“Hubby…” Nataranta ako sa pagsigaw na iyon ni Selene, akala ko’y may sunog na sa mala-sirene niyang boses. Patakbo ko siyang tinungo sa silid namin, kamuntik ko na ngang mabitiwan ang frying pan na hawa ko ng oras na ‘yon. “Ano ba ‘yon? Nasaan ang sunog?” tanong ko sa kaniya. “Sunog? Wala naman.” Nailaylay ko ang aking mga balikat sa sinabi niya. “So bakit ka sumisigaw diyan?” “Heto kasi tignan mo.” Lumapit ang aking asawa sa akin at itinapat ang cellphone screen sa aking mukha. “Basahin mo.” Ah, okay, so ‘yon lang isinisigaw niya? Dahil sa text message ng mama ko? “Tignan mo naman ang mama mo, ano bang nakain niya Hubby? Inaalok niya akong lumabas kami? Bonding-bonding, gano’n?” Mukhang stress ang asawa ko ha. Napangiti naman ako sa naging ekspresyon niya, hindi niya kasi talaga lubos akalain na biglang mag-iiba ang pakikitungo sa kaniya ni Mom. “Ayan lang naman pala, hindi ba ako na nga ang nagsabi sa ‘yo na lumabas kayo, magshopping. Ako na ang bahala sa magagastos niyo
“Dreyk, kailangan nating umalis.” Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Jeriko. Aalis? At saan naman kami pupunta, ngayong nasa gitna ako ng pagtatrabaho. Ilang oras na lang ay may meeting pa ako with some investors kaya hindi maaaring umalis. Kung ang pagsama nga sa asawa ko sa mall ay hindi ko na nagawa, eh. “What are you, talking about?” “Tiffany is in Hospital, masyadong maselan ang pagbubuntis niya Dreyk. Dinugo na naman siya,” puno nga ng pagkataranta ang boses ni Jeriko, desperadong-desperado itong makaalis ora mismo. “What?” maging ako ay napatayo na rin sa kinauupuan ako. I was shocked, and there is something inside me na kinabahan sa balita niyang ‘yon. “What are we gonna do? Maraming nakaline up na kailangang matapos ngayong araw! F*ck!” Napasapo ako sa buhok ko, thinking a solution.“Puwede bang mauna na lang ako? Sumunod ka kapag kaya mo na?” suhestiyon ni Jeriko sa akin.“Yeah sure, much better. SIge na, umalis ka na. Balitaan mo ‘ko kung ano’ng nangyari.”I can’t
Sinubukan kong tawagan si Dreyk habang nasa daan kami pauwi ng bahay. Sa mall na kami mismo naghiwalay ni mama matapos ang malakasang paglalakwatsa namin. Hindi pa naman tuluyang gabi pero may kadiliman na ang kalangitan. “Sobrang saya ko ngayong araw.” ani ko sa sarili. May driver ako kaya hindi naging mahirap ang pag-uwi sa bahay, ngunit wala pa si Dreyk doon. Napasimangot ako dahil kanina pa nga ito hindi sumasagot sa mga tawag ko sa kaniya. “Sobrang busy kaya niya?” “Ah! Si Jeriko na lang ang tatawagan ko.” Sinubukan ko nga, ngunit kahit ito ay hindi rin sumasagot. “Baka busy nga talaga, ang mabuti pa ay i-surprise ko siya. Ano ba ang magandang iluto ngayon?” Nagpatulong ako sa aming maid kung ano ang masarap na lutuin, magpapaturo na rin ako kung papaano. Namili nga ako sa guide book ba iniabot sa akin ni Manang Amelia at ang napili ko ay roasted shrimp at kare-kare. Ang sabi niya’y medyo mahaba ang proseso ng pagluluto no’n, pero ayos lang, kung para naman sa taong mahal
“Sa’n ka galing?” Nagulat ako sa naging bungad sa akin ni Selene pagkapasok ko pa lang sa bahay. Nakasalikop ang mga kamay niya, habang ang isang paa ay panay ang paglikha ng tunog sa tiles naming sahig. Walang positive expression sa kaniyang mukha, salubong ang mga kilay nito habang kagat ang kaniyang pang-ibabang labi. Napa-tss ako sa kadahilanang hindi ko pa alam kung ano ang irarason talaga sa kaniya. Mukhang hindi naman siya naniwala sa rason na ibinigay ni Jeriko kagabi, malas lang kasi’y sa sobrang pagmamadali ko’y naiwan ko pa ang cellphone sa Opisina. Alam ko kung saan nanggagaling ang galit niya ngayon, kung sanang nakapagtext o tawag man lang sana ako’y tapos ang problema ko ngayon. “Tinatanong kita Dreyk, saan ka galing?” Mas lalong dumiin ang boses niya. “I’m sorry wife kung hindi ako nakapagpaalam sa ‘yo,’ naglakad ako papalapit sa kaniya, sinubukan ko siyagng hawakan pero sadyang nagiging mailap siya sa akin ngayon. Panay ang iwas niya sa kahit na ano’ng pilit ko p
“Hindi nga? Magpapakasal ulit kayo ni Dreyk?” bulalas ni Zusie ng ibalita ko sa kaniya ang tungkol doon. Halos magtatalon pa nga siya sa tuwa dahil sa wakas daw ay makakaranas na siya paano maging isang bridesmaid. “Oo nga, ang kulit mo naman, eh.” Natatawa na rin ako sa kaniya. “Congratulations ma’am,” maging ang empleyado namin sa botique ay binati na rin ako. “Thank you, guys. Imbitado kayo, ha,” sabi ko pa. “Hmm. Kainngit ka naman girl, ako kaya kailan makakapagpakasal? Kahit one time na kasal lang, ayos na sa akin ‘yon.” Panay na ang pagdadrama ni Zusie simula ng malaman nga niya ang tungkol sa kasal. “Akala mo naman ‘to, hindi ka namang tatandang dalaga no, sa ganda mo bang ‘yan. Maghintay ka lang muna kasi.” Binigyan ko siya ng advice na akala mo naman ay isa akong expertise sa ganoong bagay. Tinanong ko naman sa kaniya ang tungkol sa ka-live in niya, at ang sabi nya ay naghiwalay na sila pagkauwi niya agad ng makilala si Leon. Bigla raw siyang natauhan sa tunay na tak
“Kamusta naman si Tiffany?” Narito na naman ako sa Saint Luke Hospital kahit pa hindi pa rin naaalis ang guiltness ko sa nagawa kay Selene. Mabuti na lang talaga at nakinig ako sa ginawang payo ni Jeriko sa akin. “Ayos naman na siya, kailangan lang niya ng pahinga at magpalakas. Sa mga susunod na araw ay bed rest muna siya.” Tumango ako. Hindi pa nga nakakauwi si Jeriko mula kagabi kaya naman tinanong ko siya kung kailangan niya ba munang magshower o magpalit ng damit. Ako na muna ang bahala kay Tiffany. Lunch break naman, puwede akong malate sa pagbalik. “Ayos lang ba sa ‘yo? Baka naman kailanganin ka sa Opisina bigla?” “Don’t worry about me, kinausap ko si Director Ramos para punuan ang presensiya ko kung sakali man. Kaya sige na, kumain at magpalit ka na muna.” Tinapik ko sa balikat ang aking kaibigan. Heto na lang din ang magagawa ko despite the favor he will be doing for me in the future. Nang makaalis nga siya’y si Tiffany naman ang tinungo ko, tulog ito habang inaayos k
“D-dreyk? Dreyk, stop it!” Nagulantang ako sa biglang pagsulpot ni Dreyk sa harapan namin, at ang malala pa ay bigla na lang niyang sinuntok si Leon. “Dreyk…” Hindi lang basta isang suntok ang binitiwan niya, umabot pa hanggang tatlo mabuti na lang at ‘yong panghuli ay hindi na dumapo pa sa mukha ni Leon. “Ano’ng ginagawa mo, ha? Lying your hand on my wife.” Shocks, mukhang alam ko na kung bakit. “Hubby, tama na ano ba!” Dumating naman agad ang security at umawat sa gulo. Ako naman ay nakahawak na sa baywang ng asawa ko. “Ikaw, ano bang problema mo? I am not doing anything.” Sumagot na si Leon sa ipinaratang sa kaniya ni Dreyk. Mahirap kontrolin ang temper ni Dreyk kapag ganito. “Ikaw ang problema ko, do not cross the line man kung ayaw mong mapat*y kita!” Bigla akong natakot sa binitiwang salita ni Dreyk beacause he can do it if he just want. “Dreyk, tama na.” Nagpupumilit pa ngang makalapit si Dreyk kay Leon pero dahil sa ang Doktor na rin ang umiwas ay wala na siyang na
Ginagamot kong mag-isa ang pasa na nakuha ko mula sa suntok ng asawa ni Selene. Nagkaroon lang naman ng kaunting pagdugo sa aking labi. Napapapikit nga ako dahil sa kaunting hapdi na dala niyon sa akin. Sa harap ng maliit na salaming nasa aking desk ay mariin kong idinadampi ang cold compress bag. Ano bang balak ng lalaki na ‘yon, basagin ang mukha ko? Natigil nga ako sa paggagamot sa sarili ng bumukas ang pintuan ng aking Opisina’t pumasok ang aking secretary saying na malapit ng magsimula ang meeting ko with the board directors ng Ospital. “Sige, susunod na lang ako,” sabi ko nang nakangiti rito. “Sige ho, sir.” Itinabi ko na ang compress bag at inayos ang sarili. Hindi puwedeng maipagpaliban ang meeting na ito kaya kailangan kong ayusin ang sarili ko kahit na alam ko na naman ang mangyayari. Nasa kalagitnaan na ng meeting nang bigla ko na lang din naisip ang isang bagay. Ano nga ba ang ginagawa ng asawa ni Selene dito? No’ng isang araw ko pa siya napansin. Does he have any b