Five years later.
“Selene, table three ka.” Malakas ang naging sigaw ng baklang manager ng isang night club na pinapasukan ni Selene. Limang taon na siya sa gano’ng karera, ang pagbebenta ng kaniyang katawan.
“Yes mami, coming,” masiglang sagot ni Selene sa boss na nag-alaga sa kaniya sa loob ng halos limang taon.
“Hi, sir welcome sa Nightclub ni mamang, first time visitor ka no?” panimula ni Selene sabay upo sa tabi nito.
“Hindi naman, actually may kasama ko, nauna lang talaga ako ng dating,” brusko ang boses ng nasa mid-30’s na lalaki, nakacasual attire ito with his black polo shirt and pants, pero kahit na gano’n ay lumalabas ang pagiging magandang lalaki ng ka-table ni Selene.
Tumango-tango si Selene. “Anyway, Selene nga pala.”
Nagpakilala siya sa magiging ka-table sabay upo. Tinanggap naman nito ang simple introduction niya at sinabing ang kaniyang pangalan ay Jeriko.
“Good, may time pala tayo together. Drinks?”
“Yeah, sure.”
Iniabot ni Selene ang bagong bukas na beer sa lalaki habang malawak ang ngiti niya. Kailangan niya ang gano’ng posture para sa magandang customer service. Isa siyang GRO sa bar ng kumupkop sa kaniya. Isa siyang hubadera sa harapan ng mga lalaking audience, minsan nagsasayaw o kung minsan naman ay palipasan ng tawag ng laman ng kanilang mga VIP’s.
Hindi na nakaligtas pa si Selene sa ganitong takbo ng negosyo, una’y walang ibang may gusto na bigyan siya ng trabaho, dahil sa tuwing susubukan niya ang pag-aapply ay palaging may maglalabas ng kaniyang Scandal. Hindi na niya natiis ang gutom kaya bumalik siya sa poder kung saan siya itinuro ni Liset. No’ng una’y hindi niya lubos matanggap na sa pagiging prostitute siya pinapatahak ng kaibigan. Ang address na ibinigay nito ay hindi tugma sa description ng mga tao na madaratnan niya.
Hindi niya maisip kung ba’t ‘yon ginawa ng kaibigan, lalo pa’t pinutol na niya ang ugnayan sa kaniyang mga naiwan sa probinsya. Subalit ng kalaunan ay natanggap na rin niya. Siguro’y hindi man nito lantaran na masabi sa kaniya ay labis siya nitong pinangdidirihan.
Nilakasan na lang niya ang loob sa halos limang taon, walang pamilya, at tanging ang katawan ang pananggalang sa kahirapan ng kaniyang buhay.
“Ano’ng pinagkakaabalahan mo sa buhay?” Pinag-ekis ni Selene ang kaniyang mga hita’t bahagyang dumukwang na animo’y lumalapit ng kaunti sa lalaking kaharap. Sinadya niya ‘yon upang malantad dito ang cleavege niya mula sa malulusog na dibdib. Medyo malakas din ang kaniyang tinig dahil sa sounds na dumadagundong din sa kabuuan ng bar.
“Ah, nagtatrabaho ako bilang Secretary,” sagot nito.
“Secretary ng?”
“Ng boss ng isang kumpaniya,” mahina nitong sagot.
Nanlaki naman ang mga mata ni Selene sa tinuran ng kaniyang ka-table, bahagya pa siyang napakagat sa kaniyang labi na para bang nagustuhan ang impormasyon na ‘yon.
“Bigtime pala ang boss mo, puwede ko naman siguro siyang ma-meet, no?”Ngayon ay tila nanglalandi na ang tono ng boses ni Selene. Gusto niya kasi ang mga amoy mayayaman na customer nila, malaki magbigay ng tip at masar*p sa kama.
Napaigik si Jeriko sa tinuran niya, ngunit ilang saglit lang ay um-oo rin ito. Hindi rin naman kasi hilig ng lalaki ang nagpupunta sa mga bars, kung hindi lang naman nagbigay ng bonus ang boss niya’y hindi naman nito susundin ang pinapagawa sa kaniya. Isa pa’y loyal siya sa kaniyang girlfriend.
“Gusto mo dalhin kita ngayon sa boss ko?” alok ni Jeriko. Hindi naman talaga darating ang amo niya, dahil ang usapan ay si Selene ang kailangan niyang dalhin sa kaniya.
…
“Sige, paderetsuhin mo na siya sa room ko.”
Di na ‘ko sumunod pa kay Jeriko sa bar, masyado na ‘kong exhausted sa trabaho, kaya naman ng malaman na nakuha niya ang loob ni Selene ay agad ko siyang inutusan na magtungo sila sa Condominium Unit ko, cause I need to talk to her, privately.
Matagal na panahon ko siyang hinanap, upang personal na tulungan. Parati akong nanghihingi ng update sa mga kaibigan ko sa dati naming lugar kung may balita ba kay Selene, ang tanging sagot nila ay wala. Sa totoo lang nawalan na rin ako ng pag-asa para magkaharap kami’t makapag-usap ng maayos. I know that scandal brought her so much in pain, na maging ang pamilya nito ay itinakwil na siya.
Kaya naman ng ibalita sa ‘kin ng huling private investigator na inupahan ko na nahanap niya si Selene ay kaagad akong nagbigay ng signal kay Jeriko na tulungan ako to rescue her. Ngunit ang ikinalungkot ko sa nangyari ay ang naging katayuan niya ngayon, naging bayarang babae na siya.
Narinig ko ang pagclick ng seradura ng Condominium door, signal na narito na sila.
Hindi na ako nag-atubili pa na salubungin sila dahil ayoko rin na bigla na lang na maghisterikal si Selene kapag nakita niya ako. Nanatili akong nakatanaw sa labas ng aking lugar, ang mga gusali na mas mababa sa kinapupuwesyuhan ng silid ko ay tila naging mga palamuti sa aking mga mata, kumukuti-kutitap iyon dala ng mga ilaw. Madilim ang labas, maging ang kalahati ng aking receiving area ay madilim din.
Iniipon ko ang mga sasabihin sa harap ng kaawa-awang si Selene, and after I ask for forgiveness I will help her para makapagsimulang muli. A decent job will do, I think.
“Sir, narito na kami.”
Binigyan ko ng instructions si Joker ng mga susunod niyang gagawin na siya rin niyang nakuha, matapos no’n ay dumiretso na siya sa pag-uwi. Nakita ko pang sumenyas siya kay Selene, sa hindi ko mawaring dahilan.
“You may sit down,” alok ko sa kaniya.
…
Inilapag ko ang imitation bag sa malambot na sofa ng maganda at malawak na Condo na pinagdalhan sa ‘kin ni Jeriko. Natuwa ako nang pumayag siya na sa boss na lang niya ako mapunta, without any payment for the favor. Kadalasan kasi ay tinitikman muna nila ako bago isalin sa mayaman nilang kakilala. Well, I am this desperate para makahanap ng maayos na sugar daddy. Medyo nagsasawa na rin ako sa daily routine ng buhay ko, babangon, mag-asikaso, pasok sa work, then makikipag*sex for the money. Paulit-ulit na lang, puwede naman ‘yong may s*ex araw-araw pero ‘wag na kong gumising ng maaga at mag-asikaso ng kakainin. Gusto ko namang maging prinsesa ng isang malaking mansiyon, gano’n!
Ang boka ni Jeriko ay bata pa raw ang amo niya kaya naman mas lalo akong ginanahan.
“Ilang pandesal kaya ang mayro’n siya?” napapangiti ako sa aking sarili, habang kagat ang pang-ibabang labi.
“So, magsisimula na ba tayo?” tanong ko.
Medyo nagtaka lang ako kasi mula pagdating namin ay hindi ko pa rin maaniag ang mukha ng kliyente ko. Kanina pa kasi ro’n nakatingin sa glass window niya kaya naman ako rin ay napadako na rin ang tingin doon.
Wala namang interesting.
Parang shy type pa ata siya, pero ayos lang kasi tunay nga na bata pa ang magiging kasama ko ngayong gabi. Kitang-kita sa tindig nito kahit nakatalikod pa siya na nasa mid-30’s pa lang siya.
At saka mukhang mabango rin, ha.
“Hmm, sige kung busy ka pa okay lang ba kung maki-shower muna ako? Alam mo na, para handa ako para mamaya.”
Napasimangot na lang ako sa muling hindi pagtugon sa kaniya ng lalaki. May kaunting disappointment at takot dahil baka mamaya’y isang pshycopath ang napuntahan ko. “Okay, I’ll take that as a yes, Hahanapin ko na lang din kung nasaan ang shower room. Sige pakalasing ka muna sa alak, para mamaya ay mainit na mainit ka na.”
Seryoso ang naging magpapaalala ko sa kaniya, mas gusto ko ‘yong sabik na sabik na halos lunurin ako sa sarap kapag nakaba*n na ang mahiwagang sandata.
Hindi naglaon ay naramdaman ko ang presko at ginahawa ng malamig na tubig sa aking balat. Nagsabon ako ng maayos sa buong katawan, naghugas ng maayos ng feminine wash at nagpabango ng sandamakmak. Hindi puwedeng sumapit ang umaga na hindi ko makuhang sugar daddy ang bagong kliyente.
Wala akong dalang blower kaya naman inayos ko ang pagpupunas sa tumutulo ko pang buhok. Iginigiya ko ang aking mga paa patungo sa receiving area kung saan ay naroon pa rin ang matipunong lalaki.
“Siguradong gwapo ang isang ‘to,”ngingiti-ngiti ko pang pakikipag-usap sa sarili. “Jackpot!”
Pero ang lahat ng tuwa ko ay biglang naputol ng mapadaan ako sa isang pamilyar na litrato sa isang table na nakadisplay doon sa salas. Iniangat ko pa ‘yon upang masigurado na tama ang hinala ko. Sa pagkagimbal sa nakita ay naibagsak ko pa ang litrato dahilan para mabasag ang pinakaframe niyon at magkalat ang bubog sa may paanan ko. Wala na ‘kong pakialam pa do’n dahil mas nanaig na ang panginginig ng mga kamay ko.
“Selene.”
Ang tanga ko, ba’t hindi ko nakilala ang boses niya ng alukin niya kong maupo kanina? Unti-unti kong iginawi ang aking tingin sa lalaking ngayon ay tinawag ako. Halo-halo ang emosyon na dumadaloy sa dibdib ko ngayon, naro’n ang inis, galit at takot. Napasapo pa ko sa may parte ng puso ko, gusto kong maduwal sa nakakairitang pakiramdam na sumasakop sa sistema ko.
“Ikaw? Ano’ng ginagawa mo rito?” Well, he was the least expected person na willing kong makasalamuha, hindi lang ngayon, maging kahit kailan pa.
“Are you okay?” Hindi niya sinagot ang tanong ko, imbes ay mabilis niya kong dinaluhan, kinabig ang kamay ko’t sinalat kung may naging sugat. Pero dahil sa ibang emosyon ko towards sa kaniya’y kaagad kong binawi ang aking palad.
“Dreyk Sebastian.”
Yes, siya nga, ang ex-fiance3 ni Claire na damay sa kinasangkutan kong s*x scandal noon.
Pero ang mas lalong hindi ko kinapapaniwalaan ay ang babaeng kasama niya sa litrato, si Liset ang demonyita kong matalik na kaibigan.
“Gusto mo ‘kong tulungan for what reason again?” Kanina pa niya pinapaliwanag sa ‘kin ang dahilan niya kung bakit niya ko pinapunta sa Condo niya. Pero dahil sa hindi ako natutuwa sa presensiya niya’y pilit ko rin na isinasantabi ang mga good intention na lumalabas sa bibig nito.“I want you to have a normal life, Selene. Iyon lang, pambawi na rin sa nagawa ko sa ‘yo,” anito. Malumanay ang boses niya, puno ng sinseridad at pagkakalma. Ang mga mata niya’y nagdadala ng kaunting kirot sa puso ko. Para siyang aso na nanghihingi ng pagtapik sa kaniyang ulo.Hindi naman kami gano’n ka close ni Dreyk no’n, minsan ko na siyang nakasama, pero kasama rin si Claire. Sobrang showy niya sa nararamdaman kay Claire, kaya naman sobra-sobra ang tuwa ko ng malaman na magpapakasal na sila. She wanted him to be with her cousin forever, pero dahil din sa kaniya kung bakit hindi na ‘yon nangyari pa.Isa si Dreyk sa mga Ideal men na nabuhay sa mundo, kaya marami ang nagkandarapa rito. Bukod sa mayaman ang
“Bakit kailangan nating magpakasal? Una, ano ang magiging connect no’n sa pagtulong mo sa ‘kin?” Hindi pa rin ako makapaniwala na biglang mag-oopen si Dreyk ng kasal sa gitna ng isang sensitibong usapan. “Pangalawa, ano naman ang mapapala mo sa set-up na gano’n? Balak mo bang pumasok sa magulong mundo, kagaya ko? Nasa itaas ka na Dreyk, ‘wag mo nang pangarapin pa na gumulong ang mundo mo paibaba.” Pinag-ekis ko ang aking mga hita’t prenteng isinandig ang likuran sa malambot na sofa. Nahimasmasan na ako sa emosyong nailabas ko kanina, ngayon ay nasa harapan ko na ang botte ng isang mamahaling alak na sinadya kong hingin kay Dreyk. Nanuyo ang aking lalamunan at wala itong ibang hanap kundi alcohol. “Well, I’ll be frank with you, Selene, no’ng una’y pure help ang intention ko kaya kita pinapahanap. At hanggang ngayon pa rin naman ay gano’n ang gusto ko. Pero kasi, may ilang bagay na gumugulo sa isipan ko simula ng gabi na nagkahiwalay tayo sa Crime scene na ‘yon.” Naitigil ko ang pagl
“Hoy Bruha! Sa’n ka galing kagabi?” “Huh?” “Anong huh? Ano nabingi ka na?” Pangangantiyaw sa kin ng kasamahan ko sa Bar na si Zusie. Panay pa ang pangungurot nito sa may braso ko na labis ko namang ikinairita kaya naman ginantihan ko siya ng tulak. “Bigtime ba ang naging client mo, kaya nakailang rounds pa kayo ha?” “Tigilan mo ko Zue at baka ma-jomag na talaga kita riya,” ani ko rito. “Ano’ng gusto mong dinner mamaya sagot ko na,” pagkuwan ay dugtong ko. “Tignan mo, sabi ko na madatung ‘yong klyente mo eh. Sige, gusto ko ng grilled pork later,” tila kinikilig pa si Zusie na nagsabi. Kumapit siya sa kanang braso ko’t ipinatong ang ulo ro’n. Akala mo naman teenager siya na naglalamabing sa bata rin na jowa nito. “Umayos ka nga!” Napapadyak ito ng pa ng kaniyang paa na, na mamy pag nguso pa. “Oo na, sige basta ikaw ang bahala sa dinner ko. Thank you frenny.””“Ang arte mo, alam mo ba ‘yon?” natawa na rin ako sa naging asal namin. Mas nauna ako kay Zusie na dumating sa bar bila
“This can’t be happening!” Kasabay nang pagsigaw ni Liset ay ang pagbato niya sa mahawakang gamit mula sa receiving area ng kanilang mansiyon. Hindi pa man nagtatagal ang pag-uwi niya mula sa bansa ay isang nakakagimbal na balita na kaagad ang bumungad sa kaniya. Nagngingitngit sa galit ang kalooban niya nang malaman na may kaugnayan pa rin hanggang ngayon si Dreyk kay Selene. Mas lalo pang ikinaputok ng kaniyang butsi ng malamang fiancee ni Selene ang kaniyang kababata.Five years ago ay nagawan na niya nang dahilan para maputol ang ugnayan nila ng babaeng nakaharap kanina, kaya labis niyang ikinagulat na makakasalamuha ulit ito sa ganitong pagkakataon. Kung kailan ay handa na siyang maging asawa ni Patrick ay saka ito babalik at bubuntot sa kanilang anino.“I hate it! I hate this!” pagwawala niya pa.Walang naging maayos na sagot si Dreyk sa kaniya patungkol sa pakikipagrelasyon sa pinsan ng dating nobya nito. Ilang beses silang nagkausap sa telepono ng nasa Amerika pa siya pero w
Magarbong rumampa si Selene sa Red Carpet kasama si Dreyk, ito’y para sa invitation na natanggap ni Dreyk, galing sa isang bussiness tycoon. At dahil sa nasa gano’ng industriya si Dreyk ay kasama ito . Laking tuwa naman ni Selene sa event, napakaganda niyang tignan sa nagkikinang dyamante mula ulo hanggang paa. Bagay na bagay sa kaniyang white slit maxi dress na pinaresan ng black heels. Ang unat niyang buhok ay bahagyang pinakulot ang dulo kaya mas lalo siyang lumabas na elegante sa harapan ng maraming tao. Mayro’n lang konting pag-aalinlangan sa kaniya, hindi siya ganoon kasanay sa maganda at pangsosyal na get-up. “Are you okay?” mahinang tanong sa kaniya ni Dreyk sa kaniyang tabi.Tumango-tango siya na may nakakailang na pagngiti rin.Napakagawapo rin ni Dreyk sa kaniyang postura, simpleng black tie ang suot nito, na halos lahat naman ata ng guest na lalaki ay gano’n ang postura. Kumikinang sa linis ang kaniyang black shoes na mukhang puwede na akong magsalamin doon. His pricey w
“Grabe! Maging ang ina mo ay nauuto rin pala ng Liset na ‘yon, sigurado ‘kong may sinabi siya sa mama mo kaya gano’n na lang ang galit no’n sa ‘kin.” Nasa parking lot na kami ni Dreyk, ngunit hindi muna ako pumasok upang lumanghap ng sariwang hanging. Bigla na lang nag-init ang ulo ko sa hindi magagandang salita na ‘yon ni Mrs. Sebastian, hindi niya ‘ko lubusang kilala para basta na lang pag-isipan ng gano’n. Dapat ay nasa stage kami nang pagkikilanlan sa isa’t-isa, eh. “I’m sorry for my mother’s behavior. Nabigla lang ‘yon sa mga nangyari, don’t worry I promise to talk to her as soon sa possible, okay?” Hinawi Dreyk ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa may mukha ko, inipit iyon sa may tainga. Worried ang inilalabas na ekspresyon ng kaniyang mata, kaya para maibsan ‘yon ay nanahimik ako’t hindi na lang nagbigay pa ng reaksyon. “Sure ka ba talaga sa gusto mong mangyari, Dreyk? Isusugal mo ang relasyon niyo ng mama ko kapag itinuloy mo ‘to. Kung ang pinakagoal mo lang naman ay a
“Grabe! Ang yaman pala talaga ni Dreyk, ano? Tiba-tiba ka na sa kaniya bruha. Uy, ‘wag mo nang pakawalan ang isang ‘yon. Hmm… sige ka baka mapunta pa siya sa akin.” Hindi na naman matabas ang kadaldalan ni Zusie, kakatapos lang naming mamili ng mga bagong damit, sapatos at ilang pampaganda gamit ang card na ibinigay ni Dreyk kagabi. First time kong makagamit ng gano’n, tapos ang pinamili pa ay mga sarili kong gamit kaya lalong mas bongga. Ilang sikat na stores ang pinuntahan namin, as in sobrang dami na ng bitbit naming paperbags. Ayon lang dahil hindi ako nakapahrequest kay Dreyk nang magiging tagabuhat sana ng mga ito. “Hindi ka naman papatulan no’n, bruha ka.” Tinawanan ko si Zusie dahilan upang pabiro niya ako ng tampalin sa may braso ko. “Hmp! Okay lang, for sure makakahanap din ako ng Prince Charming na katulad niya. Manifesting ako.” Natuwa ako lalo sa pagbaby talk niya, kaya naman inaya ko siya na kumain kami ng baka ngayon. Steak ba. “Tingin mo babagay sa ‘kin iton
“Miss Selene, bakit niyo po itinulak si Miss Liset sa pool?” pag-iinterogate sa amin ng Security ng naturang building. Maagap din naman nilang inagapan nang malaglag nga si Liset sa pool, pero hindi ko siya tinulak, nahulog siya, that’s it. Inikot ko lang ang aking eyeballs bilang sagot. Nakatapis na ako ng tuwalya, si Zusie ay nasa likuran ko habang naghihintay sa magiging desisyon kung ano ang dapat na gawin sa eskandalo na nangyari kanina. Kahit kailan talaga ay pahamak ang Liset na ‘to, may pasugod-sugod pa sa ‘kin hindi naman pala kaya ang sarili. “Walanghiya ka talaga, Selene, ano ba kasing balak mo sa pagpasok sa mga buhay namin.” Nanginginig pa ang babaeng ‘to habang halos aputol na ang ugat sa kaniyang leeg sa pagsigaw. Aba! Kasalanan ko pa ngayon? “Bakit kasi lumapit ka sa may pool? Kung hindi ka rin kasi kalahating tanga, ‘di ba?” Mas lalo ko siyang inartehan, mas seksi ako kung tutuusin sa kaniya kaya ‘wag niya ‘kong angasan. Hanggang pagsigaw lang naman ang kaya i
“Love, sorry na-traffic. Tapos ay nagpa-gas pa ako kaya medyo natagalan talaga.” Bumaba si Leon mula sa BMW naming sasakyan. Aligaga siya sa pag-e-explain kung ano ang nangyari all the way here habang ako ay nakangiti lang na nakatitig sa kaniya. Isa rin siya sa super na-miss ko. Sa pag-aalala sa mga nangyari ay hindi ko na nga napigilang hindi mapaluha. Well, I was just overjoyed. “Love, are you okay? Did something happen? Inaway ka ba nila?” “No, no Love, masaya lang ako,” sabi ko sa kaniya. Nakapasok na si Fiel sa loob ng kotse habang kaming ay narito pa sa front door. “Do you missed me?” tanong ni Leon sa akin. Pinunasan niya ang tubig na dumaloy sa aking mukha. Tumango ako. Hindi ko na siya hinayaang magreact pa’t tumingkayad ako ng kaunti upang mahagkan siya sa labi. Nadama ko naman na tumugon ng halik ang mahal ko kaya napapangiti ako habang hinahalikan siya. Leon may not be my first in life, but he will be my last. I promise. I missed you, and I love you.
Flashback. After Selene’s accident. “What are you trying to tell, wife?” The situation was too hard for Dreyk to accept what Selene was saying. She wanted something that would be hard for him to give her. “Ibalik na lang natin kung ano ang dati, bago tayo nagkita ulit at bumalik ako sa ‘yo.” “Are you saying na…” “You have Sera, she needs her mother.” Napatayo si Dreyk sa kaniyang kinauupuan, napasabuhok gamit ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay naitakip niya sa kaniyang bibig. Umayos din naman sa kaniyang pagkakaupo si Selene, gusto niyang mas maintindihan ni Dreyk na ang kapakanan ng bata ang iniisip niya rin. Pero paano nga rin ba niya ipapaliwanag sa asawa na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya sa sitwasyon nila lalo pa’t hindi pa rin nakakabalik ang alaala niya. At ang pinakatotoo sa lahat ay iba ang tinatawag ng puso niya. “But I need you, wife.” “I know, pero ayaw ko na ring magkunwari pa sa harapan mo Dreyk. I can’t remember the tings that we used
“Ready na ba ang lahat?” tanong ni Mrs. Sebastian sa kaniyang mga maids na nagpe-prepare ng venue for her niece, Sera’s 6th birthday party. Sa mansiyon lang ang kanilang handaan para mas malawak at maimbitahan lahat ang kaibigan at kaklase ni Sera. “Mamala,” sigaw ni Sera sabay yakap sa kaniyang mahal na lola. “Thank you po,” dugtong ng bata. “Everything for my princess.” Mrs. Devere Sebastian gave Sera a kiss in the forehead. Sa tabi ng magandang bata ay ang nakababatang kapatid naman niyang si Fiel. “Don’t be naughty, Fiel. Always hold ate Sera’s hand. Oka.” Pagpapaalala ng ginang sa batang lalaki. “Yes, mamala.” Mrs Devera also gave Fiel a kiss just like what she did to Sera. Nagtakbuhan na ulit ang dalawa patungo sa ilang kaibigan ng celebrant. Patapos na rin ang pag-aayos, at ilang sandali na nga lang ay magsisimula na ang event. Lumabas na rin si Dreyk kasama ni Selene at nakipag-usap sa mga bisita. Nagpasalamat ang dalawa sa pagdating nila sa kaarawan ni Sera, nagpahay
Dreyk’s Flashback Memory Isang shot pa para kay Jeriko. Narito kami sa bar, kahahatid ko lang kay Claire sa kanilang bahay. Galing kami sa pag-aasikaso ng kasal namin. Medyo exhausted dahil sa dami ng kailangang asikasuhin, at wala pa kami sa kalahati ng mga kailangan para sa event. “Mukhang pagod na pagod ka ha,” puna ni Jeriko sa akin. Sinalinan niya ako sa aking shot glass. “Oo, nakakapagod pala magpakasal,” sabi ko. Niyaya ko ang aking matalik na kaibigan para naman kahit papaano’y makaramdam ng relaxation ang katawan ko. “Gano’n talaga at ‘yan,” sabi niya pa sa akin. Ikinuwento ko nga saka kung gaano karami ang pinuntahan namin ngayong araw, sumabay pa na tinotoyo si Claire, sabi nito’y may monthly period daw kasi siya, na hindi ko naman maisip kung acceptable reason ba ‘yon. “Tiis lang pre, pagkatapos naman ng kasal niyo’y magiging kampate ka na kay Claire. Matagal niyo na rin namang plano ‘to, ‘di ba? Kasunod ay ikaw na ang magpapatakbo ng Kumpaniya niyo kaya maswerte k
Madudurog na ang kamao ko kakasuntok sa puting pader ng Ospital na pinagdalhan sa mag-ina ko. Maayos ang lagay ni Sera pero hindi ni Selene, ang sabi’y kailangan agad na ma-operahan ang asawa ko sa lalong madaling panahon. Mahigit isang oras na ang lumipas, wala pa ring balita tungkol sa operasyon ng asawa ko. “Dreyk, anak, w-what happened?” humahangos si mom na lumapit sa akin. Siya ang una kong tinawag matapos kong matanggap ang balita tungkol sa nangyari sa asawa ko. “Ang sabing nabundol sila ng kotse mom, Selene save Sera. And then I don’t know…” hindi ko na napigilan pa ang hindi mapaiyak, ngayon lang bumalik ang asawa tapos ay may nangyari pang ganito. Hinaplos ng aking ina ang aking likuran at sinubukan akong pakalmahin, I tried kanina kaso’y ang saklap lang talaga. “Wala pang sinasabi ang Doktor, sa katunayan ay hinihintay ko nga na may lumabas mula sa operating room.” Tumango-tango si Mom. “Okay, so, were is Sera, ang apo ko?” Itunuro ko kay mom kung saan ang silid ng
Ano ba’t kailangan ba akong madamay sa kaso ni Tiffany Andres? Isang pulis ang tumawag sa akin upang sabihin na nagtangkang magpakamatay ang babae habang nasa kulungan. Ang sabi’y kung hindi nga raw naabutan ng ilang kasamahan sa banyo ay baka malamig na bangkay na ito ngayon. At bakit ako rin ang tinawagan nila, bakit hindi na lang si Dreyk? Dalawang Police Officer ang nagbabantay sa silid na okupado ni Tiffany, may malay na siya pagdating ko kaya naman kinausap ko na kaaagd siya. Kailangan ko ring makabalik agad papuntang school para sa mga bata. “Ano ba ang naisip mo’t gusto mong magpakamatay?” Prangka kong tanong sa kaniya. Naupo ako sa may malapit sa kaniya. Nakaupo naman ito habang may nakatusok na aparato sa kaniyang wrist arm. Hindi sumagot si Tifany, tinapunan lang ako nito ng tinging sakka muling tumingin sa labas ng kaniyang bintana. Nag-eemote lang? “So, gusto mo nang magpakamatay?” tanong ko ulit. “Wala kang pakialam.” Napasinghap ako’t tinarayan siya, in
Napatulog ko na sina Fiel at Sera kaya sinumulan ko naman ang aking night routine bago matulog. Maghapon akong nakipaghabulan sa dalawang batang makukulit, sobrang nagkapalagayan ng loob ang dalawa siguro ay dahil sa magkapatid sila. Naayos na rin ang transfer papers ng anak ko for his schooling dito sa Maynila at bukas ay magsisimula na siyang puamsok. Ako ang umako sa paghahatid sa kanila sa eskwela, maaga rin iyon kaya kailangan na maaga rin ako sa pagising. Iba na ang routine ko ngayon, hindi katulad dati na si Leon ang naghahatid at sundo kay Fiel, na kahit na busy ito ay gagawan niya talaga ng paraan. Natigilan ako sa tapat ng salamin nang maalala na naman ang lalaki, hindi na kami nagkausap pang muli, hindi ko rin siya magawang tawagan lalopa’t ako naman ang lumayo sa kaniya. I even asked Liset pero wala rin siyang maibalita sa akin, hindi rin daw sila nagkakausap ng kapatid niya. “Ano na kayang nangyari sa kaniya?’ I asked myself. Ngunit kalaunan ay napailing-iling na ang
I was fine.Or maybe I thought I was fine.Tinunga ko ang isa shot ng brandy, nakauwi na ako sa probinsiya kanina lang pero dito na ako dumiretso sa isang Bar. Gano’n din naman dahil wala akong uuwian sa bahay namin. Umalis ako na kasama ang mag-ina ko pero heto ako’t mag-isa na lang na bumalik. I was a fool.Hindi ko na rin alam kung gaano katagal na akong narito, hangga’t kaya kong lumunok ng alak ay gagawin ko kahit panandalian lang na makalimutan ang pangungulila sa kanila. Sinensyasan ko ang bartender na bigyan pa ulit ako ng isang shot.Medyo nahihilo na ako, pero sige pa.Pumunta ako sa tinitirahan bago ako umuwi, una’y gusto ko lang naman na ibigay sa tunay na asawa nito ang USB na nakuha ko habang nag-iimbestiga sa nangyari kay Selene. I’ve found a concrete evidence to point Tiffany Andres sa mga ginawa niyia. And I am hoping na makatuloy ‘yon para mas matahimik ang buhay nila roon. Good thing na naroon si Fiel, I good say goodbye for the last time for him.I’ve missed my s
“Bitiwan niyo ‘ko sabi eh! Ano ba!”“Aray! Nasasaktan ako!”Matapos kong mapakinggan ang call recording na ibinigay ni Leon ay kaagad kong pinadampot si Tiffany sa Condo na tinutuluyan niya. Ang mga pictures ang naging ebidensiya na siya ang maysala sa pagkakakidnap kay Selene four years ago na siyang naging dahilan din kung bakit siya nagah*sa sa ikalawang pagkakataon. Iyon lang ang maisasampa ko sa kaniya, hindi na nakasama iyong pang-nine years ago dahil wala kaming makuhang ebidensiya laban sa kaniya.“Hey! Ano ba!”“Pasensiya na kayo, ma’am. Pero kailangan niyo talagang sumama sa amin sa presinto, nakita niyo na naman ang warrant hindi ho ba?” Hindi ako tuluyang pumasok sa loob, nanatili lang ako sa labas dahil panigurado na didikit lang sa akin si Tiffany kapag nagkataon. Nasabi ko rin ito sa asawa ko’t wala naman naging kaso sa kaniya. Hinayaan niya akong kumilos para sa ganitong mga sitwasyon. Ang sabi pa nga niyang hindi naman daw na kailangan pa ang may makulong, past is pa