🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠
KINAUMAGAHAN ay tahimik na nilingon ni Naomi ang grupo nila Hunter sa likuran. Maingay ang mga itong nagkukuwentuhan at nagtatawanan kasama ang iilan nilang kaklase. Napabuntong-hininga siya. 'Ang mahal pala no'ng bola na sinira ko. 5,200! Tapos, basta-basta ko lang binutas.' Tinitigan niya ang nakangiting si Hunter. 'Siya dapat ang magalit ng husto. Hindi ako.'
'At kelan ka pa nakonsensiya?' saad ng utak niya.
'Eh kasi naman, aksidente lang naman talaga ang nangyari.'
'Hindi sinasadya? Nakapag-absent ka nga ng dalawang-araw dahil lumubo mukha mo.' Pamimilit pa ng utak niya.
'Oo nga 'no?'
'Wag kang marupok! Di dahil gwapo siya, bibigay ka na!'
'Gwapo?'
'Eyses~ deny ka pa. Lakas nga nang tibok ng puso kapag malapit siya, e!'
Naalala niya ang s-ina-ign language ni Hope no'ng isang gabi: 'Crush mo 'yong Hunter na 'yon, ate?'
Napailing na lang siya at nasapo ang noo. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Naomi?"
Pumasok si Ms. Sarah sa classroom. "Upo na mga kampon ng demonyo!" Pumuwesto ang guro sa harapan. Nagbukas agad ito ng class record. "Ah, bago ko makalimutan. Hunter?" Tinanaw nito ang binata sa likod. "You are excused." Itinaas nito ang papel mula sa Supreme Student Council. "May practice kayo para sa Valentine's Day Activity?"
"Ay iba!" Tinapunan ni Austin ng balat ng candy si Hunter. "Excuse sa mga assignments ang loko!"
"Haha!" tawa ni Hunter sabay tapik sa pisngi ni Austin. "Kung kasing gwapo ko ikaw, kasama sana tayo."
"P*k you!"
Sinundan ni Naomi ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng classroom. Itinuon na lang niya uli ang atensiyon sa blackboard nang magsimula na si Ms. Sarah sa klase.
Nang mag-recess at matapos kainin ang early lunch niya, napagdesisyunang mag-aral ni Naomi ng El Filibusterismo. Parang nakabitin 'ata ang grado niya dahil sa dalawampung tanong kahapon sa quiz nila, apat lang ang nasagutan niya nang tama. Okay naman ang marka niya sa English at Physics pero ba't ganoon? Sa sariling wika na panuntunin, kulelat siya?
'Ang lalalim ba naman kasi ng tagalog ni Rizal?' Lumapit siya sa librarian at nagtanong kung saan makikita ang mga gawa ni Rizal. Baka sakaling may simpleng edition ang El Fili na mabilis lang niya maintindihan.
'Bakit hindi ka na lang mahimbing na sumakabilang-buhay, Rizal? Ba't ang hilig mong pahirapan ang mga kabataan na tulad ko. Paano kami nito maging pag-asa ng bayan kung hindi kami ga-graduate dahil bagsak sa subject mo.'
Nang makakuha ng simplified version ng El Filibusterismo ay umupo siya sa upuan malapit sa bintana. Tumingin siya sa wall clock. 'May 10 mins. pa akong hanapin ang teksto namin mamaya.'
Agad niyang isinubsob ang isipan sa libro..
Sa basketball court, abala ang ilang miyembro ng Student Council sa pag-aayos sa interior nang improvised na simbahan para sa wedding booth. Habang nagmamando si Zaina kung saan ang mga lalake pupwesto at maglalakad, nakatuon naman ang atensiyon ni Hunter sa bintana ng ikalawang palapag ng school building.
It's Naomi scratching her head and biting her fingernails. Her forehead is also in knots, engrossed on whatever she's reading. Parang nahihirapan ito sa hitsura pa lang ng mukha nito. His eyes fell on the pink Powerpuff Girls ballpen she's tapping her head with.
Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. She's girly afterall.
"Hunter!" tawag sa kaniya ni Zaina na siyang nagpabalik sa kaniyang huwisyo.
"Y-Yeah?"
"Nakuha mo ba directions ko?"
"Oh... uhm... s-sorry... Ano nga uli 'yon?"
"Sabi ko, maghihintay kayo rito sa may altar at hihintayin niyo ang mga brides niyo na papasok sa curtains doon." Tinuro nito ang pintuan ng tent na may naka-arkong kawayan na lalagyan ng mga palamuti mamaya.
"Roger!"Nginitian niya ito at bago tumalima ay tiningala uli niya si Naomi sa library.
Kinahapunan, napakamot nalang sa ulo si Naomi na lumapit sa nakarapada niyang bisikleta. Hawak niya ang papel na may pulang markang 8/20. Gustong niyang maiyak sa iskor na nakuha kanina sa pagsusulit nila sa Filipino. Hindi pwedeng magpatuloy 'to lalo na't plano niyang kumuha ng scholarship sa Junior High.
"Tama na ang pag-torture mo sa amin, Rizal, pwede ba? Matulog ka nalang diyan sa langit. Ba't nag-iwan ka pa ng problema sa aming mga kabataan? Paano kami maging kinabukasan ng bansa nito, ha?!" reklamo niya sa hangin. Tinupi na lang niya ang papel.
"Hey!" Bigla siyang kinalabit ni Hunter.
Nilingon niya ito. "O-Ow..."
"Ano 'iyan?" usisa nito sa hawak niya.
Dali-dali niya itong sinilid sa bulsa ng palda. "A-Ah wala, wala... T-Tapos na ensayo niyo?"
"Sa Wedding Booth? Kanina pa. Tinulungan ko lang silang mag-decorate kanina."
"Ahhh..." Tumango siya. "S-Sige... m-mauna na ako. Susunduin ko pa si Hope sa —"
"I could teach you El Filibusterismo."
Napalingon siya rito.
He smiles widely, his chinky eyes slit. "How's that sound?"
"Gano'n na ba talaga kahalata na mahina ako sa Filipino?"
"Not really. I just sensed it."
Umismid siya. "Malala na pala ako. Nararamdaman mo na kasi." Hinila niya ang bisikletang nakasandal sa poste. "Salamat, pero kaya ko na. Magre-research na lang ako mamaya ng mas pinaka-simplified version ng El Fili sa internet." Naglakad siya na hila-hila ang bike sa tabi.
"Come on!" Sumabay si Hunter sa kaniya. He draped his backpack on one of his broad shoulders. "Libre naman. Ayaw mo no'n? Guwapo tutor mo?"
Tumaas ang isang kilay ni Naomi na binalingan ito.
"What?" He laughed. "Bonus na 'yon!"
"Tumigil ka nga." Inirapan niya ito.
"Okay, cross out the 'handsome' tutor. Effective tutor na lang."
Huminto si Naomi at nilingon uli ito.
He winked. "I got consistent perfect scores in El Fili. Top 1 ako sa Noli Me Tangere last year. What else do you want to know?"
Yumuko at nag-isip siya. "Hmm..."
"So?" Lumapit si Hunter sa kaniya at halatang excited sa sagot niya. "Is that a yes—"
"No." Direktang sagot niya at pinagpatuloy ang paglalakad kasama ang bisikleta.
Bumagsak ang balikat nito. "Well, I'm here if you need help!!" pahabol na sigaw nito. "AN EFFECTIVE TUTOR!" Ilang segundo'y sumigaw uli. "A HANDSOME TUTOR!" At dumagdag uli. "A HANDSOME, EFFECTIVE TUTOR!"
Kumaway na lang siNaomi bilang pagtanggi rito.
SA HAPAG-KAINAN, naudlot ang pagsubo ng hapunan ni Naomi nang malakas na pinalo ng ina niya ang isang papel sa ulo niya. "Anong— Mama naman! Kumakain ako!"
"Ano 'to, Naomi Ruth?!" Halos idikit nito ang papel sa mukha niya.
'Anak ng—' Muntik na siyang mapamura nang makitang hawak nito ang quiz paper niya. "Saan mo 'yan—" Napapikit siya nang maalalang sinilid niya pala iyon sa bulsa ng palda kanina. Timing pa naman na magwa-washing machine ang mama niya. Nadukot siguro nito iyon sa bulsa.
"Ay aba, Naomi Ruth! Ano bang pinaggagawa mo sa kuwarto mo't ito lang nakuha mo, aber?!"
Sumubo nalang siya ng pagkain para hindi makasagot.
Nagpalipat-lipat ng tingin si Hope kina Naomi at sa ina nila. She turns to her father then sign-languaged to ask, "Ano raw, Papa?"
Umiling ang papa nila. "OA lang mama mo, 'nak."
"Puro ka na K-Drama kasi!" Piningot ng ginang ang tainga ng panganay nitong anak. "Ito nakukuha mo sa mga Koryanong 'yan! Nilamon ka na ng K-DRAMA, sarili mong wika 'di mo na alam!"
She rolled her eyes upward. "Duh! Sino ba ang makakaintindi sa linyang: 'Maaaring sa isang galaw lamang ng daliri o iling ng iginigalang na prayle ay mapulbos sa pagkadurog ang inyong dakilang pagsisikap.'" Sumubo uli niya ng pagkain. "Do bo ong horop?" (Di ba ang hirap?) Tumalsik pa ang kanin palabas ng bibig niya. Uminom siya ng tubig. "Iyong K-Drama kasi may subtitles na English. Hello? 89 kaya grade ko sa English! Yown! Iyon ang dapat mong ika-proud—"
Pinagpapalo siya uli nito. "AT! RA! RA! SON! KA! PA! HA!"
"Duty na po ako!!!" aniya na umiwas sa palo ng ina at pinisil ang pisngi ni Hope. "Bye, Hope!"
"Hoy! Bumalik ka rito!" tawag ng ina niya. "Sayang ang tuition na binabayaran namin kung ganito kaliit mga grades mo!"
Habang sinusuot ang sapatos, sumagot siya. "Wag kang OA 'Ma. Walang tuition ang public school—"
"Sige, sagot pa, Naomi Ruth! Sagot pa!"
Tumayo na siya, pinagpag ang shorts at nilapitan ang bike sa garahe. "Bye, Ma! Mahal kita kahit masungit ka!!!"
Ngayong gabi angunang duty niya bilang kahera.
Tanging ugong lang ng aircon at pitik ng mga kamay ng orasan ang ingay na maririnig sa loob ng convenience store. Naomi tapped her fingers on the counter, patiently waiting for a customer.
'Kaya siguro wala masyadong customer kasi medyo malakas ang ulan sa labas.'
Nilingon niya ang mga tinda sa loob.
'Sana dinala ko na lang 'yong libro ng El Fili para may mapagkakaabalahan ako...'
Dahil walang magawa ay lumabas siya sa likod ng counter para ayusin ang mga de lata. Sinimulan niyang i-arrange ang mga ito ayon sa brand at laki.
"Hmm... Century Tuna..." Pinagpatong-patong niya ang mga lata. "Holiday Pork 'N Beans... Holiday Corned Beef..."
Nasa kalagitnaan na siya nang pag-aayos nang tumunog ang door chime, hudyat na may pumasok na customer. Nasa ibabang shelf siya nang makitang may paa sa likod ng shelf na inaayusan niya. 'May customer?' Tumayo siya at lumibot para salubungin ito. "Good eve—"
Napakurap si Hunter sa gulat nang makita siya nito. May hawak itong bote ng Gatorade. He's wearing a green basketball jersey shirt and shorts. His black hair is damp from sweat and rain showers combined— so is his smooth, and tanned skin as well. "N-Naomi?"
Napatampal sa noo si Naomi. "Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako?"
"H-Huh? Uh no..." He gestured to his reeving white car outside the store. "Dumaan lang ako para bumili ng Gatorade. I just finished a basketball match."
Namula ang babae. 'Assuming ka rin ano, girl?' "G-Gano'n ba?" Tumalikod na lang siya para ikubli ang kahihiyan at kakapalan ng mukha. Pumuwesto siya sa may cash register machine. "Iyan l-lang ba bibilhin mo?" Pagtingala ay laking gulat niyang nakatayo na ito sa harap ng booth. "A-Ano?"
He grinned. "Bibilhin ko rin sana ang oras mo."
Her heart skipped a beat.
Mabilis siyang napayuko. "T-Tumigil ka nga." Tumikhim siya. "Iyan lang ba bibilhin mo?" Gusto niyang sapakin ang sarili ng bumiyak ang boses niya. Napakagat-labi siya't nanggigigil na pinagalitan ang tiyan nang tila may mga nagliliparang kung ano sa loob niyon.
"You're working here?" tanong nito.
"O-Oo..." sagot na lang niya habang kunwari ay nagbibilang ng perang barya sa kaha.
"Why?" Binuksan ni Hunter ang hawak na inumin tsaka lumagok.
"P-Pandagdag b-baon..."
"I see." He turns to look outside. "Parang 'di pa yata huhupa ang ulan."
"Oo n-nga, 'eh." Napatingin si Naomi sa mga kamay ni Hunter na nakapulupot sa Gatorade.
"Should I wait?"
Agad siyang nagtaas ng tingin. "Huh?"
"Maghihintay ba ako?"
"S-Saan? B-Bakit?" Mabilis na nagtatatalon ang puso niya. "Hindi pa ako ready." Umiling siya.
"Ready?" Nagsalubong naman ang mga kilay ni Hunter. "Para saan?"
"E-Eh?" Napakurap si Naomi. "A-Ano nga ba ulit pinag-uusapan natin?"
Hunter pointed outside where the rain is starting to pour heavily. "The rain. Should I wait 'til it stop or should I go?"
"Ahh!!!" Parang timang na tumango si Naomi. "A-Ah... ang ulan pala..."
"Bakit?"
"Wala..." 'Umayos ka, Naomi! Kalma! Kalma!'"D-Depende sa'yo. M-May kotse ka naman."
"Hanggang anong oras ka rito?"
"A-Alas diyes."
Hunter checked his sports watch. "It's still 8:40PM." He looked at her. "Uuwi muna ako para magbihis. Balikan kita rito."
Before she could askwhat he meant by it, Hunter already dashed outside. "H-Huh? Ano raw?"Nakita niyang pinaharurot nito ang kotse paalis. "Balikan?"
He did return 10 minutes after. Nagulantang si Naomi nang may binagsak itong mga libro sa counter. "Ano 'to?"
"Study materials." The chinky-eyed guy grins. He changed into blue shirt and brown shorts paired with white sneakers.
"Study?"
"El Fili, right?" He sat on the booth and started flipping through the book.
"Sabi ko sa 'yo... 'di ko kailangan ng tulong mo." She sneered. She immediately stood straight when a customer enters the store.
"Sino ba'ng may sabi sa 'yong tutulungan kita?" Balik-tanong ng binata na may nanunuksong ngiti.
Inis niya itong binalingan. "Buwesit kang Chinito ka! 'Eh ano'ng ginagawa mo rito? Bumaba ka nga riyan sa booth!! Istorbo ka lang sa trabaho ko!"
"Nakakapag-concentrate kasi ako 'pag may maraming tao."
"Heh! Weirdo mo talaga!" Agad niyang hinarap ang customer na lumapit sa counter.
Tumawa lang ito. "Seryoso nga ako. Promise, I'll just sit here... and... study. Quietly study."
"Bahala ka sa buhay mo." Tinapunan lang niya ito ng masamang tingin bago inasikaso ang customer na lumapit sa counter.
Hunter bit his lower lip as he starts reading. Masaya itong natitimpla na ang kiliti ng dalaga.
Humikab si Naomi na nakaupo sa stool at palihim na sinilip si Hunter na tahimik ngang nakaupo sa booth at nagbabasa ng libro ng El Filibusterismo.
Bumaba ang tingin niya sa ibang version ng mga librong rin ng El Fili na dala nito. She can see neon post-it notes sticking out from the pages.
Now that she thinks about it, Hunter's Trigonometry notebook she once possessed is neatly written. Iyong tipong gugustuhin niyang mag-aral kasi parang ang dali lang intindihin tsaka neat pa ng penmanship nito. Isa pa, may mga sariling simplified equations rin itong sinusulat na iba sa tinuturo ng mga guro nila. Sadyang matalino talaga ito na palihim— palihim dahil hindi nito binabara ang mga guro nila sa mga alam nito at 'di rin nakikipagpaligsahan sa unang posisyon sa Top 10 ng klase nila.
She didn't mean to listen to rumors but she heard he is also rich being the only son of a Chinese business-oriented family. Sarap ng buhay nito kung gano'n. Hindi naman masasabing mahirap ang pamilya nila Naomi pero may oras na namomroblema rin sila sa pera. Hope's education is pricey since all teachers are licensed to teach kids with special needs. Idagdag pa ang bisyo ng ama niya na sabong ng manok.
She sighed.
" ... Ang karunungan ay para sa tao, ngunit huwag mong lilimuting iya'y natatamo ng mga may puso lamang."
Napalingon siya kay Hunter na nakayuko sa libro. "Ano?"
" ... Ang karunungan ay para sa tao, ngunit huwag mong lilimuting iya'y natatamo ng mga may puso lamang." Hunter repeats as he turns to her. "Lalim 'no?"
"Oo..." Napangiti na siya. "Lalim ng Tagalog."
Umiling ito. "Ibig kong sabihin, malalim ang kahulugan."
"Anong ibig sabihin no'n?"
"It means... Wisdom is for humans only, but it can only be truly achieved by someone who has a heart."
"Di ko pa rin gets."
"Ibig sabihin noon, mas lalong magagamit ang pagiging matalino ng isang tao 'pag pinapakinggan rin ang puso."
She looks at him in the eyes. "Paano mo 'yon nata-translate nang ganoon ka simple?"
He smiled again, making his eyes slits. "Ready ka na bang matuto mula sa akin?"
Napailing na lang siya. Na-trap siya nito. "Galing mong mambitag."
"I caught your attention." He laughed.
She bit her lower lip and looked away. "Oo na."
"Tama?"
"Oo na!" inis niyang sang-ayon.
"So? Wanna learn?"
She looks at his notes. "Sige na nga."
"Ayan! That's the spirit!" He happily moves closer to her. "I have two books here with my notes... di ako sure if tama ba pagkakaintindi ko pero so far, di pa naman ako nagkakamali...."
Ngumiti si Naomi na pinagmaamasdan ang lalakeng patuloy pa rin sa pag-e-explain tungkol sa study methods nito.
He's humble... gentle... handsome and—
'Ay naloka ka na,Naomi!' Dinilat na lang niya ang mata para ibalik ang atensiyon sa libro.
Hindi namalayan ng dalawa ang paglipas ng oras. Dahil tutok si Hunter sa pagtuturo sa desididong matuto na si Naomi ay walang namagitan sa kanilang pag-uusap na hindi tungkol sa El Fili. Sakto namang iilan lang ang mga customers kaya hindi talaga sila nadidisturbo.
Hunter smiled as he turned to the wide-eyed Naomi. "See. That simple."
Namangha si Naomi sabay tumango."A-Anong— Ang dali lang pala!" Kinuha nito ang notes ni Hunter.
He can't help but gush over Naomi's innocent reaction after he taught her his ways to understand Rizal's work easily. "I told you." He tapped his pen on her head.
"Ba't ngayon ko pa 'to nalaman?" Natatawang pinasadahan ng tingin ni Naomi ang mga kabanata kung saan ito lubos na nahihirapang umintindi.
Kitang-kita nga niya kung gaano ito kasaya sa mga bagong natutunan. Glad he made her smile.
"Hunter, Hunter! Bukas nang gabi uli, ha!" Nakangiti itong tumitig sa kaniya. "Dito pa rin."
He nods. "Sure." And he wants to see that smile more often. He is also looking forward of seeing her again.
Nagpatuloy sila sa pag-aaral hanggang sa pumatak ng alas-diyes ang orasan. Sabay nilang sinara ang convenience store at inihatid ang susi sa bahay ng may-ari na nasa likod lang ng tindahan.
Nilapitan ni Naomi ang bike at nilabas ang panyo para punasan ang basang upuan niyon. Laking pasalamat niyang tumila na rin ang malakas na ulan.
"You sure you won't ride with me?" alok ni Hunter sa sasakyan nito.
"Wag na," magalang niyang tanggi. "Hindi naman umuulan na."
"Okay..." He nodded. "See you tomorrow? At school?"
Tumango siya. "Oo."
"And here." Tinuro nito ang convenience store.
"At dito rin." She gave a small, shy smile.
"Good night." Patalikod itong naglakad palapit sa sasakyan. His gaze still pinned at her.
"Good night," sagot rin niya.
He went inside his car. Sumakay na rin siya sa bike niya.
As she pedaled away, the night breeze was fresh after the rain. Medyo nakalayo-layo na siya sa tindahan ay naramdaman niyang parang may nakasunod sa kaniya. Lumingon siya sa likod.
"Sinusundan mo ba ako?"
A smiling Hunter peeks out his car window. "Nope... we just happened to have the same route on our way home." He slowly drives to keep up beside her bike. "Might as well on the lookout. Gabi na rin kasi."
"Adik ka ba? Walang masamang loob rito!" Binilisan niya ang pag-pedal. Nako! Mahirap na, baka masanay siyang ganito ang trato sa kaniya ni Hunter – parang prinsesa.
"This hour of the night? Who knows..." He maneuvered his car with one hand. "Ito ang oras na maraming uuwing lasing."
"Weh?"
"Yes. It's really dangerous for a young woman like you to—"
Napabaling ang tingin nila sa harapan nang may makasalubong silang dalawang lasing na pasuray-suray na naglakad at nagtatawanan.
"See?" Hunter looks at her as- a-matter-of-factly.
"Oo na!" She rolls her eyes upward.
Nang marating ang eskinita papasok sa daanan papunta kina Naomi ay huminto ang dalaga at bumaba sa bike. "Hanggang dito na lang ako."
Tumango ito. "Nasa unahan pa amin 'eh."
Nagtaka siya. "Huh? Wala nang bahay doon kundi 'yong mansion nila —"
"Bo and Adelia Lin?" He finished her sentence.
"Oh!" Napasinghap siya. "Lin ka nga pala ano?"
"Ouch..." Ngumisi ito. "We've met many times and you just realized I'm Hunter Lin?"
"S-Sorry... Sorry... Di ko—"
He waves his hand as dismissal. "You go get rest. See you tomorrow."
'Huh? Ayaw 'ata nitong pinag-uusapan ang pamilya niya.' Pero siya rin naman... ayaw rin niya ipakilala ang maingay niyang pamilya. She eventually nodded. "O-oh sige." She pulls her bike down the alley.
Nasa kalagitnaan nasiya ng eskenita nang buhayin ni Hunter ang makina ng kotse nito at umalis narin.
For Naomi, Hunter's frequent trips on the convenience store marks the progress of their relationship – becoming friends. Most of the time, 'di sila nagkakausap sa eskwelahan dahil abala ito sa papalapit na Valentine's Day Activities, habang siya'y pawang aral ang ginagawa sa El Flibusterismo gamit ang mga notes na pinahiram ng binata.
Oddly enough, she kinda misses seeing him enters the room laughing and jeering with Austin and Chad. Pero nawawala naman 'yon 'pag oras nang uwian. Kasi alam niyang pupunta na uli ito sa convenience store para samahan siya hanggang uwian.
Somehow, she felt comfortable with his presence around.
One time, when Naomi had a bad menstrual cramp, Hunter replaced her behind the cashier booth and let her sleep on the floor with an improvised blanket for her to rest.
Ang nakakatawa pa, nao-obserbahan ni Naomi na dumadami 'ata ang mga babaeng customer.
Iba nga talaga ang kamandag ng isang Hunter Lin – wala pa lang itong ginagawa pero nakabibighani na... swabe!
Hope snapped her fingers infront of her sister's face.
Natauhan si Naomi mula sa pagtuturo kay Hope. Noo'y nasa kusina ang magkakapatid at nag-aaral. "H-Huh?"
Nag-sign language ito: 'Okay ka lang ate?'
"O-Oo..." Napakamot siya sa leeg. "S-Saan na nga pala tayo?" Niyuko niya ang sketch pad nito.
Hope gestures: 'Alas 8 na 'ata. Late ka na sa work.'
"Ay hala!" Gulat siyang napatayo, "Oo nga pala!" Hinablot niya ang jacket sa sofa at hinalikan ang noo ng kapatid. "Bye, Hope. Double check mo palagi ang mga ilaw at lock ng mga bintana at pintuan bago matulog, okay?"
Hope smiled andnodded.
Habol-hininga siyang pumasok sa convenience store. "Sorry! Nataglan—" Napapreno siya nang makitang maraming customers ang nasa loob. "Huh? Ano'ng meron?"
"Naomi!" Kumaway si Hunter mula sa likod ng cashier booth.
Lumapit siya roon. "Ang dami 'atang customers?" Pumasok siya sa booth.
He gave her that boyish, melting gaze. "Hindi ba't may free Fortune Cookies na pinamimigay rito?"
"Oo." Humalili siya rito at tinanggap ang mga gamit na bibilhin ng isang customer.
"Well, I let Austin and Chat advertise that there's Fortune Cookies here for sale."
"Huh?" Naguguluhang tanong niya habang isinisilid ang mga pinamili sa plastic bag. "For sale? Libre lang naman 'yon— " She felt him nudging her feet, secretly telling her to stop talking. Tumahimik naman siya at tinanggap ang bayad ng customer.
Hunter then gave one fortune cookie to the customer. "Have a nice Love Month!"
Nilingon ito ni Naomi "Galing ng pakulo mo, a."
"Nalaman ko kasi na may sakit ang asawa ng may-ari ng convenience store."
Tumango siya. "Oo. Ang lolo ni Coco." Sa tuwing naaalala niya ang matandang lalakeng nagbigay sa kaniya ng Fortune Cookie ay nalulungkot siya. Hindi kasi halata rito na may sakit itong iniinda pala.
"That's why I came up with this scheme. Instead of giving away the cookies for free, might as well sell it. You know..." He shrugged. "...to at least help them with their medical fees." It's Hunter's turn to accept the goods from a customer and punch the prices on the machine. "We should consider ourselves lucky. We got the Fortune Cookies for free."
"Paano mo nalaman na may binigay sa akin na Fortune Cookie?" Nagtatakang tanong niya rito.
She saw him blushed. Instead of answering her question, he accommodated the customer. "Seventy pesos po." Tinanggap nito ang bayad ng customer at binigyan ito ng isang fortune cookie.
"Hunter?" untag niya ng rito.
"I-I happen to see you t-that time..." Iwas-pusoy nitong sagot. The redness of his face reaches his ears... and it's cute.
"Talaga lang, a. Baka stalker kita." Pabiro niya itong siniko.
"I always notice you Naomi, even when you thought no one did." seryoso nitong saad.
"Huh?"
Their gazes were then locked to each other despite the store getting crowded. Kahit maingay, naririnig ni Naomi ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso. His chinky eyes told him he's not joking.
"Tapos na kami!!!" Biglang eksena ni Chad sa titigan ng dalawa. Binagsak nito ang walang lamang basket sa counter. "O, 'di ba? Success ang pagsisisigaw namin!"
Mabilis na nag-iwas sila ng tingin sa isa't-isa.
Pahapyaw namang tumawa si Naomi para alisin ang ilangan na pumagitna sa kanila ni Hunter. "W-Wow... a-ang bilis naubos, a."
Austin, wiping the sweat on his forehead, approaches the booth. "Ang daming gusto pala ng Fortune Cookie. Sabi nila masarap din kasi raw ang cookie crumbs. Oy, Naomi... libreng mineral water naman dyan, 'o."
Wala ni isa sa dalawang nakatayo sa harap ng kaha ang sumagot.
Nagtatakang nagkatinginanna lang sina Chad at Austin.
THE NEXT DAY, everyone is quiet inside the room while Ms. Barquera, their Filipino subject teacher, walks around the classroom. A thirty-item test is ongoing. "Mr. Jaime... eyes on your paper!"
Napakamot na lang ng ulo si Chad nang mahuli itong lumilingon sa paligid.
Si Austin nama'y tahimik na kumakanta, tinuturo-turo ang mga letrang pagpipilian sa test paper. "Twinkle... Twinkle... Little Star..." Huminto iyon sa Letter B kaya agad nitong binilugan ang letra.
Dahil exempted si Hunter sa test, dale ang dalawa sa pagsusulit na iyon.
Sa harap nama'y pinagpapawisan si Naomi. "Tsk... ano nga uli yon?" Binasa niya ulit ang tanong. "Tinuro sa akin 'to ni Hunter." Kinagat-kagat niya ang ballpen na hawak. Dapat niya itong mapasa para makakuha kahit 80% man lang na grades sa finals. "Dali... Naomi... alalahanin mo..." Pumikit siya.
After the test, the teacher then told them to rotate the papers among the students to be marked. Naomi kept looking around during the scoring to check who has her paper. Nang magsitayuan na ang buong klase para isauli ang mga papel na minarkahan ay may lumapit kay Naomi. "Sandoval?"
"A-Ako nga..." Niyuko niya ang nilahad nitong papel.
Nakatayo si Hunter kasama ang ibang grooms sa harap ng improvised altar habang nagsasalita si Zaina sa dapat na gagawin nila sa Wedding Ceremony kuno.
"Ganda talaga ni Zaina, 'no?" Narinig niyang bulong ng katabi sa kaibigan nitong groom din.
"Kaya nga sumang-ayon ako dito kahit nakakahiya kasi nilapitan ako ni Zaina. Hindi na ako nakatanggi."
"Sana ikasal ako kay Zaina."
"Laking malas kung pangit ang ikakasal sa atin." Nagtawanan ang mga ito.
"Pero mga pre... may crush raw siya."
"Sino?"
Sabay silang napalingon kay Hunter na walang muwang na pinagtitinginan na pala ito.
"Hunter!!! Hunter!!!"
Napabaling silang lahat sa babaeng hinihingal na tumatakbo papunta sa kanila. Sabog ang buhok nito. Pawisan rin ang mukha nitong puno ng tighiyawat.
"Ang pangit..." Sabay-sabay rin saad ng mga ito. Nagulat sila nang biglang tumakbo si Hunter para salubungin ang babae.
"Naomi? What's wrong—"
Tinukod ni Naomi ang kamay sa tuhod at tinaas ang isang papel.
"Ano 'to?" Kinuha ng binata ang papel at binasa iyon. "A test paper? 27 over—" Nanlaki ang mata nitong tiningnan ang dalaga. Unti-unting sumilay ang ngiti niya sa labi. "27 over 30?!"
Kagat-labi'y napangiti ang naluluhang si Naomi. "Oo! Oo! Tatlo lang ang mali ko, Hunter! Tatlo lang!!!" Masayang nagtatalon siya at niyakap ang binata. "Ahhhhhh!!!" Nagtitili talaga siya sa galak.
Hunter wrapped his arms around her and jumped with joy as well. "Congrats! Congrats!!!" He cupped her face. "You did it!!!"
"Alam ko! Alamko!!!" Hindi matahan-tahan ang dalaga. "Salamat, Hunter! Ang saya-sayako!"
Mula sa third-floor ng building ay nakangising kinalabit ni Chad si Austin. "'Tol, tingnan mo." Inginuso nito ang direksyon ng school ground.
Sinundan ito ng tingin ni Austin at nakita nilang masayang nagyayakapan si Naomi at Hunter. "Ohoooy!"
Nagkatinginan angdalawa. "Naiisip mo ba ang naiisip ko?" sabay pa nilang tanong saisa't-isa na may pilyong mga ngiti.
THE NEXT MORNING, Hunter moaned as he tried to reach his noisy alarm clock. It's Saturday. What's the rush of getting up early in the morning? After shutting it off, he buried his face on the pillow. His mind wanders off by remembering Naomi's smile that day she got a high mark on their quiz.
Kagat-labi'y napangiti ang naluluhang si Naomi. "Oo! Oo! Tatlo lang ang mali ko, Hunter! Tatlo lang!!!" Masayang nagtatalon ito sa saya sabay niyakap ang binata."Ahhhhhh!!!" Nagtitili talaga siya sa galak.
A lazy smile drew up on his face. He can't help but gush over how cute she was at that time to run to him and hug him because of her happiness. He loves to see that smile more often. Tumihaya siya at napatitig sa kisame, sabay inalala ang nangyari kagabi sa convenience store.
Hunter turned to Naomi who was busy taking notes on her own notebook. "Hmmm... 'eto 'ata 'yong sinabi ni Ibarra na pangyayari..." She pouted as she pondered the subject deeply.
He smiled and then reached her hair that covered the side of her face. Natigilan ito at lumingon sa kaniya. He pinned it behind her ear. "It's getting in the way."
"O-Ohhh..." Binalik uli nito ang atensiyon sa pagsusulat.
Still, Hunter's gaze is still fixated on the girl's face that shows different emotions as she wrote down words.
Napangiti siya sabay kinagat ang labi nang...
"FUCK!" sigaw niya nang may biglang magsaboy sa kaniya nang malamig na tubig. Dali-dali siyang bumangon at nagtatatalon para hindi tuluyang mabasa. "What in the world—"
"HAPPY BIRTHDAY MY HUNTER BABYLOVES!" Pasigaw na bati nina Austin at Chda na may dalang balde na siyang pinagsidlan nito ng tubig na sinaboy sa kaniya.
Wide-eyed, he looked at his wet mattress before throwing them a sharp look. "You assholes!" Mabilis niyang tinawid ang kama para habulin ang mga ito.
Agad nakaiwas si Chad. "Ano ba naman 'tong birthday boy na'tin! Aga-aga pikon na kaagad!"
Hinubad ni Hunter ang basang t-shirt niya. "I'm gonna kill you, fuckers!"
Dinikit ni Austin ang hintuturo sa labi nito. "Shhh! Bad words, birthday boy! May makakarinig." The guy then pouted to point someone by the entrance of the room.
He turned around.
Standing at the doorway was a blushing Naomi holding a cake. "H-Happy Birthday," bati nito pero ang mga mata'y nasa hubad na pang-itaas ni Hunter.
"N-Naomi..." Napalunok ang binata sa gulat na andito sa kwarto niya ang babaeng kanina pa niya iniisip. "You're here."
Inakbayan siya ni Chad. "Ayiiieee... Ikaw Naomi, a. Malagkit ang tingin sa birthday boy na'tin."
Natauhan ang dalawa. Namumula na rin si Hunter na hinablot ang basang kumot at iniwasiwas iyon na para bang nagbubugaw lang ng langaw. "Labas! Mga gago!"
Maingat na hinawakan ni Austin ang balikat ng babae sabay pinatalikod itp palabas. "Tara. Nangangain iyan kapag galit."
"O-O, sige." Tumalikodnalang ito bitbit pa rin ang cake.
Habang hinihintay nilang tatlo ang birthday celebrant sa hardin ay nilibot ni Naomi ang tingin sa kabuuan ng lugar. 'Banyo lang 'ata nila ang buong bahay namin.' Mayaman nga ang binata.
Kanina, laking gulat nalang niya na puntahan siya nina Chad at Austin sa bahay nila para isama sa gagawin sopresa para kay Hunter. Pagkapasok sa mansion na ito'y nagdadalawang-isip siyang tumuloy kasi sa gara ng mga kagamitan sa loob.
Mabuti nalang talaga at napakabait ng mag-asawang Lin sa kanila.
Napatingin siya sa mga maids na naghahanda ng mga pagkain sa lamesa.
Mrs. Adelia Lin then arrived at the garden with a warm smile. "And? How was the surprise?"
Nag-uunahan sina Chad at Austin sa pagkwento.
The elder women turned to her. Napayuko siya. "H-Hello po," mahinhin niyang bati.
Napangiti ang ginang. Adelia had a hunch that this girl might be the reason why her son is always out at night and went home home with a large smile on his lips.
"Glad you are all here to celebrate my baby's birthday! As much as I wanted to throw him a large party, he specifically told me a week ago, "Mom, no party, okay?"
Sakto namang papalapit sa kanila ang bagong-bihis na si Hunter. "What's to fuss around? Isang araw lang ang kaarawan ko." He looked at Naomi. "I'd rather spent it with people close to me."
Nagsikuhan agad ang dalawang kaibigan nito. "Pasulyap-sulyap kunwari."
Palihim na nag-dirty-finger si Hunter sa mga ito.
Mrs. Lin looked at the group. "Baka may gusto kayong kainin? Do you want me to rent a chocolate fountain?"
Hunter sat and smiled at his mother. "Thanks, Mom. I can entertain my guests."
Nang makaalis ang ina nito na hanggang sa huling segundo'y pilit pa ring inaalok ang mga kung anu-anong bagay sa mga bisita ng anak ay napabuntong-hininga si Hunter. "Okay. Pwede na kayong kumain."
Austin and Chad resumed their teasing.
"Seventeen na birthday boy namin!" Pinisil ni Chad ang kaliwang pisngi ng binata.
"Isang taon nalang... pwede na siyang uminom ng Emperador." Sa kanang pisngi naman nag-pisil si Austin.
Pinagpapalo nito ang kamay ng mga kaibigan. "What excites me is that one more year and I can finally have my own driver's license. I can take you guys anywhere that you want."
"Sus."
"Boring mo!"
Susubo sana nang lumpia si Naomi nang balingan siya ng binata. Mabilis niyang naisara ang bibig.
"Ikaw, Naomi, saan mo gustong pumunta?"
"H-Huh? A-Ako?"
Umangal ang dalawang lalake.
"Aba't bakit si Naomi lang tinatanong mo?"
"Tch! Friendship over na'to!"
Nakatingin pa rin si Hunter sa kaniya mula sa kaharap na upuan, halatang hinihintay ang magiging sagot niya.
"Uhhh... wala naman akong particular na lugar na gustong puntahan. K-Kahit saan basta may magandang tanawin," kibit-balikat niyang sagot.
Nainis si Hunter nang inakbayan ito ni Austin. "Pwede ka na palang magka-girlfriend, birthday boy."
"Pwede ba..." Tinulak nito ang mukha ng kaibigan palayo. "Hindi naman ako atat na magka-girlfriend katulad ninyo ni Chad."
Akmang susubo uli si Naomi nang lumpia nang si Chad na naman ang may tanong sa kaniya. Lumabi siya sa pagkabanas na nilingon ito.
"Ikaw, Naomi. Nagka-boyfriend ka na ba?"
Pinaglilipat niya ang tingin sa tatlo. Nag-aabang ito nang sagot niya – lalo na si Hunter. "Bakit ba na-hot seat ako bigla? Hindi n-naman ako ang may b-birthday."
"Crush meron?" Pahabol ni Chad.
Hindi 'ata ito tatahimik hangga't hindi niya masagot ang isang tanong nito. "W-Wala na."
"Wala na?" Si Austin. "So, noon meron?"
Hunter, sensing that Naomi's getting uncomfortable with the topic, tried to change the atmosphere. "Guys, masarap ba ang pagkain —"
"Oo. Meron," sagot niya.
Hunter turned to her in a snap. "Sino?"
Lihim na nag-high-five sila Austin at Chad sa ilalim ng lamesa.
"Kailangan pa ba ninyong malaman?" Namula si Naomi at napakamot sa batok.
The three boys nodded synchronically.
She sighed. "Si Todd de Leon. Iyong nanalo sa Mr. Don Mariano High School last year." Nagulat siya nang biglang bumuluhaw nang tawa si Chad at Austin. "B-Bakit?"
Ngumiti si Chad. "Si Kuya Todd? Pinsan 'yon ni Hunter!"
Lumipad ang tingin niya sa kaharap. "Si Todd?" 'Ah, oo nga pala. Hunter de Leon-Lin pala si Hunter.'
Palihim na umingos si Hunter. "Marami namang nagsasabing mas gwapo pa ako doon," pagmamaktol nito sabay uminom ng orange juice.
"Nasaan na pala siya ngayon?" usisa ni Naomi.
Hindi lumagpas kay Austin ang reaksiyon ng kaibigan. "Oo nga, Hunter. Nasaan pala si Kuya Todd? Para kapag magkita uli sila ni Naomi—"
Sinubuan ni Hunter ngdalawang slice bread ang bibig nito. "Iyang bibig mo, pasmado."
The whole day was full of laughs and enjoyment with Chad and Austin trying to embarass Hunter infront of Naomi of their memories as little kids— tulad nung paano umiyak si Hunter nang tinakot ni Chad na tutubo raw sa tiyan nito ang nalunok na buto ng santol at nung paano sila na-Guidance last year kasi nahuli silang inakyat ang bakod para makalabas.
Habang nakikinig sa pag-aalaskahan ng tatlo, tuluyan nang nabago ang pagtingin ni Naomi rito. She thought he's this typical, rich boy... pampered and spoiled. He is the complete opposite.
Hunter is a very friendly and humble.
"Pasensiya ka na sa mga kaibigan ko, a."
Mula sa pagsisipa ng maliliit na bato sa kalsada ay binalingan ni Naomi ang katabi.
Pagsapit nang hapon ay nagpaalam na si Naomi sa mga ito para sunduin si Hope sa bahay ng tutor nito. Hunter insisted to walk her home.
Kaya heto sila naglalakad habang hila-hila ng binata ang bisikleta niya.
"O-Okay lang. Ang saya nga nila kasama," sagot niya.
Binalingan siya nito. "Thank you for spending your time with me — us." Mabilis nitong pagtatama. "...on my birthday, Naomi."
"Sina Chad at Austin ang dapat mong pasalamatan. Kinuntsaba lang nila ako." 'Paano nga pala nalaman ng mga mokong na iyon ang address ko?'
Hunter looked at their green surroundings. "This may sound corny but I am really... really thankful for those two."
Napangiti siya. His genuine feelings for his friends are reflected in his eyes. "Anong naka-corny do'n. Naging honest ka lang sa feelings mo sa kanila."
"I always run to them whenever things at home is too much for me to bear."
'May problema ito sa pamilya?' Hindi halata. Parang perpekto ang pamilya nito sa tingin niya. Mayaman, masaya at pinagpala sa pisikal na aspeto.
"My parents are very controlling when it comes to me, Naomi." He looked at her in the eyes as if reading her thoughts. "We weren't perfect as you thought."
"Controlling?"
He nodded. "With every aspect of my life." He looked ahead. "I dreaded the day that the school year will end. I'll be leaving this place to study at this... prestigious academy far from here that my parents enrolled me into without my consent."
Napahinto si Naomi at napatingin sa nakatalikod na pigura ng binata. "A-Alis ka?" Somehow, her heart sank upon hearing the news.
Lumingon ito sa kaniya. With sad eyes, he nodded. "It wasn't my decision, Naomi. It was my parents'. As much as I wanted to voice out, I can't. I owe a lot to them – they gave me so much care and love and things every kid would wish for."
"Pero..."
"T-They only want what's the best for me. So..." He shrugged and sighed. "...whatever." Tumingin ito sa malayo.
"A-Ano ba gusto nila?"
"...to succeed our automobile trading business."
Naomi bit her lip. She's hesitant to ask a very personal question but somehow words came out of her mouth. "Hunter..."
The soft breeze blew from the east as Hunter looked at her.
"Ikaw... ano bang gusto mo?"
He scoffed and smiled bitterly. "Does it matter?"
"I want to know." Giit ni Naomi at naglakad palapit rito. She came to a halt infront of him, looking up to Hunter intently. Nang hindi agad sumagot ito'y tinamaan siya nang hiya kaya nagbawi siya ng tingin. "I-Ibig kong sa sabahin – s-sakali lang gusto mo i-share—"
"I wanted to be a pilot, Naomi."
Binalik niya ang tingin rito.
Hunter looked up at the orange-tinted sky. "I wanted to know how it feels to fly – to look at things beneath my feet. Roam the free, blue sky." Niyuko siya nito. "Just imagining it makes me exited, Naomi." He smiled.
No wonder every person Hunter met is always smiling – his smile is very contagious. Naomi felt her lips curved upwards as well. His eyes looked like the world – vast, imaginative, dreamy and blue.
"Ikaw?"
Napakurap siya nang mapukaw siya sa pagmumuni-muni niya. "Huh? U-Uhhh..." Napakamot siya sa batok. "Gusto ko talaga maging guro, Hunter. Lalo na sa mga batang may special needs katulad ni Hope. Gusto kong iparamdam sa kanila na... kahit may pagkukulang sa kanila'y hindi pa rin sila naiiba sa atin."
He kept staring at her.
"Hehe. Sorry. Boring ba?" pagak na tawa niya.
Umiling ito. "Not at all. In fact..." He tilted his head sidewards as his Chinito eyes disappeared when he smiled. "That's the most genuine answer I've heard in my entire life."
She looked down to conceal the reddening of her cheeks.
Nagpatuloy sila sa paglalakad.
Since Naomi is walking beside Hunter who is dragging her bike on his other side, their hand brushed at each other unconsciously – her pinky finger touching his pinky finger.
Sumikdo ang puso ni Naomi nang maramdaman niyang pinulupot ni Hunter ang hinliliit nito sa daliri niya. Her eyes then fell on their intertwined fingers then to Hunter who is at the moment blushing yet staring straight ahead.
Impit na napakagat-labi ulit si Naomi upang pigilan ang sariling tumili sa sobrang kilig na nararamdaman.
Kinagabihan, mag-isa lang na nagbabantay sa convenience store si Naomi. Sa enerhiya ba naman nina Chad at Austin na kasama, tiyak tulog na sa oras na ito si Hunter.
Naalala niya ang simpleng pagpulupot ng daliri nito sa daliri niya.
She looked at her pinky finger.
Agad siyang yumupyop sa counter para ikubli ang pamumula ng mukha. Nahiya sa sarili niyang kinikilig agad. "Aysshs! Umayos ka nga, Naomi! Ang rupok mo!" Pinagalitan niya ang sarili pero sa huli'y napapangiti pa rin siya.
MALIKSING UMIWAS SI Naomi sa dalawang estudyanteng may pekeng pakpak na parang anghel. Sinundan niya ito ng tingin. Nagmamadali ang mga itong tumakbo na may dalang lubid. Nagtitili naman ang mga babae sa hallway.
"Cupids! Hulihin niyo rin kami!"
'Cupids?' Doon palang niya napagtanto nang libutin niya ng tingin ang paligid.
It's Valentines Day today and everyone is in festive, love mood.
Dahil maraming pakulo ang student council na may pahintulot ng school administration, malayang damputin ng mga cupids ang mga estudyante sa kalagitnaan ng klase para sa Wedding Booth, Dating Booth at iba pang activities.
Since it's Friday and Valentine's Day, students can wear anything they prefer and most of them are wearing something red on their clothes.
Sa pagbaybay papuntang classroom ay nakakasalubong niya ang mga magkapares na estudyante na may dala-dalang bulaklak, teddy bear o mga tsokolate. May mga babaeng nagtutulakan at naghahagikhikan kung paano mag-confess sa mga crush nito. Ang ilang kalalahikan nama'y panay pa-cute sa mga babae.
Kinunot niya angilong nang makaamoy siya ng matapang na perfume. May desperado 'atangmagka-jowa ngayon.
Mula sa pagsusulat ng notes ay napalingon si Naomi sa pintuan nang may kumatok na Kupido. "Good morning po, Ms. Ethel. Dadamputin po sana naming si..." Binasa nito ang hawak na papel. "Lorelaine Caberos po? May nag-request po kasi sa Section Neptune na i-Blind Date siya."
Umalingawngaw agad ang malakas na tuksuhan sa classroom nila.
"Ayyyiiiiie~"
"Si Kokoy 'yan malamang!"
"Si Niño 'yan! Pustahan pa!"
Pumasok ang isang Kupido para talian ng love string ang kaklase niyang si Lorelaine.
Napatingin si Naomi sa wallclock sa taas ng blackboard. Makailang beses na 'atang naputol ang klase nila dahil may bigla-bigla nalang kakatok.
Nang makalabas na ang mga ito'y tumikhim ang guro nila para magpatuloy. "Let's continue..."
Sa likuran ng classroom, panay naman ang bato ni Austin kay Chad ng nilukot na papel. "Chad! Chad!"
"Ano?" Naiinis nitong binalingan ang kaibigan.
"Pre, i-Wedding Booth mo naman kami ni Zaina, o. Pleeeassseeee... 10 pesos lang naman."
"I-Wedding Booth mo sarili mo. Tae ka, nabudol mo ako kanina. Napag-usapan natin kahapon na hati tayo sa bayad pero ako itong gumastos para kina—"
Muling naudlot ang klase nang may kumatok uli.
"Good morning—"
Inis na napabuntong-hinga ang guro nila. "Ano na naman?"
"Dadamputin po sana naming si Naomi Ruth Sandoval."
Nagkatinginan si Chad at Austin sabay napangisi sa isa't-isa.
"May nag-request po kasing i-Wedding Booth siya from Section..." Napakamot ang Kupido sa noo nang binasa nito ang hawak na papel. "... galing din po pala rito. Section Jupiter."
At parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ng buon Section Jupiter.
Tinuro ni Naomi angsarili. "A-Ako?" Nilingon niya ang mga kaklase na nakatingin na sakaniya. "Ako?!"
- CHAPTER IV END -
🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠
Don't forget to vote and add the story in your library!
xoxo, MD.
🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 HINDI MAGKAMAYAW ANG mga estuyanteng sa hallway sa panunukso kay Naomi nang dumaan sila sa hallway. Nakagapos ang mga kamay niya ng pulang lubid na ang dulo'y hila-hila ng isang Kupido. Ang isang kasamahan naman nito'y nakasunod sa kaniya – nagbabantay sakaling tumakas siya. Parang may krimen naman siyang ginawa kung makagapos at makabantay ang mga 'to. "Uyyyyy~ Wedding Booth 'to si girl for sure!" "Kainggit! Bakit hindi pa ako dinadampot?" "Sure na ba? Sure na bang walang gumasto sa akin para sa Dating Booth?" "Sino kaya groom niya?"
10 Years Later “Ah! Ang sakit sa balakang!” Napahawak sa balakang si Cynthia matapos pulutan ang mga nagkalat na mga lapis at papel sa sahig ng classroom. “Mind over matter. Mind over matter.” Ngumisi si Naomi na nilapag ang plastic box na may mga laruan sa lamesa. “Huwag mo masyadong isipin at tiyak hindi mo mararamdaman.” “Twenty-six pa lang ako pero feel ko sixty years na ako.” She smiled as she arranged the Brailled storybooks for her visually impaired students. “Ahhh… hindi ka maka-relate kasi baby face ka.” “Ewan ko sa’yo.” Natatawang nilingon niya ang mga estudyante niya nang hapong iyon na mga hearing-impaired. She motioned with her hands,
🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 "AH, gano'n!Ngayon kasalanan ko na naman kung bakit tayo naputulan ng kuryente? Kung di ka sana nag-walwal kahapon at kompletong dini-declare 'yang sahod mo sa 'kin, 'di sana'y nakakapanood na tayo ng pang-umagang balita! Aba! Gregorio, hanggang kailan mo ba balak maging ganiyan?" Nababagot na dinilat ni Naomi ang mga mata. Di pa nga nagsisimula ang araw ay pagod na siyang bumangon sa kaniyang kama. Nilingon niya ang pintuan kung saan dinig na dinig niya ang pagdadabog ng ina sa kusina. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nakasanayan na kasi niyang maging alarm clock ang maaga at malakas na pagtatalak ng kaniyang ina. Nilingon niya ang sariling repliksyon sa
🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Nakayukong pumasok si Naomi sa maingay nilang classroom at umupo sa upuang kaharap mismo ang lamesa ng guro nila. Noon pa may doon na talaga ang puwesto niya. Para sa kaniya, maganda ang posisyong iyon dahil dinig na dinig niya ang turo ng guro at walang nagtatangkang kausapin siya. Isa pa hindi siya madi-distract sa mga pinaggagawa ng mga kaklase niya sa likod. Nilabas niya ang notebook at ballpen. Malapit nang matapos ang school year pero hindi pa niya memoryado lahat ng pangalan ng mga kaklase niya. 'Di na rin siya nag-abala pa. Samantala, kakapasok pa lamang nina Hunter, Chad, at Austin sa classroom.
🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Agad umalsa ang inis sa dibdib ni Naomi nang makita ang chinitong kaklase"Ano'ng ginagawa mo rito?"Lumabas siya. Napa-sign of the cross si Lumen sa kapangahasan ng anak na lumabas na ganoon ang itsura."Diyos ko, Naomi!"Mabilis nitong hinubad ang apron na suot at pinulupot sa beywang ng anak para takpan ang ibabang bahagi nito. Siya ang natatakot sa kinabukasan ng anak kung ganito ito humarap sa mga tao."Naomi... nako!!! Mahiya ka!" Pero ito pinansin ni Naomi. Hinawi pa niya ang apron at naglakad papalapit sa gate. "Naomi! Hoy!"Paimpit na dabog ni Lumen sa may pintuan at nahila nito ang buhok pataas sa inis.&
10 Years Later “Ah! Ang sakit sa balakang!” Napahawak sa balakang si Cynthia matapos pulutan ang mga nagkalat na mga lapis at papel sa sahig ng classroom. “Mind over matter. Mind over matter.” Ngumisi si Naomi na nilapag ang plastic box na may mga laruan sa lamesa. “Huwag mo masyadong isipin at tiyak hindi mo mararamdaman.” “Twenty-six pa lang ako pero feel ko sixty years na ako.” She smiled as she arranged the Brailled storybooks for her visually impaired students. “Ahhh… hindi ka maka-relate kasi baby face ka.” “Ewan ko sa’yo.” Natatawang nilingon niya ang mga estudyante niya nang hapong iyon na mga hearing-impaired. She motioned with her hands,
🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 HINDI MAGKAMAYAW ANG mga estuyanteng sa hallway sa panunukso kay Naomi nang dumaan sila sa hallway. Nakagapos ang mga kamay niya ng pulang lubid na ang dulo'y hila-hila ng isang Kupido. Ang isang kasamahan naman nito'y nakasunod sa kaniya – nagbabantay sakaling tumakas siya. Parang may krimen naman siyang ginawa kung makagapos at makabantay ang mga 'to. "Uyyyyy~ Wedding Booth 'to si girl for sure!" "Kainggit! Bakit hindi pa ako dinadampot?" "Sure na ba? Sure na bang walang gumasto sa akin para sa Dating Booth?" "Sino kaya groom niya?"
🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 KINAUMAGAHAN ay tahimik na nilingon ni Naomi ang grupo nila Hunter sa likuran. Maingay ang mga itong nagkukuwentuhan at nagtatawanan kasama ang iilan nilang kaklase. Napabuntong-hininga siya.'Ang mahal pala no'ng bola na sinira ko. 5,200! Tapos, basta-basta ko lang binutas.'Tinitigan niya ang nakangiting si Hunter.'Siya dapat ang magalit ng husto. Hindi ako.' 'At kelan ka pa nakonsensiya?'saad ng utak niya. 'Eh kasi naman, aksidente lang naman talaga ang nangyari.' 'Hindi sinasadya? Nakapag-absent ka nga ng dalawang-araw dahil lumubo mukha mo.'Pamimilit pa ng utak niya. 'Oo nga 'no?' 'Wag kang marupok! Di dahil gwapo siya, bibigay ka na!' 'Gwapo?' 'Eyses~ deny ka pa. Lakas nga nang tibok ng puso kapag malapit siya, e!' Naalala niya ang s-ina-ign language ni Hope no'ng isang gabi:&nb
🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Agad umalsa ang inis sa dibdib ni Naomi nang makita ang chinitong kaklase"Ano'ng ginagawa mo rito?"Lumabas siya. Napa-sign of the cross si Lumen sa kapangahasan ng anak na lumabas na ganoon ang itsura."Diyos ko, Naomi!"Mabilis nitong hinubad ang apron na suot at pinulupot sa beywang ng anak para takpan ang ibabang bahagi nito. Siya ang natatakot sa kinabukasan ng anak kung ganito ito humarap sa mga tao."Naomi... nako!!! Mahiya ka!" Pero ito pinansin ni Naomi. Hinawi pa niya ang apron at naglakad papalapit sa gate. "Naomi! Hoy!"Paimpit na dabog ni Lumen sa may pintuan at nahila nito ang buhok pataas sa inis.&
🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Nakayukong pumasok si Naomi sa maingay nilang classroom at umupo sa upuang kaharap mismo ang lamesa ng guro nila. Noon pa may doon na talaga ang puwesto niya. Para sa kaniya, maganda ang posisyong iyon dahil dinig na dinig niya ang turo ng guro at walang nagtatangkang kausapin siya. Isa pa hindi siya madi-distract sa mga pinaggagawa ng mga kaklase niya sa likod. Nilabas niya ang notebook at ballpen. Malapit nang matapos ang school year pero hindi pa niya memoryado lahat ng pangalan ng mga kaklase niya. 'Di na rin siya nag-abala pa. Samantala, kakapasok pa lamang nina Hunter, Chad, at Austin sa classroom.
🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 "AH, gano'n!Ngayon kasalanan ko na naman kung bakit tayo naputulan ng kuryente? Kung di ka sana nag-walwal kahapon at kompletong dini-declare 'yang sahod mo sa 'kin, 'di sana'y nakakapanood na tayo ng pang-umagang balita! Aba! Gregorio, hanggang kailan mo ba balak maging ganiyan?" Nababagot na dinilat ni Naomi ang mga mata. Di pa nga nagsisimula ang araw ay pagod na siyang bumangon sa kaniyang kama. Nilingon niya ang pintuan kung saan dinig na dinig niya ang pagdadabog ng ina sa kusina. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nakasanayan na kasi niyang maging alarm clock ang maaga at malakas na pagtatalak ng kaniyang ina. Nilingon niya ang sariling repliksyon sa