Chapter: EPILOGUE10 Years Later “Ah! Ang sakit sa balakang!” Napahawak sa balakang si Cynthia matapos pulutan ang mga nagkalat na mga lapis at papel sa sahig ng classroom. “Mind over matter. Mind over matter.” Ngumisi si Naomi na nilapag ang plastic box na may mga laruan sa lamesa. “Huwag mo masyadong isipin at tiyak hindi mo mararamdaman.” “Twenty-six pa lang ako pero feel ko sixty years na ako.” She smiled as she arranged the Brailled storybooks for her visually impaired students. “Ahhh… hindi ka maka-relate kasi baby face ka.” “Ewan ko sa’yo.” Natatawang nilingon niya ang mga estudyante niya nang hapong iyon na mga hearing-impaired. She motioned with her hands,
Last Updated: 2021-11-04
Chapter: V: Wo Ai Ni🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 HINDI MAGKAMAYAW ANG mga estuyanteng sa hallway sa panunukso kay Naomi nang dumaan sila sa hallway. Nakagapos ang mga kamay niya ng pulang lubid na ang dulo'y hila-hila ng isang Kupido. Ang isang kasamahan naman nito'y nakasunod sa kaniya – nagbabantay sakaling tumakas siya. Parang may krimen naman siyang ginawa kung makagapos at makabantay ang mga 'to. "Uyyyyy~ Wedding Booth 'to si girl for sure!" "Kainggit! Bakit hindi pa ako dinadampot?" "Sure na ba? Sure na bang walang gumasto sa akin para sa Dating Booth?" "Sino kaya groom niya?"
Last Updated: 2021-03-26
Chapter: IV: Whatever Will Be, Will Be🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 KINAUMAGAHAN ay tahimik na nilingon ni Naomi ang grupo nila Hunter sa likuran. Maingay ang mga itong nagkukuwentuhan at nagtatawanan kasama ang iilan nilang kaklase. Napabuntong-hininga siya.'Ang mahal pala no'ng bola na sinira ko. 5,200! Tapos, basta-basta ko lang binutas.'Tinitigan niya ang nakangiting si Hunter.'Siya dapat ang magalit ng husto. Hindi ako.' 'At kelan ka pa nakonsensiya?'saad ng utak niya. 'Eh kasi naman, aksidente lang naman talaga ang nangyari.' 'Hindi sinasadya? Nakapag-absent ka nga ng dalawang-araw dahil lumubo mukha mo.'Pamimilit pa ng utak niya. 'Oo nga 'no?' 'Wag kang marupok! Di dahil gwapo siya, bibigay ka na!' 'Gwapo?' 'Eyses~ deny ka pa. Lakas nga nang tibok ng puso kapag malapit siya, e!' Naalala niya ang s-ina-ign language ni Hope no'ng isang gabi:&nb
Last Updated: 2021-03-24
Chapter: III: That Strange Feeling🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Agad umalsa ang inis sa dibdib ni Naomi nang makita ang chinitong kaklase"Ano'ng ginagawa mo rito?"Lumabas siya. Napa-sign of the cross si Lumen sa kapangahasan ng anak na lumabas na ganoon ang itsura."Diyos ko, Naomi!"Mabilis nitong hinubad ang apron na suot at pinulupot sa beywang ng anak para takpan ang ibabang bahagi nito. Siya ang natatakot sa kinabukasan ng anak kung ganito ito humarap sa mga tao."Naomi... nako!!! Mahiya ka!" Pero ito pinansin ni Naomi. Hinawi pa niya ang apron at naglakad papalapit sa gate. "Naomi! Hoy!"Paimpit na dabog ni Lumen sa may pintuan at nahila nito ang buhok pataas sa inis.&
Last Updated: 2021-03-23
Chapter: II: When It Hits Just Right🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Nakayukong pumasok si Naomi sa maingay nilang classroom at umupo sa upuang kaharap mismo ang lamesa ng guro nila. Noon pa may doon na talaga ang puwesto niya. Para sa kaniya, maganda ang posisyong iyon dahil dinig na dinig niya ang turo ng guro at walang nagtatangkang kausapin siya. Isa pa hindi siya madi-distract sa mga pinaggagawa ng mga kaklase niya sa likod. Nilabas niya ang notebook at ballpen. Malapit nang matapos ang school year pero hindi pa niya memoryado lahat ng pangalan ng mga kaklase niya. 'Di na rin siya nag-abala pa. Samantala, kakapasok pa lamang nina Hunter, Chad, at Austin sa classroom.
Last Updated: 2021-03-20
Chapter: I: The Uncanny Encounter🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 "AH, gano'n!Ngayon kasalanan ko na naman kung bakit tayo naputulan ng kuryente? Kung di ka sana nag-walwal kahapon at kompletong dini-declare 'yang sahod mo sa 'kin, 'di sana'y nakakapanood na tayo ng pang-umagang balita! Aba! Gregorio, hanggang kailan mo ba balak maging ganiyan?" Nababagot na dinilat ni Naomi ang mga mata. Di pa nga nagsisimula ang araw ay pagod na siyang bumangon sa kaniyang kama. Nilingon niya ang pintuan kung saan dinig na dinig niya ang pagdadabog ng ina sa kusina. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nakasanayan na kasi niyang maging alarm clock ang maaga at malakas na pagtatalak ng kaniyang ina. Nilingon niya ang sariling repliksyon sa
Last Updated: 2021-03-19