“Dreyk, tama na ‘yan.” Pinigilan ni Jeriko ang kamay ng kaibigan/boss niya. Kanina pa nalululong sa alak ang lalaki. Nakailang baso na ito ng malakas na alkohol na hindi nga niya malaman kung ano ang ngalan. Natural na dahil hindi naman siya ganoon kahilig sa alak tuad ng kaniyang kaibigan. “I am doing everything to be happy, why can’t the World just be fair to me? I regretted all my actions in my past. I choose to live by myself. But why is this happening to me?” Paulit-ulit na nga sa pagkukuwento si Dreyk kay Jeriko ng tungkol sa mga nangyari. Hindi niya matanggap kung bakit nagawa siyang iwan ni Selene kahit na mahal na mahal naman niya ito. Ginagawa niya ang lahat ng makakabuti para sa kanila, ngunit hindi naman kasi gano’n kadali lalo kung may mga taong tututol at tumututol sa isang relasyon na dapat ay wala naman silang kinalaman. “Kaunting oras at space lang naman ang kailangan ni Selene, hindi ba? Hayaan mo na muna na makuha niya ‘yon, pasasaan ba’t maiintindihan niya rin
“Dreyk?” Naalimpungatan si Selene. “Panaginip lang pala,” aniya. Nag-inat at kinusot ang mga mata. Wala nga palang Dreyk sa tabi niya ngayon. Ang huli nilang pagkikita ay kahapon, sa bahay nila bago siya nito ipinahatid sa kanilang driver. Narito nga siya ngayon sa unang Condi kung saan sla muling nagkita ni Dreyk, malaki ang space, ibang-iba sa Condo na pinagdalhian niya sa kanila ani Zusie. Pasado alas otso na, kaya rin siguro kumakalam na sikmura niya. Mabilis na nakapag-asikaso si Selene ng kaniyang sarili, wala naman siyang trabahong mapupuntahan dahil ang store nila’y nawasak dahil sa ginawa ni Liset doon. Pumasok na nga rin ang pera na napagkasunduan nila ng General na ibabalik sa sinira ng anak. Kaya naman ipinaubaya niya na muna kay Zusie ang bagay na ‘yon, sa ngayon ay mayroon siyang mas importanteng dapat na asikasuhin. Habang nasa kalagitnaan nga ng pag-aalmusal ay isang misteryosong mensahe na naman ang nareceived niya mula sa isang stalker. [Gusto mo bang makip
“Wala ho akong kinalaman sa lalaking iyon, h-hindi ko rin siya kakilala, pero kinontak niya ako kaninang umaga para magkita kami. S-sabi ho niya’y may kailangan siyang ibigay sa akin,” pagpapaliwanag ko sa mga Pulis. Matapos ang insidente ay muli na naman akong pinanghinaan ng loob. Ang natitirang pag-asa sa puso ko’y naglahong parang bula. “Hindi mo pa nakita ang biktima kahit kailan?” tanong ng Pulis na nakaharap sa kaniya. “Opo.” “Kung gano’n ay paano mo nasabi na siya ang kakatagpuin mo sa Mall na ‘yon?” Natigilan ako, hindi ko rin kasi alam kung ano ang isasagot sa kaniya, may point siya kung bakit ko nga nasabi ‘yon. Pero lahat kasi ng description na iniwan niya sa text message ay sa biktima nakaturo. “M-may pinadala hong text message sa akin ang lalaki, sinabi niya kung ano ang suot niya ng araw na ‘yon. Kaya naman ina-assumed ko na siya nga ang lalaking iyon. Inabot ko sa kausap ang aking cellphone upang ipakita ang detalye ng pag-uusap namin, nabanggit ko na lahat sa k
Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Selene. Naikusot niya ang likuran kamay sa kaniyang mga mata, late na rin siyang nakatulog kagabi kaya ganito ang nangyari. Kaagad siyang nagtungo sa banyo upang makapaghilamos. Aasikasuhin niya kung maipapatrace ba niya ang Ip address mula sa mga mensahe na ipinadala sa kaniya ng naging biktima kahapon, baka sakali na matuton niya ang tirahan nito’t makakuha siya ng impotmasyon. Omelet egg at toasted bread with matching kape ang almusal niya. Alas dyes ng umaga ay nakapag-ayos na siya ng kaniyang sarili, and she was on the way out of her place ng biglang may mag kumatok sa pintuan. “Sino naman kaya ‘yon?” Tinungo niya nga muna ang pintuan bago tuluyang umalis, sa gulat niya sa bumungad sa kaniya’y hindi siya kaagad nakasagot sa naging pagyakap nito sa kaniya. “D-Dreyk?” “Selene, how are you? I missed you.” Iniharap nya ako sa kaniya’t hinaplos ang magkabila kong pisngi, then he was now examining my shoulders to down. “I’m okay, pero
“What? Bakit hindi mo naman sa akin sinabi ang nangyari? So, any lead, tinawagan ka ba ulit ng mga pulis?” Hindi ako makapaniwala sa mga kwento ng asawa ko sa akin, nanggagalaiti ako sa galit sa kung sino man ang gustong magtangka sa kaniya. Hindi man direkta na siyang ang pinuntirya pero nakikita ko na rin na ‘yon ang dahilan no’n.“Wala pa, hindi na rin ako tinawagan ng pulis matapos ang araw na ‘yon. Sad to say ay wala nga lang akong nakalap na imppormasyon tungkol sa mga taong dawit sa Scandal. Niyapos ko ang aking asawa’t ikinulong sa aking bisig. “Gagawan natin ng paraan, maging ang private investigator din kasi na kinuha ko ay wala ring balita sa akin. This past few weeks ay wala pa akong balita sa kaniya.”“Sa tingin ko ay napakalaki ng galit sa akin ng may gawa nito, hanggang ngayon kasi ay parang hindi pa rin siya nakakamove on sa ginawa nila.” Ramdam ko ang pangamba sa tinig ni Selene kaya naman mas lalo ko siyang niyakap, hinahaplos ang buhok sa kaniyang likuran.“Kung
“Ah, gano’n oh edi ayan para sa ‘yo at ng mabusog ka sa sobrang kasayahang makitang tumataba nga ako!” Hindi nagpapatinag si Liset sa pakikipagrambulan sa akin. Sorry siya dahil hindi rin ako titigil na atakihin siya. “Hmmp. Talaga lang ha. Aray! Oh sige kakalbuhin na rin kita para maganda ka sa kasal mo,” sagot ko pa sa kaniya. Ngayon ay naitulak ko siya papalayo sa akin, dahilan upang matumba ang ilang manequin doon sa puwersa na rin niya. “Ayos lang, basta may nagmamahal sa akin, kaysa naman sa ‘yo!” Inayos ko ang aking buhok at dinuro si Liset na inaalalayan ni Patrick mula sa pagkakasalampak sa sahig. Pabalang kong initsa ang aking bag at muling naghanda na salubungin ang ano mang magiging ganti niya. “Napaka ambisyosa mo naman, kung hindi naman kami nagahiwalay niyang mapapangasawa mo’y wala naman sigurong papatol sa pangit mong ugali. Aminin mo, mas lamang ako sa pagiging maganda lalo na sa talino. Anino lang, noon pa!” Realtalk na kung realtalk. Ayaw ko naman sanang ipaa
“Nasaan si Liset!” Binulabog ko ang mansyon ng mga Palma, hindi maaaring makalagpas pa sa akin ang insidenteng ito. Sa tagal akong nakilala ng babae na ‘yon, dapat ay napaghandaan na niya ang gagawin kong pagpunta sa kaniya. “Liset! Lumabas ka riyan!” “Ah, sir pasensiya na po kayo pero naghabilin ang Si Mr. Palma na walang papapasukin na kahit sino ngayong araw?” Napakadali nga namang gumawa ng aksyon ni tito, nabakuran kaagad niya ang kaniyang anak. “Papasukin niyo ko, sabihin mo sa kaniya na kailangan kong makaharap ang anak niya, dahil kung hindi ay dideretso ako sa Police Station para magsampa ng attemptef murder laban sa pinakamamahal niyang anak.” Hindi naman isasaalang-alang ni tito ang ranggo niya sa Police industry para lang pagtakpan ang kapalpakan ng kaniyang anak. Ilang beses kong pinagdadabugan ang automatic gate nila, hindi ako titigil hangga’t hindi nasisingil ang babae na ‘yon sa lahat ng naging kasalanan niya, simula pa noon. At dahil lubos ko nang k
Puting kisame ang bumungad sa akin nang imulat ko ang aking mata. It was an unexpected circumstance for me to get stabbed. Nasobrahan ata ang ginawa kong panggugulo kay Liset kaya nagdilim na nag paningin niya kanina. Naaalala ko naman lahat ng nangyari, hindi ko na lang alam kung ano ang mga sumunod pa. “Wife, good thing you’re awake, any pain? Want something? Talk to me.” Napangiti ako, sunod-sunod naman ang naging pagtatanong niya, hindi ko alam kung ano ang uunahin. Inalalayan ako ni Dreyk na makaupo’t maisandig ang likuran sa hospital bed na kinararayan ko. May dextrose din na nakakabit sa akin, and due to the sudden movement ay napa-aray ako sa bahagyang pagkirot ng aking tagiliran. “The operation went well, kaya ‘wag ka rin munang magkikikilos, okay?” Tumango ako. Then Dreyk hugged me, kissed me on my forehead and smiled back at me. “Akala ko mawawala ka na sa akin.” Hinaplos ko ang pisngi niya. “At sino naman ang may sabi no’n?” “I’m sorry wife, if only I did not push