Parang isang alon na walang humpay sa pag-agos, ang mga simpleng kilos ni Drake—ang pag-abot ng tubig nang hindi niya hinihingi, ang pagbukas ng pintuan, at ang mga alalay nito sa bawat pagkakataong tila nawawala siya sa kanyang sarili—ay nagiging mga paalala na hindi lamang siya isang surrogate sa mata ng lalaking ito.
Habang binabaybay ng kanilang sasakyan ang daan pauwi, ramdam ni Dianne ang bigat ng kanyang damdamin. Parang may umaalimpuyo sa kanyang dibdib na hindi niya mapigilan. Sa tuwing lumilingon si Drake upang tanungin kung okay lang siya, ang kanyang mga mata ay nag-aalok ng malasakit na tila bumabalot sa kanyang pagkatao.
Drake: (bahagyang tumingin sa rearview mirror) "Dianne, tahimik ka. May iniisip ka ba? Sabihin mo kung may kailangan ka, ha?"
Ang simpleng tanong na iyon ay tila isang sibat na tumagos sa puso ni Dianne. Sa tono ng boses ni Drake, naroon ang sinseridad na bihira niyang marinig sa ibang tao.
Dianne: (pilit na ngumingiti) "Wala po, Sir. Pagod lang siguro sa check-up. Maraming iniisip."
Drake: (tumango, ngunit nakatingin pa rin) "Okay. Pero huwag mong kalimutan na andito kami ni Tiffany para sa iyo. Huwag kang mahihiyang magsabi kung may kailangan ka."
Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon, isang sandali ang namagitan sa kanila. Bagaman panandalian lamang, tila huminto ang oras para kay Dianne. Andito kami ni Tiffany para sa iyo. Ang "kami" na iyon ang nagpapaalala sa kanya kung bakit hindi dapat mahulog ang kanyang loob kay Drake. Siya ay para kay Tiffany—at ang mundo nilang dalawa ay hindi niya dapat pasukin.
Ngunit bakit tila hindi makinig ang kanyang puso? Bakit sa kabila ng malinaw na katotohanan, unti-unting bumubuo ang damdamin sa kabila ng kanyang mga panalangin na sana’y huwag na itong lumalim pa?
Sa gabing iyon, sa kanyang maliit na silid sa malaking mansyon ng mga Manalo, si Dianne ay tahimik na nakaupo sa gilid ng kama. Hawak niya ang larawan ng kanyang kapatid na nasa ospital, pilit ipinapaalala sa sarili ang dahilan kung bakit siya naroon. Dianne: (mahina, halos pabulong) "Huwag kang makalimot, Dianne. Para ito sa pamilya mo. Hindi para sa sarili mo. At lalo nang hindi para kay Drake."Ngunit habang pinikit niya ang kanyang mga mata, ang alaala ng mga ngiti at titig ni Drake ay nanatili. At sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang mas lalo lamang siyang mahuhulog.
Dianne: (bumuntong-hininga at tumingin sa kisame) "Ang gwapo talaga ni Drake... Hay, ang swerte ko naman na maging ina ng magiging anak niya... Ano ba ‘tong pinagsasabi ko?!"
Biglang tumayo si Dianne mula sa kanyang kama, tila nais iwasan ang sariling mga naiisip. Iniling niya ang ulo at mariing tinapik ang kanyang mga pisngi.
Dianne: "Erase, erase! Hindi pwede ‘to, Dianne! Andito ka para sa transplant ni Eric, hindi para sa kung ano pang ilusyon!"
Ngunit kahit pa pilitin niyang burahin sa isip ang mga nararamdaman, bumalik sa kanya ang alaala ng kaninang paghawak ni Drake sa kanyang siko habang siya’y umaalis ng ospital.
Drake: "Ingat ka, Dianne. Kung mahilo ka ulit, sabihin mo agad. Nandito lang ako."
Ang pag-aalalang iyon—kahit pa maaaring simpleng pakikiramay lamang—ay tila sumusunog sa kanya.
Dianne: (naglakad pabalik-balik sa kwarto) "Anong nandito lang ako?! Hindi pwede, hindi tama! May Tiffany siya! At asawa siya ng taong nagtiwala sa akin!"
Ngunit ang masakit, hindi ito madali para kay Dianne. Paano nga ba pipigilan ang damdaming unti-unting lumalago, lalo na’t araw-araw niyang nakikita si Drake? Lalo na’t bawat araw ay tila nagbibigay sa kanya ng dahilan para mas humanga sa lalaki?
Umupo siya muli, pilit na inalala ang mukha ng kapatid na si Eric, ang dahilan ng lahat ng kanyang sakripisyo.
Dianne: (mahinang bulong) "Eric, para sa iyo ‘to. Hindi ako magpapadala sa damdamin. Tatapusin ko ang kontratang ito nang maayos."
Ngunit sa likod ng kanyang isipan, naroon pa rin ang boses ng kanyang puso. Pero paano kung hindi ko na kayanin?
Habang nasa ospital para sa isa na namang round ng check-up, tahimik na nakaupo si Dianne sa gilid ng examination bed. Ramdam niya ang kaba sa kanyang dibdib habang ang doktor, si Dr. Velasco, ay inihahanda ang mga gamit para sa procedure. Sa gilid niya, nakatayo sina Drake at Tiffany, parehong seryoso ngunit nagpapakita ng magkaibang emosyon—excitement kay Tiffany, at tahimik na suporta kay Drake.
Napansin ng doktor ang kalamigan ng mga kamay ni Dianne, kaya’t bigla itong huminto at tumingin sa dalaga.
Dr. Velasco: "Miss Dianne, sigurado ka na ba talaga? Ito ang simula ng mas malaking responsibilidad. Alam kong... ito ang unang pagkakataon mo sa maraming bagay."
Halos maiyak na si Dianne sa tanong na iyon. Hindi niya maiwasang isipin ang kanyang kapatid, si Eric, at ang dahilan kung bakit siya naroroon. Napatingin siya sa mga mata ni Drake, na parang may binibigay na lakas sa kanya.
Dianne: (huminga nang malalim) "Opo, Dok. Handa na po ako. Ginusto ko po ito mula pa noong una."
Bahagyang napangiti si Tiffany, nilapitan siya at hinawakan ang kanyang kamay.
Tiffany: "Dianne, hindi mo alam kung gaano kami nagpapasalamat sa ginagawa mo. Isa kang biyaya para sa amin."
Napatingin naman si Drake kay Dianne, ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng kakaibang pagsuporta.
Drake: "Huwag kang mag-alala. Lahat ng kailangan mo, andito kami. Kung may mangyari man, kami ang bahala sa iyo."
Ang mga salitang iyon mula kay Drake ay tila nagsilbing pangako, ngunit naramdaman din ni Dianne ang kakaibang init sa kanyang puso.
Biglang nagpatuloy ang doktor, ang boses nito ay bahagyang mas malumanay.
Dr. Velasco: "Alam kong virgin ka pa, at naiintindihan kong maaaring mas mahirap ito para sa iyo. Pero huwag kang mag-alala, lahat ay gagawin nang maingat. Nandito kami para sa iyo."
Namula si Dianne sa sinabi ng doktor. Para bang ang lahat ng tao sa kwarto ay napatingin sa kanya nang sabay-sabay.
Dianne: (bahagyang nahihiya ngunit may tapang) "Opo, Dok. Handa po ako. Alam ko pong kailangan kong gawin ito para sa kapatid ko."
Naramdaman niya ang bahagyang pagpisil ni Tiffany sa kanyang kamay.
Tiffany: "Salamat, Dianne. Hindi ka lang tumutulong sa amin, nagbibigay ka rin ng bagong pag-asa."
Habang sinisimulan ang procedure, nanatili sa isip ni Dianne ang pangako niya sa kanyang pamilya, ngunit hindi rin niya maiwasang maapektuhan ng presensya ni Drake. Sa bawat saglit na nagdadaan, mas lalong nagiging malapit ang kanilang mundo, at hindi niya alam kung paano iyon haharapin sa hinaharap.
Nang sinisimulan ang procedure, pilit na iniiwas ni Dianne ang kanyang isip mula sa kaba at sakit na dulot nito. Ngunit hindi niya maiwasang mapansin ang presensya ni Drake na nakaupo malapit sa kanyang tabi. Tahimik lang itong nagmamasid, ngunit ang kanyang presensya ay tila isang mabigat na anino na bumabalot sa paligid ni Dianne.
Ramdam niya ang tensyon sa kwarto. Si Tiffany, na tila wala nang ibang iniisip kundi ang kanilang magiging anak, ay hindi napansin ang mga tingin ni Drake na paminsan-minsang bumabaling kay Dianne.
Dianne: (Sa isip niya) "Bakit ganito? Bakit hindi ko maialis ang atensyon ko sa kanya? Bawal to, Dianne. Isa lang akong surrogate... isa lang akong tulay sa pangarap nilang mag-asawa."
Ngunit kahit anong pilit niyang itanggi, ang bawat kilos ni Drake—ang paraan ng kanyang pag-upo, ang seryosong ekspresyon sa mukha nito, at ang malamlam ngunit malalim na mga mata—ay parang mga sumpang pumupukaw sa damdamin niya.
Naramdaman niyang unti-unting lumalapit si Tiffany kay Drake habang hawak nito ang kamay ng kanyang asawa.Tiffany: (masayang bumulong kay Drake) "Ang bilis ng panahon, mahal. Ilang buwan na lang, makikita na natin ang anak natin."Bahagyang ngumiti si Drake at tumango. Ngunit hindi maipaliwanag ni Dianne kung bakit parang may nakatagong lungkot sa mga mata nito. Napako ang tingin ni Dianne sa kanilang dalawa. Sa kabila ng pagiging mag-asawa nila, parang may distansya sa pagitan ng kanilang mga damdamin na hindi niya maipaliwanag.Pagkatapos ng procedure, iniwang mag-isa si Dianne sa recovery room. Habang nakahiga, pilit niyang nilalabanan ang mga emosyon na nagugulo sa kanyang isip. Ngunit biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Drake.Drake: (malumanay na boses) "Dianne, okay ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo?"Nagulat si Dianne sa kanyang pagpasok. Hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki na tila lumalapit sa kanya sa paraang hindi niya maintindihan.Dianne: (mahina ang
Sa labas ng silid, naririnig niya ang malalim na boses ni Drake, nakikipag-usap sa doktor. Hindi niya mapigilan ang sarili—ang tahimik na pagnanais na sana’y siya ang laging nasa tabi nito, ang makaramdam ng malasakit na higit pa sa trabaho o kontrata.Habang tumutulo ang ulan mula sa mga ulap, tila ganoon din ang kanyang damdamin—isang bagyo ng emosyon na pilit niyang nilalabanan ngunit hindi maikakailang unti-unti nang nananaig.Drake: "Doc, ano ang dapat gawin at hindi dapat para sa kalagayan ni Dianne? Gusto kong siguraduhin na maayos ang lahat," seryoso niyang tanong, ramdam ang malasakit sa kanyang tinig.Napatingin ang doktor kay Drake, nag-aadjust ng salamin sa ilong bago magsalita.Doktor: "Well, Mr. Manalo, ang pinakamahalaga ngayon ay siguraduhin natin na wala siyang stress. Kailangan din niya ng sapat na pahinga, tamang nutrisyon, at regular na monitoring para masigurado nating maayos ang pagbuo ng embryo. Ang gestational surrogacy ay hindi biro, at critical ang unang mga l
Sa bawat patak ng luha ni Drake, tila mas lalong tumitibay ang desisyon ni Dianne. Sa kabila ng sariling sakit na dala ng kanyang nararamdaman, isang malinaw na pangako ang namuo sa kanyang puso. Magiging siya ang ilaw sa gitna ng dilim, hindi para palitan ang puwang na iniwan ni Tiffany, kundi para maging sandalan ng isang lalaking tila nawalan na ng dahilan upang magpatuloy."Bakit? Bakit nangyari ito? Hindi ko kayang mawalan siya... hindi ko kayang magpatuloy nang walang kanya..." Ang boses ni Drake ay puno ng sakit, halos hindi marinig sa bigat ng damdaming bumabalot sa kanya. Tila naglalaman ng bawat luha na hindi niya magawang pahintulutang tumulo.Napansin ni Dianne ang panginginig ng katawan ni Drake. Ang mga mata nito, puno ng kirot, ay nagtatago ng malalim na pighati na kahit ang pinakamatatag na tao ay maaaring bumagsak. Sa sandaling iyon, ang lalaking inaakala niyang walang kapantay sa lakas at tikas ay nagmistulang isang taong nawalan ng lahat.Hinawakan ni Dianne ang kam
“Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat ng ito,” sagot ni Drake, ang boses ay puno ng lungkot at pighati. “Wala na siya Dianne ,iniwan na ko ni Tiffany. Papaano ko harapin ang buhay kung wala na siya!”“Drake, hindi ko kayang punan ang puwang ni Tiffany. Wala akong karapatang gawin iyon,” ani Dianne, ang tinig ay puno ng paggalang at malasakit. “Pero nandiyan ang anak niyo, at ang anak na iyon ay magsisilbing dahilan kung bakit kailangan mong magpatuloy. Ang bata, pati na rin si Tiffany, ay magbibigay sa iyo ng lakas.”Tumahimik si Drake sa mga sandaling iyon, at ang mga mata nito ay puno ng pighati. Ang mga salitang sinabi ni Dianne ay tumama sa kanyang puso, ngunit ang lungkot na kanyang nararamdaman ay parang isang ulap na hindi agad natatanggal. Hindi siya makapaniwala na ganito ang mangyayari sa kanilang buhay.“Paano ko magiging sapat para sa bata?” tanong ni Drake, ang kanyang boses ay bahagyang nanginginig. “Paano ako maging mabuting ama sa kanya na ngayon ang kanyang
Ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang mukha ay hindi nakapawi ng init na dulot ng mga luha na patuloy na pumapawi sa kanyang mga mata. Kailangan niyang makarating sa ospital kung saan nakaratay ang katawan ni Tiffany. Kailangan niyang masaktan pa ng higit upang magkaalaman kung gaano siya kalungkot, kung gaano siya kalupit na iniwan ni Tiffany.Nais niyang makita ang katawan ni Tiffany. Hindi para maghanap ng sagot, kundi para magpaalam. Gusto niyang hawakan ang kamay nito, gusto niyang ipadama na hindi siya maghihintay na mag-isa. Sa mga huling sandali ng buhay ni Tiffany, kailangan niyang magbigay ng pasasalamat at magpaalam ng maayos. Ang mga bagay na hindi niya nagawa habang buhay pa ito ay nais niyang magampanan ngayon.Pagdating sa ospital, naglakad si Drake sa malalamig na pasilyo. Habang papalapit siya sa kwarto ng mga bangkay, ramdam niya ang kakaibang presensya—ang tahimik na kalungkutan na sumasabay sa kanyang mga hakbang. Pagpasok sa kwarto, ang unang bagay na nakita
Ang kanyang tinig ay namamaos sa pinaghalong pagluha at pighati, tila sinasakal ng mga emosyon na hindi niya maipaliwanag. Hinaplos niya ang malamig na kamay ni Tiffany, pilit na sinasariwa ang mainit nitong haplos noong buhay pa ito. Ang sakit ay tila walang katapusan—isang bangungot na hindi niya kayang gisingan."Ang dami pa nating pangarap, Tiffany," patuloy niya, habol-hininga sa gitna ng mga hikbi. "Ang baby natin... Akala ko magkakasama tayong tatlo. Akala ko... magiging masaya tayo bilang isang pamilya. Bakit ngayon pa? Bakit ikaw? Bakit ganito?"Nagsimula na ring magluha ang mga nakatayo sa paligid. Ang pamilya ng driver na kasama sa aksidente ay tahimik na nagluluksa sa kabilang bahagi ng silid. Ang kanilang mga iyak ay nagmistulang koro ng kalungkutan, nagdadala ng mas mabigat na hangin sa lugar. Ang bawat tao sa silid ay tila nabalot ng isang madilim na ulap ng kawalan at paghihinagpis.Inilapit ni Drake ang noo niya sa noo ni Tiffany, para bang kahit sa huling pagkakataon
Sa gitna ng tahimik na lamay, unti-unting nagsidatingan ang mga kamag-anak nina Tiffany at Drake. Ang malungkot na awit ng mga pag-iyak at dasal ay nagbigay ng bigat sa hangin, isang alaala na ang pagkawala ni Tiffany ay nag-iwan ng sugat sa kanilang pamilya at mga kaibigan.Naroon si Dianne, tahimik na nakaupo sa isang sulok. Hindi niya alam kung paano magpapakumbaba sa harap ng napakaraming tao na nagdadalamhati, ngunit alam niyang dapat siyang naroroon para kay Drake. Alam niyang ito ang panahon kung kailan kailangang magpakita siya ng lakas, kahit pa sa loob-loob niya ay may sarili rin siyang laban—ang bigat ng responsibilidad na dala niya sa kanyang sinapupunan.Lumapit ang ina ni Tiffany na si Gemma Romualdez. Halata ang pighati sa kanyang mga mata habang niyakap niya si Dianne nang mahigpit, parang ito na ang huling piraso ng alaala ng kanyang anak. "Dianne," mahinang sambit nito, ang boses ay puno ng hinanakit at pagmamahal. "Alagaan mo ang pinagbubuntis mo. Isa lang ang anak
Ramdam ni Dianne ang kirot sa kanyang puso habang pinagmasdan ito. Hindi niya mapigilang isipin kung paano ganito kabigat ang iniinda ng isang taong dati’y punong-puno ng buhay. Nasasaktan siyang makita ito sa ganoong kalagayan.Hinaplos niya ang sarili niyang tiyan, kung saan naroon ang punla ng buhay na iniwan ni Tiffany kay Drake. Ang bigat ng responsibilidad na ito ay bumalot kay Dianne, ngunit kasabay nito ay ang pag-usbong ng mas malalim na damdamin na pilit niyang itinatanggi."Ang sakit siguro ng nararamdaman niya," mahina niyang bulong sa sarili, habang ang mga luha ay bahagyang nagbabanta sa kanyang mga mata. "Sana kahit papaano, maibsan ko ang sakit na nararamdaman niya."Sa bawat pagpatak ng luha ni Drake, tila nararamdaman din ni Dianne ang kirot. Awa ang una niyang naramdaman—awa para sa lalaking nawalan ng lahat ng mahalaga sa kanya. Ngunit habang tumatagal, napansin niyang may mas malalim pang damdamin ang sumisibol sa kanyang puso—isang damdaming hindi niya kayang bal
Ngunit kasabay ng saya, hindi maiwasang sumagi sa isip ni Dianne ang mga gastos sa nalalapit na operasyon. Alam niyang mahal ito, at kahit gaano kalaki ang naipon nila, tila hindi pa rin sapat. Pigilin man niya, nagsimulang bumalik ang pangamba sa kanyang isipan.“Eric,” simula niya, “alam mo naman, di ba? Kahit ano, gagawin ko para matulungan ka. Huwag kang mag-alala sa pera. May paraan tayo.”Tahimik ang kabilang linya bago muling nagsalita si Eric. “Ate, alam kong malaki na ang mga sakripisyo mo. Pero huwag mo masyadong gawing pasanin ang lahat. Nandito rin kami para tumulong. Ayaw ni Mama na masyado kang ma-stress.”Ngumiti si Dianne kahit hindi siya nakikita ng kapatid. “Eric, pamilya tayo. Lahat ng ito, para sa atin. Huwag mong isipin na mag-isa kang lumalaban. Malapit na, Eric. Magiging maayos ang lahat.”Matapos ang ilang minuto ng pag-uusap, nagpaalam si Eric at iniwan si Dianne sa kanyang mga iniisip. Tahimik niyang hinaplos ang kanyang tiyan habang iniisip ang responsibilid
Ang mga salita ni Drake ay paulit-ulit na umuugong sa kanyang isipan:"Ang pinakamahalaga ay ang magawa mong tama ang papel mo bilang surrogate. Kung magagawa mo iyon, wala nang ibang hihilingin pa."Paulit-ulit na bumabalik ang bawat salita, na parang isang malamig na alon na tinatangay ang bawat hibla ng emosyon sa kanyang puso. Kahit gaano niya pilit alisin ang bigat ng mga salitang iyon, hindi niya magawa. Sa bawat ulit nito sa kanyang isip, mas tumitindi ang kirot—parang isang paalala na siya ay bahagi lamang ng plano, isang tao na may layunin ngunit walang halaga higit pa roon.Habang siya ay nakaupo sa sofa ng kanyang kwarto, tahimik niyang hinaplos ang kanyang tiyan. Ramdam niya ang mahinang galaw ng bata sa loob nito, at kahit papaano, nagbigay iyon ng kaunting ginhawa. Subalit, kasabay ng aliw na iyon, naroon din ang sakit ng pagkakulong sa isang relasyon na tila hindi nagbibigay ng puwang para sa damdamin niya bilang isang tao."Ang tanga-tanga ko," bulong ni Dianne sa sari
"Huwag mong isipin na hindi kita kayang tanggapin, Dianne," sabi ni Drake, ang boses nito ay puno ng pag-unawa. "Hindi kita pinipilit maging siya. Alam mo ang hirap na pinagdadaanan ko. Alam ko ang mga takot mo. Pero nandiyan ka pa, at yun ang mahalaga. Hindi mo kailangang maging perpekto."Hindi makapaniwala si Dianne sa narinig. Hindi siya sanay sa mga salitang iyon mula kay Drake. Alam niyang hindi perpekto ang kanilang sitwasyon, at maraming bagay ang hindi nila kayang kontrolin. Ngunit sa mga simpleng salitang iyon, naramdaman niyang hindi siya nag-iisa sa kanyang laban. Sa lahat ng paghihirap at sakit, may isang tao na nandiyan para tanggapin siya—bawat pagkatalo, bawat takot, bawat pagluha.Hindi nagtagal, nagdesisyon silang magpahinga. Pareho silang tahimik, ngunit ang katahimikan ay hindi na puno ng kalungkutan at takot. May kaunting liwanag na nagsimula muling pumasok sa kanilang puso—isang paalala na kahit na mahirap, may mga pagkakataon pa ring magpatuloy, magbagong-buhay,
Habang lumapit si Dianne, tiningnan ni Drake ang mga mata nito. Tinutok ni Dianne ang kanyang mga mata kay Drake, ngunit hindi niya matukoy kung ano ang nararamdaman nito. Malumanay, ngunit mariin ang tinig ni Drake nang magsalita ito, "Kumusta ang check-up? Kumusta ang baby?"Walang emosyon sa boses ni Drake, ngunit ang mga mata nito ay nagsisilibing salamin ng kalungkutan at pagkabahala."Okay lang," sagot ni Dianne, ang tinig niya ay mabigat, puno ng hindi nasabing sakit. "Normal lang ang lahat. Magandang senyales."Ngunit sa mga salitang iyon, pakiramdam ni Dianne ay hindi pa rin siya nakakapagbigay ng sapat na sagot. Naramdaman niya ang bigat ng kanyang mga salita, hindi dahil sa hindi totoo ang sinabi niya, kundi dahil sa katotohanan ng sitwasyon nila. Ang bawat salita, bawat sagot, bawat kilos—lahat ay nagiging isang patibong ng hindi pagkakaintindihan at nakatagong sakit.Umupo si Dianne sa kabilang sofa, pinipilit niyang maging kalmado. Ngunit ang sakit na hindi pa rin naaali
Habang tahimik na nakaupo si Dianne sa loob ng klinika, ang mga mata niya ay nakatuon sa mga pangarap at alaala na naglalaro sa kanyang isipan. Ang bawat pader ng clinic ay tila nagiging mas malapit sa kanya, puno ng mga mukha at kwento ng mga tao na dumarating at umaalis, ngunit siya—siya ay naroroon pa rin, mag-isa. Kahit na ang kanyang katawan ay naroroon, parang ang kanyang isipan ay naghahanap ng mga sagot sa mga tanong na hindi kayang sagutin ng ibang tao."Ms. Dianne?" tawag ng nurse, na gumising kay Dianne mula sa malalim na pagninilay. Ang kanyang mga mata ay mabilis na naghanap ng koneksyon, ngunit wala. Walang Drake, na siyang nagiging kanyang lakas sa mga huling linggo. Walang Tiffany, na siya ring dahilan kung bakit naroroon siya ngayon, nagdadala ng isang buhay na minsang naging bahagi ng dalawang pusong nagmamahalan.Tumayo si Dianne, ang katawan ay naglalakad ng mekanikal, ang mga hakbang ay mabigat at puno ng pangarap. Ang bawat hakbang na papunta sa gabinete ng dokto
Ang salitang “ninyo” ay parang balakid na pilit niyang sinisingit sa bawat pangungusap, para paalalahanan ang sarili kung saan siya nakatayo sa buhay ni Drake. Siya’y isang surrogate, walang iba.Pagkarating nila sa bahay, inuna ni Drake na bumaba at buksan ang pinto para kay Dianne. Bagamat pagod sa maghapong trabaho at emosyon, pinilit niyang maging magaan ang kilos. Sa kabila ng pagkakulong sa lungkot at trabaho, may bahagi sa kanya na ayaw ipakita kay Dianne ang kanyang kahinaan.“Goodnight, Dianne,” sabi ni Drake bago ito tumuloy sa sariling kwarto.“Goodnight,” sagot ni Dianne, ngunit nang maisara na niya ang pinto ng kanyang silid, doon na pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.Sa loob ng kwarto, tahimik niyang hinaplos ang kanyang tiyan, na para bang kinakausap ang sanggol na kanyang dinadala. “Anak,” bulong niya, “patawad kung naiisip kong sana’y akin na lang ang ama mo. Pero surrogate mother lang ako, hindi ko dapat hinahayaang makuha ako ng damdaming ito.”Haban
"Dianne," mahina niyang sabi, bahagyang nabigla sa pagdating nito."Hindi mo kailangang saktan ang sarili mo nang ganito, Drake. Wala kang mapapala sa pagpilit mong magtrabaho hanggang makalimot. Hindi mo kailangang dalhin mag-isa ang lahat ng ito," sabi ni Dianne, may paninindigan sa boses.Tumayo si Drake, iniwas ang tingin sa kanya. "Ano pa bang magagawa ko, Dianne? Hindi ko kayang bumalik sa dati. Hindi ko kayang mawala siya."Lumapit si Dianne at mahigpit siyang niyakap. "Drake, wala nang makakabura sa sakit na nararamdaman mo. Pero hindi mo kailangang magdusa nang mag-isa. Nandito ako. Kami ng anak niyo ni Tiffany, nandito kami."Unti-unting bumigay ang matagal nang kinikimkim ni Drake. Bumagsak ang kanyang mga luha, habang si Dianne naman ay tahimik na inalo siya. Ang gabing iyon sa opisina ay nagsilbing isang maliit ngunit mahalagang hakbang para kay Drake—isang paalala na kahit sa gitna ng pinakamadilim na sandali, may liwanag pa rin na naghihintay sa kanya.Sa yakap ni Diann
Nang sumunod na araw, hinarap ni Drake ang salamin, tinignan ang sarili, at napagtanto ang kawalan niya ng direksyon nitong nakaraang buwan. Ang mga salamin sa kanyang mga mata ay sumasalamin sa lalaking minsan ay puno ng determinasyon, ngunit ngayon ay natabunan ng sakit at kawalan. Huminga siya ng malalim, at sa unang pagkakataon, nagdesisyon siyang bumangon, literal at figuratively, mula sa pagkakadapa ng kanyang damdamin.Nagpunta siya sa barbershop, isang simpleng bagay na matagal na niyang binalewala. Habang ginugupit ang kanyang buhok, naramdaman niya ang tila bagong simula sa bawat bagsak ng gunting. Ang kanyang clean-shaven look, na dati ay parte ng kanyang araw-araw na imahe bilang isang negosyante, ay muling bumalik. Ngayon, tila hindi lang ito pisikal na pagbabago kundi isang paalala sa kanya na ang buhay ay kailangang magpatuloy, kahit pa mabigat ang dala.Pagkatapos ng maikling trip na iyon, nagdesisyon siyang bumalik sa kanyang opisina. Alam niyang marami siyang naiwang
Si Dianne ay hindi para magbigay ng solusyon—hindi para gawing madali ang lahat. Wala siyang lakas na baguhin ang nakaraan ni Drake. Ang hindi niya kayang gawin ay ang ipilit na burahin ang sakit. Ngunit ang kaya niyang gawin ay maging naroroon, maging kasama. Ang pagiging naroroon sa gitna ng dilim, sa gitna ng takot, ay ang pinakamahalagang hakbang. Hindi pa nila natapos ang laban, ngunit sa bawat araw na nagdaan, si Dianne ay patuloy na nagsisilbing gabay para kay Drake, na hindi siya mag-iisa.At sa simpleng hakbang na iyon—ang pagkain ng hapunan—nagbigay ito ng simbolo ng isang bagong pag-asa, isang hakbang na magdadala ng liwanag sa isang mundo ng dilim. Hindi ito ang simula ng kaligayahan, ngunit ito ay simula ng isang pagbabago. Hindi madali ang magpatuloy, ngunit ang mga unang hakbang patungo sa isang bagong simula ay palaging nagsisimula sa pagtanggap sa ating sarili at sa ating mga pagkatalo.Habang si Dianne ay nagmamasid, isang tahimik na pangako ang sumik sa kanyang puso