PILIT na kumalas si Gabriel sa pagkakayakap ni Arlyn. “Please stop,” aniya rito saka nagmamadaling bumangon at lumabas ng kanilang silid. Simula nang makita niya kahapon si Olivia ay hindi na ito nawaglit sa isipan niya.
Si Olivia ang babaeng laman ng kanyang mga panaginip. Kailangang makita niya itong muli. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nalalaman ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay.
“Damn, Gabriel, don’t tell me iniisip mo ang babaeng iyon?” Galit na tanong sa kanya ni Arlyn, “Pagkatapos ng lahat ng ginawa nya saiyo? Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit ka naaksidente?”
Tiningnan niya ito ng matiim.
Kinuh
“SAAN ka pupunta?” Tanong ni Arlyn kay Gabriel nang makitang bihis na bihis siya. “Sa trabaho, saan pa ba sa palagay mo?” kaswal na sabi niya habang inaayos ang pagkakatupi ng kanyang long sleeve, “Kailangang asikasuhin ko ang mga napabayaan kong negosyo. . .” “Walang napabayaang negosyo dahil sina Tito Jaypee ang nagtake over nun nung kasalukuyan kang nagpapagaling!” “I know but I guess it’s about time na gawin ko ang mga responsibilidad ko.” “Sasama ako saiyo! Just wait for me.” Umikot ang eye ball niya, “Arlyn, can you just stay here.
“SERIOUSLY?” Hindi makapaniwalang tanong ni Anika kay Gabriel. Matagal-tagal rin silang hindi nagkausap ng lalaki at ngayon lamang niya nalaman na naaksidente pala ito at kinailangang dalhin sa Amerika para sa maselang operasyon, “I didn’t know that. At nakapagtatakang ni isa sa mga kaibigan natin walang nakakaalam ng pangyayaring yan. Maski ang secretary mo hindi alam ang tungkol dyan. I mean, ilang beses kong tinanong sina Tito Arnel kung bakit bigla ka na lang nagdecide pumunta sa Amerika pero never nilang nabanggit ang nangyaring aksidente. At ang isa pa sa pinagtataka ko, iyong biglaan mong pagpapakasal. . .alam naman natin at alam ko kung gaano mo kamahal si Olivia.” Tumiim ang mga mata ni Gabriel, “Gaano ko nga ba kamahal si Olivia?” Curious na tanong nito sa kanya na mas lalo niyang ikinagulat. Pakiramdam niya ay ibang tao an
“HINDI AKO AALIS DITO hanggang hindi ko nakakausap si Gabriel!” Mula sa terrace ng kanilang bahay ay naririnig ni Donya Amanda ang malakas na sigaw ni Olivia sa labas ng kanilang gate. Mistula itong isang bida sa mga telenobelang napapanuod niya. Napangisi siya. At siya ang magaling na kontrabida dito? Hmm, I like it, natatawang pinanood niya ang bawat galaw ni Olivia. In fairness, matapang ito at mukha talagang handang ipaglaban ang pag-ibig para kay Gabriel. Too bad dahil siya ang nakatapat nito. Tinawagan niya ang head ng security guard sa village para ipakaladkad palayo ang babae. Masyado na itong eskandalosa. Enough for the drama. Tapos na siyang mag-enjoy. “Bitiwan nyo ko. Gabrie
“IKAW ba talaga yan? Mukha kang diyosang bumaba sa langit!” eksaheradang bulalas ni Nanay Becca, namimilog ang mga mata nito, pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa, “Ang ganda-ganda mo Olivia. Siguradong luluwa ang mga mata ng makakakita saiyo dun sa party!” “Thank you ‘nay,” nakangiting sabi niya, muli niyang sinipat ang sarili sa malaking salamin. In fairness ay magaling ang make-up artist niya at ang hair stylist niya. Nakataas ang hanggang balikat niyang buhok ngunit hinayaan nitong may malaglag na maliliit na hibla sa may nuo at tagiliran ng tainga niya. Bumagay rin ang cherry red dress gown na suot niya. Fitted iyon sa kanyang katawan kaya lutang na lutang ang magandang hubog ng kanyang pangangatawan. Diamond earrings lang ang isinuot niya at diamond bracelet na may nakalawit na isang sapphire na heart shaped.
PAKIRAMDAM NI TONET ay naglock ang kanyang mga panga nang matanawan si Anika. Malayo pa lang ay nakita na kaagad niya ito. Nagregudon ang dibdib niya. Feeling niya ay nabalik siya sa panahong um-attend sila ng JS PROM. Ang ganda-ganda ni Anika. Mas lalo tuloy siyang natataranta. Hindi niya alam kung magtatago ba siya o lalapitan ito. Pakiramdam niya ay may mga kabayong nagsisipulasan sa loob ng kanyang dibdib. Para siyang maduduwal na hindi niya maintindihan sa sobrang kaba na nararamdaman. Ang daming tao pero ng mga sandaling iyon, si Anika lang ang nakikita niya. Kumuha siya ng alak at mabilis na tinungga. Baka sakaling mawala ang kaba niya kapag nakainom na siya. Pero bakit mas lalong bumilis ang tibok ng pus
HINDI alam ni Olivia kung paano haharapin si Gabriel ng gabing iyon. God, bakit pakiramdam niya ay nagbabago lahat ng plano niya sa tuwing magkakaharap sila ng lalaking ito? Bakit lahat ng galit parang nalulusaw, wala siyang gustong gawin ng mga sandaling iyon kundi ang makulong sa mga bisig nito? Malamig ang simoy ng hangin and yet para siyang pinagpapawisan ng mga oras na iyon. Waring namamanhid ang kayang mga binti, para siyang maduduwal na hindi niya maintindihan mas lalo na nang magtama ang kanilang mga paningin. “Hi,” halos paanas lamang na bati nito sa kanya as if first time lamang nilang nagkita. God, bakit kung makaasta ang lalaking ito ay parang wala silang nakaraan? O talagang tuluyan na siya nitong ibinaon sa limot? May pai
MAGKAHINANG ang kanilang mga labi, buong puso, buong pagmamahal niyang inaangkin ang katawan ni Olivia, hindi yata niya pagsasawaan ang alindog ng babaeng ito kahit na kailan. “Olivia,” mahinang sambit niya habang tinataas baba niya ang kanyang katawan sa ibabaw ng katawan nito, ang kanyang isang kamay ay abala sa paglalaro sa suso nito. Bumaba ang kanyang labi para paglaruan ang dungot niyon. Napasabunot sa kanya si Olivia. “Gabriel. . .” Animo’y musika sa kanyang pandinig na marinig mula dito ang pagbanggit nito ng kanyang pangalan. Napasigaw siya nang maramdamang tila sasabog na siya, “Olivia. . .Olivia!!!!” Kasabay niyon ay napamulat siya ng
“ARLYN, pwede ba, you are overthinking!” “No, Tito Jaypee. I saw it with my own eyes, ramdam ko. Alam kong kahit na anong gawin ko, wala akong laban sa babaeng iyon sa puso ni Gabriel,” umiiyak na sabi niya sa kanyang Uncle Jaypee nang makipagkita siya rito dahil parang sasabog na ang utak niya sa nerbiyos. “Ano pa ba ang kinakatakot mo? Magkakaanak na kayo ni Gabriel. Alam mo naman kung gaano ka family oriented si Gabriel. Sa palagay mo sisirain nya ang maganda ninyong pamilya para lang sa babaeng iyon?” “Pero may anak rin sila, Tito. In the first place, ako ang sumira ng pamilya nila.” “So, nagi-guilty ka, ganun b