Share

Bardagulan

“Miss Selene, bakit niyo po itinulak si Miss Liset sa pool?” pag-iinterogate sa amin ng Security ng naturang building. 

Maagap din naman nilang inagapan nang malaglag nga si Liset sa pool, pero hindi ko siya tinulak, nahulog siya, that’s it.

Inikot ko lang ang aking eyeballs bilang sagot. Nakatapis na ako ng tuwalya, si Zusie ay nasa likuran ko habang naghihintay sa magiging desisyon kung ano ang dapat na gawin sa eskandalo na nangyari kanina.

Kahit kailan talaga ay pahamak ang Liset na ‘to, may pasugod-sugod pa sa ‘kin hindi naman pala kaya ang sarili.

“Walanghiya ka talaga, Selene, ano ba kasing balak mo sa pagpasok sa mga buhay namin.” Nanginginig pa ang babaeng ‘to habang halos aputol na ang ugat sa kaniyang leeg sa pagsigaw. Aba! Kasalanan ko pa ngayon?

“Bakit kasi lumapit ka sa may pool? Kung hindi ka rin kasi kalahating tanga, ‘di ba?” Mas lalo ko siyang inartehan, mas seksi ako kung tutuusin sa kaniya kaya ‘wag niya  ‘kong angasan. Hanggang pagsigaw lang naman ang kaya  iyang gawin.

“Baliw!”

“Kaysa naman lampa!”

Narindi na ata ang dalawang security na nakabantay sa ‘min kaya umawat itong muli sa nagsisimula na naman naming pagbabangayan ni Liset. 

“Mas mabuti ata kung bumalik na alang po kayo sa mga Unit niyo, masiyado na kayong nakakaistorbo sa trabaho namin, ma’am,’ sabi ng isang guwardiya.

“Oo, tama. Warning na lang ‘to sa ngayon, pero kapag naulit pa po ay idederetso na namin kayo sa presinto. Do’n na lang ho kayo magkaaregluhan.”

Si Zusie na ang sumang-ayon sa dalawang guwardiya, inalalayan na ‘ko nito patungo sa elevator upang makapagbihis na kmai sa Unit. Ngunit dahil nga sa dito rin pala nagstay si Liset ay nakasunod ito sa amin patungo sa 20th floor.

Hindi na ‘ko umiimik pa hanggang sa muling nagbukas ang elevator upang makalabas kami. Tama nga ito, magkatabi ang inuupahang Condominium ng dalawa, pero bakit nitong mga nagdaang araw ay hindi naman namin siya napansin dito?

“Kailangang malaman ni tita ang ginagawa ni Dreyk, sisiguraduhin ko na hindi ka na makakatuntong pa sa gusali na ‘to.”

             Hayan na naman siya sa mga sinasabi niya, nananahimik na nga ako.

“Sumbungera!” dahil hindi ko natiis ay sumagot pa rin ak.

“Ano?!”

“Tamo, bingi pa pala?”

“Hoy Selene Villazanta, hindi ka ba talaga makakalugar sa dapat mong kalugaran?”

“Bakit, may iba pa ba akong dapat lugaran bukod sa piling ni Dreyk?” Gusto ko siyang inisin ng paulit-ulit, makaganti man lang sa pambabalewala niya sa akin noon.

“Meron, dapat sa ‘yo ibinabalik sa Bar, kung sa’n nababagay ang isang maruming tulad mo!”

Doon na nagpantig ang tainga ni Selene, laitin na siya nito’t lahat pero ‘wag lang niyang babanggitin ang tungkol sa pagiging maruming babae niya.

“Ano’ng sabi mo?”

“Selene, ‘wag na, winarningan na tayo kanina. Pabayaan mo na ang isang ‘yan, naiinggit lang ‘yan kasi echapwera na siya ni Dreyk.” Si Zusie naman ang nagsalita upang mapigilan ang nag-iinit na namang kapaligiran para sa kaniyang dalawa ni Liset. 

“Huwag kang makisaw-saw dito-”

“Tumigil ka na nga Liset! Ikaw, ano bang problema mo? Maging masaya ka nalang para sa ‘min ni Dreyk. Sa dami ng pinagdaanan ko, wala ni isang dumamay sa mga taong pinahalagahan ko, kahit na ikaw. Ang malala pa nga, tinira mo pa ako patalikod. Siguro tuwang-tuwa ka ng umalis ako noon, hindi ko naman alam na may gusto ka sa ex-boyfriend ko. Sinabi mo na lang sana, dahil hindi ko kailangan ang lalaki noon… kaibigan ang kailangan ko. Pero ano ba ang ginawa mo? Itinaboy mo ko papunta rito, hindi mo ‘ko binigyan ng pag-asa, imbes ay mas lalo mo ‘kong inilugmok. Kaya tumugil ka sa kakangawa mo diyan ngayon. Isipin mo na lang, ako ang karma mo. At sisiguraduhin kong magugulo talaga ang buhay mo.”

Pigil hiningang sinumbatan ko si Liset, inilabas ko ang gusto kong sabihin dahil ito na ang mas tamang pagkakataon para doon. 

“Kaya kung ano man ang mayro’n kami ng kaibigan mo’y tanggapin mo na. May sariling isip si Dreyk para idikta niyo kung sino ang dapat na para sa kaniya,”wika ko. Sawang-sawa na ‘kong parating inaayawan, kaya ngayon na may isang tao na ginusto ako’y hindi ko basta babalewalin ‘yon. Hindi ko man matumbasan ang pagkainteres sa ‘kin ni Dreyk, ang mahalaga ay maappreciate ko man lang iyon.

“Wala kang magagawa, Selene.” Humagalpak ito ng tawa. “Hindi mo naman mababago ang mga nangyari na, patuloy ka lang na gagapang.”

Napabuntong-hininga ako, wala na nga ata talaga ‘kong mapipiga ni katiting na simpatya o pagsisisi sa kaniya. Kailangan ko na lang tanggapin na ito ang tunay na Liset na hindi ko nakilala noon.

“Okay, kung ‘yan ang mindset mo. Just make sure na hindi kita matatalo pagdating ng araw.” 

Iginigiya na ako ni Zusie sa may pintuan ng may bigla pang akonng maalala’t muling bumaling rito. Panay ang pagngiti-niti nito na parang hindi naniniwala na kaya ko siyang ungusan balang-araw.

“Nga pala, siguraduhin mo rin na mabantayan ng maayos si Patrick, alam mo na, baka mamaya’y may isa pang linta ang kumapit sa kaniya, malay mo ako pala ‘yon.”

“What?” 

Ramdam ko ang pagtaas ng emosyon sa mga mata nito, sadyang mabilis ang physical capacity ni Liset kaya nang akmang hihilahin na naman ako niya’y hindi na ako agad nakakilos pa. Subalit hindi ko inaasahan ang pagdating ni Dreyk mula sa kabilang gawi. Naroon na siya, sinalo ang kamay ni Liset na dadampi na naman sa ‘kin.

“Dreyk…” si Liset ‘yon.

“What is this all about?”

“Dreyk, paano kasi ‘yang si Liset-”

“Zusie, pumasok na muna kayo sa loob, samahan mo si Selene,” utos ni Dreyk. Agad din namang tumalima si Zusie’. Pero ay hindi ko maintindihan ay kung bakit parang galit ito sa tono ng pagkakasabi niya. Ni hindi pa ‘ko hinayaan na makatapos sa sinasabi ko.

“Let’s talk,” anito. Itinulak niya si Liset patungo sa Unit nito, ni hindi tumingin o lumingon man lang sa akin.

“At ano’ng gagawin nila sa kuwartong ‘yon ng silang dalawa lang?” inis na tanong ko sa sarili.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status