Home / All / Fortune Cookies / I: The Uncanny Encounter

Share

Fortune Cookies
Fortune Cookies
Author: Marple Dame

I: The Uncanny Encounter

Author: Marple Dame
last update Last Updated: 2021-03-19 09:45:03

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

"AH, gano'n! Ngayon kasalanan ko na naman kung bakit tayo naputulan ng kuryente? Kung di ka sana nag-walwal kahapon at kompletong dini-declare 'yang sahod mo sa 'kin, 'di sana'y nakakapanood na tayo ng pang-umagang balita! Aba! Gregorio, hanggang kailan mo ba balak maging ganiyan?"

Nababagot na dinilat ni Naomi ang mga mata. Di pa nga nagsisimula ang araw ay pagod na siyang bumangon sa kaniyang kama. Nilingon niya ang pintuan kung saan dinig na dinig niya ang pagdadabog ng ina sa kusina.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Nakasanayan na kasi niyang maging alarm clock ang maaga at malakas na pagtatalak ng kaniyang ina.

Nilingon niya ang sariling repliksyon sa salamin. 'Ano'ng bago?'

Binalingan niya ang mga ibong naghaharutan sa may bintana. "Tsk. Umalis kayo! Mapupuno na naman ng dumi niyo ang bintana ko!" Kinuha niya ang unan at ibinato iyon dahilan para magsiliparan ang mga ito.

Bumuntong-hininga uli siya sabay bagsak ng katawan sa kama.

'Ganito na lang ba tuwing umaga?'

Bagong ligo at nakapagbihis na ng uniporme si Naomi nang bumaba sa hagdan.

Nakita niya sa hapag-kainan ang amang tahimik na nagbabasa ng dyaryo habang may kagat na toast sa bibig. Nasa kaliwa naman nito ang may hearing-impairment niyang kapatid na si Hope.

Nang makita siya'y agad ngumiti ang nakabata niyang kapatid at binati siya gamit ang sign language, 'Good morning, ate!'

Pilit siyang ngumiti. "Good morning, Hope."

At, tulad ng pangalan nito'y tanging ang kapatid lang 'ata ang nagsisilbing pag-asa ng magulo nilang pamilya.

Umupo siya sa tapat nito at nagsimulang kumuha ng toast na nasa plato para lagyan ng sunny-side up na itlog.

"Kayo..." wika ng ina niyang si Lumen na kalalabas lang mula sa kusina. May dala itong platong naglalaman ng lutong beef loaf. "Naputulan tayo ng kuryente kaya magdusa muna tayo sa kandila at pamaypay mamaya."

"Aysh, Lumen naman!" Nahahapong nilingon ni Gregorio ang asawa. "Magbabayad nga ako mamaya. Ang ingay mo naman!"

"Ah! At ako pa ngayon ang maingay?" Nameywang ang maybahay. "Sige nga. Sa tingin mo, bakit kaya ako nagtatatalak ngayon, ha?"

Kinagat ni Naomi ang toast na para bang walang World War III na nagaganap sa tabi niya. Habang ngumunguya, napaangat ang tingin niya sa kapatid na parang wala lang din at patuloy pa rin sa pagkain. Di sa ano... pero naisip niyang masuwerte itong naging bingi dahil hindi nito naririnig ang halos araw-araw na pag-aaway ng mga magulang nila. Sa tamis ng mga ngiti ni Hope, parang mas marami pa yata itong nakikitang positibo sa mundo kaysa sa kaniyang mas maayos ang kalagayan ng katawan.

"HAY! SANA HINDI NALANG IKAW ANG PINAKASALAN KO!" singhal ng ginang sa asawa.

"HOY! ANG MALAS KO RIN SA 'YO!" sagot naman ng ama nila.

"Okay!" Inisang lagokni Naomi ang gatas sa baso. "Mauna na po kami," saad niyakahit 'di naman siya naririnig dahil sa mga nagtataasang boses ng mgaito. "Halika ka na, Hope!" aya niya sa kapatid na kinawayan paang mga magulang bilang pamamaalam.

SA GARAHE, tinanggal ni Naomi mula sa pagkakakadena ang bisikletang katabi ng kotseng ginagamit ng ama nilang nagtatrabaho bilang supervisor sa isang pabrika ng mga tsinelas.

Nasa kalagitnaan siya ng paghila sa kadena nang kinalabit siya ng kapatid. "Oh?"

Nag-sign language ito, 'Nag-aaway na naman ba sina Mama at Papa?'

Napabuntong-hininga nalang siya. "Hindi. Ganoon lang talaga sila mag-usap."

Kahit bingi ang kapatid, magaling itong mag-lip read kaya 'di na kailngan pa ni Naomi na mag-sign language para sumagot rito.

Sumenyas uli ito: 'Pero bakit mukhang galit si Mama?'

"Gano'n lang ang ngiti ni Mama." Niyuko ulit ng dalaga ang pagkakabuhol ng kadena.

Ganito araw-araw ang senaryo ng kaniyang buhay, nagigising sa ingay ng mama niya; umaalis sa bahay na nag-aaway ang mga magulang; nagbibisikleta at hinahatid ang kapatid sa eskwelahan nito na para sa mga taong may special needs at siya'y didiretso na rin siya sa Don Mariano de Abad National High School kung saan isa siyang Grade 10 student.

Tapos, sa hapon, dadaanan niya ang kapatid at sabay silang uuwi. Sa gabi naman, gagawin niya ang mga assignment; kakain; tutulungan si Hope sa mga aralin nito; at maghuhugas ng plato bago matulog.

Bata pa naman siya subalit pakiramdam niya'y trenta anyos na ang kaniyang edad dahil sa walang kakulay-kulay niyang buhay. Idagdag mo pa na medyo, medyo lang naman, introvert siya kaya wala talaga siyang matawag na kaibigan. Hindi nga 'ata alam ng mga classmates niya na... may Naomi Ruth Sandoval sa classroom nila.

May silbi lang siya sa classroom nila kapag by group o by pair ang mga activities kasi tiyak naman may isa o iilan grupo ang kulang ng miyembro.

She doesn't mind at all. Oo, medyo nababagot na siya sa tila play-pause-rewind na takbo ng buhay niya pero okay na rin siguro 'yon. Less hassle. Naniniwala kasi siya na: The lesser the people in your life, the better.

Para kasing nakakapagod ang may emotional attachment isang tao, bagay o hayop.

Katulad na lamang doon sa kapitbahay nila na kuntodo umiyak dahil namatay ang aso nito. Nalungkot din si Hope dahil do'n. Pati siya'y nadamay kung paano pangingitiin ang kapaitd.

Napailing na lang siya at napangiti sa takbo ng isip. Nagpatuloy nalang siya sa pagpadyak ng bisikleta at nilibot ang pangingin sa malawak at berdeng palayan na nasa magkabilang panig ng kalsadang kanilang dinaraanan. Nakaangkas naman sa may likuran ang kaniyang kapatid.

Binagalan niya ang takbo ng bisikleta nang hilahin ni Hope ang laylayan ng suot niyang uniporme. Nilingon niya ito at nakitang may tinuturong tindahan.

Agad sumakit ang mga mata niya sa nakita. "Argggh."

Tindahan ito ng mga cute na mga bagay gaya ng teddy bears, chocolates, pink na mga stationary notes, at iba pa. May mini-flower shop din ito sa may entrance.

Ang ikinasira ng mukha niya ay ang mga pulang lobo at mga hugis-pusong cut-out na nakadikit sa salaming dingding niyon. "Eww. Anong buwan na ba ngayon?"

Ito ang ibig niyang sabihin na para siyang batang matanda.

Hindi siya katulad ng mga ka-edad niyang na nagsisipag-nobyo na. Hindi rin siya kikay na sumasali sa pakapalan ng make-up at paiklian ng school skirt. Katulad nito, tiyak excited na ang mga ito dahil February na.

Hindi naman siya nagpapakamanang. Naniniwala lang siya na kung anong mukha ang ibinigay ng Diyos sa kaniya ay iyon lang din ang kaniyang isusuot araw-araw— walang kiyeme, walang pulbo, walang lipstick o liptint... at ano nga uli iyong para ng lapis na pangguhit ng kilay?

Isa pa, wala siyang perang pambili ng mga pa-bebeng damit o sadyang ayaw lang niya talaga?

Sino ba naman kasi ang pagsusuotan o pagagandahan niya?

Kahit nga mga magulang nila ay 'di namamalayang nagdadalaga na sila ni Hope na kung magsagutan sa harapan nila'y wagas.

Muling hinila ni Hope ang damit niya. Nilingon niya ito. "Gusto mong pumasok diyan? Male-late na tayo..."

Umiling ito at may tinurong may-edad na lalakeng papalapit sa kanila. May dala itong basket.

Napapalakpak ang kapatid sa tuwa.

"Magandang umaga, Hope!" bati ng matanda saka siya sa binalingan. "At sa ate ni Hope."

Tumango lang si Naomi at sinilip ang laman ng basket. "Ano ho 'yan, manong?" Nagtataka kasi siya kung bakit prang tuwang-tuwa si Hope.

"Ah... Fortune Cookies, hija." Ngumiti ito.

"Fortune— HOPE!" Nanlaki ang mata niya nang mabilis na dumukot ng isa ang kapatid sa basket. "P-Pasensiya n-na po! M-Magkano po—"

"Ay, libre ang mga ito, hija. Pebrero kasi ngayon at nakagawian na naming mamigay ng mga Fortune Cookies sa mga dumadaan."

Nangunot ang noo ng dalaga sa narinig. 'Namin?'

Kinalabit siya ni Hope at nag-sign language ito: 'Sila ang may-ari ng tindahan, ate.'

"Oooh." Binalingan niya ang matandang lalake. "K-Kayo po pala may-ari ng tindahan."

Tumango ito at bahagyang tumawa. "Suki na naming 'tong si Hope."

"Gano'n po ba..." Kitang-kita niya kung paano kinagat ni Hope ang Fortune Cookie nito para makuha ang nakarolyong papel sa loob. Pagkatapos ay kinain nito ang cookie crumbs.

Hindi niya alam na umaalis pala nang mag-isa ang kapatid. 'Di naman niya ito pinagbabawalan pero dahil may kapansanan ito'y hindi nila maiwasang mag-alala. Idagdag pa na dalaga na rin iro.

Malaki na pala ang mahal na mahal niyang bunso.

"Oh? Ano'ng sabi ng quote mo?" tanong niya.

Itinaas nito ang pirasong papel. "Be happy. Always smile. Someone loves you."

Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Naomi. "Tama ang kasabihan. Andito ang ate."

Ngumiti nang malapad si Hope at tumango.

Magpe-pedal na sana siyang nang kalabitin ulit siya ng kapatid. "Oh, ano? Male-late na tayo."

Tinuro ni Hope ang basket.

"Ako? Pfft! 'Wag na! Di tatalab sa akin ang mga love quotes-love quotes na 'yan!"

Inis na hinila-hila ni Hope ang damit niya na parang sinasabi nitong kumuha siya ng isa.

Napakamot na lang sa siya sa ulo. "Oo na, oo na!" Bbinalingan niya ang matanda. "Okay lang po ba?"

"Oo naman!" Inilihad nito ang basket. "Sabi ko sa'yo, libre lang 'to."

Kumuha siya ng isa at isinilid sa bulsa. "Oh 'yan, kumuha na ako. Sa eskwelahan ko na 'to bibiyakin. Pagagalitan ka na talaga ng teacher mo kasi late ka na. At, oo, ipapabasa ko sa 'yo ang quote ko mamaya." Pinangunahan na niya ang kapatid na umasim ang mukha. Atat talaga itong malaman kung ano ang laman ng Fortune Cookie niya.

Napatingin siya sa grupo ng mga lalakeng maingay sa may di-kalayuan. May kaniya-kaniya rin itong hawak na fortune cookies.

Her eyes then met a pair of dark, beautifully hypnotic Chinito eyes...

Mabilis na ipinilig niya ang ulo. Nagpasalamat na lang siya sa matanda at nagpatuloy na sa pagbibisikleta.

"HERE, my son." Inilapag ng ama ni Hunter ang isang box sa mesa.

Nabitin sa pag-inom ng orange juice si Hunter at tumingala sa intsik na ama. Kasalukuyang silang nag-aagahan sa hardin kasama ang Pinay niyang ina. "What's this, Dad?"

Umupo ang ama niya at hinawakan ang kamay ng asawa. "Why don't you open it and see for yourself." Ngumiti ito.

Binaba ni Hunter ang baso sa mesa at kinuha ang box. He shook it and listened what's inside. "Hmmm..."

As the only son of a rich family, 'di na bago kay Hunter na may regalo siyang natatanggap mula sa mga magulang niya. But it's unusual for them to suddenly give him gifts... especially if there's no special event.

"Open it, anak," udyok ng ina niya.

His dad, Bo, patted the head of their dog, Tsukki, a huge Siberian Husky; who is currently under the garden table.

"Okay, okay!" Natatawang tinanggal niya ang pagkakabuhol ng ribbon sabay  iniangat ang takip. He inhaled sharply. If eyes could shine like a bulb, they'll be in their brightest light. "D-Dad!" Nilingon niya ang ama.

"You've beendreaming for that, right? You've been checking its price on the internet."

"Fu—" Pinigilan niya ang sariling mapamura dahil sa sobrang saya. Kinuha niya ang laman ng box. 

It's a soccer ball and it's no ordinary one! It's Adidas Bracuza—themost coveted soccer ball today and he's holding it right now! The same brand being used during the FIFA World Cup games!

"Dad, thanks!!!" aniya na bakas sa mga mata ang labis na kaligayahan. "T-This is... damn!!!" Dinama niya ang bola.

"You like it?" tanong ng ina niyang si Adelia.

"I love it, Mom!!!"

"So, have you thought about enrolling your Junior High in Woodridge?" biglang singit ng ama na agad nagpawala ng ngiti sa mga labi ni Hunter.

"Junior High...?"

"Woodridge, anak." Malumanay na ulit ng ina niya. "Doon namin gusto ng dad mo na mag-aral ka ng Junior High mo. Their strands are based on the International Curriculum. They can give you the best education anyone could have. It's your first step towards being the successor of our business."

"Oh..." Hunter fell back on his chair and staresd at the ball he's holding.

So, this is what it's all about... Typical of his parents. He wanted to express his annoyance but he can't. In compare to some kids at his age, he should be grateful for what he has.

Kaya lang... ba't ganito? He knew his parents want nothing but the best for him but did they ever try asking him what he wants to pursue?

Huwag sanang ganito, bina-bargain—no! Bina-blackmail siya ng mga ito sa mga gusto niyang mga bagay para mapasunod sa mga kagustuhan ng mga ito.

No wonder they bought him his dream soccer ball.

His dad was really against him enrolling in Don Mariano de Abad National High School. Kasi para rito, hindi raw maganda ang kalidad ng edukasyong tinuturo roon.

But for Hunter, he needs to experience reality before experiencing life and his school right now taught him a lot— from cleaning their classrooms and taking out garbages to cultivating soils to plant seeds. These were some experiences he thinks will make one a well-grounded person.

Tsaka masaya naman sa pampublikong paaralan, 'yon bang doon mo talaga ma-a-appreciate ang kabataan mo— amoy pawis ka, pagagalitan ka ng mga guro at 'yong walang kang iisipin kung 'di ang manalo sa larong teks at pogs. Kapag nasa private kasi, parang enclosed at bantay-sarado ang bawat galaw.

His time's ticking down. Ilang buwan na lang at ga-graduate na siya. Kung siya ang tatanungin, he wants to continue his studies at a humble university but he'll sound ungrateful to those kids wanting to have the best education.

"I have the enrollment form already," Basag ng ina sa pagmumuni niya.

He only nodded and tried to conceal his disappointment.

"Do you know, hon, that Woodridge is sending their students to other countries for their immersion programs?" His parents are now having a conversation about his life.

"Now, that's nice!"

Thus, he was shut off. Pinakinggan na lang niya ang mga ito.

He may have all the love of his parents, but why does he always feel left out?

"Hey, buddy..." Hinimas niya ang ulo ng alagang aso.

"Hunter De Leon-Lin!!!" sigaw ng kung sino man mula sa kabilang bakod ng mataas nilang pader.

Agad siyang tumayo nang makilala ang boses. "Andiyan na, Austin "Totoy" Villegas!!!" Nakangising sigaw niya pabalik. Mabilis niyang hinalikan sa pisngi ang mga magulang. "Bye, Mom. Bye, Dad."

Sinukbit niya angbackpack sa likod, kinurot ang pisngi ni Tsukki at dala ang bagong bola ay tumakbona siya palabas ng gate.

"Totoong Adidas Brazuca 'to?!" Namilog ang mata ni Chad na parang bang ginto ang hawak.

Pabirong sinuntok naman siya ni Austin sa braso. "Hambog nito! Ako, kahit lumuha ako ng dugo, hinding-hindi talaga ako bibihan ni Nanay nito!" Inagaw nito ang bola sa katabi.

"Selos ka?" pang-iinis niya. "Kiss mo muna ako sa kilikili."

"P*tang marumi kang bakla ka!" Hinampas siya ni Austin gamit ang bag nito.

"Hulaan ko, may kapalit 'to 'no?" Binalingan siya ni Chad na nasa unahan.

Noo'y naglalakad silang magkakaibigan papuntang eskwelahan. Hindi na sikreto sa magkakaibgan ang estado ng kaniyang pamumuhay at ang problema niya sa mga magulang. He has no one to turn to except his dog and these two guys who literally grew up with him since the day his family transferred in that posh subdivision.

Napangiwi siya. "As usual."

Austin threw the ball to him which he catched near his chest. "Huwag mo munang isipin 'yon. Ang importante..."

Nagkatinginan silang tatlo at sabay nagsisigaw at nagsasayaw na parang mga baliw. "May soccer ball na tayong original!!! Ey! Ey! Ey! Eeeeey!!!"

Damn. He's thankfulf for these two monkeys for bringing balance to his dull life.

"Oy." Biglang sabi ni Austin. "February na pala ngayon?"

Sabay silang tatlo na napalingon sa tindahan na namumutiktik ng mga pulang lobo at mga puso na nakadikit sa dingding nito.

Ngumisi si Chad. "Iniisip niyo ba ang iniisip ko?"

Umiling siya. "Alam ko na ang ngiting 'yan, Chad. 'Wag mo akong isali sa kabulastugan mo—" Bigla siya nitong inakbayan. "Ano?"

"Oras na para ma- devirginized tayo."

"Pfft!" Tawa niya saka bahagyang tinulak ang kaibigan. "Loko!"

"Sixteen na tayo!" Tumingala si Chad sa langit. "Hindi pwedeng mamamatay tayong tigang!"

"Tumigil ka nga!!!" Hinambalos ni Austin ang bag sa tiyan ni Chad. "Baka may makarinig sa 'ting mga babae, mabuking pa na virgin tayo!"

"Guys, stop making it feel like a race, okay?"

"Kuuu..." Umakbay si Austin kay Chad. "Sabihin mong hambog ka. Kasi bukod sa mayaman ka, pinagpala ka pa Looks Department? Kaming kinulang sa aruga?"

At his age, Hunter is already hitting almost 5'5 in height and is still growing. He has this athletic body type making him taller and leaner. Due to his Chinese descent, he has this piercing slit dark eyes and thick eyebrows. Luckily, he inherits his mom's Filipino tanned color to give him a touch of being a Filipino.

He scoffed. "Chill. Mabagal ang adolescent period ng mga lalake. Who knows, next year... batak-batak na ang mga muscles natin."

"Bwesit ka! Muscles ba pinag-uusapan na'tin? Ang mukha, Hunter. Ang mukha. Parang pinamumukha mo talaga sa amin na katawan nalang pambato naming." Pabiro siyang sinakala ni Chad.

"Hello!" Biglang sumulpot ang isang maliit at cute na cute na batang babae na sa tingin nila'y nasa edad anim o pito.

"Woah!!!" Napatalon sa bigla sina Chad at Austin.

Ngumisi ang bata na may hawak na isang basket. "Gusto niyo Fortune Cookies?"

"Fortune Cookies?" sabay-sabay nilang tanong at silip sa laman ng basket.

"Namimigay kami ng libreng Fortune Cookie tuwing February. Kuha na kayo." Nilahad nito ang dala. "Who knows, may tip sa loob kung paano kayo magkaka-lovelife."

"Aba! Pigilan mo ako, Austin," angal ni Chad. "Pigilan mo 'ko kung hindi'y kukurutin ko ang pisngi ng batang 'to!!!"

Hunter laughed as he patted the little girl's head. He always wanted to have a sibling— just like this cute, little one. "What's your name?"

"Chiroco. My lolo calls me Coco." Her round pink cheeks bounced as she talked.

"I like your honesty, Coco. Can I have one?"

Tumango ito. Kumuha siya ng isa. Sumunod na rin ang dalawang kaibigan.

"You will be... rewarded for your efforts," basa ni Austin sa quote na nakuha habang nginunguya ang cookie. "Huh? Ano raw? Effort? So, kailangan ko pang mag-effort para magka-lovelife?"

"Natural!" Umirapsi Coco.

"Aba, Chaaad... Pigilan mo ako at ako talaga kukurot sa batang 'to!!!" Si Austin na naman ang nabiktima sa kamalditahan ni Coco.

Biniyak ni Chad ang cookie na hawak. "Hmm... 'You'll die alone—"

Napabunghalit ng tawa sina Austin at Hunter. "Bwahahahahaha!"

"... so pray.'" Pagtatapos nito. "Shit!!! Hindi pwede 'to!!!"

Halatang sineryoso talaga nito ang nakuhang quotes.

Halos mangiyak-ngiyak na sa kakatawang sinapo ni Hunter ang tiyan. "A-Ang hard no'n, 'pre!" Yuyukuin na sana niya ang hawak na Fortune Cookie nang may makita siyang babaeng nakabisekleta sa may 'di kalayuan. Lumingon ito gawi sa nila. Naiingayan siguro—

Nagtama ang mga mata nila.

Her sharp eyes were hooded underneath her thick messy bangs. She looked straight at him... and in that split second, he just stood there mesmerized by—

Naputol ang tingin niya rito nang may sumingit na babae sa harapan niya na kumuha rin ng cookie sa basket.

Napaawang ang bibig ni Chad at Austin nang makita nila si Zaina, ang school muse nila.

After picking and splitting the cookie in half, she read the quote demurely. "'Love is everywhere. You should learn to acknowledge them.'" Then, she smiled sweetly at him. "Hi, Hunter!"

"Saklap ng love life natin..." Umiyak kuno si Austin. Die-hard crush kasi nito ang magandang dilag.

"Hello." Tango lang ang isinagot dito ni Hunter. He looked pass through her and saw the girl and her passenger travelling away with her bicycle.

"So, what's in your cookie?" Sinipat ni Zaina sa hawak niya.

"Uhhh..." sinilid niya sa bulsa ang cookie niya. "I'll check it out later. Busog pa kasi ako, sayang kung 'di ko kakainin ang cookie." He turned to his friends. "Come on. Si Senyor Otso-Otso ang nakatokang magbantay ngayon sa gate," patungkol nila sa striktong P.E. teacher nila na paborito ang kantang Otso-Otso ni Bayani Agbayani.

Tumakbo na silang tatlo habang parang nasa heaven naman si Austin na nag-flying kiss pa sa naiwang si Zaina.

Hunter's eyes are fixated on the empty horizon, hoping to have another glimpse on the girl in the bicycle...

- CHAPTER I END -

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

Don't forget to vote and add the story in your library! 

xoxo, MD.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
kurniamamang
This is one of the best story I've read so far, but I can't seem to find any social media of you, so I can't show you how much I love your work
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Fortune Cookies   II: When It Hits Just Right

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Nakayukong pumasok si Naomi sa maingay nilang classroom at umupo sa upuang kaharap mismo ang lamesa ng guro nila. Noon pa may doon na talaga ang puwesto niya. Para sa kaniya, maganda ang posisyong iyon dahil dinig na dinig niya ang turo ng guro at walang nagtatangkang kausapin siya. Isa pa hindi siya madi-distract sa mga pinaggagawa ng mga kaklase niya sa likod. Nilabas niya ang notebook at ballpen. Malapit nang matapos ang school year pero hindi pa niya memoryado lahat ng pangalan ng mga kaklase niya. 'Di na rin siya nag-abala pa. Samantala, kakapasok pa lamang nina Hunter, Chad, at Austin sa classroom.

    Last Updated : 2021-03-20
  • Fortune Cookies   III: That Strange Feeling

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Agad umalsa ang inis sa dibdib ni Naomi nang makita ang chinitong kaklase"Ano'ng ginagawa mo rito?"Lumabas siya. Napa-sign of the cross si Lumen sa kapangahasan ng anak na lumabas na ganoon ang itsura."Diyos ko, Naomi!"Mabilis nitong hinubad ang apron na suot at pinulupot sa beywang ng anak para takpan ang ibabang bahagi nito. Siya ang natatakot sa kinabukasan ng anak kung ganito ito humarap sa mga tao."Naomi... nako!!! Mahiya ka!" Pero ito pinansin ni Naomi. Hinawi pa niya ang apron at naglakad papalapit sa gate. "Naomi! Hoy!"Paimpit na dabog ni Lumen sa may pintuan at nahila nito ang buhok pataas sa inis.&

    Last Updated : 2021-03-23
  • Fortune Cookies   IV: Whatever Will Be, Will Be

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 KINAUMAGAHAN ay tahimik na nilingon ni Naomi ang grupo nila Hunter sa likuran. Maingay ang mga itong nagkukuwentuhan at nagtatawanan kasama ang iilan nilang kaklase. Napabuntong-hininga siya.'Ang mahal pala no'ng bola na sinira ko. 5,200! Tapos, basta-basta ko lang binutas.'Tinitigan niya ang nakangiting si Hunter.'Siya dapat ang magalit ng husto. Hindi ako.' 'At kelan ka pa nakonsensiya?'saad ng utak niya. 'Eh kasi naman, aksidente lang naman talaga ang nangyari.' 'Hindi sinasadya? Nakapag-absent ka nga ng dalawang-araw dahil lumubo mukha mo.'Pamimilit pa ng utak niya. 'Oo nga 'no?' 'Wag kang marupok! Di dahil gwapo siya, bibigay ka na!' 'Gwapo?' 'Eyses~ deny ka pa. Lakas nga nang tibok ng puso kapag malapit siya, e!' Naalala niya ang s-ina-ign language ni Hope no'ng isang gabi:&nb

    Last Updated : 2021-03-24
  • Fortune Cookies   V: Wo Ai Ni

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 HINDI MAGKAMAYAW ANG mga estuyanteng sa hallway sa panunukso kay Naomi nang dumaan sila sa hallway. Nakagapos ang mga kamay niya ng pulang lubid na ang dulo'y hila-hila ng isang Kupido. Ang isang kasamahan naman nito'y nakasunod sa kaniya – nagbabantay sakaling tumakas siya. Parang may krimen naman siyang ginawa kung makagapos at makabantay ang mga 'to. "Uyyyyy~ Wedding Booth 'to si girl for sure!" "Kainggit! Bakit hindi pa ako dinadampot?" "Sure na ba? Sure na bang walang gumasto sa akin para sa Dating Booth?" "Sino kaya groom niya?"

    Last Updated : 2021-03-26
  • Fortune Cookies   EPILOGUE

    10 Years Later “Ah! Ang sakit sa balakang!” Napahawak sa balakang si Cynthia matapos pulutan ang mga nagkalat na mga lapis at papel sa sahig ng classroom. “Mind over matter. Mind over matter.” Ngumisi si Naomi na nilapag ang plastic box na may mga laruan sa lamesa. “Huwag mo masyadong isipin at tiyak hindi mo mararamdaman.” “Twenty-six pa lang ako pero feel ko sixty years na ako.” She smiled as she arranged the Brailled storybooks for her visually impaired students. “Ahhh… hindi ka maka-relate kasi baby face ka.” “Ewan ko sa’yo.” Natatawang nilingon niya ang mga estudyante niya nang hapong iyon na mga hearing-impaired. She motioned with her hands,

    Last Updated : 2021-11-04

Latest chapter

  • Fortune Cookies   EPILOGUE

    10 Years Later “Ah! Ang sakit sa balakang!” Napahawak sa balakang si Cynthia matapos pulutan ang mga nagkalat na mga lapis at papel sa sahig ng classroom. “Mind over matter. Mind over matter.” Ngumisi si Naomi na nilapag ang plastic box na may mga laruan sa lamesa. “Huwag mo masyadong isipin at tiyak hindi mo mararamdaman.” “Twenty-six pa lang ako pero feel ko sixty years na ako.” She smiled as she arranged the Brailled storybooks for her visually impaired students. “Ahhh… hindi ka maka-relate kasi baby face ka.” “Ewan ko sa’yo.” Natatawang nilingon niya ang mga estudyante niya nang hapong iyon na mga hearing-impaired. She motioned with her hands,

  • Fortune Cookies   V: Wo Ai Ni

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 HINDI MAGKAMAYAW ANG mga estuyanteng sa hallway sa panunukso kay Naomi nang dumaan sila sa hallway. Nakagapos ang mga kamay niya ng pulang lubid na ang dulo'y hila-hila ng isang Kupido. Ang isang kasamahan naman nito'y nakasunod sa kaniya – nagbabantay sakaling tumakas siya. Parang may krimen naman siyang ginawa kung makagapos at makabantay ang mga 'to. "Uyyyyy~ Wedding Booth 'to si girl for sure!" "Kainggit! Bakit hindi pa ako dinadampot?" "Sure na ba? Sure na bang walang gumasto sa akin para sa Dating Booth?" "Sino kaya groom niya?"

  • Fortune Cookies   IV: Whatever Will Be, Will Be

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 KINAUMAGAHAN ay tahimik na nilingon ni Naomi ang grupo nila Hunter sa likuran. Maingay ang mga itong nagkukuwentuhan at nagtatawanan kasama ang iilan nilang kaklase. Napabuntong-hininga siya.'Ang mahal pala no'ng bola na sinira ko. 5,200! Tapos, basta-basta ko lang binutas.'Tinitigan niya ang nakangiting si Hunter.'Siya dapat ang magalit ng husto. Hindi ako.' 'At kelan ka pa nakonsensiya?'saad ng utak niya. 'Eh kasi naman, aksidente lang naman talaga ang nangyari.' 'Hindi sinasadya? Nakapag-absent ka nga ng dalawang-araw dahil lumubo mukha mo.'Pamimilit pa ng utak niya. 'Oo nga 'no?' 'Wag kang marupok! Di dahil gwapo siya, bibigay ka na!' 'Gwapo?' 'Eyses~ deny ka pa. Lakas nga nang tibok ng puso kapag malapit siya, e!' Naalala niya ang s-ina-ign language ni Hope no'ng isang gabi:&nb

  • Fortune Cookies   III: That Strange Feeling

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Agad umalsa ang inis sa dibdib ni Naomi nang makita ang chinitong kaklase"Ano'ng ginagawa mo rito?"Lumabas siya. Napa-sign of the cross si Lumen sa kapangahasan ng anak na lumabas na ganoon ang itsura."Diyos ko, Naomi!"Mabilis nitong hinubad ang apron na suot at pinulupot sa beywang ng anak para takpan ang ibabang bahagi nito. Siya ang natatakot sa kinabukasan ng anak kung ganito ito humarap sa mga tao."Naomi... nako!!! Mahiya ka!" Pero ito pinansin ni Naomi. Hinawi pa niya ang apron at naglakad papalapit sa gate. "Naomi! Hoy!"Paimpit na dabog ni Lumen sa may pintuan at nahila nito ang buhok pataas sa inis.&

  • Fortune Cookies   II: When It Hits Just Right

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Nakayukong pumasok si Naomi sa maingay nilang classroom at umupo sa upuang kaharap mismo ang lamesa ng guro nila. Noon pa may doon na talaga ang puwesto niya. Para sa kaniya, maganda ang posisyong iyon dahil dinig na dinig niya ang turo ng guro at walang nagtatangkang kausapin siya. Isa pa hindi siya madi-distract sa mga pinaggagawa ng mga kaklase niya sa likod. Nilabas niya ang notebook at ballpen. Malapit nang matapos ang school year pero hindi pa niya memoryado lahat ng pangalan ng mga kaklase niya. 'Di na rin siya nag-abala pa. Samantala, kakapasok pa lamang nina Hunter, Chad, at Austin sa classroom.

  • Fortune Cookies   I: The Uncanny Encounter

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 "AH, gano'n!Ngayon kasalanan ko na naman kung bakit tayo naputulan ng kuryente? Kung di ka sana nag-walwal kahapon at kompletong dini-declare 'yang sahod mo sa 'kin, 'di sana'y nakakapanood na tayo ng pang-umagang balita! Aba! Gregorio, hanggang kailan mo ba balak maging ganiyan?" Nababagot na dinilat ni Naomi ang mga mata. Di pa nga nagsisimula ang araw ay pagod na siyang bumangon sa kaniyang kama. Nilingon niya ang pintuan kung saan dinig na dinig niya ang pagdadabog ng ina sa kusina. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nakasanayan na kasi niyang maging alarm clock ang maaga at malakas na pagtatalak ng kaniyang ina. Nilingon niya ang sariling repliksyon sa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status