Home / All / Fortune Cookies / III: That Strange Feeling

Share

III: That Strange Feeling

Author: Marple Dame
last update Last Updated: 2021-03-23 18:00:55

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

Agad umalsa ang inis sa dibdib ni Naomi nang makita ang chinitong kaklase "Ano'ng ginagawa mo rito?" Lumabas siya.

Napa-sign of the cross si Lumen sa kapangahasan ng anak na lumabas na ganoon ang itsura. "Diyos ko, Naomi!" Mabilis nitong hinubad ang apron na suot at pinulupot sa beywang ng anak para takpan ang ibabang bahagi nito. Siya ang natatakot sa kinabukasan ng anak kung ganito ito humarap sa mga tao. "Naomi... nako!!! Mahiya ka!"

Pero ito pinansin ni Naomi. Hinawi pa niya ang apron at naglakad papalapit sa gate.

"Naomi! Hoy!" Paimpit na dabog ni Lumen sa may pintuan at nahila nito ang buhok pataas sa inis. "Wala ka talagang hiya sa katawan mo, jusme!!! Bumalik ka rito sa loob!!!"

Hinarap ni Naomi si Hunter na tanging gate lang ang nakapagitan sa kanila.

Not intimidated by her, Hunter's smile never wavered. "Didn't see you in class thrice now. I am just a concerned classmate."

Nangangati ang kamao niyang huwag isapak dito. "Wag kang OA."

Hunter lends his notebooks across the gate, ignoring her tirades. "The blue one is Trigonometry. Inside the white notebook are our activities on different subjects."

Tiningnan lang niya ang mga iyon. Then, Hunter's next question made her raise her gaze to him.

"Okay ka na ba?"

Tumaas ang isang ni Naomi. 'Nag-aalala ba talaga 'to?'

Dahil kasintaas lang ng dibdib ni Hunter ang gate nila, walang kaabog-abog na inabot nito ang pisngi niya. His fingers gently rubbed the inflamed part. "I'm so sorry, Naomi."

Her eyes look at his hand on her cheek.

It was... warm.

"Naomi!" Paimpit pero matigas na tawag ng ina niya na siyang nagpabalik ng kaniyang huwisyo. "Magbihis ka sabi!"

Iniwas niya ang mukha sa nakakahalina nitong kamay. "Umalis ka na."

"Please..." He pleaded. "Please... just accept my notes. I really felt bad about what happened. I know you are embarrassed because of your face— I mean, your pretty but..." Nasapak nalang nito ang noo dahil sa sinabi. "Shit..."

Napabuntong-hininga na lang si Naomi at hinablot rito ang mga notebook. "Wala akong pakialam kong pangit ako at hindi ko ikinakahiya iyon. Pinagbawalan lang ako ng doctor na lumabas muna."

Despite her irritation, she can sense genuine repent on his voice. Tsaka, hinanap talaga nito ang bahay nila para dito. What she can do is at least return the favor. "Di ka na sana nag-abala pa, papasok naman ako bukas makalawa."

Like an obedient puppy, Hunter nods. "G-Glad to hear it that."

"Umuwi ka na." Tumalikod na siya at pumasok sa bahay.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Lumen sa dalawang teenager. "Naomi, hindi mo man lang ba papapasukin ang kaibigan mo? May juice at cupcake naman tayo—"

"Di ko siya kaibigan." Bago umakyat sa hagdan ay nilingon niya si Hunter na nakatayo pa rin sa may gate. "Alis." aniya at tumalikod na.

Pagkapasok na pagkapasok sa kuwarto ay sumandal siya sa nakasarang pinto.

Somehow, Naomi feels... angry of herself because in that split moment, she let her guard down. She doesn't like to entertain the foreign feeling that starts to blossom in her chest. Is it happiness that someone finally noticed here? Or someone... made efforts to connect with her?

Well, whatever it is, she hates it.

She wishes that this would be the last and end of their weird encounters.

Ibinagsak ni Hunter ang sarili sa kama kinagabihan. He stared at the ceiling as his sleepy eyes start to close.

> Her sharp eyes hooded underneath her thick and messy bangs looked straight at him

> Galit na tinusok ni Naomi ang bola sa bakal.

> He touched her cheek. He slowly feels her skin with his fingers. He thought she'd back down... yet she didn't. She even looked at his hand as if giving him permission to continue.

Napabalikwas ng bangon si Hunter sapo ang bibig. His cheeks are hot. He's blushing. "Okay. You're being weird for a second there, Hunter." Pinuna niya ang sarili.

THE NEXT day, with one hand underneath his chin, Hunter's staring intently at their classroom's door waiting for Naomi to show-up. Sinipat niya ang relong-pambisig. Limang minuto na lang ay magsisimula na ang klase.

Is she absent this time again?

Napatuwid siya sa pagkaupo nang may pumasok.

"Woah~!" Sabay-sabay na reaksiyon ng mga kalalakihan sa classroom.

Its's Zaina, smiling angelically... at him.

'At me?' Napakurap si Hunter at nilingon ang paligid baka iba ang nginitian nito.

Kinagat ni Austin ang bag nito dala ng pagkainggit. "Bakit? Bakit si Hunter pa? Andito ako... handang magmahal sa'yo~"

Chad whistled and winked at Hunter.

Huminto si Zaina sa harapan niya, whisking her feminine fragrance in the whole room. "Hi, Hunter!"

"Hey."

She lends a paper. "We would like to invite you to be one of the boys for an upcoming event this Valentine's Day."

Tinaggap ni Hunter ang papel at tahimik itong binasa. 'Don Mariano's Month of Love activities.' Oh, he forgot.. Zaina is a member of the Supreme Student Council. No wonder, she's actively seen everywhere. Abala pala ito sa paghahanda ng pakulo sa paparating na Araw ng mga Puso. "What event exactly?"

"One of the grooms for our Wedding Booth." She smiled. Si Zaina ang tinaguriang Campus Crush ng Don Mariano High School dahil sa taglay na ganda nito. Her signature looks are her sweet smile and very beautiful black hair. Idagdag mo pa ang mala-pusong hugis ng mukha nito. Almost half of the male population in their classroom vied for her attention.

"Isa ka sa gagawin naming grooms-for-rent." She explained further. "10 pesos kada kasal. Sagot na namin ang attire mo – tsaka snacks na rin."

"Paano kapag gustuhing ng bride na i-honeymoon pa itong kaibigan namin?" tanong ni Chad.

Zaina played her hair with her fingers. "Well, the girls who would want to be your bride will pay more to have you longer. The longer, the better." She bit her lower lip.

"Shit!" Dinakma ni Austin ang sariling dibdib. "My heart... my heart... tumitibok nang malakas.... Am I in heaven? The longer, the better daw, Chad!"

Sinapak ni Chad ang kaibigan. "Narinig ko. Huwag kang OA!"

"I mean..." Zaina smiles sweetly at Hunter. "The longer, the better for our council since all proceeds will be used for the landscaping of our school and buying new sound-system for our auditorium."

"Well... it's for a good cause. O, sige." Tumango si Hunter. "Count me in."

Lumiwanag sa saya ang mukha ng babae. "Really? Thank you! Thank you! Just please write your name and signature on that form for consent."

Yuyuko sana si Hunter upang pirmahan ang papel nang pumasok si Naomi sa classroom.

No one noticed her, except for Hunter. "Naomi!!!" He waved a hand to greet her.

Naestatwa sa kinatatayuan ang dalaga at dahan-dahang nilingon ang direksyon ng lalake. Unang nakita ni Naomi ang nakakabulag sa gandang si Zaina at pagkatapos ay si Hunter na malapad na malapad ang ngiti. Nakatingin na pala sa kaniya ang buong klase. "Tch!" She just walked towards her chair.

She really hates being in the center of the attention even for a second.

Pagkaupo ay nilabas agad niya ang mga notebook para kunwari may ginagawa. Her hands froze when she saw Hunter's notebooks. Napabuntong-hininga siya. Ngayon, poproblemahin na naman niya kung paano ang mga ito isasauli

Lalapit ba siya sa grupo nito sa likod?

She slowly turned her head to peek at the noisy group at the back.

Hunter is having a loud conversation with his friends. Lahat ng tao sa paligid nito'y nakangiti o 'di kaya'y tumatawa. He is naturally... a source of positivity and happiness. Parang natural na lumalapit rito ang tao dahil sa magpagbiro, masayahin at magaan nitong pakikisama sa iba. He can do it almost effortlessy.

Samantalang siya, kahit pasasalamat man lang si Hunter sa ginawa nitong pagpapahiram sa mga notes nito'y di pa niya magawa.

Niyuko uli niya ang mga notebook. 'Paano ko ba 'to isasauli?'

"TARA! Canteen tayo!" Narinig ni Naomi na aya ni Austin sa mga kaibigan matapos ang pangalawang subject nila nang umagang iyon. She looked at them as they make their way out of the room. Nilibot niya ang paningin sa classroom. Unti-unting nagsilabasan ang mga classmates niya para mag-snacks hanggang iilan nalang ang naiwan.

Dali-dali niyang nilapitan ang upuan ni Hunter at binuksan ang maitim nitong bag sabay silid sa mga notebook.

Halos lumuwa ang puso niya sa dibdib dala nang kaba. Mukha kasi siyang nagnakaw. Doon palang siya nakahinga nang maluwag nang makabalik na sa upuan.

Lihim siyang napangiti. Sa wakas, wala na silang rason pa na magusap ni Hunter De Leon-Lin.

Her school life will finally return to normal.

On their third period that morning, their teacher called their attention to jot down the new formula in Trigonometry in their notebooks.

"Isulat niyo 'to sa mga kuwaderno niyo at 'wag kayong umangal kasi lalabas 'to sa finals natin. 'Wag niyo ako bigyan ng ganiyang mga titig." Pambabara agad sa kanila ni Sir Tupa. "Ako pa sisisihin ninyo na maliit grado niyo sa Trigo – tapos may pa rant status-status pa kayo sa F******k!"

Kinuha ni Naomi ang bag na nakasabit sa sandalan at sinilip ang loob para kunin ang— "Huh?" Hinaluka niya ang laman ng bag. "Naiwan ko ba notebook sa bahay? Imposible. Andito lang 'yon kanina, a—"

Nanlaki ang mga mata niya sabay nilabas sa bag ang pamilyar na asul na notebook.

At the furthest back of the classroom, Hunter pulled his bag and searched for his notebook. 'Oh. I almost forgot. Naomi had it.' Kumuha nalang siya ng papel na pagsusulatan nang may nakita siyang dilaw na Winnie the Pooh na notebook. 'This isn't mine.'

"Psst! Psssssst!!!"

Nag-angat ng tingin ang binata. Pasikretong kumaway si Naomi sa harapan. She then pointed his notebook she's holding then to the yellow notebook he's holding. His forehead furrowed. "What?"

She mouthed annoyingly: 'Notebook ko—'

"SANDOVAL, LIN!"

Napatalon sa kinauupuan si Naomi at mabilis na napaayos ang upo.

Pinaglilipat ni Sir Tupa ang tingin sa dalawa. "Ano 'to? Long Distance Relationship?"

At nagsitawanan ang buong klase.

"Ayiiieee~"

"LDR!"

Inis na iniuntok na lang ni Naomi ang noo sa armchair niya.

So far, for wishing her school life back to normal, she foolishly and accidentally returned the wrong notebook. 'Bukod sa paging tanga, Naomi, color-blind ka rin pala?! Ang layo ng color blue sa yellow!'

On the other hand, Hunter is still curious. 'What's up with her?' Tiningnan niya ang hawak na notebook. 'Kanino ba 'to?'

He flipped it open to check the cover and— A wide grin spans across his face as he saw a very neat cursive penmanship at the lower corner: Naomi Ruth O. Sandoval. Grade 10 - Section Jupiter.

Nahalata ni Chad ang nakangiting kaibigan. Tinapunan nito ng nakalukot na papel si Austin sabay tinuro si Hunter.

Umiling si Austin at inikot ang daliri sa may sentido."Nabaliw na. Hindi pa naka-move on sa soccer ball niya."

Nang mag-lunch break ay nanlulumong binuksan ni Naomi ang locker at pinasok ang ulo roon sabay paimpit na tumili. "Shit! Shit! Shit! Shit!!!" Nilabas niya ang ulo at huminga nang malalim. Akala niya 'di na magku-krus ang landas nila ni Hunter, pero heto't may humabol pa talaga!

Her notebook is in his possession.

'Tanga ka, Naomi. Tanga!' Pinagalitan niya ang sarili. Natigilan siya nang makitang mag-isang naglalakad si Hunter sa pasilyo. Lumiko ito at pumasok sa Male CR.

She inhaled a breath of courage. "This is now or never, Naomi." Kinuha niya ang notebook ni Hunter sa loob ng locker niya.

After washing his hand at the sink, Hunter pulled out his handkerchief on from his trousers' back pocket when a booming voice echoed the whole C.R.

"Hunter!"

Napalingon siya sa pintuan. "Yeah?" Binalik niya ang atensiyon sa paghuhugas ng kamay pero agad ding binalik ang tingin sa pintuan. "N-Naomi?" Nagulat siya nang dire-diretso itong pumasok sa banyo ng mga lalake. "T-Teka... teka... a-anong g-ginagawa mo rito?"

Mabigat ang mga hakbang nito na lumapit sa kaniya. "Notebook mo!" She slammed his note on his chest. "Notebook ko, asan?"

Natatarantang tinginan ni Hunter ang pintuan baka maabutan sila ng iba. Mabuti na lang talaga at sila lang dalawa sa loob. "This is a Male's CR, Naomi!" Pinandilatan niya ito.

Hindi siya pinansin ng dalaga. "Ang notebook ko, dali!"

"Naomi, can't it wait later? Obviously, I don't carry it anywhere—" At pareho silang napalingon sa bukana ng C.R. nang makarinig sila ng mga palapit na yapak at mga boses ng mga lalake.

"Shit!" Mabilis na hinablot ni Hunter si Naomi at hinila ito papasok sa isang cubicle sabay sara ng pinto.

"Anong—"

Hunter pressed his hand on her mouth and tells her to shut it.

"Huh? Narinig niyo yun?" Puna ng isa sa lalakeng bagong pasok sa C.R. "Boses babae?"

"P*ta! Wag ka ngang manakot! Sabi pa naman ni Willy na may narinig siyang umiiyak na babae rito kahapon," saad naman ng isa.

Pinagpapawisang pinakiramdaman ni Hunter ang paligid samantalang dumadagundong naman ang tibok ng puso ni Naomi sa kaba—na halos nakakabingi na.

Naomi's saw beads of sweat travelling from Hunter's forehead, down the side of his smooth cheeks... then to his neck. Napatitig siya sa Adam's Apple nito na tumaas-baba. Nag-iwas siya ng tingin. 'Umayos ka, Naomi!'

Dumako ang mata niya sa kamay nitong nakatakip sa bibig niya. Naalala niya ang gabing hinawakan nito ang namamaga niyang pisngi no'ng bumisita ito sa kaniya. 'Andito na naman ang kamay niya...'

Then something caught her attention.

"Hmm?" She looked pass him and saw a picture pinned at the back of the cubicle's door. Nanlaki ang mata niya nang makita ang poster ng isang babaeng nakahubad. The porn star was spreading her legs wide open, revealing her smooth shaved... vagina.

Nilayo niya ang mukha kay Hunter para suminghap. "PAANONG WALANG BUHOK ANG PEKPEK NIYA?!"

Hunter shuddered after realizing they entered the infamous third cubicle of the boys' restroom.

Napatingala nalang sila nang kani-kaniyang sumilip ang mga kalalakihan na may nanunuksong mga ngiti sa kanilang mga labi na para bang may milagrong nangyayari sa loob.

NANGINGINIG  sa galit si Naomi nang lapitan ang bisikleta niya sa parking lot. Nangilid ang luha niya dala ng inis at hiya sa nangyari. Agad kumalat sa campus ang balita, dahilan para ipatawag siya at si Hunter sa Guidance Counselor's Office. Kahit anong paliwanag niya na andoon lang siya para isauli ang notebook ni Hunter ay hindi ito naniniwala. Si Hunter nama'y tahimik lang na nakaupo sa tabi niya.

"Bwesit! Bwesit! Bwesit!!!" Halos maputol ang kadena ng biskleta niya sa lakas nang paghablot niya. "Bwesit!" Umalingawngaw ang boses niya sa tahimik na parking lot.

"Naomi—"

"Huwag na huwag kang lalapit sa akin!" Singhal niya paglingon kay Hunter na papalapit sa kaniya. "Lumayo ka sa akin!" Parang siyang bulkan na sasabog anumang oras.

Hunter is catching his breath as he stopped a foot away from her. "Hey... w-what's wrong?"

"What's wrong?!" Namula ng husto ang mukha niya sa galit. "Alam mo ba na kapag nasa paligid kita, puro kamalasan ang nangyayari sa akin?! Pwede ba, tantanan mo na ako!"

"It wasn't my fault!"

"Kung 'di ka sana nagpapapapel na ipahiram 'yong mga notebook mo sa akin at pinabayaan mo na lang akong um-absent, hindi sana ito nangyari!"

"You entered the C.R. yourself!" bintang ni Hunter.

Kinuyom ni Naomi ang mga palad. He's right. It was her fault for not thinking clearly. "Paano na ngayon? Na-guidance tayo! Paano kapag tatawagan nilang mga magulang na'tin?" Para siyang kinakapusan ng hininga sa kaba. Her anxiety is consuming her. "Tapos ma-i-expel tayo! Tapos 'di ako makakapagtapos ng pag-aaral! Di ako makakapasok sa kolehiyo! Di ko matutulungan si Hope sa—"

Hunter holds her shoulders in place. "Naomi..."

"Di ko mabibili gusto ko! Tatanda akong walang pera! Saan na ko titira—"

"Naomi!" He shook her hard to snap Naomi out her hysteria.

Napahikbi na lang siya at malakas na bumulahaw nang iyak. "Ayokong ma-expeeeeeel~ Ayokooooooo~"

Huner can't help but smile at the innocence of this woman. "Trust me, you won't. Calm down."

Humihikbi siyang tiningala ito. "P-Pero n-nila tayo pinapauwi?" Tumulo na rin ang uhog kasabayan ng mga luha niya. "Hindi pa naman a-alas kuwatro, a."

"It's just their disciplinary actions on first-time offenders, Naomi." He bit his lower lip to stop himself from laughing. "But not me, makailang beses na akong pabalik-balik roon sa pag-ka-cutting classes namin nila Chad at Austin. The only trick is to not be consecutively called at the guidance so that they won't call your parents."

"T-Talaga?" Paninigurado niya.

He nodded. "Yes. They sent us home to reflect on the gravity of things they think we did."

Suminghot si Naomi at tumango.

"Okay ka na?"

Inis na iwinakli niya ang mga kamay ni Hunter na nasa kaniyang balikat.

Napangisi nalang ang binata. 'And we're back to square one.' Sinundan nalang nito ng tingin ang dalagang umangkas sa bisikleta nito.

"Are we good?" Pahabol nitong tanong.

Hindi siya sumagot. Bagkus ay nagpadyak nalang si Naomi papalayo rito.

As Hunter stood still as Naomi's slowly disappearing from his sight, he thought that would this be the last of their... unusual yet funny encounters?

Hunter felt sad somehow. He kinda enjoyed their brief company. He doesn't know why but... he doesn't want it to stop.

Pinilig nalang niya ang ulo. Though it was funny seeing her cry over a first-time offense, he does feel bad making her cry.

Did he give her that much of a headache for her to spend her tears on him?

Hunter turns his back and walks towards the schoolbuilding. If she feels comfortable with him not around, he'll give her that.

True enough to his words, Hunter did put a distance between him and Naomi despite wanting to greet and smile at her. It's been a week since Naomi's breakdown at the parking lot and indeed she seems to be on her old self – recluse, quiet, and alone. She left his notebook at his desk when no one is around, and he did the same thing as well with hers.

They're back to being strangers again.

That afternoon, Hunter was walking down the hallway while reading the instructions for the Valentine's Day Wedding Booth. 'So, there's a fake priest to preside the wedding, huh?'

Napangiti siya ngunit napawi iyon nang makita niya si Naomi na naglalakad, papasalubong sa kaniya.

Her eyes are attuned to the floor with her long hair almost covering her face.

Huminto si Hunter at sinundan lang ito ng tingin hanggang makalagpas ito sa kaniya. A part of him hoped she'll turn around and at least acknowledge him.

He sighed.

"Hunter!" tawag ni Zaina sa kaniya. "Dito ang practice!" Kumaway ang babae mula sa isang classroom.

Meanwhile, before turning right at the hallway, Naomi stopped on her tracks upon hearing Hunter's name. Paglingon niya'y nakita niyang naglalakad ang binata palapit kay Zaina. 'Pake mo, Naomi?' Lumiko na siya. 'Mabuti na ang ganito.'

"NAOMI!" tawag ni Lumen sa anak mula sa kusina "Naubusan na tayo ng mantika! Pakibili nga ng dalawang pack doon sa convenience store!"

"Okay po," sagot ni Naomi saka bumaba sa hagdan. "Pera ho?"

"Hingi ka sa papa mo."

Pumasok siya sa sala. "Pa, pambili raw ho ng mantika."

Nakatitig ito sa T.V kung saan may palabas na nagsasabong na manok. "Humingi ka sa mama mo."

Napabuntong-hininga siya at pupunta na sana siya sa kusina nang lumabas roon ang ina na bakas na sa mukha ang inis.

"Anong hingi ka sa mama mo?" anito na dala ang sandok na itinuro pa ng ina niya sa ama niya. "Isang daan wala ka?"

Inis na kinamot ni Greg ang sentido. "Oo na, Mamaya na. Kita mong inaabangan ko kung sino mananalo, e."

"Nakakabusog ba ang sabong? Ang hapunana natin, oo. At kung walang mantika, walang ulam. Tingnan natin kung 'di mo maging fried chicken sa paningin mo ang mga manok na iyan kung gutom ka."

"Hindi ka ba talaga makagpahintay? Dahil lang sa mantika, naghuhumerentado ka na?"

Napabuntong-hininga nalang ang dalaga sa inaasta ng dalawang magulang. Hindi talaga siya mag-aasawa. Kakapagod.

"Eh kasi, sa letseng T.V. na'to, hindi ka na mautus-utusan!" Akmang hahambalusin na sana ng ina niya ang screen gamit ang hawak na sandok nang natatarantang niyakap ito ng asawa.

"O-Oy, Lumen! Huwag! Hindi pa natin tapos bayaran 'to!"

Naomi rolled her eyes upward then looked at Hope smiling while coloring her project on the dining table, unaware of the on-going commotion.

'Sana bingi na lang din ako... Ang ingay!' Padabog siyang lumabas ng bahay. Siya na lang nga ang bibili!

Dahil tingi-tingi lang ang tindang mantika sa mga kalapit ng sari-sari store, nagbisikleta si Naomi papunta sa convenience store na paborito ni Hope. She leaned her bike at a post before entering the store full of red hearts, balloons, Cupid stickers and flowers.

She wrinkled her nose with annoyance. 'Ito ba ang sinabi nilang Love Is In The Air?'

Agad niyang hinanap ang stall ng mga condiments section. Matapos kumuha ng dalawang pakete ng mantika'y napuna niya ang mahabang pila sa may cashier booth.

Napatingin siya sa matandang babae sa likod ng kaha. Medyo mabagal ang pagtipa nito sa mga numero at inaaninag pa ang mga presyong nakadikit sa mga biniling gamit.

"Ang bagal naman!" reklamo ng babaeng puno ng tattoo ang katawan. May dala itong mga inumin.

"Tsk! Isang oras ba hihintayin ko rito para lang sa isang Yakult?" daing naman ng isang binatilyo.

Tumingin uli si Naomi sa harapan.

Okay lang naman sa kaniyang matagalan siya rito. Iyon pa bang pag-uwi niya baka tulog na ang mga maingay niyang magulang. Pero hindi lang niya masikmurang lalaitin at mumurahin ng mga nakapila ang matanda. Hindi ba nila nahalata na Malabo na ang paningin nito?

Reklamo nang reklamo, 'di na lang tutulong.

Lumapit siya sa booth. "Hello po, Manang."

Dahan-dahan itong nagtaas ng tingin. "M-Magandang gabi r-rin..."

"Uhh... gusto ho niyo ng tulong?" alok niya. Naging part-time kahera rin kasi siya sa isang fast-food chain no'ng nagdaang bakasyon. "P-Parang nahihirapan po kasi kayo."

Ngumiti ito at tumango nang marahan. "Okay lang ba, hija? P-Pasensiya ka na... masama kasi ang pakiramdam ni Tinoy."

'Tinoy. Siya 'ata iyong matandang lalake na nagbigay sa amin ni Hope ng fortune cookies.'

Pinalitan niya na ito sa likod ng kaha. "Okay lang po. Wala naman po akong gagawin. Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ako nangungupit."

Tumawa lang ito at umupo sa kalapit na upuan.

That night, Hunter is playing NBA 2K19 at their living room's wide television set. Nakaupo siya sa carpet at tutok na tutok sa pag-so-shoot ng bola gamit ang game controller na hawak. "Come on..." Mabilis siyang pumindot. "Come on...."

"Hunter," magalang na tawag sa kaniya ng isang kasambahay. "Kakain na raw ho kayo."

He nodded with his eyes still fixated at the screen. "Yeah. Just a minute."

His player was about to shoot the ball on the hoop when it suddenly stops moving. "Ah! Move!!" Pinindot niya ang hawak na controller. "Shit— No!" Napanganga na lang ang binata nang inagawan na ang player niya ng bola. Niyuko niya ang hawak na controller at inalog. Hindi na umiilaw ang power button nito. Naubusan 'ata ng battery.

"Mom!" Tumayo siya at hinablot ang itim na hoodie jacket sa may sofa. "I'm going out!"

"Huh?" His mother peeked out from the kitchen. "Pero kakain na tayo. Nagluto pa naman ako ng sinigang na baboy."

"I'll be back in no time," sagot niya habang sinusuot ang itim na sportswatch. "This is a life and death situation. Championship na."

"Si Willie na lang ang bibili," patungkol nito sa katiwala nila.

"Mom, I have two legs. Babalik agad ako."

Dali-dali siyang lumabas bago pa makaangal ang ina. He doesn't need to depend every single thing even buying batteries to their staffs.

Napapreno siya sa pagkalabas ng gate nang maramdaman ang mahinang ulan. He looked up at the night sky then pulled up his hoodie above his head before running towards the nearest convenience store.

Pagkarating sa tindahan ay tumalon-talon si Hunter sa may entrance para pagpagin ang sarili ng hamog. Pulling down his hoodie, he saw a familiar green bike by the electric post outside. Pinilig niya ang ulo at pumasok sa loob. "You're crazy, Hunter. Not all green bikes are hers."

Pagkapasok ay agad niyang hinanap kung saan naka-display ang mga baterya. Nakita niya ang mga iyon malapit sa cashier booth. 

Pumulot siya ng isang set ng triple AAA battery at nilapag iyon sa harap ng kahera. "How much..." His voice trailed off upon seeing the cashier. "Naomi?"

Mula sa pagpa-punch ng presyo sa cash register ay nag-angat ito ng tingin. Nanlaki ang mata nito nang makilala siya. "I-Ikaw??"

"You work here—" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang mabilis nitong sinilid ang baterya sa maliit na plastic bag sabay nilahad iyon sa kaniya.

"73 pesos po," mataray nitong sabi na 'di siya tinitingnan.

Hunter bit his lower lip to stop himself from talking. He then pulls out a 100-peso bill from his pocket.

"I receive 100 pesos." Mabilis rin nitong binigay ang sukli.

"Uhh..." Binulsa niya ang pera. "Ummm..."

"Next." Sumilip si Naomi sa kasunod ni Hunter na customer.

Hunter stepped aside and looked at Naomi who didn't bother giving him a second look. Tumango na lang siya. "O... 'kay?" Tumalikod nalang siya at naglakad papuntang exit.

But before pushing the door open, he threw her another look. In the end, he sighed and left.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay agad siyang sinalubong nang bahagyang malakas na ulan. Napatingala ang binata sa makulimlim na langit na may panaka-nakang kulog at kidlat na rin.

He then looked at the lone bicycle parked nearby.

Hinawakan ni Mrs. Dolor ang kamay ni Naomi. "Maraming salamat talaga sa tulong mo, hija."

"Walang anuman po." Nagpaiwan siya sa convenience store kahit wala nang customer hanggang sa magsara ito pagpatak ng ang alas-nuwebe. "Okay na po kayo rito?" tanong niya.

Tumango ang matanda. "O-Oo, hija. Ibababa ko lang naman a-ang roller gates at papatayin ang mga ilaw."

"Tulungan ko na po kayo." May naalala siya. "Nga po pala, magkano po uli ang mantika. Nakalimutan ko—"

"Libre na 'yan, hija. Lalo na't laking tulong mo s-sa amin ngayon."

Niyuko niya ang hawak na pakete ng mantika. "Salamat rin po dito."

Ngumiti ang matanda.

Matapos tulungan ito na bilangin ang pera sa kaha at isara ang convenience store ay nagpaalam na rin siya rito. Pagbukas niya ng pintuan ay agad sumalubong sa kaniya ang malamig na hangin at kaunting ulan. 'Di naman ako magkakasakit nito—'

Nagulat siya nang may makitang itim na jacket sa upuan ng bisikleta niya. "Teka... kay Hunter to, a." Naalala niya ang suot ng binata kanina. Kinuha niya ito at nagpalinga-linga sa paligid. "Mapagbigay naman 'ata siya masyado."

Dinama niya ang malambot na tela nito at dinala iyon sa ilong para amuyin. "Kung iniwan niya ito... baka naulanan siya kanina." Sinipat niya ang tahimik na kalsada na tanging ilaw lang ng mga poste ang bumubuhay roon.

"ACHOOO!!" Malakas na bahing ni Hunter sabay singhot. Kinaumagaha'y nagising nalang siyang mabigat ang pakiramdam ng katawan.

Nandidiring lumayo si Chad sa kaniya habang naglalakad silang tatlo papuntang classroom. "Eww... germs!"

Pinahid ni Hunter ang kamay sa uniporme nito.

"Ah! P*ta ka talaga, Hunter!" Nagsisigaw itong sinuntok siya sa likod.

"Saan ka ba galing kagabi? Nahamugan ka 'ata," usisa ni Austin.

"Bumili lang ako ng... ng... battery s-sa—" Tumalsik ang laway niya nang malakas uli siyang nag-hatsing.

Napapikit na lang si Chad na siyang natamaan ng laway sa mukha.

Suminghot si Hunter. "B-bumili lang ako ng battery sa convenience store kagabi. N-Naabutan ako ng ulan sa d-daan." Niyakap niya ang sarili. Nanlalamig na rin siya.

"Pumunta ka sa clinic mamaya," suhestiyon ni Chad. "Baka kumalat pa germs mo sa amin. Di kami mayaman na may pambayad sa pampaospital."

Ngumisi siya. "Ang sweet ng love ko... kiss mo nga ako. Baka 'yon lang kulang para maging okay na ako."

"Pwede ba?!" Nanayo ang balahibo nito.

Pinusod ni Naomi ang buhok at kinamot ang pisngi habang ni-re-review ang mga sagot niya sa assignment nila sa Filipino. Hindi niya ito natapos kagabi dahil dinalaw na siya ng antok sa kalagitnaan nang pagsasagot. "Hmmm... mamayang hapon pa naman ito. Tatapusin ko nalang ito sa library."

"ACHOOOOO!!!"

Napalingon siya sa bukana ng classroom at nakitang pumasok sina Austin, Chad at Hunter. Hunter's nose is red as a tomato as he wrinkles it. He immediately covered his nose and his mouth with a hanky to sneeze hard again. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa likurang bahagi ng silid. He's breathing hard through his mouth as he prepares for another sneeze.

Humarap na lang siya sa blackboard at narinig uli ang hatsing nito. She turns to look at him again. Tumingala ito para siguro kahit paano makahinga nang maluwag.

Biglang nakaramdam ng konsensiya ang dalaga.

"Clinic m-muna ako 'tol," ani Hunter sabay tapik sa balikat ng mga kaibigan niyang kumakain ng pananghalian sa canteen. "Hihingi lang ako ng g-gamot."

"Oh sige." Tinanguan siya ni Austin. "Hihintayin ka namin dito?"

"Mauna nalang kayo k-kung tapos na kayong k-kumain. Oo. Salamat." Kumaway siya sa mga ito tsaka kinusot ang ilong habang naglakad na palabas ng canteen.

Upon reaching the infirmary, he slid the door open and saw the school nurse inside. "Good noon, Miss."

"Yes? Come in. Come in."

He sat on a bed and explained his symptoms. Kinunan siya nito ng temperatura. May konting sinat siya.

"Sit still. Kukuha lang ako ng gamot para sa'yo."

He smiled and nodded. Nang lumabas ito saglit at tumingala siya para makahinga. "Ahhh... t-this is torture. I can't b-breathe properly!" Yumuko siya at kinusot ang ilong.

Out of nowhere, a hand lends a handkerchief with two tablets. His Chinito eyes shoot up. It's Naomi, looking at the other direction. "N-Naomi?"

"B-baka kailanganin mo 'to." Namula ito.

He looks down and gently holds her hand.

Napayuko si Naomi sa magkadaop nilang mga kamay. Parang may dumaang kuryente sa mga palad nila.

"Thanks." He smiles weakly.

Lalo pang nahabag si Naomi. Hunter's smile doesn't have the same energy as the previous days and she has no one to blame but herself. "Bakit mo kasi iniwan ang jacket mo kagabi?"

"I thought it would eventually rain hard and you're going home late," He sniffs. "You'll need it more than I do"

Tinitigan niya ito. "Ba't ba ang bait mo?"

"I'm not. It's just... y-you need it and I happen to have it."

"Tulad ng jacket?"

Tumango ito.

"T-Tsaka yung notes mo?"

Tumango si Hunter. "Yeah."

"A-At yung ice pack?"

"Well..." He chuckles – making his eyes slit more. "Hiningi ko 'yon dito sa clinic, so technically it's not mine."

Napayuko ang babae.

It took her minutes before she finds the courage to express what she intends to say and what she came for. Nag-iwas ng tingin si Naomi. "S-Sorry, Hunter."

"You don't have to. In the first place, I hit you with the ball."

"Ang bait mo kasi tapos sinusungitan lang kita."

"Tell you what..." He looked intently at her, making her conscious of how close their distance is. "...all is good between us if you say sorry while looking at me."

Sinalubong ni Naomi ang mga mata ng lalake at huminga nang malalim. "I'm sorry."

"With a smile."

Pinatirik niya ang mga mata pataas.

"Ow, come on! Indulge me!" He grins.

"Tsk." Pinilit niyang ngumiti na kita lahat ang ngipin. "I'm sorry, Hunter."

"Better." He smiles widely. This time... with life.

Hindi na rin maiwasan ni Naomi na ngumiti ng totoo. Nakakadala kasi ang singkit nitong mga mata. "Oh sige... a-alis na ako. Di ko pa kasi natapos 'yong assignment natin sa El Filibusterismo."

"Ahhhh..." Tumango si Hunter. "I happen to have good grades in Filipino."

Di na siya pumalag. Totoo namang matalino si Hunter dahil ni minsan, 'di nawala ang pangalan nito sa Top 10 na mga estudyante sa Grade 10. Siya naman, sakto lang – di nangungulelat, di rin... magaling.

"Sit here." Hunter pats the bed beside him. "Let me help you with it."

"S-Sure ka?"

"Yeah. I think this bed is sturdy enough..." He jumped while sitting. "...to carry our weights— Ow, sorry. That came out weird."

Sabay pa silang namula matapos pumasok sa isipan nila ang ibang kahulugan ng sinabi ng binata.

With that simple gesture and simple offer, it marks the start of their good relationship. Relationship since Naomi can't really label it yet as friendship.

She nodded at him when they meet in the hallway.

She responded to his energetic greetings with a small smile.

Slowly, Chad and Austin started to notice her. They, too, say their greetings by calling her last name whenever they cross paths.

Surprisingly, it doesn't bother her. Though, there's still hesitation on her part. Afterall, this is all new to her.

'One step at a time, Naomi.' Paalala niya sa sarili. 'Di mo naman babaguhin ang sarili mo. Gusto mo lang makaranas ng bagong takbo sa karaniwang mong ginagawa.'

Nagulat siya nang tinawag siya ni Hunter na noo'y nasa basketball court kung saan tinatayo ang improvised chapel. "Naomi!"

Mula sa second floor ay awtomatikong tumaas ang kamay niya at ngumiti. "O-Oy. Hunt—" Agad niyang binaba ang kamay nang mapagtanto ang ginawa.

'Okay. Ang weird mo na, Naomi.' Dali-dali siyang tumalikod.

KASALUKUYANG nagbibisekleta si Naomi habang angkas si Hope sa may likuran. Papauwi na sila nang hapong iyon nang napadaan sila sa convenience store. She hit her brake slowly. Inaninag niya ang nakapaskil na papel sa glass wall.

'Wanted PART-TIME CASHIER. Night Shift.'

Hope tugged her shirt: 'Puwede ba ako, ate? Gusto ko magtrabaho riyan.' Ngumiti pa ito.

"Hmmm... puwede naman. Kaso, humingi ka muna ng permiso kina Mama at Papa. Di sa dini-discourage kita pero baka mahirapan ka."

Umiling ito at nag-sign language: 'Kaya ko 'ate. Magaling ako sa Math.'

"Oo na, oo na." Magpapadyak sana siya nang maramdaman niya na humigpit ang hawak ni Hope sa damit niya at nagtago sa kaniyang likod. "Hope?" Parang may kinatatakutan ito. Paglingon niya sa harap ay may grupo ng mga batang edad walo o siyam 'ata na naglalakad pasalubong sa kanila.

May isang bunging bata ang nakakita kay Hope. "Hala! Si Bingi, o!"

Ngumiti rin ang isang kasama nito. "Oo nga!"

"Sigawan natin! Di yan makakarinig." Yaya pa ng isa.

"Hoy! Bingi! Bingi!" Masakit na tukso ng mga ito.

"Ay aba!" Nilingon ni Naomi si Hope na malapit nang umiyak saka bumaling sa grupo na walang pakundangang kumukutya sa kapatid niya.

Ang lakas ng loob ng mga itong awayin si Hope na nasa tabi pa niya!

Bumaba siya ng bisikleta. "HUY!!"

Natigilan ang mga ito at napatingin sa kaniya.

"Bakit ninyo inaaway kapatid ko!" Nirolyo pa niya ang manggas ng uniform niya. "Suntukan nalang, ano?"

Takot na takot si Hope na hinila ang damit ng kapatid.

"Ano?!" Hamon niya sa mga ito. "Dali!!" Wala siyang kinikilalang edad basta kapatid na niya ang inaagrabyado.

"PANGIT!" sigaw ng isang bata.

"MAMA MO MUKHANG PALAKA!" Ngumisi siya. Siya pa talaga ang hinamon sa larong ito? Ang dami na kaya niyang pinauwing luhaan.

"MAMA MO WALANG BUHOK!" sigaw naman ng isang kasamahan ng mga ito.

"HA!" Nameywang siya. "MAMA MO WALANG NGIPIN TULAD MO! BUNGI!"

Yumuko ang batang lalake na parang iiyak na.

'Akala niyo 'ha!' "Ano? Sugod pa kayo? Ulitin niyo ang panggugulo sa kapatid ko! Guguntingin ko suso ng mga nanay ninyo at ididikit ko sa mga pasmado ninyong bibig!!!"

Pero nagimbal siya nang may isa na pumulot ng malaking bato. Mabilis niyang niyakap si Hope para protektahan ito sabay pikit ng mga mata para ihanda ang sarili sa pagtama ng bato.

"Something's wrong here?"

Napadilat siya at nilingon ang may-ari ng pamilyar na boses. Nakita niyang nakangiti si Hunter na nakatingin sa kanila habang sina Austin at Chad naman ang namamato ng maliliit na bato sa mga tumatakbong papalayo na mga bata.

"H-Hunter?" sambit niya sa pangalan nito.

"You both okay?" pangungumusta nito.

Tumango naman si Hope.

"Eherm!" singit ni Austin na pumagitna at inilahad ang kamay kay Hope. "Hi, I'm Austin... your knight in shining armor." Sabay kindat.

Hope giggles and is about to accept Austin's hand when Naomi slaps the guy's hand away. "Umayos ka!"

"Aray! Naomi naman!" Sinapo ni Austin ang namumulang kamay.

"Astig mo kanina, Sandoval, a." Tawang-tawa si Chad. "Galing mo sa larong ANG MAMA MO. Ang sakit!"

"H-Huh? N-Narinig niyo 'yon?" Agad lumipad ang tingin ni Naomi kay Hunter na halatang pinipigilan ang pagtawa. "N-Narinig mo?"

He nodded. His eyes slits with amusement.

'O, Lupa. Lamunin mo ako ngayon din!' Yumuko siya para ikubli ang mukha sa binata.

Malapad naman ang ngiti ni Hope sa nakitang reaksiyon ng ate nitong mabilis namula tulad ng kamatis dala ng hiya.

"B-Bwesit!" Dali-daling sumakay si Naomi sa bisikleta at mabilis na nag-pedal papalayo.

Natatawa naman si Hope na yumakap sa likod ng kapatid.

"Bye!" sigaw ni Austin kay Hope.

Hope angelically smiles as she waves her hand to their three saviors.

"Ah! Ang puso ko, Chad! Ang puso ko!" OA na sinapo ni Austin sa dibdib nito. "Ang tamis ng ngiti niya sa akin!"

"Loko!" sikmat ni Chad sabay sapak. "Sa ating tatlo siya ngumiti!"

Napailing na lang si Hunter at tumawa nang maalala ang ayos ni Naomi kanina na nakapameywang na hinarap ang mga bata. 'Di talaga nito uurungan ang pang-aalaska ng mga bata sa kapatid nito.

"Sana gano'n din ngumiti si Naomi, 'no?" ani Austin nang magpatuloy na sila sa paglalakad. "Ang ganda ng kapatid niya 'ah. Medyo hawig pa naman sila ni Naomi."

"Naomi's pretty." He intercepted.

Napalingon ang dalawa sa kaniya.

Tumaas ang isang kilay ni Chad. "Kay Zaina, hindi. Kay Naomi, oo? Iba ka rin, ano?"

"You just didn't see Naomi's smile."

Napasinghap) si Austin. "Ohooooy~ At kelan siya ngumiti? Noon bang nakulong kayo sa third cubicle. Haaaaa?"

Napailing na lang si Hunter sa takbo ng utak ng kaibigan. "Secret."

Matapos iparada ang bisikleta sa garahe, hinarap ni Naomi ang kapatid. "At gusto mo pang magtrabaho? 'Eh halos umiyak ka na kanina no'ng inaway ka ng mga bata. Paano 'pag mga may edad na ang kaharap mo? Iba-iba ang tao, Hope. Hindi lahat tulad ko—"

Hope sign language: 'Crush mo 'yung Hunter, ate?'

"Ha?!!" Napahiyaw siya sa gulat dahil sa tinuran. "At kelan ka natuto sa mga makamundong mga bagay na 'yan 'ha?" Pagak siyang tumawa sabay ginulo ang buhok ng bunso. "Classmate ko lang siya. Okay? Tara na sa loob—"

'Di na niya natapos ang sasabihin nang lumabas ang ama niyang nakayapak lang habang lumilipad naman papalabas ang mga upuan, mga damit, at mga plato.

"Lumayas ka!"

Hinarap ni Greg ang pintuan. "Para lang nakalimutan kong i-flush ang dumi ko sa banyo, papalayasin mo na kaagad ako?!"

"Natural!" sigaw ni Lumen na nakapameywang. "Ilang ulit mo na 'tong ginawa, Greg! Letse ka, ang baho ng tae mo! Bakit ba kita pinakasalan, animal ka!"

Hope turns to her: 'Nag-aaway sila ate?'

"Naglalaro lang ng 'Sino'ng-Unang-Makasalo-Ng-Kutsilyo," aniya at hinila na lang ang kapatid papunta sa likod ng bahay para doon na lang dadaan papasok.

Inside her bedroom that night, Naomi was biting her nails as she surfed the internet for the d******d links of a Korean Drama she's following for months now.

After downloading it for offline viewing, she was about to close the browser when an advertisement popped up. An online shop is having a 50% sale on all items.

"Ow? Talaga?"

Binuksan niya ang site at pinasadahan ng tingin ang mga naka-sale na mga damit, gadget, at kung ano-ano pa.

"Ayos 'to ah..."

Scrolling through items, her finger froze from clicking next when she arrived on the Sports and Equipment Section. May nakita siyang soccer ball. Hindi man katulad sa sinira niya ay naalala pa rin niya ang ginawa sa bola nito.

She also remembered seeing Hunter and his friends borrowing a soccer ball from a P.E. Teacher.

'Paboritong laro 'ata nilang tatlo ang soccer."

NAGULAT si Mrs. Dolor sa kalagitnaan nang pagpapanso ng mga biniling gamit ng isang customer nang hinihingal na dinamba ni Naomi ang counter. Halatang nagbisikleta ito nang mabilis papunta sa convenience store. "M-Magandang gabi, hija. May bibilhin ka—"

"B-Bakante pa po ba-ba ang pagiging part-time c-cashier?"

Tumango ang matandang babae. "O-Oo—"

"Apply po sana ako!" presinta niya.

- CHAPTER III END -

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

Don't forget to vote and add the story in your library!

xoxo, MD.

Related chapters

  • Fortune Cookies   IV: Whatever Will Be, Will Be

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 KINAUMAGAHAN ay tahimik na nilingon ni Naomi ang grupo nila Hunter sa likuran. Maingay ang mga itong nagkukuwentuhan at nagtatawanan kasama ang iilan nilang kaklase. Napabuntong-hininga siya.'Ang mahal pala no'ng bola na sinira ko. 5,200! Tapos, basta-basta ko lang binutas.'Tinitigan niya ang nakangiting si Hunter.'Siya dapat ang magalit ng husto. Hindi ako.' 'At kelan ka pa nakonsensiya?'saad ng utak niya. 'Eh kasi naman, aksidente lang naman talaga ang nangyari.' 'Hindi sinasadya? Nakapag-absent ka nga ng dalawang-araw dahil lumubo mukha mo.'Pamimilit pa ng utak niya. 'Oo nga 'no?' 'Wag kang marupok! Di dahil gwapo siya, bibigay ka na!' 'Gwapo?' 'Eyses~ deny ka pa. Lakas nga nang tibok ng puso kapag malapit siya, e!' Naalala niya ang s-ina-ign language ni Hope no'ng isang gabi:&nb

    Last Updated : 2021-03-24
  • Fortune Cookies   V: Wo Ai Ni

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 HINDI MAGKAMAYAW ANG mga estuyanteng sa hallway sa panunukso kay Naomi nang dumaan sila sa hallway. Nakagapos ang mga kamay niya ng pulang lubid na ang dulo'y hila-hila ng isang Kupido. Ang isang kasamahan naman nito'y nakasunod sa kaniya – nagbabantay sakaling tumakas siya. Parang may krimen naman siyang ginawa kung makagapos at makabantay ang mga 'to. "Uyyyyy~ Wedding Booth 'to si girl for sure!" "Kainggit! Bakit hindi pa ako dinadampot?" "Sure na ba? Sure na bang walang gumasto sa akin para sa Dating Booth?" "Sino kaya groom niya?"

    Last Updated : 2021-03-26
  • Fortune Cookies   EPILOGUE

    10 Years Later “Ah! Ang sakit sa balakang!” Napahawak sa balakang si Cynthia matapos pulutan ang mga nagkalat na mga lapis at papel sa sahig ng classroom. “Mind over matter. Mind over matter.” Ngumisi si Naomi na nilapag ang plastic box na may mga laruan sa lamesa. “Huwag mo masyadong isipin at tiyak hindi mo mararamdaman.” “Twenty-six pa lang ako pero feel ko sixty years na ako.” She smiled as she arranged the Brailled storybooks for her visually impaired students. “Ahhh… hindi ka maka-relate kasi baby face ka.” “Ewan ko sa’yo.” Natatawang nilingon niya ang mga estudyante niya nang hapong iyon na mga hearing-impaired. She motioned with her hands,

    Last Updated : 2021-11-04
  • Fortune Cookies   I: The Uncanny Encounter

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 "AH, gano'n!Ngayon kasalanan ko na naman kung bakit tayo naputulan ng kuryente? Kung di ka sana nag-walwal kahapon at kompletong dini-declare 'yang sahod mo sa 'kin, 'di sana'y nakakapanood na tayo ng pang-umagang balita! Aba! Gregorio, hanggang kailan mo ba balak maging ganiyan?" Nababagot na dinilat ni Naomi ang mga mata. Di pa nga nagsisimula ang araw ay pagod na siyang bumangon sa kaniyang kama. Nilingon niya ang pintuan kung saan dinig na dinig niya ang pagdadabog ng ina sa kusina. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nakasanayan na kasi niyang maging alarm clock ang maaga at malakas na pagtatalak ng kaniyang ina. Nilingon niya ang sariling repliksyon sa

    Last Updated : 2021-03-19
  • Fortune Cookies   II: When It Hits Just Right

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Nakayukong pumasok si Naomi sa maingay nilang classroom at umupo sa upuang kaharap mismo ang lamesa ng guro nila. Noon pa may doon na talaga ang puwesto niya. Para sa kaniya, maganda ang posisyong iyon dahil dinig na dinig niya ang turo ng guro at walang nagtatangkang kausapin siya. Isa pa hindi siya madi-distract sa mga pinaggagawa ng mga kaklase niya sa likod. Nilabas niya ang notebook at ballpen. Malapit nang matapos ang school year pero hindi pa niya memoryado lahat ng pangalan ng mga kaklase niya. 'Di na rin siya nag-abala pa. Samantala, kakapasok pa lamang nina Hunter, Chad, at Austin sa classroom.

    Last Updated : 2021-03-20

Latest chapter

  • Fortune Cookies   EPILOGUE

    10 Years Later “Ah! Ang sakit sa balakang!” Napahawak sa balakang si Cynthia matapos pulutan ang mga nagkalat na mga lapis at papel sa sahig ng classroom. “Mind over matter. Mind over matter.” Ngumisi si Naomi na nilapag ang plastic box na may mga laruan sa lamesa. “Huwag mo masyadong isipin at tiyak hindi mo mararamdaman.” “Twenty-six pa lang ako pero feel ko sixty years na ako.” She smiled as she arranged the Brailled storybooks for her visually impaired students. “Ahhh… hindi ka maka-relate kasi baby face ka.” “Ewan ko sa’yo.” Natatawang nilingon niya ang mga estudyante niya nang hapong iyon na mga hearing-impaired. She motioned with her hands,

  • Fortune Cookies   V: Wo Ai Ni

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 HINDI MAGKAMAYAW ANG mga estuyanteng sa hallway sa panunukso kay Naomi nang dumaan sila sa hallway. Nakagapos ang mga kamay niya ng pulang lubid na ang dulo'y hila-hila ng isang Kupido. Ang isang kasamahan naman nito'y nakasunod sa kaniya – nagbabantay sakaling tumakas siya. Parang may krimen naman siyang ginawa kung makagapos at makabantay ang mga 'to. "Uyyyyy~ Wedding Booth 'to si girl for sure!" "Kainggit! Bakit hindi pa ako dinadampot?" "Sure na ba? Sure na bang walang gumasto sa akin para sa Dating Booth?" "Sino kaya groom niya?"

  • Fortune Cookies   IV: Whatever Will Be, Will Be

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 KINAUMAGAHAN ay tahimik na nilingon ni Naomi ang grupo nila Hunter sa likuran. Maingay ang mga itong nagkukuwentuhan at nagtatawanan kasama ang iilan nilang kaklase. Napabuntong-hininga siya.'Ang mahal pala no'ng bola na sinira ko. 5,200! Tapos, basta-basta ko lang binutas.'Tinitigan niya ang nakangiting si Hunter.'Siya dapat ang magalit ng husto. Hindi ako.' 'At kelan ka pa nakonsensiya?'saad ng utak niya. 'Eh kasi naman, aksidente lang naman talaga ang nangyari.' 'Hindi sinasadya? Nakapag-absent ka nga ng dalawang-araw dahil lumubo mukha mo.'Pamimilit pa ng utak niya. 'Oo nga 'no?' 'Wag kang marupok! Di dahil gwapo siya, bibigay ka na!' 'Gwapo?' 'Eyses~ deny ka pa. Lakas nga nang tibok ng puso kapag malapit siya, e!' Naalala niya ang s-ina-ign language ni Hope no'ng isang gabi:&nb

  • Fortune Cookies   III: That Strange Feeling

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Agad umalsa ang inis sa dibdib ni Naomi nang makita ang chinitong kaklase"Ano'ng ginagawa mo rito?"Lumabas siya. Napa-sign of the cross si Lumen sa kapangahasan ng anak na lumabas na ganoon ang itsura."Diyos ko, Naomi!"Mabilis nitong hinubad ang apron na suot at pinulupot sa beywang ng anak para takpan ang ibabang bahagi nito. Siya ang natatakot sa kinabukasan ng anak kung ganito ito humarap sa mga tao."Naomi... nako!!! Mahiya ka!" Pero ito pinansin ni Naomi. Hinawi pa niya ang apron at naglakad papalapit sa gate. "Naomi! Hoy!"Paimpit na dabog ni Lumen sa may pintuan at nahila nito ang buhok pataas sa inis.&

  • Fortune Cookies   II: When It Hits Just Right

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Nakayukong pumasok si Naomi sa maingay nilang classroom at umupo sa upuang kaharap mismo ang lamesa ng guro nila. Noon pa may doon na talaga ang puwesto niya. Para sa kaniya, maganda ang posisyong iyon dahil dinig na dinig niya ang turo ng guro at walang nagtatangkang kausapin siya. Isa pa hindi siya madi-distract sa mga pinaggagawa ng mga kaklase niya sa likod. Nilabas niya ang notebook at ballpen. Malapit nang matapos ang school year pero hindi pa niya memoryado lahat ng pangalan ng mga kaklase niya. 'Di na rin siya nag-abala pa. Samantala, kakapasok pa lamang nina Hunter, Chad, at Austin sa classroom.

  • Fortune Cookies   I: The Uncanny Encounter

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 "AH, gano'n!Ngayon kasalanan ko na naman kung bakit tayo naputulan ng kuryente? Kung di ka sana nag-walwal kahapon at kompletong dini-declare 'yang sahod mo sa 'kin, 'di sana'y nakakapanood na tayo ng pang-umagang balita! Aba! Gregorio, hanggang kailan mo ba balak maging ganiyan?" Nababagot na dinilat ni Naomi ang mga mata. Di pa nga nagsisimula ang araw ay pagod na siyang bumangon sa kaniyang kama. Nilingon niya ang pintuan kung saan dinig na dinig niya ang pagdadabog ng ina sa kusina. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nakasanayan na kasi niyang maging alarm clock ang maaga at malakas na pagtatalak ng kaniyang ina. Nilingon niya ang sariling repliksyon sa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status