Sa isang mamahaling sasakyang nakaparada sa isang madilim na eskinita ay naghihintay ang isang ginang sa kaniyang kakausapin. Medyo naiinip na siya sa halos bente minutos na pagiging late nito sa kanilang usapan. Siya lang sa loob ng sasakyan, pinalabas niya pansamantala ang driver at hinayaang magbantay sa labas ng sasakyan. Nagbago na sana ang isip nito sa pakikipagtagpo sa kung sino nang may kumatok sa windshield ng sasakyan. Narito na ang lalaking hinihintay niya. “Pasensiya na madam nalate ako,” pagsalampak nito sa tabi ng kinauupuan niya. “Kailan ka ba magbabago sa pagiging huli mo? Konti pa’y mapapalitan na kita,” ani ng mayamang ginang. Dahil sa madilim at kaunti lang ang liwanag sa mga posteng nasa kalsada ay hindi rin masyadong maanig kung sino ang mga nag-uusap. “Sus, para namang magagawa mo ‘yan ‘dam. Marami kang sikreto na nalalaman ko. Hindi mo hahayaan na lumabas ang mga iyon, hindi ba?” Hindi nakaimik ang ginang, tumiim pa ang bagang nito sa inis na naramdaman.
“Congratulations po, ang gaganda ng mga shoes and bags niyo rito.”po “Oo nga ma’am, buti na lang at nabalitaan ko ang pagbubukas ng botique niyo, naka discount pa.” pabirong sabi ng kasama ng naunang babae kanina. “Sssh… sikreto lang natin ‘yon at baka marinig ng iba’t dagsain na tayo rito,” medyo OA pero ginawang biro ko pa rin talaga. “Naku, ma’am mas maigi nga ang gano’n eh. More kita, baka kailangan niyo ng endorser ma’am ha, puwede ako.” “Hmmm. mukhang magandang idea ‘yan ha, sige sige pag-iisipan ko.” Masaya akong nakipagkulitan sa mga customer ng bagong bukas na bissiness namin ni Zusie, nagkakaroon na ng kaunting gatherings. Nagpacater na lang kami ng foods and desserts para sa lahat. It was just too perfect lalo pa nang may dumating na delivery mula sa asawa ko. “Grabe, todo effort ang lolo mo ha, may pa ganiyan pa?” puna ni Zusie ng buksan ko ang laman ng pinadala. May namumukod tanging boqutte of flowers na labis kong ikinatuwa, and the rest were cupcakes, pizza an
Seven ay dapat paalis na si Dreyk sa kaniyang Opisina, mayro’n siyang thirty minutes upang bumiyahe sa botique nina Selene at Zusie. Nauna nang umuwi si Jeriko at gayun din ang kaniyang driver. Inabiso nito na magcommute na lang at siya ang magmamaneho sa sasakyan, gusto niyang magkaroon ng quallity time sa asawa niya lalo na sa unang araw nito sa bussiness na ibinigay niya para rito. “Good, guwapo pa rin ako kahit stree sa trabaho,” anito, naksulyap sa salaming nasa kaniyang desk. Naprepare na niya ang lahat ng gamit handa nang umalis nang may kumatok pa sa kaniyang pintuan. At mula roon ay iniluwa sina Liset at Tiffany.“Hindi naman siguro kami nakakaistorbo, no?” bungad ni Liset sa kaniya. Heto na naman ang babae sa panlilinlang sa kaniyang kaibigan. Wala itong ibang agenda kundi ang mapaghiwalay sila ni Selene, sa isang hindi maipaliwanag na dahilan.“What brought you here, the two of you?” Nakataas ang kilay na tanong niya sa dalawa, na siya namang hindi lingid sa kaalalm nito
“Boss, ano’ng ginagawa niyo?” naalimpungatan ako nang may yumogyug sa balikat ko. Kasabay ang pagtama ng sikat ng araw sa mata ko’y tuluyan na nga akong napabangon. Kinusot po pa muna ang aking mga mata dahil sa medyo panlalabo niyon. “Ano nga ba ang nangyari?” maski ako ay napatanong din sa sarili ko. Hindi ko gano’ng maalala kung ano ang mga nangyari bago si Jeriko dumating sa harapan ko. “Hmm… Good Morning.” Nabuhay lang ang diwa ko dahil sa boses na ‘yon, isang babae. “M–miss Tiffanny? Ano’ng ginagawa niyo rin dito?” Nanggaling si Tiffany sa isa sa mga silid sa Opisina, apparantly ay sa bathroom ko. Basa ang buhok at nakabathrob nga lang ito. “Nagtake ako ng shower, nakakahiya naman kung basta lang ako lalabas with my smell, di ba?” sagot nito. Bakas ang labis na kasayahan sa mukha ni Tiffany lalo pa nang dumako sa akin ang tingin nito. Mamaya’y napaigik ito na animo’y kinikilig sa kung anong dahilan. “Magbihis ka na kaya Dreyk, your body is too hot to resist, look.” Huli
“Ang bilis niyo na man po ma’am na bumalik, nakaisang oras man lang po ba kayo sa labas?” natatawang tanong ng antipatikong pulis na bumungad sa amin. Hindi naman siya ‘yong nag-asikaso sa amin kanina pero mukhang narito rin siya no’n narito kami sa loob ni Zusie. Bilang sagot nga’y tinaasan ko na lang siya ng kilay. Nakakaasar lang kung bakit kailangan ko ulit na bumalik dito, papaano’y ang pabidang si Liset ay tuluyan ngang sinaktan ang sarili at ako ang itinuturo na may sala? Like, what? Hindi naman ako ang may hawak sa cutter at humiwa sa braso niya, siya lang ang maya pakana no’n. Dapat nga’y siya ang kakasuhan ko ng trespassing eh. Matapos na lapatan ng first aid ay pinaharap na sa akin ang nagrereklamong babae, panay ang ngawa nito sa mga pulis habang ako’y nagtitimpi lang sa kagag*han. Kung ano-ano pa ang sinasabi ng br*ha na kesyo inudyukan ko nga raw siya na magpakamatay, at ang nakakabilib pa sa acting nito ay may nailabas na video? Oh diba, kung may best actress award la
“Wife, what are you doing? Saan ka ba pupunta?” tarantang tanong ni Dreyk sa asawa. Pagkagaling sa presinto matapos niya itong sunduin ay hindi na siya nagsalita pa, hanggang sa makarating sa bahay nila. Ang sunod lang na ginawa nito ay dumiretso sa kanilang silid at isa-isang inilalagay sa bag ang mga gamit niya. “Wife, talk to me please.” “Saka na kapag kaya mo nang i-explain sa akin ang nangyari,” sagot niya sa pagitan ng pagkuha ng mga damit sa kaniyang walking closet. “Pero wala naman ‘yon, Selene, isa pa naaya lang nila ako, hindi ko intensyon na hindi ka mapupuntahan. ‘Yong ang totoo, pangako.” “Alam mo ba kung gaano kasama ang nangyari ‘kin buong gabi at hanggang kaninang umaga? Hinahanap kita, kailangan kita Dreyk. Ang lamig-lamig sa loob,” tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ni Selene na kanina pa niya pilit na pinipigilan. Hindi niya lubos mawari nasa loob ng halos labing dalawang oras lang ay naging kaawa-awa na naman siya. “Wife, please, okay hear me out, but pleas
“Dreyk, tama na ‘yan.” Pinigilan ni Jeriko ang kamay ng kaibigan/boss niya. Kanina pa nalululong sa alak ang lalaki. Nakailang baso na ito ng malakas na alkohol na hindi nga niya malaman kung ano ang ngalan. Natural na dahil hindi naman siya ganoon kahilig sa alak tuad ng kaniyang kaibigan. “I am doing everything to be happy, why can’t the World just be fair to me? I regretted all my actions in my past. I choose to live by myself. But why is this happening to me?” Paulit-ulit na nga sa pagkukuwento si Dreyk kay Jeriko ng tungkol sa mga nangyari. Hindi niya matanggap kung bakit nagawa siyang iwan ni Selene kahit na mahal na mahal naman niya ito. Ginagawa niya ang lahat ng makakabuti para sa kanila, ngunit hindi naman kasi gano’n kadali lalo kung may mga taong tututol at tumututol sa isang relasyon na dapat ay wala naman silang kinalaman. “Kaunting oras at space lang naman ang kailangan ni Selene, hindi ba? Hayaan mo na muna na makuha niya ‘yon, pasasaan ba’t maiintindihan niya rin
“Dreyk?” Naalimpungatan si Selene. “Panaginip lang pala,” aniya. Nag-inat at kinusot ang mga mata. Wala nga palang Dreyk sa tabi niya ngayon. Ang huli nilang pagkikita ay kahapon, sa bahay nila bago siya nito ipinahatid sa kanilang driver. Narito nga siya ngayon sa unang Condi kung saan sla muling nagkita ni Dreyk, malaki ang space, ibang-iba sa Condo na pinagdalhian niya sa kanila ani Zusie. Pasado alas otso na, kaya rin siguro kumakalam na sikmura niya. Mabilis na nakapag-asikaso si Selene ng kaniyang sarili, wala naman siyang trabahong mapupuntahan dahil ang store nila’y nawasak dahil sa ginawa ni Liset doon. Pumasok na nga rin ang pera na napagkasunduan nila ng General na ibabalik sa sinira ng anak. Kaya naman ipinaubaya niya na muna kay Zusie ang bagay na ‘yon, sa ngayon ay mayroon siyang mas importanteng dapat na asikasuhin. Habang nasa kalagitnaan nga ng pag-aalmusal ay isang misteryosong mensahe na naman ang nareceived niya mula sa isang stalker. [Gusto mo bang makip