Share

Jealousy

“Nakalimutan mo bang ikuwento sa akin ang lalaki na ‘yon?”

Naningkit ang aking mga mata, nakatutok ang tingin ni Dreyk sa daan pero halata sa higpit ng hawak nito sa manibela na hindi maganda ang mood nito.

“Oo eh, nakalimutan ko. Sorry.” Sincere na paghingi ko ng tawad sa kaniya. Pero sa kabila no’n ay naisip ko pa rin naman, kailangan ko pa nga bang ikwento ‘yon? Parang hindi naman kasi importante para pag-usapan pa namin. Isa pa, hindi naman namin talaga personal na kakilala si Leon para pag-isipan niya ng masama.

“Wait? Pinag-iisipan mo ba ako ng masama?” tanong ko.

“No.” tipid niyang sagot.

“You’re lying, Dreyk.”

“I am not.”

“Sus.”

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, hindi ko naman alam kung napapano naman siya, tinotoyo lang, gano’n? Nanahimik na lang din ako, kung hindi niya ie-elaborate ang problema ay bahala siya. Ipinilig ko na nga lang ang ulo sa likuran ng aking kinauupuan, nakatutok ang mga mata sa labas.

“Nextime, bring food kapag aalis tayo. Ayaw
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status