Gusto ko nang dumiretso sa Opisina ni Dreyk ngunit ang isip ko ay nakikipagtalo pa rin na kay Liset pumunta. Sa kaniya ko gustong malaman kung ano ang pakay niya sa asawa ko. Kaya naman bago pa ito makapasok sa elevator ay hinabol ko na agad siya. “Liset.” Taas kilay siyang tumugon sa pagtawag ko sa kaniya, na akala mo naman ay labis niyang ikinaganda ‘yon. “Naayos mo na ang problema mo sa asawa ko?” deretsahan kong tanong sa kaniya. Hindi naman ito kaagad nakasagot, napatuon muna siya sa pagbukas ng elevator sa harapan namin. “Bakit gusto mong malaman. Kung interesado ka, ba’t di mo direktang itanong sa asawa mo?” Medyo nanggigil ako sa sagot niyang ‘yon, kahit hanggang ngayon ay nakikipagmatigasan pa rin siya sa akin. Bakit hindi na lang niya i-point out kung ano nga ba ang labis na ikinapuputok ng butsi niya sa akin? Sa umpisa naman ay siya ang may kasalanan sa akin. “Sa sobrang aggresive mo kanina na makapasok dito, na halos lumuhod ka na sa mga gwardiya na mukhang sobrang
Napapatunganga na nga lang ako sa bawat sinasabi at ikinikilos ng mama ni Dreyk, para kasi itong ibang tao ngayon. Simula pagkarating ko’y hindi pa niya ako nagagawang tarayan o di kayang maliitin sa mga bagay na maiisipan na lang niya. Halos lahat ng ipinapakita nito ay good sides. “Hmm. The best talaga ang menudo mo ma.” Puna ni Dreyk sa isa sa naging putahe sa hapag. Hindi ako masyadong umiimik sa usapan nila habang nasa harapan ng pagkain, ang topic kasi ng dalawang lalaki ay tungkol sa business paminsan-minsan ay sumusingit ang mama ni Dreyk sa usapan. Ako na wala naman alam sa gano’ng takbo sa buhay ay tumutok na lang sa pagkain. Tinikman ko nga rin ang menudo, and infairness ay masarap nga. “Masarap ba Selene?” Nabilaukan pa nga ako ng magtanong si Mrs. Sebastian kung naging masarap naman daw ba ang luto niya. And take note, in a nice tone pa niya ako in-approach. “Oh, wife, are you okay?” Iniabot ni Dreyk ang isang basong tubig sa akin. “Ahh, oo, ayos lang.” “Naku, m
“Hubby, ano’ng napansin mo sa mama mo kanina?” Nasa kotse na kami pauwi sa bahay, malapit na ring dumilim at tumila na rin sa wakas ang ragasang ulan kanina. Napatanong nga ako sa asawa ko dahil sa kakaibang mga kilos ng mama niya kanina. May pagbigay pa nga ng kuwintas ang lola mo sa akin, medyo nakakatakot pero kinuha ko na rin. “Hmm. Wala naman, Wife? Bakit?” “Grabe, hindi mo man lang napansin ang pakikitungo sa akin ng mama mo? Hindi siya galit hubby? Hindi siya nagtataray at nagsasabi ng kung ano-ano kanina. Akala ko nga’y nasa ibang dimension ako ng mundo sa nangyari eh.” Natawa nga naman si Dreyk sa pahayag ko na ‘yon, he must admit it na may kakaiba talaga sa mama niya. “Pabayaan mo na lang, baka biglang narealize ni mom na wala naman patutunguhan kung kukuwestyonin niya pa ang mga kilos ko. Lalo pa’t kasal na tayo, they should accept t now.” Nakatutok nga lang ang paningin ni Dreyk sa daan, ngunit ang isang kamay nito ay nakadaop sa kamay kong nakapatong naman sa may la
“Hubby…” Nataranta ako sa pagsigaw na iyon ni Selene, akala ko’y may sunog na sa mala-sirene niyang boses. Patakbo ko siyang tinungo sa silid namin, kamuntik ko na ngang mabitiwan ang frying pan na hawa ko ng oras na ‘yon. “Ano ba ‘yon? Nasaan ang sunog?” tanong ko sa kaniya. “Sunog? Wala naman.” Nailaylay ko ang aking mga balikat sa sinabi niya. “So bakit ka sumisigaw diyan?” “Heto kasi tignan mo.” Lumapit ang aking asawa sa akin at itinapat ang cellphone screen sa aking mukha. “Basahin mo.” Ah, okay, so ‘yon lang isinisigaw niya? Dahil sa text message ng mama ko? “Tignan mo naman ang mama mo, ano bang nakain niya Hubby? Inaalok niya akong lumabas kami? Bonding-bonding, gano’n?” Mukhang stress ang asawa ko ha. Napangiti naman ako sa naging ekspresyon niya, hindi niya kasi talaga lubos akalain na biglang mag-iiba ang pakikitungo sa kaniya ni Mom. “Ayan lang naman pala, hindi ba ako na nga ang nagsabi sa ‘yo na lumabas kayo, magshopping. Ako na ang bahala sa magagastos niyo
“Dreyk, kailangan nating umalis.” Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Jeriko. Aalis? At saan naman kami pupunta, ngayong nasa gitna ako ng pagtatrabaho. Ilang oras na lang ay may meeting pa ako with some investors kaya hindi maaaring umalis. Kung ang pagsama nga sa asawa ko sa mall ay hindi ko na nagawa, eh. “What are you, talking about?” “Tiffany is in Hospital, masyadong maselan ang pagbubuntis niya Dreyk. Dinugo na naman siya,” puno nga ng pagkataranta ang boses ni Jeriko, desperadong-desperado itong makaalis ora mismo. “What?” maging ako ay napatayo na rin sa kinauupuan ako. I was shocked, and there is something inside me na kinabahan sa balita niyang ‘yon. “What are we gonna do? Maraming nakaline up na kailangang matapos ngayong araw! F*ck!” Napasapo ako sa buhok ko, thinking a solution.“Puwede bang mauna na lang ako? Sumunod ka kapag kaya mo na?” suhestiyon ni Jeriko sa akin.“Yeah sure, much better. SIge na, umalis ka na. Balitaan mo ‘ko kung ano’ng nangyari.”I can’t
Sinubukan kong tawagan si Dreyk habang nasa daan kami pauwi ng bahay. Sa mall na kami mismo naghiwalay ni mama matapos ang malakasang paglalakwatsa namin. Hindi pa naman tuluyang gabi pero may kadiliman na ang kalangitan. “Sobrang saya ko ngayong araw.” ani ko sa sarili. May driver ako kaya hindi naging mahirap ang pag-uwi sa bahay, ngunit wala pa si Dreyk doon. Napasimangot ako dahil kanina pa nga ito hindi sumasagot sa mga tawag ko sa kaniya. “Sobrang busy kaya niya?” “Ah! Si Jeriko na lang ang tatawagan ko.” Sinubukan ko nga, ngunit kahit ito ay hindi rin sumasagot. “Baka busy nga talaga, ang mabuti pa ay i-surprise ko siya. Ano ba ang magandang iluto ngayon?” Nagpatulong ako sa aming maid kung ano ang masarap na lutuin, magpapaturo na rin ako kung papaano. Namili nga ako sa guide book ba iniabot sa akin ni Manang Amelia at ang napili ko ay roasted shrimp at kare-kare. Ang sabi niya’y medyo mahaba ang proseso ng pagluluto no’n, pero ayos lang, kung para naman sa taong mahal
“Sa’n ka galing?” Nagulat ako sa naging bungad sa akin ni Selene pagkapasok ko pa lang sa bahay. Nakasalikop ang mga kamay niya, habang ang isang paa ay panay ang paglikha ng tunog sa tiles naming sahig. Walang positive expression sa kaniyang mukha, salubong ang mga kilay nito habang kagat ang kaniyang pang-ibabang labi. Napa-tss ako sa kadahilanang hindi ko pa alam kung ano ang irarason talaga sa kaniya. Mukhang hindi naman siya naniwala sa rason na ibinigay ni Jeriko kagabi, malas lang kasi’y sa sobrang pagmamadali ko’y naiwan ko pa ang cellphone sa Opisina. Alam ko kung saan nanggagaling ang galit niya ngayon, kung sanang nakapagtext o tawag man lang sana ako’y tapos ang problema ko ngayon. “Tinatanong kita Dreyk, saan ka galing?” Mas lalong dumiin ang boses niya. “I’m sorry wife kung hindi ako nakapagpaalam sa ‘yo,’ naglakad ako papalapit sa kaniya, sinubukan ko siyagng hawakan pero sadyang nagiging mailap siya sa akin ngayon. Panay ang iwas niya sa kahit na ano’ng pilit ko p
“Hindi nga? Magpapakasal ulit kayo ni Dreyk?” bulalas ni Zusie ng ibalita ko sa kaniya ang tungkol doon. Halos magtatalon pa nga siya sa tuwa dahil sa wakas daw ay makakaranas na siya paano maging isang bridesmaid. “Oo nga, ang kulit mo naman, eh.” Natatawa na rin ako sa kaniya. “Congratulations ma’am,” maging ang empleyado namin sa botique ay binati na rin ako. “Thank you, guys. Imbitado kayo, ha,” sabi ko pa. “Hmm. Kainngit ka naman girl, ako kaya kailan makakapagpakasal? Kahit one time na kasal lang, ayos na sa akin ‘yon.” Panay na ang pagdadrama ni Zusie simula ng malaman nga niya ang tungkol sa kasal. “Akala mo naman ‘to, hindi ka namang tatandang dalaga no, sa ganda mo bang ‘yan. Maghintay ka lang muna kasi.” Binigyan ko siya ng advice na akala mo naman ay isa akong expertise sa ganoong bagay. Tinanong ko naman sa kaniya ang tungkol sa ka-live in niya, at ang sabi nya ay naghiwalay na sila pagkauwi niya agad ng makilala si Leon. Bigla raw siyang natauhan sa tunay na tak