Share

Got Married to my Cousin's Ex-fiancee
Got Married to my Cousin's Ex-fiancee
Author: Yurikendo

The Scandal

Author: Yurikendo
last update Last Updated: 2023-12-11 19:04:31

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga ng sunod-sunod na pagkatok ang bumulabog sa mahimbing kong pagtulog. Napuyat ako sa dami ng paperworks sa school kaya madaling araw na rin ako nakatulog. Ang balak ko’y alas otso na ng umaga bumangon tutal ay alas dyes naman ang pasok ko. Ngunit hindi pa man nag-aalarm ang cellphone ko’y nagising na ako sa tila bomba na dumadagundong mula sa labas ng aking silid.

“Sandali lang,” inantok ko pang sagot habang hinahanap ang isang sapin ko sa paa na mukhang nakasilong pa sa ilalim ng higaan.

“Ano ba ‘yan, ang aga-aga pa,” reklamo ko sa sarili.

Subalit lahat ng katamlayan ko’t pagkaantok ay tinangay  ng hangin ng isang malutong na sampal ang bumungad sa ‘kin.

“Walanghiya ka! Mang-aagaw!” 

Sapo ang aking pisnge’t nanlalaki sa pagkagulat ang aking mga mata sa nangyari. Hawak ng ate ko at ni mama ang pinsan kong si Claire na siyang walang sabi-sabi na sumampal sa mukha ko. Napangiwi pa ‘ko sa sobrang lakas ng kaniyang palad na para bang biglang humiwalay sa katawan ko ang aking kaluluwa.

“Claire, maghunos dili ka.” Halos maghilahan na sila mama sa pag-awat sa pinsan kong sumugod ng ganito ka aga sa bahay namin, pagkatapos ay mananakit lang pala.

“Hindi tita, ‘wag niyo na pong kampihan pa ang anak niyo.” puno ng otoridad ang boses niya na hindi ko nagustuhan. Mas matanda sa akin si Claire ng tatlong taon pero kahit na gano’n ay  malapit pa rin kami sa isa’t isa. Madalas kaming lumabas magkasama, mamasyal at kumain sa labas. Masasabi kong isa siyang kaibigan.

“Claire, ano bang problema mo?” hindi ko na nagugustuhan ang ilang beses na pagsigaw at pagtataas niya ng boses kila ate kaya naman tinanong ko na sya kung ano ba ang problema niya.

“Hindi mo alam? O, nagmamaang-maangan ka na ngayon?” anito. Kitang kita sa panglalaki ng kaniyanng mga mata’t pagtatagisan ng kaniyang mga ngipin na umuusok na siya sa sobrang galit. “Ano, painosente ka pa, gano’n?”

“Alam mo, deretsahin mo ‘ko kung ano’ng problema hindi ‘yong nageeskandalo ka riyan,” tugon ko, ngunit sa loob ko’y may namumuo nang kaba. Natatakot ako na baka umabot na sa kaniya ang nangyari. Nakita na kaya niya ang Video? tanong niya sa sarili.

Nakailang pag-iling si Claire, pagkatapos ay bumaling kay mama at ate, pinipigilan niya pa ang pagsasalita. Hanggang sa tuluyan ng tumulo ang kaniyang mga luha. 

“Claire…” paghagod ni mama sa likod ng pinsan ko.

“Tita, si S-Selena k-kasi…” uutal-utal na sambit nito sa pagitan ng kaniyang mga paghikbi. 

“Claire, let’s talk,” ani ko. Alam ko na kung ano ang nangyayari kaya naman nilapitan ko siya’t hinawakan ang kaniyang kamay. Hindi na kailangang malaman pa ng pamilya ko ang nangyari, ayokong magkagulo at kaawaan pa nila ako. 

“No!’ bigwas niya sa kamay ko na siyang naging dahilan upang mabitiwan ko siyang masampal niya pa ‘ko ng isa pang beses. “Ngayon aaluhin mo lang ako? So, naisip mo na kung ano ang problema ko ha, Selena? Ikaw ang problema ko! ‘Yang kalandian mo, paano mo nagawa sa ‘kin ‘to? Akala ko ba magkapatid tayo, magkaibigan? Pero bakit ang fiance ko pa?” 

Boom!

Para akong sinabuyan ng kumukulong tubig sa mga naging pahayag ni Claire, nangatal ang aking mga kamay sa takot. Ang kanilang mga mata’y nakatungo sa akin, naghihintay ng magiging sagot ko.

“Ano’ng ibig mong sabihin, Claire? Ano’ng tungkol sa fiancee mo?” ang ate ko naman ngayon ang nagtanong.

Gusto ko silang pigilan, subalit hindi makakilos ang mga paa ko. Napuno ng takot ang dibdib ko, bumabalik ang senaryo na nangyari ng gabi na ‘yon. Hindi ko kaya.

“Ate Angie, wala na kami ni Dreyk, wala ng kasal na magaganap dahil sinira na ang butihin niyong anak ang pangarap kong pamilya. Itatanong niyo kung paano ko nasabi ‘yon? Heto, tignan niyo.” Iniabot nii Claire ang kaniyang Cellphone na siyang naglalaman ng ebidensiya sa nagawa ko. Pero gusto kong hablutin ‘yon at sabihing hindi ko sinasadya, hindi ko gusto ang nangyari at mas lalong wala akong kasalanan.

Nanlambot ako ng marinig ang sarili kong boses sa video na pinakita niya kila mama, buong-buo ang mga ungol ko at maging ang kakaibanag tunog na galing sa aming katawan dahil sa mainit na eksenang iyon.

“Mama, makinig muna  kayo sa ‘kin, ganito kasi ‘yon,” nauutal kong sabi, ngunit hindi ko na naituloy pa ng ang mama ko naman ang nagpadapo ng sampal sa pisngi ko. ‘Yon ang pinakahindi ko makakaya.

“Ma…’

“Ano ‘to, Selene? Nakipags*x ka sa mapapangasawa ng pinsan mo? Ganito ba kita pinalaki ha? Para manira ng iba? Diyos ko naman, Selena.” Hindi na nakayanan pa ni mama’t hinimatay na siya sa sobrang sama ng loob. Iginiya ni ate si mama sa silid nito at inabisuhan kami na babalik siya para mas malinawan ang lahat. 

Kaya ng kami na lang ni Claire ang naiwan ay todo ang paghingi ko sa  kaniya ng tawad, sinubukan kong magpaliwanag peo hindi siya nakikinig sa ‘kin. Kaya kong isalaysay lahat ng nangyari ng gabi na ‘yon, kung papaanong nagkaroon kami ng video ng fiance niya at kung bakit ako nakipagsiping kay Kuya Dreyk. Lahat ‘yon ay nagsimula sa takot.

Hindi na ‘ko binigyan ng pagkakataon ni Claire upang linisin pa ang sarili ko. Matapos ng kaniyang mga pagbabanta sa pagkakaibigan namin ay walang pakundangan na niyang inilagay sa social media account niya ang video scandal na kinasangkutan ko. Nagsimula na itong kumalat three days ago pero dahil na nasa wall na ‘to ng famous account niya ay tuluyan ng makikita ng mga nakakakilala sa ‘kin ang Video. Sirang-sira na ang dignidag at pagkatao ko ng dahil do’n, na wala akong magawa kundi iyakan at awayin ang sarili ko.

Lumipas ang ilang linggo at napagdesisyunan ng School Council na i-drop out ako nang dahil sa nakakahiyang scandal na kinsangkutan ko. Nawala ang halos tatlong taon ko na pinagsikapan sa kolehiyo, actually lahat ng taon na ginugol ko sa pag-aaral ay naglahong parang bula. Tiyak na walang eskwelahan na basta na lang ako tatanggapin. 

Humuhikbi akong humarap kay mama at ate, tahimik lang din sila. Kami na lang na tatlo sa buhay kaya naman ayoko na magkaroon pa kami ng hindi pagkakaintindihan. Ngunit sadyang nasaktan ko sila, kailangan kong tanggapin. Ang ate ay nakatungo lang din sa ‘kin habang umiiyak, pero si mama ay seryoso ang mukha, walang bakas ng awa o luha sa mga mata niya. 

“Umalis ka na, hindi ka na namin kailangan dito. Tutal ay nasa hustong edad ka na, magagawa mo nang buhayin ang sarili mo. Katulad ng padedesisyon mong sum*ping sa lalaki.” 

Mas lalong tumulo ang luha ko sa sinabing iyon ni mama, pinagtatabuyan na niya ako bilang anak niya. “Ma.”

“‘Wag mo nang ipilit pa ‘to Selene, sinira mo ang lahat ng pangarap ko sa ‘yo. Dinumihan mo pa ang pangalan natin. Kung alam ko lang sana’y hindi na lang kita pinulot sa kalsada noon at inalagaan,” walang pag-aalinlangan na testamento ni Mama. Ano ang sinasabi niya na sana’y hindi na lang niya ko pinulot?

“Ma, tama na,” mariing pagsaway ni ate. Inalalayan nito si Mama sa makabilang balikat, ang mata mata niya’y sa akin naman nakadako. Nagkausap na kami ni Ate kagabi’t pinaliwanag niya sa ‘kin ang mga naging desisyon ni mama, ang hirap tumutol pero ano nga ba ang magagawa ko? Ayoko naman na muling ma-Ospital si mama dahil sa highblood.

“Ma-”

“Tumingin ka na, at ‘wag na ‘wag mo ‘kong tatawaging mama, dahil hindi naman kita anak! Wala akong anak na halip*arot. Lumayas ka!” 

Kumapit ako sa binti ni mama bilang pagsusumamo na bawiin niya ang mga sinabi niya, hindi ko na pinansin ang paggasgas ng tuhod ko sa malamig na sementadong sahig namin. Ang goal ko ay ang kausapin ako ni mama at sabihin nitong hindi na niya ako ipagtatabuyan.

“Ma, please…”

“Tulungan mo na lang siyang maglabas ng mga gamit niya, Sara.” Tumayo si mama’t aktong aakyat sa hagdan ng habulin ko siya’t yakapin mula sa likuran. 

“Wala naman akong kasalanan, mama. Please po.” Naghahalo ang uhog at luha ko, halos hindi ko na masambit ng maayos ang mga salita na lumalabas sa aking bibig dala ng sobrang takot sa sinabi ni mama. Hindi ko kayang malayo sa piling nila.

Pero hindi na nagbigay pa ng konting konsiderasyon si mama, iniwan niya na ako, hindi nilingon o binawi man lang ang mga sinabi niya.

Tuluyan akong umalis ng bahay na hindi alam ang pupuntahan.

“Liset, buti at pinuntahan mo ‘ko?” niyakap ko ang aking matalik na kaibigan matapos nitong sumipot sa parke kung saan ko siya hinihintay, balak kong magpatulong sa kaniya na makahanap ng matutuluyan.

“Break na kami ni Patrick, ayaw niyang makinig sa ‘kin. Liset, wala naman akong kasalanan do’n, ‘di ba? Alam mo ‘yon,” luhaan kong pagkukuwento sa aking kaibigan. Labis kong kinatuwa na kahit papaano’y may isang kaibigan na handag dumamay sa kabila ng mga pangmamata sa ‘kin ng ibang tao.

“Pabayaan mo na, sissy, pasasaan din at mahihimasmasan ‘yon si Patrick. Kung mahal ka talaga niya’y tiyak na hahabulin ka niya. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko siya para sa ‘yo.” Todo-todo ang pagbibigay ni Liset kaya naman isang ngiti ang ibinalik ko sa kaniya.

“‘Wag na siguro, tutal marumi na rin naman ko. Hahayaan ko na siyang mahanap niya ang babae na para sa kaniya talaga. Pero habang fresh pa ang nangyari, alalay mo sana muna siya ha, hanggang sa maging okay na ang lahat,” iyon ang huling pakiusap ko kay Liset, bukod pa sa paghingi ko ng kaniyang oras na tignan-tignan ang pamilya ko. Si mama at saka si Ate.

“Huwag mo na stress-in pa ang sarili mo, ako na ang bahala. Pero paano, ka na niyan? San ka pupunta?” inayos nito ang eyewear niya na bahagya ng bumababa sa may puno ng kaniyang ilong. Mallit na tao lang si Liset pero may tinatagong ganda, at matalino rin kaya nga at naging click kami bilang magkaibigan.

Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat, maging ang tungkol sa matutuluyan. Pero sad to say ay wala siyang alam na narito lang sa malapit, ang naisuggest niya sa ‘kin ay ang tita niya sa Maynila na naghahanap ng waitress sa kainan bussiness nito. Wala akong ibang option kaya ni-grab ko na ang oportunity na ‘yon. Sumakay ako ng bus na dadaan sa address na ibinigay ni Liset, naging emosyonal pa ako ng  mag-abot siya ng kaunting cash na makakatulong na rin upang makasurvive ako. Pandagdag sa pera na ibinigay ni Ate Sara bago ako umalis ng bahay.

Nalulungkot na kumaway ako sa kaibigan habang umaandar ang nasasakyan ko, mamimiss ko siya, actually, lahat sila na mahal ko.

Sa sandaling pagmumuni-muni ay isang tawag ang nagregister sa cellphone ko.

Calling Claire’s Fiance…

“Dreyk…” nausal ko.

Hindi ko sinagot ang tawag, imbes ay pinatay ko ang telepono, inalis ang simcard at saka itinapon ‘yon. Kailangan ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. Pinunasana ko ang luha na muli ay umagos mula sa aking mga ata.

“Lilinisin ko ang pangalan ko, hindi ko na mabubura ang video na ‘yon pero kaya ko pang ipakita sa kanila na wala akong kasalanan,” pagpapakalma ko pa sa aking sarili, buuga ng hangin at nag-ayos ng pagkakaupo.

Baka ang Maynila ang magpabago sa kapalaran ko.

… 

Sa kabilang dako, si Dreyk, ang bente singko anyos na starting CEO sa kanilang kumpaniya ay kanina pa pilit na dinadial ang numero ni Selene. Nalaman niya mula sa isang kaibigan na nasa kanilang lugar ang nangyari sa babae. Matapos kasi ng insidente ay hindi nila nagawang mag-usap pa. Ang tungkol naman sa kanila ng soon-to-be wife sana niyang si Claire ay natapos na rin, walang personal closure pero sinarado na ni Claire ang sa kanila through social media and via call. 

He tried to fixed it, pero ayaw na ni Claire. Masakit pero he respected her, dahil may mali rin talaga siya. Claire deserve a better man, at hindi siya ‘yon.

Pero si Selene, he needs to save her. She was naive and innocent.

Related chapters

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Selene, after five years.

    Five years later.“Selene, table three ka.” Malakas ang naging sigaw ng baklang manager ng isang night club na pinapasukan ni Selene. Limang taon na siya sa gano’ng karera, ang pagbebenta ng kaniyang katawan. “Yes mami, coming,” masiglang sagot ni Selene sa boss na nag-alaga sa kaniya sa loob ng halos limang taon. “Hi, sir welcome sa Nightclub ni mamang, first time visitor ka no?” panimula ni Selene sabay upo sa tabi nito.“Hindi naman, actually may kasama ko, nauna lang talaga ako ng dating,” brusko ang boses ng nasa mid-30’s na lalaki, nakacasual attire ito with his black polo shirt and pants, pero kahit na gano’n ay lumalabas ang pagiging magandang lalaki ng ka-table ni Selene.Tumango-tango si Selene. “Anyway, Selene nga pala.” Nagpakilala siya sa magiging ka-table sabay upo. Tinanggap naman nito ang simple introduction niya at sinabing ang kaniyang pangalan ay Jeriko.“Good, may time pala tayo together. Drinks?” “Yeah, sure.” Iniabot ni Selene ang bagong bukas na beer sa lal

    Last Updated : 2023-12-11
  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Dreyk Sebastian

    “Gusto mo ‘kong tulungan for what reason again?” Kanina pa niya pinapaliwanag sa ‘kin ang dahilan niya kung bakit niya ko pinapunta sa Condo niya. Pero dahil sa hindi ako natutuwa sa presensiya niya’y pilit ko rin na isinasantabi ang mga good intention na lumalabas sa bibig nito.“I want you to have a normal life, Selene. Iyon lang, pambawi na rin sa nagawa ko sa ‘yo,” anito. Malumanay ang boses niya, puno ng sinseridad at pagkakalma. Ang mga mata niya’y nagdadala ng kaunting kirot sa puso ko. Para siyang aso na nanghihingi ng pagtapik sa kaniyang ulo.Hindi naman kami gano’n ka close ni Dreyk no’n, minsan ko na siyang nakasama, pero kasama rin si Claire. Sobrang showy niya sa nararamdaman kay Claire, kaya naman sobra-sobra ang tuwa ko ng malaman na magpapakasal na sila. She wanted him to be with her cousin forever, pero dahil din sa kaniya kung bakit hindi na ‘yon nangyari pa.Isa si Dreyk sa mga Ideal men na nabuhay sa mundo, kaya marami ang nagkandarapa rito. Bukod sa mayaman ang

    Last Updated : 2023-12-11
  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   The Second night with Dreyk Sebastian

    “Bakit kailangan nating magpakasal? Una, ano ang magiging connect no’n sa pagtulong mo sa ‘kin?” Hindi pa rin ako makapaniwala na biglang mag-oopen si Dreyk ng kasal sa gitna ng isang sensitibong usapan. “Pangalawa, ano naman ang mapapala mo sa set-up na gano’n? Balak mo bang pumasok sa magulong mundo, kagaya ko? Nasa itaas ka na Dreyk, ‘wag mo nang pangarapin pa na gumulong ang mundo mo paibaba.” Pinag-ekis ko ang aking mga hita’t prenteng isinandig ang likuran sa malambot na sofa. Nahimasmasan na ako sa emosyong nailabas ko kanina, ngayon ay nasa harapan ko na ang botte ng isang mamahaling alak na sinadya kong hingin kay Dreyk. Nanuyo ang aking lalamunan at wala itong ibang hanap kundi alcohol. “Well, I’ll be frank with you, Selene, no’ng una’y pure help ang intention ko kaya kita pinapahanap. At hanggang ngayon pa rin naman ay gano’n ang gusto ko. Pero kasi, may ilang bagay na gumugulo sa isipan ko simula ng gabi na nagkahiwalay tayo sa Crime scene na ‘yon.” Naitigil ko ang pagl

    Last Updated : 2023-12-13
  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Meeting my Dev*lish Friend.

    “Hoy Bruha! Sa’n ka galing kagabi?” “Huh?” “Anong huh? Ano nabingi ka na?” Pangangantiyaw sa kin ng kasamahan ko sa Bar na si Zusie. Panay pa ang pangungurot nito sa may braso ko na labis ko namang ikinairita kaya naman ginantihan ko siya ng tulak. “Bigtime ba ang naging client mo, kaya nakailang rounds pa kayo ha?” “Tigilan mo ko Zue at baka ma-jomag na talaga kita riya,” ani ko rito. “Ano’ng gusto mong dinner mamaya sagot ko na,” pagkuwan ay dugtong ko. “Tignan mo, sabi ko na madatung ‘yong klyente mo eh. Sige, gusto ko ng grilled pork later,” tila kinikilig pa si Zusie na nagsabi. Kumapit siya sa kanang braso ko’t ipinatong ang ulo ro’n. Akala mo naman teenager siya na naglalamabing sa bata rin na jowa nito. “Umayos ka nga!” Napapadyak ito ng pa ng kaniyang paa na, na mamy pag nguso pa. “Oo na, sige basta ikaw ang bahala sa dinner ko. Thank you frenny.””“Ang arte mo, alam mo ba ‘yon?” natawa na rin ako sa naging asal namin. Mas nauna ako kay Zusie na dumating sa bar bila

    Last Updated : 2023-12-14
  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   The Verbal Agreement

    “This can’t be happening!” Kasabay nang pagsigaw ni Liset ay ang pagbato niya sa mahawakang gamit mula sa receiving area ng kanilang mansiyon. Hindi pa man nagtatagal ang pag-uwi niya mula sa bansa ay isang nakakagimbal na balita na kaagad ang bumungad sa kaniya. Nagngingitngit sa galit ang kalooban niya nang malaman na may kaugnayan pa rin hanggang ngayon si Dreyk kay Selene. Mas lalo pang ikinaputok ng kaniyang butsi ng malamang fiancee ni Selene ang kaniyang kababata.Five years ago ay nagawan na niya nang dahilan para maputol ang ugnayan nila ng babaeng nakaharap kanina, kaya labis niyang ikinagulat na makakasalamuha ulit ito sa ganitong pagkakataon. Kung kailan ay handa na siyang maging asawa ni Patrick ay saka ito babalik at bubuntot sa kanilang anino.“I hate it! I hate this!” pagwawala niya pa.Walang naging maayos na sagot si Dreyk sa kaniya patungkol sa pakikipagrelasyon sa pinsan ng dating nobya nito. Ilang beses silang nagkausap sa telepono ng nasa Amerika pa siya pero w

    Last Updated : 2023-12-14
  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Mrs. Sebastian versus Selene

    Magarbong rumampa si Selene sa Red Carpet kasama si Dreyk, ito’y para sa invitation na natanggap ni Dreyk, galing sa isang bussiness tycoon. At dahil sa nasa gano’ng industriya si Dreyk ay kasama ito . Laking tuwa naman ni Selene sa event, napakaganda niyang tignan sa nagkikinang dyamante mula ulo hanggang paa. Bagay na bagay sa kaniyang white slit maxi dress na pinaresan ng black heels. Ang unat niyang buhok ay bahagyang pinakulot ang dulo kaya mas lalo siyang lumabas na elegante sa harapan ng maraming tao. Mayro’n lang konting pag-aalinlangan sa kaniya, hindi siya ganoon kasanay sa maganda at pangsosyal na get-up. “Are you okay?” mahinang tanong sa kaniya ni Dreyk sa kaniyang tabi.Tumango-tango siya na may nakakailang na pagngiti rin.Napakagawapo rin ni Dreyk sa kaniyang postura, simpleng black tie ang suot nito, na halos lahat naman ata ng guest na lalaki ay gano’n ang postura. Kumikinang sa linis ang kaniyang black shoes na mukhang puwede na akong magsalamin doon. His pricey w

    Last Updated : 2023-12-15
  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Connection

    “Grabe! Maging ang ina mo ay nauuto rin pala ng Liset na ‘yon, sigurado ‘kong may sinabi siya sa mama mo kaya gano’n na lang ang galit no’n sa ‘kin.” Nasa parking lot na kami ni Dreyk, ngunit hindi muna ako pumasok upang lumanghap ng sariwang hanging. Bigla na lang nag-init ang ulo ko sa hindi magagandang salita na ‘yon ni Mrs. Sebastian, hindi niya ‘ko lubusang kilala para basta na lang pag-isipan ng gano’n. Dapat ay nasa stage kami nang pagkikilanlan sa isa’t-isa, eh. “I’m sorry for my mother’s behavior. Nabigla lang ‘yon sa mga nangyari, don’t worry I promise to talk to her as soon sa possible, okay?” Hinawi Dreyk ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa may mukha ko, inipit iyon sa may tainga. Worried ang inilalabas na ekspresyon ng kaniyang mata, kaya para maibsan ‘yon ay nanahimik ako’t hindi na lang nagbigay pa ng reaksyon. “Sure ka ba talaga sa gusto mong mangyari, Dreyk? Isusugal mo ang relasyon niyo ng mama ko kapag itinuloy mo ‘to. Kung ang pinakagoal mo lang naman ay a

    Last Updated : 2023-12-15
  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Pagsugod ni Liset

    “Grabe! Ang yaman pala talaga ni Dreyk, ano? Tiba-tiba ka na sa kaniya bruha. Uy, ‘wag mo nang pakawalan ang isang ‘yon. Hmm… sige ka baka mapunta pa siya sa akin.” Hindi na naman matabas ang kadaldalan ni Zusie, kakatapos lang naming mamili ng mga bagong damit, sapatos at ilang pampaganda gamit ang card na ibinigay ni Dreyk kagabi. First time kong makagamit ng gano’n, tapos ang pinamili pa ay mga sarili kong gamit kaya lalong mas bongga. Ilang sikat na stores ang pinuntahan namin, as in sobrang dami na ng bitbit naming paperbags. Ayon lang dahil hindi ako nakapahrequest kay Dreyk nang magiging tagabuhat sana ng mga ito. “Hindi ka naman papatulan no’n, bruha ka.” Tinawanan ko si Zusie dahilan upang pabiro niya ako ng tampalin sa may braso ko. “Hmp! Okay lang, for sure makakahanap din ako ng Prince Charming na katulad niya. Manifesting ako.” Natuwa ako lalo sa pagbaby talk niya, kaya naman inaya ko siya na kumain kami ng baka ngayon. Steak ba. “Tingin mo babagay sa ‘kin iton

    Last Updated : 2023-12-16

Latest chapter

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   The End

    “Love, sorry na-traffic. Tapos ay nagpa-gas pa ako kaya medyo natagalan talaga.” Bumaba si Leon mula sa BMW naming sasakyan. Aligaga siya sa pag-e-explain kung ano ang nangyari all the way here habang ako ay nakangiti lang na nakatitig sa kaniya. Isa rin siya sa super na-miss ko. Sa pag-aalala sa mga nangyari ay hindi ko na nga napigilang hindi mapaluha. Well, I was just overjoyed. “Love, are you okay? Did something happen? Inaway ka ba nila?” “No, no Love, masaya lang ako,” sabi ko sa kaniya. Nakapasok na si Fiel sa loob ng kotse habang kaming ay narito pa sa front door. “Do you missed me?” tanong ni Leon sa akin. Pinunasan niya ang tubig na dumaloy sa aking mukha. Tumango ako. Hindi ko na siya hinayaang magreact pa’t tumingkayad ako ng kaunti upang mahagkan siya sa labi. Nadama ko naman na tumugon ng halik ang mahal ko kaya napapangiti ako habang hinahalikan siya. Leon may not be my first in life, but he will be my last. I promise. I missed you, and I love you.

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Parting Ways

    Flashback. After Selene’s accident. “What are you trying to tell, wife?” The situation was too hard for Dreyk to accept what Selene was saying. She wanted something that would be hard for him to give her. “Ibalik na lang natin kung ano ang dati, bago tayo nagkita ulit at bumalik ako sa ‘yo.” “Are you saying na…” “You have Sera, she needs her mother.” Napatayo si Dreyk sa kaniyang kinauupuan, napasabuhok gamit ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay naitakip niya sa kaniyang bibig. Umayos din naman sa kaniyang pagkakaupo si Selene, gusto niyang mas maintindihan ni Dreyk na ang kapakanan ng bata ang iniisip niya rin. Pero paano nga rin ba niya ipapaliwanag sa asawa na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya sa sitwasyon nila lalo pa’t hindi pa rin nakakabalik ang alaala niya. At ang pinakatotoo sa lahat ay iba ang tinatawag ng puso niya. “But I need you, wife.” “I know, pero ayaw ko na ring magkunwari pa sa harapan mo Dreyk. I can’t remember the tings that we used

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Birthday Present

    “Ready na ba ang lahat?” tanong ni Mrs. Sebastian sa kaniyang mga maids na nagpe-prepare ng venue for her niece, Sera’s 6th birthday party. Sa mansiyon lang ang kanilang handaan para mas malawak at maimbitahan lahat ang kaibigan at kaklase ni Sera. “Mamala,” sigaw ni Sera sabay yakap sa kaniyang mahal na lola. “Thank you po,” dugtong ng bata. “Everything for my princess.” Mrs. Devere Sebastian gave Sera a kiss in the forehead. Sa tabi ng magandang bata ay ang nakababatang kapatid naman niyang si Fiel. “Don’t be naughty, Fiel. Always hold ate Sera’s hand. Oka.” Pagpapaalala ng ginang sa batang lalaki. “Yes, mamala.” Mrs Devera also gave Fiel a kiss just like what she did to Sera. Nagtakbuhan na ulit ang dalawa patungo sa ilang kaibigan ng celebrant. Patapos na rin ang pag-aayos, at ilang sandali na nga lang ay magsisimula na ang event. Lumabas na rin si Dreyk kasama ni Selene at nakipag-usap sa mga bisita. Nagpasalamat ang dalawa sa pagdating nila sa kaarawan ni Sera, nagpahay

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   What happened in the Past?

    Dreyk’s Flashback Memory Isang shot pa para kay Jeriko. Narito kami sa bar, kahahatid ko lang kay Claire sa kanilang bahay. Galing kami sa pag-aasikaso ng kasal namin. Medyo exhausted dahil sa dami ng kailangang asikasuhin, at wala pa kami sa kalahati ng mga kailangan para sa event. “Mukhang pagod na pagod ka ha,” puna ni Jeriko sa akin. Sinalinan niya ako sa aking shot glass. “Oo, nakakapagod pala magpakasal,” sabi ko. Niyaya ko ang aking matalik na kaibigan para naman kahit papaano’y makaramdam ng relaxation ang katawan ko. “Gano’n talaga at ‘yan,” sabi niya pa sa akin. Ikinuwento ko nga saka kung gaano karami ang pinuntahan namin ngayong araw, sumabay pa na tinotoyo si Claire, sabi nito’y may monthly period daw kasi siya, na hindi ko naman maisip kung acceptable reason ba ‘yon. “Tiis lang pre, pagkatapos naman ng kasal niyo’y magiging kampate ka na kay Claire. Matagal niyo na rin namang plano ‘to, ‘di ba? Kasunod ay ikaw na ang magpapatakbo ng Kumpaniya niyo kaya maswerte k

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Accident

    Madudurog na ang kamao ko kakasuntok sa puting pader ng Ospital na pinagdalhan sa mag-ina ko. Maayos ang lagay ni Sera pero hindi ni Selene, ang sabi’y kailangan agad na ma-operahan ang asawa ko sa lalong madaling panahon. Mahigit isang oras na ang lumipas, wala pa ring balita tungkol sa operasyon ng asawa ko. “Dreyk, anak, w-what happened?” humahangos si mom na lumapit sa akin. Siya ang una kong tinawag matapos kong matanggap ang balita tungkol sa nangyari sa asawa ko. “Ang sabing nabundol sila ng kotse mom, Selene save Sera. And then I don’t know…” hindi ko na napigilan pa ang hindi mapaiyak, ngayon lang bumalik ang asawa tapos ay may nangyari pang ganito. Hinaplos ng aking ina ang aking likuran at sinubukan akong pakalmahin, I tried kanina kaso’y ang saklap lang talaga. “Wala pang sinasabi ang Doktor, sa katunayan ay hinihintay ko nga na may lumabas mula sa operating room.” Tumango-tango si Mom. “Okay, so, were is Sera, ang apo ko?” Itunuro ko kay mom kung saan ang silid ng

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Selene and Tiffany Reconciliation

    Ano ba’t kailangan ba akong madamay sa kaso ni Tiffany Andres? Isang pulis ang tumawag sa akin upang sabihin na nagtangkang magpakamatay ang babae habang nasa kulungan. Ang sabi’y kung hindi nga raw naabutan ng ilang kasamahan sa banyo ay baka malamig na bangkay na ito ngayon. At bakit ako rin ang tinawagan nila, bakit hindi na lang si Dreyk? Dalawang Police Officer ang nagbabantay sa silid na okupado ni Tiffany, may malay na siya pagdating ko kaya naman kinausap ko na kaaagd siya. Kailangan ko ring makabalik agad papuntang school para sa mga bata. “Ano ba ang naisip mo’t gusto mong magpakamatay?” Prangka kong tanong sa kaniya. Naupo ako sa may malapit sa kaniya. Nakaupo naman ito habang may nakatusok na aparato sa kaniyang wrist arm. Hindi sumagot si Tifany, tinapunan lang ako nito ng tinging sakka muling tumingin sa labas ng kaniyang bintana. Nag-eemote lang? “So, gusto mo nang magpakamatay?” tanong ko ulit. “Wala kang pakialam.” Napasinghap ako’t tinarayan siya, in

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Selene's POV

    Napatulog ko na sina Fiel at Sera kaya sinumulan ko naman ang aking night routine bago matulog. Maghapon akong nakipaghabulan sa dalawang batang makukulit, sobrang nagkapalagayan ng loob ang dalawa siguro ay dahil sa magkapatid sila. Naayos na rin ang transfer papers ng anak ko for his schooling dito sa Maynila at bukas ay magsisimula na siyang puamsok. Ako ang umako sa paghahatid sa kanila sa eskwela, maaga rin iyon kaya kailangan na maaga rin ako sa pagising. Iba na ang routine ko ngayon, hindi katulad dati na si Leon ang naghahatid at sundo kay Fiel, na kahit na busy ito ay gagawan niya talaga ng paraan. Natigilan ako sa tapat ng salamin nang maalala na naman ang lalaki, hindi na kami nagkausap pang muli, hindi ko rin siya magawang tawagan lalopa’t ako naman ang lumayo sa kaniya. I even asked Liset pero wala rin siyang maibalita sa akin, hindi rin daw sila nagkakausap ng kapatid niya. “Ano na kayang nangyari sa kaniya?’ I asked myself. Ngunit kalaunan ay napailing-iling na ang

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Leon's POV

    I was fine.Or maybe I thought I was fine.Tinunga ko ang isa shot ng brandy, nakauwi na ako sa probinsiya kanina lang pero dito na ako dumiretso sa isang Bar. Gano’n din naman dahil wala akong uuwian sa bahay namin. Umalis ako na kasama ang mag-ina ko pero heto ako’t mag-isa na lang na bumalik. I was a fool.Hindi ko na rin alam kung gaano katagal na akong narito, hangga’t kaya kong lumunok ng alak ay gagawin ko kahit panandalian lang na makalimutan ang pangungulila sa kanila. Sinensyasan ko ang bartender na bigyan pa ulit ako ng isang shot.Medyo nahihilo na ako, pero sige pa.Pumunta ako sa tinitirahan bago ako umuwi, una’y gusto ko lang naman na ibigay sa tunay na asawa nito ang USB na nakuha ko habang nag-iimbestiga sa nangyari kay Selene. I’ve found a concrete evidence to point Tiffany Andres sa mga ginawa niyia. And I am hoping na makatuloy ‘yon para mas matahimik ang buhay nila roon. Good thing na naroon si Fiel, I good say goodbye for the last time for him.I’ve missed my s

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Tiffany on Jail

    “Bitiwan niyo ‘ko sabi eh! Ano ba!”“Aray! Nasasaktan ako!”Matapos kong mapakinggan ang call recording na ibinigay ni Leon ay kaagad kong pinadampot si Tiffany sa Condo na tinutuluyan niya. Ang mga pictures ang naging ebidensiya na siya ang maysala sa pagkakakidnap kay Selene four years ago na siyang naging dahilan din kung bakit siya nagah*sa sa ikalawang pagkakataon. Iyon lang ang maisasampa ko sa kaniya, hindi na nakasama iyong pang-nine years ago dahil wala kaming makuhang ebidensiya laban sa kaniya.“Hey! Ano ba!”“Pasensiya na kayo, ma’am. Pero kailangan niyo talagang sumama sa amin sa presinto, nakita niyo na naman ang warrant hindi ho ba?” Hindi ako tuluyang pumasok sa loob, nanatili lang ako sa labas dahil panigurado na didikit lang sa akin si Tiffany kapag nagkataon. Nasabi ko rin ito sa asawa ko’t wala naman naging kaso sa kaniya. Hinayaan niya akong kumilos para sa ganitong mga sitwasyon. Ang sabi pa nga niyang hindi naman daw na kailangan pa ang may makulong, past is pa

DMCA.com Protection Status