NAPAHAGULHOL sa harapan ni Olivia si Aling Demetria. Matagal rin niyang hinanap si Olivia para humingi dito ng tawad sa pagiging pabaya niyang ina dito. Nuong mga panahong iyon ay magulong-magulo ang utak niya.
Dumaraan din siya sa matinding depression at pakiramdam niya ay pabigat lang si Olvia sa buhay niya. Sa totoo lang, nang makilala niya si Anthony Reid, hindi pa siya handang magkaroon ng anak.
Pero dahil gusto niyang mapaibig si Anthony Reid dahil alam niyang mayaman ang Australyano ay pumayag na rin siyang mabuntis nito. Buong akala kasi nito ay pakakasalan na siya nito kapag nalaman nitong nagdadalantao na siya.
Ang dami niyang pangarap sa buhay.
Gus
“AKO si Olivia Reid. . .” “O-Olivia. . .?” Tila hindi makapaniwalang sabi ng matanda sa kanya. Maya-maya ay biglang nagliwanag ang mga mata nito, “M-mukhang mayaman ka na ngayon ah. Nandito ka ba para tulungan ako?” Gusto niya itong sampalin. Gusto niyang sabihin dito ang mga katagang ito: Ang kapal naman ng mukha mong demonyo ka? Sa kademonyohang ginawa mo sakin, umaasa ka pang tutulungan kitang makalaya dito? Dapat saiyo, mabulok dito. Unti-unting pahirapan hanggang pagsisihan moa ng lahat ng kamanyakang ginawa mo! Ang tanda-tanda mo na, hindi ka pa rin nagbabago? Akala ko ako lang ang pinagsamantalahan mo, ang dami na palang hayup ka!
Napakurap si Olivia. Hindi siya makapaniwalang naririnig na muli niya ang salitang iyon kay Gabriel. Tama ba ito o nanaginip lang siya. “I love you, Olivia Reid,” narinig niyang inulit ito ng lalaki nang mapansing ti;a hindi nya naiintindihan ang sinasabi nito sa kanya, “Naririnig mo ba ako?” Nagtatanong ang mga mata nito, waring naghihintay ng isasagot niya.Sinasabi lang kaya ito ni Gabriel sa kanya dala ng awa?Maya-maya ay muli siyang napaiyak.“What’s wrong?” Nagtatakang tanong nito, “Ayaw mo bang marinig sakin yan?”“Sana wala ng bawian ha?” Parang batang sabi niya rito, “Sana sinasabi mo yan hindi dahil naawa ka sakin. . .or dahil gusto mo lang ng sex. . .”“Hanggang ngayon ba pinagdududahan mo pa r
“GABRIEL, are you in love with that woman?” Hindi alam ni Gabriel kung magtatapat sa tiyahin ng tunay niyang nararamdaman para kay Olivia or sasarilinin na lang muna niya ang lahat hangga’t wala pa siyang malinaw na plano. God, mahal niya si Olivia ngunit hindi pa niya sigurado kung kaya na nga ba niyang panindigan ang pag-ibig niyang ito. Alam niyang mahihirapan siyang makumbinsi ang kanyang buong pamilya na tanggapin si Olivia lalong-lalo na ang kanyang Papa. Gusto muna niyang masiguradong handa na siya bago dumating ang panahon na iyon. Gusto niyang maging maayos ang lahat at nasa plano bago niya ito pasukin. Hindi siya kagaya ni Javier na basta na lamang sumu
HINILA ni Gabriel si Olivia at niyakap nang mahigpit, “I love you,” buong pagmamahal na sabi niya rito. Nais niyang madama nito kung gaano niya ito kamahal at kung gaano siya kasayang makasama ito. He can’t imagine his life without this woman. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya si Olivia, basta ang tiyak lang niya, wala siyang kasing saya sa piling ng babaeng ito. Ngayon lamang siya nagmahal ng ganito sa buong buhay niya. Kahit na kailan, hindi niya ibinigay sa ibang babae ang ganitong klase ng atensyon at pagnanasa. God, kung hindi pa pag-ibig ang tawag dito, hindi na niya alam kung ano ito. “I love you,” gusto
“KUMUSTA naman kayo ni Gabriel?” Tanong ni Nanay Becca kay Olivia nang dalawin nila ito ni Stacey sa bahay na tinutuluyan. Wala duon si Tonet at ito ang naiwang mag-alaga ng mga anak nito. “O-Okay naman po ‘nay,” aniya sa ina-inahan. “Hindi ka pa ba niya niyayayang pakasal?” usisa nito, inilihis niya ang kanyang mga mata dahil ayaw niyang magsalubong ang kanilang paningin. Baka kasi makahalata ang matanda na may mga bumabagabag sa isipan niya ngayon. Madali pa naman itong maapektuhan kapag may problema siya. “’Nay, ayokong magpakasal ‘no!” pagsisinungaling niya. Ang totoo ay iyon din ang gusto niyang marinig k
“GABRIEL, I want you to meet my beautiful neice,” Sabi ni Ginoong Jaypee Olivarez nang gabing ganapin ang pagsasanib pwersa ng kanilang kompanya para sa expansion ng kanilang textile business. Iginiya nito ang babaeng kasama nito paharap sa kanya, “Arlyn, this is Gabriel Craig, remember Tito Arnel? Iyong ipinakilala ko saiyo last week? Siya ang panganay na anak ni Pareng Arnel. Ang isa sa tagapagmana ng mga negosyo nila. . .Gabriel, this is Arlyn, panganay ng Tito Paul mo. Since hindi ako biniyayaan ng anak, parang anak na rin ang turing ko sa batang ito. . .” “Tito, hindi na ako bata,” paalala ng dalaga dito. Natawa ang matanda, “I know, right?” Tiningnan siya ni Arlyn mula ulo hanggang paa na waring sinisipat siyang
NAKAILANG bangon na si Olivia. Ala’y una na ng umaga ngunit gising na gising pa rin ang diwa niya. Pinipilit niyang makatulog pero ayaw talaga siyang dalawin ng antok dahil kung anu-ano na naman ang naiisip niya. Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng gatas. Baka makatulong iyon para makatulog siya. Ano nga ba ang dapat niyang katakutan? May assurance naman si Gabriel na kahit na mahal siya nito. And yet bakit parang feeling niya, any moment ay magkakahiwalay na naman sila ni Gabriel? Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin malinaw kung saan nga ba siya nakapuwesto sa buhay nito. Malamang siya ang least priority nito. Parang palagi na lang ay kailangan niyang makipagkompentensya para sa atensyon nito.&nbs
“MA? Akala ko kung anong emergency na ito,” hindi makapaniwalang sabi ni Gabriel nang nagmamadali niyang puntahan sa bahay ang ina. Akala niya ay kung ano na ang nangyari dito, iyon pala ang sinadya nitong huwag ipaalam sa kanya na inimbitahan ng mga ito si Arlyn at ang Ninong Jaypee niya sa bahay nila para sa isang salu-salo. Nuong isang gabi lang ay magkakasama sila, parang gustong-gusto talaga ng parents at ng ninong niya na magkalapit sila ng husto ni Arlyn. Naka-mini skit na kulay puti si Arlyn na tinernuhan ng kulay pulang sleeveless. Nakapony tail lang ang buhok at nakasuot ng kulay puting sneakers. Very casual and yet napaka-elegante nitong tingnan. “Isn’t she stunning?” Bulong ng ina niya sa kanya nang mapansing na