Home / All / Fortune Cookies / II: When It Hits Just Right

Share

II: When It Hits Just Right

Author: Marple Dame
last update Last Updated: 2021-03-20 18:00:49

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

Nakayukong pumasok si Naomi sa maingay nilang classroom at umupo sa upuang kaharap mismo ang lamesa ng guro nila.

Noon pa may doon na talaga ang puwesto niya. Para sa kaniya, maganda ang posisyong iyon dahil dinig na dinig niya ang turo ng guro at walang nagtatangkang kausapin siya.

Isa pa hindi siya madi-distract sa mga pinaggagawa ng mga kaklase niya sa likod.

Nilabas niya ang notebook at ballpen.

Malapit nang matapos ang school year pero hindi pa niya memoryado lahat ng pangalan ng mga kaklase niya. 'Di na rin siya nag-abala pa.

Samantala, kakapasok pa lamang nina Hunter, Chad, at Austin sa classroom.

"Akalain mo 'yun, Hunter..." Siniko ni Chad sa may tagiliran si Hunter. "Si Zaina na talaga lumapit sa'yo!"

Nagtungo ang tatlo sa likod kung saan magkakatabi ang kanilang mga silya.

"So?" Isinabit ni Hunter ang bag nito niya sa sandalan ng upuan niya at umupo.

"Anong 'so'?" Umupo si Austin sa arm rest ng upuan ni Hunter.

"It's Zaina, 'tol. Ang pinakamagandang babae sa school natin!"

"Oo, maganda siya..." Kinamot ni Hunter ang noo. "Ibig kong sabihin... kahit anong pilit niyo sa 'kin, 'di ako sasali sa power-trip niyong i-devirginized ang mga sarili." Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at binuksan ang isang mobile game.

"Bakla 'ata 'to, 'no?" Baling ni Chad kay Austin.

"Nananayo balahibo namin sa 'yo, Hunter," ani Austin. "Baka kasi... isa sa amin ni Chad ang trip mo?"

Nakakalokong ngumisi siya sa dalawang kaibigan. "Actually..."

"Pakyu!!!" Tumatawang pinagsisipa ng mga ito ang silya niya.

"Ang iingay ng mga anak ni Satanas!!!" Inihambalos ng teacher nilang si Madame Sarah ang class record nito sa pinto para patahimikin sila. "Upo na, upo!"

Hunter, Chad, and Austin occupied three chairs on the last row.

While their teacher is writing on the blackboard, Hunter can't help but notice the messy hair of the girl sitting on the first chair of the column he belonged to. 'Huh? May nakaupo pala riyan?'

Dahil nakatalikod ang babae, tanging ballpen lang nito na may sticker ng PowerPuff Girls ang nakikita niya. Binalingan niya ang katabi sa kanan. "Chad..."

"Oh?" Nakatutok ang mga mata nito sa hawak na cellphone.

"Sino 'yang babaeng nakaupo sa harapan ng mesa ni Ms. Sarah?" Inginuso niya ang direksyon sa harap.

"Huh?" Nag-angat ito ng tingin at tiningnan ang tinuran niya. "Ah... si Sandoval?"

"Sandoval?" Nagtatakang nilingon niya kaibigan. "We have a classmate with that surname?"

"Wag ka nang magtaka." Niyuko uli nito ang gadget. "Para siyang multo kasi. 'Di mo mararamdaman ang presensiya niya kung 'di siya mismo ang magpaparamdam. Ewan ko... she's weird."

He looked at the back of the girl whose hair is a messy ponytail. She is currently scribbling notes. "Ohhh... I see."

"Ganiyan talaga 'yan. Ayaw rin kasi niyang makipaghalubilo sa iba kaya walang kumakausap sa kaniya. Nagka-interes ka 'ata?"

Umiling si Hunter. "Hindi naman. Nagtaka lang ako na may kaklase tayong hindi ko kilala." Natatawa niyang sambit.

"Kita mo na!" Napangiti si Chad. "Kahit nga ikaw 'di mo siya naramdaman. Ako, kilala ko siya kasi nagka-partner kami noon sa project no'ng Grade 2. Magaling siyang magpanggap na parang nag wala siya rito kasama natin."

"That's a talent for sure—"

"Lin, Montemayor!!!" sigaw ni Ms. Sarah na nagpatalon kay Hunter at Chad sa mga upuan nila. "Pwede bang mag-join sa Group Chat ninyo diyan sa likod?"

Inikot nalang ni Naomi ang mata pataas. 'Tch. Wala bang araw na mapayapa lang ang klase namin?'

"Austin Villegas left the Group Chat, Madame!" To therescue namang sumingit si Austin. Nagsitawanan ang buong klase.

"Salamat sa paghatid nitong assignments, Naomi. Maasahan talaga kita." puri ni Ms. Sarah sa kaniya matapos ihatid ang mga notebook nila sa faculty room Dahil siya ang nasa harap, siya halos ang tumatanggap sa 'please pass your assignments in front.'

Wala rin naman siyang gagawin ngayong lunch break. Nakasanayan na kasi niyang kaininin ang pananghalian sa recess para sa lunch break, matutulog nalang siya sa Laboratory Room kasama ang mga mannequin roon na kita ang mga laman loob.

"Walang anuman po." Bumibigat na ang talukap ng mga mata niya. Gusto na niyang magpahinga.

"Ah! Teka, Naomi!" tawag uli sa kaniya ng guro. "Huli na 'to. Pakihatid naman nitong class record sa Section Mars, o. Need kasi ni Sir Bonjo."

"Sige po." Tinanguan ang guro at tinanggap ang tatlong class record.

On the open school ground, Hunter is kicking his newly bought ball with his knees.

Transferring the ball from his left then to his right knee, the three of them didn't mind the mid-time sun shining brightly above them.

"Pasa mo, Hunter!" sigaw ni Chad sa may di-kalayuan.

"Here it goes!" Using his head, Hunter bounced the ball upward then took a step back. Before the ball hits the ground, using his left foot he sent it flying towards his friend.

Agad namang sinalag ni Chad ang bola gamit ang dibdib at hindi inalintana kung marurumihan ang puting uniporme. Nilalaro na nito ang bola gamit ang tuhod.

Naka-antabay naman si Austin sa kabilang banda na siyang susunod na tatanggap sa bola.

Satisfied with his kick, Hunter smiled as he pulled his cellphone from his pants' pocket. He heard something broke from the inside. Paghablot niya'y nagkapira-piraso ang fortune cookie sa palad niya. He forgot about it.

Kinuha nalang niya ang pirasong papel sa gitna niyon.

He reads it. 'Love will always have its way to reach you'

"Hunter, watch out!!!" Narinig nalang niyang sigaw ni Austin.

Nabitawan niya ang quote na hawak nang makita ang bola matuling umiikot papunta sa kaniya. Instinctively, his right foot moves and with a round-kick., he sent the ball travelling fast towards the school building. "Ow, shit!'

Natigilan silang tatlo nang makarinig ng mga sigaw attili sa building. Nagkatinginan muna sila bago nagsitakbuhan papalapit sapinaggalingan ng sigawan.

NAGHIKAB si Naomi habang naglalakad sa pasilyo dala ang mga class records na ihahatid sa kabilang building. Hindi niya maiwasang titigan ang mga babaeng nakakasalubong na pawang naka-re-touch na ang mga mukha, buhok, at damit samantalang siya, 'di pa nga tapos ang araw, haggard na haggard na.

'Antok na antok na ako.' Mauubos ang oras niya kung dadaan siya sa mismong hallway kaya lumiko siya para maghanap ng shortcut. Lumabas siya ng building at tinahak ang parke kung saan maraming estudyante ang nananghalian sa damuhan.

Humikab siya uli. Wala siyang pakialam kung makita man ang ngalangala niya.

Habang naglalakad, may naramdaman siyang tumatama sa kaniyang hita niya mula sa bulsa niya. Dumukot siya sa bulsa at nilabas ang buo pang fortune cookie. 

"Himala. Buo pa."

Hindi siya hilig sa mga ganito pero wala namang mawawala kung babasahin niya ang quote sa loob. Habang naglalakad ay kinagat niya ang cookie. Napahinto siya nang kasali pala niyang nakain ang papel. "Ay, hala." Hinila niya ito sa loob ng bibig at inaninag ang nakasulat doon. "Hmm... 'Love favors the brave. Don't run away from it.' Love? Run away from it? Nanghahabol na pala ang pag-ibig ngayon?"

Nagulat siya nang biglang nagsitilian ang mga tao sa paligid niya at bago pa niya malaman kung ano ang nangyari ay biglang nang dumilim at umikot ng ilang segundo ang paningin niya nang may matigas na bagay ang malakas na sumapak sa kaniyang pisngi.

Hindi siya kaagad nakahuma sa bilis nang pangyayari. Dumaan ang ilang segundo bago niya naramdaman ang matinding sakit.

"ARAY!" Napahiyaw siya sa sakit at napalahod na lang na sapo ang pisngi.

"May natamaan ng bola!"

"Miss, okay ka lang?"

"Saan siya natamaan?"

Pinalibutan na siya ng mga estudyanteng nakikiusyoso.

"Nako! Ang lakas no'n!"

"Dumugo ba?"

A soccer ball then rolls towards the hurting Naomi.

"Excuse me!!!" sigaw ng isang boses na humawi sa mga taong nakapaligid sa kaniya. "Excuse me... excuse me."

"Hala!" Suminghap ang isang lalakeng huminto sa harapan niya.

"Patay, si Sandoval..." Ani naman ng isang boses.

Dahil sa sakit ay mabilis na kumulo ang dugo ni Naomi.

Mabilis na kumulo ang dugo ni Naomi nang makita ang bolang tumama sa mukha niya. Pinulot niya ang bola at tumayo, pilit iniinda ang nananakit na pisngi.

Nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang galit. "S-Sino ang m-may-ari ng bolang ito?"

Hunter immediately raised his hand. "That's mine... and I also happen to kick the ball. I'm so sorry! C-Can I bring you the clinic—"

"Clinic?!" galit niyang bulyaw. "Kung basagin ko 'yang mukha mo, magagamot ba sa clinic!!!"

Natahimik ang lahat.

Nilingon ni Naomi ang bakuran ng school ground nila kung nasaan ang mga nagsisitulisan at kinakalawang na steel fences. "Ang bagay sa mga salot na gamit na tulad nito..." Nag-aalburuto ang sarili niyang nagmartsa patungo sa matulis na bakal.

"O-Oy, Naomi!" sigaw ni Chad. "Saan m-mo dadalhin ang bola?"

Huminto siya sa harap ng bakal.

Nanlaki ang mga mata ni Hunter nang mapagtanto kung ano ang gustong gawin ni Naomi sa bagong soccer ball niya. "H-Hey, wait—"

"...ay sinisira!!!" galit na sigaw ni Naomi sabay tinaas ang bola at buong lakas na itinusok iyon sa bakal. Tatlong beses niya itong tinusok-tusok hanggang sa pumutok ito at sumingaw ang hangin palabas.

Masama ang tingin niyang nilingon si Hunter.

Hunter stares back. She looks familiar. 'Wait a minute... she's the girl on the bicycle earlier!'

Napasinghap ang mga estudyanteng nakasaksi sa buong pangyayari.

Hinarap ni Naomi ang mga ito. Sa takot na mapagbuntunan ng galit niya ay nahawi ang mga estudyanteng nakapalibot sa kaniya na parang dagat. Pinulot niya ang mga class records sa lupa.

Tahimik ang lahat at sinundan lang ng tingin ang bawat galaw ni Naomi Ruth Sandoval.

Hunter's mouth is still agape, shocked from how things escalated that... quickly.

Kinuyom ni Naomi ang mga palad nang maglakad papalayo. Nang may nakitang tahimik na lugar ay agad siyang lumiko at doon napaluhod sa lupa, sapo ang pisngi.

Hindi na niya napigilan ang sariling mapaiyak sa sakit – na hindi lang sa pisngi kung 'di sa sariling napahiya sa maraming tao.

Nanatiling nasa kinatatayuan pa rin si Hunter na sinundan ng tingin ang direksyon na tinahak ng babae. The crowd eventually dissipated.

Nanlulumong lumapit si Austin sa bola na parang nalanta na goma. "Tae... ang lakas niya para mabutas ito."

"Grabe naman ang babaeng 'yon. Hindi man lang umabot ang bola natin ng isang araw. " Dinampot iyon ni Chad. "May sa pagkahalimaw talaga 'yong si Sandoval!"

Hunter looked at the deflated ball in Chad's hand. Somehow, he doesn't feel bad about the ball at all. Parang sinisimbolo kasi nito ang pagmamanipula ng mga magulang sa buhay niya. Kaya siguro ganoon na lang kalakas ang mga sipa niya kanina kasi parang doon niya nilalabas ang inis sa ama't ina.

He was just... caught off-guard on Naomi's aggressiveness and anger earlier. 'Di kasi niya akalain na ganoon katapang ang loob nitong ipakita ang emosyon sa harap ng maraming tao.

Pagkapasok na pagkapasok ni Hunter sa classroom kasama si Austin na parang pinaglalamayan ang hawak na flat na bola at si Chad na umiiyak kuno, napahinto siya sa pintuan nang makita si Naomi na nakayupyop sa arm rest nito.

He can saw her cupping her right cheek. He can't tell if she's sleeping or crying.

"Excuse me, Lin." untag sa kaniya ni Sir Isko na nakatayo sa likod niya. Nakaharang pala siya sa daanan.

"S-Sorry po... " He stepped aside and looked at the quiet Naomi again.

Nang magsimula na ang klase'y hindi alintana ni Hunter ang nagpalakad-lakad na guro nila sa harapan habang nagtuturo. Panay kasi ang silip niya sa babaeng nakaupo sa harap. Since they're in the same row, he can't clearly see her.

Samantala, salubong na ang mga kilay ni Austin sa kawirdohang ginagawa ng kaibigan. He leans on his chair backward and throws a crumpled paper to Chad. Lumingon naman ito sa kaniya. He mouthed: 'Anyare sa kaniya?' sabay turo kay Hunter.

Chad looks at Hunter who is sitting in between them. Nagkibit-balikat ito. 'Hindi ko alam.'

Si Naomi nama'y napapangiwing nagsusulat sa notebook.

Dahil right-handed, hindi masapo-sapo ng dalaga ang kanang pisngi na humahapdi 'pag natatamaan ng hangin mula sa ceiling fan.

Napaluha na lamang ito sa sakit. 'Bwesit 'to! Ang hirap mag-concentrate!'

Nahalata siguro iyon ng guro nilang si Sir Isko. "Sandoval?"

"P-Po?" Tiningala nito ang guro.

"Okay ka lang ba? Humihikbi ka 'ata."

Hunter, on his seat, is on edge. Concerned, he raised his head to look at the girl on the front row.

Tumango lang ang nakayukong si Naomi. "O-Opo— Eh!" Napaigik ito nang sumundot uli ang sakit.

Yumuko si Sir Isko. "Hindi ka— Hala! Ano'ng nangyari riyan sa mukha mo?"

Napatingin na rin may harapan sina Chad at Austin.

Winakli na ng guro nila ang magulong buhok ng dalaga na nakatakip sa mukha nito. "Ba't namamaga 'yang pisngi mo, Sandoval?"

Napahikbi nalang si Naomi.

Tinanguan siya ni Sir Isko. "You are excused, Sandoval. Pumunta ka sa clinic at patingnan 'yan."

"Pero—"

Their teacher looked at her accepting none of her excuses.

Labag sa loob siyang tumayo. Napasinghap ang buong klase nang makita ang mukha ni Naomi na parang durian dahil na rin sa mga tigawat niya.

Nagkatinginan sina Austin at Chad. Hunter balled his fist tightly as he feels a surge of guilt.

"E-Excuse me po," hinging permiso ni Naomi na sapo pa ang pisngi at dahan-dahang naglakad palabas sa classroom.

Nagpatuloy na ang guro sa pagtuturo.

"Sir!" Biglang tumayo si Hunter na ikinalingon ng buong klase rito.

"Oh?"

"May I excuse myself? I need to use the C.R." sigaw niya.

Natatawang nagulat si Sir Isko. "Huh? At kelan ka pa natutong humingi ng permiso para j-um-ingle, Lin?" Umani iyon ng tawanan. "Dala ko ba susi ng C.R.?"

Ngumiti siya at mabilis na sumaludo sa guro tsaka patakbong lumabas.

"Saan pupunta 'yon?" Nagtataka si Chad na sinundan ng tingin si Hunter. "'Di naman doon direksyon ng C.R ah."

"Hayaan mo na," ani ni Austin. "Baka magbubungkal lang ito 'yon ng lupa para ilibing ang bola niya."

"Loko!"

Itinukod ni Naomi ang mga braso sa sink matapos niyang maghilamos.

Tinitigan niya ang repliksyon sa salamin. Pangit na nga siya, pinapangit pa lalo. Gagawin talaga niya ang lahat para mawala ang sakit. Pinilig niya ang ulo para makita ng husto ang pisngi niya. May iilang tigyawat ang dumudugo.

Naghilamos uli siya at bahagyang nakaramdam ng ginhawa dulot ng malamig na tubig.

Nang kapain niya ang bulsa upang kunin sana ang panyo ay napamura na lang siya pa siya na walang nahawakan.

'Tch... sarap nang timing ng mga pangyayari ngayon, a.'

Hindi bale, nakapag-excuse naman siya sa guro nila. Matutulog nalang siya sa clinic. Dasal lang talaga niya mawala na ang hapdi pag gising.

Pinabayaan nalang niya na basa ang mukha nang lumabas sa banyo. Napahinto siya nang makita si Hunter na nakasandal sa isang poste sa hallway na halatang hinihintay siya.

Awtomatikong umismid si Naomi at lumiko para iwasan ito.

"Hey." Hinawakan ni Hunter ang braso niya.

"Ano ba!" Iwinaksi ng dalaga ang kamay nito.

Hunter then lends a blue pack. "Here. Ice-pack."

Nakakunot pa rin ang noo niyang niyuko ang hawak nito.

"Please... take it." Hunter gently pushed it towards her. "It could at least lessen the pain—"

"Paki mo?" Pataray niyang bara rito.

"Look..." Exasperated, Hunter sighed. "I'm sorry... I am really, really, truly sorry..."

Matalim na tingin ang isinalubong ni Naomi sa chinitong mga mata ng binata.

"It was my fault. I admit it. B-but it was also an accident. I lose control of my kick and sent the ball flying t-towards you. I swear, I didn't mean it. I mean, no one in the right mind would hurt intentionally—"

"Ihampas mo riyan sa mukha mo ang ice pack para malaman mo gaano kasakit!"

"I could do it!" Mabilis na sagot ni Hunter.

Biglang natameme si Naomi. "H-Huh?"

"Y-You want me to smash this... u-uhh... ice pack on my face? If that would make you feel better—"

"Baliw." Tumalikod na siya pero agad nitong hinarangan ang daan niya. "Ano ba?! Hindi ako nakikipaglaro sa'yo!"

"Neither do I! I just wanted to help—"

"Help?!" She looks up to him with sharp eyes. "Mukha ba akong humihingi ng tulong?"

"That isn't what I meant. I'm just worried—"

"Kaya ko ang sarili ko at 'di ko kailangan ng tulong! Aalis ako sa eskwelahang ito nang walang hininging tulong sa mga tao.... I did a good job on not making my presence known in this school at ang lakas ng loob mong sabihing nag-alala ka sa 'kin. Bakit? No'ng mag-isa ba ako, nahalata mo ako? Hindi, di 'ba? So, huwag kang um-acting diyan na nag-alala ka sa kapakanan ko. Close ba tayo?" Binangga niya ang balikat ni Hunter at dire-diretsong naglakad palayo.

Naiwan namang tigagal si Hunter. "What did she just say?" Niyuko na lang niya ang hawak na ice-pack. 'Gusto ko lang naman bigyan siya ng ice pack, a?'

Bakit biglang hugot na lang no'n?

Still, he needs to make amends. But how?

Then, he remembers their brief encounter earlier that morning.

She has a bicycle!

HINDI pinapansin ni Naomi ang mga tinging pinupukol sa kaniya ng mga estudyante nang lumapit siya sa paradahan ng mga bisikleta. Pagkagising niya mula sa pagpapahinga sa clinic ay mas lalo pa 'atang humapdi ang pisngi niya.

Halos kalahati na ng mukha niya ang namamaga. Hindi na nga matakpan-takpan ng kaniyang buhok.

Niyuko niya ang bisikleta para tanggalin ang kadenang nakakabit sa gulong. Tatayo na sana siya nang may tumama sa ulo niya. "Anong—" Pagtingala ay may plastic bag na nakasabit sa manibela. "Ano 'to?" Tumayo siya at sinilip ang loob.

Dalawang ice pack. Naalala niya si Hunter.

"Tsk!" Agad siyang nainis. "Gawa ba sa semento ang utak ng lalakeng iyon at 'di makaintindi?" Akmang itatapon niya iyon sa kalapit na hardin nang may mabasang warning sign sa damuhan: KEEP THIS AREA CLEAN AND GREEN.

Labag man sa loob ay ibinaba niya ang kamay. Hindi pa siya na-report sa guidance office at wala siyang planong bumisita roon dahil sa 'di niya lang pagsunod sa 'proper waste management program' ng eskwelahan. Kaya wala siyang magawa kung 'di isabit iyon pabalik sa manibela at nag-pedal palayo.

Hiding behind the hanging bulletin board, a smile immediately forms on Hunter's lips as he saw Naomi cycling away with the ice pack he purposely left on her bicycle. Good thing she didn't throw it. At least, hindi na masyado mabigat ang konsensiya niya sa nangyari.

"Hoy!" panggulat na sigaw ni Chad.

Nilingon niya ang dalawang kaibigan. "What are you doing here?"

"Ikaw dapat tatanungin naman niyan. Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ni Austin.

"H-Huh?" Tumikhim siya. "E-Eherm... w-wala."

Chad being nosy peeked behind him and smiled. "Ay, alam ko sino tinitingnan niya, Austin."

"Sino?" Lumapit si Chad kay Austin nang may itinuro ito. Sabay silang napalingon sa direksyon na tinuran nito.

They saw Zaina and her 'pretty' friends laughing under a tree. Nakatayo ang magandang babae na tuwid na tuwid ang itim nitong buhok na nakalugay sa likod.

Nakakalokong ngiting lumingon sa kaniya si Austin. "Ikaw ha... sabi ko na nga ba't walang makakawala sa kamandag ni Zaina."

Yet, Hunter's eyes are on the girl exiting the school's gate. "Hmm..."

"Crush mo si Zaina, 'tol?" Tanong ni Chad.

Natauhan siya. "H-Huh?"

"May crush ka ba sa kaniya." Ulit nito.

"Nino?"

"Yung totoo...." Tinitigan siya ni Austin. "Ikaw ba ang natamaan ng bola? Okay lang ba ulo mo?"

Hunter jokingly answered. "Saang ulo tinutukoy mo?"

"Bastos ka!!!" asik sabay sapak nina Chad atAustin sa kaniya.

Napasinghap si Hope nang makita ang ate niya. Dali-dali niyang sinukbit ang bag sa likod at lumapit rito. She gestured, 'Ate? Ano ang nangyari sa mukha mo?'

"Nagpabunot ako ng ngipin." Kinuha ni Naomi ang bag ng kapatid at sinukbit sa manibela ng bisikleta.

Nag-mosyon uli si Hope. 'Sure ka?'

Napabuntong-hininga nalang ang dalaga at ginulo ang buhok ng bunsong kapatid. "Sumakay ka na para magamot ko na 'to." Agad namang tumalima ito at umupo sa likurang upuan.

Pagdating sa bahay ay hindi naman nakatulong ang ina sa pagpapagaan ng kalooban niya.

"Anak ng— mukha pa ba 'yan?" Nahinto si Lumen sa pagtutupi ng mga damit sa sala nang nagmano ang dalawang dalaga.

Nirolyo nalang ni Naomi ang mga mata. "Salamat ma, ha?" sarkastiko niyang ngiti.

Tumayo ito at maingat na sinuri ang mukha niya. "Hope, kunin mo nga ang ice pack sa closet at lagyan mo ng mga yelo"

Tinaas ni Naomi ang plastic bag na may ice pack. "Meron na ako rito."

Nang sumapit ang gabi'y may bendang nang nakapulupot sa gilid ng mukha niya para hindi gumalaw ang ice-pack na nakadikit sa namumulang kanang pisngi.

Matapos tulungan si Hope sa mga assignments nito ay pumasok na si Naomi sa kuwarto niya para maghanda sa pagtulog. Nakita niya ang isang ice pack sa may paanan ng kaniyang kama.

'Love favors t-the brave. Don't run away from it.'

Nainis siya nang maalala ang quote sa loob ng fortune ccokie niya. Pinulot niya ang ice-pack at malakas na tinapon iyon sa basurahan.

'Kasalanan 'to ng fortune cookie na, 'yon e!''

Padabog siyang humiga sa kama at tinakpan ang sariling kumot.

THE NEXT morning, standing on the foot of the stairs, Hope looks up to her sister's room.

"Oh, Hope? Ano'ng tinutunganga mo riyan? Kumain ka na ng agahan habang naliligo Ate Naomi mo," ani ng ina nila na may dalang walis at dustpan.

Hope worriedly gestures: 'Di pa po lumalabas si Ate sa kuwarto niya, Ma.'

"Huh?" Binaba ni Lumen ang binitbit at umakyat sa hagdan. Kinatok nito ang pinto. "Naomi? Hindi ka ba papasok?" Walang sumagot. "Naomi?" Nilingon ni Lumen si Hope. "Hope, kunin mo ang susi sa drawer."

"Ano'ng nangyayari?" usisa ng padre de pamilyang si Gregorio na noo'y may hawak na mug ng kape.

Hope dashed passed by her father and giver her mother the keys.

Nang mabuksan ay nilapitan ni Lumen ang anak na nakatalukbo pa sa kumot. "Hoy, Naomi!" Kinalabit nito ang dalaga. "Papapasok ka ba o hindi? Para ang papa mo na lang ang maghahatid kay Hope sa eskwelahan." Nang hindi sumagot si Naomi ay hinila nito ang kumot at napansing nanginginig ang anak. "Naomi?" Dinama nito ang noo ni Naomi. "Gregorio!!!"

Takot na takot na lumapit si Hope sa kama ng ate niya.

When Hunter enters the classroom that morning, his eyes automatically searched the seat in front of the teacher's table.

It was empty.

'Di siya papasok?'

The morning session ends with no sign of Naomi. Hunter observes his classmates. No one seems to notice she was absent. Tinapon niya ang takip ng ballpen kay Austin. "Psst!"

Lumingon ito sa kaniya. "Hmm?"

"Absent si Sandoval?"

"Si Naomi?" Tumingin sa harap si Austin. "Siguro? Ewan." Parang hindi rin nito nahalata na wala ang dalaga.

Siya lang ba ang aware sa presensiya ni Naomi?

Nakaupo si Naomi sa harap ng dermatologist na siyang sumuri sa mukha niya.

"She experienced fever due to the infection of her wounds in the face. At ang ibig kong sabihin sa sugat ay 'yong mga pimples na nag-pop dahil sa pagtama ng bola sa mukha niya. It could be infected by the dirt or bacteria from the ball." The female doctor's fingers feel her red, puffy cheek. "Our skin is flexible. Naturally, kung natamaan siya ng bola, pupula lang ang balat... but as you can see, parang nangangamatis ang surface ng cheek niya. It's because her pimples are irritated by the foreign object entering the open wound."

"Doc, tanong ko lang... gaano po katagal mawala ang tigyawat niya?" tanong ng ina niya.

Tumaas ang isang kilay ni Naomi. "Wow 'Ma, sorry ha, pinanganak niyo akong pangit."

Pinalo siya ng ina sa ulo. "Tumigil ka nga! Ano? Gusto mo bang hanggang uugod-uugod ka, may bukid-bukid 'yang sa mukha mo?"

Umismid siya. "Patay ka na no'n kaya 'di mo na makikita mukha ko. Advance ka mag-isip masyado, Ma."

Tumawa ang doktora sa sagutan ng mag-iina. "Well, Naomi here both has acne and pimple. Pimples are from the dirt built up on her skin, kasali na riyan ang natural oils ng mukha natin. Tsaka acne, ito 'yong natural na nangyayari lalo na sa mga nagdadalaga. I suggest you start taking care of yourself, Naomi. You're growing up into a woman."

Nag-iwas siya ng tingin.

"I'll recommend a neutral face wash muna para hindi lalo ma-irritate ang mga tigyawat mo. Tsaka, 'wag ka muna lumabas ng bahay nang dalawang araw. Let your wounds dry. Also, refrain from touching your face."

Galing. Hindi lang pala pamamaga ng pisngi ang dulot ng fortune cookie na iyon. Napurwesiyo rin pag-aaral niya.

Napangiwi na lang si Naomi sa inis.

HUNTER stopped by the doorway upon seeing Naomi's vacant chair again. It's been two days already.

'Did something happen to her?'

Just like the previous days, their classmates aren't bothered nor noticed her missing presence.

His worry grows deeper every single hour thinking morbid ideas like, did she commit suicide because of her hideous face?

"Damn..." Ginulo niya ang buhok habang nakayuko sa exam paper na sinasagutan.

When the bell rings that afternoon, signaling the end of the day, Hunter immediately excuses himself from his friends. "Hey, I'll meet you at the gate in 10 mins. May gagawin lang ako saglit."

Ngumisi si Chad. "Alam ko, 'tol. Third cubicle sa banyo...."

"Huh?" Naudlot siya sa pagtakbo sana.

"Third cubicle sa banyo. May nagdikit doon na hubad na litrato ni Mia Khalifa." Banggit nito sa pangalan ng isang sikat na pornstar.

"Fuck off!" Natatawang napailing na lang siya. He then stormed off.

"Have a Happy Masturbation!" Pahabol na sigaw ni Austin.

Without looking back, he raises is middle finger.

"Miss Sarah."

Napahinto ang guro sa pagmamarka ng mga test papers. "Lin?"

Pumasok si Hunter sa teacher's office at hinihingal na ngumiti. "Good afternoon po. M-May itatanong lang po sana ako."

"You're here about your grades?"

"Ah, h-hindi po! Hindi po." Napakamot siya sa noo. "How should I s-say this... uhhh... d-do you happen to know Naomi Sandoval's address?"

"Si Naomi? Teka, kukunin ko lang mga school forms ninyo." Hinarap nito ang computer at may binuksang iilang folder. Ilang segundo lang ay hinarap siya nito. "Bakit mo pala naitanong?"

"J-Just... uhh... someone's asking. Sa akin lang niya inutos k-kasi andito pa ako sa school building," pagsisinungaling niya.

"That's odd." Sumandal ito sa kinauupuan at ngumiti. "You're the first person to ask anything about Naomi."

Unti-unting nabura ang ngiti sa labi ng binatang chinito. Should he feel happy... or sad? "Ow..."

"Here." Nilahad ni Ms. Sarah ang isang sticky-note.

Nagpasalamat si Hunter at tatalikod na sana nang maynaalala. "I almost forgot. I also have..." Hinarap uli niya ang guro."...another favor."

MAY ISANG basong ice cream nanakaipit sa gitna ng hita ni Naomi habang nanonood ng K-Drama sa laptop niya."Tsk! Tagal naman mabuking ng kontrabida!" Nakaupo siya sa kamaniya't 'di alintana na halos buong araw siyang nakakulong doon. Susubo na sanauli siya ng chocolate flavored ice cream nang narinig niyang may nag-doorbell.Ilang minuto'y tinawag na siya ng ina para bumaba.

"Andiyan na!" sigaw ni Lumen nang marinig na may nag-doorbell.

Pinahid nito ang kamay na nangangamoy isda sa suot na apron. Binuksan nito ang pinto. "Sino sila—" Natigilan ang ginang nang may makitang guwapong binatilyo sa may gate. Nakasuot ito ng school uniform ng pinapasukang paaralan ni Naomi.

"N-Naomi! Naomi!" Nilingon niya ang direksyon ng kuwarto ng anak. "Naomi!"

"Ito na!" sagot ng anak. "Bakit ba? Na-realize mo na rin sa wakas na kawawa ako kaya bibilhan mo ako ng maraming ice cream?" Huminto ito sa kalagitnaan ng hagdan. "Po, Ma?"

Nasapo na lang ni Lumen ang noo sa hitsura nito. "Utang na loob, Naomi! Ayusin mo nga sarili mo! May bisita ka!"

May bakas pa ng ice cream sa mukha nito at ang magulo ang buhok na basta-basta lang pinusod. Idagdag pa ang maikling short na bakat na halos ang pekpek nito. "Bisita?" Nagsalubong ang kilay ni Naomi. "Sino?"

Halos mahimatay si Lumen nang bumaba talaga ang anak sa kabila nang histura nito.

Nanaig ang kuryosidad ni Naomi dahil ni minsan ay walang naghahanap sa kaniya na bisita. Tumabi ang dalaga sa ina. "Sinong bis—"

"Hi, Naomi!" masiglang bati ni Hunter.

Nanlaki ang mata niya. "I-Ikaw?"

Hunter raised two notebooks. "I'm here to let youborrow my notes and assignments as well. How are you?" His eyesdisappeared as it turns into upwards slits when he smiles.

- CHAPTER II END -

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

Don't forget to vote and add the story in your library!

xoxo, MD.

Related chapters

  • Fortune Cookies   III: That Strange Feeling

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Agad umalsa ang inis sa dibdib ni Naomi nang makita ang chinitong kaklase"Ano'ng ginagawa mo rito?"Lumabas siya. Napa-sign of the cross si Lumen sa kapangahasan ng anak na lumabas na ganoon ang itsura."Diyos ko, Naomi!"Mabilis nitong hinubad ang apron na suot at pinulupot sa beywang ng anak para takpan ang ibabang bahagi nito. Siya ang natatakot sa kinabukasan ng anak kung ganito ito humarap sa mga tao."Naomi... nako!!! Mahiya ka!" Pero ito pinansin ni Naomi. Hinawi pa niya ang apron at naglakad papalapit sa gate. "Naomi! Hoy!"Paimpit na dabog ni Lumen sa may pintuan at nahila nito ang buhok pataas sa inis.&

    Last Updated : 2021-03-23
  • Fortune Cookies   IV: Whatever Will Be, Will Be

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 KINAUMAGAHAN ay tahimik na nilingon ni Naomi ang grupo nila Hunter sa likuran. Maingay ang mga itong nagkukuwentuhan at nagtatawanan kasama ang iilan nilang kaklase. Napabuntong-hininga siya.'Ang mahal pala no'ng bola na sinira ko. 5,200! Tapos, basta-basta ko lang binutas.'Tinitigan niya ang nakangiting si Hunter.'Siya dapat ang magalit ng husto. Hindi ako.' 'At kelan ka pa nakonsensiya?'saad ng utak niya. 'Eh kasi naman, aksidente lang naman talaga ang nangyari.' 'Hindi sinasadya? Nakapag-absent ka nga ng dalawang-araw dahil lumubo mukha mo.'Pamimilit pa ng utak niya. 'Oo nga 'no?' 'Wag kang marupok! Di dahil gwapo siya, bibigay ka na!' 'Gwapo?' 'Eyses~ deny ka pa. Lakas nga nang tibok ng puso kapag malapit siya, e!' Naalala niya ang s-ina-ign language ni Hope no'ng isang gabi:&nb

    Last Updated : 2021-03-24
  • Fortune Cookies   V: Wo Ai Ni

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 HINDI MAGKAMAYAW ANG mga estuyanteng sa hallway sa panunukso kay Naomi nang dumaan sila sa hallway. Nakagapos ang mga kamay niya ng pulang lubid na ang dulo'y hila-hila ng isang Kupido. Ang isang kasamahan naman nito'y nakasunod sa kaniya – nagbabantay sakaling tumakas siya. Parang may krimen naman siyang ginawa kung makagapos at makabantay ang mga 'to. "Uyyyyy~ Wedding Booth 'to si girl for sure!" "Kainggit! Bakit hindi pa ako dinadampot?" "Sure na ba? Sure na bang walang gumasto sa akin para sa Dating Booth?" "Sino kaya groom niya?"

    Last Updated : 2021-03-26
  • Fortune Cookies   EPILOGUE

    10 Years Later “Ah! Ang sakit sa balakang!” Napahawak sa balakang si Cynthia matapos pulutan ang mga nagkalat na mga lapis at papel sa sahig ng classroom. “Mind over matter. Mind over matter.” Ngumisi si Naomi na nilapag ang plastic box na may mga laruan sa lamesa. “Huwag mo masyadong isipin at tiyak hindi mo mararamdaman.” “Twenty-six pa lang ako pero feel ko sixty years na ako.” She smiled as she arranged the Brailled storybooks for her visually impaired students. “Ahhh… hindi ka maka-relate kasi baby face ka.” “Ewan ko sa’yo.” Natatawang nilingon niya ang mga estudyante niya nang hapong iyon na mga hearing-impaired. She motioned with her hands,

    Last Updated : 2021-11-04
  • Fortune Cookies   I: The Uncanny Encounter

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 "AH, gano'n!Ngayon kasalanan ko na naman kung bakit tayo naputulan ng kuryente? Kung di ka sana nag-walwal kahapon at kompletong dini-declare 'yang sahod mo sa 'kin, 'di sana'y nakakapanood na tayo ng pang-umagang balita! Aba! Gregorio, hanggang kailan mo ba balak maging ganiyan?" Nababagot na dinilat ni Naomi ang mga mata. Di pa nga nagsisimula ang araw ay pagod na siyang bumangon sa kaniyang kama. Nilingon niya ang pintuan kung saan dinig na dinig niya ang pagdadabog ng ina sa kusina. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nakasanayan na kasi niyang maging alarm clock ang maaga at malakas na pagtatalak ng kaniyang ina. Nilingon niya ang sariling repliksyon sa

    Last Updated : 2021-03-19

Latest chapter

  • Fortune Cookies   EPILOGUE

    10 Years Later “Ah! Ang sakit sa balakang!” Napahawak sa balakang si Cynthia matapos pulutan ang mga nagkalat na mga lapis at papel sa sahig ng classroom. “Mind over matter. Mind over matter.” Ngumisi si Naomi na nilapag ang plastic box na may mga laruan sa lamesa. “Huwag mo masyadong isipin at tiyak hindi mo mararamdaman.” “Twenty-six pa lang ako pero feel ko sixty years na ako.” She smiled as she arranged the Brailled storybooks for her visually impaired students. “Ahhh… hindi ka maka-relate kasi baby face ka.” “Ewan ko sa’yo.” Natatawang nilingon niya ang mga estudyante niya nang hapong iyon na mga hearing-impaired. She motioned with her hands,

  • Fortune Cookies   V: Wo Ai Ni

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 HINDI MAGKAMAYAW ANG mga estuyanteng sa hallway sa panunukso kay Naomi nang dumaan sila sa hallway. Nakagapos ang mga kamay niya ng pulang lubid na ang dulo'y hila-hila ng isang Kupido. Ang isang kasamahan naman nito'y nakasunod sa kaniya – nagbabantay sakaling tumakas siya. Parang may krimen naman siyang ginawa kung makagapos at makabantay ang mga 'to. "Uyyyyy~ Wedding Booth 'to si girl for sure!" "Kainggit! Bakit hindi pa ako dinadampot?" "Sure na ba? Sure na bang walang gumasto sa akin para sa Dating Booth?" "Sino kaya groom niya?"

  • Fortune Cookies   IV: Whatever Will Be, Will Be

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 KINAUMAGAHAN ay tahimik na nilingon ni Naomi ang grupo nila Hunter sa likuran. Maingay ang mga itong nagkukuwentuhan at nagtatawanan kasama ang iilan nilang kaklase. Napabuntong-hininga siya.'Ang mahal pala no'ng bola na sinira ko. 5,200! Tapos, basta-basta ko lang binutas.'Tinitigan niya ang nakangiting si Hunter.'Siya dapat ang magalit ng husto. Hindi ako.' 'At kelan ka pa nakonsensiya?'saad ng utak niya. 'Eh kasi naman, aksidente lang naman talaga ang nangyari.' 'Hindi sinasadya? Nakapag-absent ka nga ng dalawang-araw dahil lumubo mukha mo.'Pamimilit pa ng utak niya. 'Oo nga 'no?' 'Wag kang marupok! Di dahil gwapo siya, bibigay ka na!' 'Gwapo?' 'Eyses~ deny ka pa. Lakas nga nang tibok ng puso kapag malapit siya, e!' Naalala niya ang s-ina-ign language ni Hope no'ng isang gabi:&nb

  • Fortune Cookies   III: That Strange Feeling

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Agad umalsa ang inis sa dibdib ni Naomi nang makita ang chinitong kaklase"Ano'ng ginagawa mo rito?"Lumabas siya. Napa-sign of the cross si Lumen sa kapangahasan ng anak na lumabas na ganoon ang itsura."Diyos ko, Naomi!"Mabilis nitong hinubad ang apron na suot at pinulupot sa beywang ng anak para takpan ang ibabang bahagi nito. Siya ang natatakot sa kinabukasan ng anak kung ganito ito humarap sa mga tao."Naomi... nako!!! Mahiya ka!" Pero ito pinansin ni Naomi. Hinawi pa niya ang apron at naglakad papalapit sa gate. "Naomi! Hoy!"Paimpit na dabog ni Lumen sa may pintuan at nahila nito ang buhok pataas sa inis.&

  • Fortune Cookies   II: When It Hits Just Right

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 Nakayukong pumasok si Naomi sa maingay nilang classroom at umupo sa upuang kaharap mismo ang lamesa ng guro nila. Noon pa may doon na talaga ang puwesto niya. Para sa kaniya, maganda ang posisyong iyon dahil dinig na dinig niya ang turo ng guro at walang nagtatangkang kausapin siya. Isa pa hindi siya madi-distract sa mga pinaggagawa ng mga kaklase niya sa likod. Nilabas niya ang notebook at ballpen. Malapit nang matapos ang school year pero hindi pa niya memoryado lahat ng pangalan ng mga kaklase niya. 'Di na rin siya nag-abala pa. Samantala, kakapasok pa lamang nina Hunter, Chad, at Austin sa classroom.

  • Fortune Cookies   I: The Uncanny Encounter

    🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 "AH, gano'n!Ngayon kasalanan ko na naman kung bakit tayo naputulan ng kuryente? Kung di ka sana nag-walwal kahapon at kompletong dini-declare 'yang sahod mo sa 'kin, 'di sana'y nakakapanood na tayo ng pang-umagang balita! Aba! Gregorio, hanggang kailan mo ba balak maging ganiyan?" Nababagot na dinilat ni Naomi ang mga mata. Di pa nga nagsisimula ang araw ay pagod na siyang bumangon sa kaniyang kama. Nilingon niya ang pintuan kung saan dinig na dinig niya ang pagdadabog ng ina sa kusina. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nakasanayan na kasi niyang maging alarm clock ang maaga at malakas na pagtatalak ng kaniyang ina. Nilingon niya ang sariling repliksyon sa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status