Share

The Plan of Leaving

Naghintay ako sa pagbalik ni Dreyk. Almost an hour na siya sa kabilang kuwarto, at anong klaseng pag-uusap naman kaya ang ginagawa nila? Usap with matching benefiting themselves?

Tsk.

Nakapagpalit na ‘ko’t lahat, naubos ko na rin ang mug ng kape na tinimpla ko, kaya siguro ako kinakabahan na rin ngayon.

Well, Dreyk and Liset are said to be friends, matagal na, kinakatakot ko lang na baka madala ang lalaki sa mga sasabihin ng bruha na ‘yon sa kaniya tapos ay maback out pa ito sa alok na maging asawa siya. Na siya namang hindi puwedeng mangyari, may mga plano nas siya oras na maging isang Sebastian. 

“Mas mabuti sigurong pag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na ‘yon, kung maaari nga’y bukas ay magpakasal na kami agad. Ayokong bumalik sa bar na ‘yon, sawa na ‘ko sa pagiging isang bayaran.” 

Nakailang pabalik-balik ako sa kaliwa at kanan, kagat ang dulo ng kuko’t nasa sahig ang tingin.

“Argh! Dapat ata ay puntahan ko na siya ro’n,” ani ko pa.

“Oo, tama, gano’n nga.” Dali-dali kong inayos ang sarili’t patakbong tinungo ang pintuan, ngunit kinagulat ko na hindi ko pa man nahahawakan ang door knob ay kusang bumukas na ‘yon. Iniluwa ang gwapong pigura ni Dreyk na seryoso ang tingin sa direksyon ko. Mahirap basahin ang ekspresyon ng kaniyang mata.

“D-Dreyk, buti n-naman at n-nandito ka na. Kumusta, ano’ng pinag-usapan niyo?” wala nang patumpik-tumpik pa’t itinanong ko na kaaagad ang gusto ko naman talagang malaman.Hindi ito sumagot, imbes ay pumasok, sinara ang pinto at iginiya ako patungo sa Salas. 

Nasa silid ni Zusie kaya maaari ako na ang mag-alok ng madaliang kasal kay Dreyk. 

“Dreyk…” Hindi maganda ang pananahimik nito, nakakakaba sa dibdib.

“May problema ba? Ano bang sinabi ng babaeng ‘yon sa ‘yo? For sure binaliktad niya lang ako sa paningin mo. Hindi ko siya itinulak, okay? Bigla na lang siyang sumulpot do’n sa may pool. Inaway niya, oo, gumanti ako siyempre, Pero hindi ko totally na kasalanan ang nangyari,” pilit kong ipinapaliwanag sa kaniya ang buong katotohanan.

“Selene-”

“Hindi ka naniniwala sa ‘kin?”

“Hindi sa gano’n Selene, its just that…”

Naghintay ako sa isasagot niya, hanggang sa marealize ko na lang na wala na ‘kong mapupuntahan pa. 

“Pero halata sa mga mata mo Dreyk,” nagtalakad patungong lababo upang hugasan ang mug na ginamit ko. Sumunod siya, nagsasalita, pilit na ine-explain sa akin ang nasa isipan niya.

“Kaya nga, gano’n din ‘yon Dreyk. Kumbaga nasa kaniya ang pagkampi mo, wala sa ‘kin. Samantalang ako naman ang nagsasabi ng totoo sa ‘ming dalawa.”

“I know, and trust you, Selene. But Liset is my childhood friend, I can’t just let her down. So I’m telling you, what if you talk to her, and just let slide it off? I want to ease the fire on both of you.”

“Wow, so kailangan kong ibaba ang pagkatao ko sa kaniya? Dreyk, nagsisimula pa lang akong mahanap muli ang sarili ko tapos ay ipu-push mo ko na magpakumbaba sa babaeng  iyon? No, way!”

“Selene, please…”

“No Dreyk! Hindi go gagawin ang gusto mo, unless ako ang may kasalanan. At isa pa, hindi pa nga siya nagso-sorry sa ginawa niya five years ago tapos ngayon ako ang magsosorry sa kaniya? Aba, napakaswerte naman pala talaga niyang nilalang.”

Ipinunas ko ang basang kamay sa laylayan ng aking damit, nilihasan si Dreyk saka nagtungo sa silid ko. Matiyaga pa rin siyang nakasunod sa ‘kin. Pilit na dinidiktahan ang dapat kong gawin. 

“Ganito na lang siguro, Dreyk. Aalis na lang kami rito, let’s take our separate ways. Hindi mo kailangang manipulahin ang buhay ko para sa sarili mong kagustuhan lang.”

“No Selene, that would be the last thing that you would have to do. Hangga’t buhay ako, mananatili ka sa tabi. And I am not manipulating you, I am making a solution, okay? Magkaayos lang kayo.”

“Pero hindi ko nga kailangan na makipag-ayos sa kaniya! Galit ako sa babaeng ‘yon, at hindi basta-basta ang magpatawad Dreyk. Matagal nang nagkalamat ang pagkakaibigan namin, ‘yon lang din sana ang dapat mong maintindihan sa sitwasyon na ‘to. And forgiven and making friends with her is not my goal here, alam mo’yan.”

Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko, naramdaman ko ang pagsisimulang pagbabagong ekpresyon sa aking mukha. Sooner enough ay tumulo na ang luha sa aking mga mata, hindi siya mabigat na emosyon pero may dulot na kaunting kirot sa akin.

“Selene,” anas ni Dreyk na lumalapit sa akin. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero ang kusang nagtatapik sa kaniya papalayo. Hindi naman sa nag-iinarte ako, parang bigla ko lang naramdaman na gusto kong mag-isa at damdamin nang buo ang nasa loob ko. 

Nagbago na ang Selene na mabait, forgiving at friendly, nahubog na akong mahalin ang sarili ko, dahil alam kong wala namang ibang makakatulong sa ‘kin kundi ako lang din.

Nagawa akong mahila ni Dreyk patungo sa bisig niya, hindi siya nagsalita, ang tanging ginawa niyang haplusin ang likuran ng buhok ko. Ayoko na ring magresist pa, nakakapagod na rin ang umiwas sa presensiya na, masiyado siyang malakas para itulak ko pa. 

“I’m sorry, please don’t leave me. I won’t interfere anymore, okay? I’ll just wait for the right time for you to heal. For now, understanding will be my best weapon para manatili ka sa tabi ko.” 

Ramdam ko kung gaano kasinsero ang lalaking ito, niyakap niya ako na para bang pinapakita niya kung gaano ako kahalaga sa kaniya. Iyong yakap na walang halong kapalit na pisikal mula sa ‘kin. 

Nang humupa na ako’y kumalas ako sa pagkakayakap niya para muling magkaroon ng pagkakataon na magkaharap kami. Then he caress my face with a smile on his face.

“I’ll make it up with you, okay? What do you want to eat? Or do you have any place to go?”

Napangiti ako sa tanong niya, ang bilis ng pagbabago sa kaniya ng sitwasyon. Umiling-iling ako bilang sagot sa kaniya.

“How about shopping?”

“Galing na kami ro’n kanina, gusto ko na lang magpahinga rito sa bahay Dreyk,” malumanay kong sagot sa kaniya. 

“Okay, give me a call kapag may naisipan kang gawin, kailangan ko pa ring bumalik sa trabaho. Pero pupuntahan kita rito mamaya, can we go out then? A dinner maybe?”

Hindi naman masama ang inalok niya kaya why not?

“Hmm… sige.”

Muling naglambing ng yakap si Dreyk, kasunod ay ang gawad niya ng halik sa noo ko na siya namang ikinangiti ko. Nagpaalam na nga siyang aalis na, ang dami niya pang pinaalala’t hinabilin, kala mo naman ay sa ibang bansa siya pupunta. 

“Dreyk.” pagtawag ko rito ng akmang lalabas na nga siya ng Unit.

“Hmm?”

“Ano kasi,” simula ko. Kilangan ko nang masabi sa kaniya ang tungkol sa kasal na gusto niya. Sasabihin ko payag na ‘ko, at kung kailangang madaliin ay gawin na namin. Bigla ako lang kasing naramdaman na kapag pinatagal ko pa ito’y mawawalan pa ‘ko ng tsansa.

“May problema pa ba?”

“Hindi wala,” kagat-labi kong sabi. “‘Yong tungkol sa alok mong pagpapakasal, bakit kaya hindi na natin gawin?”

Sa wakas ay nasabi ko rin, ngunit si Dreyk naman ang hindi nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa ‘kin, halatang nagulat sa nasabi ko.

Bakit wala naman siyang reaksyon?

“Dreyk?”

Napaigik na lang ito’y sumilay ang ngiti sa labi niya. “Are you serious?’

“O-oo.”

Bumalik siya sa muling pagyakap sa ‘kin, mas mahigpit na ngayon kaysa kanina. “I’ve been wanting for this, thank you, Selene.”

“Hmm…” usal ko. Marahan kong hinagod ang likuran niya bilang responce dito. 

Let me now use your power, Dreyk Sebastian

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status