Home / Romance / GOT TO BELIEVE IN LOVE / GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 9

Share

GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 9

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2024-12-06 00:36:53

Ang kanyang tinig ay namamaos sa pinaghalong pagluha at pighati, tila sinasakal ng mga emosyon na hindi niya maipaliwanag. Hinaplos niya ang malamig na kamay ni Tiffany, pilit na sinasariwa ang mainit nitong haplos noong buhay pa ito. Ang sakit ay tila walang katapusan—isang bangungot na hindi niya kayang gisingan.

"Ang dami pa nating pangarap, Tiffany," patuloy niya, habol-hininga sa gitna ng mga hikbi. "Ang baby natin... Akala ko magkakasama tayong tatlo. Akala ko... magiging masaya tayo bilang isang pamilya. Bakit ngayon pa? Bakit ikaw? Bakit ganito?"

Nagsimula na ring magluha ang mga nakatayo sa paligid. Ang pamilya ng driver na kasama sa aksidente ay tahimik na nagluluksa sa kabilang bahagi ng silid. Ang kanilang mga iyak ay nagmistulang koro ng kalungkutan, nagdadala ng mas mabigat na hangin sa lugar. Ang bawat tao sa silid ay tila nabalot ng isang madilim na ulap ng kawalan at paghihinagpis.

Inilapit ni Drake ang noo niya sa noo ni Tiffany, para bang kahit sa huling pagkakataon
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 10

    Sa gitna ng tahimik na lamay, unti-unting nagsidatingan ang mga kamag-anak nina Tiffany at Drake. Ang malungkot na awit ng mga pag-iyak at dasal ay nagbigay ng bigat sa hangin, isang alaala na ang pagkawala ni Tiffany ay nag-iwan ng sugat sa kanilang pamilya at mga kaibigan.Naroon si Dianne, tahimik na nakaupo sa isang sulok. Hindi niya alam kung paano magpapakumbaba sa harap ng napakaraming tao na nagdadalamhati, ngunit alam niyang dapat siyang naroroon para kay Drake. Alam niyang ito ang panahon kung kailan kailangang magpakita siya ng lakas, kahit pa sa loob-loob niya ay may sarili rin siyang laban—ang bigat ng responsibilidad na dala niya sa kanyang sinapupunan.Lumapit ang ina ni Tiffany na si Gemma Romualdez. Halata ang pighati sa kanyang mga mata habang niyakap niya si Dianne nang mahigpit, parang ito na ang huling piraso ng alaala ng kanyang anak. "Dianne," mahinang sambit nito, ang boses ay puno ng hinanakit at pagmamahal. "Alagaan mo ang pinagbubuntis mo. Isa lang ang anak

    Last Updated : 2024-12-06
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 11

    Ramdam ni Dianne ang kirot sa kanyang puso habang pinagmasdan ito. Hindi niya mapigilang isipin kung paano ganito kabigat ang iniinda ng isang taong dati’y punong-puno ng buhay. Nasasaktan siyang makita ito sa ganoong kalagayan.Hinaplos niya ang sarili niyang tiyan, kung saan naroon ang punla ng buhay na iniwan ni Tiffany kay Drake. Ang bigat ng responsibilidad na ito ay bumalot kay Dianne, ngunit kasabay nito ay ang pag-usbong ng mas malalim na damdamin na pilit niyang itinatanggi."Ang sakit siguro ng nararamdaman niya," mahina niyang bulong sa sarili, habang ang mga luha ay bahagyang nagbabanta sa kanyang mga mata. "Sana kahit papaano, maibsan ko ang sakit na nararamdaman niya."Sa bawat pagpatak ng luha ni Drake, tila nararamdaman din ni Dianne ang kirot. Awa ang una niyang naramdaman—awa para sa lalaking nawalan ng lahat ng mahalaga sa kanya. Ngunit habang tumatagal, napansin niyang may mas malalim pang damdamin ang sumisibol sa kanyang puso—isang damdaming hindi niya kayang bal

    Last Updated : 2024-12-06
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 12

    Araw ng huling libing ni Tiffany, at ang buong paligid ay puno ng kalungkutan. Ang mga tao na nagtipon-tipon ay tahimik, at ang hangin ay tila nagdadala ng kabiguan. Si Drake ay nakatayo sa tabi ng libingan, ang kanyang tingin ay malayo at walang buhay. Tila ang oras ay huminto sa kanyang harap, at ang sakit ay nakatanim pa rin sa kanyang mga mata—isang sakit na hindi kayang ilarawan ng kahit anong salita.Si Dianne, na nakatayo sa malapit, ay nakamasid sa kanya. Hindi niya kayang ipagkait ang nararamdamang awa para kay Drake. Ngunit alam niyang hindi ito ang tamang panahon para ipakita ang kanyang nararamdaman. Ang pagkawala ni Tiffany ay isang sugat na malalim at hindi kayang palitan ng kahit anong pag-ibig, at alam niyang hindi niya kailanman magiging kasing kahulugan ng asawa ni Drake.“Drake...” ang tinig ni Dianne ay malumanay at puno ng malasakit, ngunit hindi niya alam kung paano lalapit sa kanya. Si Drake ay tila isang bangungot na hindi makakalabas, ang kanyang katauhan ay t

    Last Updated : 2024-12-07
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 13

    “Drake, nandiyan pa rin kami para sa iyo. Hindi mo kailangang mag-isa,” malumanay na sinabi ni Dianne habang magkasama nilang tinitingnan ang malayo.Tumigil saglit si Drake ngunit hindi lumingon. Ang mga hakbang niya ay mabigat, ngunit ang kanyang katawan ay parang hinahaplos ng mga salita ni Dianne. Hindi pa niya alam kung paano magpapatuloy, ngunit alam niyang may mga taong handang sumuporta sa kanya, kahit na ang kanyang pusong naghahanap ng sagot ay nananatiling tahimik.Habang magkasama silang naglakad, isang panibagong simula ang nagsimulang sumik mula sa kanilang mga mata—isang mahirap na landas, ngunit hindi na nag-iisa.Simula noon, nagkukulong si Drake sa kanyang kwarto, hindi lumalabas, hindi nakakakain, at ang mga katulong sa bahay ay nag-aalala. Isang araw, nilapitan ni isang katulong si Dianne habang nag-aasikaso ng ilang bagay sa sala.“Ma’am, si Sir hindi po niya ginagalaw yung pagkain niya. Baka po mapano siya. Worried na worried po kami,” sabi ng katulong, ang boses

    Last Updated : 2024-12-07
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 14

    Araw-araw, hinahatiran ni Dianne si Drake ng pagkain sa kanyang kwarto. Alam niyang hindi nito ginagalaw ang mga inihahain ng mga katulong, kaya’t siya na mismo ang gumagawa ng paraan upang siguraduhing nakakakain ito. Sa bawat pagpasok niya sa kwarto ni Drake, naroroon pa rin ang parehong tanawin—nakaupo ito sa gilid ng kama, nakatulala sa kawalan, mistulang wala sa sarili.“Drake, kumain ka na,” sabi ni Dianne, pilit na inilalapit ang tray ng pagkain.Hindi sumagot si Drake. Ang mga mata nito ay tila ba nakatingin sa malayo, sa mga alaala ng nakaraan. Alam ni Dianne na nahihirapan ito, ngunit hindi niya kayang hayaang tuluyang mawala sa sarili ang taong alam niyang kailangang mabuhay hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para rin sa anak nila ni Tiffany.“Kung hindi ka kakain, paano mo haharapin ang bukas? Paano ang anak mo? Kailangan ka niya, Drake,” dagdag niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala.Napabuntong-hininga si Drake bago tahimik na tinignan si Dianne. “Wala nang saysay

    Last Updated : 2024-12-08
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 15

    Si Dianne ay hindi para magbigay ng solusyon—hindi para gawing madali ang lahat. Wala siyang lakas na baguhin ang nakaraan ni Drake. Ang hindi niya kayang gawin ay ang ipilit na burahin ang sakit. Ngunit ang kaya niyang gawin ay maging naroroon, maging kasama. Ang pagiging naroroon sa gitna ng dilim, sa gitna ng takot, ay ang pinakamahalagang hakbang. Hindi pa nila natapos ang laban, ngunit sa bawat araw na nagdaan, si Dianne ay patuloy na nagsisilbing gabay para kay Drake, na hindi siya mag-iisa.At sa simpleng hakbang na iyon—ang pagkain ng hapunan—nagbigay ito ng simbolo ng isang bagong pag-asa, isang hakbang na magdadala ng liwanag sa isang mundo ng dilim. Hindi ito ang simula ng kaligayahan, ngunit ito ay simula ng isang pagbabago. Hindi madali ang magpatuloy, ngunit ang mga unang hakbang patungo sa isang bagong simula ay palaging nagsisimula sa pagtanggap sa ating sarili at sa ating mga pagkatalo.Habang si Dianne ay nagmamasid, isang tahimik na pangako ang sumik sa kanyang puso

    Last Updated : 2024-12-08
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 16

    Nang sumunod na araw, hinarap ni Drake ang salamin, tinignan ang sarili, at napagtanto ang kawalan niya ng direksyon nitong nakaraang buwan. Ang mga salamin sa kanyang mga mata ay sumasalamin sa lalaking minsan ay puno ng determinasyon, ngunit ngayon ay natabunan ng sakit at kawalan. Huminga siya ng malalim, at sa unang pagkakataon, nagdesisyon siyang bumangon, literal at figuratively, mula sa pagkakadapa ng kanyang damdamin.Nagpunta siya sa barbershop, isang simpleng bagay na matagal na niyang binalewala. Habang ginugupit ang kanyang buhok, naramdaman niya ang tila bagong simula sa bawat bagsak ng gunting. Ang kanyang clean-shaven look, na dati ay parte ng kanyang araw-araw na imahe bilang isang negosyante, ay muling bumalik. Ngayon, tila hindi lang ito pisikal na pagbabago kundi isang paalala sa kanya na ang buhay ay kailangang magpatuloy, kahit pa mabigat ang dala.Pagkatapos ng maikling trip na iyon, nagdesisyon siyang bumalik sa kanyang opisina. Alam niyang marami siyang naiwang

    Last Updated : 2024-12-09
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 17

    "Dianne," mahina niyang sabi, bahagyang nabigla sa pagdating nito."Hindi mo kailangang saktan ang sarili mo nang ganito, Drake. Wala kang mapapala sa pagpilit mong magtrabaho hanggang makalimot. Hindi mo kailangang dalhin mag-isa ang lahat ng ito," sabi ni Dianne, may paninindigan sa boses.Tumayo si Drake, iniwas ang tingin sa kanya. "Ano pa bang magagawa ko, Dianne? Hindi ko kayang bumalik sa dati. Hindi ko kayang mawala siya."Lumapit si Dianne at mahigpit siyang niyakap. "Drake, wala nang makakabura sa sakit na nararamdaman mo. Pero hindi mo kailangang magdusa nang mag-isa. Nandito ako. Kami ng anak niyo ni Tiffany, nandito kami."Unti-unting bumigay ang matagal nang kinikimkim ni Drake. Bumagsak ang kanyang mga luha, habang si Dianne naman ay tahimik na inalo siya. Ang gabing iyon sa opisina ay nagsilbing isang maliit ngunit mahalagang hakbang para kay Drake—isang paalala na kahit sa gitna ng pinakamadilim na sandali, may liwanag pa rin na naghihintay sa kanya.Sa yakap ni Diann

    Last Updated : 2024-12-09

Latest chapter

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 133

    Habang nakaupo si Dianne sa gilid ng kama ng kanyang ama, mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Ang bawat hibla ng kanyang puso ay nagdarasal na gumaling si Pedro sa lalong madaling panahon. Sa likod niya, si Drake ay nananatiling alerto, ang kanyang mga mata ay hindi nagpapahinga sa pagmamasid sa bawat galaw sa paligid ng ospital."Dianne," bulong ni Drake, ang boses ay puno ng pag-aalala ngunit mahinahon. "Alam kong mahalaga si Papa Pedro sa'yo, pero kailangan nating maging handa. Hindi tayo pwedeng magpakampante. Nandito ako para sa'yo, pero kailangan mo rin akong tulungan na panatilihin tayong ligtas."Napatingin si Dianne sa kanyang asawa, ang mga mata ay puno ng emosyon. "Drake, naiintindihan ko. Pero sa sandaling ito, ang gusto ko lang ay maramdaman ni Papa na hindi siya nag-iisa. Naiintindihan ko ang panganib, pero hindi ko pwedeng pabayaan ang pamilya ko."Bago pa man makasagot si Drake, biglang tumunog ang telepono nito. Mabilis niya itong sinagot, at sa kabilang linya a

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 132

    Habang si Drake ay nakatayo sa labas ng ospital, pinapanood niya ang bawat galaw ng mga tao sa paligid. Sa kabila ng tila normal na araw, ang kanyang kutob ay mas lalong nagiging mabigat. Ang bawat tunog ng pintuan, bawat yabag ng tao, at kahit ang mahinang ingay ng mga sasakyan sa paradahan ay tila may dalang babala."Sir," tumawag ang isa sa kanyang mga tauhan mula sa earpiece. "May gumalaw sa loob ng kahina-hinalang sasakyan. Isang lalaki ang bumaba at naglakad papunta sa harap ng ospital. Nasa paligid niya ang dalawa pang kasamahan, pero nanatili sila sa loob ng sasakyan."Agad na naging mas alerto si Drake. "Huwag kayong kikilos hangga't hindi kinakailangan. Manatili kayong nakaantabay, pero siguraduhin ninyong hindi sila lalapit sa entrance.""Roger that, Sir," sagot ng tauhan.Sa kabila ng kanyang tahimik na panlabas na kilos, si Drake ay nakikipaglaban sa loob. Ang ideya na nasa panganib si Dianne at ang kanyang pamilya ay nagpapabigat sa kanyang dibdib. Ngunit kailangan niyan

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 131

    Isang tahimik na umaga sa mansyon nina Dianne at Drake nang biglang tumunog ang telepono. Tumigil si Dianne sa pag-aasikaso kay Elise, at agad na sinagot ang tawag. Ang tinig mula sa kabilang linya ay nagdala ng matinding kaba sa kanyang puso.“Dianne, anak…” basag ang tinig ng kanyang ina, si Lena. “Ang tatay mo... naaksidente sa bukid. Ang traktora, muntikan na siyang lamunin ng gulong!”Natigilan si Dianne, nanginginig ang mga kamay habang pilit pinoproseso ang narinig. Napalitan ng alala ang kanyang mukha at agad siyang tumayo.“Drake!” sigaw niya, nanginginig ang tinig at halatang nag-aalala. “Naaksidente si Papa! Kailangan natin siyang makita ngayon din!”Agad na tumayo si Drake mula sa kanyang inuupuan. Kita sa kanyang mukha ang pag-aalala, ngunit pinilit niyang manatiling kalmado. Lumapit siya kay Dianne at hinawakan ang kanyang mga balikat. “Mahal, huminahon ka muna. Tatawag ako sa mga bantay natin. Sisiguraduhin nating ligtas ang lahat bago tayo umalis.”Ngunit umiling si Di

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 130

    Sa mga sumunod na araw, patuloy na nagbabantay ang mga tauhan ni Ruby, ngunit ang pamilya nina Dianne at Drake ay mas naging alerto. Tinututukan ni Drake ang bawat galaw ng kanilang mga bantay at sigurado siyang walang makakalapit sa kanilang tahanan nang hindi nila alam.Isang araw, habang naglalakad si Dianne at Drake sa paligid ng bahay, napansin ni Dianne ang isang lalaki na mabilis na dumaan sa kanilang kalsada. “Drake,” tawag ni Dianne nang mapansin ang lalaki. "Parang may nakita akong hindi pamilyar na tao na dumaan."Tinutok ni Drake ang kanyang mata sa direksyon na tinutukoy ni Dianne. "Mahal, sigurado kang hindi lang iyon ang nagmamasid sa atin? Wala na yatang nakalusot sa atin," sagot ni Drake habang pinapakita ang kanyang mga mata na puno ng pag-aalala."I don’t know, Drake... Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan, pero may pakiramdam akong hindi normal ang nangyayari," sagot ni Dianne, ang boses ay puno ng takot. "Puwede bang may plano si Ruby?"Nais man ni Drake na magb

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 129

    Habang ang pamilya nina Dianne at Drake ay nagsasama-sama sa isang sandaling tahimik na kaligayahan, ang mga anino ng nakaraan ay patuloy na nagmumulto sa kanilang mga isip. Ang mga saloobin nila ay hindi maiwasang mapuno ng alalahanin, habang ang lihim na plano ni Ruby ay patuloy na naglalakad sa dilim, naghihintay ng pagkakataon upang magpataw ng kahatulan.Si Dianne, habang nag-aalaga kay Elise at tinitingnan ang mga mata ng magulang ni Tiffany, ay hindi maalis ang tensyon na nararamdaman sa kanyang dibdib. Ang bawat galak na nararamdaman niya sa presensya ng mga magulang ni Tiffany ay may kasamang takot at pangarap na sana hindi na ito magbago."Mag-ingat tayo," ang bulong ni Drake habang hawak ang kamay ni Dianne. "Hindi pa tapos ang laban na ito. Si Ruby, hindi titigil hangga't hindi niya nakakamtan ang gusto niya. Pero hindi natin siya papayagan."Tinutok ni Dianne ang mata kay Drake, ang mga labi ay nagngingipin ng determinasyon. "Hindi ko kayang makita kayong nasasaktan. Si E

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 128

    Si Ruby, sa kabila ng lahat ng takot at pangarap, ay patuloy na naglalakbay sa landas ng dilim. Ang mga mata niya'y puno ng galit at pangarap ng paghihiganti. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakakamtan ang layunin niyang makuha si Drake at sirain ang buhay ni Dianne. Bawat hakbang ay may kabigatan, ngunit ang determinasyon niya ay mas matindi pa. Alam niyang ang bawat pagkatalo ay maghahatid sa kanya ng higit pang galit, at sa kabila ng lahat ng iyon, naniniwala siyang siya ang may huling halakhak.Habang ang mga tauhan ni Ruby ay patuloy na nagsasagawa ng kanilang plano, nagiging mas mahigpit ang seguridad nina Drake at Dianne. Ngunit hindi pa rin alam ng mga ito na si Ruby ay patuloy na nagmamasid mula sa dilim, naghihintay ng pagkakataon na kumilos at tuluyang makuha ang lahat ng gusto niya.Isang gabi, habang ang mag-asawa ay nagpapahinga sa bahay, ang takot ay muling dumapo kay Dianne. Tinutukso siya ng mga alaala ng mga banta at ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kaaway sa

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 127

    Tinutok ni Dianne ang mga mata kay Drake, naramdaman ang bigat ng sitwasyon, ngunit nagpasya siyang maging malakas para sa kanilang pamilya. “Hindi tayo magpapatalo, mahal. May mga taong nagmamahal sa atin at magtutulungan tayo upang malampasan ito.”Sa kabila ng kanilang mga plano, hindi nila maaalis sa kanilang isipan na ang banta ay patuloy na kumakalat sa paligid nila. Ngunit ang pagmamahal at dedikasyon nila sa isa’t isa ay nagsilbing lakas upang patuloy na lumaban.Habang si Ruby ay tahimik na nagmamasid mula sa malayo, ang kanyang galit ay naglalagablab, at sa kanyang mga mata, ang pagkatalo ni Dianne ay tila isang misyon na hindi matitinag. Alam niyang darating ang oras na magiging tadhana na nila si Drake—ngunit sa kabila ng lahat ng plano, hindi pa rin siya makakapaghanda sa mga susunod na pagsubok na maghuhubog sa kanilang mga buhay.Sa bawat sandali, ang galit ni Ruby ay lumalalim. Hindi niya kayang tanggapin na, sa kabila ng lahat ng ginawa niyang pagsusumikap at sakripis

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 126

    Samantala, sa hindi kalayuan, ang grupo ni Ruby ay muling nagtipon sa isang abandonadong warehouse. Nakasalampak sa harap nila ang mapa ng bahay nina Dianne, at detalyado nilang tinatalakay ang plano.“Siguraduhin niyong walang butas sa plano. Dapat mabilis, malinis, at walang bakas na maiiwan,” sabi ng lider.“Ang oras ng operasyon ay eksakto sa araw na hindi naroon si Drake. Aalis siya ng alas-siyete ng umaga, at babalik ng alas-singko ng hapon. Doon tayo kikilos,” dagdag pa ng isa.Habang nakikinig si Ruby, ang kanyang mga kamay ay mariing nakakuyom. Sa kabila ng desisyon niyang huwag idamay si Elise, ang galit at pagkasuklam niya kay Dianne ay mas lalong nag-uumapaw.“Siguraduhin niyo na walang palpak,” madiing sabi ni Ruby habang nakatingin nang matalim sa lider. “Ayokong madamay ang bata, pero hindi rin dapat makawala si Dianne. Kapag nagkamali kayo, siguraduhin niyong hindi niyo ako babalikan.”Ngumiti ang lider, puno ng kumpiyansa. “Huwag kang mag-alala, Ruby. Mabilis at malin

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 125

    Habang patuloy ang takas ng pamilya, ang grupo ni Ruby ay muling nagtipon para planuhin ang kanilang susunod na hakbang.“Hindi tayo pwedeng magkamali sa susunod,” sabi ng lider, mariing tinitigan ang kanyang mga tauhan. “Kapag nagkaroon tayo ng pagkakataon, hindi na tayo magdadalawang-isip.”Sa kabila ng tila tahimik na sandaling ito, ang panganib ay patuloy na nagkukubli, unti-unting sumasakop sa masayang mundo nina Drake at Dianne. Ang galit ni Ruby ay tila apoy na naghihintay lamang ng tamang oras upang magliyab. Sa bawat sandaling lumilipas, mas lumalapit ang bangin na maaaring magpabago sa kanilang buhay nang tuluyan.Pagkarating sa bahay nina Drake, sinimulan nilang ipatupad ang mas maingat na seguridad. “Mahal, maglagay tayo ng CCTV sa paligid ng bahay at siguraduhin nating naka-lock lahat ng pinto at bintana, lalo na kapag gabi,” sabi ni Dianne habang nagpapahinga sa sala kasama si Elise. “Gagawin ko 'yan. Huwag kang mag-alala, mahal. Hindi tayo pababayaan ng Diyos, at hindi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status