Seven ay dapat paalis na si Dreyk sa kaniyang Opisina, mayro’n siyang thirty minutes upang bumiyahe sa botique nina Selene at Zusie. Nauna nang umuwi si Jeriko at gayun din ang kaniyang driver. Inabiso nito na magcommute na lang at siya ang magmamaneho sa sasakyan, gusto niyang magkaroon ng quallity time sa asawa niya lalo na sa unang araw nito sa bussiness na ibinigay niya para rito. “Good, guwapo pa rin ako kahit stree sa trabaho,” anito, naksulyap sa salaming nasa kaniyang desk. Naprepare na niya ang lahat ng gamit handa nang umalis nang may kumatok pa sa kaniyang pintuan. At mula roon ay iniluwa sina Liset at Tiffany.“Hindi naman siguro kami nakakaistorbo, no?” bungad ni Liset sa kaniya. Heto na naman ang babae sa panlilinlang sa kaniyang kaibigan. Wala itong ibang agenda kundi ang mapaghiwalay sila ni Selene, sa isang hindi maipaliwanag na dahilan.“What brought you here, the two of you?” Nakataas ang kilay na tanong niya sa dalawa, na siya namang hindi lingid sa kaalalm nito
“Boss, ano’ng ginagawa niyo?” naalimpungatan ako nang may yumogyug sa balikat ko. Kasabay ang pagtama ng sikat ng araw sa mata ko’y tuluyan na nga akong napabangon. Kinusot po pa muna ang aking mga mata dahil sa medyo panlalabo niyon. “Ano nga ba ang nangyari?” maski ako ay napatanong din sa sarili ko. Hindi ko gano’ng maalala kung ano ang mga nangyari bago si Jeriko dumating sa harapan ko. “Hmm… Good Morning.” Nabuhay lang ang diwa ko dahil sa boses na ‘yon, isang babae. “M–miss Tiffanny? Ano’ng ginagawa niyo rin dito?” Nanggaling si Tiffany sa isa sa mga silid sa Opisina, apparantly ay sa bathroom ko. Basa ang buhok at nakabathrob nga lang ito. “Nagtake ako ng shower, nakakahiya naman kung basta lang ako lalabas with my smell, di ba?” sagot nito. Bakas ang labis na kasayahan sa mukha ni Tiffany lalo pa nang dumako sa akin ang tingin nito. Mamaya’y napaigik ito na animo’y kinikilig sa kung anong dahilan. “Magbihis ka na kaya Dreyk, your body is too hot to resist, look.” Huli
“Ang bilis niyo na man po ma’am na bumalik, nakaisang oras man lang po ba kayo sa labas?” natatawang tanong ng antipatikong pulis na bumungad sa amin. Hindi naman siya ‘yong nag-asikaso sa amin kanina pero mukhang narito rin siya no’n narito kami sa loob ni Zusie. Bilang sagot nga’y tinaasan ko na lang siya ng kilay. Nakakaasar lang kung bakit kailangan ko ulit na bumalik dito, papaano’y ang pabidang si Liset ay tuluyan ngang sinaktan ang sarili at ako ang itinuturo na may sala? Like, what? Hindi naman ako ang may hawak sa cutter at humiwa sa braso niya, siya lang ang maya pakana no’n. Dapat nga’y siya ang kakasuhan ko ng trespassing eh. Matapos na lapatan ng first aid ay pinaharap na sa akin ang nagrereklamong babae, panay ang ngawa nito sa mga pulis habang ako’y nagtitimpi lang sa kagag*han. Kung ano-ano pa ang sinasabi ng br*ha na kesyo inudyukan ko nga raw siya na magpakamatay, at ang nakakabilib pa sa acting nito ay may nailabas na video? Oh diba, kung may best actress award la
“Wife, what are you doing? Saan ka ba pupunta?” tarantang tanong ni Dreyk sa asawa. Pagkagaling sa presinto matapos niya itong sunduin ay hindi na siya nagsalita pa, hanggang sa makarating sa bahay nila. Ang sunod lang na ginawa nito ay dumiretso sa kanilang silid at isa-isang inilalagay sa bag ang mga gamit niya. “Wife, talk to me please.” “Saka na kapag kaya mo nang i-explain sa akin ang nangyari,” sagot niya sa pagitan ng pagkuha ng mga damit sa kaniyang walking closet. “Pero wala naman ‘yon, Selene, isa pa naaya lang nila ako, hindi ko intensyon na hindi ka mapupuntahan. ‘Yong ang totoo, pangako.” “Alam mo ba kung gaano kasama ang nangyari ‘kin buong gabi at hanggang kaninang umaga? Hinahanap kita, kailangan kita Dreyk. Ang lamig-lamig sa loob,” tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ni Selene na kanina pa niya pilit na pinipigilan. Hindi niya lubos mawari nasa loob ng halos labing dalawang oras lang ay naging kaawa-awa na naman siya. “Wife, please, okay hear me out, but pleas
“Dreyk, tama na ‘yan.” Pinigilan ni Jeriko ang kamay ng kaibigan/boss niya. Kanina pa nalululong sa alak ang lalaki. Nakailang baso na ito ng malakas na alkohol na hindi nga niya malaman kung ano ang ngalan. Natural na dahil hindi naman siya ganoon kahilig sa alak tuad ng kaniyang kaibigan. “I am doing everything to be happy, why can’t the World just be fair to me? I regretted all my actions in my past. I choose to live by myself. But why is this happening to me?” Paulit-ulit na nga sa pagkukuwento si Dreyk kay Jeriko ng tungkol sa mga nangyari. Hindi niya matanggap kung bakit nagawa siyang iwan ni Selene kahit na mahal na mahal naman niya ito. Ginagawa niya ang lahat ng makakabuti para sa kanila, ngunit hindi naman kasi gano’n kadali lalo kung may mga taong tututol at tumututol sa isang relasyon na dapat ay wala naman silang kinalaman. “Kaunting oras at space lang naman ang kailangan ni Selene, hindi ba? Hayaan mo na muna na makuha niya ‘yon, pasasaan ba’t maiintindihan niya rin
“Dreyk?” Naalimpungatan si Selene. “Panaginip lang pala,” aniya. Nag-inat at kinusot ang mga mata. Wala nga palang Dreyk sa tabi niya ngayon. Ang huli nilang pagkikita ay kahapon, sa bahay nila bago siya nito ipinahatid sa kanilang driver. Narito nga siya ngayon sa unang Condi kung saan sla muling nagkita ni Dreyk, malaki ang space, ibang-iba sa Condo na pinagdalhian niya sa kanila ani Zusie. Pasado alas otso na, kaya rin siguro kumakalam na sikmura niya. Mabilis na nakapag-asikaso si Selene ng kaniyang sarili, wala naman siyang trabahong mapupuntahan dahil ang store nila’y nawasak dahil sa ginawa ni Liset doon. Pumasok na nga rin ang pera na napagkasunduan nila ng General na ibabalik sa sinira ng anak. Kaya naman ipinaubaya niya na muna kay Zusie ang bagay na ‘yon, sa ngayon ay mayroon siyang mas importanteng dapat na asikasuhin. Habang nasa kalagitnaan nga ng pag-aalmusal ay isang misteryosong mensahe na naman ang nareceived niya mula sa isang stalker. [Gusto mo bang makip
“Wala ho akong kinalaman sa lalaking iyon, h-hindi ko rin siya kakilala, pero kinontak niya ako kaninang umaga para magkita kami. S-sabi ho niya’y may kailangan siyang ibigay sa akin,” pagpapaliwanag ko sa mga Pulis. Matapos ang insidente ay muli na naman akong pinanghinaan ng loob. Ang natitirang pag-asa sa puso ko’y naglahong parang bula. “Hindi mo pa nakita ang biktima kahit kailan?” tanong ng Pulis na nakaharap sa kaniya. “Opo.” “Kung gano’n ay paano mo nasabi na siya ang kakatagpuin mo sa Mall na ‘yon?” Natigilan ako, hindi ko rin kasi alam kung ano ang isasagot sa kaniya, may point siya kung bakit ko nga nasabi ‘yon. Pero lahat kasi ng description na iniwan niya sa text message ay sa biktima nakaturo. “M-may pinadala hong text message sa akin ang lalaki, sinabi niya kung ano ang suot niya ng araw na ‘yon. Kaya naman ina-assumed ko na siya nga ang lalaking iyon. Inabot ko sa kausap ang aking cellphone upang ipakita ang detalye ng pag-uusap namin, nabanggit ko na lahat sa k
Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Selene. Naikusot niya ang likuran kamay sa kaniyang mga mata, late na rin siyang nakatulog kagabi kaya ganito ang nangyari. Kaagad siyang nagtungo sa banyo upang makapaghilamos. Aasikasuhin niya kung maipapatrace ba niya ang Ip address mula sa mga mensahe na ipinadala sa kaniya ng naging biktima kahapon, baka sakali na matuton niya ang tirahan nito’t makakuha siya ng impotmasyon. Omelet egg at toasted bread with matching kape ang almusal niya. Alas dyes ng umaga ay nakapag-ayos na siya ng kaniyang sarili, and she was on the way out of her place ng biglang may mag kumatok sa pintuan. “Sino naman kaya ‘yon?” Tinungo niya nga muna ang pintuan bago tuluyang umalis, sa gulat niya sa bumungad sa kaniya’y hindi siya kaagad nakasagot sa naging pagyakap nito sa kaniya. “D-Dreyk?” “Selene, how are you? I missed you.” Iniharap nya ako sa kaniya’t hinaplos ang magkabila kong pisngi, then he was now examining my shoulders to down. “I’m okay, pero