Chapter 1
"...keep my son... safe. His name... his name is..."
Napamulagat ako ng mga mata ng di oras.
Kriiing! Naunahan ko pa ang alarm clock ko. Kahit malakas na ang tunog nito, napatulala muna ako sa aking kisame bago ko nga nilingon ito at pinatay. Unti-unti akong bumangon sa aking kawayan na kama at pagkaupo, napatulala na naman ako, puno ng alala ang mga mata.
Hindi niya nabanggit ang pangalan niya. Paano ko siya mahahanap?
Napalingon ako sa maliit na mesa na katabi lang ng kama ko kung saan nakapatong ang alarm clock ko, at ang isa pang bagay na maaaring maging daan para mahanap ko nga ang taong tinutukoy niya.
Napatingin muli ako sa orasan at bahagyang nagulat na ilang minuto na ang lumipas kaya agad akong bumangon para pumunta sa banyo at maligo. Pagkatapos, nagbihis ako ng kaswal na damit na panglabas at lumabas sa aking maliit na bahay kubo na gawa sa mga pinagtagpi-tagpi na kahoy at yero at kinandado ang pinto nito.
Masyado pang maaga para maghintay ng jeep para makapunta sa aking pupuntahan kaya naglakad na lang ako. Maganda ito para makapag ehersisyo rin ako. Pero wala pang 10 minuto, narating ko rin ang town, ang Barangay Dyes. Ilang kilometro rin ang layo nito galing sa Barangay Tres pero kung bakit ko narating iyon ng 10 minuto lang, isa yun sa mga kakayahan ko bilang isang beast.
Naglalakad ako ngayon sa tabi ng daan at may ilang mga taong nag-eehersisyo na nadadaanan ko at palagi lang nila akong nilalampasan kahit sinabi ko na nga na isa akong beast. Sa ngayon, mukha akong tao na may mahaba at makapal na itim na buhok na hanggang beywang ang haba at sa sobrang kapal nito, hindi ko siya maitali at minsan hindi ko na sinusuklay. Madalas akong tignan sa kakaiba kong buhok kaya minsan nagsusuot ako ng cap. Hindi man siya natatago dahil sa haba pero para na rin sa hindi nila ako mahalata.
Pagkarating ko sa aking destinasyon, sa harap ng isang building na may nakalagay na pangalan na hindi umiilaw sa ngayon dahil nakasarado pa ito, agad akong pumunta sa likod at kumatok muna sa pinto nito.
May bumukas na maliit na butas mula sa pinto at may nagpakitang dalawang mata. Ngumiti lang ako at kumaway pa sa kanya.
"Good morning Ma'am," bati ko sa kanya.
Sinara niya muna ang butas na iyon bago binuksan ang pinto sabay nagpakita sa akin si Ma'am.
"Good morning din sa iyo Xania," bati niya pabalik sa akin. "Masyado ka atang napaaga ngayon."
"Para sa trabaho lang Ma'am," sagot ko naman.
"Tara pasok," alok niya. "Mabuti yan para makatulong ka sa pag-aayos ng mga ilang kagamitan dito sa kusina at sa dining area."
Pumasok naman ako at nakita agad ang isa kong katrabaho na may tinitignan sa isang karton. Napatingin siya sa akin pagkapasok ko.
"Ah, good morning Xania," bati niya sa akin.
"Morning Axton," bati ko naman sa kanya.
"Napaaga ka ngayon."
"Oo na. Nasabi na yan ni Ma'am."
"Bakit ba ganun? May kailangan ka bang gawin dito ng ganito kaaga?" mga tanong niya.
"Hindi ba pwedeng dahil gusto ko lang tumulong ngayon Axton?" sagot ko naman sa kanya.
"Haha," tawa niya. "It's unusual for you Xania kaya nakakapagtaka talaga."
"Anong sinasabi mo diyang 'unusual'? Huwag mo nga akong englishin Axton. Ang hirap na nga sabihin pangalan mo, English-englishin mo pa ako."
"Ito talaga si Xania," sabi niya sabay biglang pinatong ang kamay niya sa buhok ko at ginulo ito. Siya lang ata ang nilalang na kayang gawin yun sa makapal kong buhok na hindi nagdududa man lang na hawakan ito. Siguro dahil sa isa sa mga abilidad niya bilang isang beast. Tibay kamay niyan kaya siya ang tagabuhat ng mga mabibigat na bagay dito. At kahit kuya ko siya, hindi ko siya tinatawag na kuya kasi ayaw niya raw eh.
"Oh my gash Xania bells!" sigaw bigla ng isang boses na kinagulat ko.
Bago ko pa makilala kung sino, nayakap na niya ako ng marami niyang kamay at agad din siyang humiwalay.
"You're finally here!" masaya niyang ngiti sa akin.
"Ah good morning Ate Willow," ngiti ko na lang sa kanya.
"Oo nga pala noh. Madaling araw pa lang ngayon," sabay tumingin siya sa relo na nakasuot sa isa sa anim niyang mga kamay.
Oo hindi kayo nagkakamali ng basa. May anim siyang braso at kamay ngayon na nakalabas, ang dalawa ay nakahawak sa beywang niya, ang dalawa may hawak na baso at plato, ang isa niyang kanang kamay ay nakabuhat sa isang kahon habang ang isa niyang kaliwang kamay ay kung saan nakasuot ang relo at doon niya tinitignan ang oras.
"Uhm Ate Willow..." pangamba kong sabi. "...yung kahon baka..."
Nasimulan mawalan ng balanse ang isa niyang kamay kaya...
“Woah…”
"Ate Willow!" panik ko at handa na sanang kunin ang kahon pero tumigil din ito bigla sa ere dahil may mga baging na nakahawak rito.
"Ingat ka kasi Ate Willow," sabi ng nagsalita sabay binalik ang kahon sa dalawang kamay ni Ate Willow gamit ang mga baging na iyon. "Ang clumsy mo talaga paminsan-minsan."
"Huhu thanks Yune," sabi ni Ate Willow.
"Morning Yune," bati ko naman.
Napatingin siya kung saan ako nakatayo at biglang umukit ang ngiti sa labi niya.
"Ate Xania andyan ka na pala," saya niyang sabi sabay binigyan din ako ng yakap. "Good morning!"
Hay, parehas talaga sila ni Ate Willow.
"Aray!" angal bigla ni Yune at humiwalay agad sa akin.
"Ayan kasi. Sinabihan na nga kita eh," sabi ko naman.
"Ano ba yan. Ang prickly mo talaga Ate Xania," sabi niya habang tinitignan niya ang kanyang mga braso. "Buti na lang at hawak ng mga baging ko ngayon ang mga eco bag na pinambili ko kundi nasugatan din sila."
"At least natuto ka na rin," sabi ko naman.
"Yune, nabili mo na ba lahat ng kulang na ingredients?" tanong ng isang boses sabay nagpakita siya sa pinto.
"Ate Oriana," sabi naman ni Yune. "Paano mo nalaman na nandito na ako?"
She suddenly slithered her snake tongue. "I sensed you."
"Ah oo nga pala," ngiti ni Yune.
"At pati na rin si Xania," sabay tumingin siya sa akin. "Morning," bati niya.
"Morning Ate Oriana," bati ko pabalik.
"Tara na Yune," utos ni Ate Oriana. "Marami pa tayong kailangan lutuin."
"Susunod na Ate," sagot ni Yune. "Sige usap na lang tayo pagkatapos."
"Sige Yune," ngiti ni Ate Willow. "Good luck."
"Sige Ate mauna na ako," ako naman ang nagpapaalam. "Check ko lang sa dining area kung—"
"Xania!" sigaw bigla ng isang boses sabay may dumating na tumatakbo at napatigil sa pintuan na humihingal.
"Iris," sabi ko naman.
"O ano na naman yan hah?" tanong ni Ate Willow. "May nabasag na naman ba kayo na plato o baso diyan ni Lizar? Ay kayong dalawa talaga—"
"Wala Ate Willow," sagot naman ni Iris. "Basta kailangan ko lang si Xania ngayon."
"Bakit?" tanong ko naman.
"Basta halika," sabay hila ng kamay ko.
Nakarating kami sa dining area ng di oras at pagkarating nga namin,
"O kita mo na," sabi ni Iris habang pinapakita sa akin ang nangyayari.
Hindi ko maipaliwanag kung anong mararamdaman ko eh sa nakikita ko lang naman ngayon, nakatayo sa kisame si Lizar ngayon. Anong bago?
"O tapos? Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko.
"Pababain mo nga siya diyan Xania gamit ng mga quills mo," sabi naman ni Iris.
"Madaya ka talaga Iris," reklamo ni Lizar. "Bawal magtawag ng kasama."
"Heh tumahimik ka," galit niyang saad sa kanya at biglang tinapunan niya siya ng malalagkit na tinatawag niya na frebbles na galing sa kanyang leeg.
"Ops," sabay ilag ni Lizar habang nakasabit sa kisame. "Miss me," loko niyang sagot.
"Eish. Bwiset. Makita mo talaga Lizar pag nakababa ka diyan," banta ni Iris sa kanya. Para talaga silang mga bata kahit halos kasing edad ko lang sila.
"Sige na Xania," pagmamakaawa ni Iris sa akin. "Atakihin mo na kasi siya ng quills para bumaba na siya at hindi ako mapilitang magtapon ng mga frebbles sa kanya. Nadudumihan yung kisame eh."
Napabuntong hininga naman ako sa inasta niya. "Hindi ba si Lizar din naman ang maglilinis ng mga yan?" sabi ko naman.
"Ano siya sinuswerte?" sagot naman ni Lizar mula sa kisame. "Wala naman akong sinabi na gumamit siya ng frebbles para pababain lang ako rito. Kasalanan niya yan kaya siya ang mapapagalitan ni Ma'am Safira."
"O di ba? Nakakainis. Sarap irggh," galit na saad ni Iris sabay ang kanyang malambot na buhok na parang ulap ay nagiging itim na parang may bagyong paparating dahil sa galit.
Napabuntong hininga na lang ako at ginawa nga ang gusto ni Iris. Baka umulan ng di oras dito sa loob ng café. Kinontrol ko ang buhok ko para umatake ng quills kung saan si Lizar.
"Uy sandali!" sabay umilag siya sa mga atake ko. "Ang daya mo talaga Iris. Ang sakit kaya ng mga quills ni Xania."
"Bakit kasi hindi ka na lang bumaba?" ako naman ang nagtanong. "Malapit na magbukas ang shop."
"Si Iris kasi eh," reklamo niya.
Ting, ting, ting! Clang, clang, clang!
"Woah," nawawalan na siya ng balance sa kisame pero hindi pa rin siya nahulog. "Xania naman eh."
Ginamit ko naman sa kanya ang mga matutulis kong feathers pero nailagan niya rin.
"Ano bababa ka o..." sumeryoso ako ng titig sa kanya. "...tatawagin ko si Ma'am?"
Nang gawin ko iyon, parehas nagulat ang dalawa.
"Huwag Xania," sabi naman nitong katabi kong si Iris. "Kaya nga ikaw tinawag ko eh."
"O eto na. Sheesh," sabi naman ni Lizar at tumalon nga siya pababa sa sahig. "Ang scary mo paminsan-minsan."
Nakahinga na lang ako ng maluwang at lumingon sa cashier.
"Geoffrey," tawag ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin na poker face na mukha.
"Alam kong busy ka sa pagbibilang ng pera pero pwedeng favor?" pakiusap ko na lang sa kanya.
Binalikan niya muna ako ng tingin bago tumingin sa kisame at walang sabi-sabi na kahit wala pa akong sinasabi kung ano ang pabor, biglang umilaw ng pula ang crystal sa kanyang noo at kinontrol nga ang mga quills at feathers na naiwan sa kisame at nahulog ito sa sahig.
"Hindi ko na kokontrolin yung mga frebbles," tipid na sabi ni Geof at bumalik sa kanyang gawain.
"Okay lang. Kasalanan naman nitong dalawa eh," sagot ko sabay nilingon si Lizar. "O habang may oras pa Lizar, gawin mo na trabaho mo bago pa makita yan ni Ma'am."
"Pssh kaya nga ako nasa kisame kanina dahil naglilinis ako," sagot ni Lizar. "Bakit hindi si Iris ang gumawa?"
"Hoy for your info, hindi ako ang beast na may ability na makaakyat sa kisame," sagot naman ni Iris. "Kung hindi ka lang sana nang hamon kanina eh di walang frebbles ngayon diyan sa kisame."
"Gawin mo na lang Lizar," sabi ko naman para tumigil na ang bangayan nila. "Hayaan niyo. Tutulong din ako."
They paused at their place at biglang kumapit sa braso ko si Iris.
"Buti pa si Xania ang bait-bait," malambing na sabi ni Iris. "Hindi tulad ng isang to na walang modo."
"Ay ewan ko sa inyong mga babae," sagot na lang ni Lizar sabay kumuha ng isang timba ng tubig na may brush at tumalon mula sa sahig para kumapit ang mga paa sa kisame kung saan may mga frebbles. Agad naman akong umatake ng isang fish scale sa dingding na katabi niya para pagsabitan ng timba ng tubig.
"You're welcome," sabi ko na lang.
"Oo na. Thank you," labas sa ilong na sagot naman ni Lizar.
Napangiti na lang ako at tumulong sa mga kailangang gawin sa loob ng dining area. Si Iris ang nagpupunas ng mga upuan at lamesa habang ako ay nag-mo-mop ng sahig.
Mabuti na lang at natapos din namin ang kailangang gawin sa dining area nang,
"Okay. 10 minutes na lang bago tayo magbukas," sabi bigla ni Ma'am kaya kami napatingin sa kanya. "Good job sa inyo guys."
"Ma'am Safira," ngiti ni Lizar at sa saya, tumalon siya mula sa kisame hawak-hawak ang timba habang lumalapit kay Ma'am. "Kung sinabi mong good job, ibig sabihin may raise ako Ma'am?"
Hay ito talaga si Lizar. Binalikan lang siya ng poker face ni Ma'am.
"Tingin mo hindi ko nabalitaan ang nangyari kanina?" tanong ni Ma'am sa kanya na ikinatigil niya ng di oras. "Kung tutuusin nga, dapat babawasan ko ang sweldo mo dahil doon," seryosong sabi ni Ma'am.
"Ala Ma'am huwag namang ganyan. Hindi na mauulit yun," pagmamakaawa ni Lizar.
"Buti nga sayo," bulong ni Iris dito sa tabi ko.
"Ikaw rin Iris," sabi naman bigla ni Ma'am kaya nagulat si Iris.
"Ano Ma'am?!" gulat na saad niya.
"Balita ko rin ang tungkol sa mga frebbles sa kisame," sabi ni Ma'am. "Di ba sabi ko mag-iingat kayo sa paggamit ng mga tails niyo?"
Nanghinayang ang dalawa. "Opo Ma'am Safira," sagot ng dalawa.
Naglabas na lang ng buntong hininga si Ma'am. "Pero dahil sa nalinis niyo at naayos niyo naman ang kailangang gawin dito sa dining area sa tamang oras, hindi ko babawasan sweldo niyo."
Agad umukit ang saya sa kanilang mukha dahil sa magandang balita.
"Pero wala pa rin kayong raise," sabi naman agad ni Ma'am na pinanghinayang din ng dalawa.
"Sige na. Magsipalit na kayong tatlo," utos ni Ma'am sa amin. "Magbubukas na tayo mayamaya."
"Opo Ma'am," sagot naming tatlo at inayos muna ang mga kagamitan na ginamit namin at naglakad papunta sa locker.
"Kasalanan mo ito eh Lizar," reklamo ni Iris habang naglalakad kami.
"Ako na naman. Palagi na lang ako," sagot naman ni Lizar.
"Bakit totoo naman ah. Nanahimik akong ginagawa ang trabaho ko tapos bigla ka na lang mag-aalok makipaglaro na parang bata."
"Eh pumayag ka naman. Saka sinong mas mukhang bata sa atin dito hah?" asar ni Lizar.
Halata ang galit sa buhok ni Iris. "Anong sinabi mo?" tinging masama ni Iris kay Lizar.
"O yan na naman kayo," sabi ko naman para tumigil na silang dalawa. "Huwag nga kayo puro away. May trabaho pa tayo o."
"Hmph," sabay umiwas sila ng tingin sa isa't isa habang pumasok naman sa girl's locker room si Iris at sa boy's locker room si Lizar. Itong dalawa talaga. Parati na lang ganito. Sila pa naman ang lagi kong kasama sa dining area.
Pagkapasok ko sa locker room, nagpalit ako kasama si Iris ng uniform namin para sa trabaho. Lumabas kami sa locker room na nakasuot ng mga maid uniforms habang si Lizar naman ay parang butler.
"Okay handa na ba lahat?" tanong ni Ma'am sa amin habang naka-assemble muna kami rito sa dining area at iniwan ang kanya-kanya naming trabaho.
Si Yune at si Ate Oriana ay sa kitchen at parehas silang nakasuot ngayon ng apron. Pati rin si Ate Willow naka apron pero sa dish washing area siya. Si Axton naman ay naka puti na t-shirt at jeans na pants at nakasuot ng asul na cap. Si Geoffrey naman ay nakasuot rin na parang kay Lizar kahit sa counter lang siya most of the time at kaming natirang tatlo; Iris, Lizar at ako ay sa dining area.
"Mukhang handa na," sabi ni Ma'am habang tumitingin sa kanyang relo na ilang minuto na lang at mag-aalas otso (8) na. Pati rin siya ay nakasuot na parang maid uniform pero ibang-iba sa amin ni Iris for being the manager. Mas mukhang professional sa kanya.
"Tayo ay magbubukas in 3... 2... 1... hit it Geoffrey!"
Bzzt! Kahit malayo si Geoffrey sa switch, ginamit niya muli ang crystal ng ulo niya para i-on ang ilaw ng pangalan ng café namin.
Hounded Pastry Café
Kling, kling! Tunog ng chimes pagkabukas ng pinto ng café signaling na may pumasok na customer.
"Magandang umaga po sa inyo, Sir," bati naming tatlo ni Lizar, Iris at ako ng ngiti sabay yumuko bilang respeto.
"Hayaan niyo pong igabay ko po kayo sa inyong mauupuan," ngiting sabi ni Iris at masaya namang sumunod ang customer.
Nang may pumasok na babae, binate rin namin siya at si Lizar naman ang nagsalita.
"Sundan niyo lang po ako Ma'am para maigabay ko po kayo sa iyong mauupuan," ngiti niya habang inaalukan siya ng kamay. Wala namang sabi-sabi na sumunod ang babae at kita pa ang pamumula sa kanyang mukha sa ginawa ni Lizar.
Napangiti na lang ako habang pinapanuod ang dalawa. Kahit para silang mga bata tuwing nag-aayos kami, nagagawa naman nilang maging propesyonal tuwing trabaho.
Okay, ako rin! Pagbubutihin ko!
Continued...
Ginawa namin ang trabaho namin hanggang mag-gabi. Mabuti na lang at walang masyadong aksidente at disgrasyang nangyari ngayon. May ilang customer lang na magrereklamo pero propesyunal namin itong nireresolba."Time check, alas otso na," sabi ni Geoffrey mula sa counter kaya napatingin naman ako sa orasan ng café habang nilalagay ko ang ilang baso at plato sa isang palanggana para dalhin kay Ate Willow. Iilan na lang ang customer sa ganitong oras pero halos lahat sila ay estudyante na parang gustong magpuyat.Mayamaya,"8:30," sabi bigla ni Geoffrey kaya nagkatinginan kaming tatlo nila Iris at Lizar at ginawa ang dapat gagawin. Sa ganung oras, bawat customer na nandito pa rin sa shop ay pinakiusapan namin na hanggang alas nuebe (9) lang ang café para tapusin nila ang kailangan nilang tapusin. Matitigas ang ulo ng iba at mabuti na lang at tinuruan kami ni Ma’am na huwag patulan ang mga ito pero pag sobrang tigas talaga ng ulo, si Ma'am Safira t
Chapter 2"Andito ako para pag-usapan ang tungkol sa hinahanap mong tao," sabi ni Ma'am.Tuluyan akong nagulat sa lugar ko nang marinig ko iyon."Nung 13 ka, pumasok ka sa isang paaralan as a grade 7 and 8 student tapos bigla na lang lumipat ka sa isang high school para pumasok as grade 9 and 10. Akala ko ibang track ang gusto mo sa huli mong highschool kaya ayaw mong ipagpatuloy ang grade 11 mo roon pero nang kunin mo ang isang track na meron naman sa highschool na iyon, hindi sana ako magtataka at malalaman ang tungkol sa concern mo."Napayuko ako. "Personal po kasi siya Ma'am," sabi ko."Alam ko. Ayaw ko sanang makialam pero hindi ganun kadali na palipat-lipat ka ng paaralan para lang maghanap ng isang taong hindi mo naman alam kung anong pangalan niya at tanging ID lang ng nanay niya ang meron kang clue para mahanap siya."Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Ma'am."Isang tulong man noong inalukan ko kayong walo na magtrabaho rito sa
Kriiing!Pagkagising ko sa umaga, agad akong bumangon para pumunta sa banyo para maghanda papunta sa eskwelahan. Lumipas ang isang linggo at ngayon ang unang araw ko para pumasok sa International Sanders Academy.Pagkarating ko muli sa gate, napatayo muna ako sa harap at parang pinagmasdan ang malaking gusali dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. May ilang pumapasok sa loob na halatang mga estudyante—Peep! Peep! Busina ng isang kotse kaya nagulat ako at napalingon sa likod at nakita ang isang itim na kotse. Gumawa siya ng hand gesture na parang pinapatabi ako sa daan."Ah sorry," paumanhin ko naman kaya tumabi ako.Akala ko aalis lang ito at lalampasan ako pero binaba niya pa ang bintana kung saan ako nakatapat at tinignan ako ng itim niyang shades."Hindi ko alam kung sadyang bulag ka lang ba talaga Miss pero hiwalay ang daanan ng mga tao sa daanan ng mga kotse. Pero kung gusto mo lang talagang magpasagasa at humarang
Chapter 3"Good morning class," bati bigla ng guro pagkapasok."Good morning Ma'am," bati ko naman pabalik at ang awkward kasi ako lang bumati. Bakit parang mali na ginawa ko iyon?"Oh I see we have a new student here."Ano? Ganun ba yun? Malalaman mo na lang na new student ka pag mag-isa kang bumati sa guro?"Kindly stand up and introduce yourself to everyone."Tumayo naman ako. "Uhm ako po si Xania at 17 years old na ako. Masaya akong makilala kayo," ngiti ko naman sa kanila pero halos ang iba ay hindi man lang ako pinansin. Okay nice talking."Thank you Xania. You may now take your seat," sabi ng guro at doon lang ako umupo. "So let's start our discussion."Agad ko namang binuksan notebook ko para handang magsulat pero nagulat ako nang iba ang nilalabas ng mga tao sa paligid ko. Grabe talaga technology ngayon. Akalain niyo yun gamit lang nila tablet, cellphone o laptop para lang mag take down notes. Nahiya naman ang notebook
Pagkatunog ng alarm na ginawa niya, agad nagising si Vince at bumangon mula sa kama niya para maligo at magbihis. Sinuot niya muna ang isang puti na polo at isang itim na necktie bago dinala ang isang itim na tux at lumabas ng kwarto. Nagpaalam siya kay Manang na gumawa na lang ng pagkain na para sa kanya at sa guards na nasa labas dahil hindi siya kakain mamaya pag-uwi.Nagpaharurot siya paalis papunta sa sinasabing barko kung saan ididiwang ang birthday ng pinsan niya. Nagparada siya sa pier bago bumaba ng kotse para sumakay sa sinasabing barko. Nasa entrance na siya nang harangan siya ng dalawang mukhang mga sea man.“Magandang hapon Sir,” bati ng isa. “Ano po ang punta niyo rito?”Tinaasan muna ng kilay ni Vince ang dalawa.“I’m here for the party,” sagot ni Vince.“Sir may invitation card po kayo?” tanong ng isa.Kumunot ang noo ni Vince. Meron naman eh, pero naiirita siya dahil baki
Chapter 4XANIAUnang araw ng pasukan, sabihin nating mukhang naging okay lang naman. Di bale nang may nakilala akong lalaking ubod ng sungit na panira ng araw dahil hindi naman siya pumasok pagkatapos ng recess. Ewan ko roon. Hindi ko nga alam kung bakit pa siya pumasok kung ganung uuwi rin lang siya. Kaya siguro naturingang badboy kasi bulakbol pala ang taong yun.Pagkatapos kong gawin ang mga pinagawa sa akin ni Ma'am Jacky, agad naman akong umalis ng paaralan pero kaysa dumiretso sa bahay, dumiretso ako sa café. Syempre kailangan ko pa ring mag-trabaho. Yun nga lang, part time ako tuwing weekdays tapos full time naman sa weekends.Pagkarating ko sa likod ng café, kumatok ako muli at bumukas muna ulit ang maliit na bintana bago nga ako pinapasok at nagulat ako sa sumalubong sa akin."Xania," ngiti niyang bati sa akin. "Buti nakapunta ka ngayon.""Axton. Asaan si Ma'am?" tanong ko."Nasa office niya syempre. Bakit?"
Nang 5 na ng umaga, agad akong bumangon para magluto. Pagkatapos saka ako naligo at nagbihis ng uniporme ko. Kinain ko agad ang almusal ko, inayos ang baon ko at lumabas agad ng bahay nung sa tingin ko wala na akong naiwan.Naisip ko rin pala, dapat ngayon kumukuha na ako ng impormasyon tungkol sa anak ni Ma'am Victoria. Alam ko nakikibagay pa lang ako sa bagong eskwelahan at jusko, ang dami kong kailangang matutunan para makibagay nga ako pero hindi ko maiwasang mag-alala para sa anak niya. Baka kung ano nang nangyari sa kanya at hindi ko man lang natupad ang pangako ko sa kanya. Baka multuhin ako ni Ma'am Victoria ng di oras.Pagkarating ko sa eskwelahan, dumiretso ako sa classroom ko at agad umupo sa upuan ko pero kahit hanggang doon, nag-iisip pa rin ako. Saan kaya rito sa ekwelahang ito ako makakakuha ng impormasyon? Sino kayang tatanungin ko? Eh kung mga kaklase ko kasi, baka hindi rin lang naman nila kilala o baka wala silang pakialam.Dumating din agad a
Chapter 5"Paano pag sinabi ko sa iyo na ako ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?" sabi niya bigla.Napatigil ako ng di oras sa kinauupuan ko dahil doon. Ano raw? Siya? Siya ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?"Pfft hahahaha," tawa ko na halos kinagulat ng lahat ng nasa loob ng classroom."Anong tinatawa mo?" iritang tanong ng katabi ko."Haha ang galing mo din noh," sabi ko sa kanya. "Ikaw ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?""Paano nga pag ganun? Mag-iingat ka sa mga pinagsasabi at ginagawa mo rito sa eskwelahang ito dahil pwede kitang ipatalsik dito ng di oras."Sa sinabi niya saka ako tuluyang napatigil sabay sumeryoso agad ang aking itsura. Hinarap ko siya pagkatapos."Hoy tsong," seryoso kong sabi sa kanya. "Hindi purket may itsura ka, mahangin ka na. Hindi purket tinuturingan kang prinsipe ng eskwelahang ito, makaasta ka akala mo kung sino ka. Wala akong pakialam kung gaano ka karangya at makapangyarihan dahil
“Ma’am,” tawag bigla ng isang tao na nakasira ng katahimikan sabay napatingin ang dalawa sa kanya.“Geoffrey,” sabi ni Axton.“Ma’am, gising na po si Xania,” sabi ni Geoffrey.Nagulat ang dalawa at napatingin muna sa isa’t isa, bago nila naisipang tatlo na sabay bumalik sa clinic.Pagkarating nila, andoon pa rin si Yune, Iris, Lizar, Willow at Oriana habang nakahiga naman sa kama si Xania, nakabukas na ang mga mata at iniglapan lang ang tatlo bago umiwas ng tingin. Napabuntong hininga naman si Ma’am at napatingin sa iba.“Maaari niyo ba kaming iwanan muna ni Xania?” pakiusap naman ni Ma’am, at kanya-kanya rin sila ng sagot na “Sige po” o di kaya “Masusunod po”.Pagkalabas nga nila, tumingin muli si Ma’am Safira kay Xania pero nakaiwas pa rin siya ng tingin sa kanya. Kumuha naman ng upuan si Ma’am Safira at tinabi ito sa kama at u
Pagkalabas ni Ma’am, nakarating siya sa baybay ng dagat dahil sa malapit lang ang clinic na iyon sa dagat. Ngayon, dahil sa wala naman nang makakakita, umukit ang awa at pighati sa mukha ni Ma’am Safira. Alalang-alala niya ang mukhang pinakita ni Xania habang dumadaloy ang luha sa mukha niya… mas lalo na nang maalala niya ang gabing iyon...No one actually knew that Safira was able to follow Jacky papunta sa building kung saan ang organisasyon ni Mr. Victorino. Using her wings, she followed Jacky through the sky.Nahirapan siyang makapasok dahil sa dami ng taong nakabantay kaya isa-isa niya itong pinatumba para mawalan sila ng malay. She's using her tails sa bawat taong nakakakita sa kanya na pumapasok sa building nung mga oras na iyon at sinisigurado na tuwing nawawalan sila ng malay, hindi nila maaalala na nakita nila siya.Gamit ng extended ears sa kanyang ulo as one of her tails, rinig niya kung saan nga nakakulong si
Sa isang madilim na kwarto, na tanging liwanag lang ng buwan na nanggagaling sa isang bintana ang umiilaw sa kwartong iyon, Vince is standing by the window staring out in the open like he's waiting for something. Walang nakakaalam ng iniisip niya ngayon habang nakatanaw nga siya ng malayo sa labas ng bintana.Naudlot na lang ang katahimikang iyon nang may kumatok sa pinto. Wala pang sinasabi si Vince nang bumukas ito ng mag-isa at nagpakita ang Auntie niya."Hey," ngiting bati sa kanya ni Ma'am Jacky.Hindi umimik si Vince but weakly smiled back at her as his reply."Sorry it took a while," sabi ni Ma'am Jacky at pumasok sa loob ng madilim na kwarto.Pero may sumunod na pumasok din. Siya ang nagsara ng pinto at hindi man lang binukas ang ilaw ng kwarto… dahil wala rin naman itong ilaw. Pinosisyon niya ang sarili niya sa harap ng dalawa with her arms crossed on her chest."So, handa na ba kayong dalawa?" seryosong tanong ni Ma'am Safir
~~~Xania is sitting on the floor habang nasa loob siya ng kulungan at hindi maitanggal ang pag-aalala sa mukha niya, ngayong alam na ni Vince kung sino siya. Maalala niya lang ang mukha niya nang makita niya siya nung alas dyes ng gabing iyon, panigurado litong-lito iyon, at hindi na alam ni Xania kung ano ang iniisip niya pagkatapos.Makakapagpaliwanag pa ba siya? O talagang kinamumuhian na siya ng lalaking iyon sa puntong pag papasok ang lalaking yun ngayon sa kwartong ito, papatayin niya siya agad?Naudlot na lang ang pag-iisip na iyon nang bumukas bigla ang pinto, at may pumasok na tao. Nagulat siya kung sino dahil kanina lang, pinag-iisipan niya siya.Naglakad siya papalapit sa kanya at tumigil mga ilang metro mula sa kulungan niya. Seryoso ang kanyang mga titig pabalik sa kanya at tumingin sila mata sa mata. Naglabas bigla ng isang baril si Vince mula sa kanyang likod na kinagulat ni Xania, pero imbis na siya ang tutukan, tinutok niya ito sa katabi
Jacky looked back at Sanjiro. Pumagitna muli ang katahimikan bago nabasag naman ito ni,"Naintindihan ko," sabi ni Jacky. "Pero hindi mo man lang ba naisip yung nararamdaman ni Vince towards the beast?""Ugh," komento agad ni Sanjiro. "Feelings? How could you possibly say na may nararamdaman ang anak ko sa hayop na iyon? Alam ng anak ko na ang beast na iyon ang pumatay sa ina niya and I know he will kill that beast in his anger.""But what if that beast didn't actually killed Ate Victoria?" tanong naman ni Jacky."O come on Jacquilyn," Sanjiro retorted. "Why are you siding with the beast? Alam mo ba ang nilalang na iyon?""Yes," sagot naman ni Jacky. "And I know, beast or not, Xania will never do that."Nagulat si Sanjiro. "Xania? Where the f*ck did you even get that name?""It's the beast's name," singit naman ng isang boses kaya napatingin ang dalawa sa nagsalita. Nagulat ang dalawa sa nakatayo ngayon sa harap ng pinto."Vinc
Chapter 25Pagkatapos ma-contact ni Ma'am Jacky ang tatlong kabarkada ni Vince, nakasakay siya ngayon sa isang taxi telling him an address in Barangay Tres na hindi alam ng driver. So with that, tinuro na lang ni Ma'am Jacky ang daan papunta doon.Nasa madilim silang kalsada pero napansin agad ni Ma'am Jacky ang isang itim na kotse na naka-park."Sandali, hinto," utos agad ni Ma'am at huminto nga ang taxi."Dito na lang po Manong," sabi ni Ma'am habang kumukuha ng pera sa wallet at binigay sa taxi driver. "Keep the change na lang," sabay bumaba siya ng taxi.Nang makaalis na ang taxi, saka siya nagpa-ilaw ng flashlight sa kanyang cellphone para makita ang daan. Mabuti nga at naalala niya pa ang daan dito.Pagkarating sa end ng gubat, kita niya agad ang malaking building uphill. Walang sabi-sabi na pumunta siya agad doon and didn't even mind the men surrounding at pumasok mismo sa harap ng gate. May dalawang lalaki in black suit and sunglasse
Hindi makapaniwala si Vince sa nakikita niya. Dahil doon, nahulog niya pa ang tray na hawak-hawak niya. Ang nakakapagpagulat talaga sa kanya dahil ang nilalang na iyon na nasa loob ng cage... ay isang babae na nakahiga sa sahig na walang malay at maraming galis sa katawan at mukha."Xania?!" gulat na saad ni Vince.The girl didn't respond kaya napalapit agad sa salamin si Vince and tapped on it repeatedly."Xania? Xania, gising!" Vince shouting behind the glass.Sa tunog ng salamin kaya unti-unting nagkamalay si Xania at binuksan ang mga mata. She looked what's behind the glass so she squinted her eyes.There's a man in that same suit that is standing right in front of the glass. Ano na naman ito? What's this guy doing here? Isa na naman siya sa mga lalaki na magpapakain sa kanya?Is this another man that she has to kill again?But how can she? Wala na siyang lakas dahil sa bawat lalaki na magdadala ng pagkain niya, papa
...Vince is inside his car right now driving in the roads of Barangay Tres. Using a new GPS he installed in the car, pinuntahan niya ang lugar where the man could be.It was getting darker around where he is driving at parang minsan hindi pa makapaniwala si Vince na parte pa rin ba ng Barangay Tres ang pinupuntahan niya.Akala niya pa nga nawawala siya. He stopped at a place kung saan nga siya dinala ng GPS and he looked around him pero wala siyang makita, puros mga puno lang. Niloloko ata siya ng GPS niya eh. Is this even the right place?Bumaba na lang siya sa kotse niya, sinuot ang hood and with a flashlight on his hand, he looked around. Dapat talaga naisipan niyang dalhin yung GPS ng tracker ng lalaking iyon. Akala niya kasi madali lang puntahan yung lugar na meron sa address na iyon, pero ganito pala ang sitwasyon ng lugar in reality.Hindi siya natakot sa dilim and kept looking around the dark forest he is in. Pursigido siyang mahanap kung
Chapter 24Nang makaalis na ang tatlo, tahimik sa loob ng mansyon ngayon. Nasa kwarto si Vince na naka shorts at sleeveless na shirt while standing beside the window of his room and through the moonlight coming from it, tinignan niya muli ang hawak-hawak niyang itim na card.Ang daming umiikot sa isip niya ngayon, pagkatapos ng nangyari kanina."...huwag mong tatawagin yung number."F*ck, at si Zend pa talaga ang nagsabi nun so how can he not be bothered? Parang mas lalo lang siyang na-te-tempt na tawagan ang number....Nung gabing iyon, pagkauwi nga ni Zend, nasa kwarto niya siya ngayon hawak-hawak ang cellphone niya. Binuksan niya ito and went to his contacts and pressed a number for a call.The call is ringing kaya nilagay ito ni Zend sa tainga waiting for the other person to answer."Hello Zend?" sagot sa kabilang linya."Hello po Ma'am Jacky," sagot naman niya na nakangiti."What is it now?!" iritan