Home / Romance / Forced Marriage with a Notorious Womaniser / Chapter 5 - He clearly dislikes her

Share

Chapter 5 - He clearly dislikes her

Author: Hanabixxi
last update Last Updated: 2022-06-29 21:06:47

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ipinagpatuloy ang paghakbang sa mahabang pasilyo ng unibersidad. Sabado ng umaga at patungo na ako sa room para sa una kong subject. Ang isip ko ay wala sa pag-aaral kundi sa naging pag-uusap namin ni Daddy. Magbuhat noong kausapin nila ako ni mommy ay hindi na ako napanatag. Gulong gulo ang isip ko.

Seryoso ba sila mommy at daddy sa sinabi nila? Paanong sa isang iglap ay nagpagdesisyonan nilang ipagkasundo ako ng kasal kay Nathan? Ni hindi nga nila lubos na kilala ang lalaking ‘yon! Hindi din sila nag-aksayang tanungin ako kung anong klaseng lalaki siya. Gaano ba kababaw ang tingin nila sa akin na ultimo ang kaligayahan ko ay hindi na nila binigyan ng halaga? Is it because I am a failure in their view that they have stripped me of my right to choose the man I should marry? Dahil lang ba sa nagkamali ako kay Ryan? Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak dahil sa mga katanungang ito. Bukod sa nasasaktan pa rin ako kay Ryan, nasasaktan din ako sa ipinaparamdam sa akin ng aking mga magulang ko.

Alam na kaya ni Nathan ang balak ng parents namin? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? He'll be furious, of course! Especially considering something is going on between him and Mary Rose. Ngayon ay hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Siguro ay iiwasan ko na lang muna siya.

Ngunit tila binibiro ako ng pagkakataon dahil si Nathan ang una kong namataan na nakatayo malapit sa aming room. He looks dashing as usual. But seeing his gloomy face, I knew he was mad. At mukhang may hinihintay siya. Agad kumalabog ang aking dibdib lalo na nang bumaling siya sa gawi ko at nagtama ang aming mga mata. Agad kumunot ang kaniyang noo at ngayon ay nakasisiguro akong alam na rin niya ang gustong mangyari ng aming mga magulang.

I pretended not to notice him. Akmang lalampasan ko na siya nang hablutin niya ang braso ko.

“E-Excuse me?” kunwa ay inis na baling ko sa kaniya para itago ang kaba.

“Can we talk?” Halata ang inis sa gwapo niyang mukha.

“A-Anong pag-uusapan natin?”

Tumawa siya pero iyong tipo na nakakaloko. His mouth twisted into a smile, but his eyes mocked me.

“Oh, come on Ashley! Huwag na tayong maglokohan dito! You knew what I wanted to talk about!” Maging sa boses niya ay halata ang matinding iritasyon.

“If it’s about the marriage—” hindi ko natapos ang sasabihin dahil malakas niya akong hinila. Sa isang sulok sa puno ng hagdan patungo sa ikalawang palapag niya ako dinala. Mukhang wala siyang pakialam kung ma-late man kami sa klase. Bahagya pa akong nawalan ng balanse nang pabigla niyang binitiwan ang pagkakahawak sa braso ko pero hindi niya iyon pinansin.

“Let me get to the point. I have no plan of marrying you. Wala sa plano ko ang magpakasal, lalo na sa babaeng hindi ko gusto,” direkta at seryoso niyang sabi.

Bagamat nasaktan ako sa sinabi niya ay agad din ang pag-ahon ng inis ko. Akala yata niya ay gustong gusto ko ang maikasal sa kaniya!

“I won’t marry you either! Akala mo ba ay gusto kong makasal sayo?” bwelta ko sa kaniya. Saglit na nabasa ko ang pagkagulat sa kaniyang gwapong mukha.

“Please lower your voice, baka may makarinig sa’yo. The last thing I want is for our classmates to find out we're getting married. Kung ayaw mo din pala ang ideyang makasal tayo, then please tell your parents to cancel their plans of marrying us,” utos niya sa akin.

Natigilan ako sa utos niya. I know I can’t disobey my dad! I’ve never done that before, and I still can’t do it now.

“I-I can’t,” mahinang sagot ko. Kahit papaano ay nahihiya ako sa sagot kong ito. Baka isipin pa niya ay nagdadahilan lang ako.

Lalong kumunot ang noo niya at higit ang inis sa boses niya nang muling magsalita. “Why? Kung talagang ayaw mong maikasal tayo, kakausapin mo ang mga magulang mo!”

“Eh bakit hindi ikaw ang kumausap sa magulang mo para hindi na nila ituloy ang plano nilang ipakasal tayo?” bwelta ko sa kaniya.

Naihilamos niya ang palad sa mukha dala ng matinding iritasyon. “Just so you know, ang mga magulang mo ang may gustong makasal tayo. It was their f*cking idea!”

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. It was my parent’s idea? Ganoon sila ka-desperado?

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi nang ganap kong maunawaan ang sinasabi niya. Ang mga salita ni Nathan at ang nakikita kong reaksyon niya ay sapat para manliit ako. Tila ba ipinagpipilitan ako ng mga magulang ko sa isang lalaking ayaw naman sa akin.

Paano nila ako nagawang ilagay sa ganitong sitwasyon?

Bumuka ang bibig ko para sana sumagot pero hindi ko maapuhap ang tamang salita para ipagtanggol ang sarili. Bigla ay hindi ko kayang salubongin ang mga mata niya kaya nanatili na lang akong nakatingin sa ibaba. Mga yabag at boses ng mga kaklase namin ang nakapukaw ng atensyon ni Nathan. Paglingon ko ay namataan ko na rin ang pigura ng professor namin na naglalakad patungo sa aming silid. Walang imik si Nathan na humakbang palayo sa akin. Tila ba takot na takot siyang may makakitang magkausap kami. Wala na akong nagawa kundi tahimik na sumunod sa kaniya.

Siya ba ang lalaking gusto ng mga magulang kong ipakasal sa akin? Una pa lang ay hindi na maganda ang pagtatagpo namin at mukhang kailanman ay hindi kami magkakasundo. Lalo na ngayon na nakikita ko ang matinding disgusto niya sa akin!

“Mukhang tinanghali ka yata ngayon?” baling sa akin ni Gina pagkaupo ko sa tabi niya.

“H-Ha? O-Oo, medyo late na ako nagising,” palusot ko. Sa gilid ng mga mata ay nakita kong naupo si Nathan sa tabi ni Mary Rose. Napailing na lang ako. He has no plans to stop pursuing Mary Rose. Bigla akong natigilan sa naisip. At bakit ko naman pino-problema iyon? Eh ano kung ligawan niya si Mary Rose? Ang dapat mas unahin kong isipin ay paano makukumbinse ang mga magulang ko na tigilan na ang planong ipakasal ako kay Nathan! Naihalamos ko ang palad sa mukha dahil sa naisip.

“Miss Tan!” Halos mahulog ako sa upuan sa pagkagulat sa pagtawag sa akin ng aming professor. Hindi ko namalayan na lumilipad na pala ang isip ko sa ibang bagay.

“Y-Yes, m-maam?” Halata ang panginginig ng boses ko dahilan para mag-init ang pisngi ko sa hiya. Ramdam ko din ang tinginan sa akin ng mga kaklase ko.

“Your attention appears to be drawn elsewhere rather than to our discussion,” seryosong puna sa akin ng aming professor. Tahimik ang buong room at dinig ng lahat ang sinabi ng professor namin. My heart was racing, and I could feel the sweat forming on my brow. I've never felt embarrassed in front of a class before! At kung kailan nasa graduate school ako, saka pa nangyari ito.

“You will be the reporter next meeting. Make sure that you are well prepared.” Nahimigan ko ang pagbabanta sa boses niya. Mukhang wala pa yata siya sa mood at ako ang maswerteng napagdiskitahan.

“O-Okay, maam. S-Sorry.” Hiyang hiya talaga ako kaya buong klase ay nanatili akong nakatungo. Gusto ko nang matapos ang araw dahil pakiramdam ko ay pulos kamalasan ang nangyari sa akin.

Buong maghapon ay iniwasan ko ding makasalamuha si Nathan. Ni hindi ko siya tinitingnan at ganoon din siya sa akin. Abala ang atensyon niya kay Mary Rose.

“Parang napakamalas mo naman ngayong taon na ito, girl!” bulalas ni Ezra nang ikwento ko sa kanila ni Tricia ang mga nangyari sa akin simula pumasok ako sa graduate school. Gabi na noon at inaya ko sila sa isang café para mailabas lahat ng sama ng loob ko. Natural hindi ko sinabi sa kanila ang kabaliwan ng mga magulang ko.

Matalik kong kaibigan sina Ezra at Tricia. Apat kami dati, kasama si Michelle na mas kinasanayan na namin tawaging Mitch. Pero dahil nga sinulot nito ang boyfriend ko, nagkalamat na ang pagkakaibigan namin. Hindi ko naman pinapili sina Ezra at Tricia sa aming dalawa ni Mitch. Kung gusto pa rin nilang kaibigan si Mitch ay okay lang sa akin. Pero si Mitch na ang kusang naglayo ng sarili. Isa pa ay matabil ang bibig ni Ezra kaya nakatikim siya ng mga salita buhat dito.

“Hayaan mo Ashley, may kapalit na blessings iyan,” pag-aalo ni Tricia. Siya ang complete opposite ni Ezra. Mahinhin siya, napakalumanay magsalita at comforting ang awra.

“Ewan ko ba! Sa tingin mo may blessing pa na naghihintay sakin?” tanong ko. Ayaw ko lang ipahalata pero napakababa na ng tingin ko sa sarili ko. Iyong ipinaramdam sa akin ni Ryan na hindi ako sapat para sa kaniya, iyong pakiramdam na ipinagtutulakan ako ng mga magulang ko sa isang lalaki na hindi ako gusto, at ang pagkapahiya ko kanina sa klase ay umuubos sa kumpyansa ko sa sarili. Akala ko kapag nagsimula akong mag-aral ay mababawasan ang lungkot ko.

“Oo naman Trish! Magtiwala ka lang,” sagot ni Tricia na tumango-tango pa. Napangiti ako sa pagiging positibo niya.

“Sino ba kasi iyong Mary Rose na iyon?” usisa ni Ezra.

“Hindi ko alam ang background niya,”sagot ko na lang. Baka i-stalk pa ito ni Ezra sa social media. Alam na alam ko na ang ugali ng kaibigan kong ito!

“Si Ryan nagtatanong sa akin kung totoo na nag-enrol ka sa masteral,” kwento ni Ezra.

Nabitin sa ere ang pagsubo ko ng cake sa narinig. At bakit nagtatanong si Ryan ng tungkol sa akin? Iniisip pa rin ba niya ako?

“B-bakit daw?” hindi ko napigilang itanong.

“Aba ewan ko! Kapal nga ng mukhang magtanong pa sa akin,” nakasimangot na sagot ni Ezra.

Hindi ako umimik kaya pinakatitigan ako ng kaibigan. Iniwasan ko naman ang mga mata niya.

“Oh, huwag mo sabihing affected ka pa sa lalaking iyon? Gusto mong saksakin kita nitong tinidor na hawak ko?” aniya pagkakita sa iginawi ko.

“Hindi ah!” tanggi ko kahit pa maging ako ay hindi kumbinsido sa sagot ko.

Alam ko sa sarili ko na natutuwa pa rin ako dahil kahit papaano ay curious si Ryan sa mga ginagawa ko. Ilang buwan na kaming hindi nag-uusap. Mula noong mabisto ko ang panloloko niya sa akin. At ang naging babae pa niya ay si Mitch. Sobrang sakit pa rin kapag naiisip ko iyon. Ang tagal kong minahal si Ryan. Hindi ko inakala na lolokohin niya lang pala ako. Ang higit na masakit ay alam ko sa sarili kong mahal ko pa siya. Kahit ilang beses kong itanggi, at kahit gaano ko siyang kinasusuklaman, alam kong hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kaniya.           

“Sayang lang ang kilig ko dati sa lalaking iyon! Manloloko din pala,” bulong pa ni Ezra.

Naiintindihan ko kung bakit galit na galit din siya kay Ryan. Magkakatrabaho kaming tatlo. Siya ang saksi sa simula namin ni Ryan. Magmula noong kinakantyawan pa lang kami ng mga katrabaho namin, noong ligawan ako ni Ryan hanggang sa maging mag-nobyo kami. Maging ang wakas namin ay si Ezra din ang saksi.

“Hoy! Tulala ka na!” pukaw ni Ezra sa lumilipad kong isipan.

“Ha?” sagot ko.

“Sabi ni Tricia, sino daw ba si Mr. Pogi?” excited na tanong ni Ezra.

“Hmmnn..si Nathaniel Torres ba?” Agad ang pagkairita ko pagka-alala sa lalaki.

Dali-daling nagtipa si Tricia sa cellphone pagkarinig sa pangalan na binanggit ko habang naki-usyoso si Ezra dito. Batid kong hinahanap nila sa social media ang lalaki.

“Wala namang lumabas eh,” disappointed na sagot ni Tricia.

“How about, Nathan Torres? Nathan ang tawag sa kaniya ng mga close sa kaniya at ni Tita Sherry eh.”

Muling nagtipa si Tricia sa cellphone.

“Ayan! Ayan girl! Baka iyan na. I-click mo daliii,” utos ni Ezra. Napalakas ang boses niya, pero mukhang wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid.

“Teka lang naman girl! Excited ka,” reklamo ni Tricia.

Napailing na lang ako sa dalawa. May pagka-tsismosa din talaga ang mga ito! At halos sabay na napasinghap ang dalawa at napatingin sa akin.

“Akina nga! Para matitigan kong mabuti.” Hindi na napigilan ni Ezra ang sarili at hinablot na kay Tricia ang cellphone. Nasulyapan ko naman agad ang picture ni Nathan sa screen ng phone. Ini-zoom pa iyon ni Ezra.

“Ang daya mo naman, girl! Cellphone ko ‘yan eh! Patingin ako!” reklamo ni Tricia.

“Ayy girl!!! Ang gwapo nga!” exaggerated at halos maiyak na sigaw ni Ezra. Inihawak pa niya ang kamay sa dibdib na animoy malalaglag ang puso niya.

Hinablot na ni Tricia ang cellphone kay Ezra. “Hmn, graduate ng engineering. Bakit kaklase mo siya sa masteral?” tanong sa akin ng kaibigan kong mahinhin nga pero huwag kang pakasisiguro dahil mas mahusay siyang mag-imbestiga. Siya nga ang dahilan kaya ko nabuking si Ryan at Mitch.

“Siguro dahil minor subjects pa lang?” hindi din siguradong sagot ko.

“Hindi mo alam?! Dapat inaalam mo! Ang gwapo gwapo eh!” sigaw sa akin ni Ezra kaya inirapan ko lang siya. Noon ako hinawakan ni Ezra sa magkabilang braso. “Girl, pwede pa bang humabol mag-enrol sa gradschool?”

Pabirong binato ko siya ng nadampot kong table napkin at natawa naman siya. Ano kaya ang sasabihin nila kapag nalaman nilang pinaplano ng mga magulang kong ipakasal ako sa Nathaniel Torres na iyon? Muli nabalot na naman ako ng matinding pag-aalala.

Comments (11)
goodnovel comment avatar
Wilma Llona
hahahaha bwesit ka Nathan kainin mo Sana sinabi mo di mo Mahal si ashley
goodnovel comment avatar
Russell Alabado
feeling mo nathan ah..akala mo nmn gusto din magpkasal sayo ni ashley......
goodnovel comment avatar
Marife Kabristante
Nathan ang sarap mong isako, bat ganyang ugali mo? nako nako. wag kang magpakasal sa kanya Ashley, maglayas kananang kaya sa inyo? baka sakaling mahimasmasan magulang mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 6 - Womanizer!

    Sa bawat araw na lumilipas ay tila unti-unti akong nawawalan ng gana sa buhay. I don't have anything to look forward to. Para bang wala nang rason para magpatuloy sa buhay. Ipinagdarasal ko na lang na sana ay natauhan na ang mga magulang ko sa kalokohan nila para kahit papaano ay mabawasan ang aking lungkot. Sana ay maunawaan nila na hindi ko gusto ang utos nila na magpakasal kay Nathan.Bahagya kong tinapik ang pisngi para alisin ang isip sa mga problema ko. Ngayon ang araw na magre-report ako sa aming klase at kailangan kong ituon doon ang atensyon. Lalo kong binilisan ang bawat hakbang pagkakita ko sa oras buhat sa wall clocks sa entrance ng building. Batid kong malapit na akong ma-late. Gusto kong batukan ang sarili! Kung bakit kasi kagabi ay hindi na naman ako dalawin ng antok sa kaiisip? Kaya naman tinanghali ako ngayon ng gising!“Ashley! Bakit naman ngayon ka pa tinanghali? Alam mo namang badshot ka kay madam!” salubong sa akin ni Gina. Nakita kong binuhay na niya ang built in

    Last Updated : 2022-07-02
  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 7 – Teasing him

    “If you have any question, feel free to ask me. I am just at the Human Resource Department. Pwede niyo akong puntahan doon kung may concern o tanong kayo.” Ngumiti ako sa mga bagong hired na staff matapos ang ginawa kong orientation nila. Ipinaliwanag ko lang naman sa kanila ang mga company policies at employee benefits.“Oh, Andrew! Nasa HR Department lang daw si Maam at pwede mo puntahan. Hindi ba sabi mo crush mo siya?” biro ng isa sa mga bagong hired sa kasamang lalaki na noon ay napakamot sa ulo.“Bakit naman binuking mo si Andrew? Wag mo naman ibuking na crush ni Andrew si Maam Ashley!” kunwari ay saway ng isa pa.Napailing na lang ako sa kanila. Sanay na sanay na ako sa mga ganoong biruan sa tuwing may bagong hired kami na ino-orient.“If you don't have any queries, I'll hand you over to our Security and Environment Department to continue your orientation,” paalam ko sa kanila.“Okay po maam Ashley! Salamat po,” halos magkakasabay na sagot nila.Dinampot ko ang mga papel sa tab

    Last Updated : 2022-07-05
  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 8 - Her rebellious heart

    “Oh, my darling fiance, why are you acting so strangely?” nakakalokong sabi ko. Pilit kong inabot ang leeg niya pero mabilis niyang iniharang ang kamay sa pagitan namin.“What are you doing? Will you please stop your nonsense?” nahihimigan ko ang pagbabanta sa boses niya.“What does she mean your fiancé Nathan?” curious na tanong ng isang lalaking kaibigan niya. “Ikakasal ka na?”“Nothing—”“Yes! We are getting married! Yohoo!” tila masayang batang sigaw ko. Itinaas ko pa ang kamay at bahagyang sumayaw habang natatawang nakamasid sa akin ang mga kasamahan ni Nathan. Napansin ko naman ang nagbabagang tingin niya sa akin. His lips are pressed into a thin line. Halata ang tinitimping galit.“I don’t remember proposing to you.” Malamig na tugon niya at kunot na kunot ang noong nakatingin sa akin. Nakakatuwa din pala asarin ang gwapong lalaking ito!“Oh? Am I lying? Bakit itinatanggi mong fiancée mo ako? Come on, Nathan! Mabuti pa ay samahan mo na lang ako. Let’s dance!” sa halip ay aya ko

    Last Updated : 2022-07-08
  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 9 - The inevitable

    “Make love to me,” I begged the man in front of me. I saw him hesitate, so I reached for his hand and kissed it softly. Dahil sa ginawa ko ay unti-unting nagbago ang reaksyon niya. Pinagmasdan ko siya habang umaahon ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Noong hapitin niya ako sa baywang ay napangiti na ako.At least I am still desirable!Pakiramdam ko ay nagtagumpay ako. Tinawid niya ang pagitan ng aming labi habang ang mga kamay ay ekspertong inaalis ang mga saplot ko. His hands were all over my body. Naramdaman kong pumasok iyon sa suot kong pantalon at bahagya pa akong napaigtad.“Do you like it, huh?” tila naaaliw na tanong ng lalaki. Hindi ako sumagot, bagkus ay inabot ko ang laylayan ng suot niyang damit at sinimulang hubarin iyon. Pero naging mapilit siya at muling nagtanong. “Tell me, do you like what I’m doing?”“Y-Yes,” sa huli ay sagot ko na lang.He pushed me gently onto the bed while grinning at me. Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama at agad siyang u

    Last Updated : 2022-07-10
  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 10 – It's more like a business deal

    BAHAGYA kong pinagkiskis ang palad upang kahit papaano ay mabawasan ang panlalamig niyon. Muli kong inayos ang dress na suot bago tuloyang pumasok sa gusali kung saan naghihintay ang mga magulang ko. Abot-abot ang kaba ko. Pagbungad ko pa lang sa pinto ng fine dining ay namataan ko agad sina Mommy at Daddy sa isang table. Both of them are dressed formally. Sa katapat nila ay ang isang babae at lalaki na hindi nalalayo ang edad sa kanila. Malamang ay sila ang mga magulang ni Nathan. Agad hinanap ng mga mata ko ang binata at nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko siya mamataan sa paligid.Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla ay hindi ko maihakbang ang aking mga paa.Tama ba ang gagawin kong ito?Bago ko pa man masagot ang tanong sa aking isipan ay lumingon si mommy at nagtama ang aming mga mata. Agad siyang ngumiti at kumaway sa akin. Kasunod noon ay ang paglingon din ng mga kasamahan niya sa table. Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa pwesto nila.“Hija! It’s nice to see you!” s

    Last Updated : 2022-07-14
  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 11 - He really hates me

    “YOU don’t have to do this, Ash. You know that.”Sinulyapan ko si ate Eloise na nag-aalalang nakatingin sa akin. Naroon kami sa hotel room at katatapos lang akong ayusan ng make up artist. Bahagyang nangilid ang luha ko pagkakita sa nag-aalalang mukha ng aking kapatid. She might be the reason I feel like I'm lacking in every way. Even so, I can't bring myself to hate her. Why? Because it is only with her that I feel the love of a family. “I don’t have a choice, ate. Hindi ko kayang suwayin ang gusto ni daddy,” malungkot na sagot ko.“That is not true! You have a choice! Kung sinabi mo sana sa akin ang sitwasyon mo nang mas maaga, kinausap ko sana si daddy. You don’t owe them, Ash! Hindi mo sila kailangang i-please,” panghihikayat pa niya sa akin.But what can I do at this point? I am now wearing my wedding dress na minadali pang ipatahi ni mommy sa isang sikat na designer. Kapag lumabas ako ng suite na ito ay hindi na ako makakatanggi pa. Naghihintay sa akin ang mga wedding coordinat

    Last Updated : 2022-07-20
  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   CHAPTER 1: Wish Granted

    Malakas kong ibinato ang imbitasyon na tumama sa mukha ni Ryan pagkatapos ay diretsong bumagsak sa sahig. My reaction caught him and everyone around us off guard. Sigurado akong hindi niya inaasahan ang reaksyon kong ito. Sa totoo lang, iniwasan kong magpakita ng kahit na ano mang emosyon sa kaniya simula noong maghiwalay kami. But I’ve reached my limit! How dare he invite me to his wedding! To add insult to my already shattered heart, the woman he is about to marry is, or I'd rather say was, one of my best friends, Michelle. "Ashly, Mitch wanted me--" "I don't give a damn what she wants! Ryan, please spare me your stupidity! Do you think I am a saint?" Halos panawan ako ng hininga sa pagsigaw. I don't care if our colleagues could hear me or the fact that Ryan is the Head of the Finance Department. Sasabihin ko ang aking nararamdaman, at ngayon ay aminado akong galit ako! Niloko niya ako at ipinagpalit sa kaibigan ko, pero wala siyang narinig sa akin. Kahit isang paninira ay wala. A

    Last Updated : 2022-02-19
  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 2 – Bad Start

    “Sorry Maam, I’m late,” hinging paumanhin ng lalaki kahit pa ang hitsura niya ay hindi naman kababakasan ng pagmamadali. Kung ako siguro ang late, pawisan at hinihingal akong darating sa room. Tumango lang ang professor namin kaya diretsong pumasok ang lalaki sa room. Di sinasadyang napatingin ako kay Mary Rose sa tabi ko at napataas ang kilay ko sa nakita. Halos maghugis puso ang mata niya habang nakatingin sa lalaki na dumating! Mukhang naramdaman naman ng lalaki ang mga tingin ni Mary Rose dahil bahagya siyang ngumiti sa dalaga. Hindi na nag-aksaya ng panahon ang professor namin, nagsimula na siya ng discussion para sa unang topic at gusto kong mahilo sa dami ng sinasabi niya. Samantala, si Mary Rose na nasa tabi ko at ang gwapong lalaki ay parang may sariling mundo. Mukhang nagkakaintindihan na sila sa tinginan lang. Napailing na lang ako. “I will assign a reporter per topic,” anunsyo ng professor namin na nagpakaba sa akin. Ang kaklase namin na nasa bandang unahan nakaupo ang m

    Last Updated : 2022-02-19

Latest chapter

  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 11 - He really hates me

    “YOU don’t have to do this, Ash. You know that.”Sinulyapan ko si ate Eloise na nag-aalalang nakatingin sa akin. Naroon kami sa hotel room at katatapos lang akong ayusan ng make up artist. Bahagyang nangilid ang luha ko pagkakita sa nag-aalalang mukha ng aking kapatid. She might be the reason I feel like I'm lacking in every way. Even so, I can't bring myself to hate her. Why? Because it is only with her that I feel the love of a family. “I don’t have a choice, ate. Hindi ko kayang suwayin ang gusto ni daddy,” malungkot na sagot ko.“That is not true! You have a choice! Kung sinabi mo sana sa akin ang sitwasyon mo nang mas maaga, kinausap ko sana si daddy. You don’t owe them, Ash! Hindi mo sila kailangang i-please,” panghihikayat pa niya sa akin.But what can I do at this point? I am now wearing my wedding dress na minadali pang ipatahi ni mommy sa isang sikat na designer. Kapag lumabas ako ng suite na ito ay hindi na ako makakatanggi pa. Naghihintay sa akin ang mga wedding coordinat

  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 10 – It's more like a business deal

    BAHAGYA kong pinagkiskis ang palad upang kahit papaano ay mabawasan ang panlalamig niyon. Muli kong inayos ang dress na suot bago tuloyang pumasok sa gusali kung saan naghihintay ang mga magulang ko. Abot-abot ang kaba ko. Pagbungad ko pa lang sa pinto ng fine dining ay namataan ko agad sina Mommy at Daddy sa isang table. Both of them are dressed formally. Sa katapat nila ay ang isang babae at lalaki na hindi nalalayo ang edad sa kanila. Malamang ay sila ang mga magulang ni Nathan. Agad hinanap ng mga mata ko ang binata at nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko siya mamataan sa paligid.Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla ay hindi ko maihakbang ang aking mga paa.Tama ba ang gagawin kong ito?Bago ko pa man masagot ang tanong sa aking isipan ay lumingon si mommy at nagtama ang aming mga mata. Agad siyang ngumiti at kumaway sa akin. Kasunod noon ay ang paglingon din ng mga kasamahan niya sa table. Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa pwesto nila.“Hija! It’s nice to see you!” s

  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 9 - The inevitable

    “Make love to me,” I begged the man in front of me. I saw him hesitate, so I reached for his hand and kissed it softly. Dahil sa ginawa ko ay unti-unting nagbago ang reaksyon niya. Pinagmasdan ko siya habang umaahon ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Noong hapitin niya ako sa baywang ay napangiti na ako.At least I am still desirable!Pakiramdam ko ay nagtagumpay ako. Tinawid niya ang pagitan ng aming labi habang ang mga kamay ay ekspertong inaalis ang mga saplot ko. His hands were all over my body. Naramdaman kong pumasok iyon sa suot kong pantalon at bahagya pa akong napaigtad.“Do you like it, huh?” tila naaaliw na tanong ng lalaki. Hindi ako sumagot, bagkus ay inabot ko ang laylayan ng suot niyang damit at sinimulang hubarin iyon. Pero naging mapilit siya at muling nagtanong. “Tell me, do you like what I’m doing?”“Y-Yes,” sa huli ay sagot ko na lang.He pushed me gently onto the bed while grinning at me. Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama at agad siyang u

  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 8 - Her rebellious heart

    “Oh, my darling fiance, why are you acting so strangely?” nakakalokong sabi ko. Pilit kong inabot ang leeg niya pero mabilis niyang iniharang ang kamay sa pagitan namin.“What are you doing? Will you please stop your nonsense?” nahihimigan ko ang pagbabanta sa boses niya.“What does she mean your fiancé Nathan?” curious na tanong ng isang lalaking kaibigan niya. “Ikakasal ka na?”“Nothing—”“Yes! We are getting married! Yohoo!” tila masayang batang sigaw ko. Itinaas ko pa ang kamay at bahagyang sumayaw habang natatawang nakamasid sa akin ang mga kasamahan ni Nathan. Napansin ko naman ang nagbabagang tingin niya sa akin. His lips are pressed into a thin line. Halata ang tinitimping galit.“I don’t remember proposing to you.” Malamig na tugon niya at kunot na kunot ang noong nakatingin sa akin. Nakakatuwa din pala asarin ang gwapong lalaking ito!“Oh? Am I lying? Bakit itinatanggi mong fiancée mo ako? Come on, Nathan! Mabuti pa ay samahan mo na lang ako. Let’s dance!” sa halip ay aya ko

  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 7 – Teasing him

    “If you have any question, feel free to ask me. I am just at the Human Resource Department. Pwede niyo akong puntahan doon kung may concern o tanong kayo.” Ngumiti ako sa mga bagong hired na staff matapos ang ginawa kong orientation nila. Ipinaliwanag ko lang naman sa kanila ang mga company policies at employee benefits.“Oh, Andrew! Nasa HR Department lang daw si Maam at pwede mo puntahan. Hindi ba sabi mo crush mo siya?” biro ng isa sa mga bagong hired sa kasamang lalaki na noon ay napakamot sa ulo.“Bakit naman binuking mo si Andrew? Wag mo naman ibuking na crush ni Andrew si Maam Ashley!” kunwari ay saway ng isa pa.Napailing na lang ako sa kanila. Sanay na sanay na ako sa mga ganoong biruan sa tuwing may bagong hired kami na ino-orient.“If you don't have any queries, I'll hand you over to our Security and Environment Department to continue your orientation,” paalam ko sa kanila.“Okay po maam Ashley! Salamat po,” halos magkakasabay na sagot nila.Dinampot ko ang mga papel sa tab

  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 6 - Womanizer!

    Sa bawat araw na lumilipas ay tila unti-unti akong nawawalan ng gana sa buhay. I don't have anything to look forward to. Para bang wala nang rason para magpatuloy sa buhay. Ipinagdarasal ko na lang na sana ay natauhan na ang mga magulang ko sa kalokohan nila para kahit papaano ay mabawasan ang aking lungkot. Sana ay maunawaan nila na hindi ko gusto ang utos nila na magpakasal kay Nathan.Bahagya kong tinapik ang pisngi para alisin ang isip sa mga problema ko. Ngayon ang araw na magre-report ako sa aming klase at kailangan kong ituon doon ang atensyon. Lalo kong binilisan ang bawat hakbang pagkakita ko sa oras buhat sa wall clocks sa entrance ng building. Batid kong malapit na akong ma-late. Gusto kong batukan ang sarili! Kung bakit kasi kagabi ay hindi na naman ako dalawin ng antok sa kaiisip? Kaya naman tinanghali ako ngayon ng gising!“Ashley! Bakit naman ngayon ka pa tinanghali? Alam mo namang badshot ka kay madam!” salubong sa akin ni Gina. Nakita kong binuhay na niya ang built in

  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 5 - He clearly dislikes her

    Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ipinagpatuloy ang paghakbang sa mahabang pasilyo ng unibersidad. Sabado ng umaga at patungo na ako sa room para sa una kong subject. Ang isip ko ay wala sa pag-aaral kundi sa naging pag-uusap namin ni Daddy. Magbuhat noong kausapin nila ako ni mommy ay hindi na ako napanatag. Gulong gulo ang isip ko. Seryoso ba sila mommy at daddy sa sinabi nila? Paanong sa isang iglap ay nagpagdesisyonan nilang ipagkasundo ako ng kasal kay Nathan? Ni hindi nga nila lubos na kilala ang lalaking ‘yon! Hindi din sila nag-aksayang tanungin ako kung anong klaseng lalaki siya. Gaano ba kababaw ang tingin nila sa akin na ultimo ang kaligayahan ko ay hindi na nila binigyan ng halaga? Is it because I am a failure in their view that they have stripped me of my right to choose the man I should marry? Dahil lang ba sa nagkamali ako kay Ryan? Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak dahil sa mga katanungang ito. Bukod sa nasasaktan pa rin ako kay Ryan, nasa

  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 4 – Crazy Parents

    Sa isang restaurant kaming apat napadpad. Nakaupo lang kami habang naghihintay na i-serve ang mga pagkain na inorder. Busy si Nathan sa cellphone habang panay ang kwentuhan nila mommy at tita Sherry. Mukhang magkasundo talaga sila. Talaga bang nito lang sila nagkakilala? Maya-maya ay ako naman ang napagdiskitahan ni tita Sherry. “How about you, hija? Where do you work?” Maging si Nathan ay napatigil sa kung ano man ang inaatupag niya sa cellphone. Mukhang interesado din siyang maki-tsismis sa buhay ko ah! “Ahh, t-trainer po, s-sa HR Department.” Hanggat maaari, ayokong magkwento ng madami. “Wow! That’s great! Your dad must be so proud of you, hija. Ang gagaling ng mga anak mo, Trina. At hindi lang ‘yon, ang gaganda pa nila,” papuri ni tita Sherry. Tipid na ngumiti lang ako habang si Nathaniel sa harap ko ay nakangisi na ikinakunot ng noo ko. Alam mo iyon? Parang gusto niyang kontrahin ang mga papuri sa akin ng mom niya. Sa pagkakangiti niya ay parang sinasabi niyang hindi totoong m

  • Forced Marriage with a Notorious Womaniser   Chapter 3 - Strange Phenomenon

    Mary Rose was leaning on one of the shelves as Nathan kissed her tirelessly. His hands are roaming around the woman's body. Hindi makapaghintay makauwi ang dalawang ito?! The thing that irritated me the most was that I could not locate the book I needed. Pimagmasdan ko ang kinaroroonan ng dalawa, malamang naroon sa puwesto nila ang libro dahil doon ang kadugsong na bilang ng shelf. Sa dinami-dami naman ng pwedeng pwestuhan, doon pa kung saan nakalagay ang libro na kailangan ko! Aalis na lang sana ako nang mabunggo ko ang shelf at nanlaglag ang mga libro na naroon. “Aray ko!” impit na d***g ko nang tamaan ako sa ulo ng isang makapal na libro. Bigla kong naalala sina Nathaniel at Mary Rose kaya napatakip ako sa bibig. However, the two souls who are hiding in the library's corner are even more terrified. “Sh*t!” narinig ko si Nathan. Sinundan iyon ng kaluskusan. Marahil ay inaayos ang mga damit nila na nagulo. Hindi ko maalaman kung pupulutin ko ang libro o kakaripas na lang ng takbo

DMCA.com Protection Status