Sa labas ng silid, naririnig niya ang malalim na boses ni Drake, nakikipag-usap sa doktor. Hindi niya mapigilan ang sarili—ang tahimik na pagnanais na sana’y siya ang laging nasa tabi nito, ang makaramdam ng malasakit na higit pa sa trabaho o kontrata.Habang tumutulo ang ulan mula sa mga ulap, tila ganoon din ang kanyang damdamin—isang bagyo ng emosyon na pilit niyang nilalabanan ngunit hindi maikakailang unti-unti nang nananaig.
Drake: "Doc, ano ang dapat gawin at hindi dapat para sa kalagayan ni Dianne? Gusto kong siguraduhin na maayos ang lahat," seryoso niyang tanong, ramdam ang malasakit sa kanyang tinig.
Napatingin ang doktor kay Drake, nag-aadjust ng salamin sa ilong bago magsalita.
Doktor: "Well, Mr. Manalo, ang pinakamahalaga ngayon ay siguraduhin natin na wala siyang stress. Kailangan din niya ng sapat na pahinga, tamang nutrisyon, at regular na monitoring para masigurado nating maayos ang pagbuo ng embryo. Ang gestational surrogacy ay hindi biro, at critical ang unang mga linggo nito."
Tumango si Drake, ngunit hindi maitatanggi ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
Drake: "Gagawin ko ang lahat para siguruhin ang kaligtasan niya. Sabihin niyo lang kung ano ang kailangan."
Sa loob ng silid, naririnig ni Dianne ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Drake. Ang malasakit at dedikasyon nito ay tila isang init na sumusuot sa kanyang puso. "Bakit siya ganito? Bakit parang masyado siyang concern? Hindi dapat ako mag-isip ng kung anu-ano," mahina niyang sabi sa sarili.
Pagbalik ni Drake sa silid, nakita niya si Dianne na nakatingin sa bintana, ang kanyang likod ay tila napaka-fragile ngunit eleganteng tignan. Lumapit siya nang dahan-dahan at nagsalita.
Drake: "Dianne, okay ka lang ba? May nararamdaman ka bang hindi maganda?"
Nagulat si Dianne, mabilis na humarap sa kanya.
Dianne: (bahagyang ngumiti) "Ah, wala po, Sir. Maayos naman po ako."
Ngunit alam ni Drake na may kung anong bumabagabag sa kanya. Nakita niya ang bahagyang pag-iwas ng tingin ni Dianne, ang paraan ng paghawak nito sa kanyang mga kamay na tila may iniisip na hindi kayang sabihin.
Drake: (umuupo sa upuang malapit sa kanya) "Alam mo, Dianne, kung may kahit anong problema o nararamdaman ka, huwag kang mahihiyang magsabi. Gusto kong siguruhin na maayos ang lahat para sa’yo."
Sa bawat salitang binibitawan ni Drake, lalong bumibigat ang dibdib ni Dianne. Gusto niyang magpasalamat, ngunit kasabay nito ang takot. Takot na baka masyado siyang maapektuhan sa kabaitan nito, sa presensya nitong tila hindi niya kayang talikuran.
Dianne: (mahina ngunit may ngiti) "Salamat po, Sir. Napakabuti niyo po. Hindi niyo po kailangan gawin lahat ng ito, pero nandito pa rin kayo."
Drake: (napangiti nang bahagya) "Ginagawa ko ito dahil mahalaga ka. Isa kang bahagi ng plano namin ni Tiffany, at gusto kong siguraduhin na maayos ang lahat para sa bata... at para sa’yo rin."
Napatigil si Dianne sa kanyang paghinga. Ang mga salitang iyon, bagaman malinaw na galing sa malasakit at pananagutan ni Drake, ay tila tumama nang malakas sa kanyang puso. Para sa’yo rin. Napakapit siya sa gilid ng kama, pilit hinahanap ang tamang sagot ngunit parang nalunod ang kanyang boses sa damdaming hindi niya maipaliwanag.
Dianne: (mahinang tinig) "Salamat po, Sir Drake... Pero sobra na po ang kabutihan ninyo. Hindi ko po alam kung paano ako makakabayad sa lahat ng ito."
Drake: (umiling) "Huwag mong isipin na may utang ka sa amin, Dianne. Ang mahalaga sa akin ay ang kaligtasan mo at ng bata. Kapag may kailangan ka, sabihin mo lang, okay?"
Nagkatitigan sila sandali, at sa mga matang iyon, naramdaman ni Dianne ang isang koneksyong mahirap takasan. Pinilit niyang iwasan ang tingin, ngunit tila hinihigop siya ng init at sinseridad ng mga mata ni Drake.
Dianne: (pilit na ngumingiti) "Opo, Sir. Salamat po talaga."
Tumayo si Drake mula sa pagkakaupo at itinakip ang kanyang mga kamay sa bulsa. Tila alanganin, naglakad siya patungo sa bintana, pinagmamasdan ang ulan na bumabagsak.
Drake: "Minsan iniisip ko, kung anong iisipin ni Tiffany kung nandito pa siya. Napakabait niya sa’yo, hindi ba?"
Dianne: (tumango, may lungkot sa mga mata) "Opo, Sir. Napakabuti po niya. Parang hindi po siya makakalimutan ng kahit sino."
Huminga nang malalim si Drake, at bumalik ang kanyang tingin kay Dianne.
Drake: "Tama ka. Hindi siya makakalimutan... Pero alam mo, Dianne, minsan mahirap hindi magtanong sa sarili kung anong mangyayari sa mga plano namin ngayon."
Narinig ni Dianne ang lungkot sa boses ni Drake, at mas lalong bumigat ang kanyang nararamdaman. Gusto niyang aluin si Drake, ngunit paano? Paano niya maitatago ang damdamin niyang unti-unti nang bumibigay?
Dianne: (mahina ngunit may tapang) "Siguro po, Sir, ang mahalaga ngayon ay ang bagong buhay na parating. Ang anak niyo po. Yun po ang magiging sagisag ng pagmamahal ninyo kay Ma’am Tiffany."
Muling ngumiti si Drake, ngunit may halong lungkot ang mga mata niya. Lumapit siya kay Dianne, at hinawakan ang kanyang balikat.
Drake: "Salamat, Dianne. Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay na nandito ka."
Sa pagdampi ng kanyang kamay, nagising ang bawat nerbiyos sa katawan ni Dianne. Tumango siya, pilit nilalabanan ang sariling damdamin.
Ngunit sa loob ng kanyang puso, ang simpleng hawak na iyon ay tila isang apoy na muling bumuhay sa kanyang damdamin. Alam niyang hindi dapat—pero paano lalabanan ang isang bagay na tila nakatakdang mangyari?Muling sumiklab ang emosyon sa puso ni Dianne. Ang mga salitang iyon ay parang musika, ngunit alam niyang hindi niya maaaring bigyang-kulay ang mga ito. Tumango na lamang siya, pilit na itinatago ang emosyon.
Sa kanilang katahimikan, naririnig nila ang patak ng ulan sa labas, tila sinasabayan ang mabibigat na damdaming parehong nanatili sa kanilang mga puso. Ngunit sa likod ng katahimikang iyon, alam ni Dianne na ang kanyang damdamin para kay Drake ay patuloy na lumalago—at walang makakapigil dito.
Habang si Dianne at Drake ay abala sa hospital, hindi nila alam ang madilim na pangyayari na nagaganap sa kalsada. Si Tiffany, na nagmamadaling pumunta sa hospital upang makipagkita kay Dianne, ay nahulog sa isang bangungot ng aksidente.
Sa kalsada...
Ang ulan ay dumadaloy ng mabilis, bumabagsak mula sa mga ulap na kulay abo, habang ang mga sasakyan ay nagpapalipat-lipat sa madulas na kalsada. Isang mabilis na sasakyan ang dumadaan, ang mga gulong nito ay parang dumudulas sa matalim na ulan. Ang sasakyan na minamaneho ni Tiffany ay hindi nakita ng driver ng paparating na malaking truck. Isang malakas na tunog ang pumunit sa katahimikan ng gabi—isang banggaan na nagpatigil sa lahat.
Ang sasakyan ni Tiffany ay na-bangga at tumilapon mula sa kalsada, nahulog sa gilid ng overpass, ang mga piraso ng metal at salamin ay nagkalat sa kalsada. Ang mga ilaw ng sasakyan ay kumikislap, ngunit ang katawan ni Tiffany ay nakatago sa dilim ng gabing iyon.
Sa hospital...
Si Dianne ay nakaupo sa isang sulok ng silid, habang binabantayan si Drake na nakikipag-usap sa doktor ukol sa kalagayan ng kanyang gestational surrogacy. Mabilis ang pag-pump ng puso ni Dianne, at kahit anong gawin niya, hindi niya mapigilan ang pagpapawis at ang bigat ng pakiramdam. Sa kabila ng kanyang mga iniisip, hindi maiwasang mag-alala kay Tiffany—ang babaeng naging parte ng kanyang buhay sa loob ng ilang buwan.
Dianne: (sa sarili) Sana okay siya... sana ay makalabas na siya ng maayos. Ang hirap kaya maging inahan, lalo na kung walang katiyakan. At kung nangyari man ang di inaasahang pagsubok sa kanya...
Habang abala si Dianne sa kanyang mga iniisip, wala siyang kaalam-alam sa nangyaring aksidente sa kalsada. Hindi rin alam ni Drake ang masaklap na pangyayaring iyon, sapagkat abala siya sa usapan ukol sa kondisyon ni Dianne at sa pag-aalaga sa mga kondisyon ng kanyang pagbubuntis.
Drake: (tumingin kay Dianne) "Mahalaga ito, Dianne. Nais ko lang tiyakin na lahat ay magiging okay. Hindi ko hahayaang mangyari ang anumang hindi maganda sa'yo."
Si Dianne ay ngumiti at tumango, ngunit ang mga mata niya ay hindi mapigilan ang kabuntot na pag-aalala.
Dianne: (mahina) "Salamat po, Sir Drake... Tinutulungan niyo po ako sa lahat ng aspeto. Hindi ko po alam kung anong magiging kalagayan ko kung hindi po kayo nandiyan."
Ngunit habang patuloy na binabaybay ni Drake ang mga pagsisiguro sa kaligtasan ni Dianne, sa kabila ng lahat ng kabutihang ipinaabot nito, may ibang takot na walang sinuman ang nakakaalam—ang bagyong Pepito na hindi lamang dumaan sa kalsada, kundi pati sa buhay ng bawat isa sa kanila.
Sa kabila ng lahat ng pagsubok, malupit na hinagpis ang nag-aabang, isang kaganapan na magbabago sa buhay ng bawat isa sa kanila.
Ang balita mula sa TV ay parang mga palaso na tumama kay Dianne, habang ang mga salitang binitiwan ng reporter ay tumagos sa kanyang kaluluwa, puno ng takot at kalungkutan. Ang tunog ng smart TV sa silid ay naghatid ng isang malupit na katotohanan na hindi nila kayang tanggapin.
"Newsflash! May naaksidente na nangyari sa overpass sa may intersection. Nahulog ang isang sasakyan. Ang mga biktima, hinahanap pa ang identity, ngunit ayon sa ulat, ang mga biktima ay dead on arrival. Ngayon, sa kabilang kalye ay nagkukumpulan dahil sa aksidente. Nag-uulat, George Madrina."
Ang mga salitang iyon ay parang isang malupit na pagkabigla na kumuyom sa puso ni Dianne. Agad niyang napansin ang biglaang pagbabago ng ekspresyon ni Drake. Nakatingin siya sa telebisyon, ngunit ang mga mata ni Drake ay tila naglalaman ng isang lihim na takot. Hindi na siya nakatagal at nagbitiw ng isang mahina, nanginginig na tanong.
Dianne: (naguguluhan, may takot sa boses) "Sir... Drake... Ano pong nangyari? Anong balita 'yun?"
Bago pa man makapagsalita si Drake, bigla na lang nag-vibrate ang kanyang cellphone, ang tunog ng tawag ay parang isang malupit na putok sa katahimikan ng silid. Ang kamay ni Drake ay agad na dumapo sa cellphone at ang mata niya ay napako sa screen. Nang makita niyang ang pangalan ng caller ay mula sa Makati Police Station, hindi na niya natiis pa.
Drake: (nanginginig, halos hindi makapagsalita) "Hello?"
Ang boses ng pulis mula sa kabilang linya ay puno ng kalungkutan at sakit, na tila isang putok ng kidlat na nagbukas sa madilim na langit.
Pulis: (malungkot, seryoso) "Hello, is this Mr. Drake Manalo? Ito po si Paul ng Makati Police Station. Sorry to inform you, pero naaksidente po ang misis niyo, si Tiffany. Dead on arrival po."
Ang mga salitang iyon ay tumama kay Drake na parang isang matinding palo na hindi niya kayang takasan. Parang ang mundo ni Drake ay biglang nagbago. Ang bawat ulat mula sa TV, ang bawat salita ng pulis, ay nagbukas ng pinto ng impyerno sa kanyang kaluluwa. Ang lahat ng plano, ang lahat ng pangarap na binuo nila ni Tiffany, ay nawalan ng kabuluhan sa isang iglap. Hindi makapaniwala si Drake sa kanyang narinig.
Drake: (nanghihina, halos hindi makarinig) "Tiffany... Wala na...?"
Hindi na niya kayang hawakan ang cellphone nang buo, at sa isang iglap, nadulas ito mula sa kanyang kamay. Ang tunog ng cellphone na bumagsak sa sahig ay parang isang huling tunog na nagtatapos sa isang malupit na kalungkutan. At nang bumagsak ito, tila bumagsak ang buong mundo ni Drake. Ang mga ulat mula sa telebisyon ay patuloy na umuukit ng matinding sakit sa kanyang puso, ngunit wala na siyang magawa. Hindi niya kayang tanggapin, hindi kayang paniwalaan ang nangyari.
Drake: (ngumanga, wala nang lakas) "Hindi... Hindi ito pwedeng mangyari... Hindi ko kayang mawala siya... Tiffany..."
Ang boses ni Drake ay halos hindi marinig, puno ng sakit at pagkabigla. Para siyang nawala sa sarili, parang ang kanyang katawan ay nawala sa pagkontrol. Ang mga salitang iyon ay parang isang malupit na sigaw mula sa kanyang kaluluwa, isang daing ng pusong nawalan ng dahilan upang magpatuloy.
Dianne, na nakatayo lamang sa tabi, ay nakaramdam ng bigat sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung anong sasabihin, o kung paano makakatulong. Tila ba ang mundo ni Drake ay nahulog na sa kalaliman, at wala siya sa posisyon upang itaas siya mula doon.
Dianne: (malungkot, malapit nang luhod) "Drake..." (tinutok ang tingin kay Drake, hinahanap ang tamang mga salita)
Ang mga mata ni Dianne ay naglalaman ng isang kakaibang kalungkutan. Nakita niya si Drake sa pinakamababang punto ng kanyang buhay, at hindi niya kayang magtakip ng saloobin. Ang sakit na kanyang nararamdaman ay parang isang dagok sa puso, at ang kanyang takot na mawalan ng pagkatao sa mga pangyayaring ito ay nagiging dahilan ng kanyang mga alalahanin.
Dianne: (mahina, tinitingnan si Drake) "Drake, nandito lang ako. Huwag mong kalimutan... hindi mo kailangang mag-isa."
Pero si Drake, tila hindi nakaririnig sa mga sinabi ni Dianne. Ang mga mata ni Drake ay malalim na naghahanap ng sagot sa isang mundo na nagbago ng hindi inaasahan. Tila ang lahat ng mga pangarap na kanilang pinagsamahan ay naging alikabok. Ang pagmamahal na itinaguyod nila ni Tiffany, at ang mga plano nilang magkasama sa hinaharap—lahat iyon ay nawalan ng saysay sa isang iglap.
Sa bawat patak ng luha ni Drake, tila mas lalong tumitibay ang desisyon ni Dianne. Sa kabila ng sariling sakit na dala ng kanyang nararamdaman, isang malinaw na pangako ang namuo sa kanyang puso. Magiging siya ang ilaw sa gitna ng dilim, hindi para palitan ang puwang na iniwan ni Tiffany, kundi para maging sandalan ng isang lalaking tila nawalan na ng dahilan upang magpatuloy."Bakit? Bakit nangyari ito? Hindi ko kayang mawalan siya... hindi ko kayang magpatuloy nang walang kanya..." Ang boses ni Drake ay puno ng sakit, halos hindi marinig sa bigat ng damdaming bumabalot sa kanya. Tila naglalaman ng bawat luha na hindi niya magawang pahintulutang tumulo.Napansin ni Dianne ang panginginig ng katawan ni Drake. Ang mga mata nito, puno ng kirot, ay nagtatago ng malalim na pighati na kahit ang pinakamatatag na tao ay maaaring bumagsak. Sa sandaling iyon, ang lalaking inaakala niyang walang kapantay sa lakas at tikas ay nagmistulang isang taong nawalan ng lahat.Hinawakan ni Dianne ang kam
“Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat ng ito,” sagot ni Drake, ang boses ay puno ng lungkot at pighati. “Wala na siya Dianne ,iniwan na ko ni Tiffany. Papaano ko harapin ang buhay kung wala na siya!”“Drake, hindi ko kayang punan ang puwang ni Tiffany. Wala akong karapatang gawin iyon,” ani Dianne, ang tinig ay puno ng paggalang at malasakit. “Pero nandiyan ang anak niyo, at ang anak na iyon ay magsisilbing dahilan kung bakit kailangan mong magpatuloy. Ang bata, pati na rin si Tiffany, ay magbibigay sa iyo ng lakas.”Tumahimik si Drake sa mga sandaling iyon, at ang mga mata nito ay puno ng pighati. Ang mga salitang sinabi ni Dianne ay tumama sa kanyang puso, ngunit ang lungkot na kanyang nararamdaman ay parang isang ulap na hindi agad natatanggal. Hindi siya makapaniwala na ganito ang mangyayari sa kanilang buhay.“Paano ko magiging sapat para sa bata?” tanong ni Drake, ang kanyang boses ay bahagyang nanginginig. “Paano ako maging mabuting ama sa kanya na ngayon ang kanyang
Ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang mukha ay hindi nakapawi ng init na dulot ng mga luha na patuloy na pumapawi sa kanyang mga mata. Kailangan niyang makarating sa ospital kung saan nakaratay ang katawan ni Tiffany. Kailangan niyang masaktan pa ng higit upang magkaalaman kung gaano siya kalungkot, kung gaano siya kalupit na iniwan ni Tiffany.Nais niyang makita ang katawan ni Tiffany. Hindi para maghanap ng sagot, kundi para magpaalam. Gusto niyang hawakan ang kamay nito, gusto niyang ipadama na hindi siya maghihintay na mag-isa. Sa mga huling sandali ng buhay ni Tiffany, kailangan niyang magbigay ng pasasalamat at magpaalam ng maayos. Ang mga bagay na hindi niya nagawa habang buhay pa ito ay nais niyang magampanan ngayon.Pagdating sa ospital, naglakad si Drake sa malalamig na pasilyo. Habang papalapit siya sa kwarto ng mga bangkay, ramdam niya ang kakaibang presensya—ang tahimik na kalungkutan na sumasabay sa kanyang mga hakbang. Pagpasok sa kwarto, ang unang bagay na nakita
Ang kanyang tinig ay namamaos sa pinaghalong pagluha at pighati, tila sinasakal ng mga emosyon na hindi niya maipaliwanag. Hinaplos niya ang malamig na kamay ni Tiffany, pilit na sinasariwa ang mainit nitong haplos noong buhay pa ito. Ang sakit ay tila walang katapusan—isang bangungot na hindi niya kayang gisingan."Ang dami pa nating pangarap, Tiffany," patuloy niya, habol-hininga sa gitna ng mga hikbi. "Ang baby natin... Akala ko magkakasama tayong tatlo. Akala ko... magiging masaya tayo bilang isang pamilya. Bakit ngayon pa? Bakit ikaw? Bakit ganito?"Nagsimula na ring magluha ang mga nakatayo sa paligid. Ang pamilya ng driver na kasama sa aksidente ay tahimik na nagluluksa sa kabilang bahagi ng silid. Ang kanilang mga iyak ay nagmistulang koro ng kalungkutan, nagdadala ng mas mabigat na hangin sa lugar. Ang bawat tao sa silid ay tila nabalot ng isang madilim na ulap ng kawalan at paghihinagpis.Inilapit ni Drake ang noo niya sa noo ni Tiffany, para bang kahit sa huling pagkakataon
Sa gitna ng tahimik na lamay, unti-unting nagsidatingan ang mga kamag-anak nina Tiffany at Drake. Ang malungkot na awit ng mga pag-iyak at dasal ay nagbigay ng bigat sa hangin, isang alaala na ang pagkawala ni Tiffany ay nag-iwan ng sugat sa kanilang pamilya at mga kaibigan.Naroon si Dianne, tahimik na nakaupo sa isang sulok. Hindi niya alam kung paano magpapakumbaba sa harap ng napakaraming tao na nagdadalamhati, ngunit alam niyang dapat siyang naroroon para kay Drake. Alam niyang ito ang panahon kung kailan kailangang magpakita siya ng lakas, kahit pa sa loob-loob niya ay may sarili rin siyang laban—ang bigat ng responsibilidad na dala niya sa kanyang sinapupunan.Lumapit ang ina ni Tiffany na si Gemma Romualdez. Halata ang pighati sa kanyang mga mata habang niyakap niya si Dianne nang mahigpit, parang ito na ang huling piraso ng alaala ng kanyang anak. "Dianne," mahinang sambit nito, ang boses ay puno ng hinanakit at pagmamahal. "Alagaan mo ang pinagbubuntis mo. Isa lang ang anak
Ramdam ni Dianne ang kirot sa kanyang puso habang pinagmasdan ito. Hindi niya mapigilang isipin kung paano ganito kabigat ang iniinda ng isang taong dati’y punong-puno ng buhay. Nasasaktan siyang makita ito sa ganoong kalagayan.Hinaplos niya ang sarili niyang tiyan, kung saan naroon ang punla ng buhay na iniwan ni Tiffany kay Drake. Ang bigat ng responsibilidad na ito ay bumalot kay Dianne, ngunit kasabay nito ay ang pag-usbong ng mas malalim na damdamin na pilit niyang itinatanggi."Ang sakit siguro ng nararamdaman niya," mahina niyang bulong sa sarili, habang ang mga luha ay bahagyang nagbabanta sa kanyang mga mata. "Sana kahit papaano, maibsan ko ang sakit na nararamdaman niya."Sa bawat pagpatak ng luha ni Drake, tila nararamdaman din ni Dianne ang kirot. Awa ang una niyang naramdaman—awa para sa lalaking nawalan ng lahat ng mahalaga sa kanya. Ngunit habang tumatagal, napansin niyang may mas malalim pang damdamin ang sumisibol sa kanyang puso—isang damdaming hindi niya kayang bal
Araw ng huling libing ni Tiffany, at ang buong paligid ay puno ng kalungkutan. Ang mga tao na nagtipon-tipon ay tahimik, at ang hangin ay tila nagdadala ng kabiguan. Si Drake ay nakatayo sa tabi ng libingan, ang kanyang tingin ay malayo at walang buhay. Tila ang oras ay huminto sa kanyang harap, at ang sakit ay nakatanim pa rin sa kanyang mga mata—isang sakit na hindi kayang ilarawan ng kahit anong salita.Si Dianne, na nakatayo sa malapit, ay nakamasid sa kanya. Hindi niya kayang ipagkait ang nararamdamang awa para kay Drake. Ngunit alam niyang hindi ito ang tamang panahon para ipakita ang kanyang nararamdaman. Ang pagkawala ni Tiffany ay isang sugat na malalim at hindi kayang palitan ng kahit anong pag-ibig, at alam niyang hindi niya kailanman magiging kasing kahulugan ng asawa ni Drake.“Drake...” ang tinig ni Dianne ay malumanay at puno ng malasakit, ngunit hindi niya alam kung paano lalapit sa kanya. Si Drake ay tila isang bangungot na hindi makakalabas, ang kanyang katauhan ay t
“Drake, nandiyan pa rin kami para sa iyo. Hindi mo kailangang mag-isa,” malumanay na sinabi ni Dianne habang magkasama nilang tinitingnan ang malayo.Tumigil saglit si Drake ngunit hindi lumingon. Ang mga hakbang niya ay mabigat, ngunit ang kanyang katawan ay parang hinahaplos ng mga salita ni Dianne. Hindi pa niya alam kung paano magpapatuloy, ngunit alam niyang may mga taong handang sumuporta sa kanya, kahit na ang kanyang pusong naghahanap ng sagot ay nananatiling tahimik.Habang magkasama silang naglakad, isang panibagong simula ang nagsimulang sumik mula sa kanilang mga mata—isang mahirap na landas, ngunit hindi na nag-iisa.Simula noon, nagkukulong si Drake sa kanyang kwarto, hindi lumalabas, hindi nakakakain, at ang mga katulong sa bahay ay nag-aalala. Isang araw, nilapitan ni isang katulong si Dianne habang nag-aasikaso ng ilang bagay sa sala.“Ma’am, si Sir hindi po niya ginagalaw yung pagkain niya. Baka po mapano siya. Worried na worried po kami,” sabi ng katulong, ang boses
Habang nakaupo si Dianne sa gilid ng kama ng kanyang ama, mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Ang bawat hibla ng kanyang puso ay nagdarasal na gumaling si Pedro sa lalong madaling panahon. Sa likod niya, si Drake ay nananatiling alerto, ang kanyang mga mata ay hindi nagpapahinga sa pagmamasid sa bawat galaw sa paligid ng ospital."Dianne," bulong ni Drake, ang boses ay puno ng pag-aalala ngunit mahinahon. "Alam kong mahalaga si Papa Pedro sa'yo, pero kailangan nating maging handa. Hindi tayo pwedeng magpakampante. Nandito ako para sa'yo, pero kailangan mo rin akong tulungan na panatilihin tayong ligtas."Napatingin si Dianne sa kanyang asawa, ang mga mata ay puno ng emosyon. "Drake, naiintindihan ko. Pero sa sandaling ito, ang gusto ko lang ay maramdaman ni Papa na hindi siya nag-iisa. Naiintindihan ko ang panganib, pero hindi ko pwedeng pabayaan ang pamilya ko."Bago pa man makasagot si Drake, biglang tumunog ang telepono nito. Mabilis niya itong sinagot, at sa kabilang linya a
Habang si Drake ay nakatayo sa labas ng ospital, pinapanood niya ang bawat galaw ng mga tao sa paligid. Sa kabila ng tila normal na araw, ang kanyang kutob ay mas lalong nagiging mabigat. Ang bawat tunog ng pintuan, bawat yabag ng tao, at kahit ang mahinang ingay ng mga sasakyan sa paradahan ay tila may dalang babala."Sir," tumawag ang isa sa kanyang mga tauhan mula sa earpiece. "May gumalaw sa loob ng kahina-hinalang sasakyan. Isang lalaki ang bumaba at naglakad papunta sa harap ng ospital. Nasa paligid niya ang dalawa pang kasamahan, pero nanatili sila sa loob ng sasakyan."Agad na naging mas alerto si Drake. "Huwag kayong kikilos hangga't hindi kinakailangan. Manatili kayong nakaantabay, pero siguraduhin ninyong hindi sila lalapit sa entrance.""Roger that, Sir," sagot ng tauhan.Sa kabila ng kanyang tahimik na panlabas na kilos, si Drake ay nakikipaglaban sa loob. Ang ideya na nasa panganib si Dianne at ang kanyang pamilya ay nagpapabigat sa kanyang dibdib. Ngunit kailangan niyan
Isang tahimik na umaga sa mansyon nina Dianne at Drake nang biglang tumunog ang telepono. Tumigil si Dianne sa pag-aasikaso kay Elise, at agad na sinagot ang tawag. Ang tinig mula sa kabilang linya ay nagdala ng matinding kaba sa kanyang puso.“Dianne, anak…” basag ang tinig ng kanyang ina, si Lena. “Ang tatay mo... naaksidente sa bukid. Ang traktora, muntikan na siyang lamunin ng gulong!”Natigilan si Dianne, nanginginig ang mga kamay habang pilit pinoproseso ang narinig. Napalitan ng alala ang kanyang mukha at agad siyang tumayo.“Drake!” sigaw niya, nanginginig ang tinig at halatang nag-aalala. “Naaksidente si Papa! Kailangan natin siyang makita ngayon din!”Agad na tumayo si Drake mula sa kanyang inuupuan. Kita sa kanyang mukha ang pag-aalala, ngunit pinilit niyang manatiling kalmado. Lumapit siya kay Dianne at hinawakan ang kanyang mga balikat. “Mahal, huminahon ka muna. Tatawag ako sa mga bantay natin. Sisiguraduhin nating ligtas ang lahat bago tayo umalis.”Ngunit umiling si Di
Sa mga sumunod na araw, patuloy na nagbabantay ang mga tauhan ni Ruby, ngunit ang pamilya nina Dianne at Drake ay mas naging alerto. Tinututukan ni Drake ang bawat galaw ng kanilang mga bantay at sigurado siyang walang makakalapit sa kanilang tahanan nang hindi nila alam.Isang araw, habang naglalakad si Dianne at Drake sa paligid ng bahay, napansin ni Dianne ang isang lalaki na mabilis na dumaan sa kanilang kalsada. “Drake,” tawag ni Dianne nang mapansin ang lalaki. "Parang may nakita akong hindi pamilyar na tao na dumaan."Tinutok ni Drake ang kanyang mata sa direksyon na tinutukoy ni Dianne. "Mahal, sigurado kang hindi lang iyon ang nagmamasid sa atin? Wala na yatang nakalusot sa atin," sagot ni Drake habang pinapakita ang kanyang mga mata na puno ng pag-aalala."I don’t know, Drake... Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan, pero may pakiramdam akong hindi normal ang nangyayari," sagot ni Dianne, ang boses ay puno ng takot. "Puwede bang may plano si Ruby?"Nais man ni Drake na magb
Habang ang pamilya nina Dianne at Drake ay nagsasama-sama sa isang sandaling tahimik na kaligayahan, ang mga anino ng nakaraan ay patuloy na nagmumulto sa kanilang mga isip. Ang mga saloobin nila ay hindi maiwasang mapuno ng alalahanin, habang ang lihim na plano ni Ruby ay patuloy na naglalakad sa dilim, naghihintay ng pagkakataon upang magpataw ng kahatulan.Si Dianne, habang nag-aalaga kay Elise at tinitingnan ang mga mata ng magulang ni Tiffany, ay hindi maalis ang tensyon na nararamdaman sa kanyang dibdib. Ang bawat galak na nararamdaman niya sa presensya ng mga magulang ni Tiffany ay may kasamang takot at pangarap na sana hindi na ito magbago."Mag-ingat tayo," ang bulong ni Drake habang hawak ang kamay ni Dianne. "Hindi pa tapos ang laban na ito. Si Ruby, hindi titigil hangga't hindi niya nakakamtan ang gusto niya. Pero hindi natin siya papayagan."Tinutok ni Dianne ang mata kay Drake, ang mga labi ay nagngingipin ng determinasyon. "Hindi ko kayang makita kayong nasasaktan. Si E
Si Ruby, sa kabila ng lahat ng takot at pangarap, ay patuloy na naglalakbay sa landas ng dilim. Ang mga mata niya'y puno ng galit at pangarap ng paghihiganti. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakakamtan ang layunin niyang makuha si Drake at sirain ang buhay ni Dianne. Bawat hakbang ay may kabigatan, ngunit ang determinasyon niya ay mas matindi pa. Alam niyang ang bawat pagkatalo ay maghahatid sa kanya ng higit pang galit, at sa kabila ng lahat ng iyon, naniniwala siyang siya ang may huling halakhak.Habang ang mga tauhan ni Ruby ay patuloy na nagsasagawa ng kanilang plano, nagiging mas mahigpit ang seguridad nina Drake at Dianne. Ngunit hindi pa rin alam ng mga ito na si Ruby ay patuloy na nagmamasid mula sa dilim, naghihintay ng pagkakataon na kumilos at tuluyang makuha ang lahat ng gusto niya.Isang gabi, habang ang mag-asawa ay nagpapahinga sa bahay, ang takot ay muling dumapo kay Dianne. Tinutukso siya ng mga alaala ng mga banta at ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kaaway sa
Tinutok ni Dianne ang mga mata kay Drake, naramdaman ang bigat ng sitwasyon, ngunit nagpasya siyang maging malakas para sa kanilang pamilya. “Hindi tayo magpapatalo, mahal. May mga taong nagmamahal sa atin at magtutulungan tayo upang malampasan ito.”Sa kabila ng kanilang mga plano, hindi nila maaalis sa kanilang isipan na ang banta ay patuloy na kumakalat sa paligid nila. Ngunit ang pagmamahal at dedikasyon nila sa isa’t isa ay nagsilbing lakas upang patuloy na lumaban.Habang si Ruby ay tahimik na nagmamasid mula sa malayo, ang kanyang galit ay naglalagablab, at sa kanyang mga mata, ang pagkatalo ni Dianne ay tila isang misyon na hindi matitinag. Alam niyang darating ang oras na magiging tadhana na nila si Drake—ngunit sa kabila ng lahat ng plano, hindi pa rin siya makakapaghanda sa mga susunod na pagsubok na maghuhubog sa kanilang mga buhay.Sa bawat sandali, ang galit ni Ruby ay lumalalim. Hindi niya kayang tanggapin na, sa kabila ng lahat ng ginawa niyang pagsusumikap at sakripis
Samantala, sa hindi kalayuan, ang grupo ni Ruby ay muling nagtipon sa isang abandonadong warehouse. Nakasalampak sa harap nila ang mapa ng bahay nina Dianne, at detalyado nilang tinatalakay ang plano.“Siguraduhin niyong walang butas sa plano. Dapat mabilis, malinis, at walang bakas na maiiwan,” sabi ng lider.“Ang oras ng operasyon ay eksakto sa araw na hindi naroon si Drake. Aalis siya ng alas-siyete ng umaga, at babalik ng alas-singko ng hapon. Doon tayo kikilos,” dagdag pa ng isa.Habang nakikinig si Ruby, ang kanyang mga kamay ay mariing nakakuyom. Sa kabila ng desisyon niyang huwag idamay si Elise, ang galit at pagkasuklam niya kay Dianne ay mas lalong nag-uumapaw.“Siguraduhin niyo na walang palpak,” madiing sabi ni Ruby habang nakatingin nang matalim sa lider. “Ayokong madamay ang bata, pero hindi rin dapat makawala si Dianne. Kapag nagkamali kayo, siguraduhin niyong hindi niyo ako babalikan.”Ngumiti ang lider, puno ng kumpiyansa. “Huwag kang mag-alala, Ruby. Mabilis at malin
Habang patuloy ang takas ng pamilya, ang grupo ni Ruby ay muling nagtipon para planuhin ang kanilang susunod na hakbang.“Hindi tayo pwedeng magkamali sa susunod,” sabi ng lider, mariing tinitigan ang kanyang mga tauhan. “Kapag nagkaroon tayo ng pagkakataon, hindi na tayo magdadalawang-isip.”Sa kabila ng tila tahimik na sandaling ito, ang panganib ay patuloy na nagkukubli, unti-unting sumasakop sa masayang mundo nina Drake at Dianne. Ang galit ni Ruby ay tila apoy na naghihintay lamang ng tamang oras upang magliyab. Sa bawat sandaling lumilipas, mas lumalapit ang bangin na maaaring magpabago sa kanilang buhay nang tuluyan.Pagkarating sa bahay nina Drake, sinimulan nilang ipatupad ang mas maingat na seguridad. “Mahal, maglagay tayo ng CCTV sa paligid ng bahay at siguraduhin nating naka-lock lahat ng pinto at bintana, lalo na kapag gabi,” sabi ni Dianne habang nagpapahinga sa sala kasama si Elise. “Gagawin ko 'yan. Huwag kang mag-alala, mahal. Hindi tayo pababayaan ng Diyos, at hindi