Share

Chapter 2 – Bad Start

“Sorry Maam, I’m late,” hinging paumanhin ng lalaki kahit pa ang hitsura niya ay hindi naman kababakasan ng pagmamadali. Kung ako siguro ang late, pawisan at hinihingal akong darating sa room.

Tumango lang ang professor namin kaya diretsong pumasok ang lalaki sa room. Di sinasadyang napatingin ako kay Mary Rose sa tabi ko at napataas ang kilay ko sa nakita. Halos maghugis puso ang mata niya habang nakatingin sa lalaki na dumating! Mukhang naramdaman naman ng lalaki ang mga tingin ni Mary Rose dahil bahagya siyang ngumiti sa dalaga.

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang professor namin, nagsimula na siya ng discussion para sa unang topic at gusto kong mahilo sa dami ng sinasabi niya. Samantala, si Mary Rose na nasa tabi ko at ang gwapong lalaki ay parang may sariling mundo. Mukhang nagkakaintindihan na sila sa tinginan lang. Napailing na lang ako.

“I will assign a reporter per topic,” anunsyo ng professor namin na nagpakaba sa akin. Ang kaklase namin na nasa bandang unahan nakaupo ang matyagang nagsulat ng topic na napa-assign sa amin. Pagkasabing pagkasabi ng professor namin ng “dismiss” ay nagmamadali akong lumapit sa kaniya.

“Hi! I’m Ashley Nicole, may I know the topic assigned to me?” nakangiting bati ko sa kaniya.

“Hello, I’m Gina. Heto iyong topic mo,” mabait na sagot niya at ipinakita sa akin ang papel na sinulat.

Naisip kong picturan na lang ang papel para mabilis. Nakatungo ako habang nagpi-picture gamit ang cellphone. Pagtunghay ko ay hindi ko inaasahang makita ang gwapong lalaki na nakangiti sa akin. Tila nagliwanag ang paligid at nawala ako sa sarili. Ang gwapo pala talaga! Napakurap ako. Is he smiling at me? Nahihiyang gumanti ako ng ngiti sa kaniya. Noon ko naman narinig ang boses ni Mary Rose sa aking likuran.

“Excuse me, I’m Mary Rose. So, what's my topic?” tanong niya kay Gina.

Noon ko na-realize na si Mary Rose pala ang nginingitian ng gwapong lalaki at hindi ako. Dahil sa pagkapahiya ay lumayo ako sa pwesto nila. Napansin kaya ng lalaking ‘yon na akala ko ay sa akin siya nakangiti? Nakakahiya!

“Hi! I’m Nathaniel, I'd like to know the topic assigned to me.”

Hmn, Nathaniel pala ang name niya? Ipinilig ko ang ulo sa naiisip. Ano ka ba Ashley? Kagagaling mo lang sa breakup! Baka nalilimutan mo!

“Hi! Ashley, right?” bati sa akin ni Gina. Saka ko lang napansin na wala na pala kaming ibang kasama sa room. Pagtingin ko sa pinto ay magkasabay nang naglalakad si Nathaniel at Mary Rose.

“H-hi,” nahihiyang ganti ko ng bati sa babae.

“Anong next class mo?” tanong niya.

“Business Statistics.”

“Great! Iyon din ang next class ko! Let’s go? Tara? Sabay na tayo,” bulalas ni Gina. Sabay kaming naglakad patungo sa next class namin habang nagkukwentuhan tungkol sa kanya-kanyang dahilan kung bakit nag-enrol sa graduate school.

Kaklase ko si Gina sa lahat ng subects. Si Nathaniel o mas tinatawag ng karamihan na Nathan, at si Mary Rose ay kaklase din namin. And it seemed like the two got along well faster than normal

“Seriously! They just met pero mukhang nagkakamabutihan na agad sila,” bulong sa akin ni Gina na pasimpleng tumingin kina Nathan at Mary Rose. Nasa last period kami noon at naghihintay ng professor namin. Kasalukuyan akong nagpapalipas ng pananakit ng ulo dahil sa business statistic subject namin. Muntik nang dumugo ang utak ko. I thought my blood would come out of my nose and ears as our professor talks about curves, population, and plenty of formulas.

Nilingon ko ang itinuro ni Gina at nakita kong magkatabi si Nathan at Mary Rose na tila sampung taon nang magkakilala sa sobrang close. Nagtitingin sa phone ang dalawa at nagtatawanan. May kakaibang landi sa tawa ni Mary Rose na lalong nagpapasakit ng ulo ko. Hindi ko alam na may babae palang ganoon tumawa. Mapang-akit? Samantalang ako ay parang palakang naipit kapag humagalpak ng tawa.

“Wala kayang boyfriend o girlfriend ang dalawang iyan?” bulong ulit ni Gina.

Nagkibit-balikat lang ako. “Ewan natin, baka naman sadyang magkakilala na?”

“Imposible!” medyo napalakas ang boses ni Gina na parang may ipinaglalaban siya sa korte. “Kilala ko si Nathan. Babaero iyan eh.”

“Talaga?” Paglingon ko sa gawi nilang dalawa ay nagulat pa ako na nakatingin na sila sa amin.

“Excuse me? Pinag-uusapan nyo ba kami?” mataray na tanong ni Mary Rose na tumayo ng upuan at lumapit sa amin ni Gina. Nameywang siya sa harapan namin. “Kanina ka pa tingin ng tingin sa akin. May sinasabi ka tungkol sa akin?” taong niya sa akin. Naagaw na niya ang atensyon ng iba pa naming kaklase na napatingin sa amin.

“Ha? W-wala!” tanggi ko.

“Really? I had seen you and your disgusting, ugly friend staring at me. Obviously, you're talking about us. Inggit siguro kayo sa akin, eh!”

At bakit naman kami maiinggit sa kaniya? At sinabihan pa kaming pangit?

Nanatili akong tahimik at hindi pinansin ang mga sinasabi ni Mary Rose na lalo niyang ikinagalit. Magsasalita pa sana ang babae pero biglang dumating ang professor namin. Unlike ng mga nauna naming professors, masayang-masaya siya at ngiting-ngiti. His aura is filled with warmth and enthusiasm. Wala siyang kaalam-alam na muntik na kami magkagulo ni Mary Rose.

“Good evening! How was your first day?” masayang tanong niya. Di sinasadyang napatingin ako sa puwesto ni Mary Rose pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Napailing na lang ako at iniwasan na silang tingnan hanggang sa matapos ang aming klase.

“Saan ka na pupunta Ashley? May sasakyan ka bang dala?” tanong sa akin ni Gina habang inililigpit namin ang aming mga gamit.

“Yup. I'll just be at the library,” sagot ko. Sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko ang paglabas ni Nathan at Mary Rose. Mabibilis ang hakbang ng dalawa at halata ang pagmamadali. Nagtataka din si Gina na napatingin sa akin pero nagkibit-balikat na lang ako. Mabuti na lang at hindi na kami binalikan ni Mary Rose.

“Ang sipag mo naman. Sana ganiyan din ako,” sagot sa akin ni Gina. “Uuna na ako sayo pag-uwi, may sundo kasi ako. My boyfriend will be picking me up, and he doesn't like to wait for too long. Saka ko na sa iyo ipapakilala.”

Bahagyang kumirot ang puso ko sa sinabi ni Gina. Ganoon din sana ako. My life would have been perfect if only Ryan hadn't cheated on me. Tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya saka nagpatuloy na ako patungo sa library. Dumiretso ako sa second-floor ng building kung saan naroon ang study area at ang mga libro. Iilan lang ang mga estudyante doon marahil dahil gabi na. Namataan ko ang ilan sa mga kaklase ko pero tulad kanina ay tila wala silang balak makipag-kaibigan. Nakakaramdam na ako ng gutom pero hindi ko iyon alintana. Gusto ko din naman na mapagod ang sarili para hindi na ako mapuyat mamaya kaiisip ng kung anu ano. I'm sure tonight I'll worry about my homework until I realize my mind goes back to Ryan and our breakup. Nitong nakaraang mga buwan ay napapagod na ako kaiisip. At kaiiyak. I need a break from all this overthinking!

Lumapit ako sa isa sa mga computer na nasa sulok ng hall na iyon at nag-type ng pangalan ng libro at author. Lumabas agad doon ang number ng libro kaya dumiretso ako sa isa pang room kung saan nakaimbak ang mga libro. Sinipat ko ang mga numero sa shelf. I continued walking until I realized that the book I was looking for was probably on the far side of the room. Napansin kong walang tao sa bahaging iyon ng library. Bigla akong nakaramdam ng takot! Naalala ko ang mga horror movies na napanuod ko at ganito ang mga tagpo. Tipong nag-iisa ang biktima at makakakita ng mga kakaibang nilalang!

Ano kaya kung bumalik na lang ako sa ibang araw? Pero sayang naman ang effort ko! I won't be back here until next week.

Kahit takot ay nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa related na sa subjects ko ang mga title ng libro na nababasa ko sa shelf. Ilang hakbang pa at nasa pinaka-dulong bahagi na ako ng room.

“Hmmnn!”

Para akong itinulos sa kinatatayuan nang marinig ang mga ungol. I felt every single strand of hair on my body stand! Dinig na dinig ko ang malakas na dagundong ng aking puso at nagsimulang manginig ang aking mga tuhod.

“Ahhh..”

Ito na yata ang kinatatakutan ko! Hindi ako makapaniwala na mararanasan ko ang ganitong klase ng kababalaghan sa unang araw ko pa lang dito!

Napapikit ako at napadasal. “Lord! Please help me!”

“Ahhh..Ohh..”

Napatigil ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ulit ang mga ungol. This time, mataman kong pinakinggan ang ingay.

“Ooohh..sh*t”

Narinig ko ulit ang boses.

Huh? Teka? Parang hindi ito ungol ng mga kaluluwang ligaw na humihingi ng hustisya! Malabong nagmula sa kaluluwa ang ungol na iyon!

“Oh..f*ck..Nathan..I want more!”

Natutop ko ang bibig. Parang ungol iyon ng isang babae? Mukhang may ginagawang himala ang mga ito! Asan na ba kasi ang libro na iyon? Nagtago ako dahil ayaw ko din naman makaabala sa mga taong buhay na gumagawa ng milagro sa library na ito. Bahala sila sa kung ano ang gusto nilang gawin, dahan-dahan akong naglakad palapit sa libro na kailangan ko.

Pero nanaig parin ang pagka-tsismosa ko. Hindi ko maiwasang tingnan ang dalawa. Noon ko nakumpirma ang hinala.

Ang mga hitad! Si Nathaniel at Mary Rose!

Mga Comments (14)
goodnovel comment avatar
Wilma Llona
ligaw Ng nga ungol hahahhaha wag kna Jan Kay Nathan babaero hahahah
goodnovel comment avatar
Russell Alabado
huli pero hnd kulong......ligaw na mga ungol......
goodnovel comment avatar
Marife Kabristante
nawala man si mitch bilang kai igan mo Ashley, may Gina namang pumalit na alam kong totong maging kaibigan mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status