“Gusto mo ‘kong tulungan for what reason again?”
Kanina pa niya pinapaliwanag sa ‘kin ang dahilan niya kung bakit niya ko pinapunta sa Condo niya. Pero dahil sa hindi ako natutuwa sa presensiya niya’y pilit ko rin na isinasantabi ang mga good intention na lumalabas sa bibig nito.
“I want you to have a normal life, Selene. Iyon lang, pambawi na rin sa nagawa ko sa ‘yo,” anito. Malumanay ang boses niya, puno ng sinseridad at pagkakalma. Ang mga mata niya’y nagdadala ng kaunting kirot sa puso ko. Para siyang aso na nanghihingi ng pagtapik sa kaniyang ulo.
Hindi naman kami gano’n ka close ni Dreyk no’n, minsan ko na siyang nakasama, pero kasama rin si Claire. Sobrang showy niya sa nararamdaman kay Claire, kaya naman sobra-sobra ang tuwa ko ng malaman na magpapakasal na sila. She wanted him to be with her cousin forever, pero dahil din sa kaniya kung bakit hindi na ‘yon nangyari pa.
Isa si Dreyk sa mga Ideal men na nabuhay sa mundo, kaya marami ang nagkandarapa rito. Bukod sa mayaman ang pamilya ay sadyang magandang lalaki rin siya. Matangkad, matikas at maganda ang facial features na kung una mo siyang makikita’y masasabi mong may ibang lahi ito.
“Ba’t hindi ba normal ang buhay ko? Okay naman ako, huh,” sabi ko na puno ng pagkukunwari. Kailan ba naging normal ang buhay ko?
“Selene, please, let me atleast do it.”
“Hindi na Dreyk, hindi mo ‘ko kailangang kaawaan, okay ako. Buhay ako at mabubuhay ako. Kung ano man ang nangyari noon, kalimutan mo na ‘yon, tutal wala namang nawala sa ‘yo, ‘di ba?” Hindi talaga ‘ko okay dahil gustong gusto nang sumabog ng nasa dibdib ko. Muling bumalik ang kirot na pilit kong itinago sa loob ng limang taon, kirot na hindi ko tuluyang maalis sa isipan at puso ko. Halos nawala ang kalahati ng buhay ko, ang mga pangarap ko, magtatapos pa dapat ako sa pag-aaral noon. Pero dahil sa mga walang hiyang tao ay nadawit ako sa isang problema na hindi ko na natakasan pa.
“I can’t Selene, you are still Claire’s cousin, malaki ang pinagsamahan namin for me to just ignore you,” anito. Ngayon ay parang kine-claim na nito na kargo siya ng lalaki.
Nabanggit nito si Claire, ang pinsan niya na hindi rin nagawang maniwala o kahit makinig muna sa explanations niya.
Umiling-iling ako bilang sagot sa kaniya. Nagagalit ako sa naging takbo ng buhay ko, kung paanong naging unfair ang mundo sa akin. Ilang saglit pa’y hindi ko na napigilan ang mga mata ko na maluha, wala na, tuluyan ng bumalik ang sakit ng mga panahon na nagtiis ako, nalungkot at natakot sa unang beses na sumalang ako bilang GRO.
Hinayaan ko ang sarili na malulong sa sarili kong emosyon, inalala ko lahat ng masasakit na nangyari sa ‘kin. Para akong bata na ngumangawa, iyong naagawan ng kendi ng kalaro sa kalsada.
“Sana hindi ako lumabas ng gabi na ‘yon, baka sakaling nasa piling pa rin ako ng pamilya ko ngayon,” ani ko sa pagitan ng mga hikbi.
“Hindi ko naman kasalanan ang lahat.”
“Alam ko, kaya nga hinanap kita, Selene. Gusto ko ring humingi ng tawad, dahil naging parte ako ng masakit na karanasan mong ‘yon,” pilit na pag-aalo sa ‘kin ni Dreyk.
“Alam nating parehas na wala kang kasalanan din, ‘wag kang mag-alala, wala akong sama ng loob sa ‘yo. Actually dapat ay magpasalamat pa ‘ko, kung hindi ka dumating no’n baka iba ang nagpakasasa sa katawan ko.” Hindi ko na maputol pa ang pag-yak ko. Mabuti na lang at airconditioned ang Condo unit niya, hindi ako magmumukhang messy sa hitsura ko ngayon.
“Ssshh, tahan na, gagawan ko ng paraan para maging maayos ang lahat. Papaimbestigahan ko kung sino-sino ang kumuha ng videos na ‘yon. At higit sa lahat ay kung sino ang may pakana ng lahat. Natatandaan mo ba no’ng may tumawag sa kanila, kinumpirma nila na natapos at nagawa nila ang trabaho na videohan tayo. Ibig sabihin no’n ay hindi aksidente ang lahat. May nagtangka na ipagahasa ka, gayundin sa posisyon ko, hindi lang nagkataon Selene na naroon ako sa crime scene. Dinala nila ako ro’n ng puwersahan.”
Napatda ako sa mga ibinunyag na iyon ni Dreyk, hindi ko rin kasi narinig ang side niya noon dahil pilit ko siyang iniwasan. Mukhang kathang-isip ang mga tinuran niya, pero possible rin na gano’n ang nangyari. Ngunit sino ang may gusto na magahasa ako ng mga panahon na ‘yon. Maayos ako makitungo sa mga tao, wala akong kagalit, kaaway.
“Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Wala tayong ebidensiya.”
Natauhan ako, pinunas ang mga luha at seryosong tumitig sa kaniya. Malaki na rin ang naging pagbabago sa hitsura ni Dreyk, mas lalo itong naging makisig.
“Makakuha tayo ng ebidensiya, magtiwala ka lang. Pero kailangan ko pa rin ang kooperasyon mo Selene.”
“Wala akong pera, wala akong magagawa, dahil kung mayro’n man sana ay noon pa nalinis ko na ang pangalan ko Dreyk.” Iyon ang sabi ko sa kaniya, na totoo naman. Gusto kong malinis ang pangalan ko, pakakataon na lang ang wala.
“Hindi mo kailangang problemahin ‘yon Selene, sabi ko nga’y ako ang bahala. Ngunit may isa lang akong gustong hilingin sa ‘yo,” malamlam ang mga mata ni Dreyk. At mas lalo kong kinabigla ay nang haplusin niya ng malamyos ang aking pisngi, na siyang ikinapikit ko. Kakaibang sensasyon ang dulot nito sa ‘kin, para akong nakahanap ng isang kanlungan na tinatanggap ako ng buong puso.
“Huh? Ano n-naman ‘yon?”
“Manatili ka sa tabi ko, Selene. What do you think of being my wife?”
…
Way back in 2018, the night of Selene’s tragic memories.
Hindi makapalag ang kawawang si Selene sa dalawang lalaking nakamaskara na kanina pa humuhila sa kaniya. Pilit ang pagsigaw niya ng tulong pero parang walang nakakarinig sa kaniya. Nanginginig ang kaniyang kalamnan sa sobrang takot, labo-labo na rin ang pawis, luha at uhog sa kaniyang mukha. Kanina lang ay masaya siyang nagpaalam sa ina na lalabas lang upang makipagkita sa kaibigang si Liset, balak kasi ng dalawa na magpunta sa parke’t manood ng pagbubukas ng malaking Christmas tree na nakadisplay roon.
Naging maayos naman ang unang oras ng paglilibot ng magkaibigan hanggang sa isang Van ang tumigil sa may gawi ng kaniyang nilalakaran at hinablot siya papasok. Labis ang sigaw niya na sana’y may mabilis magreport ng ginawang paghablot sa kaniya.
Maswerte si Liset dahil nasa kaliwa ito nakapuwesto, hindi prone para maisama siya ng biglaan ng mga masasamang tao.
“Pakawalan niyo ‘ko, ano’ng kailangan niyo sa ‘kin? Wala hong pera ang pamilya ko para tubusin ako sa inyo, kaya nagmamakaawa ako, pakawalan niyo na ‘ko. Promise, hindi ako magsusumbong sa mga pulis,” kinabig pa ni Selene ang kamay ng isa sa mga abductor niya sa pagbabakasali na magbago ang isip niyo’t pakawalan siya. Pero kabaliktaran pa ang nangyari dahil isang sampal ang pinadapo nito sa kaniyang pisngi.
Hinawakan pa nito ang kaniyang baba, nakatingala si Selene sa lalaking nakaitim na takip sa mukha at tanging mata lang ang lumilitaw. Nakaupo na siya sa isang monoblock, unti-unti siyang tinatalian kanina ng lalaki bago siya nangialam. “Manahimik ka kung ayaw mong masaktan ng malala. ‘Wag kang mag-alala, Miss, dahil pagkatapos naman ng ipapagawa namin sa ‘yo ay makakaalis ka rin. Sa ngayon, itikom mo ‘yang bibig mo.”
Naisampal ni Selene ang mukha sa hangin, ang ilang hibla ng kaniyang buhok ay natabing sa kaniyang magandang mukha. Hindi nakakatuwa ang naging pananakot nito sa kaniya kaya naman sinarili niya ang takot karamay ang kaniyang luha, nananalangin na sana’y may makahanap kaagad sa kaniya.
Hindi naging madali ang ginawang pagpapakalma ni Selene sa sarili, nagawa na nilang takpan ang kaniyang bibig at naitali ang kamay sa likuran at ang paa sa upuan. Hindi rin hinayaan ng mga lalaki na walang takip ang bibig niya, kaya hindi niya magawang sumigaw ng sumigaw. Mas lalo lang nadagdagan ang takot ng dalaga ng sang camera ang ipinuwesto nito sa kaniyang harapan. Nagtatawanan ang limang kalalakihan na kumidnap sa kaniya. Ang dalawa’y pinag-uusapan kung paano gumagawa ang camera, ang isa’y nagyoyosi habang nakikinig sa pinag-uusapan nila at ang dalawa pa’y nakatutok sa Cellphone na para bang may comedy movie na pinapanood.
Gumalaw-galaw si Selene para kunin ang kanilang atensiyon. Hindi naman siya nabigo nang lumapit ang nagyoyosing lalaki, inalis ang takip niya sa bibig at nagtanong kung ano ang problema niya.
“Sir, sige na naman ho, p-pakawalan niyo na a-ko.”
“Hindi puwede ang gusto mo, bayad ka na.”
“Huh? A-ano pong b-bayad na ‘ko?”
Tinakpan nito ang kaniyang bibig gamit ang hintuturo nito. “Sshh… mabilis lang ‘to, hinatyin lang natin ang makakasama mo.”
Gulong-gulo si Selene sa mga sinasabi niya, pero hindi siya natinag sa pagmamakaawa rito, halos maubos na nga ang kaniyang luha sa kakaiyak sa sobrang takot. Napakalakas nang tibok ng kaniyang puso na para bang konting minuto na lang ay sasabog na ito.
“Pero habang wala pa siya, ba’t hindi kaya ako na muna ang mauna sa ‘yo?” Pagkasabi no’n ay idinikit ng lalaki ang kaniyang labi sa leeg ni Selene pababa sa kaniyang blusang suot, sa pagitan ng kaniyang mga dibdib.
Nagsusumigaw si Selene sa ginawa nito. “‘Wag please, ‘wag po, ‘waag…”
“Hmm… Ang bango mo pala,” puno nang kamanyakan na turan nito habang unti-unting tinatanggal ang butones sa suot.
“‘Waaag! T-tulong… ‘wag po, tama na…”
Halos maglupasay si Selene sa ginagawang pagpupumiglas sa nakakairitang ginagawa sa kaniya ng holpader. Ngunit kahit anong sigaw at pakikipaglaban niya’y tuloy-tuloy lang pangbababoy nito sa kaniyang pagkatao.
“Please, nooo…”
“Hoy, gago ka ba! ‘Wag mong galawin ang isang ‘yan kung ayaw mong mayari. Ayusin mo ‘yan, nandiyan na sila Randolf, dala ‘yong lalaki,” sabi ng isa sa mga masked man.
“Ano ba ‘yan natutuwa na ‘ko, siya sige, dalhin niyo na dito para makapagsimula na tayo,” utos ng lalaki na nagsasamantala kay Selene. Isang mahinang pagtapik sa pisingi ang iniwan nito para kay Selene at saka umalis. Ni hindi na nito pinag-aksayahan pa ng panahon na ayusin ang kaniyang damit.
“T-tulong…” mahina pa ring pag-impit ni Selene, nakayukyok ang kaniyang ulo habang labis ang pag-iyak.
Hanggang sa isa pang kidnapped victim ang ipinasok ng mga tulisan sa silid na kinaroroonan ni Selene.
“D-Dreyk?”
“Bakit kailangan nating magpakasal? Una, ano ang magiging connect no’n sa pagtulong mo sa ‘kin?” Hindi pa rin ako makapaniwala na biglang mag-oopen si Dreyk ng kasal sa gitna ng isang sensitibong usapan. “Pangalawa, ano naman ang mapapala mo sa set-up na gano’n? Balak mo bang pumasok sa magulong mundo, kagaya ko? Nasa itaas ka na Dreyk, ‘wag mo nang pangarapin pa na gumulong ang mundo mo paibaba.” Pinag-ekis ko ang aking mga hita’t prenteng isinandig ang likuran sa malambot na sofa. Nahimasmasan na ako sa emosyong nailabas ko kanina, ngayon ay nasa harapan ko na ang botte ng isang mamahaling alak na sinadya kong hingin kay Dreyk. Nanuyo ang aking lalamunan at wala itong ibang hanap kundi alcohol. “Well, I’ll be frank with you, Selene, no’ng una’y pure help ang intention ko kaya kita pinapahanap. At hanggang ngayon pa rin naman ay gano’n ang gusto ko. Pero kasi, may ilang bagay na gumugulo sa isipan ko simula ng gabi na nagkahiwalay tayo sa Crime scene na ‘yon.” Naitigil ko ang pagl
“Hoy Bruha! Sa’n ka galing kagabi?” “Huh?” “Anong huh? Ano nabingi ka na?” Pangangantiyaw sa kin ng kasamahan ko sa Bar na si Zusie. Panay pa ang pangungurot nito sa may braso ko na labis ko namang ikinairita kaya naman ginantihan ko siya ng tulak. “Bigtime ba ang naging client mo, kaya nakailang rounds pa kayo ha?” “Tigilan mo ko Zue at baka ma-jomag na talaga kita riya,” ani ko rito. “Ano’ng gusto mong dinner mamaya sagot ko na,” pagkuwan ay dugtong ko. “Tignan mo, sabi ko na madatung ‘yong klyente mo eh. Sige, gusto ko ng grilled pork later,” tila kinikilig pa si Zusie na nagsabi. Kumapit siya sa kanang braso ko’t ipinatong ang ulo ro’n. Akala mo naman teenager siya na naglalamabing sa bata rin na jowa nito. “Umayos ka nga!” Napapadyak ito ng pa ng kaniyang paa na, na mamy pag nguso pa. “Oo na, sige basta ikaw ang bahala sa dinner ko. Thank you frenny.””“Ang arte mo, alam mo ba ‘yon?” natawa na rin ako sa naging asal namin. Mas nauna ako kay Zusie na dumating sa bar bila
“This can’t be happening!” Kasabay nang pagsigaw ni Liset ay ang pagbato niya sa mahawakang gamit mula sa receiving area ng kanilang mansiyon. Hindi pa man nagtatagal ang pag-uwi niya mula sa bansa ay isang nakakagimbal na balita na kaagad ang bumungad sa kaniya. Nagngingitngit sa galit ang kalooban niya nang malaman na may kaugnayan pa rin hanggang ngayon si Dreyk kay Selene. Mas lalo pang ikinaputok ng kaniyang butsi ng malamang fiancee ni Selene ang kaniyang kababata.Five years ago ay nagawan na niya nang dahilan para maputol ang ugnayan nila ng babaeng nakaharap kanina, kaya labis niyang ikinagulat na makakasalamuha ulit ito sa ganitong pagkakataon. Kung kailan ay handa na siyang maging asawa ni Patrick ay saka ito babalik at bubuntot sa kanilang anino.“I hate it! I hate this!” pagwawala niya pa.Walang naging maayos na sagot si Dreyk sa kaniya patungkol sa pakikipagrelasyon sa pinsan ng dating nobya nito. Ilang beses silang nagkausap sa telepono ng nasa Amerika pa siya pero w
Magarbong rumampa si Selene sa Red Carpet kasama si Dreyk, ito’y para sa invitation na natanggap ni Dreyk, galing sa isang bussiness tycoon. At dahil sa nasa gano’ng industriya si Dreyk ay kasama ito . Laking tuwa naman ni Selene sa event, napakaganda niyang tignan sa nagkikinang dyamante mula ulo hanggang paa. Bagay na bagay sa kaniyang white slit maxi dress na pinaresan ng black heels. Ang unat niyang buhok ay bahagyang pinakulot ang dulo kaya mas lalo siyang lumabas na elegante sa harapan ng maraming tao. Mayro’n lang konting pag-aalinlangan sa kaniya, hindi siya ganoon kasanay sa maganda at pangsosyal na get-up. “Are you okay?” mahinang tanong sa kaniya ni Dreyk sa kaniyang tabi.Tumango-tango siya na may nakakailang na pagngiti rin.Napakagawapo rin ni Dreyk sa kaniyang postura, simpleng black tie ang suot nito, na halos lahat naman ata ng guest na lalaki ay gano’n ang postura. Kumikinang sa linis ang kaniyang black shoes na mukhang puwede na akong magsalamin doon. His pricey w
“Grabe! Maging ang ina mo ay nauuto rin pala ng Liset na ‘yon, sigurado ‘kong may sinabi siya sa mama mo kaya gano’n na lang ang galit no’n sa ‘kin.” Nasa parking lot na kami ni Dreyk, ngunit hindi muna ako pumasok upang lumanghap ng sariwang hanging. Bigla na lang nag-init ang ulo ko sa hindi magagandang salita na ‘yon ni Mrs. Sebastian, hindi niya ‘ko lubusang kilala para basta na lang pag-isipan ng gano’n. Dapat ay nasa stage kami nang pagkikilanlan sa isa’t-isa, eh. “I’m sorry for my mother’s behavior. Nabigla lang ‘yon sa mga nangyari, don’t worry I promise to talk to her as soon sa possible, okay?” Hinawi Dreyk ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa may mukha ko, inipit iyon sa may tainga. Worried ang inilalabas na ekspresyon ng kaniyang mata, kaya para maibsan ‘yon ay nanahimik ako’t hindi na lang nagbigay pa ng reaksyon. “Sure ka ba talaga sa gusto mong mangyari, Dreyk? Isusugal mo ang relasyon niyo ng mama ko kapag itinuloy mo ‘to. Kung ang pinakagoal mo lang naman ay a
“Grabe! Ang yaman pala talaga ni Dreyk, ano? Tiba-tiba ka na sa kaniya bruha. Uy, ‘wag mo nang pakawalan ang isang ‘yon. Hmm… sige ka baka mapunta pa siya sa akin.” Hindi na naman matabas ang kadaldalan ni Zusie, kakatapos lang naming mamili ng mga bagong damit, sapatos at ilang pampaganda gamit ang card na ibinigay ni Dreyk kagabi. First time kong makagamit ng gano’n, tapos ang pinamili pa ay mga sarili kong gamit kaya lalong mas bongga. Ilang sikat na stores ang pinuntahan namin, as in sobrang dami na ng bitbit naming paperbags. Ayon lang dahil hindi ako nakapahrequest kay Dreyk nang magiging tagabuhat sana ng mga ito. “Hindi ka naman papatulan no’n, bruha ka.” Tinawanan ko si Zusie dahilan upang pabiro niya ako ng tampalin sa may braso ko. “Hmp! Okay lang, for sure makakahanap din ako ng Prince Charming na katulad niya. Manifesting ako.” Natuwa ako lalo sa pagbaby talk niya, kaya naman inaya ko siya na kumain kami ng baka ngayon. Steak ba. “Tingin mo babagay sa ‘kin iton
“Miss Selene, bakit niyo po itinulak si Miss Liset sa pool?” pag-iinterogate sa amin ng Security ng naturang building. Maagap din naman nilang inagapan nang malaglag nga si Liset sa pool, pero hindi ko siya tinulak, nahulog siya, that’s it. Inikot ko lang ang aking eyeballs bilang sagot. Nakatapis na ako ng tuwalya, si Zusie ay nasa likuran ko habang naghihintay sa magiging desisyon kung ano ang dapat na gawin sa eskandalo na nangyari kanina. Kahit kailan talaga ay pahamak ang Liset na ‘to, may pasugod-sugod pa sa ‘kin hindi naman pala kaya ang sarili. “Walanghiya ka talaga, Selene, ano ba kasing balak mo sa pagpasok sa mga buhay namin.” Nanginginig pa ang babaeng ‘to habang halos aputol na ang ugat sa kaniyang leeg sa pagsigaw. Aba! Kasalanan ko pa ngayon? “Bakit kasi lumapit ka sa may pool? Kung hindi ka rin kasi kalahating tanga, ‘di ba?” Mas lalo ko siyang inartehan, mas seksi ako kung tutuusin sa kaniya kaya ‘wag niya ‘kong angasan. Hanggang pagsigaw lang naman ang kaya i
Naghintay ako sa pagbalik ni Dreyk. Almost an hour na siya sa kabilang kuwarto, at anong klaseng pag-uusap naman kaya ang ginagawa nila? Usap with matching benefiting themselves?Tsk.Nakapagpalit na ‘ko’t lahat, naubos ko na rin ang mug ng kape na tinimpla ko, kaya siguro ako kinakabahan na rin ngayon.Well, Dreyk and Liset are said to be friends, matagal na, kinakatakot ko lang na baka madala ang lalaki sa mga sasabihin ng bruha na ‘yon sa kaniya tapos ay maback out pa ito sa alok na maging asawa siya. Na siya namang hindi puwedeng mangyari, may mga plano nas siya oras na maging isang Sebastian. “Mas mabuti sigurong pag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na ‘yon, kung maaari nga’y bukas ay magpakasal na kami agad. Ayokong bumalik sa bar na ‘yon, sawa na ‘ko sa pagiging isang bayaran.” Nakailang pabalik-balik ako sa kaliwa at kanan, kagat ang dulo ng kuko’t nasa sahig ang tingin.“Argh! Dapat ata ay puntahan ko na siya ro’n,” ani ko pa.“Oo, tama, gano’n nga.” Dali-dali kong inay
“Love, sorry na-traffic. Tapos ay nagpa-gas pa ako kaya medyo natagalan talaga.” Bumaba si Leon mula sa BMW naming sasakyan. Aligaga siya sa pag-e-explain kung ano ang nangyari all the way here habang ako ay nakangiti lang na nakatitig sa kaniya. Isa rin siya sa super na-miss ko. Sa pag-aalala sa mga nangyari ay hindi ko na nga napigilang hindi mapaluha. Well, I was just overjoyed. “Love, are you okay? Did something happen? Inaway ka ba nila?” “No, no Love, masaya lang ako,” sabi ko sa kaniya. Nakapasok na si Fiel sa loob ng kotse habang kaming ay narito pa sa front door. “Do you missed me?” tanong ni Leon sa akin. Pinunasan niya ang tubig na dumaloy sa aking mukha. Tumango ako. Hindi ko na siya hinayaang magreact pa’t tumingkayad ako ng kaunti upang mahagkan siya sa labi. Nadama ko naman na tumugon ng halik ang mahal ko kaya napapangiti ako habang hinahalikan siya. Leon may not be my first in life, but he will be my last. I promise. I missed you, and I love you.
Flashback. After Selene’s accident. “What are you trying to tell, wife?” The situation was too hard for Dreyk to accept what Selene was saying. She wanted something that would be hard for him to give her. “Ibalik na lang natin kung ano ang dati, bago tayo nagkita ulit at bumalik ako sa ‘yo.” “Are you saying na…” “You have Sera, she needs her mother.” Napatayo si Dreyk sa kaniyang kinauupuan, napasabuhok gamit ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay naitakip niya sa kaniyang bibig. Umayos din naman sa kaniyang pagkakaupo si Selene, gusto niyang mas maintindihan ni Dreyk na ang kapakanan ng bata ang iniisip niya rin. Pero paano nga rin ba niya ipapaliwanag sa asawa na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya sa sitwasyon nila lalo pa’t hindi pa rin nakakabalik ang alaala niya. At ang pinakatotoo sa lahat ay iba ang tinatawag ng puso niya. “But I need you, wife.” “I know, pero ayaw ko na ring magkunwari pa sa harapan mo Dreyk. I can’t remember the tings that we used
“Ready na ba ang lahat?” tanong ni Mrs. Sebastian sa kaniyang mga maids na nagpe-prepare ng venue for her niece, Sera’s 6th birthday party. Sa mansiyon lang ang kanilang handaan para mas malawak at maimbitahan lahat ang kaibigan at kaklase ni Sera. “Mamala,” sigaw ni Sera sabay yakap sa kaniyang mahal na lola. “Thank you po,” dugtong ng bata. “Everything for my princess.” Mrs. Devere Sebastian gave Sera a kiss in the forehead. Sa tabi ng magandang bata ay ang nakababatang kapatid naman niyang si Fiel. “Don’t be naughty, Fiel. Always hold ate Sera’s hand. Oka.” Pagpapaalala ng ginang sa batang lalaki. “Yes, mamala.” Mrs Devera also gave Fiel a kiss just like what she did to Sera. Nagtakbuhan na ulit ang dalawa patungo sa ilang kaibigan ng celebrant. Patapos na rin ang pag-aayos, at ilang sandali na nga lang ay magsisimula na ang event. Lumabas na rin si Dreyk kasama ni Selene at nakipag-usap sa mga bisita. Nagpasalamat ang dalawa sa pagdating nila sa kaarawan ni Sera, nagpahay
Dreyk’s Flashback Memory Isang shot pa para kay Jeriko. Narito kami sa bar, kahahatid ko lang kay Claire sa kanilang bahay. Galing kami sa pag-aasikaso ng kasal namin. Medyo exhausted dahil sa dami ng kailangang asikasuhin, at wala pa kami sa kalahati ng mga kailangan para sa event. “Mukhang pagod na pagod ka ha,” puna ni Jeriko sa akin. Sinalinan niya ako sa aking shot glass. “Oo, nakakapagod pala magpakasal,” sabi ko. Niyaya ko ang aking matalik na kaibigan para naman kahit papaano’y makaramdam ng relaxation ang katawan ko. “Gano’n talaga at ‘yan,” sabi niya pa sa akin. Ikinuwento ko nga saka kung gaano karami ang pinuntahan namin ngayong araw, sumabay pa na tinotoyo si Claire, sabi nito’y may monthly period daw kasi siya, na hindi ko naman maisip kung acceptable reason ba ‘yon. “Tiis lang pre, pagkatapos naman ng kasal niyo’y magiging kampate ka na kay Claire. Matagal niyo na rin namang plano ‘to, ‘di ba? Kasunod ay ikaw na ang magpapatakbo ng Kumpaniya niyo kaya maswerte k
Madudurog na ang kamao ko kakasuntok sa puting pader ng Ospital na pinagdalhan sa mag-ina ko. Maayos ang lagay ni Sera pero hindi ni Selene, ang sabi’y kailangan agad na ma-operahan ang asawa ko sa lalong madaling panahon. Mahigit isang oras na ang lumipas, wala pa ring balita tungkol sa operasyon ng asawa ko. “Dreyk, anak, w-what happened?” humahangos si mom na lumapit sa akin. Siya ang una kong tinawag matapos kong matanggap ang balita tungkol sa nangyari sa asawa ko. “Ang sabing nabundol sila ng kotse mom, Selene save Sera. And then I don’t know…” hindi ko na napigilan pa ang hindi mapaiyak, ngayon lang bumalik ang asawa tapos ay may nangyari pang ganito. Hinaplos ng aking ina ang aking likuran at sinubukan akong pakalmahin, I tried kanina kaso’y ang saklap lang talaga. “Wala pang sinasabi ang Doktor, sa katunayan ay hinihintay ko nga na may lumabas mula sa operating room.” Tumango-tango si Mom. “Okay, so, were is Sera, ang apo ko?” Itunuro ko kay mom kung saan ang silid ng
Ano ba’t kailangan ba akong madamay sa kaso ni Tiffany Andres? Isang pulis ang tumawag sa akin upang sabihin na nagtangkang magpakamatay ang babae habang nasa kulungan. Ang sabi’y kung hindi nga raw naabutan ng ilang kasamahan sa banyo ay baka malamig na bangkay na ito ngayon. At bakit ako rin ang tinawagan nila, bakit hindi na lang si Dreyk? Dalawang Police Officer ang nagbabantay sa silid na okupado ni Tiffany, may malay na siya pagdating ko kaya naman kinausap ko na kaaagd siya. Kailangan ko ring makabalik agad papuntang school para sa mga bata. “Ano ba ang naisip mo’t gusto mong magpakamatay?” Prangka kong tanong sa kaniya. Naupo ako sa may malapit sa kaniya. Nakaupo naman ito habang may nakatusok na aparato sa kaniyang wrist arm. Hindi sumagot si Tifany, tinapunan lang ako nito ng tinging sakka muling tumingin sa labas ng kaniyang bintana. Nag-eemote lang? “So, gusto mo nang magpakamatay?” tanong ko ulit. “Wala kang pakialam.” Napasinghap ako’t tinarayan siya, in
Napatulog ko na sina Fiel at Sera kaya sinumulan ko naman ang aking night routine bago matulog. Maghapon akong nakipaghabulan sa dalawang batang makukulit, sobrang nagkapalagayan ng loob ang dalawa siguro ay dahil sa magkapatid sila. Naayos na rin ang transfer papers ng anak ko for his schooling dito sa Maynila at bukas ay magsisimula na siyang puamsok. Ako ang umako sa paghahatid sa kanila sa eskwela, maaga rin iyon kaya kailangan na maaga rin ako sa pagising. Iba na ang routine ko ngayon, hindi katulad dati na si Leon ang naghahatid at sundo kay Fiel, na kahit na busy ito ay gagawan niya talaga ng paraan. Natigilan ako sa tapat ng salamin nang maalala na naman ang lalaki, hindi na kami nagkausap pang muli, hindi ko rin siya magawang tawagan lalopa’t ako naman ang lumayo sa kaniya. I even asked Liset pero wala rin siyang maibalita sa akin, hindi rin daw sila nagkakausap ng kapatid niya. “Ano na kayang nangyari sa kaniya?’ I asked myself. Ngunit kalaunan ay napailing-iling na ang
I was fine.Or maybe I thought I was fine.Tinunga ko ang isa shot ng brandy, nakauwi na ako sa probinsiya kanina lang pero dito na ako dumiretso sa isang Bar. Gano’n din naman dahil wala akong uuwian sa bahay namin. Umalis ako na kasama ang mag-ina ko pero heto ako’t mag-isa na lang na bumalik. I was a fool.Hindi ko na rin alam kung gaano katagal na akong narito, hangga’t kaya kong lumunok ng alak ay gagawin ko kahit panandalian lang na makalimutan ang pangungulila sa kanila. Sinensyasan ko ang bartender na bigyan pa ulit ako ng isang shot.Medyo nahihilo na ako, pero sige pa.Pumunta ako sa tinitirahan bago ako umuwi, una’y gusto ko lang naman na ibigay sa tunay na asawa nito ang USB na nakuha ko habang nag-iimbestiga sa nangyari kay Selene. I’ve found a concrete evidence to point Tiffany Andres sa mga ginawa niyia. And I am hoping na makatuloy ‘yon para mas matahimik ang buhay nila roon. Good thing na naroon si Fiel, I good say goodbye for the last time for him.I’ve missed my s
“Bitiwan niyo ‘ko sabi eh! Ano ba!”“Aray! Nasasaktan ako!”Matapos kong mapakinggan ang call recording na ibinigay ni Leon ay kaagad kong pinadampot si Tiffany sa Condo na tinutuluyan niya. Ang mga pictures ang naging ebidensiya na siya ang maysala sa pagkakakidnap kay Selene four years ago na siyang naging dahilan din kung bakit siya nagah*sa sa ikalawang pagkakataon. Iyon lang ang maisasampa ko sa kaniya, hindi na nakasama iyong pang-nine years ago dahil wala kaming makuhang ebidensiya laban sa kaniya.“Hey! Ano ba!”“Pasensiya na kayo, ma’am. Pero kailangan niyo talagang sumama sa amin sa presinto, nakita niyo na naman ang warrant hindi ho ba?” Hindi ako tuluyang pumasok sa loob, nanatili lang ako sa labas dahil panigurado na didikit lang sa akin si Tiffany kapag nagkataon. Nasabi ko rin ito sa asawa ko’t wala naman naging kaso sa kaniya. Hinayaan niya akong kumilos para sa ganitong mga sitwasyon. Ang sabi pa nga niyang hindi naman daw na kailangan pa ang may makulong, past is pa