Pagkatunog ng alarm na ginawa niya, agad nagising si Vince at bumangon mula sa kama niya para maligo at magbihis. Sinuot niya muna ang isang puti na polo at isang itim na necktie bago dinala ang isang itim na tux at lumabas ng kwarto. Nagpaalam siya kay Manang na gumawa na lang ng pagkain na para sa kanya at sa guards na nasa labas dahil hindi siya kakain mamaya pag-uwi.
Nagpaharurot siya paalis papunta sa sinasabing barko kung saan ididiwang ang birthday ng pinsan niya. Nagparada siya sa pier bago bumaba ng kotse para sumakay sa sinasabing barko. Nasa entrance na siya nang harangan siya ng dalawang mukhang mga sea man.
“Magandang hapon Sir,” bati ng isa. “Ano po ang punta niyo rito?”
Tinaasan muna ng kilay ni Vince ang dalawa.
“I’m here for the party,” sagot ni Vince.
“Sir may invitation card po kayo?” tanong ng isa.
Kumunot ang noo ni Vince. Meron naman eh, pero naiirita siya dahil bakit kailangan pa nilang makita iyon? Hindi ba pwedeng papasukin na lang siya?
Sasagot na sana siya nang,
"Kuya Vince!" sayang tawag ni Rina sabay tumakbo papunta sa kanya at yinakap siya. “I’m so glad you’re here.”
Hindi umimik si Vince at imbis na balikan ng yakap ang pinsan niya, he just tapped her head as his greeting.
“Bakit hindi ka pa pumasok? Anong problema rito?” tanong ni Rina.
Naglabas naman ng buntong hininga si Vince. “They are asking for an invitation card.”
“Hah?” sabay hinarap naman ni Rina ang dalawang lalaki. “Why are you asking him an invitation? Hindi niyo ba kilala kung sino siya?” mga tanong niya sa kanila.
Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki.
“He’s Kuya Vince—“
“Hayaan mo na Rina,” singit naman ni Vince. “Now that you’re here, panigurado naintindihan naman na nila iyon kaya tara na.”
“Okay,” ngiting sagot ni Rina.
Habang papasok sila sa barko,
“Akala ko hindi ka makakapunta ngayon.” sabi ni Rina. “Balita ko kasi pumasok ka kanina sa ISA (International Sanders Academy)."
Naglabas ng buntong hininga si Vince. "I changed my mind," simple niyang sagot sa nakakabata niyang pinsan.
Sinagot siya ng isang ngiti ni Rina.
"By the way..." sabay may kinuha si Vince sa bulsa niya at binigay ang isang itim na kahon kay Rina. "Happy 16th birthday Rina," simpleng bati ni Vince.
Masaya namang kinuha ni Rina ang kahon na iyon sa mga kamay ni Vince. "Thank you Kuya Vince," ngiti niya ng masaya sabay binuksan ang kahon.
Parang nagningning ang kanyang mga mata nang makita niya ang laman ng kahon at kinuha ito.
"Paano mo nalaman na gustong-gusto ko nito?" tanong na parang bata ni Rina habang may hawak-hawak siyang kwintas na may pendant ito ng isang kutsilyo.
"Just a hunch," sagot naman ni Vince.
"Ala thank you talaga Kuya Vince," sayang sabi ni Rina. "Tulungan mo nga akong isuot ito,"
Ganun naman ang ginawa ni Vince at pagkasuot ni Rina, hindi matanggal ang ngiti sa kanyang mukha dahil doon.
"Ikaw ba yan Vince?" tanong bigla ng isang tao kaya napatingin ang dalawa sa tumawag sa kanya.
"Ikaw nga!" sayang wika ng isang lalaki na may hawak-hawak pang bote habang papalapit kay Vince.
Bigla siyang umakbay sa kanya. "O kamusta ka na hah?" sayang tanong niya sa kanya.
Hindi siya inimikan ni Vince and look at him with judgement in his eyes.
"Hayaan mo Vince hindi pa actually lasing yan si Zend," sabi bigla ng isang boses kaya napalingon sila sa nagsalita.
Ngumiti siya sa kanila. "Sisiguraduhin ko namang hindi."
"Clyne!" saya namang sabi ni Zend. "Andito ka pala."
Naglabas ng buntong hininga si Clyne. "Kanina pa Zend."
At sinabing hindi pa raw siya lasing.
"Kuya Zend, tama nang inom. Mamaya magsuka ka," parang bata na sabi ni Rina.
"Huwag kang mag-alala sa akin, baby girl. Kaya ko na ito. Nasa legal age na kaya ako," sagot naman ni Zend.
"Zend you're just 19," sabi naman ni Clyne. "21 ang legal age ng mga lalaki."
"Ows?" pagtataka ni Zend sa sarili.
"Anyways si Kuya Usher? Asan na naman siya?" mga tanong ni Rina.
"He's on our table, busy with his laptop," sagot naman ni Clyne.
"Hayst si Kuya Usher talaga," komento ni Rina.
"Uy ano to, ano to," pasok bigla ng isang matangkad at eleganteng babae na nakaputing dress. "Am I missing something?"
"Ah Ate Quincy," bati ni Rina. “Wala naman. Thank you pala Ate Quincy for sponsoring me a boat.”
"Sus ikaw pa,” sagot naman ni Quincy. “That’s one of my birthday gift to you. Pero uy, balita ko na pumasok ka raw sa ISA kanina Vince, is that true?" tanong bigla ni Quincy.
"Talaga?!" sabay na tanong nina Clyne at Zend at halos lahat ay napatingin sa kanya dahil doon. Biglang nailang naman si Vince.
"Come on Vince. Tell us something juicy," intriga bigla ni Quincy.
Naglabas naman ng buntong hininga si Vince. "There's nothing to tell you. Pumunta lang ako doon dahil sa utos ni Auntie," sagot niya sa kanila.
"Ows di nga pre?" hindi pa rin makapaniwala si Zend. "Bakit hindi kita nakita doon?"
"Kailangan ba?" sungit ni Vince.
"Saka malamang nasa kabilang building tayo eh Zend," sabi naman ni Clyne. "But how long did you stay there?" tanong niya.
"Umalis din ako nung recess," sagot niya.
"Kung ganun, ano yung pina-utos sa iyo ni Tita Jacky?" tanong naman ni Quincy. "I'm sure it's something really interesting kaya pumunta ka."
"It's not," manhid na sagot ni Vince.
"Oh really?" tanong ni Quincy with suspicion. "Eh bakit ka pumunta kung ganun?"
"Because that's Aunt Jacky, Ate Quincy," sabi naman ni Rina. "Kahit huwag mong sundin ang utos ng iba basta huwag si Aunt Jacky. You don't want her kapag sinuway mo siya."
"Naku, agree ako sa iyo baby girl," sagot naman ni Zend sabay inom sa isang bote.
"Stop calling me that! I'm not a baby anymore," inis na sagot ni Rina.
"Eh sa cute ka eh kaya nagmumukha ka pa ring baby girl," sagot naman ni Zend.
Nag-pout si Rina dahil doon.
"O kita mo na?” sabi ni Zend. “Parang baby girl talaga—"
Hindi natapos ni Zend ang sasabihin niya at nanigas sa lugar niya dahil sa nangyari.
Iilan lang ang nakakita sa kung paano naglabas ng kutsilyo si Rina at tinutok ito ng patago sa likod ni Zend. Rina gave him a sinister look.
“Call me baby girl again…” Rina smirked. “…I’ll show you who’s a baby.”
Kahit ganun, wala namang panic sa mukha ni Zend at pakunwaring tinaas ang dalawang kamay na sinasabing sumusuko siya.
“Okay. Sabi mo eh,” sagot lang ni Zend.
Mabilis naman na tinago agad ni Rina ang kutsilyo sa kanyang dress at ngumiti na parang walang nangyari.
“Sige maiwan ko muna kayo. I need to greet some of our guests,” sabi ni Rina at naglakad paalis. Pinanuod naman ng apat ang birthday celebrant at halata sa mukha nila na hindi sila apektado sa nangyari. Uminom pa nga ulit si Zend sa hawak-hawak niyang bote.
"Tama na nga yan Zend," pigil naman ni Clyne sabay kuha ng bote sa kamay niya.
"Ano ba Clyne. Gusto ko pang uminom eh," reklamo naman ni Zend.
"Subukan mong kunin ito sa akin, babasagin ko ang boteng ito sa ulo mo," ngiti naman ni Clyne sa kanya.
Agad namang napatigil si Zend sa ginawa ng kaibigan.
"Pssh," sabay iniwasan niya ng tingin si Clyne. "Tara na nga Vince. Marami pa namang ibang pwedeng inumin diyan eh," habang nakaakbay pa rin siya kay Vince.
"Yeah I heard na kakanta si Xoey ngayon," balita naman ni Quincy. "Let's get a table together."
"Pasensya na Ate Quincy pero hindi na kasali ang mga tulad mong matandang dalaga sa table namin," komento naman ni Zend.
"May sinabi ka Zend?" tanong naman ni Quincy at sabay na napatigil ang tatlong lalaki sa pagngiti ni Quincy, more like a smirk.
"Ah wala wala," bawi agad ni Zend. "Ikaw naman o. Hindi na mabiro."
Nakangiti pa rin si Quincy, pero nabalot naman ng kaseryosohan ang kanyang mga mata. "Subukan mong sabihin yun ulit..." sabay bigla siyang lumapit kay Zend at binigyan siya ng nakakamamatay na ngisi. "...I'll rip your neck off."
Napalunok naman ng di oras si Zend. Bumalik ang ngiti ni Quincy and flipped her hair bago siya tumalikod sa kanila.
"Hay ano ba yan. Mga babae talaga nakaka-stress," reklamo ni Zend.
“Oh and by the way…” dagdag ni Quincy sabay hinarap sila muli.
Sa bilis ng pangyayari, walang nakakita kung paano tinapon iyon ni Quincy sa tatlong lalaking pero nakuha naman agad ng tatlo ang bagay na tinapon ni Quincy sa kanila. Ngumiti lang muli si Quincy bago siya tumalikod muli at naglakad paalis.
Napatingin naman ang tatlo sa hawak-hawak nilang puting card. Walang nakasulat dito at wala rin kahit anong marka, pero walang halong pagtataka ang itsura ng tatlo.
“Tss, ito na naman,” sabi pa ni Zend.
Naglabas naman ng buntong hininga si Clyne. “What are we going to talk about this time?”
Wala nang imik si Vince habang nakatingin pa rin sa card at naglakad na lang paalis habang tinatanggal ang braso ni Zend na naka-akbay sa kanya. Sumunod si Clyne.
“Ano ba yan. Hindi ba muna kayo kakain?” tanong ni Zend sa kanila pero hindi siya pinansin ng dalawa.
“Tss. Sana lang may nakahandang pagkain doon,” sabi naman ni Zend.
They went down to a flight of stairs in the boat at habang pababa sila, paunti ng paunti rin ang taong nakapaligid. Hanggang sa nakarating sila sa pinakababang parte ng barko na kung saan wala talagang tao. Maiingay na makina lang ang tanging maririnig ng tatlo hanggang sa nakarating sila sa gitna ng kwartong iyon.
Unang lumuhod si Vince para i-scan ang putting card na iyon sa isang scanner sa sahig na walang nakakakita kundi sila lamang.
Pagka-scan, may nagbukas na butas at tumalon si Vince papasok doon at agad din itong nagsara. Ganun din ang ginawa ng dalawa na sumunod. Pagkapasok ni Vince, nakita niya na nandoon na si Quincy at Usher na may hawak-hawak ng glass of champagne.
“O, nandito na si number 3,” bati ni Quincy.
Pagkapasok naman ng dalawa, binate rin sila ni Quincy.
“Number 4 and number 6.”
“Uy alak ba yan?” bungad ni Zend.
“It’s champagne Zend,” sabi naman ni Usher.
“Ah basta alak. Pahingi nga ako niyan.”
“No. You’re still a minor.”
“Tss, minor-minor. Nagawa ko ngang uminom kanina na walang sumisita sa akin.”
“Well, it’s different this time because I’ll be watching you Zend,” sabi ni Usher at tumalikod.
Pagkatalikod niya nga, pasimpleng kukunin na sana ni Zend ang bote ng champagne para lagyan ang katabi niyang baso nang,
Tik. May biglang dumapong toothpick sa mesa kung saan ang champagne na ikinatigil ni Zend. Napatingin siya sa gawi ni Usher na nakatalikod pa rin.
“I told you Zend…” bahagya siyang lumingon sa kanya. “…I’ll be watching you.”
Hindi na lang tinuloy ni Zend ang binabalak niya.
“Tss, bat ba ang daming kill joy sa mundo?” reklamo na lang ni Zend at umupo sa bakanteng sofa meron ang kwarto.
Bumukas ang butas muli at may pumasok na dalawang babae, at pagkatalon nila papasok,
“Oright,” sabi bigla ni Toca. “Excited na ako kung anong pag-uusapan.”
“Hello number 5,” bati naman ni Quincy.
“We’re not late are we, number 8?” tanong ni Xoey.
“No number 2,” sagot ni Quincy. “May isa na lang tayong hinihintay.”
“Who is it?” tanong ni Xoey.
Bumukas bigla ang butas at may tumalon muling babae.
“Whoop,” she exclaimed when she land on her feet. “Hi guys,” ngiti ni Rina sa kanila.
“And there is number 1,” sabi ni Quincy. “Looks like we are complete.”
…
Pagkaupo ng walo sa isang mahabang sofa na nakapa-bilog sa isang bilog na mesa sa gitna,
“So to start it all off…” simula ni Quincy. “…I called you seven here because—“
“Of work,” pagtatapos ni Zend kaya napatingin sila sa kanya. “Yeah, yeah. Ano pa bang ibang rason kaya tinawag mo kami rito, Ate Quincy?”
Quincy paused at her place. “Well, you’re right Zend. Wala naman talaga akong ibang rason,” sabay naglabas siya ng mga folder at nilapag iyon sa kaharap nilang mesa. “You can pick any cases you want that you are interested.”
After Quincy have done that, isa-isa namang kumuha ang iba, pero ang iba ay hindi man lang hinawakan ni isa anng mga folder na iyon, tulad ni…
“So, not interested at all Vince?” tanong ni Quincy sa kanya.
Nakatingin lang sa mga natirang folders sa mesa si Vince.
“I’m not in the mood,” sagot ni Vince.
“Are you sure?” dagdag ni Quincy. “These cases can hone your skills. It’s been 4 years since you really went out there. Baka mangalawang yang mga abilidad mo and you will no longer be number 3.”
“I don’t f*cking care Quincy,” sagot naman ni Vince. “I went to that school to be trained on how to kill that creature. Wala akong pakialam kung anong numero ko. Kaya lang naman ako natawagang number 3 because of the certain creature I need to kill.”
“O di bakit ka pumunta rito Vince?” tanong naman ni Quincy. “If you very well knew na ito lang naman ang pag-uusapan natin dito.”
Napapikit muna ng mga mata si Vince.
“Nagbabaka sakali ako…” sagot ni Vince and looked at every person in the room. “…na isa sa inyo ay may balita sa galaw ng mga beasts na iyon.”
Tumingin sila kay Vince after he said that, pero bumalik din sa mga folder na hawak-hawak nila pagkatapos.
“Wala?” Vince exclaimed sabay napatingin kay Quincy. “Imposibleng pati ikaw wala rin,” sabi ni Vince sa kanya.
Naglabas naman ng buntong hininga si Quincy. “Well it’s the information of my beast so what does it have to do with you kung sasabihin ko nga?”
Nagulat naman si Vince sa sinabi niya. “So you have your information already?”
“Of course,” sagot ni Quincy.
“Argh!” frustrated na sabi ni Vince at tumayo. “At ako wala man lang ni isang alam kung saan siya?!”
Walang umimik sa outburst ni Vince. Dahil doon, napaalis na lang si Vince sa lugar niya at togsh! Sinuntok niya ang metal na dingding ng kwarto nila.
Ilang taon na nga ba ang nakaraan simula nung mangyari iyon? Ang makita at mahawakan niya ang walang buhay niyang katawan sa lugar na iyon?
Napababa na lang siya ng namumula niyang kamay at napayuko. Bigla siyang may nilabas sa loob ng kanyang polo pagkatapos. Isang locket sabay binuksan ito para pagmasdan ang isang maliit na litrato.
Gusto niya lang namang bisitahin siya sa kanyang pinagtratrabahuan nung mga oras na iyon... pero sakto nangyari rin ang pagsabog. Walang kumpas na sumugod siya sa nasusunog na gusali na iyon para lang hanapin siya pero...
...natagpuan niya na lang itong nakahilata sa lupa. Memories came flashing back to him during those moments at nang hindi niya na nakayanan ay napasara na lang siya sa locket at mahigpit na hinawakan ito.
“Walang magagawa kung magpapadala ka sa emosyon mo,” sabi bigla ni Usher kaya bumalik sa katotohanan si Vince at napakunot ng noo. “I suggest, you do more of your research kung gusto mo nga siyang mahanap. Magtanong-tanong ka. Look around and find places where that beast could be,” dagdag ni Usher. “Walang magagawa kung magmumokmok ka lang sa mansyon mo.”
Vince was actually triggered sa mga sinabi ni Usher. Handa na siyang maglabas ng galit niya, pero tulad nga ng advice niya, hindi siya nagpadala, because he has a point. Naglabas na lang siya ng buntong hininga para kumalma at habang hawak-hawak pa rin ang locket niya, sinabi niya ito sa isip niya.
I promise you Ma, I will avenge your death. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nahahanap.
Biglang tumigil na lang ang barko kaya bumalik sa katotohanan si Vince at nagtaka ang halos lahat na nasa kwarto.
Krrgh! Tunog ng kulog.
Chapter 4XANIAUnang araw ng pasukan, sabihin nating mukhang naging okay lang naman. Di bale nang may nakilala akong lalaking ubod ng sungit na panira ng araw dahil hindi naman siya pumasok pagkatapos ng recess. Ewan ko roon. Hindi ko nga alam kung bakit pa siya pumasok kung ganung uuwi rin lang siya. Kaya siguro naturingang badboy kasi bulakbol pala ang taong yun.Pagkatapos kong gawin ang mga pinagawa sa akin ni Ma'am Jacky, agad naman akong umalis ng paaralan pero kaysa dumiretso sa bahay, dumiretso ako sa café. Syempre kailangan ko pa ring mag-trabaho. Yun nga lang, part time ako tuwing weekdays tapos full time naman sa weekends.Pagkarating ko sa likod ng café, kumatok ako muli at bumukas muna ulit ang maliit na bintana bago nga ako pinapasok at nagulat ako sa sumalubong sa akin."Xania," ngiti niyang bati sa akin. "Buti nakapunta ka ngayon.""Axton. Asaan si Ma'am?" tanong ko."Nasa office niya syempre. Bakit?"
Nang 5 na ng umaga, agad akong bumangon para magluto. Pagkatapos saka ako naligo at nagbihis ng uniporme ko. Kinain ko agad ang almusal ko, inayos ang baon ko at lumabas agad ng bahay nung sa tingin ko wala na akong naiwan.Naisip ko rin pala, dapat ngayon kumukuha na ako ng impormasyon tungkol sa anak ni Ma'am Victoria. Alam ko nakikibagay pa lang ako sa bagong eskwelahan at jusko, ang dami kong kailangang matutunan para makibagay nga ako pero hindi ko maiwasang mag-alala para sa anak niya. Baka kung ano nang nangyari sa kanya at hindi ko man lang natupad ang pangako ko sa kanya. Baka multuhin ako ni Ma'am Victoria ng di oras.Pagkarating ko sa eskwelahan, dumiretso ako sa classroom ko at agad umupo sa upuan ko pero kahit hanggang doon, nag-iisip pa rin ako. Saan kaya rito sa ekwelahang ito ako makakakuha ng impormasyon? Sino kayang tatanungin ko? Eh kung mga kaklase ko kasi, baka hindi rin lang naman nila kilala o baka wala silang pakialam.Dumating din agad a
Chapter 5"Paano pag sinabi ko sa iyo na ako ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?" sabi niya bigla.Napatigil ako ng di oras sa kinauupuan ko dahil doon. Ano raw? Siya? Siya ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?"Pfft hahahaha," tawa ko na halos kinagulat ng lahat ng nasa loob ng classroom."Anong tinatawa mo?" iritang tanong ng katabi ko."Haha ang galing mo din noh," sabi ko sa kanya. "Ikaw ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?""Paano nga pag ganun? Mag-iingat ka sa mga pinagsasabi at ginagawa mo rito sa eskwelahang ito dahil pwede kitang ipatalsik dito ng di oras."Sa sinabi niya saka ako tuluyang napatigil sabay sumeryoso agad ang aking itsura. Hinarap ko siya pagkatapos."Hoy tsong," seryoso kong sabi sa kanya. "Hindi purket may itsura ka, mahangin ka na. Hindi purket tinuturingan kang prinsipe ng eskwelahang ito, makaasta ka akala mo kung sino ka. Wala akong pakialam kung gaano ka karangya at makapangyarihan dahil
~~~Kakaalis lang ni Xania sa opisina niya at hindi niya maiwasang mag-alala at matulala sa kanyang mesa kahit marami pa siyang kailangang gawin bilang principal ng eskwelahan. Iniisip niya kasi yung nangyari bago niya nga pinatawag si Xania sa opisina niya.Boogsh! Gulat si Ma'am Jacky nang biglang bumukas ang pinto."Vince.""Aunt Jacky, I want her out," bungad niyang sabi sa kanya."Hah?" pagtataka naman ni Ma'am Jacky."That girl na sinabi mong interesado ka? Yang baguhan? I want her out of this school!" matigas niyang saad.Hindi naman nakaimik agad si Ma'am Jacky sa gulat nang marinig niya iyon sa bibig ng pamangkin niya.Mayamaya, naglabas muna ng buntong hininga si Ma'am Jacky bago nagsalita."Can you close the door first at maupo muna rito bago ka magputak-putak diyan?""You think I'm kidding?" sagot naman ng pamangkin niya. "I'm
Chapter 6Nagmamaneho si Vince ng kanyang itim na kotse sa kalsada ng Barangay Dyes habang hinahanap nga ang lugar na nakasabi sa maliit na papel na binigay ng Auntie niya sa kanya.Hounded Pastry CaféKinakairita niya ito ngayon dahil ano bang meron sa lugar na iyon kaya siya pinapapunta ng Auntie niya na mayroong kinalaman ang pagrereklamo niya na mapatalsik ang babaeng iyon?Nang mahagilap ng mga mata niya ang pangalan ng café na iyon na umiilaw, agad naman siyang naghanap ng paradahan. Sakto bakante ang harapan nito dahil sa gabi naman na.Pero kahit na ganun, wala siyang balak bumaba ng kotse at gawin nga ang sinabi ng kanyang Auntie na bisitahin ang café na iyon. Gusto niya lang tignan ngayon ang lugar na baka makita niya ang rason kung bakit nga pinapapunta siya ng Auntie niya roon."Salamat sa pagpunta Ma'am and Sir. Sana makabalik kayo muli," bati ng isang babae sa harap mismo ng pintuan ng café.
Chapter 7Dahil sa narinig ko, walang sabi-sabi na bumalik ako doon sa bulletin board at kinapalan ko na ang mukha ko na makisingit para lang makita yung poster na iyon. Mabuti at nagawa ko ngang makarating sa harap nito at binasa agad ang mga nakasulat.Vince Victorino, son of the owner of International Sanders Academy, is looking for a personal assistant today to help him in his daily duties as an heir. You can submit your applications at his office by 12 noonHah? Anong ibig sabihin nito? Personal assistant? Bakit siya maghahanap ng personal assistant?Saka lang ako umalis sa crowd nang makita ko ang orasan na malapit na mag-time. Nagmamadali ako sa classroom at pagkarating, agad akong umupo sa upuan ko.Humihingal pa akong napaupo. Buti na lang nakarating ako on time. Nilapag ko ang bag ko at kinuha agad ang notebook at ballpen kong pangsulat nang bigla kong napansin ang isang presensya."Ay pating!" gulat kong sabi. Hindi ako m
...Pagkarating ng lunch, dahil sa naalala ko agad yung tungkol sa audition na iyon, hinanap ko ang opisina ng prinsipeng iyon. Nagtanong pa talaga ako kay Ma'am Jacky kung saan nga banda iyon. At dahil doon, tinanong niya ako kung mag-a-apply ba ako sa pagiging personal assistant niya.Syempre sinabi ko yung totoo, pati na rin yung kondisyon niya na yun ang kailangan kong gawin para hindi ako mapatalsik dito sa eskwelahang ito."As expected of him," bulong ni Ma'am na hindi ko narinig."Ano po yun Ma'am?" maang kong tanong."Wala," ngiti niya. "Ang sabi ko, good luck Xania."Nagtaka na lang ako dahil doon at namaalam agad kay Ma'am at lumabas. Hindi ko talaga narinig yung sinabi niya nung una. Ang alam ko hindi yung huli niyang sinabi ang sinabi niya. Heh. Bahala na.Papunta na ako sa opisina ng prinsipeng iyon pero pagkarating ko, bogsh. May nakabangga ako."Hey, watch where you're going," sagot ng babaita na mukhang nakapila
...Tumatakbo ako ngayon papunta sa opisina niya dahil kakaalis ko lang sa classroom kanina nang bigla akong pinatawag ni Ma'am Jacky sa opisina niya. Syempre kailangan kong pumunta pero medyo napatagal kaya nagmamadali ako ngayon papunta naman sa interview na iyan. Bwiset. Bakit ba ito nangyayari sa akin?!Humihingal akong nakarating sa pinto at buti na lang nandoon pa siya. Walang sabi-sabi na agad akong umupo sa upuan na kaharap ng trono niya. Kung sasabihan ako ng isang to tungkol sa pagupo ko, naku baka makatikim siya sa akin."So, you're Miss Xania," sabi niya bigla na ikinataka ko. Nakatingin pa ang tsonggo sa mga papel na sinulatan ko kanina para lang sa bwiset na audition na ito na parang hindi niya ako kilala. Okay, anong trip niya?"Oo nga pala noh. Utusan ka rin pala ni Aunt Jacky."Sumeryoso lang ang mukha ko sa sinabi niya. Alam niyo ba na nainis ako nang sabihin niya iyon? Parang nagpaparinig eh. Kita niya na nga na pagod ako rito, h
“Ma’am,” tawag bigla ng isang tao na nakasira ng katahimikan sabay napatingin ang dalawa sa kanya.“Geoffrey,” sabi ni Axton.“Ma’am, gising na po si Xania,” sabi ni Geoffrey.Nagulat ang dalawa at napatingin muna sa isa’t isa, bago nila naisipang tatlo na sabay bumalik sa clinic.Pagkarating nila, andoon pa rin si Yune, Iris, Lizar, Willow at Oriana habang nakahiga naman sa kama si Xania, nakabukas na ang mga mata at iniglapan lang ang tatlo bago umiwas ng tingin. Napabuntong hininga naman si Ma’am at napatingin sa iba.“Maaari niyo ba kaming iwanan muna ni Xania?” pakiusap naman ni Ma’am, at kanya-kanya rin sila ng sagot na “Sige po” o di kaya “Masusunod po”.Pagkalabas nga nila, tumingin muli si Ma’am Safira kay Xania pero nakaiwas pa rin siya ng tingin sa kanya. Kumuha naman ng upuan si Ma’am Safira at tinabi ito sa kama at u
Pagkalabas ni Ma’am, nakarating siya sa baybay ng dagat dahil sa malapit lang ang clinic na iyon sa dagat. Ngayon, dahil sa wala naman nang makakakita, umukit ang awa at pighati sa mukha ni Ma’am Safira. Alalang-alala niya ang mukhang pinakita ni Xania habang dumadaloy ang luha sa mukha niya… mas lalo na nang maalala niya ang gabing iyon...No one actually knew that Safira was able to follow Jacky papunta sa building kung saan ang organisasyon ni Mr. Victorino. Using her wings, she followed Jacky through the sky.Nahirapan siyang makapasok dahil sa dami ng taong nakabantay kaya isa-isa niya itong pinatumba para mawalan sila ng malay. She's using her tails sa bawat taong nakakakita sa kanya na pumapasok sa building nung mga oras na iyon at sinisigurado na tuwing nawawalan sila ng malay, hindi nila maaalala na nakita nila siya.Gamit ng extended ears sa kanyang ulo as one of her tails, rinig niya kung saan nga nakakulong si
Sa isang madilim na kwarto, na tanging liwanag lang ng buwan na nanggagaling sa isang bintana ang umiilaw sa kwartong iyon, Vince is standing by the window staring out in the open like he's waiting for something. Walang nakakaalam ng iniisip niya ngayon habang nakatanaw nga siya ng malayo sa labas ng bintana.Naudlot na lang ang katahimikang iyon nang may kumatok sa pinto. Wala pang sinasabi si Vince nang bumukas ito ng mag-isa at nagpakita ang Auntie niya."Hey," ngiting bati sa kanya ni Ma'am Jacky.Hindi umimik si Vince but weakly smiled back at her as his reply."Sorry it took a while," sabi ni Ma'am Jacky at pumasok sa loob ng madilim na kwarto.Pero may sumunod na pumasok din. Siya ang nagsara ng pinto at hindi man lang binukas ang ilaw ng kwarto… dahil wala rin naman itong ilaw. Pinosisyon niya ang sarili niya sa harap ng dalawa with her arms crossed on her chest."So, handa na ba kayong dalawa?" seryosong tanong ni Ma'am Safir
~~~Xania is sitting on the floor habang nasa loob siya ng kulungan at hindi maitanggal ang pag-aalala sa mukha niya, ngayong alam na ni Vince kung sino siya. Maalala niya lang ang mukha niya nang makita niya siya nung alas dyes ng gabing iyon, panigurado litong-lito iyon, at hindi na alam ni Xania kung ano ang iniisip niya pagkatapos.Makakapagpaliwanag pa ba siya? O talagang kinamumuhian na siya ng lalaking iyon sa puntong pag papasok ang lalaking yun ngayon sa kwartong ito, papatayin niya siya agad?Naudlot na lang ang pag-iisip na iyon nang bumukas bigla ang pinto, at may pumasok na tao. Nagulat siya kung sino dahil kanina lang, pinag-iisipan niya siya.Naglakad siya papalapit sa kanya at tumigil mga ilang metro mula sa kulungan niya. Seryoso ang kanyang mga titig pabalik sa kanya at tumingin sila mata sa mata. Naglabas bigla ng isang baril si Vince mula sa kanyang likod na kinagulat ni Xania, pero imbis na siya ang tutukan, tinutok niya ito sa katabi
Jacky looked back at Sanjiro. Pumagitna muli ang katahimikan bago nabasag naman ito ni,"Naintindihan ko," sabi ni Jacky. "Pero hindi mo man lang ba naisip yung nararamdaman ni Vince towards the beast?""Ugh," komento agad ni Sanjiro. "Feelings? How could you possibly say na may nararamdaman ang anak ko sa hayop na iyon? Alam ng anak ko na ang beast na iyon ang pumatay sa ina niya and I know he will kill that beast in his anger.""But what if that beast didn't actually killed Ate Victoria?" tanong naman ni Jacky."O come on Jacquilyn," Sanjiro retorted. "Why are you siding with the beast? Alam mo ba ang nilalang na iyon?""Yes," sagot naman ni Jacky. "And I know, beast or not, Xania will never do that."Nagulat si Sanjiro. "Xania? Where the f*ck did you even get that name?""It's the beast's name," singit naman ng isang boses kaya napatingin ang dalawa sa nagsalita. Nagulat ang dalawa sa nakatayo ngayon sa harap ng pinto."Vinc
Chapter 25Pagkatapos ma-contact ni Ma'am Jacky ang tatlong kabarkada ni Vince, nakasakay siya ngayon sa isang taxi telling him an address in Barangay Tres na hindi alam ng driver. So with that, tinuro na lang ni Ma'am Jacky ang daan papunta doon.Nasa madilim silang kalsada pero napansin agad ni Ma'am Jacky ang isang itim na kotse na naka-park."Sandali, hinto," utos agad ni Ma'am at huminto nga ang taxi."Dito na lang po Manong," sabi ni Ma'am habang kumukuha ng pera sa wallet at binigay sa taxi driver. "Keep the change na lang," sabay bumaba siya ng taxi.Nang makaalis na ang taxi, saka siya nagpa-ilaw ng flashlight sa kanyang cellphone para makita ang daan. Mabuti nga at naalala niya pa ang daan dito.Pagkarating sa end ng gubat, kita niya agad ang malaking building uphill. Walang sabi-sabi na pumunta siya agad doon and didn't even mind the men surrounding at pumasok mismo sa harap ng gate. May dalawang lalaki in black suit and sunglasse
Hindi makapaniwala si Vince sa nakikita niya. Dahil doon, nahulog niya pa ang tray na hawak-hawak niya. Ang nakakapagpagulat talaga sa kanya dahil ang nilalang na iyon na nasa loob ng cage... ay isang babae na nakahiga sa sahig na walang malay at maraming galis sa katawan at mukha."Xania?!" gulat na saad ni Vince.The girl didn't respond kaya napalapit agad sa salamin si Vince and tapped on it repeatedly."Xania? Xania, gising!" Vince shouting behind the glass.Sa tunog ng salamin kaya unti-unting nagkamalay si Xania at binuksan ang mga mata. She looked what's behind the glass so she squinted her eyes.There's a man in that same suit that is standing right in front of the glass. Ano na naman ito? What's this guy doing here? Isa na naman siya sa mga lalaki na magpapakain sa kanya?Is this another man that she has to kill again?But how can she? Wala na siyang lakas dahil sa bawat lalaki na magdadala ng pagkain niya, papa
...Vince is inside his car right now driving in the roads of Barangay Tres. Using a new GPS he installed in the car, pinuntahan niya ang lugar where the man could be.It was getting darker around where he is driving at parang minsan hindi pa makapaniwala si Vince na parte pa rin ba ng Barangay Tres ang pinupuntahan niya.Akala niya pa nga nawawala siya. He stopped at a place kung saan nga siya dinala ng GPS and he looked around him pero wala siyang makita, puros mga puno lang. Niloloko ata siya ng GPS niya eh. Is this even the right place?Bumaba na lang siya sa kotse niya, sinuot ang hood and with a flashlight on his hand, he looked around. Dapat talaga naisipan niyang dalhin yung GPS ng tracker ng lalaking iyon. Akala niya kasi madali lang puntahan yung lugar na meron sa address na iyon, pero ganito pala ang sitwasyon ng lugar in reality.Hindi siya natakot sa dilim and kept looking around the dark forest he is in. Pursigido siyang mahanap kung
Chapter 24Nang makaalis na ang tatlo, tahimik sa loob ng mansyon ngayon. Nasa kwarto si Vince na naka shorts at sleeveless na shirt while standing beside the window of his room and through the moonlight coming from it, tinignan niya muli ang hawak-hawak niyang itim na card.Ang daming umiikot sa isip niya ngayon, pagkatapos ng nangyari kanina."...huwag mong tatawagin yung number."F*ck, at si Zend pa talaga ang nagsabi nun so how can he not be bothered? Parang mas lalo lang siyang na-te-tempt na tawagan ang number....Nung gabing iyon, pagkauwi nga ni Zend, nasa kwarto niya siya ngayon hawak-hawak ang cellphone niya. Binuksan niya ito and went to his contacts and pressed a number for a call.The call is ringing kaya nilagay ito ni Zend sa tainga waiting for the other person to answer."Hello Zend?" sagot sa kabilang linya."Hello po Ma'am Jacky," sagot naman niya na nakangiti."What is it now?!" iritan