Share

The Search

Author: Elyaniru
last update Last Updated: 2021-01-30 15:46:31

Chapter 2

"Andito ako para pag-usapan ang tungkol sa hinahanap mong tao," sabi ni Ma'am.

Tuluyan akong nagulat sa lugar ko nang marinig ko iyon.

"Nung 13 ka, pumasok ka sa isang paaralan as a grade 7 and 8 student tapos bigla na lang lumipat ka sa isang high school para pumasok as grade 9 and 10. Akala ko ibang track ang gusto mo sa huli mong highschool kaya ayaw mong ipagpatuloy ang grade 11 mo roon pero nang kunin mo ang isang track na meron naman sa highschool na iyon, hindi sana ako magtataka at malalaman ang tungkol sa concern mo."

Napayuko ako. "Personal po kasi siya Ma'am," sabi ko.

"Alam ko. Ayaw ko sanang makialam pero hindi ganun kadali na palipat-lipat ka ng paaralan para lang maghanap ng isang taong hindi mo naman alam kung anong pangalan niya at tanging ID lang ng nanay niya ang meron kang clue para mahanap siya."

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Ma'am.

"Isang tulong man noong inalukan ko kayong walo na magtrabaho rito sa café pero hindi natatapos doon. Huwag kayong mahiya tuwing tinutulungan ko kayo dahil para ko na kayong pamilya."

Napatingin na lang ako kay Ma'am at ngumiti. "Maraming salamat po talaga Ma'am."

Naglabas siya ng buntong hininga. "Huwag ka munang magpasalamat dahil hindi pa ako sigurado kung makakatulong nga ito sa iyo," sabay may bigla siyang nilabas na folder at iniabot ito sa akin.

Kinuha ko naman ito at sa takip pa lang ng folder ay may mga letrang nagkasulat na kinagulat ko ng binasa ko.

International Sanders Academy

"Isa yang high school malapit sa Barangay Tres. Nakuha niya ang atensyon ko dahil sa pangalan nito, naalala ko yung pangalan sa ID na binigay sa iyo."

Wala sa ngayon ang ID na iyon sa akin pero alalang-alala ko ang pangalan na nakasulat sa ID dahil sa lagi kong dala-dala iyon. Napabukas ako ng folder ng di oras dahil doon.

"Ang sabi diyan, si Victoria Sanders ang founder ng paaralang iyan kaya pinangalan sa kanya ang eskwelahan. Ang problema nga lang, pang-mayaman ang high school na iyan kaya mahirap makapasok. May entrance examination na kailangan kahit transferee ka pa. Pati grades mo ay kailangang tignan kung pasado ka ba sa standards nila. Andyan na lahat ng papel na kailangan mo kung sakaling susubukan mong pumasok doon."

Sobrang nagulat ako nang makita ko ang isang application form at iba't ibang papel na kailangang sulatan para makapasok.

"Pero kahit ganun, hindi ko masasabing panatag ako na nandoon nga nag-aaral ang anak niya. Hindi natin alam baka ayaw pala ng anak niya na mag-aral doon."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Ma'am.

"Sobrang sapat na po ito Ma'am," sabi ko na lang. "Malaking tulong na po itong bagay na binigay niyo po sa akin. Hayaan niyo po, andoon man po siya o wala, tatapusin ko po yung senior high ko po roon. Dahil sa nasabi niyo po na si Ma'am Victoria ang founder, sigurado po akong marami akong makukuhang impormasyon tungkol sa anak niya."

Si Ma'am naman ang napangiti pabalik sa sinabi ko.

"Mabuti pala kung ganun."

Pagkalabas ko ng opisina ni Ma'am, sakto bumukas na rin ang café kaya nagtrabaho kami. Tuwing walang masyadong customer, tinatanong ako ni Iris at Lizar kung anong pinag-usapan daw namin. Sagot ko naman na basta hindi niya ako binigyan ng raise at pagkatapos hindi na sila nagtanong muli. Si Ma'am lang ang may alam tungkol sa paghahanap ko sa anak ni Ma'am Victoria. Hinahanap ko siya dahil tulad nga ng pangako ko sa kanya, poprotektahan ko siya.

Pagkarating muli ng 9 ng gabi, sinara agad namin ang café at sa natitirang oras ay inayos namin ang ilang kailangang gawin sa shop bago kami nagtipon muli sa kwarto na iyon. Pagkaraan ng 9:50, pinatay muli namin ang lahat ng ilaw ng café at pagkarating ng alas dyes, bumukas muli ang pinto sa likod ng shop at isa-isa muli kaming lumabas mula rito. Sa ngayon, ako ang nahuli at nauna pa si Ma'am Safira, na isa ring tailed beast, na lumabas pero bago siya umalis, nilingon niya muna ako at nagtanong.

"Sigurado kang okay ka lang gumala ngayon Xania?"

Nginitian ko siya. "Okay lang po talaga ako Ma'am. Marami lang iniisip."

"Kung ganun, kapag kailangan mo ng tulong sa kung saan ka baka sakali, gawa ka lang ng signal para tawagin ni isa sa amin, naintindihan mo?"

"Opo Ma'am."

"Good. Mag-iingat ka," paalam ni Ma'am bago siya lumipad paalis gamit ng dalawa niyang pakpak bilang isa sa mga tails niya.

Pinanuod ko muna siyang lumipad bago ko sinara ang pinto at tumakbo na rin paalis papunta sa Barangay Tres. Papunta ako ngayon sa pinakamalapit na dagat ng barangay at lalangoy. Hindi man ako makahinga sa ilalim ng tubig di tulad ni Axton, pero mabilis akong lumangoy dahil sa fish tail ko.

Ang ginagawa ko, pag alam kong di kalayuan na ang dagat na pupuntahan ko, bwebwelo muna ako para tumakbo ng mabilis at susubukang tumalon ng mataas at gamit ng mga peacock feathers ko, ibubuka ko ito para manatili ako saglit sa ere at gamit ng fish tail ko, aatake ako ng spiky fish scales sa dagat saka ko isasara ang peacock feathers ko at...

Splash! Nag-dive ako sa ilalim ng tubig para tignan kung may natamaan ba akong mga isda na pwedeng iuwi para kainin. Dahil sa ilaw ng buwan ngayon, maraming nagkumpol dito at marami akong nakuha kaya masaya kong kinuha ang mga fish scale na may mga nakatusok na isda. Pagkatapos, aahon ako para kumuha ng hangin.

Para akong may barbecue ng mga isda sa dami ng nakuha ko na ikinasaya ko. Pwede na ito. Hanap na lang ako ng mga prutas sa kakahuyan na pwedeng mapitas. Papunta na sana ako sa baybay nang may nahagilap akong malaking barko sa di kalayuan. Dahil doon, napalubog ako agad sa ilalim ng tubig at mabilis na lumangoy paalis.

Ang alam ko, madalas ang mga mangingisda sa laot ngayon dahil maganda talagang mangisda tuwing madilim at tahimik ang dagat. Mahirap na kung bigla kang masama sa mga lambat nila. Sana maging okay lang si Axton ngayon mas lalo nang madalas pa naman siyang manatili sa ilalim ng tubig hanggang alas dose (12) ng gabi.

Pagkaahon ko sa baybay, mabuti at walang masyadong mga tao ngayon kaya I shaked my body para matuyo bago tumakbo paalis dala-dala ang mga nahuli ko.

Habang nasa kagubatan ako, hindi ko maiwasang isipin kung paano na kaya yung anak ni Ma'am Victoria. Kung bakit sa lahat ng hiling niya, ang protektahan pa ang anak niya ang gusto niyang gawin ko. Dahil kung ganun, baka nasa panganib ang anak niya. Di kaya baka masyado pang bata ang anak niya at nang malaman na niyang hantungan na ng kanyang kamatayan, gusto niyang tumayo ako bilang ina para palakihin siya?

Pero mga apat na taon na ang nakalipas at hindi ko pa rin siya nahahanap. Hindi ko naman kilala mga kamag-anak niya o kahit man lang asawa niya kaya hindi ko alam kung saan magsisimula.

Pagkarating ko ng bahay, sakto alas dose na ng gabi kaya bumalik na ako sa pagiging tao sabay pumasok sa bahay. Kinaliskisan ko agad ang mga isda at nilagay sa isang palanggana para ilagay sa isang ice cooler bago ako pumunta sa kwarto ko at napansin agad ang folder na binigay sa akin ni Ma'am Safira na nakalagay sa mesa.

Walang sabi-sabi na kinuha ko ito, binuksan at binasa bawat papel na meron. Agad naman akong kumuha ng ballpen para sulatan ang mga dokumentong kailangang sulatan.

Kinabukasan, nagpaalam muna ako kay Ma'am na ma-la-late ako sa trabaho para pumunta sa eskwelahan. Pagkarating, napatigil muna ako sa harap ng malaking gate nito bago ako pumasok at tinanong agad ang guard kung saan pwede magpasa ng application form. Buti mabait ang guard at ginabay pa ako papunta nga roon at pagkapasa ko, agad nilang tinignan ang mga requirements mas lalo na ang mga grado ko nung grade 11 ako sa dating high school kung saan ako nag-aral. Siguro pasado naman mga grado ko noh?

"Miss Xania, please proceed to the XXX room for the interview," sabi ng isang babae na kakatingin lang sa mga papel na kinagulat ko.

"Ngayon na po?" gulat kong tanong.

"Yes. You are ready for evaluation," sagot niya.

"Hindi po ba may exam pa Ma'am?" ignorante kong tanong.

"Ah hindi na kailangan. Basing from your grades on the last school you attended, you met our standards kaya interview na lang ang kulang mo."

Ganun ba yun? Nagpasalamat na lang ako sa kanya ng di oras at naglakad papunta nga sa kwartong sinasabi niya. Kinakabahan ako dahil hindi pa ako handa. Parang biglaan naman kasi.

Pagkarating nga sa harap nito, walang taong nakapila pero napaupo muna ako sa mga katabing silya nito. Hindi ko kasi alam kung tatawagin ba ako o ako ang kakatok—

"Excuse me," sabi bigla ng isang boses kaya nagulat ako ng di oras at napalingon sa kanya.

"Uhm ye-yes po?" nautal kong tanong.

"Are you Miss Xania?" tanong sa akin ng isang babae muli.

"Uhm opo."

"Good. Then come in for the interview," imbita niya sabay sara ng pinto.

Napatayo naman ako agad pero kinakabahan pa rin ako. Tama ba itong suot ko? Bakit ba ganito kabilis ang nangyayari? Namamawis na ako rito sa kaba.

Pagkapasok ko, hindi lang ang babaeng tumawag sa akin ang nakaupo ngayon. May dalawang lalaki sa tabi niya na siguro kasama niyang mag-iinterbyu sa akin.

Napaupo muna ako sa upuang nakahanda para sa mga iinterbyuhin at kasabay nun bumati sila agad sa akin. Marami silang tinanong at puros Ingles pa. Mabuti na lang nakakasagot ako. Madalas akong mautal at minsan gusto kong bawiin ang mga sagot ko na hindi naman kailangang sabihin pero magtatanong sila agad eh.

"It makes me wonder kung bakit lilipat ka rito sa high school na ito e papasok ka ng grade 12 at patapos ka na ng senior high mo kaya bakit? Please give us your reason," tanong ng babae.

Napatahimik ako ng di oras dahil doon. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na lilipat lang ako rito dahil may hinahanap akong tao. Dapat makumbensi ko silang gusto kong pumasok dito.

Naalala ko bigla ang mga papel na binigay sa akin ni Ma'am sa folder na may description ng eskwelahang ito kaya yun ang sinagot ko.

"I see," sabi ng babae. "You really did your research."

Napatigil ako. Halata ba na scripted?

"But if that's the case, then you're aware of the expenses needed for you to be able to enrol in our school. Paano mo matutustusan ang mga iyon eh ang nakasabi rito wala kang parents at may nag-iisang guardian ka lang na isang manager ng isang café at nagtratrabaho ka under niya as your source of income? Sa tingin mo mababayaran ang lahat ng kailangan mo para sa school na ito sa kinikita mo?"

Napakalma ako kahit papaano sa tanong na iyon dahil alam kong paparating ang tanong na iyon kaya madaling sagutin. Bawat high school na nililipatan ko ay laging tinatanong yan eh.

"I am fully aware Ma'am kaya po nag-apply po ako sa isa sa mga scholarship niyo po," sagot ko.

"I can see that," sagot naman ni Ma'am habang nakatingin pa rin sa mga papel. "Pero hindi mo ba naisip ang hirap na pagdadaanan mo? Just think about it Miss Xania, you're going to study at the same time you said you are working at the café of your guardian. Kung sakaling papayagan ka nga namin maging working student as your scholarship, hindi ba triple na ang pagod na mararanasan mo? Baka hindi kayanin ng katawan mo."

Napangiti ako kay Ma'am dahil doon. "Kakayanin ko po Ma'am. I've been through worst."

Halos silang tatlo ay nagulat sa sinagot ko. Dahil doon, bumalik ako sa katotohanan at parang pinag-isipan ko pa kung anong sinagot ko kaya ganun ang reaksyon nila.

Loading... loading complete.

Shocking bells! Sinabi ko talaga yun? Anong iniisip mo Xania?! Anong 'I've been through worst'? Kahit totoo, baka kung anong isipin nila. P*ta. Kailangan kong bawiin yun!

"Well then..." sabi bigla ni Ma'am kaya bumalik ako sa katotohanan. "...thank you for your time."

Nagulat ako at gusto kong magsalita para magpaliwanag pa sana pero biglang ngumiti si Ma'am sa akin na ikinatigil ko.

"I will be expecting a lot from you, Miss Xania."

Nakalabas ako ng school na iyon na mukhang pagod. Wala naman akong masyadong ginawa. Kung tutuusin, masyadong mabilis nga ang nangyari ngayon. Doon siguro ako napagod. Nakakapanibago naman ang paaralang ito. Sa mga dati, ang dami kong kailangang gawin at umaabot ng ilang araw matapos ko lang mabigay ang requirements na kailangan nila tapos ilang linggo naman bago mo malaman kung pasado ka ba o hindi.

Ngunit kung titignan natin, napasa ko lang ang requirements at natapos ang interview pero wala silang sinabi na pasado na nga ako. Siguro yun ang tatagal tulad ng iba. Pero parang ayaw ko nang umasa. Pakiramdam ko sa interview pa lang bagsak na ako.

~~

"Congratulations Xania," salubong na ngiti sa akin ni Ma'am Safira pagkapasok ko sa likod ng café na kinagulat ko.

Pop! Pop!

"Yehey let's celebrate!" sayang sabi ni Ate Willow habang may hawak-hawak na dalawang party popper ang apat sa anim niyang kamay.

Hindi maipinta ang mukha ko sa gulat at pagtataka. Anong selebrasyon? May birthday ba?

"Ang galing-galing mo talaga Ate Xania!" sayang sabi ni Yune sabay yakap pa sa akin.

Hah? Ano?

"Syempre si Xania pa," pagmamalaki ni Axton. "Sa akin kaya nagmana yan."

"Teka, teka nga lang," sabi ko para tumigil ang lahat. "Anong selebrasyon? Congratulations saan?"

"Hindi mo pa nabalitaan?" tanong sa akin ni Geof kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang alin?" pagtataka ko.

"May pinadalang message sa email ni Ma'am na nakapasa ka sa International Sanders Academy kaya congratulations," sagot ni Geof habang hawak-hawak ang isang laptop.

Gulat akong marinig iyon at agad kinuha ang laptop mula sa kanya para basahin ang email na iyon. Email ni Ma'am Safira ginamit ko eh. Wala naman akong email.

Congratulations! This is to inform Miss Xania Ferez has passed to enrol in International Sanders Academy by XX 20XX...

Totoo nga.

"Huwag ka nang magulat Xania," sabi bigla ni Iris. "Ang tali-talino mo kaya malamang makakapasok ka sa ganyan kagandang high school kaya let's celebrate."

"Kainan na!" sayang sabi naman ni Lizar sabay kumuha agad sa pagkaing nakahanda.

"Tignan mo ang isang to. Patay gutom talaga," sabi ni Iris habang tinitignan si Lizar pero wala siyang pake.

Nag-celebrate nga kami sa on the spot na nakapasa ako sa isang marangya na high school. Pero mabilisan lang iyon dahil tulad ng ginagawa namin, kapag 9:50 na, pinapatay na namin ang ilaw ng café.

Ngayon, kanya-kanya kami muli at nandito ako ngayon sa kakahuyan pero hindi ko mapigilang tumigil sa isang sanga ng puno na puno ng pag-aalala ang aking mukha.

Masyado akong na-o-overwhelm sa bilis ng pangyayari. Kanina lang ako pumunta sa eskwelahang iyon para lang magtanong kung anong gagawin tapos bigla na lang akong ininterbyu tapos pagkarating sa café, pasado na ako agad. Hindi ko alam kung sadyang masyado bang mabilis ang proseso ng paaralang iyon at hindi ako sa sanay... o di kaya may mali. Ayaw kong mag-isip ng masama pero pakiramdam ko, may malaking kapalit ang lahat ng nangyari ngayon, at hindi maganda ang kutob ko.

Continued...

Related chapters

  • Guarding the Badboy   The Search 2

    Kriiing!Pagkagising ko sa umaga, agad akong bumangon para pumunta sa banyo para maghanda papunta sa eskwelahan. Lumipas ang isang linggo at ngayon ang unang araw ko para pumasok sa International Sanders Academy.Pagkarating ko muli sa gate, napatayo muna ako sa harap at parang pinagmasdan ang malaking gusali dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. May ilang pumapasok sa loob na halatang mga estudyante—Peep! Peep! Busina ng isang kotse kaya nagulat ako at napalingon sa likod at nakita ang isang itim na kotse. Gumawa siya ng hand gesture na parang pinapatabi ako sa daan."Ah sorry," paumanhin ko naman kaya tumabi ako.Akala ko aalis lang ito at lalampasan ako pero binaba niya pa ang bintana kung saan ako nakatapat at tinignan ako ng itim niyang shades."Hindi ko alam kung sadyang bulag ka lang ba talaga Miss pero hiwalay ang daanan ng mga tao sa daanan ng mga kotse. Pero kung gusto mo lang talagang magpasagasa at humarang

    Last Updated : 2021-01-30
  • Guarding the Badboy   The Badboy

    Chapter 3"Good morning class," bati bigla ng guro pagkapasok."Good morning Ma'am," bati ko naman pabalik at ang awkward kasi ako lang bumati. Bakit parang mali na ginawa ko iyon?"Oh I see we have a new student here."Ano? Ganun ba yun? Malalaman mo na lang na new student ka pag mag-isa kang bumati sa guro?"Kindly stand up and introduce yourself to everyone."Tumayo naman ako. "Uhm ako po si Xania at 17 years old na ako. Masaya akong makilala kayo," ngiti ko naman sa kanila pero halos ang iba ay hindi man lang ako pinansin. Okay nice talking."Thank you Xania. You may now take your seat," sabi ng guro at doon lang ako umupo. "So let's start our discussion."Agad ko namang binuksan notebook ko para handang magsulat pero nagulat ako nang iba ang nilalabas ng mga tao sa paligid ko. Grabe talaga technology ngayon. Akalain niyo yun gamit lang nila tablet, cellphone o laptop para lang mag take down notes. Nahiya naman ang notebook

    Last Updated : 2021-01-30
  • Guarding the Badboy   The Badboy 2

    Pagkatunog ng alarm na ginawa niya, agad nagising si Vince at bumangon mula sa kama niya para maligo at magbihis. Sinuot niya muna ang isang puti na polo at isang itim na necktie bago dinala ang isang itim na tux at lumabas ng kwarto. Nagpaalam siya kay Manang na gumawa na lang ng pagkain na para sa kanya at sa guards na nasa labas dahil hindi siya kakain mamaya pag-uwi.Nagpaharurot siya paalis papunta sa sinasabing barko kung saan ididiwang ang birthday ng pinsan niya. Nagparada siya sa pier bago bumaba ng kotse para sumakay sa sinasabing barko. Nasa entrance na siya nang harangan siya ng dalawang mukhang mga sea man.“Magandang hapon Sir,” bati ng isa. “Ano po ang punta niyo rito?”Tinaasan muna ng kilay ni Vince ang dalawa.“I’m here for the party,” sagot ni Vince.“Sir may invitation card po kayo?” tanong ng isa.Kumunot ang noo ni Vince. Meron naman eh, pero naiirita siya dahil baki

    Last Updated : 2021-01-30
  • Guarding the Badboy   Night at the Sea

    Chapter 4XANIAUnang araw ng pasukan, sabihin nating mukhang naging okay lang naman. Di bale nang may nakilala akong lalaking ubod ng sungit na panira ng araw dahil hindi naman siya pumasok pagkatapos ng recess. Ewan ko roon. Hindi ko nga alam kung bakit pa siya pumasok kung ganung uuwi rin lang siya. Kaya siguro naturingang badboy kasi bulakbol pala ang taong yun.Pagkatapos kong gawin ang mga pinagawa sa akin ni Ma'am Jacky, agad naman akong umalis ng paaralan pero kaysa dumiretso sa bahay, dumiretso ako sa café. Syempre kailangan ko pa ring mag-trabaho. Yun nga lang, part time ako tuwing weekdays tapos full time naman sa weekends.Pagkarating ko sa likod ng café, kumatok ako muli at bumukas muna ulit ang maliit na bintana bago nga ako pinapasok at nagulat ako sa sumalubong sa akin."Xania," ngiti niyang bati sa akin. "Buti nakapunta ka ngayon.""Axton. Asaan si Ma'am?" tanong ko."Nasa office niya syempre. Bakit?"

    Last Updated : 2021-01-30
  • Guarding the Badboy   Night at the Sea 2

    Nang 5 na ng umaga, agad akong bumangon para magluto. Pagkatapos saka ako naligo at nagbihis ng uniporme ko. Kinain ko agad ang almusal ko, inayos ang baon ko at lumabas agad ng bahay nung sa tingin ko wala na akong naiwan.Naisip ko rin pala, dapat ngayon kumukuha na ako ng impormasyon tungkol sa anak ni Ma'am Victoria. Alam ko nakikibagay pa lang ako sa bagong eskwelahan at jusko, ang dami kong kailangang matutunan para makibagay nga ako pero hindi ko maiwasang mag-alala para sa anak niya. Baka kung ano nang nangyari sa kanya at hindi ko man lang natupad ang pangako ko sa kanya. Baka multuhin ako ni Ma'am Victoria ng di oras.Pagkarating ko sa eskwelahan, dumiretso ako sa classroom ko at agad umupo sa upuan ko pero kahit hanggang doon, nag-iisip pa rin ako. Saan kaya rito sa ekwelahang ito ako makakakuha ng impormasyon? Sino kayang tatanungin ko? Eh kung mga kaklase ko kasi, baka hindi rin lang naman nila kilala o baka wala silang pakialam.Dumating din agad a

    Last Updated : 2021-01-30
  • Guarding the Badboy   How Bad

    Chapter 5"Paano pag sinabi ko sa iyo na ako ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?" sabi niya bigla.Napatigil ako ng di oras sa kinauupuan ko dahil doon. Ano raw? Siya? Siya ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?"Pfft hahahaha," tawa ko na halos kinagulat ng lahat ng nasa loob ng classroom."Anong tinatawa mo?" iritang tanong ng katabi ko."Haha ang galing mo din noh," sabi ko sa kanya. "Ikaw ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?""Paano nga pag ganun? Mag-iingat ka sa mga pinagsasabi at ginagawa mo rito sa eskwelahang ito dahil pwede kitang ipatalsik dito ng di oras."Sa sinabi niya saka ako tuluyang napatigil sabay sumeryoso agad ang aking itsura. Hinarap ko siya pagkatapos."Hoy tsong," seryoso kong sabi sa kanya. "Hindi purket may itsura ka, mahangin ka na. Hindi purket tinuturingan kang prinsipe ng eskwelahang ito, makaasta ka akala mo kung sino ka. Wala akong pakialam kung gaano ka karangya at makapangyarihan dahil

    Last Updated : 2021-02-04
  • Guarding the Badboy   How Bad 2

    ~~~Kakaalis lang ni Xania sa opisina niya at hindi niya maiwasang mag-alala at matulala sa kanyang mesa kahit marami pa siyang kailangang gawin bilang principal ng eskwelahan. Iniisip niya kasi yung nangyari bago niya nga pinatawag si Xania sa opisina niya.Boogsh! Gulat si Ma'am Jacky nang biglang bumukas ang pinto."Vince.""Aunt Jacky, I want her out," bungad niyang sabi sa kanya."Hah?" pagtataka naman ni Ma'am Jacky."That girl na sinabi mong interesado ka? Yang baguhan? I want her out of this school!" matigas niyang saad.Hindi naman nakaimik agad si Ma'am Jacky sa gulat nang marinig niya iyon sa bibig ng pamangkin niya.Mayamaya, naglabas muna ng buntong hininga si Ma'am Jacky bago nagsalita."Can you close the door first at maupo muna rito bago ka magputak-putak diyan?""You think I'm kidding?" sagot naman ng pamangkin niya. "I'm

    Last Updated : 2021-02-04
  • Guarding the Badboy   At Hounded Pastry Café

    Chapter 6Nagmamaneho si Vince ng kanyang itim na kotse sa kalsada ng Barangay Dyes habang hinahanap nga ang lugar na nakasabi sa maliit na papel na binigay ng Auntie niya sa kanya.Hounded Pastry CaféKinakairita niya ito ngayon dahil ano bang meron sa lugar na iyon kaya siya pinapapunta ng Auntie niya na mayroong kinalaman ang pagrereklamo niya na mapatalsik ang babaeng iyon?Nang mahagilap ng mga mata niya ang pangalan ng café na iyon na umiilaw, agad naman siyang naghanap ng paradahan. Sakto bakante ang harapan nito dahil sa gabi naman na.Pero kahit na ganun, wala siyang balak bumaba ng kotse at gawin nga ang sinabi ng kanyang Auntie na bisitahin ang café na iyon. Gusto niya lang tignan ngayon ang lugar na baka makita niya ang rason kung bakit nga pinapapunta siya ng Auntie niya roon."Salamat sa pagpunta Ma'am and Sir. Sana makabalik kayo muli," bati ng isang babae sa harap mismo ng pintuan ng café.

    Last Updated : 2021-02-04

Latest chapter

  • Guarding the Badboy   Epilogue 3

    “Ma’am,” tawag bigla ng isang tao na nakasira ng katahimikan sabay napatingin ang dalawa sa kanya.“Geoffrey,” sabi ni Axton.“Ma’am, gising na po si Xania,” sabi ni Geoffrey.Nagulat ang dalawa at napatingin muna sa isa’t isa, bago nila naisipang tatlo na sabay bumalik sa clinic.Pagkarating nila, andoon pa rin si Yune, Iris, Lizar, Willow at Oriana habang nakahiga naman sa kama si Xania, nakabukas na ang mga mata at iniglapan lang ang tatlo bago umiwas ng tingin. Napabuntong hininga naman si Ma’am at napatingin sa iba.“Maaari niyo ba kaming iwanan muna ni Xania?” pakiusap naman ni Ma’am, at kanya-kanya rin sila ng sagot na “Sige po” o di kaya “Masusunod po”.Pagkalabas nga nila, tumingin muli si Ma’am Safira kay Xania pero nakaiwas pa rin siya ng tingin sa kanya. Kumuha naman ng upuan si Ma’am Safira at tinabi ito sa kama at u

  • Guarding the Badboy   Epilogue 2

    Pagkalabas ni Ma’am, nakarating siya sa baybay ng dagat dahil sa malapit lang ang clinic na iyon sa dagat. Ngayon, dahil sa wala naman nang makakakita, umukit ang awa at pighati sa mukha ni Ma’am Safira. Alalang-alala niya ang mukhang pinakita ni Xania habang dumadaloy ang luha sa mukha niya… mas lalo na nang maalala niya ang gabing iyon...No one actually knew that Safira was able to follow Jacky papunta sa building kung saan ang organisasyon ni Mr. Victorino. Using her wings, she followed Jacky through the sky.Nahirapan siyang makapasok dahil sa dami ng taong nakabantay kaya isa-isa niya itong pinatumba para mawalan sila ng malay. She's using her tails sa bawat taong nakakakita sa kanya na pumapasok sa building nung mga oras na iyon at sinisigurado na tuwing nawawalan sila ng malay, hindi nila maaalala na nakita nila siya.Gamit ng extended ears sa kanyang ulo as one of her tails, rinig niya kung saan nga nakakulong si

  • Guarding the Badboy   Epilogue

    Sa isang madilim na kwarto, na tanging liwanag lang ng buwan na nanggagaling sa isang bintana ang umiilaw sa kwartong iyon, Vince is standing by the window staring out in the open like he's waiting for something. Walang nakakaalam ng iniisip niya ngayon habang nakatanaw nga siya ng malayo sa labas ng bintana.Naudlot na lang ang katahimikang iyon nang may kumatok sa pinto. Wala pang sinasabi si Vince nang bumukas ito ng mag-isa at nagpakita ang Auntie niya."Hey," ngiting bati sa kanya ni Ma'am Jacky.Hindi umimik si Vince but weakly smiled back at her as his reply."Sorry it took a while," sabi ni Ma'am Jacky at pumasok sa loob ng madilim na kwarto.Pero may sumunod na pumasok din. Siya ang nagsara ng pinto at hindi man lang binukas ang ilaw ng kwarto… dahil wala rin naman itong ilaw. Pinosisyon niya ang sarili niya sa harap ng dalawa with her arms crossed on her chest."So, handa na ba kayong dalawa?" seryosong tanong ni Ma'am Safir

  • Guarding the Badboy   Mission Accomplish 3

    ~~~Xania is sitting on the floor habang nasa loob siya ng kulungan at hindi maitanggal ang pag-aalala sa mukha niya, ngayong alam na ni Vince kung sino siya. Maalala niya lang ang mukha niya nang makita niya siya nung alas dyes ng gabing iyon, panigurado litong-lito iyon, at hindi na alam ni Xania kung ano ang iniisip niya pagkatapos.Makakapagpaliwanag pa ba siya? O talagang kinamumuhian na siya ng lalaking iyon sa puntong pag papasok ang lalaking yun ngayon sa kwartong ito, papatayin niya siya agad?Naudlot na lang ang pag-iisip na iyon nang bumukas bigla ang pinto, at may pumasok na tao. Nagulat siya kung sino dahil kanina lang, pinag-iisipan niya siya.Naglakad siya papalapit sa kanya at tumigil mga ilang metro mula sa kulungan niya. Seryoso ang kanyang mga titig pabalik sa kanya at tumingin sila mata sa mata. Naglabas bigla ng isang baril si Vince mula sa kanyang likod na kinagulat ni Xania, pero imbis na siya ang tutukan, tinutok niya ito sa katabi

  • Guarding the Badboy   Mission Accomplish 2

    Jacky looked back at Sanjiro. Pumagitna muli ang katahimikan bago nabasag naman ito ni,"Naintindihan ko," sabi ni Jacky. "Pero hindi mo man lang ba naisip yung nararamdaman ni Vince towards the beast?""Ugh," komento agad ni Sanjiro. "Feelings? How could you possibly say na may nararamdaman ang anak ko sa hayop na iyon? Alam ng anak ko na ang beast na iyon ang pumatay sa ina niya and I know he will kill that beast in his anger.""But what if that beast didn't actually killed Ate Victoria?" tanong naman ni Jacky."O come on Jacquilyn," Sanjiro retorted. "Why are you siding with the beast? Alam mo ba ang nilalang na iyon?""Yes," sagot naman ni Jacky. "And I know, beast or not, Xania will never do that."Nagulat si Sanjiro. "Xania? Where the f*ck did you even get that name?""It's the beast's name," singit naman ng isang boses kaya napatingin ang dalawa sa nagsalita. Nagulat ang dalawa sa nakatayo ngayon sa harap ng pinto."Vinc

  • Guarding the Badboy   Mission Accomplish

    Chapter 25Pagkatapos ma-contact ni Ma'am Jacky ang tatlong kabarkada ni Vince, nakasakay siya ngayon sa isang taxi telling him an address in Barangay Tres na hindi alam ng driver. So with that, tinuro na lang ni Ma'am Jacky ang daan papunta doon.Nasa madilim silang kalsada pero napansin agad ni Ma'am Jacky ang isang itim na kotse na naka-park."Sandali, hinto," utos agad ni Ma'am at huminto nga ang taxi."Dito na lang po Manong," sabi ni Ma'am habang kumukuha ng pera sa wallet at binigay sa taxi driver. "Keep the change na lang," sabay bumaba siya ng taxi.Nang makaalis na ang taxi, saka siya nagpa-ilaw ng flashlight sa kanyang cellphone para makita ang daan. Mabuti nga at naalala niya pa ang daan dito.Pagkarating sa end ng gubat, kita niya agad ang malaking building uphill. Walang sabi-sabi na pumunta siya agad doon and didn't even mind the men surrounding at pumasok mismo sa harap ng gate. May dalawang lalaki in black suit and sunglasse

  • Guarding the Badboy   Captured 3

    Hindi makapaniwala si Vince sa nakikita niya. Dahil doon, nahulog niya pa ang tray na hawak-hawak niya. Ang nakakapagpagulat talaga sa kanya dahil ang nilalang na iyon na nasa loob ng cage... ay isang babae na nakahiga sa sahig na walang malay at maraming galis sa katawan at mukha."Xania?!" gulat na saad ni Vince.The girl didn't respond kaya napalapit agad sa salamin si Vince and tapped on it repeatedly."Xania? Xania, gising!" Vince shouting behind the glass.Sa tunog ng salamin kaya unti-unting nagkamalay si Xania at binuksan ang mga mata. She looked what's behind the glass so she squinted her eyes.There's a man in that same suit that is standing right in front of the glass. Ano na naman ito? What's this guy doing here? Isa na naman siya sa mga lalaki na magpapakain sa kanya?Is this another man that she has to kill again?But how can she? Wala na siyang lakas dahil sa bawat lalaki na magdadala ng pagkain niya, papa

  • Guarding the Badboy   Captured 2

    ...Vince is inside his car right now driving in the roads of Barangay Tres. Using a new GPS he installed in the car, pinuntahan niya ang lugar where the man could be.It was getting darker around where he is driving at parang minsan hindi pa makapaniwala si Vince na parte pa rin ba ng Barangay Tres ang pinupuntahan niya.Akala niya pa nga nawawala siya. He stopped at a place kung saan nga siya dinala ng GPS and he looked around him pero wala siyang makita, puros mga puno lang. Niloloko ata siya ng GPS niya eh. Is this even the right place?Bumaba na lang siya sa kotse niya, sinuot ang hood and with a flashlight on his hand, he looked around. Dapat talaga naisipan niyang dalhin yung GPS ng tracker ng lalaking iyon. Akala niya kasi madali lang puntahan yung lugar na meron sa address na iyon, pero ganito pala ang sitwasyon ng lugar in reality.Hindi siya natakot sa dilim and kept looking around the dark forest he is in. Pursigido siyang mahanap kung

  • Guarding the Badboy   Captured

    Chapter 24Nang makaalis na ang tatlo, tahimik sa loob ng mansyon ngayon. Nasa kwarto si Vince na naka shorts at sleeveless na shirt while standing beside the window of his room and through the moonlight coming from it, tinignan niya muli ang hawak-hawak niyang itim na card.Ang daming umiikot sa isip niya ngayon, pagkatapos ng nangyari kanina."...huwag mong tatawagin yung number."F*ck, at si Zend pa talaga ang nagsabi nun so how can he not be bothered? Parang mas lalo lang siyang na-te-tempt na tawagan ang number....Nung gabing iyon, pagkauwi nga ni Zend, nasa kwarto niya siya ngayon hawak-hawak ang cellphone niya. Binuksan niya ito and went to his contacts and pressed a number for a call.The call is ringing kaya nilagay ito ni Zend sa tainga waiting for the other person to answer."Hello Zend?" sagot sa kabilang linya."Hello po Ma'am Jacky," sagot naman niya na nakangiti."What is it now?!" iritan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status