Guarding the Badboy

Guarding the Badboy

last updateLast Updated : 2021-04-15
By:  Elyaniru  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
63Chapters
5.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Everybody wants to be protected. Everybody wants to be secured. Sa bawat kwento, pag isa kang "importanteng" tao, your life will be filled with threats kaya may mga taong papaligid sa iyo para protektahan ka, the guardians. Minsan, o di kaya halos lagi nalang, the damsel in distress ang laging prinoprotektahan. Nangangarap ng kanilang "Prince Charming" o di kaya ng isang "Knight in Shining Armor" ...pero ngayon, papatunayan ko sa inyo na ang isang babae ay kaya ring protektahan ang isang "importanteng" tao... yun nga lang... ...he's a badboy. I am guarding the badboy at ito ang aking kwento.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Sa ilalim ng tahimik na gabi, sa isang tagong lugar, kung saang merong isang—BOOM! Isang sabog ang umeksena sa isang gusali."Emergency. Emergency. Please leave the vicinity immediately!" tunog ng alarm ng paulit-ulit.Maraming taong nakasuot ng kanilang mga puting lab gowns ang nagsisitakbuhan at nagpapanik sa loob ng nasusunog na establishemento para lang makalabas at maligtas ang mga sarili sa pangyayari... ngunit wala ni isa ang nakalabas.Bang! Bang! Tik! Tik! Takatakatak! Swish! Fwoosh! Aaahhh!Mga tunog ng kanilang mga sigaw at tuloy-tuloy na laban para sa kanilang buhay ang tanging naririnig sa bawat sulok ng nasusunog na gusali. Ang mga scientists na ito ay ginagawa lahat ng paraan para lang makatakas sa kamatayan sa kamay ng mga tinatawag nilang tailed beasts.Ang mga tailed beasts ang rason kaya nangyayari ang isang hopeless na sitwasyon para sa mga tao na makalabas ng buhay. Sila ang dahilan kaya nangyari

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Julia Nora
nice story! looks like i'm gonna read your another books ;) by the way, do you have any social media to keep up with your readers?
2021-07-19 13:03:45
2
63 Chapters

Prologue

Sa ilalim ng tahimik na gabi, sa isang tagong lugar, kung saang merong isang—BOOM! Isang sabog ang umeksena sa isang gusali."Emergency. Emergency. Please leave the vicinity immediately!" tunog ng alarm ng paulit-ulit.Maraming taong nakasuot ng kanilang mga puting lab gowns ang nagsisitakbuhan at nagpapanik sa loob ng nasusunog na establishemento para lang makalabas at maligtas ang mga sarili sa pangyayari... ngunit wala ni isa ang nakalabas.Bang! Bang! Tik! Tik! Takatakatak! Swish! Fwoosh! Aaahhh!Mga tunog ng kanilang mga sigaw at tuloy-tuloy na laban para sa kanilang buhay ang tanging naririnig sa bawat sulok ng nasusunog na gusali. Ang mga scientists na ito ay ginagawa lahat ng paraan para lang makatakas sa kamatayan sa kamay ng mga tinatawag nilang tailed beasts.Ang mga tailed beasts ang rason kaya nangyayari ang isang hopeless na sitwasyon para sa mga tao na makalabas ng buhay. Sila ang dahilan kaya nangyari
Read more

The Guardian

Chapter 1"...keep my son... safe. His name... his name is..."Napamulagat ako ng mga mata ng di oras.Kriiing! Naunahan ko pa ang alarm clock ko. Kahit malakas na ang tunog nito, napatulala muna ako sa aking kisame bago ko nga nilingon ito at pinatay. Unti-unti akong bumangon sa aking kawayan na kama at pagkaupo, napatulala na naman ako, puno ng alala ang mga mata.Hindi niya nabanggit ang pangalan niya. Paano ko siya mahahanap?Napalingon ako sa maliit na mesa na katabi lang ng kama ko kung saan nakapatong ang alarm clock ko, at ang isa pang bagay na maaaring maging daan para mahanap ko nga ang taong tinutukoy niya.Napatingin muli ako sa orasan at bahagyang nagulat na ilang minuto na ang lumipas kaya agad akong bumangon para pumunta sa banyo at maligo. Pagkatapos, nagbihis ako ng kaswal na damit na panglabas at lumabas sa aking maliit na bahay kubo na gawa sa mga pinagtagpi-tagpi na kahoy at yero at kinandado ang pinto nito.
Read more

The Guardian 2

Ginawa namin ang trabaho namin hanggang mag-gabi. Mabuti na lang at walang masyadong aksidente at disgrasyang nangyari ngayon. May ilang customer lang na magrereklamo pero propesyunal namin itong nireresolba."Time check, alas otso na," sabi ni Geoffrey mula sa counter kaya napatingin naman ako sa orasan ng café habang nilalagay ko ang ilang baso at plato sa isang palanggana para dalhin kay Ate Willow. Iilan na lang ang customer sa ganitong oras pero halos lahat sila ay estudyante na parang gustong magpuyat.Mayamaya,"8:30," sabi bigla ni Geoffrey kaya nagkatinginan kaming tatlo nila Iris at Lizar at ginawa ang dapat gagawin. Sa ganung oras, bawat customer na nandito pa rin sa shop ay pinakiusapan namin na hanggang alas nuebe (9) lang ang café para tapusin nila ang kailangan nilang tapusin. Matitigas ang ulo ng iba at mabuti na lang at tinuruan kami ni Ma’am na huwag patulan ang mga ito pero pag sobrang tigas talaga ng ulo, si Ma'am Safira t
Read more

The Search

Chapter 2"Andito ako para pag-usapan ang tungkol sa hinahanap mong tao," sabi ni Ma'am.Tuluyan akong nagulat sa lugar ko nang marinig ko iyon."Nung 13 ka, pumasok ka sa isang paaralan as a grade 7 and 8 student tapos bigla na lang lumipat ka sa isang high school para pumasok as grade 9 and 10. Akala ko ibang track ang gusto mo sa huli mong highschool kaya ayaw mong ipagpatuloy ang grade 11 mo roon pero nang kunin mo ang isang track na meron naman sa highschool na iyon, hindi sana ako magtataka at malalaman ang tungkol sa concern mo."Napayuko ako. "Personal po kasi siya Ma'am," sabi ko."Alam ko. Ayaw ko sanang makialam pero hindi ganun kadali na palipat-lipat ka ng paaralan para lang maghanap ng isang taong hindi mo naman alam kung anong pangalan niya at tanging ID lang ng nanay niya ang meron kang clue para mahanap siya."Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Ma'am."Isang tulong man noong inalukan ko kayong walo na magtrabaho rito sa
Read more

The Search 2

Kriiing!Pagkagising ko sa umaga, agad akong bumangon para pumunta sa banyo para maghanda papunta sa eskwelahan. Lumipas ang isang linggo at ngayon ang unang araw ko para pumasok sa International Sanders Academy.Pagkarating ko muli sa gate, napatayo muna ako sa harap at parang pinagmasdan ang malaking gusali dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. May ilang pumapasok sa loob na halatang mga estudyante—Peep! Peep! Busina ng isang kotse kaya nagulat ako at napalingon sa likod at nakita ang isang itim na kotse. Gumawa siya ng hand gesture na parang pinapatabi ako sa daan."Ah sorry," paumanhin ko naman kaya tumabi ako.Akala ko aalis lang ito at lalampasan ako pero binaba niya pa ang bintana kung saan ako nakatapat at tinignan ako ng itim niyang shades."Hindi ko alam kung sadyang bulag ka lang ba talaga Miss pero hiwalay ang daanan ng mga tao sa daanan ng mga kotse. Pero kung gusto mo lang talagang magpasagasa at humarang
Read more

The Badboy

Chapter 3"Good morning class," bati bigla ng guro pagkapasok."Good morning Ma'am," bati ko naman pabalik at ang awkward kasi ako lang bumati. Bakit parang mali na ginawa ko iyon?"Oh I see we have a new student here."Ano? Ganun ba yun? Malalaman mo na lang na new student ka pag mag-isa kang bumati sa guro?"Kindly stand up and introduce yourself to everyone."Tumayo naman ako. "Uhm ako po si Xania at 17 years old na ako. Masaya akong makilala kayo," ngiti ko naman sa kanila pero halos ang iba ay hindi man lang ako pinansin. Okay nice talking."Thank you Xania. You may now take your seat," sabi ng guro at doon lang ako umupo. "So let's start our discussion."Agad ko namang binuksan notebook ko para handang magsulat pero nagulat ako nang iba ang nilalabas ng mga tao sa paligid ko. Grabe talaga technology ngayon. Akalain niyo yun gamit lang nila tablet, cellphone o laptop para lang mag take down notes. Nahiya naman ang notebook
Read more

The Badboy 2

Pagkatunog ng alarm na ginawa niya, agad nagising si Vince at bumangon mula sa kama niya para maligo at magbihis. Sinuot niya muna ang isang puti na polo at isang itim na necktie bago dinala ang isang itim na tux at lumabas ng kwarto. Nagpaalam siya kay Manang na gumawa na lang ng pagkain na para sa kanya at sa guards na nasa labas dahil hindi siya kakain mamaya pag-uwi.Nagpaharurot siya paalis papunta sa sinasabing barko kung saan ididiwang ang birthday ng pinsan niya. Nagparada siya sa pier bago bumaba ng kotse para sumakay sa sinasabing barko. Nasa entrance na siya nang harangan siya ng dalawang mukhang mga sea man.“Magandang hapon Sir,” bati ng isa. “Ano po ang punta niyo rito?”Tinaasan muna ng kilay ni Vince ang dalawa.“I’m here for the party,” sagot ni Vince.“Sir may invitation card po kayo?” tanong ng isa.Kumunot ang noo ni Vince. Meron naman eh, pero naiirita siya dahil baki
Read more

Night at the Sea

Chapter 4XANIAUnang araw ng pasukan, sabihin nating mukhang naging okay lang naman. Di bale nang may nakilala akong lalaking ubod ng sungit na panira ng araw dahil hindi naman siya pumasok pagkatapos ng recess. Ewan ko roon. Hindi ko nga alam kung bakit pa siya pumasok kung ganung uuwi rin lang siya. Kaya siguro naturingang badboy kasi bulakbol pala ang taong yun.Pagkatapos kong gawin ang mga pinagawa sa akin ni Ma'am Jacky, agad naman akong umalis ng paaralan pero kaysa dumiretso sa bahay, dumiretso ako sa café. Syempre kailangan ko pa ring mag-trabaho. Yun nga lang, part time ako tuwing weekdays tapos full time naman sa weekends.Pagkarating ko sa likod ng café, kumatok ako muli at bumukas muna ulit ang maliit na bintana bago nga ako pinapasok at nagulat ako sa sumalubong sa akin."Xania," ngiti niyang bati sa akin. "Buti nakapunta ka ngayon.""Axton. Asaan si Ma'am?" tanong ko."Nasa office niya syempre. Bakit?"
Read more

Night at the Sea 2

Nang 5 na ng umaga, agad akong bumangon para magluto. Pagkatapos saka ako naligo at nagbihis ng uniporme ko. Kinain ko agad ang almusal ko, inayos ang baon ko at lumabas agad ng bahay nung sa tingin ko wala na akong naiwan.Naisip ko rin pala, dapat ngayon kumukuha na ako ng impormasyon tungkol sa anak ni Ma'am Victoria. Alam ko nakikibagay pa lang ako sa bagong eskwelahan at jusko, ang dami kong kailangang matutunan para makibagay nga ako pero hindi ko maiwasang mag-alala para sa anak niya. Baka kung ano nang nangyari sa kanya at hindi ko man lang natupad ang pangako ko sa kanya. Baka multuhin ako ni Ma'am Victoria ng di oras.Pagkarating ko sa eskwelahan, dumiretso ako sa classroom ko at agad umupo sa upuan ko pero kahit hanggang doon, nag-iisip pa rin ako. Saan kaya rito sa ekwelahang ito ako makakakuha ng impormasyon? Sino kayang tatanungin ko? Eh kung mga kaklase ko kasi, baka hindi rin lang naman nila kilala o baka wala silang pakialam.Dumating din agad a
Read more

How Bad

Chapter 5"Paano pag sinabi ko sa iyo na ako ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?" sabi niya bigla.Napatigil ako ng di oras sa kinauupuan ko dahil doon. Ano raw? Siya? Siya ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?"Pfft hahahaha," tawa ko na halos kinagulat ng lahat ng nasa loob ng classroom."Anong tinatawa mo?" iritang tanong ng katabi ko."Haha ang galing mo din noh," sabi ko sa kanya. "Ikaw ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?""Paano nga pag ganun? Mag-iingat ka sa mga pinagsasabi at ginagawa mo rito sa eskwelahang ito dahil pwede kitang ipatalsik dito ng di oras."Sa sinabi niya saka ako tuluyang napatigil sabay sumeryoso agad ang aking itsura. Hinarap ko siya pagkatapos."Hoy tsong," seryoso kong sabi sa kanya. "Hindi purket may itsura ka, mahangin ka na. Hindi purket tinuturingan kang prinsipe ng eskwelahang ito, makaasta ka akala mo kung sino ka. Wala akong pakialam kung gaano ka karangya at makapangyarihan dahil
Read more
DMCA.com Protection Status