“I DID NOT INTEND this to happen, Tita. Ang buong akala ni Samantha, ibang babae ang dahilan kaya ako nakipaghiwalay sa kanya. Aaminin ko po, natukso ako. Pero hindi iyon ang rason kung bakit umatras ako sa kasal namin.” Paliwanag ni Edward nang ipatawag siya ng ina ni Samantha para magkausap sila ng maayos.
Naging maayos ang pakikitungo ng pamilya ni Samantha sa kanya kaya deserve nitong mapakinggan ang paliwanag niya.
“Ang totoo, masyado akong naging bulag nuon ng labis kong pagmamahal sa anak ninyo, Tita. Naging eye opener na lang siguro na natukso ako sa iba kaya bigla akong natauhan,” sabi niyang hindi alam kung paano ipagtatapat sa matanda ang natuklasan, huminga siya ng malalim at sinalubong ang mga mata ng matanda, “Tita, matagal na akong naghihinala pero nito ko lang na-confirm na
“GAB, kung okay lang sana saiyo, gusto kong makausap si Don Miguel?” Sabi ni Olivia kay Gabriel habang kumakain sila ng almusal, “Hindi naman siguro kaila saiyo na parang tatay na ang turing ko sa kanya. At kahit na sabihin pang pera ang dahilan kung bakit kami nagkaroon ng kaugnayan, malaking bagay pa rin siya sa buhay ko. . .gusto ko lang makitang okay siya?” “I understand. Tatawagan ko siya mamaya para sabihing gusto mo syang makausap.” “Salamat.” Isa-isa na niyang haharapin ang kanyang nakaraan. Gusto niyang simulan ang kanyang buhay nang wala siyang itinatago. Ayaw na niyang mabuhay sa kanyang nakaraan. Naniniwala siyang kung anuman ang naging kamalian at kahinaan niya nuon ay hindi nangangahulugang habang buhay na
“TULUNGAN MO ko, di ko na alam kung anong gagawin ko. Gulong-gulo na ang utak ko,” sabi ni Tonet kay Olivia nang tawagan siya nito umagang-umaga. Ni hindi pa nga siya nakaka-tooth brush at hilamos nang tumunog ang kanyang telepono. Sigurado siyang hindi na naman nakatulog si Tonet kaya an gaga nitong tumawag sa kanya. Sigurado rin siyang love life na naman ang problema nito. At tiyak niyang hindi si Rocco iyon. “Babae?” curious na tanong niya dito. “Kelan ba ako nagkaron ng issue sa lalaki?” Napabuntong hininga siya ng malalim. “Magkita tayo sa Glorietta.
“ARE YOU SURE yan ang gusto mong gawin, Anika?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gabriel sa babae nang puntahan siya nito sa kanyang opisina, “I mean, ready ka na ba sa magiging consequences ng gagawin mong yan?” “Ngayon lang ako naging ganito kasigurado sa buong buhay ko, Gab,” punong-puno ng katiyakang sabi sa kanya ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito pero hindi na niya pinagtatakhan ang sinabi nito sa kanya. Nuon pa naman ay mayroon na siyang hinala sa gender preference nito lamang ay hindi na nila iyon napag-usapan. Lately na lang nang magkita ito ng childhood sweetheart nito na sa pagkakagulat niya ay si Tonet na kinakapatid ni Olivia. Pakiramdam tuloy niya, kahit hindi niya nakilala si Olivia sa
NAGISING si Olivia na punong-puno ng takot. Simula nang makita niya ang kanyang mommy ay nanaginip na naman siyang muli ng mga nakaraan niya. Matagal-tagal na rin siyang hindi nanaginip nang tungkol sa step-father niya. Nilingon niya si Gabriel, mahimbing itong natutulog, bahagya pang nakadantay ang isang hita nito sa mga binti niya. Alam niyang napagod ito nang husto dahil nakailang rounds din sila bago siya nito tinigilan. Kaya ayan, bahagya itong naghihilik ngayon. Pero masarap sa tenga ang mahihina nitong mga hilik. Parang musika na nga iyon sa kanyang pandinig. Ganito nga siguro kapag sobra-sobarang nagmamahal.  
NAPAHAGULHOL sa harapan ni Olivia si Aling Demetria. Matagal rin niyang hinanap si Olivia para humingi dito ng tawad sa pagiging pabaya niyang ina dito. Nuong mga panahong iyon ay magulong-magulo ang utak niya. Dumaraan din siya sa matinding depression at pakiramdam niya ay pabigat lang si Olvia sa buhay niya. Sa totoo lang, nang makilala niya si Anthony Reid, hindi pa siya handang magkaroon ng anak. Pero dahil gusto niyang mapaibig si Anthony Reid dahil alam niyang mayaman ang Australyano ay pumayag na rin siyang mabuntis nito. Buong akala kasi nito ay pakakasalan na siya nito kapag nalaman nitong nagdadalantao na siya. Ang dami niyang pangarap sa buhay. Gus
“AKO si Olivia Reid. . .” “O-Olivia. . .?” Tila hindi makapaniwalang sabi ng matanda sa kanya. Maya-maya ay biglang nagliwanag ang mga mata nito, “M-mukhang mayaman ka na ngayon ah. Nandito ka ba para tulungan ako?” Gusto niya itong sampalin. Gusto niyang sabihin dito ang mga katagang ito: Ang kapal naman ng mukha mong demonyo ka? Sa kademonyohang ginawa mo sakin, umaasa ka pang tutulungan kitang makalaya dito? Dapat saiyo, mabulok dito. Unti-unting pahirapan hanggang pagsisihan moa ng lahat ng kamanyakang ginawa mo! Ang tanda-tanda mo na, hindi ka pa rin nagbabago? Akala ko ako lang ang pinagsamantalahan mo, ang dami na palang hayup ka!
Napakurap si Olivia. Hindi siya makapaniwalang naririnig na muli niya ang salitang iyon kay Gabriel. Tama ba ito o nanaginip lang siya. “I love you, Olivia Reid,” narinig niyang inulit ito ng lalaki nang mapansing ti;a hindi nya naiintindihan ang sinasabi nito sa kanya, “Naririnig mo ba ako?” Nagtatanong ang mga mata nito, waring naghihintay ng isasagot niya.Sinasabi lang kaya ito ni Gabriel sa kanya dala ng awa?Maya-maya ay muli siyang napaiyak.“What’s wrong?” Nagtatakang tanong nito, “Ayaw mo bang marinig sakin yan?”“Sana wala ng bawian ha?” Parang batang sabi niya rito, “Sana sinasabi mo yan hindi dahil naawa ka sakin. . .or dahil gusto mo lang ng sex. . .”“Hanggang ngayon ba pinagdududahan mo pa r
“GABRIEL, are you in love with that woman?” Hindi alam ni Gabriel kung magtatapat sa tiyahin ng tunay niyang nararamdaman para kay Olivia or sasarilinin na lang muna niya ang lahat hangga’t wala pa siyang malinaw na plano. God, mahal niya si Olivia ngunit hindi pa niya sigurado kung kaya na nga ba niyang panindigan ang pag-ibig niyang ito. Alam niyang mahihirapan siyang makumbinsi ang kanyang buong pamilya na tanggapin si Olivia lalong-lalo na ang kanyang Papa. Gusto muna niyang masiguradong handa na siya bago dumating ang panahon na iyon. Gusto niyang maging maayos ang lahat at nasa plano bago niya ito pasukin. Hindi siya kagaya ni Javier na basta na lamang sumu