"Nagday-off?" ulit na tanong ni Rose kay Yanna nang banggitin nito ang pagday-off nina Renalyn at Colet. Tumango si Yanna, "Opo, kaya mag-isa akong mamamalengke ngayon." Huminga na lamang siya ng malalim habang sapo-sapo ang malaking tiyan niya. Medyo nagtatampo siya sa parte na hindi man lang nagawang magpaalam ng dalawa sa kanya ng maaayos at sa puntong nagugulat na lang siya. Balak niya pa naman sanang magpasama sa kanila sa pagbisita sa farm dahil gusto niyang lubusin na wala si Xavion ng ilang araw. Maging ang mga magulang nito ay wala sa bansa kaya talagang nakahinga siya ng maluwag. Iyon nga lang ay pinabantayan naman siya sa napakaraming bodyguards at nagdagdag pa ng ilang maids na pupuna sa absence nina Colet. "Hindi mo ba nakita si Nikolas?" muling tanong niya. "Hindi po, e. Rinig ko, lumuwas daw po." Bumagsak ang balikat niya, bakit ba napakabusy ng mga tao ngayon? "Sasamahan na lang kita sa bayan," aniya na ikinagulat ng isa. "Po? Hindi po pwede!" nanlalaki ang mga
"Wala na po sila..." Namayani ang simpatya sa sistema ni Rose nang mga oras na iyon. They both had no parents pero kung ikukumpara rito ay masyado pa itong bata para maulila. She must be thankful because despite having an evil aunt who raised them, may pamilya pa rin siya at may kapatid pa siya. Nang yumuko na ang bata at sinunggaban ang mga pagkain na ibinigay niya ay hindi niya namalayan na tumulo na ang butil ng luha sa kanyang mga mata at agad niya namang pinalis iyon bago pa iyon mapansin ng mga bodyguards sa tabi niya. Pinakalma niya muna ang kanyang sarili bago binalingan ang dalawa sa tabi niya. "Pwede ba natin siyang dalhin sa Hacienda?" nagsusumaong aniya. Nagkatinginan naman ang dalawa. "Pero, Ma'am. Hindi po pwede," wika ni Lester. "Opo, hindi rin po ito magugustuhan ni Sir Xavion," sang-ayon naman ni Troy. Kumunot ang noo niya. "At bakit? Mas maaalagaan siya sa Hacienda. Hindi ba kayo naaawa sa kanya?" Bumuntonghininga ang dalawa. Sa ganitong sitwasyon, mahihirapan
Naningkit ang mata ni Xavion habang pinapakinggan ang bawat sinasabi ng mga empleyado niya tungkol sa pamimilit ni Rose na lumabas ng bahay para sumama sa kanila. Umigting ang panga niya sa galit dahil sa mga rason nila. "So you're telling me," Nagbabadya ang panganib sa kanyang boses. "that Rose forced you to let her come with you?" Nagpalitan ng mga tinginan sila Yanna sa sobrang kaba, inaasahan na ang magiging kahihinatnan nila sa pagkakataong ito. Mukhang hindi na talaga mahuhupa pa ang galit ng ganoon kadali. "Totoo po iyon, Sir," nagsalita na si Yanna matapos ang ilang minutong pananahimik. "Mapilit po talaga si Ma'am Rose at... at hindi po siya ganoon kadaling tanggihan." Xavion's nostrils flared with frustration. "And you just let her?" Tumaas na ang boses nito. The bodyguards shifted uncomfortably, knowing they had failed in their duty to protect their employer's wishes. "Makulit po talaga siya, Sir," wika naman ni Troy na nakayuko pa rin. "Sinubukan namin siyang pigila
"Akala ko ba alam mo kung nasaan sila, pinaglololoko mo ba kami, Mercedes?" Umalingawngaw ang baritonong boses ni Don Stevino nang makitang nakakandado na ang pinto ng dating bahay nila Rose at may sign board na na 'For Sale'. Maging si Mercedes ay hindi maintindihan ang nangyayari. Hindi siya maaaring magkamali dahil alam niya ang bahay na ito, kasama siya sa nagpatayo nito. Sa kabila ng maraming taon niya sa kulungan ay matalis pa rin ang kanyang alaala, hindi naman siya ganoon kabilis makalimot. She was certain of their address, yet now, faced with an abandoned home, doubt crept into her mind. "Hindi kaya lumipat na sila? Pero hindi naman sila ganoon kaagad makaka-afford na lumipat sa iba. Lubog na sila sa utang at idagdag pa ang malaking bayarin niya sa ospital kung saan naconfine ang kapatid niya ay imposible ang makalipat sila. Wala naman silang ibang choice. Sa taas ng pride ni Rose na panatilihin ang naiwang alaala ng nanay nila," Kumunot ang noo ng Don sa sinabi niya. "May
Padabog na umupo si Rose sa isang bakanteng upuan sa komedor. Kahit pa na sabihing wala ang mga parents ni Xavion ay wala pa ring pinagbago sa bigat ng atmosphere. This is not a home anymore, pakiramdam niya lahat ng kilos niya ay kailangan muna hingan ng opinyon kay Xavion. Wala siyang kalayaan. And, she hates it! Naalala niya pa nitong tanghali lang na nag-insist itong dalhin siya sa kanyang kwarto, his arm wrapped tightly around her shoulders na para bang hindi siya makapaglakad ng kanya. Sinubukan niyang magprotesta pero talagang nakikipagkompetensya ito sa tigas ng ulo niya at wala talagang balak na magpatalo sa kanya. Hindi siya nakikinig sa anumang sasabihin niya. He kept saying things like, "I just want to make sure you're safe," and "I can't bear the thought of anything happening to you." Habang tumatagal, mas lalo siyang lumalala. Dumapo ang matalim niyang tingin sa lalaking nasa harapan niya at sumunod ay binalingan ang pagkain na nakahain sa plato niya, bigla siyang nawa
Xavion stormed into his office in the headquarters. Hindi na ito nag-abala na umupo at dumeritso na sa aparador niya kung nasaan ang kanyang mga alak. Nagsalin ito sa kanyang baso at mabilis na nilagok. His mind were in turbulence right now, at hindi niya alam kung ano ang uunahin sa pagkakataong ito. Rose is really getting into his nerves lately. Draco, his most trusted advisor, entered the room. Nadatnan nito ang kanyang sunod-sunod na pagtungga ng nakakalasing na alak. Sinubukan niyang pigilan ito pero mabilis siya nitong tinabig. "Ano bang nangyari?" seryosong tanong ni Draco. Pabagsak itong umupo sa sofa, his expression grim. "It's Rose. She's been acting recklessly lately, refusing to listen to reason." Matamang nakikinig lamang si Draco sa kung anuman ang kanyang masasabi, his features impassive as he absorbed Xavion's words. "And what has she done to warrant such anger?" mahinahong tanong niya ulit. Muli na namang tumungga si Xavion at sa pagkakataong ito ay hindi na siya
Maingat ang bawat pagdilig ni Rose sa mga halaman sa harap ng mansyon, si Yanna naman ay abala sa pananatili ng kaayusan ng mga ito. Alaga rin ang mga ito sa pataba at talaga namang ang gaganda ng mga halaman doon. Pinunasan ni Yanna ang pawis sa kanyang noo gamit ang bimpo na nakasabit sa kanyang balikat. "Hello, universe!" malakas na sigaw mula sa hindi kalayuan. Nilingon nila ang pinanggalingan ng matinis na boses na iyon at nang makilala nila kung sino iyon ay napangiti silang pareho. Sina Renalyn at Colet na halos hindi na magkamaling sa pagbitbit ng mga gamit nila. Mukhang sinulit nga ng mga ito ang day-off nila. "Sa wakas, dumating na rin ang mga prinsesa!" pabirong bulalas ni Yanna. "Ma'am Rose! Yanna!" sigaw ni Colet, at agad na dumiretso patungo sa kanila kasama si Renalyn na may ngiting hanggang tenga. "Kamusta ang day-off?" nakangiti na bati ni Rose. Ibinaba muna ng dalawa ang mga dala nila sa lupa at niyakap ng mahigpit ang amo. "Ang bata, babaita!" saway ni Yanna
"Bitawan mo ako, Xavion, ano ba!" Nagpumiglas si Rose sa pagkakahawak ni Xavion sa kanya. Pilit siya nitong hinihila papunta sa lugar na hindi niya alam kung saan iyon. Sa harap niya ay isang lumang gusali na inabandona na. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa loob at nangingibabaw na siya sa sobrang kaba. Idagdag pa ang bigat ng kanyang tiyan. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata habang nagmamakaaa na bitawan na siya ni Xavion, pero mukhang hindi ito nakikinig sa kanya at determinadong ipasok siya sa nakakatakot na lugar na iyon. "Itigil mo na 'to, please... Nasasaktan na ako, Xavion." mangiyak-ngiyak na sigaw niya. Padabog siyang binitawan nito na halatang galit na galit. Ilang minuto siyang humihikbi dahil sa takot. Wala siyang ideya sa kung bakit nagkakaganito si Xavion, gayong wala naman siyang ibang ginawang mali na maaaring maging dahilan ng galit nito. "F*ck!" singhal ni Xavion at sinipa ang malaking lata sa harap niya, tumalsik naman iyon sa kung saan na
Mahabang minuto rin ang tinakbo nila at huminto ang kotse sa isang mataas na gate, may kinuha lang si Nikolas na remote control at kusa nang nagbukas ang gate. Manghang-mangha ang mga bata sa ganda ng kanyang bahay."Is this really your house, Tito Nik?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dahlia habang nakadungaw sa bintana."Dito na po kami titira?" Si Lily naman ang nagsalita.Nilingon ni Nikolas ang mga bata. "Yes, my house is your house now.""Yeyyy!"Bumaba na sila sa sasakyan, nakaalalay naman si Sally sa mga kambal. Nasa garahe pa lamang sila Rose ay tanaw na nila sa kanang bahagi ng bahay ang malapad na hardin, namumukadkad ang bawat bulaklak na nakatanim. Muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang Spy Creek.Kung ikukumpara ang bahay ni Nikolas sa bahay ng Nero Clan ay lubhang wala itong binatbat. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maalala na naman ang pamilyang iyon. Agad namang napansin ni Nikolas ang pagtigil niya."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas sa kaniya.Tu
"Are you all okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas habang sinusuri ang mga katawan ng mga bata."Yes po, Tito Nik." sagot naman ni Dahlia.Lumapit naman si Rose sa mga bata. "Sa kwarto muna kayo."Tumango lang ang mga bata at sumunod na sa sinabi ng ina. Dumeritso si Rose sa mini-kitchen nila at kumuha ng tubig, nakasunod lang naman sa kanya si Nikolas. Hindi ito mapakali sa kanyang likuran."Bakit ka pa pumunta rito? Iniwan mo pa ang trabaho mo," walang ganang hinarap niya si Nikolas. "Hindi ko matiis na hindi kayo puntahan kaagad nang marinig ko ang nangyari. Rose, ano bang nangyari talaga?""Nagkaroon lang ng gulo sa school, may mga akusasyon laban sa mga bata na hindi naman totoo. Hindi ko kayang manahimik lang, kaya't pumunta ako roon. Mukhang masususpende ata ako sa school, maging ang mga bata.""Transfer to another school then, may kaibigan akong nagmamay-ari ng isang private school. Pwede ko kayong tulungan na lumipat doon."Agad siyang napailing. "No, hayaan mo na. Hindi nam
Hinila ni Rose ang buhok ng babae at nagsisigaw na ito sa sakit. Halos mabunot na niya ang anit nito sa sobrang higpit. Agad naman siyang pinigilan ng principal. Binalandra niya ito sa sahig."Ms. Verdejo, enough!" sigaw ng principal.Nanginginig na siya sa galit sa mga salitang binitawan ng babaeng nakasalampak na ngayon sa sahig. Pinalaki niyang mabuti ang mga anak niya at kailanman ay hindi ang mga ito gagawa ng paraan na ikagagalit niya. Besides, truth always appear in the most exciting part."Kapag nalaman ko na may kasalanan ang mga anak ko, hindi ko sila kukunsintihin pero kung hindi naman sila ang tunay na nagsimula, sisiguruhin kong makikita kita sa husgado."Nangibabaw ang galit sa sistema niya sa mga sandaling iyon."You can leave now, Ms. Verdejo," sabi nito.Hindi na siya nagsayang ng oras na humarap sa mga ito. Bukod sa hindi niya magawang kontrolin ang galit niya ay baka may magawa pa siyang hiindi nito nanaisin. Lumabas siya ng office na iyon na namumula sa pagkayamot
Sa isang silid-aralan na puno ng kulay at mga dekorasyon na nagbibigay-buhay sa bawat sulok. Ang mga bata ay nakaupo sa mga upuan, ang kanilang mga mata'y nababalot ng paghanga at pagtataka habang sila'y nakikinig sa bawat salita na binibitawan ng kanilang guro, si Rose.Ang mga bata ay abala sa kanilang mga upuan, ang ilan ay nakatingin nang direkta sa kanya habang ang iba naman ay ipinamalas ang kanilang imahinasyon, na parang sila mismo ay naroon sa lugar na kinukwento ni Rose.Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagtuturo nang bumukas ang pinto ng classroom na iyon. Agad namang nalipat ang atensyon ng lahat roon.Pumasok ang kanyang co-teacher na si Edna, bakas pa ang pagkabalisa sa mukha nito."Excuse me, Rose," pagbungad nito."Ano 'yon, Teacher Eds? May problema ba?" tanong niya saka ibinaba ang hawak na libro sa kanyang mesa.Nagdadalawang-isip pa si Edna kung magsasalita siya. "Pasensya na sa abala pero... pinapatawag ka kasi sa Office ni Mrs. Zaldivar. Tungkol sa mga anak mo."
Nanlaki ang mga mata ni Rose nang masilayan ang kaibigan ni Xavion matapos ang ilang taon niyang pagtatago sa kanyang lungga. Napapikit siya ng mariin, ngayon na nga lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makalabas pero ito na agad ang sumalubong sa kanila.Hindi pwedeng malaman ni Xavion na buhay ang mga anak nila dahil posibleng bawiin nito ang mga bata. Hindi na niya hahayaan ang sariling bumalik sa piling ng lalaking kinamumuhian. At ngayong kaharap niya ang isang taong malapit dito ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng masayang ang lahat ng sakripisyo niya para makawala sa kadena nito."Rose..." Hindi makapaniwalang napangiti si Draco. After so many years ay nagkita na rin sila.Pero mukhang hindi nasiyahan si Rose sa tagpong iyon. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Tila may hinahanap na hindi niya nais na makita. Gusto niya lang makasiguro na walang nakamatyag sa kanila."May kasama ka ba?" tanong niya kay Draco."Mag-isa lang ako. Teka, bakit ngayon ka l
"Kids, be careful. Your mommy said no running," paalala ni Nikolas sa dalawang bata. Abala si Rose sa pamimili ng mga damit ng mga bata habang nakasunod lang sa likuran niya si Kamal na sinusukatan niya. Ang dalawang babae naman ay inaalalayan ni Nikolas habang tuwang-tuwa ang mga ito sa pamimili ng mga dresses nila. Hindi maiwasang panoorin sila ng mga saleslady ng naturang shop. They look cute as a family, but Rose didn't mind them. "I like this one!" masayang sabi ni Lily. Napaismid si Dahlia. "Pangit, hindi bagay. I think this one looks good on you," Kinuha nito ang isang purple dress at binigay sa kakambal. "You're right, thank you..." Hindi sila masyado nagtagal doon at napagdesisyunan nilang pumunta na lang sa playground dahil iyon ay request ng mga bata. Hindi naman na nakakontra pa si Kamal kahit pa na wala naman na siyang interes sa mga ganoong bagay pero sa huli ay napilit pa rin siya ng mga kakambal at hinila siya ng mga ito para makipaglaro. Wala na siyang choice pa.
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Anim na taon... anim na taong sinubukan ni Rose na mamuhay ng payapa. Sa loob ng mga taong iyon ay natuto siyang tumayo mag-isa at magsikap na buhayin ang kanyang apat na supling. Sa mga panahong hinang-hina na siya at gusto na niyang sumuko ay naging inspirasyon niya ang mga ito para magpatuloy at huwag paghinaan ng loob. Sila ang nagsilbing liwanag niya sa madilim at magulong mundo na pinasok niya. Marami na rin ang nangyari sa loob ng anim na taon. Napagtagumpayan niya ang hamon ng pagiging isang ina sa kanyang apat na anak. Sa kabila ng mga pagsubok at kahirapan, pinagbuti niya ang pagpapalaki sa kanila nang mag-isa. Sa bawat araw na lumipas, hindi nawala sa kanyang alaala si Xavion. Sa kabila ng ginawa nito ay hindi niya ito magawang kamuhian dahil kung hindi dahil dito ay hindi siya magkakaroon ng pag-asa para magsimula ulit. Hindi na rin niya inalam pa kung ano ang nangyari noong araw na 'yon. Kung anuman, alam niyang wala na siyang kinalaman pa doon. Ayaw na niyang idawit an