Share

Meeting my Dev*lish Friend.

“Hoy Bruha! Sa’n ka galing kagabi?” 

“Huh?”

“Anong huh? Ano nabingi ka na?” Pangangantiyaw sa kin ng kasamahan ko sa Bar na si Zusie. Panay pa ang pangungurot nito sa may braso ko na labis ko namang ikinairita kaya naman ginantihan ko siya ng tulak.

“Bigtime ba ang naging client mo, kaya nakailang rounds pa kayo ha?”

“Tigilan mo ko Zue at baka ma-jomag  na talaga kita riya,” ani ko rito. “Ano’ng gusto mong dinner mamaya sagot ko na,” pagkuwan ay dugtong ko.

“Tignan mo, sabi ko na madatung ‘yong klyente mo eh. Sige, gusto ko ng grilled pork later,” tila kinikilig pa si Zusie na nagsabi. Kumapit siya sa kanang braso ko’t ipinatong ang ulo ro’n. Akala mo naman teenager siya na naglalamabing sa bata rin na jowa nito.

“Umayos ka nga!”

Napapadyak ito ng pa ng kaniyang paa na, na mamy pag nguso pa. “Oo na, sige basta ikaw ang bahala sa dinner ko. Thank you frenny.””

“Ang arte mo, alam mo ba ‘yon?” natawa na rin ako sa naging asal namin. 

Mas nauna ako kay Zusie na dumating sa bar bilang GRO, sa katunayan ay para na nga ko siyang nakababatang kapatid eh. Siya ang naging karamay ko sa mga panahong nag-iisa ‘ko, naging kaibigan at kakampi sa mga hamon ng buhay. Bente dos anyos lang siya, habang ako naman ay bente singko na. 

Ngunit natigil ang paghaharutan naming dalawa ng biglang sumulpot si Karen, isa rin naming kasamahan sa bar. Pinapatawag daw kami ni Boss, dahil may ipag-uutos ito. Nakakatamad man dahil gusto ko sanang  magpahinga dahil sobra akong napagod kagabi pero wala naman akong magawa. 

“Ano ba naman ‘to si Boss, ba’t tao pa ang inutusan niyang bumili ng ganito? Ano bang alam natin sa gusto niyang briefs? Eww…” 

“‘Wag ka na ngang maarte riyan, maghanap ka na lang nang tingin mo’y babagay sa kaniya. Kaysa naman mabungangaan pa tayo no’n,” pagpapaalala ni Selene sa kaibigan. Bigla lang sumagi sa isipan niya ‘yong panahon na inutusan din sila niti pero mali ang  naiuuwi nila kaya ang ending naparusahan lang sila, tig-isang sampal lang naman na medyo may kalakasan at kabigatan ng kamay.

“Mas maalam si Manager sa mga ganito eh, parehas silang may l*awit dapat siya na lang ang nagpunta rito. Ang lamig-lamiig kaya sa Mall.” pinagsalikop pa ni Zusie ang kaniyang mg braso bilang pagprotesta sa hara ng kaibigan niya. Pero ilang saglit pa’y muli itong nagtanong na kung bakit nga raw ba hindi sila sa tiyangge namili. 

“Mas okay na dito, at least hindi tayo makikipagsiksikan, at isa pa gusto kong bumili ng bagong undies, ‘yong maganda at medyo sosyal naman, hindi puro tiyange. Kaya mamili ka na rin ng sa ‘yo kung ayaw mong magbago pa ang isip ko.”

Halos tumalon sa tuwa si Zusie sa pahayag  na ‘yon ni Selene, matapos niyang yakapin ang mabait na kaibigan ay dali-dali siyang nagtungo sa ladies wear upang mamili ng kaniyang gusto. Pagkakataon na niya para magkaro’n ng bagong undies, ng libre.

Natahimik na ang mundo ni Selene ng nagpakalayo-layo sa kaniya ang kaibigan, naiguhit na lang niya ang isang matamis na ngiti sa labi ng matanaw na masaya ito, kapag gano’n ay sobrang saya na rin niya.

Nag-ikot-ikot pa nga muna si Selene sa ibang parte ng mall, nagtingin siya ng mga salamin sa mata, ilang sandalyas at sexy dresses, pero wala naman siyang natipuhan man lang. Ang tanging laman ng basket niya ay ang pinapabiling underwear ng boss niya at ang napilini niyang anim na pirasong undies at may dalawang t-bak para sa kaniya. Nagpalinga-linga siya upang hanapin si Zusie pero hindi niya nakita ‘to, kaya naman gumawi pa siya sa damitan kung nasaan ang ilang mamahaling pangmayamang damit. Tiyak naman siya sa sarili niyang wala siyang mabibili sa section na ‘yon pero hindi rin naman siguro masama ang magwindow shopping kahit ngayon lang.

Halos lahat ng damit ay magaganda sa mga mata ni Selene, pero may isa pa rin na naging bukod tangi na kahit malayo pa siya’y nagustuhan na niya ‘yon. Abot langit ang ngiti niyang nilapitan ang nakadisplay na black bodycon dress. Ngunit laking gulat niya ng isang kamay pa ang humawak din dito. 

Dalawa siyang parehong may magandang dress taste.

Pero ang mas hindi niya inaasahan ay kung sino ang taong iyon.

“Baka pumayag  na siya sa gusto mo, kaya gusto niyang makipagkita ngayon,” casual na tugon ni Jeriko sa kanina pa itinatanong ng kaniyang boss. 

“Tingin mo?” 

“Hmm. Gano’n naman ang mga babae kapag may gusto, sa una ay aayaw pa kahit gusto naman talaga nila. Pero kapag hindi na nakatiis ay magpapalambing na,” ani pa ng lalaking sekretarya kay Dreyk. Nasa backseat siya ng magarang sasakyan habang nakatutok ang mga mata ni Jeriko sa daan, ngunit kahit gano’n ay alerto ito sa bawat sinasabi ng kaniyang amo.

“Okay, so dapat siguro ay makapili na ‘ko ng singsing na babagay sa kaniya,” nakagat ni Dreyk ang puno ng kaniiyang hintuturo nang nakakunot ang noo. “Mamaya rin ay pupunta tayo kay Lance, ang kompaniya niya ang may pinakamagandang pagawaan ng mga singsing.

“Okay, sige.” 

Hindi nagkakalayo ang edad nina Dreyk at Jeriko, sa katunayan ay magkakilala naman sila bago pa naging mag amo ang relasyon nila. Si Jeriko ay anak ng dating kasosyo ng ama ni Dreyk, ngunit dahil sa isang aksidente ay ang lalaki na lang ang nakasurvive sa pamilya nila. At sa kasamaang palad pa’y hindi nito nakuha ang pagmamaneobra sa negosyo ng ama. Kinamkam lahat ng kaniyang tiyahan ang dapat ay sa kaniya dahil sa naman ang anak. Kaya simula no’n ay kinupkop ng pamilya Sebastian si Jeriko, ngunit dahil din sa mataas na paninindigan para sa sarili ay hindi niya binalak na abusuhin ang kabaitan ng pamilya. Imbes ay inalok niya na maging bodyguard ni Dreyk, at nang makagraduate sila sa Kolehiyo ay naging sekretarya na siya nito.

‘Yon ang naisip niyang paraan para at least ay mabayaran ang pagpapakain at pagpapa-aral sa kaniya.

Halos trenta minuto rin ang inabot bago tuluyang nakarating sina Dreyk sa cafe shop na itinext sa kaniya ni Selene. Good thing na nakuha nito ng mas maaga nag numero niya, dahil nang magising siya kinaumagahan matapos ang mainit nilang gabi ay nawala na ito sa kaniyang Condo unit. Alam niya kung sa’n ‘to mahahanap kaso’y ayaw din naman niya na basta manghimasok sa kaniyang private life. Hinintay talaga niya na ito ang kumontak sa kaniya at kusang loob na um-oo sa kaniyang alok.

Inilinga ni Dreyk ang kaniyang mga mata paikot ng Cafe. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay limang lamesa ang layo ng kinaroroonan ni Selene. Nakaharap ito sa kaniya kaya naman ng makita siya nito’y isang masiglang pagkaway ang kaniyang natanggap. Ngunit ang mas nakapagtataka sa babae ay ang malawak na pagngiti nito sa kaniya. 

Nangunot ang noo ni Dreyk, sabay ang bahagyang pag-ayos niya sa kaniyang necktie habang marahang in-strecth ang kaniyang leeg pakaliwa’t kanan.

Subalit tila hindi nag-iisa si Selene dahil may babae na kasama ito, nakatalikod sa kanyang gawi kaya naman hindi niya alam kung sino ‘yon. Maliban sa mahaba nitong buhok at kulay pulang suot ay wala na siyang ibang mai-distinguish sa kasama nito.

“Ba’t naman ang tagal mo, honey?” 

“Huh?” walang boses na naisagot ni Dreyk, na tanging ang kilay lang nito ang para bang sumagot ng maayos sa ekspresyon na nagawa niya sa pagsalubong  nito sa kaniya.

Nasa tapat na si Dreyk ng lamesang okupado nina Selene, at tanging ito lang ang nagbigay ng atensiyon sa kaniya, tila walang pake ang kasama nito sa kaniyang presensiya. Pagkuway tumayo si Selene at saka kumapit sa kaniyang braso, naglalambing.

“What’s happening?” bulong nito sa kaniyang tainga.

“Makisabay ka na lang,” pabulong din na sagot ni Selene kay Dreyk. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakakapit sa kaniya.

“Kumusta ang work? Sorry ha kung naistorbo kita, honey. Heto kasing old friend ko kinukulit ako kung sino raw ang boyfriend ko ngayon. Eh sinabi ko naman siya na wala na ‘kong boyfriend, kasi fiancee na ang mayro’n ako. Di ba honey? Malapit na tayong magpakasal?” Medyo may kalakasan ang boses ni Selene na para bang gusto niyang iparinig sa lahat na totoo ang sinsabi niya. May pagtitig pa siya kay Dreyk nang nagkangiti, pero ang kamay nito ay pa-unti-unting kumukurot sa balat ni Dreyk kaya naman bahagya siyang napapaigtad. 

“Ah, oo, tama.”

“Halika, upo ka honey para maipakilala kita kay Liset.”

Hinila ni Selene si Dreyk paupo sa tabi niya, na siya rin namang sinunod ng lalaki.

“Liset?”

Ang kaninang walang pakialam na babae na nakaekis pa ang mga binti ay nakapagreact na sa wakas. Hindi niya akalain na sa cafe na ‘yon makikita si Dreyk.

“Dreyk? What are you doing here? Don’t tell me-”

“Hey, ‘wag mong sigawan ang fiancee ko Liset kung ayaw mong masabunutan kita nang wala sa oras. Anyway, magkakilala ba kayo?”

“Shut up!” tuon niya kay Selene. “Dreyk! What is this?” 

Sa tono niya’y konti na lang ay mapuputol na ang koneksyon ng kaniyang mga ugat sa leeg. Nanlalaki ang mga mata nito, habang matapang na kagat ang pang-ibabang labi niya. Nakakuyom na ang mga kamay ni Liset, puwersadong nakapatong sa lamesa.

“Liset, kailan ka pa nakauwi?” ‘Yon anng naging sagot ni Dreyk sa sunod-sunod nitong tanong.

“That’s not what I’m asking you, Dreyk.”

Nakatitig lang si Selene sa usapan ng mga ito, pero sa likod ng kaniyang inosenten ekspresyon ay gusto niyang humalakhak sa nakapaepic na reaksyon ng dating kaibigan na nagtulak sa kaniya na maging bugaw sa Maynila. 

Kung tinulungan ang siya niya sa mabuting  paraan ay baka isang mahigpit na yakap pa ang isinalubong niya rito, imbes na pang-iinis.

“Well…”

“Hindi ka talaga naniniwala sa sinabi ko dear friiend? Gaya nang hindi mo pagtiwala sa sinabi ko no’n na wala naman akong kasalanan talaga sa nangyari. Na imbes na tulungan mo ko’y sakit sa damdamin lang ang ibinigay mo sa akin. Pero sige, alam ko naman na mas mataas naman talaga ang comprehension ko kaysa sa’yo, kaya nga parati ka lang sunod sa ‘kin pagdating sa grades, hindi ba?” Nilubos-lubos na ni Selene ang oras na ‘yon, kulang pa nga para sa kaniya eh. Gusto niya pang sabunutan ang babae.

“Dreyk, this is Liset. Liset, this is Dreyk Sebastian, my handsome, hot, and Billionaire fiancee.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status