“OLIVIA?” Kumunot ang kanyang nuo, pamilyar sa kanya ang pangalang iyon ngunit hindi niya maalala kung bakit.
“Yes, Olivia. . .your live. . .” Bago pa maituloy ni Anika ang sasabihin ay dumating na si Arlyn. Napansin ni Gabriel na simula nang bumalik sila sa Pilipinas ay palagi nang nasa tabi niya si Arlyn kahit saan siya magpunta. Pakiramdam niya ay parang ayaw man lang nitong humiwalay sa mga lakad niya. Hindi naman ito ganito nuong nasa Amerika sila. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya gusto ang pagiging masyadong clingy sa kanya ni Arlyn.
“Oh,” nakangiting bati nito kay Anika, “Hello Anika, it’s good to see you,” sabi nitong nakipagbeso pa dito, “You look. . .more beautiful.”
&n
NAPAHINTO SA paglalakad si Arlyn. Pakiramdam niya ay nawala ang kulay sa mukha niya pagkarinig kay Gabriel ang pangalan ni Olivia. Dumating na ba ang kinatatakutan niya? God, hindi niya papayagang maagaw ng babaeng iyon sa kanya si Gabriel. Huminga siya ng malalim at pilit na kinompose ang sarili, “O-Olivia?” Pinilit niyang maging kaswal ang tono ng kanyang pananalita, “Siya iyong girlfriend mo bago mo ko nakilala. Malaki ang galit mo sa kanya dahil. . .dahil niloko ka nya, Gabriel!” “Niloko?” Curious na tanong nito sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag. Wala pa ring n
“OLIVIA?” May pait sa mga ngiti ni Arlyn nang sapilitang batiin si Olivia. Pilit niyang itinatago ang takot na nararamdaman, “What a small world, akalain mong after two years, magku-krus muli ang mga landas natin, p-pagkatapos ng. . .” Bahagya pa siyang tumikhim saka tiningnan si Gabriel, “Pagkatapos ng mga nangyari.” Halatang parehong hindi inaasahan ni Gabriel at Olivia ang pagkikita nilang ito. Kitang-kita ang panic sa mukha ni Olivia. Sabagay, maging siya ay nagpapanic rin. Bakit ba dito niya naisipang dalhin si Gabriel? Shit. This is not right. Hindi pa siya handang magkrus ang landas nila ng babaeng ito. Hangga’t maari ay kailangan niyang mailayo si Gabriel sa babaeng ito. Napansin
PILIT na kumalas si Gabriel sa pagkakayakap ni Arlyn. “Please stop,” aniya rito saka nagmamadaling bumangon at lumabas ng kanilang silid. Simula nang makita niya kahapon si Olivia ay hindi na ito nawaglit sa isipan niya. Si Olivia ang babaeng laman ng kanyang mga panaginip. Kailangang makita niya itong muli. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nalalaman ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay. “Damn, Gabriel, don’t tell me iniisip mo ang babaeng iyon?” Galit na tanong sa kanya ni Arlyn, “Pagkatapos ng lahat ng ginawa nya saiyo? Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit ka naaksidente?” Tiningnan niya ito ng matiim. Kinuh
“SAAN ka pupunta?” Tanong ni Arlyn kay Gabriel nang makitang bihis na bihis siya. “Sa trabaho, saan pa ba sa palagay mo?” kaswal na sabi niya habang inaayos ang pagkakatupi ng kanyang long sleeve, “Kailangang asikasuhin ko ang mga napabayaan kong negosyo. . .” “Walang napabayaang negosyo dahil sina Tito Jaypee ang nagtake over nun nung kasalukuyan kang nagpapagaling!” “I know but I guess it’s about time na gawin ko ang mga responsibilidad ko.” “Sasama ako saiyo! Just wait for me.” Umikot ang eye ball niya, “Arlyn, can you just stay here.
“SERIOUSLY?” Hindi makapaniwalang tanong ni Anika kay Gabriel. Matagal-tagal rin silang hindi nagkausap ng lalaki at ngayon lamang niya nalaman na naaksidente pala ito at kinailangang dalhin sa Amerika para sa maselang operasyon, “I didn’t know that. At nakapagtatakang ni isa sa mga kaibigan natin walang nakakaalam ng pangyayaring yan. Maski ang secretary mo hindi alam ang tungkol dyan. I mean, ilang beses kong tinanong sina Tito Arnel kung bakit bigla ka na lang nagdecide pumunta sa Amerika pero never nilang nabanggit ang nangyaring aksidente. At ang isa pa sa pinagtataka ko, iyong biglaan mong pagpapakasal. . .alam naman natin at alam ko kung gaano mo kamahal si Olivia.” Tumiim ang mga mata ni Gabriel, “Gaano ko nga ba kamahal si Olivia?” Curious na tanong nito sa kanya na mas lalo niyang ikinagulat. Pakiramdam niya ay ibang tao an
“HINDI AKO AALIS DITO hanggang hindi ko nakakausap si Gabriel!” Mula sa terrace ng kanilang bahay ay naririnig ni Donya Amanda ang malakas na sigaw ni Olivia sa labas ng kanilang gate. Mistula itong isang bida sa mga telenobelang napapanuod niya. Napangisi siya. At siya ang magaling na kontrabida dito? Hmm, I like it, natatawang pinanood niya ang bawat galaw ni Olivia. In fairness, matapang ito at mukha talagang handang ipaglaban ang pag-ibig para kay Gabriel. Too bad dahil siya ang nakatapat nito. Tinawagan niya ang head ng security guard sa village para ipakaladkad palayo ang babae. Masyado na itong eskandalosa. Enough for the drama. Tapos na siyang mag-enjoy. “Bitiwan nyo ko. Gabrie
“IKAW ba talaga yan? Mukha kang diyosang bumaba sa langit!” eksaheradang bulalas ni Nanay Becca, namimilog ang mga mata nito, pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa, “Ang ganda-ganda mo Olivia. Siguradong luluwa ang mga mata ng makakakita saiyo dun sa party!” “Thank you ‘nay,” nakangiting sabi niya, muli niyang sinipat ang sarili sa malaking salamin. In fairness ay magaling ang make-up artist niya at ang hair stylist niya. Nakataas ang hanggang balikat niyang buhok ngunit hinayaan nitong may malaglag na maliliit na hibla sa may nuo at tagiliran ng tainga niya. Bumagay rin ang cherry red dress gown na suot niya. Fitted iyon sa kanyang katawan kaya lutang na lutang ang magandang hubog ng kanyang pangangatawan. Diamond earrings lang ang isinuot niya at diamond bracelet na may nakalawit na isang sapphire na heart shaped.
PAKIRAMDAM NI TONET ay naglock ang kanyang mga panga nang matanawan si Anika. Malayo pa lang ay nakita na kaagad niya ito. Nagregudon ang dibdib niya. Feeling niya ay nabalik siya sa panahong um-attend sila ng JS PROM. Ang ganda-ganda ni Anika. Mas lalo tuloy siyang natataranta. Hindi niya alam kung magtatago ba siya o lalapitan ito. Pakiramdam niya ay may mga kabayong nagsisipulasan sa loob ng kanyang dibdib. Para siyang maduduwal na hindi niya maintindihan sa sobrang kaba na nararamdaman. Ang daming tao pero ng mga sandaling iyon, si Anika lang ang nakikita niya. Kumuha siya ng alak at mabilis na tinungga. Baka sakaling mawala ang kaba niya kapag nakainom na siya. Pero bakit mas lalong bumilis ang tibok ng pus