Matapos maghintay nang ilang oras ay tuluyan nang pinaandar ni Duke ang kanyang sasakyan papalapit sa kinatatayuan ni Irina.“Irina! Get in. Pauwi na rin ako. Isasabay na kita,” aniya at binuksan na ang pinto ng passenger seat habang nakasilip sa bintana ng sasakyan.Sa kagustuhang huwag tingnan si Duke ay dumako ang kanyang tingin sa kanyang sarili. Marumi at puno ng alikabok ang kanyang blouse na suot kaya lalo siyang nakaramdam ng hiya.“Ah, hindi na…” sagot niya at tipid na ngumiti, “hihintayin ko na lang ang bus.”“Come on. It’s late. Wala nang dadaan na bus rito nang ganitong oras. Hindi ka na makakahanap ng sasakyan, unless you call a taxi,” pagpupumilit ni Duke, pinipigilan ang kanyang sarili na maging mayabang sa harap ng babae.Agad na naalarma si Irina dahil batid niyang tama ito. Masyado nang late. Kung talagang may dadaan pang bus ay kanina pa dapat. Isa pa, hindi pa siya nakakasahod at wala na siyang pera. Hindi niya kayang magbayad ng taxi.Nang makita ni Duke ang hesit
“A-Alec… I’m really sorry…” Nanginginig na sambit ni Zoey. Bakas ang labis na pagsusumamo sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Alec.Halos kapitan na niya ang lalaki at luhuran ito.“A-alam kong hindi ‘to ang inaasahan mong makikita mo. Alam ko ring nagdadalawang-isip ka nang pakasalan ako. Hayaan mo, hinding hindi na ako magpapakita pa sayo pagkatapos ng gabing ito.”Mas pinagmukha pang kawawa ni Zoey ang kanyang sarili habang nakaharap kay Alec. Inayos niya ang kanyang sumbrerong suot at akmang tatalikuran na si Alec upang umalis, ngunit mabilis siyang hinawakan ni Alec upang pigilan. Sa eskpresyon pa lang ni Alec ay tila ba lalo lang siyang nandidiri sa ginagawang akto ng babaeng ito.Ngunit kahit anong gawin niya, hindi pa rin niya maikakaila na niligtas siya ni Zoey gamit ang katawan nito kaya pinilit na lamang niyang lunukin ang pandidiri at inis na nararamdaman nang mga oras na iyon.“Anong nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo?” Kalmadong tanong ni Alec kay Zoey. Tuluyan n
Hinila ni Irina ang kanyang kamay palayo, ang boses malamig at walang emosyon. “Nandito lang ako para kumita ng extra.”Napairap ang waitress. “Huwag ka ngang magkunwari.” Kasabay ng mapanuyang ngiti, tinulak niya si Irina, dahilan para ito’y matumba nang bahagya.Nang mabawi ni Irina ang balanse, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang tingin—at natigilan. Sa hindi kalayuan, nakatayo si Alec, nakamasid. Ang kanyang mukha ay walang mabasang emosyon. Walang galak, walang galit. Ngunit ramdam ni Irina ang tensyon.Galit si Alec. Sobrang galit.Pinabagal ni Irina ang kanyang hakbang, hinayaang mauna ang ibang mga waitress. Nang makalayo na ang mga ito, lumapit siya kay Alec, tahimik at nag-aalangan, handang magpaliwanag. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, hinawakan ni Alec ang kanyang baba, mahigpit at matigas ang pagkakahawak.Mabilis na dumaloy ang kilabot sa kanyang katawan.Walang salita, idiniin ni Alec ang isang kamay sa kanyang likod, hinila siya papalapit. At bago niya pa maun
Dahan-dahang inangat ni Irina ang kanyang tingin kay Alec nang marinig ang sinabi nito. Dumako ang tingin ni Irina sa hawak-hawak ng lalaki. Iyon nga ang pregnancy test report na isinagawa niya noong una. Ang alam niya ay inilagay niya iyon sa kanyang bag, ngunit matapos ang araw ng pagkidnap sa kanya ni Zoey ay nawala na ito sa loob. Ang buong akala niya ay si Zoey ang kumuha nito dahil ang huli rin ang kumuha ng kanyang bag.Ngunit matapos siyang iligtas ni Alec nang gabing iyon ay inakala na lamang niyang nawala iyon. Ni hindi pumasok sa kanyang isip na nasa kamay pala ito ni Alec.“Paano… Paano mo nakuha iyan?” Putol-putol na tanong ni Irina kay Alec.Agad na nag init nang labis ang kanyang pisngi dahil sa kahihiyan. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay iyong pinapakialaman ng ibang tao ang pribado niyang mga gamit. Lalo na’t pregnancy test niya ito! Masyado na siyang napapahiya kay Alec sa araw na ito. Kung kanina ay bigla na lamang siyang hinalikan nito nang mariin, ngayon naman ay iwi
“Tandaan mo ‘to!” Bulalas ni Alec sa kanya. “Wala akong pakialam sa bastardong dinadala mo ngayon. Since you have the courage to come here, you have to bear the consequences of coming here! Nais mong ipamalita sa lahat na buntis ka at ako ang ama nang sa ganon ay matanggap ka ng pamilya ko? No fucking way, woman!” Puno ng pagbabantang sinabi ni Alec at mabilis siyang iniwan doon.Sa labis na takot ay tuluyan nang napaluhod si Irina sa lupa at hinayaang kumawala ang kanyang mga luha na kanina pa niya inaalagaan sa kanyang mga mata. Ngunit agad ding naputol ang kanyang pag iyak nang tumunog ang kanyang telepono.Lumangluma na ang kanyang telepono. Ito pa ang modelo na gamit-gamit niya noong nakakulong pa lamang siya. Basag na ang screen nito at kahit litrato ay hindi na makakuha kaya naman nagdesisyon siyang mag renta na lang ng camera.Ngunit hindi na nga niya makita ang camera, nalaman naman ni Alec na buntis siya.Kinalma ni Irina ang kanyang sarili at binuo ang boses nang sagutin ang
Sa barandilya ng ikatlong palapag, nakatayo si Alec, ang malamig niyang mata ay nagmamasid sa mga kaganapan sa ibaba. Walang emosyon sa kanyang mukha, ang kanyang tingin ay malalim, parang hindi alintana ang mga tao sa paligid. Ang bawat galaw ng kanyang katawan ay puno ng kaayusan, tila hindi siya naapektohan ng sinuman o anumang bagay sa lugar.Mabilis niyang ipinagpag ang kanyang kamay, at walang anuman ay tinalikuran niya ang senaryo sa ibaba. Bitin ang baso ng alak sa kanyang kamay, at bawat hakbang ay tila may plano, isang kalkuladong galaw, walang pagmamadali.Ngunit bago pa siya makalayo nang tuluyan, isang babaeng nakatayo malapit sa kanya ay napahinto sa kanyang hakbang. Ang pakay ng babae ay ang tapakan ang kamay ni Irina, ngunit napigilan siya ng isang lalaki na nakasuot ng matalim na suit. Marahas na hinablot ng lalaki ang kanyang braso at pinigilan siyang magpatuloy.Napalunok ng babae sa takot nang makita ang matalim na tingin ng lalaki. Pinagmasdan siya nito mula ulo h
Nanatili si Marco na nakatayo, tila nabigla sa diretsahang paghingi ni Irina ng pera. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon kabilis ang paghingi ng babae.Matapos ang ilang saglit ng pag-iisip, nagsalita siya, ang tono ay magalang ngunit may kaunting alinlangan."Wala akong cash ngayon. Pero kung iiwan mo na lang ang numero mo, mabibigay ko sa’yo pagkatapos ng dinner."Tumango si Irina nang walang pag-aalinlangan, nagpapasalamat sa alok niya. "Oo, salamat." Ibinigay niya ang numero ng kanyang cellphone, isang simpleng palitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawang estranghero na hindi pa nagkakaroon ng masyadong usapan.Bago pa man magpatuloy ang kanilang pag-uusap, isang boses ang tumawag mula sa kabila ng bulwagan. "Marco!"Luminga si Marco at nakita niyang papalapit si Duke, ang mukha nito ay may pamilyar na ekspresyon.Lumakad si Marco patungo sa kanya na may hawak na baso ng alak, at nagbigay ng kaswal na bati."Mr. Evans, anong balita sa’yo? Ano ang pinagkakabalahan mo ngayon?
Hindi sumagot si Irina kay Duke.Mabilis niyang natutunan na itinuturing siya ni Duke na isang pansamantalang aliwan—isang bagay na pinaglalaruan ng mga mayayaman kapag nababato sila. Hindi niya kayang maging bahagi ng kanilang laro, ngunit sa parehong oras, hindi rin niya kayang magalit sa isang tulad ni Duke.Nagpakita siya ng pilit na ngiti at patuloy na naglakad, umaasang makalayo sa sitwasyon nang mabilis.Ngunit hindi nagtagal, hindi pinayagan ni Duke na makaalis siya ng ganoon na lang.“Come on. Get in the car!” Ang tono niya ay pabiro at parang walang pakialam habang ang isa niyang braso ay nakasandal nang magaan sa bintana ng kotse.“Huwag kang matakot, hindi kita kakainin. Even if I wanted to, I don’t have the courage. My fourth cousin would chop me into meat sauce if I even tried.”Isang mabilis na sulyap ang ibinigay ni Irina kay Duke, naramdaman ang inis na kumikislap sa kanyang mga mata, ngunit hindi siya nagsalita. Mabilis ang tibok ng kanyang puso, hindi sigurado kung
Matapos ang isang saglit ng pag-iisip, marahang nagbulong si Greg sa sarili, “Hindi ko na talaga alam kung sino ang nagpapahirap kanino—si Madam ba o ang Pang-apat na Panginoon? Mahal ba nila ang isa’t isa o nakakulong lang sa isang siklo ng sakit?”Napailing siya.Ah, wala na siyang pakialam.Sa loob ng elevator, tahimik na binuhat ni Alec si Irina sa kanyang mga bisig. Nakasandal ang ulo nito sa kanyang balikat, at marahang bumubulong, “Hindi naman… ganito kasama.”Tumingin siya pababa rito. “Ano?”Mainit ang namumulang pisngi ni Irina laban sa malamig niyang balat, dala pa rin ng init mula sa sasakyan. Bahagyang gumalaw ito, idiniin ang mukha sa kanyang leeg, tila hinahanap ang ginhawa mula sa malamig-init na pakiramdam.Sa kabila ng lahat, may kakaibang aliw na dulot iyon.Sa kanilang dalawa.“Hindi mo ako tinrato nang kasing-sama ng inaakala ko,” mahina niyang bulong. “Hindi mo ako kailanman pinilit na mapunta sa ibang lalaki. Inaalagaan mo si Anri. Pati siya, hinayaan mong pumas
Kahit na nakakulong ka na sa putikan…Ngumiti nang bahagya si Irina. “Sa tingin mo, may pag-asa pa ba akong makabalik sa larangan ng arkitektura?”“Bakit hindi?” sagot ni Jigo, may nakakaluwag na ngiti sa labi. “Nasubukan mo na bang maghanap ng trabaho sa field na ‘yon?”Trabaho… May posibilidad pa kayang makahanap siya muli?Ibinaling ni Irina ang tingin pababa, dumaan ang lungkot sa kanyang mukha.“Kung hindi mo susubukan, paano mo malalaman kung hindi mo kaya?” mahinahong tanong ni Jigo.Napakagat-labi siya, nag-aalangan.Saktong dumating sina Alec at Kristoff matapos ang kanilang pag-uusap. Sinulyapan ni Alec ang kanyang relo bago nagsalita. “Gabi na.”Gabi na…Lumubog ang dibdib ni Irina.Oras na para maghiwa-hiwalay sila. Pero kanino siya ipapaubaya ni Alec?Kay Jigo—na siyang madalas makipag-usap sa kanya?O kay Liam—ang lalaking may pilat sa mukha?Hindi niya alam. Yumuko na lang siya, ibinaba ang ulo nang husto, hanggang sa para bang hindi na siya tao.Parang isa na lang siya
Narinig ng buong lungsod ang balitang itinapon palabas ang sikat na aktres na si Ivy Montenegro.Pagkalabas niya ng club, pasuray-suray siyang sumakay ng taxi, lasing na lasing. Agad niyang tinawagan si Layla—ang asawa ni Zian.Sa kabilang linya, hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Layla. “Ivy Montenegro, kumusta? Kinausap ba ng asawa ko si Alec?”Laslas ang dila sa kalasingan, pasigaw na nagbuntong-hininga si Ivy. “Ang demonyang si Irina! Halimaw siya—isang totoong halimaw!”At bago pa makasagot si Layla, bigla na lang binaba ni Ivy ang tawag at nawalan ng malay sa likod ng taxi.Natulala si Layla habang nakatitig sa kanyang telepono. Napakunot ang noo niya bago mabilis na tinawagan ang pinsan niyang si Jigo.Sa loob ng isang pribadong silid, kasalukuyang nag-aalay ng tagay si Jigo kay Alec nang tumunog ang kanyang cellphone. Saglit niyang sinulyapan ang screen bago tumingin kay Zian, na halatang hindi mapakali at tila kinakabahan. Ngumisi si Jigo at iniabot ang telepono.“Asawa mo.”San
Si Alec ay tumawa nang malamig, walang emosyon ang tingin niya."Artista? Bagong kinoronahang aktres?" Umayos siya ng upo, nakapamulsa at walang bahid ng interes. "Akala mo ba dapat alam ng lahat ang pangalan mo? Na dapat kang sambahin dahil sa tinatawag mong kasikatan?"Lumamig pa lalo ang tono niya, matalim na parang talim ng kutsilyo."Tandaan mo ito—mas mabuting iwanan mo na ang industriya ng pelikula sa loob ng tatlong taon."Ang sumunod niyang mga salita ay parang hatol ng kamatayan."Hindi ka makakatanggap ng kahit isang proyekto. Ni isang patalastas, hindi mo mahahawakan."Bumagsak ang katahimikan sa silid.Ito na ang awa niya—ang bersyon niya ng habag.Isang bagong sikat na artista, isang tinaguriang pampublikong pigura, ngunit nagawa niyang utusan ang ibang babae na buhatin ang sapatos niya sa loob ng banyo? Hiyain ang iba nang walang dahilan?Kung hindi lang dahil sa kawalan ng interes ni Irina sa paghihiganti, mas malala pa sana ang naging parusa ni Ivy.Ngunit kahit sa ga
Nabigla si Irina sa biglaang pagpapamalas ng dominasyon ni Alec.Kakasanay pa lang niya sa sitwasyon nang, sa di-inaasahang pagkakataon, biglang lumuhod si Ivy sa harapan niya, isang malakas na plop ang umalingawngaw. Pumatak ang luha sa pisngi nito habang desperadong nagsusumamo."Miss Montecarlos, maawa ka sa’kin!" humagulgol si Ivy. "Isang beses lang—pakiusap, hayaan mo na ako!"Walang masabi si Irina. Napatingin siya pababa, nakatitig kay Ivy na parang hindi siya makapaniwala.Ang babaeng ito na naman?Ni hindi niya nga gustong bigyang pansin ito sa simula pa lang.Hindi naman sila magkakilala. Pero kanina lang sa banyo, naglakad itong parang reyna, buong yabang na inutusan siyang buhatin ang sapatos nito—kahit na wala silang anumang ugnayan.At hindi lang iyon.Ininsulto pa siya.Sa harap ng lahat. Malakas. Lantaran.At ngayon, ang parehong babaeng iyon ay nakaluhod sa harapan niya, umiiyak na parang kawawang biktima.Dahan-dahang bumuga ng hininga si Irina, nanatiling kalmado an
Naroon si Ivy, hindi makapaniwala. "Mr. Beaufort… anong sinabi mo?"Marahil ay mali lang ang dinig niya. Hindi maaaring totoo ang narinig niya—na si Alec mismo ang nagsabing magpanggap siyang hostess. Kailanman ay hindi siya nalagay sa ganitong kahihiyan."Be a hostess," Alec repeated calmly.Nanlamig ang tingin ni Ivy at mariing sumagot, "Mr. Beaufort, hindi ba’t may kasama na kayong hostess? Hindi ako isa sa kanila, at wala akong balak na magpanggap!"Nanatiling kalmado si Alec. "Kung ganoon, sabihin mo sa akin—bakit ka narito ngayong gabi?"Mataas ang tinig ni Ivy nang sumagot siya, bahagyang itinaas ang baba. "Kasama ako ni Mr. Altamirano—""Pero ang asawa ni Mr. Altamirano ay pinsan ni Jigo, hindi ba?" putol ni Alec, payapa ngunit matalim ang pananalita. "Sabihin mo sa akin, ano ba talaga ang papel mo rito?"Napipi si Ivy."Hostess pa rin ang hostess," malamig na saad ni Alec. "Kahit ano pang pagpapanggap ang gawin niya, hindi mababago ang katotohanan."Pumikit si Ivy, pilit pini
"Jigo, bakit mo ako sinipa?" reklamo ni Liam.Naramdaman ni Irina ang tensyon sa hangin, kaya bigla siyang tumayo."Oo… nandito ako para pagsilbihan kayo," mahina niyang sabi.Hindi niya namalayan kung gaano na kakadilim ang ekspresyon ni Alec, pero si Ivy, agad iyong napansin.Sa isang malutong na tawa, binasag ni Ivy ang katahimikan."Naku naman! Kung sino man ang pinagsisilbihan mo, hindi ‘yon ang mahalaga ngayon." Ngumisi siya nang mapanukso. "Mas importante, may utang pa sa atin si Mr. Beaufort—tatlumpung baso ng alak bilang parusa ngayong gabi!"Lumingon siya kay Irina, may kislap ng panunukso sa mga mata."Pagkatapos mong lumagok ng tatlumpung baso, sigurado akong malalasing ka nang husto. At aminin na natin, mas masaya ang gabi kapag may tama na, ‘di ba?" Kumindat pa ito bago nagpatuloy. "Lalo na kayong mga babae… sanay na sanay kayong uminom para aliwin ang mga lalaki, hindi ba?"Wala nang hintay-hintay, agad niyang kinuha ang isang baso at pilit itinulak sa kamay ni Irina.D
Parang huminto ang oras sa sandaling lumabas ang mga salitang iyon mula sa labi ni Irina. Nanigas ang lahat sa silid, walang makapagsalita.Ngunit bago pa man sila makabawi, bumagsak na si Irina sa harapan ni Zian, ang kanyang tinig nanginginig sa desperasyon."I-ikaw… ano ang relasyon mo sa kapatid ko?" Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na kumapit sa manggas ni Zian. "Alam mo ba kung nasaan siya ngayon? Ligtas ba siya? Pakiusap—sabihin mo sa akin!"Nanigas si Zian.Saglit siyang napuno ng pagkabigla, at awtomatikong umatras, ang kilos niya'y alanganin, halos parang takot.Sa lahat ng naroon, siya ang nakakaalam ng totoong kasaysayan nina Irina at Alec.Matapos niyang bumalik sa bansa, maingat niyang inilapit ang sarili sa kanyang tiyuhin at tiyahin, umaasang makapasok sa mas mataas na bilog ng kapangyarihan. Doon niya nadiskubre ang isang usapan—ang mismong impormasyon na nagbigay daan kay Alec upang mahanap sina Zeus at Irina.At mula rin sa mga bulong na iyon, nalaman niya kung gaa
Hindi man lang nilingon ni Irina si Ivy. Sa halip, tahimik niyang binuksan ang gripo at sinimulang hugasan ang kanyang mga kamay, walang kahit anong bakas ng interes sa kanyang mukha."Bar girl!" Lumalim ang tono ng boses ni Ivy, may bahid ng utos at inis. "Napilayan ako. Hawakan mo ang sapatos ko. Naririnig mo ba ako?"Matapos banlawan ang pawis mula sa kanyang mga palad, sa wakas ay tumingin si Irina kay Ivy.Maganda ang babae, walang duda. Pero nakakasulasok ang kayabangan nito.Sa kabilang banda, nanatiling walang pakialam si Irina. Relaks ang kanyang tindig, at mas malamig pa ang kanyang tinig."Lumayo ka."Nagdilim ang ekspresyon ni Ivy. Galit niyang iniangat ang baba at may dramatikong pagpag ng kanyang mahahabang alon-alon na buhok, saka humarang sa daraanan ni Irina."Isa ka lang hostess! Anong karapatan mong maging bastos?" sarkastikong aniya. "Sinabihan kitang hawakan ang sapatos ko para sa ikabubuti mo! Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa’yo? Isa ka lang laruan ni Alec.