Hindi ko rin naman gusto na puntahan pa si Dreyk matapos ng lahat, oo, pinadalhan ko siya ng imbitasyon sa kasal ko, pero ‘yon ay dahil sa mga magulang niya. Ayaw kong malungkot ang mga ito, lalo na si tita. Ngunit ngayon ay para bang nilulunok ko ang lahat ng mga sinabi ko na puputulin ko na nang tuluyan ang ugnayan sa kaniya, kanina habang naghahanda ako sa pag-alis namin ni Patrick para sa honeymoon namin sa France ay nagulat ako sa isang package na narecive ko. May lamang pictures iyon na kuha sa insidente, five years ago. Kung saan ay kumuha nga ako ng mga tao para kidnapin si Selene at kuhaan siya ng video. “Liset?” Kunot ang noo na bungad niya sa akin. Kasama niya sa loob ng malawak niyang Opisina si Jeriko kaya medyo napaatras ako. Makikipag-usap pa ba ako sa kaniya? “Ano’ng ginagawa mo rito, Liset?” si Jeriko naman ang nagtanong. Na estatwa ako sa aking kinatatayuan pero mas tinatagan ko ang aking loob para matapos na ito. “Mag-usap tayo.” “For what? At sino ang nagpapa
Gusto ko nang dumiretso sa Opisina ni Dreyk ngunit ang isip ko ay nakikipagtalo pa rin na kay Liset pumunta. Sa kaniya ko gustong malaman kung ano ang pakay niya sa asawa ko. Kaya naman bago pa ito makapasok sa elevator ay hinabol ko na agad siya. “Liset.” Taas kilay siyang tumugon sa pagtawag ko sa kaniya, na akala mo naman ay labis niyang ikinaganda ‘yon. “Naayos mo na ang problema mo sa asawa ko?” deretsahan kong tanong sa kaniya. Hindi naman ito kaagad nakasagot, napatuon muna siya sa pagbukas ng elevator sa harapan namin. “Bakit gusto mong malaman. Kung interesado ka, ba’t di mo direktang itanong sa asawa mo?” Medyo nanggigil ako sa sagot niyang ‘yon, kahit hanggang ngayon ay nakikipagmatigasan pa rin siya sa akin. Bakit hindi na lang niya i-point out kung ano nga ba ang labis na ikinapuputok ng butsi niya sa akin? Sa umpisa naman ay siya ang may kasalanan sa akin. “Sa sobrang aggresive mo kanina na makapasok dito, na halos lumuhod ka na sa mga gwardiya na mukhang sobrang
Napapatunganga na nga lang ako sa bawat sinasabi at ikinikilos ng mama ni Dreyk, para kasi itong ibang tao ngayon. Simula pagkarating ko’y hindi pa niya ako nagagawang tarayan o di kayang maliitin sa mga bagay na maiisipan na lang niya. Halos lahat ng ipinapakita nito ay good sides. “Hmm. The best talaga ang menudo mo ma.” Puna ni Dreyk sa isa sa naging putahe sa hapag. Hindi ako masyadong umiimik sa usapan nila habang nasa harapan ng pagkain, ang topic kasi ng dalawang lalaki ay tungkol sa business paminsan-minsan ay sumusingit ang mama ni Dreyk sa usapan. Ako na wala naman alam sa gano’ng takbo sa buhay ay tumutok na lang sa pagkain. Tinikman ko nga rin ang menudo, and infairness ay masarap nga. “Masarap ba Selene?” Nabilaukan pa nga ako ng magtanong si Mrs. Sebastian kung naging masarap naman daw ba ang luto niya. And take note, in a nice tone pa niya ako in-approach. “Oh, wife, are you okay?” Iniabot ni Dreyk ang isang basong tubig sa akin. “Ahh, oo, ayos lang.” “Naku, m
“Hubby, ano’ng napansin mo sa mama mo kanina?” Nasa kotse na kami pauwi sa bahay, malapit na ring dumilim at tumila na rin sa wakas ang ragasang ulan kanina. Napatanong nga ako sa asawa ko dahil sa kakaibang mga kilos ng mama niya kanina. May pagbigay pa nga ng kuwintas ang lola mo sa akin, medyo nakakatakot pero kinuha ko na rin. “Hmm. Wala naman, Wife? Bakit?” “Grabe, hindi mo man lang napansin ang pakikitungo sa akin ng mama mo? Hindi siya galit hubby? Hindi siya nagtataray at nagsasabi ng kung ano-ano kanina. Akala ko nga’y nasa ibang dimension ako ng mundo sa nangyari eh.” Natawa nga naman si Dreyk sa pahayag ko na ‘yon, he must admit it na may kakaiba talaga sa mama niya. “Pabayaan mo na lang, baka biglang narealize ni mom na wala naman patutunguhan kung kukuwestyonin niya pa ang mga kilos ko. Lalo pa’t kasal na tayo, they should accept t now.” Nakatutok nga lang ang paningin ni Dreyk sa daan, ngunit ang isang kamay nito ay nakadaop sa kamay kong nakapatong naman sa may la
“Hubby…” Nataranta ako sa pagsigaw na iyon ni Selene, akala ko’y may sunog na sa mala-sirene niyang boses. Patakbo ko siyang tinungo sa silid namin, kamuntik ko na ngang mabitiwan ang frying pan na hawa ko ng oras na ‘yon. “Ano ba ‘yon? Nasaan ang sunog?” tanong ko sa kaniya. “Sunog? Wala naman.” Nailaylay ko ang aking mga balikat sa sinabi niya. “So bakit ka sumisigaw diyan?” “Heto kasi tignan mo.” Lumapit ang aking asawa sa akin at itinapat ang cellphone screen sa aking mukha. “Basahin mo.” Ah, okay, so ‘yon lang isinisigaw niya? Dahil sa text message ng mama ko? “Tignan mo naman ang mama mo, ano bang nakain niya Hubby? Inaalok niya akong lumabas kami? Bonding-bonding, gano’n?” Mukhang stress ang asawa ko ha. Napangiti naman ako sa naging ekspresyon niya, hindi niya kasi talaga lubos akalain na biglang mag-iiba ang pakikitungo sa kaniya ni Mom. “Ayan lang naman pala, hindi ba ako na nga ang nagsabi sa ‘yo na lumabas kayo, magshopping. Ako na ang bahala sa magagastos niyo
“Dreyk, kailangan nating umalis.” Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Jeriko. Aalis? At saan naman kami pupunta, ngayong nasa gitna ako ng pagtatrabaho. Ilang oras na lang ay may meeting pa ako with some investors kaya hindi maaaring umalis. Kung ang pagsama nga sa asawa ko sa mall ay hindi ko na nagawa, eh. “What are you, talking about?” “Tiffany is in Hospital, masyadong maselan ang pagbubuntis niya Dreyk. Dinugo na naman siya,” puno nga ng pagkataranta ang boses ni Jeriko, desperadong-desperado itong makaalis ora mismo. “What?” maging ako ay napatayo na rin sa kinauupuan ako. I was shocked, and there is something inside me na kinabahan sa balita niyang ‘yon. “What are we gonna do? Maraming nakaline up na kailangang matapos ngayong araw! F*ck!” Napasapo ako sa buhok ko, thinking a solution.“Puwede bang mauna na lang ako? Sumunod ka kapag kaya mo na?” suhestiyon ni Jeriko sa akin.“Yeah sure, much better. SIge na, umalis ka na. Balitaan mo ‘ko kung ano’ng nangyari.”I can’t
Sinubukan kong tawagan si Dreyk habang nasa daan kami pauwi ng bahay. Sa mall na kami mismo naghiwalay ni mama matapos ang malakasang paglalakwatsa namin. Hindi pa naman tuluyang gabi pero may kadiliman na ang kalangitan. “Sobrang saya ko ngayong araw.” ani ko sa sarili. May driver ako kaya hindi naging mahirap ang pag-uwi sa bahay, ngunit wala pa si Dreyk doon. Napasimangot ako dahil kanina pa nga ito hindi sumasagot sa mga tawag ko sa kaniya. “Sobrang busy kaya niya?” “Ah! Si Jeriko na lang ang tatawagan ko.” Sinubukan ko nga, ngunit kahit ito ay hindi rin sumasagot. “Baka busy nga talaga, ang mabuti pa ay i-surprise ko siya. Ano ba ang magandang iluto ngayon?” Nagpatulong ako sa aming maid kung ano ang masarap na lutuin, magpapaturo na rin ako kung papaano. Namili nga ako sa guide book ba iniabot sa akin ni Manang Amelia at ang napili ko ay roasted shrimp at kare-kare. Ang sabi niya’y medyo mahaba ang proseso ng pagluluto no’n, pero ayos lang, kung para naman sa taong mahal
“Sa’n ka galing?” Nagulat ako sa naging bungad sa akin ni Selene pagkapasok ko pa lang sa bahay. Nakasalikop ang mga kamay niya, habang ang isang paa ay panay ang paglikha ng tunog sa tiles naming sahig. Walang positive expression sa kaniyang mukha, salubong ang mga kilay nito habang kagat ang kaniyang pang-ibabang labi. Napa-tss ako sa kadahilanang hindi ko pa alam kung ano ang irarason talaga sa kaniya. Mukhang hindi naman siya naniwala sa rason na ibinigay ni Jeriko kagabi, malas lang kasi’y sa sobrang pagmamadali ko’y naiwan ko pa ang cellphone sa Opisina. Alam ko kung saan nanggagaling ang galit niya ngayon, kung sanang nakapagtext o tawag man lang sana ako’y tapos ang problema ko ngayon. “Tinatanong kita Dreyk, saan ka galing?” Mas lalong dumiin ang boses niya. “I’m sorry wife kung hindi ako nakapagpaalam sa ‘yo,’ naglakad ako papalapit sa kaniya, sinubukan ko siyagng hawakan pero sadyang nagiging mailap siya sa akin ngayon. Panay ang iwas niya sa kahit na ano’ng pilit ko p
“Love, sorry na-traffic. Tapos ay nagpa-gas pa ako kaya medyo natagalan talaga.” Bumaba si Leon mula sa BMW naming sasakyan. Aligaga siya sa pag-e-explain kung ano ang nangyari all the way here habang ako ay nakangiti lang na nakatitig sa kaniya. Isa rin siya sa super na-miss ko. Sa pag-aalala sa mga nangyari ay hindi ko na nga napigilang hindi mapaluha. Well, I was just overjoyed. “Love, are you okay? Did something happen? Inaway ka ba nila?” “No, no Love, masaya lang ako,” sabi ko sa kaniya. Nakapasok na si Fiel sa loob ng kotse habang kaming ay narito pa sa front door. “Do you missed me?” tanong ni Leon sa akin. Pinunasan niya ang tubig na dumaloy sa aking mukha. Tumango ako. Hindi ko na siya hinayaang magreact pa’t tumingkayad ako ng kaunti upang mahagkan siya sa labi. Nadama ko naman na tumugon ng halik ang mahal ko kaya napapangiti ako habang hinahalikan siya. Leon may not be my first in life, but he will be my last. I promise. I missed you, and I love you.
Flashback. After Selene’s accident. “What are you trying to tell, wife?” The situation was too hard for Dreyk to accept what Selene was saying. She wanted something that would be hard for him to give her. “Ibalik na lang natin kung ano ang dati, bago tayo nagkita ulit at bumalik ako sa ‘yo.” “Are you saying na…” “You have Sera, she needs her mother.” Napatayo si Dreyk sa kaniyang kinauupuan, napasabuhok gamit ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay naitakip niya sa kaniyang bibig. Umayos din naman sa kaniyang pagkakaupo si Selene, gusto niyang mas maintindihan ni Dreyk na ang kapakanan ng bata ang iniisip niya rin. Pero paano nga rin ba niya ipapaliwanag sa asawa na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya sa sitwasyon nila lalo pa’t hindi pa rin nakakabalik ang alaala niya. At ang pinakatotoo sa lahat ay iba ang tinatawag ng puso niya. “But I need you, wife.” “I know, pero ayaw ko na ring magkunwari pa sa harapan mo Dreyk. I can’t remember the tings that we used
“Ready na ba ang lahat?” tanong ni Mrs. Sebastian sa kaniyang mga maids na nagpe-prepare ng venue for her niece, Sera’s 6th birthday party. Sa mansiyon lang ang kanilang handaan para mas malawak at maimbitahan lahat ang kaibigan at kaklase ni Sera. “Mamala,” sigaw ni Sera sabay yakap sa kaniyang mahal na lola. “Thank you po,” dugtong ng bata. “Everything for my princess.” Mrs. Devere Sebastian gave Sera a kiss in the forehead. Sa tabi ng magandang bata ay ang nakababatang kapatid naman niyang si Fiel. “Don’t be naughty, Fiel. Always hold ate Sera’s hand. Oka.” Pagpapaalala ng ginang sa batang lalaki. “Yes, mamala.” Mrs Devera also gave Fiel a kiss just like what she did to Sera. Nagtakbuhan na ulit ang dalawa patungo sa ilang kaibigan ng celebrant. Patapos na rin ang pag-aayos, at ilang sandali na nga lang ay magsisimula na ang event. Lumabas na rin si Dreyk kasama ni Selene at nakipag-usap sa mga bisita. Nagpasalamat ang dalawa sa pagdating nila sa kaarawan ni Sera, nagpahay
Dreyk’s Flashback Memory Isang shot pa para kay Jeriko. Narito kami sa bar, kahahatid ko lang kay Claire sa kanilang bahay. Galing kami sa pag-aasikaso ng kasal namin. Medyo exhausted dahil sa dami ng kailangang asikasuhin, at wala pa kami sa kalahati ng mga kailangan para sa event. “Mukhang pagod na pagod ka ha,” puna ni Jeriko sa akin. Sinalinan niya ako sa aking shot glass. “Oo, nakakapagod pala magpakasal,” sabi ko. Niyaya ko ang aking matalik na kaibigan para naman kahit papaano’y makaramdam ng relaxation ang katawan ko. “Gano’n talaga at ‘yan,” sabi niya pa sa akin. Ikinuwento ko nga saka kung gaano karami ang pinuntahan namin ngayong araw, sumabay pa na tinotoyo si Claire, sabi nito’y may monthly period daw kasi siya, na hindi ko naman maisip kung acceptable reason ba ‘yon. “Tiis lang pre, pagkatapos naman ng kasal niyo’y magiging kampate ka na kay Claire. Matagal niyo na rin namang plano ‘to, ‘di ba? Kasunod ay ikaw na ang magpapatakbo ng Kumpaniya niyo kaya maswerte k
Madudurog na ang kamao ko kakasuntok sa puting pader ng Ospital na pinagdalhan sa mag-ina ko. Maayos ang lagay ni Sera pero hindi ni Selene, ang sabi’y kailangan agad na ma-operahan ang asawa ko sa lalong madaling panahon. Mahigit isang oras na ang lumipas, wala pa ring balita tungkol sa operasyon ng asawa ko. “Dreyk, anak, w-what happened?” humahangos si mom na lumapit sa akin. Siya ang una kong tinawag matapos kong matanggap ang balita tungkol sa nangyari sa asawa ko. “Ang sabing nabundol sila ng kotse mom, Selene save Sera. And then I don’t know…” hindi ko na napigilan pa ang hindi mapaiyak, ngayon lang bumalik ang asawa tapos ay may nangyari pang ganito. Hinaplos ng aking ina ang aking likuran at sinubukan akong pakalmahin, I tried kanina kaso’y ang saklap lang talaga. “Wala pang sinasabi ang Doktor, sa katunayan ay hinihintay ko nga na may lumabas mula sa operating room.” Tumango-tango si Mom. “Okay, so, were is Sera, ang apo ko?” Itunuro ko kay mom kung saan ang silid ng
Ano ba’t kailangan ba akong madamay sa kaso ni Tiffany Andres? Isang pulis ang tumawag sa akin upang sabihin na nagtangkang magpakamatay ang babae habang nasa kulungan. Ang sabi’y kung hindi nga raw naabutan ng ilang kasamahan sa banyo ay baka malamig na bangkay na ito ngayon. At bakit ako rin ang tinawagan nila, bakit hindi na lang si Dreyk? Dalawang Police Officer ang nagbabantay sa silid na okupado ni Tiffany, may malay na siya pagdating ko kaya naman kinausap ko na kaaagd siya. Kailangan ko ring makabalik agad papuntang school para sa mga bata. “Ano ba ang naisip mo’t gusto mong magpakamatay?” Prangka kong tanong sa kaniya. Naupo ako sa may malapit sa kaniya. Nakaupo naman ito habang may nakatusok na aparato sa kaniyang wrist arm. Hindi sumagot si Tifany, tinapunan lang ako nito ng tinging sakka muling tumingin sa labas ng kaniyang bintana. Nag-eemote lang? “So, gusto mo nang magpakamatay?” tanong ko ulit. “Wala kang pakialam.” Napasinghap ako’t tinarayan siya, in
Napatulog ko na sina Fiel at Sera kaya sinumulan ko naman ang aking night routine bago matulog. Maghapon akong nakipaghabulan sa dalawang batang makukulit, sobrang nagkapalagayan ng loob ang dalawa siguro ay dahil sa magkapatid sila. Naayos na rin ang transfer papers ng anak ko for his schooling dito sa Maynila at bukas ay magsisimula na siyang puamsok. Ako ang umako sa paghahatid sa kanila sa eskwela, maaga rin iyon kaya kailangan na maaga rin ako sa pagising. Iba na ang routine ko ngayon, hindi katulad dati na si Leon ang naghahatid at sundo kay Fiel, na kahit na busy ito ay gagawan niya talaga ng paraan. Natigilan ako sa tapat ng salamin nang maalala na naman ang lalaki, hindi na kami nagkausap pang muli, hindi ko rin siya magawang tawagan lalopa’t ako naman ang lumayo sa kaniya. I even asked Liset pero wala rin siyang maibalita sa akin, hindi rin daw sila nagkakausap ng kapatid niya. “Ano na kayang nangyari sa kaniya?’ I asked myself. Ngunit kalaunan ay napailing-iling na ang
I was fine.Or maybe I thought I was fine.Tinunga ko ang isa shot ng brandy, nakauwi na ako sa probinsiya kanina lang pero dito na ako dumiretso sa isang Bar. Gano’n din naman dahil wala akong uuwian sa bahay namin. Umalis ako na kasama ang mag-ina ko pero heto ako’t mag-isa na lang na bumalik. I was a fool.Hindi ko na rin alam kung gaano katagal na akong narito, hangga’t kaya kong lumunok ng alak ay gagawin ko kahit panandalian lang na makalimutan ang pangungulila sa kanila. Sinensyasan ko ang bartender na bigyan pa ulit ako ng isang shot.Medyo nahihilo na ako, pero sige pa.Pumunta ako sa tinitirahan bago ako umuwi, una’y gusto ko lang naman na ibigay sa tunay na asawa nito ang USB na nakuha ko habang nag-iimbestiga sa nangyari kay Selene. I’ve found a concrete evidence to point Tiffany Andres sa mga ginawa niyia. And I am hoping na makatuloy ‘yon para mas matahimik ang buhay nila roon. Good thing na naroon si Fiel, I good say goodbye for the last time for him.I’ve missed my s
“Bitiwan niyo ‘ko sabi eh! Ano ba!”“Aray! Nasasaktan ako!”Matapos kong mapakinggan ang call recording na ibinigay ni Leon ay kaagad kong pinadampot si Tiffany sa Condo na tinutuluyan niya. Ang mga pictures ang naging ebidensiya na siya ang maysala sa pagkakakidnap kay Selene four years ago na siyang naging dahilan din kung bakit siya nagah*sa sa ikalawang pagkakataon. Iyon lang ang maisasampa ko sa kaniya, hindi na nakasama iyong pang-nine years ago dahil wala kaming makuhang ebidensiya laban sa kaniya.“Hey! Ano ba!”“Pasensiya na kayo, ma’am. Pero kailangan niyo talagang sumama sa amin sa presinto, nakita niyo na naman ang warrant hindi ho ba?” Hindi ako tuluyang pumasok sa loob, nanatili lang ako sa labas dahil panigurado na didikit lang sa akin si Tiffany kapag nagkataon. Nasabi ko rin ito sa asawa ko’t wala naman naging kaso sa kaniya. Hinayaan niya akong kumilos para sa ganitong mga sitwasyon. Ang sabi pa nga niyang hindi naman daw na kailangan pa ang may makulong, past is pa