"Wala na po sila..." Namayani ang simpatya sa sistema ni Rose nang mga oras na iyon. They both had no parents pero kung ikukumpara rito ay masyado pa itong bata para maulila. She must be thankful because despite having an evil aunt who raised them, may pamilya pa rin siya at may kapatid pa siya. Nang yumuko na ang bata at sinunggaban ang mga pagkain na ibinigay niya ay hindi niya namalayan na tumulo na ang butil ng luha sa kanyang mga mata at agad niya namang pinalis iyon bago pa iyon mapansin ng mga bodyguards sa tabi niya. Pinakalma niya muna ang kanyang sarili bago binalingan ang dalawa sa tabi niya. "Pwede ba natin siyang dalhin sa Hacienda?" nagsusumaong aniya. Nagkatinginan naman ang dalawa. "Pero, Ma'am. Hindi po pwede," wika ni Lester. "Opo, hindi rin po ito magugustuhan ni Sir Xavion," sang-ayon naman ni Troy. Kumunot ang noo niya. "At bakit? Mas maaalagaan siya sa Hacienda. Hindi ba kayo naaawa sa kanya?" Bumuntonghininga ang dalawa. Sa ganitong sitwasyon, mahihirapan
Naningkit ang mata ni Xavion habang pinapakinggan ang bawat sinasabi ng mga empleyado niya tungkol sa pamimilit ni Rose na lumabas ng bahay para sumama sa kanila. Umigting ang panga niya sa galit dahil sa mga rason nila. "So you're telling me," Nagbabadya ang panganib sa kanyang boses. "that Rose forced you to let her come with you?" Nagpalitan ng mga tinginan sila Yanna sa sobrang kaba, inaasahan na ang magiging kahihinatnan nila sa pagkakataong ito. Mukhang hindi na talaga mahuhupa pa ang galit ng ganoon kadali. "Totoo po iyon, Sir," nagsalita na si Yanna matapos ang ilang minutong pananahimik. "Mapilit po talaga si Ma'am Rose at... at hindi po siya ganoon kadaling tanggihan." Xavion's nostrils flared with frustration. "And you just let her?" Tumaas na ang boses nito. The bodyguards shifted uncomfortably, knowing they had failed in their duty to protect their employer's wishes. "Makulit po talaga siya, Sir," wika naman ni Troy na nakayuko pa rin. "Sinubukan namin siyang pigila
"Akala ko ba alam mo kung nasaan sila, pinaglololoko mo ba kami, Mercedes?" Umalingawngaw ang baritonong boses ni Don Stevino nang makitang nakakandado na ang pinto ng dating bahay nila Rose at may sign board na na 'For Sale'. Maging si Mercedes ay hindi maintindihan ang nangyayari. Hindi siya maaaring magkamali dahil alam niya ang bahay na ito, kasama siya sa nagpatayo nito. Sa kabila ng maraming taon niya sa kulungan ay matalis pa rin ang kanyang alaala, hindi naman siya ganoon kabilis makalimot. She was certain of their address, yet now, faced with an abandoned home, doubt crept into her mind. "Hindi kaya lumipat na sila? Pero hindi naman sila ganoon kaagad makaka-afford na lumipat sa iba. Lubog na sila sa utang at idagdag pa ang malaking bayarin niya sa ospital kung saan naconfine ang kapatid niya ay imposible ang makalipat sila. Wala naman silang ibang choice. Sa taas ng pride ni Rose na panatilihin ang naiwang alaala ng nanay nila," Kumunot ang noo ng Don sa sinabi niya. "May
Padabog na umupo si Rose sa isang bakanteng upuan sa komedor. Kahit pa na sabihing wala ang mga parents ni Xavion ay wala pa ring pinagbago sa bigat ng atmosphere. This is not a home anymore, pakiramdam niya lahat ng kilos niya ay kailangan muna hingan ng opinyon kay Xavion. Wala siyang kalayaan. And, she hates it! Naalala niya pa nitong tanghali lang na nag-insist itong dalhin siya sa kanyang kwarto, his arm wrapped tightly around her shoulders na para bang hindi siya makapaglakad ng kanya. Sinubukan niyang magprotesta pero talagang nakikipagkompetensya ito sa tigas ng ulo niya at wala talagang balak na magpatalo sa kanya. Hindi siya nakikinig sa anumang sasabihin niya. He kept saying things like, "I just want to make sure you're safe," and "I can't bear the thought of anything happening to you." Habang tumatagal, mas lalo siyang lumalala. Dumapo ang matalim niyang tingin sa lalaking nasa harapan niya at sumunod ay binalingan ang pagkain na nakahain sa plato niya, bigla siyang nawa
Xavion stormed into his office in the headquarters. Hindi na ito nag-abala na umupo at dumeritso na sa aparador niya kung nasaan ang kanyang mga alak. Nagsalin ito sa kanyang baso at mabilis na nilagok. His mind were in turbulence right now, at hindi niya alam kung ano ang uunahin sa pagkakataong ito. Rose is really getting into his nerves lately. Draco, his most trusted advisor, entered the room. Nadatnan nito ang kanyang sunod-sunod na pagtungga ng nakakalasing na alak. Sinubukan niyang pigilan ito pero mabilis siya nitong tinabig. "Ano bang nangyari?" seryosong tanong ni Draco. Pabagsak itong umupo sa sofa, his expression grim. "It's Rose. She's been acting recklessly lately, refusing to listen to reason." Matamang nakikinig lamang si Draco sa kung anuman ang kanyang masasabi, his features impassive as he absorbed Xavion's words. "And what has she done to warrant such anger?" mahinahong tanong niya ulit. Muli na namang tumungga si Xavion at sa pagkakataong ito ay hindi na siya
Maingat ang bawat pagdilig ni Rose sa mga halaman sa harap ng mansyon, si Yanna naman ay abala sa pananatili ng kaayusan ng mga ito. Alaga rin ang mga ito sa pataba at talaga namang ang gaganda ng mga halaman doon. Pinunasan ni Yanna ang pawis sa kanyang noo gamit ang bimpo na nakasabit sa kanyang balikat. "Hello, universe!" malakas na sigaw mula sa hindi kalayuan. Nilingon nila ang pinanggalingan ng matinis na boses na iyon at nang makilala nila kung sino iyon ay napangiti silang pareho. Sina Renalyn at Colet na halos hindi na magkamaling sa pagbitbit ng mga gamit nila. Mukhang sinulit nga ng mga ito ang day-off nila. "Sa wakas, dumating na rin ang mga prinsesa!" pabirong bulalas ni Yanna. "Ma'am Rose! Yanna!" sigaw ni Colet, at agad na dumiretso patungo sa kanila kasama si Renalyn na may ngiting hanggang tenga. "Kamusta ang day-off?" nakangiti na bati ni Rose. Ibinaba muna ng dalawa ang mga dala nila sa lupa at niyakap ng mahigpit ang amo. "Ang bata, babaita!" saway ni Yanna
"Bitawan mo ako, Xavion, ano ba!" Nagpumiglas si Rose sa pagkakahawak ni Xavion sa kanya. Pilit siya nitong hinihila papunta sa lugar na hindi niya alam kung saan iyon. Sa harap niya ay isang lumang gusali na inabandona na. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa loob at nangingibabaw na siya sa sobrang kaba. Idagdag pa ang bigat ng kanyang tiyan. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata habang nagmamakaaa na bitawan na siya ni Xavion, pero mukhang hindi ito nakikinig sa kanya at determinadong ipasok siya sa nakakatakot na lugar na iyon. "Itigil mo na 'to, please... Nasasaktan na ako, Xavion." mangiyak-ngiyak na sigaw niya. Padabog siyang binitawan nito na halatang galit na galit. Ilang minuto siyang humihikbi dahil sa takot. Wala siyang ideya sa kung bakit nagkakaganito si Xavion, gayong wala naman siyang ibang ginawang mali na maaaring maging dahilan ng galit nito. "F*ck!" singhal ni Xavion at sinipa ang malaking lata sa harap niya, tumalsik naman iyon sa kung saan na
"Bakit andito ka na naman?" taas-kilay na bungad ni Sally sa kapapasok lang na si Draco. Natatawang napailing ito. "Grabe ka naman sa akin, babe. Inutusan ako ni Boss na bisitahin ka e." Sumalampak ito sa sofa. "Kamusta na kayo dito?" pag-iiba nito sa usapan. "Okay lang naman," maikling sagot nito bago pumunta sa kusina para maghanda ng pangmeryenda ni Draco. Una niyang inihanda ang mainit na kape. Nilagay niya ang tamang dami ng tubig sa kettle. Samantala, sa isang pinggan naman ay inilagay niya ang mga matatamis na tinapay na siya mismo ang nagbake, pinalambot ang mantikilya upang maging mas madaling kumain. Sa ibang kawali ay nagluto siya ng itlog na may tama lamang na pagkakaluto. Habang naghihintay na maluto ang itlog, nagtimpla muna siya ng tamang dami ng asin at paminta para sa tamang lasa. Matapos ang ilang minuto, inilapag ni Sally ang kanilang meryenda sa isang tray. Inilagay niya ang kanyang nilutong itlog sa hiwalay na plato. Sinundan niya ito ng mainit na kape na nila