Ginawa namin ang trabaho namin hanggang mag-gabi. Mabuti na lang at walang masyadong aksidente at disgrasyang nangyari ngayon. May ilang customer lang na magrereklamo pero propesyunal namin itong nireresolba.
"Time check, alas otso na," sabi ni Geoffrey mula sa counter kaya napatingin naman ako sa orasan ng café habang nilalagay ko ang ilang baso at plato sa isang palanggana para dalhin kay Ate Willow. Iilan na lang ang customer sa ganitong oras pero halos lahat sila ay estudyante na parang gustong magpuyat.
Mayamaya,
"8:30," sabi bigla ni Geoffrey kaya nagkatinginan kaming tatlo nila Iris at Lizar at ginawa ang dapat gagawin. Sa ganung oras, bawat customer na nandito pa rin sa shop ay pinakiusapan namin na hanggang alas nuebe (9) lang ang café para tapusin nila ang kailangan nilang tapusin. Matitigas ang ulo ng iba at mabuti na lang at tinuruan kami ni Ma’am na huwag patulan ang mga ito pero pag sobrang tigas talaga ng ulo, si Ma'am Safira talaga ang bumabahala.
8:50 pa lang ng gabi at mabuti na lang wala nang customer kaya nagsara na kami ng pinto. Inayos namin ang mga upuan at lamesa habang si Geoffrey naman ay busy sa counter na nagbibilang ng pera.
"Hay tapos na rin," hinga ng maluwang ni Iris habang sumandal malapit sa counter.
"Hay..." buntong hininga naman ni Lizar sabay sumalampak sa isa sa mga upuan. "Kapagod."
"Marami pang kailangang tapusin para matapos tayo bago mag alas dyes (10)," sabi ko naman.
"Teka. 5 minutes," sabi ni Lizar.
"Sandali lang talaga Xania," sabi naman ni Iris. "Kahit ako na magdala ng mga hugasan kay Ate Willow."
"Sige, sige. Ako nang tatapos nitong mop," sabi ko naman. "Pwede na kayong pumunta sa likod para magpalit."
"Thank you Xania," ngiti ni Iris sabay tumayo siya at dinala nga ang palanggana ng hugasan.
"Punta rin ako sa likod sakaling kailangan ng tulong ni Kuya Axton," sabi naman ni Lizar sabay tumayo siya sa upuan niya. "Kaya mo naman na di ba?"
"Oo sige," sagot ko kay Lizar.
"Salamats," sabay naglakad siya paalis.
Habang nagmo-mop ako, kita ko ang paglutang ng upuan kung saan umupo si Lizar at maayos itong pumatong sa lamesa. Napangiti na lang ako dahil doon at tinignan si Geoffrey sa counter.
"Thanks Geof," ngiti ko sa kanya. Sinagot niya ako ng tango.
Pagkatapos ko ng mop, binalik ko ang lahat ng kagamitan sa cleaning room. Pagkabalik ko sa dining area,
"May nakalimutan pa ba ako Geof?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman na Ate Xania," sagot niya.
"Ah good. Tara na sa likod," alok ko sa kanya.
Pumunta kami sa locker room para magpalit at pagkatapos, pumunta kami sa kwarto kung saan ang pinto papunta sa likod. Halos silang anim ay nandito na at nakapalit na ng kanilang mga kaswal na damit at halatang nagkwekwentuhan sila sa saya. Kami na lang ni Geoffrey ang parang hinihintay.
"Andito na ba lahat?" tanong bigla ni Ma'am kaya kami napatingin sa kanya.
Kanya-kanya kaming sumagot sa kanya na kompleto na kami.
"Good. Gusto ko lang sabihin na good job everyone for a job well done today," sabi ni Ma'am sa amin.
Kami naman ay pumalakpak sa saya.
"Dahil diyan, karapat-dapat lang talaga na ibigay ko sa inyo ang inyong mga sweldo para sa buwang ito."
Pagkasabi yun ni Ma'am, lahat naman kami ay nagsaya at isa-isang binigyan ng envelope.
"Spend it wisely," sabi ni Ma'am sa amin.
Ang iba ay binuksan pa para manigurado na sakto ang pera habang ako ay binulsa ko na lang ang envelope.
"O mamaya niyo na atupagin yan," sabi ni Ma'am sabay tumingin siya sa kanyang relo. "Malapit na mag alas dyes."
Tumahimik naman ang bawat isa sa amin.
Nung 9:50 na ng gabi, pinatay ang lahat ng ilaw sa loob ng shop kahit nandito pa kaming siyam sa loob ng kwarto.
Pagkarating ng 10... unti-unting bumukas ang pinto sa likod ng café at isa-isa kaming lumabas mula sa likod. Ang tawag sa amin ay mga tailed beast at iba-iba ang itsura namin ngayon dahil sa oras na ito nag-tri-trigger ang totoo naming mga anyo. Bawat isa sa amin ay may iba't iba ring bilang ng mga tails na nakadepende sa kung anong barangay ang pinupunta namin.
Pagkalabas namin, si Yune ay pumunta sa Barangay Uno, si Geoffrey sa Barangay Dos, ako sa Barangay Tres, si Iris sa Barangay Kwatro, si Lizar sa Barangay Singko, si Ate Willow sa Barangay Sais, si Ate Oriana sa Barangay Syete, si Axton sa Barangay Otso at si Ma'am Safira sa Barangay Nuebe.
Ako ang 3 tailed beast dahil sa tatlo kong tails; ang buhok ko na kulay kapeng itim na parang sa isang porcupine na hayop, ang pangalawa ay ang itim na asul na peacock feathers sa aking likod at ang isang matalim at spiky fish tail.
Sa ngayon, hiwa-hiwalay kami at patagong pupunta sa mga kakahuyan o di kaya sa dagat hindi lang para maghanap ng pagkain, kundi magtago na rin. May kanya-kanya kaming personal na bagay na ginagawa sa mga oras na ito tulad ko na minsan dumadaan ako sa bahay ko para mag-iwan ng ilang gamit at babalik sa gubat para hindi ako mahuli sa bahay ko. Ang importante sa gabing ito ay wala ni isang tao ang makakakita ni isa sa aming mga beast hanggang alas dose (12) ng gabi.
12 na ng gabi at sakto katabi ko na ang bahay ko kaya bumalik ako sa pagiging tao at pumasok sa bahay ko. May ilan akong napitas na mga prutas sa kakahuyan na masarap kainin bilang almusal. Nang makapalit na ako ng pantulog ko, agad akong humiga sa kama ko para makatulog.
Ang kanyang mukha ay nagmamakaawa sa akin habang may dugong dumadaloy mula sa kanyang bibig.
"Please protect him. His name is..."
Nagising na naman ako ng di oras dahil doon.
Kriiing! tunog na naman ng alarm clock ko. At naunahan ko rin ito muli. Unti-unti akong bumangon at pagkaupo, kahit tuloy pa rin ang tunog ng alarm clock, puno ng alala ang mukha ko habang tulala na naman ako sa kaharap kong manipis na kumot.
Hindi pa rin ako nilulubayan ng konsensya ko dahil diyan. Napatingin ako sa alarm clock ko muli at pinatay muna ito bago ako napatingin muli sa katabi nitong bagay.
Gagawin ko naman eh. Nangako ako sa kanya at hindi ko siya bibiguin. Ang problema lang talaga...
...hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Naglalakad ako muli papunta sa Barangay Dyes at habang naglalakad, inaalala ko iyon. Anong dapat kong gawin?
Dahil doon, pagkarating sa cafe, bumabagabag ito sa akin habang nag-aayos pa lang kami.
"Huy Xania," kalabit ni Iris sa akin kaya nagulat ako at napatingin sa kanya. "Kanina ka pa tulala diyan ah. May problema ba?" tanong niya sa akin.
Pilit akong ngumiti sa kanya para itago lang ang alalang iyon. "Okay lang ako—"
"Xania!" tawag sa akin bigla kaya napalingon kaming dalawa ni Iris kay Lizar.
"Tawag ka raw ni Ma'am sa opisina niya," sabi niya.
"Oh my gash. Baka bibigyan ka ni Ma'am ng raise Xania," sayang sabi bigla ni Iris. "Buti ka pa."
"Oo nga. Buti ka pa," mapaklang sabi ni Lizar.
"Inggit ka lang eh," sabi naman ni Iris.
"Pssh," umiwas ng tingin si Lizar.
Agad naman akong pumunta sa opisina ni Ma'am at kumatok.
"Pasok."
Pagkabukas ko ng pinto,
"Ma'am pinapatawag niyo raw po ako," sabi ko.
"Oo. Halika at maupo," sabi niya naman kaya ginawa ko ang sinabi niya.
Pagkaupo ko,
"Sana hindi kita naistorbo sa mga gawain mo," simula ni Ma'am.
"Ah hindi naman po. Kaya naman po siguro nila Iris at Lizar iyon," nahihiya ko na lang sabi.
"Sana lang," sabi naman ni Ma'am. "But anyways, andito ako para pag-usapan tungkol sa concern mo..."
Bahagya akong nagulat.
"...tungkol sa hinahanap mong tao."
Chapter 2"Andito ako para pag-usapan ang tungkol sa hinahanap mong tao," sabi ni Ma'am.Tuluyan akong nagulat sa lugar ko nang marinig ko iyon."Nung 13 ka, pumasok ka sa isang paaralan as a grade 7 and 8 student tapos bigla na lang lumipat ka sa isang high school para pumasok as grade 9 and 10. Akala ko ibang track ang gusto mo sa huli mong highschool kaya ayaw mong ipagpatuloy ang grade 11 mo roon pero nang kunin mo ang isang track na meron naman sa highschool na iyon, hindi sana ako magtataka at malalaman ang tungkol sa concern mo."Napayuko ako. "Personal po kasi siya Ma'am," sabi ko."Alam ko. Ayaw ko sanang makialam pero hindi ganun kadali na palipat-lipat ka ng paaralan para lang maghanap ng isang taong hindi mo naman alam kung anong pangalan niya at tanging ID lang ng nanay niya ang meron kang clue para mahanap siya."Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Ma'am."Isang tulong man noong inalukan ko kayong walo na magtrabaho rito sa
Kriiing!Pagkagising ko sa umaga, agad akong bumangon para pumunta sa banyo para maghanda papunta sa eskwelahan. Lumipas ang isang linggo at ngayon ang unang araw ko para pumasok sa International Sanders Academy.Pagkarating ko muli sa gate, napatayo muna ako sa harap at parang pinagmasdan ang malaking gusali dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. May ilang pumapasok sa loob na halatang mga estudyante—Peep! Peep! Busina ng isang kotse kaya nagulat ako at napalingon sa likod at nakita ang isang itim na kotse. Gumawa siya ng hand gesture na parang pinapatabi ako sa daan."Ah sorry," paumanhin ko naman kaya tumabi ako.Akala ko aalis lang ito at lalampasan ako pero binaba niya pa ang bintana kung saan ako nakatapat at tinignan ako ng itim niyang shades."Hindi ko alam kung sadyang bulag ka lang ba talaga Miss pero hiwalay ang daanan ng mga tao sa daanan ng mga kotse. Pero kung gusto mo lang talagang magpasagasa at humarang
Chapter 3"Good morning class," bati bigla ng guro pagkapasok."Good morning Ma'am," bati ko naman pabalik at ang awkward kasi ako lang bumati. Bakit parang mali na ginawa ko iyon?"Oh I see we have a new student here."Ano? Ganun ba yun? Malalaman mo na lang na new student ka pag mag-isa kang bumati sa guro?"Kindly stand up and introduce yourself to everyone."Tumayo naman ako. "Uhm ako po si Xania at 17 years old na ako. Masaya akong makilala kayo," ngiti ko naman sa kanila pero halos ang iba ay hindi man lang ako pinansin. Okay nice talking."Thank you Xania. You may now take your seat," sabi ng guro at doon lang ako umupo. "So let's start our discussion."Agad ko namang binuksan notebook ko para handang magsulat pero nagulat ako nang iba ang nilalabas ng mga tao sa paligid ko. Grabe talaga technology ngayon. Akalain niyo yun gamit lang nila tablet, cellphone o laptop para lang mag take down notes. Nahiya naman ang notebook
Pagkatunog ng alarm na ginawa niya, agad nagising si Vince at bumangon mula sa kama niya para maligo at magbihis. Sinuot niya muna ang isang puti na polo at isang itim na necktie bago dinala ang isang itim na tux at lumabas ng kwarto. Nagpaalam siya kay Manang na gumawa na lang ng pagkain na para sa kanya at sa guards na nasa labas dahil hindi siya kakain mamaya pag-uwi.Nagpaharurot siya paalis papunta sa sinasabing barko kung saan ididiwang ang birthday ng pinsan niya. Nagparada siya sa pier bago bumaba ng kotse para sumakay sa sinasabing barko. Nasa entrance na siya nang harangan siya ng dalawang mukhang mga sea man.“Magandang hapon Sir,” bati ng isa. “Ano po ang punta niyo rito?”Tinaasan muna ng kilay ni Vince ang dalawa.“I’m here for the party,” sagot ni Vince.“Sir may invitation card po kayo?” tanong ng isa.Kumunot ang noo ni Vince. Meron naman eh, pero naiirita siya dahil baki
Chapter 4XANIAUnang araw ng pasukan, sabihin nating mukhang naging okay lang naman. Di bale nang may nakilala akong lalaking ubod ng sungit na panira ng araw dahil hindi naman siya pumasok pagkatapos ng recess. Ewan ko roon. Hindi ko nga alam kung bakit pa siya pumasok kung ganung uuwi rin lang siya. Kaya siguro naturingang badboy kasi bulakbol pala ang taong yun.Pagkatapos kong gawin ang mga pinagawa sa akin ni Ma'am Jacky, agad naman akong umalis ng paaralan pero kaysa dumiretso sa bahay, dumiretso ako sa café. Syempre kailangan ko pa ring mag-trabaho. Yun nga lang, part time ako tuwing weekdays tapos full time naman sa weekends.Pagkarating ko sa likod ng café, kumatok ako muli at bumukas muna ulit ang maliit na bintana bago nga ako pinapasok at nagulat ako sa sumalubong sa akin."Xania," ngiti niyang bati sa akin. "Buti nakapunta ka ngayon.""Axton. Asaan si Ma'am?" tanong ko."Nasa office niya syempre. Bakit?"
Nang 5 na ng umaga, agad akong bumangon para magluto. Pagkatapos saka ako naligo at nagbihis ng uniporme ko. Kinain ko agad ang almusal ko, inayos ang baon ko at lumabas agad ng bahay nung sa tingin ko wala na akong naiwan.Naisip ko rin pala, dapat ngayon kumukuha na ako ng impormasyon tungkol sa anak ni Ma'am Victoria. Alam ko nakikibagay pa lang ako sa bagong eskwelahan at jusko, ang dami kong kailangang matutunan para makibagay nga ako pero hindi ko maiwasang mag-alala para sa anak niya. Baka kung ano nang nangyari sa kanya at hindi ko man lang natupad ang pangako ko sa kanya. Baka multuhin ako ni Ma'am Victoria ng di oras.Pagkarating ko sa eskwelahan, dumiretso ako sa classroom ko at agad umupo sa upuan ko pero kahit hanggang doon, nag-iisip pa rin ako. Saan kaya rito sa ekwelahang ito ako makakakuha ng impormasyon? Sino kayang tatanungin ko? Eh kung mga kaklase ko kasi, baka hindi rin lang naman nila kilala o baka wala silang pakialam.Dumating din agad a
Chapter 5"Paano pag sinabi ko sa iyo na ako ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?" sabi niya bigla.Napatigil ako ng di oras sa kinauupuan ko dahil doon. Ano raw? Siya? Siya ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?"Pfft hahahaha," tawa ko na halos kinagulat ng lahat ng nasa loob ng classroom."Anong tinatawa mo?" iritang tanong ng katabi ko."Haha ang galing mo din noh," sabi ko sa kanya. "Ikaw ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?""Paano nga pag ganun? Mag-iingat ka sa mga pinagsasabi at ginagawa mo rito sa eskwelahang ito dahil pwede kitang ipatalsik dito ng di oras."Sa sinabi niya saka ako tuluyang napatigil sabay sumeryoso agad ang aking itsura. Hinarap ko siya pagkatapos."Hoy tsong," seryoso kong sabi sa kanya. "Hindi purket may itsura ka, mahangin ka na. Hindi purket tinuturingan kang prinsipe ng eskwelahang ito, makaasta ka akala mo kung sino ka. Wala akong pakialam kung gaano ka karangya at makapangyarihan dahil
~~~Kakaalis lang ni Xania sa opisina niya at hindi niya maiwasang mag-alala at matulala sa kanyang mesa kahit marami pa siyang kailangang gawin bilang principal ng eskwelahan. Iniisip niya kasi yung nangyari bago niya nga pinatawag si Xania sa opisina niya.Boogsh! Gulat si Ma'am Jacky nang biglang bumukas ang pinto."Vince.""Aunt Jacky, I want her out," bungad niyang sabi sa kanya."Hah?" pagtataka naman ni Ma'am Jacky."That girl na sinabi mong interesado ka? Yang baguhan? I want her out of this school!" matigas niyang saad.Hindi naman nakaimik agad si Ma'am Jacky sa gulat nang marinig niya iyon sa bibig ng pamangkin niya.Mayamaya, naglabas muna ng buntong hininga si Ma'am Jacky bago nagsalita."Can you close the door first at maupo muna rito bago ka magputak-putak diyan?""You think I'm kidding?" sagot naman ng pamangkin niya. "I'm
“Ma’am,” tawag bigla ng isang tao na nakasira ng katahimikan sabay napatingin ang dalawa sa kanya.“Geoffrey,” sabi ni Axton.“Ma’am, gising na po si Xania,” sabi ni Geoffrey.Nagulat ang dalawa at napatingin muna sa isa’t isa, bago nila naisipang tatlo na sabay bumalik sa clinic.Pagkarating nila, andoon pa rin si Yune, Iris, Lizar, Willow at Oriana habang nakahiga naman sa kama si Xania, nakabukas na ang mga mata at iniglapan lang ang tatlo bago umiwas ng tingin. Napabuntong hininga naman si Ma’am at napatingin sa iba.“Maaari niyo ba kaming iwanan muna ni Xania?” pakiusap naman ni Ma’am, at kanya-kanya rin sila ng sagot na “Sige po” o di kaya “Masusunod po”.Pagkalabas nga nila, tumingin muli si Ma’am Safira kay Xania pero nakaiwas pa rin siya ng tingin sa kanya. Kumuha naman ng upuan si Ma’am Safira at tinabi ito sa kama at u
Pagkalabas ni Ma’am, nakarating siya sa baybay ng dagat dahil sa malapit lang ang clinic na iyon sa dagat. Ngayon, dahil sa wala naman nang makakakita, umukit ang awa at pighati sa mukha ni Ma’am Safira. Alalang-alala niya ang mukhang pinakita ni Xania habang dumadaloy ang luha sa mukha niya… mas lalo na nang maalala niya ang gabing iyon...No one actually knew that Safira was able to follow Jacky papunta sa building kung saan ang organisasyon ni Mr. Victorino. Using her wings, she followed Jacky through the sky.Nahirapan siyang makapasok dahil sa dami ng taong nakabantay kaya isa-isa niya itong pinatumba para mawalan sila ng malay. She's using her tails sa bawat taong nakakakita sa kanya na pumapasok sa building nung mga oras na iyon at sinisigurado na tuwing nawawalan sila ng malay, hindi nila maaalala na nakita nila siya.Gamit ng extended ears sa kanyang ulo as one of her tails, rinig niya kung saan nga nakakulong si
Sa isang madilim na kwarto, na tanging liwanag lang ng buwan na nanggagaling sa isang bintana ang umiilaw sa kwartong iyon, Vince is standing by the window staring out in the open like he's waiting for something. Walang nakakaalam ng iniisip niya ngayon habang nakatanaw nga siya ng malayo sa labas ng bintana.Naudlot na lang ang katahimikang iyon nang may kumatok sa pinto. Wala pang sinasabi si Vince nang bumukas ito ng mag-isa at nagpakita ang Auntie niya."Hey," ngiting bati sa kanya ni Ma'am Jacky.Hindi umimik si Vince but weakly smiled back at her as his reply."Sorry it took a while," sabi ni Ma'am Jacky at pumasok sa loob ng madilim na kwarto.Pero may sumunod na pumasok din. Siya ang nagsara ng pinto at hindi man lang binukas ang ilaw ng kwarto… dahil wala rin naman itong ilaw. Pinosisyon niya ang sarili niya sa harap ng dalawa with her arms crossed on her chest."So, handa na ba kayong dalawa?" seryosong tanong ni Ma'am Safir
~~~Xania is sitting on the floor habang nasa loob siya ng kulungan at hindi maitanggal ang pag-aalala sa mukha niya, ngayong alam na ni Vince kung sino siya. Maalala niya lang ang mukha niya nang makita niya siya nung alas dyes ng gabing iyon, panigurado litong-lito iyon, at hindi na alam ni Xania kung ano ang iniisip niya pagkatapos.Makakapagpaliwanag pa ba siya? O talagang kinamumuhian na siya ng lalaking iyon sa puntong pag papasok ang lalaking yun ngayon sa kwartong ito, papatayin niya siya agad?Naudlot na lang ang pag-iisip na iyon nang bumukas bigla ang pinto, at may pumasok na tao. Nagulat siya kung sino dahil kanina lang, pinag-iisipan niya siya.Naglakad siya papalapit sa kanya at tumigil mga ilang metro mula sa kulungan niya. Seryoso ang kanyang mga titig pabalik sa kanya at tumingin sila mata sa mata. Naglabas bigla ng isang baril si Vince mula sa kanyang likod na kinagulat ni Xania, pero imbis na siya ang tutukan, tinutok niya ito sa katabi
Jacky looked back at Sanjiro. Pumagitna muli ang katahimikan bago nabasag naman ito ni,"Naintindihan ko," sabi ni Jacky. "Pero hindi mo man lang ba naisip yung nararamdaman ni Vince towards the beast?""Ugh," komento agad ni Sanjiro. "Feelings? How could you possibly say na may nararamdaman ang anak ko sa hayop na iyon? Alam ng anak ko na ang beast na iyon ang pumatay sa ina niya and I know he will kill that beast in his anger.""But what if that beast didn't actually killed Ate Victoria?" tanong naman ni Jacky."O come on Jacquilyn," Sanjiro retorted. "Why are you siding with the beast? Alam mo ba ang nilalang na iyon?""Yes," sagot naman ni Jacky. "And I know, beast or not, Xania will never do that."Nagulat si Sanjiro. "Xania? Where the f*ck did you even get that name?""It's the beast's name," singit naman ng isang boses kaya napatingin ang dalawa sa nagsalita. Nagulat ang dalawa sa nakatayo ngayon sa harap ng pinto."Vinc
Chapter 25Pagkatapos ma-contact ni Ma'am Jacky ang tatlong kabarkada ni Vince, nakasakay siya ngayon sa isang taxi telling him an address in Barangay Tres na hindi alam ng driver. So with that, tinuro na lang ni Ma'am Jacky ang daan papunta doon.Nasa madilim silang kalsada pero napansin agad ni Ma'am Jacky ang isang itim na kotse na naka-park."Sandali, hinto," utos agad ni Ma'am at huminto nga ang taxi."Dito na lang po Manong," sabi ni Ma'am habang kumukuha ng pera sa wallet at binigay sa taxi driver. "Keep the change na lang," sabay bumaba siya ng taxi.Nang makaalis na ang taxi, saka siya nagpa-ilaw ng flashlight sa kanyang cellphone para makita ang daan. Mabuti nga at naalala niya pa ang daan dito.Pagkarating sa end ng gubat, kita niya agad ang malaking building uphill. Walang sabi-sabi na pumunta siya agad doon and didn't even mind the men surrounding at pumasok mismo sa harap ng gate. May dalawang lalaki in black suit and sunglasse
Hindi makapaniwala si Vince sa nakikita niya. Dahil doon, nahulog niya pa ang tray na hawak-hawak niya. Ang nakakapagpagulat talaga sa kanya dahil ang nilalang na iyon na nasa loob ng cage... ay isang babae na nakahiga sa sahig na walang malay at maraming galis sa katawan at mukha."Xania?!" gulat na saad ni Vince.The girl didn't respond kaya napalapit agad sa salamin si Vince and tapped on it repeatedly."Xania? Xania, gising!" Vince shouting behind the glass.Sa tunog ng salamin kaya unti-unting nagkamalay si Xania at binuksan ang mga mata. She looked what's behind the glass so she squinted her eyes.There's a man in that same suit that is standing right in front of the glass. Ano na naman ito? What's this guy doing here? Isa na naman siya sa mga lalaki na magpapakain sa kanya?Is this another man that she has to kill again?But how can she? Wala na siyang lakas dahil sa bawat lalaki na magdadala ng pagkain niya, papa
...Vince is inside his car right now driving in the roads of Barangay Tres. Using a new GPS he installed in the car, pinuntahan niya ang lugar where the man could be.It was getting darker around where he is driving at parang minsan hindi pa makapaniwala si Vince na parte pa rin ba ng Barangay Tres ang pinupuntahan niya.Akala niya pa nga nawawala siya. He stopped at a place kung saan nga siya dinala ng GPS and he looked around him pero wala siyang makita, puros mga puno lang. Niloloko ata siya ng GPS niya eh. Is this even the right place?Bumaba na lang siya sa kotse niya, sinuot ang hood and with a flashlight on his hand, he looked around. Dapat talaga naisipan niyang dalhin yung GPS ng tracker ng lalaking iyon. Akala niya kasi madali lang puntahan yung lugar na meron sa address na iyon, pero ganito pala ang sitwasyon ng lugar in reality.Hindi siya natakot sa dilim and kept looking around the dark forest he is in. Pursigido siyang mahanap kung
Chapter 24Nang makaalis na ang tatlo, tahimik sa loob ng mansyon ngayon. Nasa kwarto si Vince na naka shorts at sleeveless na shirt while standing beside the window of his room and through the moonlight coming from it, tinignan niya muli ang hawak-hawak niyang itim na card.Ang daming umiikot sa isip niya ngayon, pagkatapos ng nangyari kanina."...huwag mong tatawagin yung number."F*ck, at si Zend pa talaga ang nagsabi nun so how can he not be bothered? Parang mas lalo lang siyang na-te-tempt na tawagan ang number....Nung gabing iyon, pagkauwi nga ni Zend, nasa kwarto niya siya ngayon hawak-hawak ang cellphone niya. Binuksan niya ito and went to his contacts and pressed a number for a call.The call is ringing kaya nilagay ito ni Zend sa tainga waiting for the other person to answer."Hello Zend?" sagot sa kabilang linya."Hello po Ma'am Jacky," sagot naman niya na nakangiti."What is it now?!" iritan