaayos ko ang mga gamit kong nakakalat sa ibabaw ng mesa. Katatapos ko lang din kasing gumawa ng aming project. Ramdam ko pa ang pangangalay ng batok ko dahil inabot na yata ako ng apat na oras bago matapos.Pagkatapos ko sa kwarto maglinis ay lumabas naman ako sa sala. Kanina pa ako paikot-ikot sa aming bahay at nag-aayos ng kung anu-ano para lang hindi ako dalawin ng pagkabagot. Nang marinig ko ang boses ng aking kapatid ay lumabas akong nakataas ang aking kilay at naka-pameywang sa harap ng pinto."Hindi ba't sinabihan na kita na 'wag mo akong tawaging 'Tinay'. Pwede naman Ate Trina, Ate Kat, o Ate Reign, huwag lang Ate Tinay dahil para akong nabibingi sa tuwing binibigkas mo 'yan." Yamot kong sabi sa aking kapatid. Naiinis ako, sa dinami-rami ng palayaw na pwedeng makuha sa panga
"Bessy, totoo bang uuwi na sila Don Ignacio?" Sabi ni Christine habang patuloy pa rin ito sa pagnguya ng prutas."Iyan ba ng pinunta mo rito ang makitsismis? Kahit kailan talaga napakatsismosa mo. Saan lupalop mo naman narinig iyang balita?" sabi ko kahit na alam ko naman talagang uuwi na sila Don Ignacio rito sa Pilipinas."Eh, saan pa nga ba 'di sa mga kumare ni mama na mga tsismosa. Alam mo naman sa karinderya kapag nagkumpulan na iyan sila, alam mo na kung ano'ng meron. Eh, dakilang Marites ba naman si Aling Bechay walang preno ang bunganga." mahabang sabi ni Christine."Wala ka naman pinagkaiba sa kanila. Tsismosa ka rin kahit kailan.""Hoy! Ang hard mo sa akin ah," sabi niyang naka-pout pa ang labi."Bakit totoo naman 'di ba? Paano mo malalaman na uuwi na sila Don Ignacio kung hindi mo narinig ang pinag-usapan nila? Eh, 'di ba nakinig ka sa usapan ng mga tsismosa niyong kapitbahay. Once a tsismosa always a tsismosa." nakataas kilay kong sabi."Ang sakit mo magsalita ah, para kan
"Isang buwan na lang ga-graduate ka na, Katrina." kausap ko ang aking sarili habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Bumuntong hininga pa ako at napatingala sa ulap na kulay asul. "Iba talaga kapag pinanganak ka ng mahirap. Makakaraos din tayo, Inay, Itay," muli kong sambit. Inayos ko ang aking bag at mabilis nang naglakad. Tumakbo ako nang makita kong mapupuno na ang jeep na ba-biyahe papunta sa aming bayan. Kung sa isang nakapila na jeep pa kasi ako sasakay baka abutin ako ng ilang minuto bago mapuno. Minsan, hindi sa school ako nai-stress, kung 'di sa biyahe, mainit na malayo pa. Malayo rin kasi ang pinapasukan ko abot din ng isang oras mabuti sana kung kasama ko palagi si Kristine. Minsan kasi sinusundo at hinahatid siya ng kaniyang Papa gamit ang kanilang motor. Nakakatanggal din kasi ng pagod kapag may kasama kang kaibigan na minsan joker minsan may aning-aning. "Sorry po, Kuya," hinging paumanhin ko sa lalaking nabangga ko ang braso dahil sa pagmamadali kong makasakay. B
Pagdating ni Nanay sa bahay ay bumungad sa akin ang napakalawak niyang ngiti. Hindi kasi siya magkandaugaga sa kaniyang mga dala. Naroon sa kabila ang isang basket na may iba-ibang imported na laman, katulad na lamang ng pabango, shampoo, lotion, sabon, toothpaste at iba pa. Sa kabilang basket naman ay mga imported na pagkain tulad ng de lata, chocolate, gatas, at mga junk foods."Tulungan mo nga akong bata ka, nakatingin ka lang sa akin na para bang nakakita ka ng multo." ani niyang hingal na ang boses."Bakit ba naman kasi pagkadami-rami ng bitbit mo, 'Nay? Para kang nag-grocery sa kabilang bayan." Sabi ko habang nilalapag sa mesa ang kaniyang mga dala."Binigay ito ni Don Ignacio. Ayaw ko ngang tanggapin, siya lang ang nagpumilit. Hinatid din naman ako rito ng driver nila kaya hindi ako napagod sa pagbitbit." ani ni Nanay na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi. Minsan lang kasi kami mag-grocery, tuwing sumasahod lang sila sa hacienda kaya naman malaking bagay na ang mga natanggap
Medyo may kalayuan ang bahay namin sa mansion pero hindi ako natatakot magkalad kahit na dumidilim na ang kalangitan. Wala naman kasi akong nadadaanan na malalagong damo o mga puno dahil mga magagandang halaman lang ang tangi kong nakikita. Napakatahimik at ang tanging naririnig ko lang ay ang huni ng mga ibon. Huminto ako saglit sa may kumpol ng naggagandahang puting rosas at kumuha roon ng isang bulaklak. Inipit ko ito sa aking tenga at saka pinagpatuloy ang aking paglalakad. Pasipol-sipol pa ako habang sinasamyo ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat. Napakasariwa ng hangin na nanggagaling sa mga puno at halaman, walang bahid ng usok na nanggagaling sa mga sasakyan sa syudad.Natatanaw ko na ang munti namin bahay kaya nagmadali na akong naglakad. Ilang dipa na lang nang biglang may humawak sa aking balikat. Napasigaw ako sa gulat at biglang tumakbo. "Trina, sandali lang." Napahinto ako sa aking pagtakbo dahil kilala ko ang boses na nanggagaling sa aking likuran."Kanina
"Ano'ng pakaway-kaway na iyon, Ate Trina?" Nagulat ako kay Miko na biglang pumasok sa loob ng bahay na wala man lang ingay. Nagulat ako at kamuntik ko pang ibato ang hawak kong remote sa kaniya. Ang ganda pa naman ng pinapanood ko na kdrama. Nawala tuloy ang focus ko sa panonood."Bakit ka ba sumusulpot na lang nang basta-basta? Paano kung mainit na tubig ang hawak ko at bigla kong naibuhos sa iyo, eh 'di sana laptos na iyang balat mo!" inis kong sabi sa kaniya."Huwag mong ibahin ang usapan, Ate Trina." sabi ulit nito na parang nang-iinis pa ang ngiti at muling inulit ang kaniyang tanong."Bakit? May kakaiba ka bang nakita sa pagkaway ko? May malisya na naman ba diyan sa utak mo?" "Bakit ka ba nagagalit? Nagtatanong lang ang tao. Masyado ka naman defensive." sabi ni Miko na may nakakalokong ngiti sa labi."Umalis ka na sa harapan ko Miko, habang hindi pa kumukulo ang dugo ko. Baka hindi mo maguhustuhan ang gagawin ko sa iyo." inis kong sabi habang nakatutok sa kaniyang harapan ang h
Malapit na kami sa sakayan ng jeep nang bumaba ang pamilyar na pigura sa loob ng itim na kotse. Hinila ko si Christine na nagtatanong ang itsura. Aakyat na sana kami sa jeep nang tawagin ako ni Marco. Hindi ako lumingon pero ang kaibigan kong matalas ang pandinig ang lumingon sa aming likod na kung saan nakatayo roon si Marco."Bessy may tumawag sa iyong gwapo." kinikilig nitong sabi. Hindi pa kasi nito kilala si Marco kaya naman ganu'n na lang siya mag-react."Huwag ka ngang assume-ra. Baka kapangalan ko lang iyon." sabi kong hindi pa rin lumilingon sa aking likod."Hindi eh, ikaw talaga iyon. At saka dito siya nakatingin sa atin. Andiyan na siya, Bessy, palapit na siya sa atin!" ani ni Christine na andu'n pa rin ang kilig. Para itong sinisilihan sa pwet dahil sa kilig. Hindi ko siya pinakinggan. Humakbang ako palayo at aakyat na sana sa jeep pero ang bruha kong kaibigan, hinila ako pabalik. "Ayy, kalabaw ka! Kaya pala puro ka hindi kasi nakatalikod ka sa akin. Sino ba ang tinitign
"Hindi ka ba masaya sa nilalaro natin, Trina?" Tanong ng batang si Marco kay Trina habang nakabusangot ito at halos hindi maipinta ang mukha."Sa tingin n'yo matutuwa ako? Eh, puro toy car, spiderman, at superman ang nilalaro niyo. Lahat pang lalaki! Kayo kaya ang maglaro ng Barbie doll 'di ba hindi rin kayo matutuwa!" Yamot na sabi ni Trina sa dalawang batang lalaki na kalaro niya."Ano pala ang gusto mong laro?" Masungit na sagot naman ng batang si Franco habang nililigpit nito ang mga laruan nila at binabalik sa box."Malamang! Iyong lahat tayo nag-eenjoy hindi iyong kayo lang!" inis na saad ni Trina."Ganito na lang, akin na 'yang hawak mong Barbie doll." Sabi naman ni Marco at kinuha rin niya sa kanyang tabi ang laruan nitong si Superman. "Kunwari'y may kasalan. Sina Barbie doll at Superman ang ikakasal. Tapos, ikaw naman Franco kunwari ang Pari." Masiglang sabi ng batang si Marco."Ano ba 'yan! Ang boring naman ng larong gusto niyo!" kakamot-kamot sa kanyang ulo na sabi ng bata

20 YEARS LATER"Katrina, gumising ka na diyan. Ano'ng oras na nakabulagta ka pa rin." Sigaw ni Nanay sa akin. Ang pagkakaalam ko ay nasa loob siya ng kusina dahil naririnig ko ang mga bagay na kumakalabog sa loob.Uminat-inat ako at bumangon na dahil baka hampasin pa ako ni Inay ng kalderong nangingitim na ang puwetan. Halos magkalapit lang ang kwartong tinutulugan namin ng bunso kong kapatid sa kusina kung kaya't pati munting ingay ay naririnig ko. Dahil na rin siguro nakasara ang pintuan ng kwarto ko, kung kaya naman sumisigaw na si Nanay sa pagtawag ng aking pangalan. Maliit lang ang bahay namin. Sementado, pero kasya lang sa aming magpamilya. Dalawa lang kaming magkapatid. Lalaki ang bunso na nag-aaral pa sa high school samantalang graduating naman na ako sa kolehiyo sa kursong bussiness administration. Bata pa lang ako, pangarap ko nang makapagtrabaho sa mga malalaking kompanya kaya naman todo effort akong makapagtapos sa pag-aaral kahit na hirap sa buhay. Minsan pumapasok rin a