Home / Romance / Forced Marriage with a Notorious Womaniser / Chapter 3 - Strange Phenomenon

Share

Chapter 3 - Strange Phenomenon

Mary Rose was leaning on one of the shelves as Nathan kissed her tirelessly. His hands are roaming around the woman's body.

Hindi makapaghintay makauwi ang dalawang ito?!

The thing that irritated me the most was that I could not locate the book I needed. Pimagmasdan ko ang kinaroroonan ng dalawa, malamang naroon sa puwesto nila ang libro dahil doon ang kadugsong na bilang ng shelf. Sa dinami-dami naman ng pwedeng pwestuhan, doon pa kung saan nakalagay ang libro na kailangan ko! Aalis na lang sana ako nang mabunggo ko ang shelf at nanlaglag ang mga libro na naroon.

“Aray ko!” impit na d***g ko nang tamaan ako sa ulo ng isang makapal na libro. Bigla kong naalala sina Nathaniel at Mary Rose kaya napatakip ako sa bibig. However, the two souls who are hiding in the library's corner are even more terrified.

“Sh*t!” narinig ko si Nathan. Sinundan iyon ng kaluskusan. Marahil ay inaayos ang mga damit nila na nagulo. Hindi ko maalaman kung pupulutin ko ang libro o kakaripas na lang ng takbo papalayo. Akmang dadamputin ko ang libro nang marinig ko ang boses ni Mary Rose.

“You again? Are you following us?" mataray na tanong niya.

“What? Bakit ko naman kayo susundan?” Agad akong nairita at napahiya sa sinabi niya.

“I can't answer that question." She replied sardonically. "Maybe you're a psycho! Fv*cking stalker. Nakakahiya ka,” bulong pa niya.

“Stop it. Mary Rose,” saway ni Nathan sa babae. He seems to have recovered from the shock of my sudden intrusion.

Itinuloy ko ang pagdampot sa mga libro na nanlaglag sa shelf. “Nandito ako para manghiram ng libro dahil library ito. I have no idea why you are engaging in something that shouldn't be done here. Kayo ang nakakahiya,” idiniin ko ang bawat salita.

“Hah! Wouldn't it be better to just openly admit you're a stalker? Kung anu-ano pang alibi mo diyan imbes na mag-sorry ka,” hindi parin nagpapigil si Mary Rose.

“At bakit ako magso-sorry sayo?” Nauubos na ang pasensya ko sa ugali ng babae na ito. Wala akong ginagawang masama. Malinis ang konsensya ko. “Wala akong kasalanan sa inyo! Hindi ko kayo sinusundan!”

“Alam ko na. Hindi ka siguro nakakaranas magustohan ng lalaki. Halata naman dahil ang pangit mo. Kaya siguro curious ka? Sabagay, sa itsura mob a namang ‘yan. Can you imagine anyone liking you? Look at your dress, ang baduy mo kaya! You look like trash---“

Hindi na naituloy ni Mary Rose ang sasabihin. At hindi ko na rin napigilan ang sarili. I couldn't help but react. My whole life, I've never been described as rude and aggressive, or violent. Lumaki akong mabait, masunurin at hindi nasasangkot sa ano mang away. Lahat iyon ay dahil sa strikto kong mga magulang. Lalo na si Dad. Siguro dahil na rin sa stress nang mga nagdaang araw, malakas kong ibinato kay Mary Rose ang libro na hawak ko. Ang totoo, nasa ere pa lang ang libro ay pinagsisihan ko na ang nagawa. Mabuti na lang at mabilis na nasalo iyon ni Nathaniel at hindi tuloyang tumama kay Mary Rose. The three of us fell silent; all we can hear is the sound of the book as it fell on the floor. Ang kanina ay hindi mapigilang bibig ni Mary Rose ay natahimik bigla.

“Sh*it,” d***g ni Nathan dahil kahit papaano ay nasaktan ito sa ginawang pagsangga ng sarili.

Naramdaman ko ang mga mata ni Nathan sa akin pero iniwasan ko siyang tingnan. Samut sari na ang nararamdaman ko; sakit sa mga sinabi ni Mary Rose, pagkapahiya at pagod. Pinigil ko ang mga luha na naiipon sa aking mga mata at nagbabadyang pumatak. Pagtingin ko kay Nathan ay nakatitig pa rin siya sa akin. Walang imik na tumalikod ako at umalis.

Pahamak sa buhay ko ang dalawang kiringkeng na ‘yon! Napurnada pa pati paghiram ko ng libro! To think na hiniling ko pang maging kaklase ang Nathan na ‘yon! Kailangan ko siyang iwasan! Being involved with him means being involved with a lot of mess! Kamalasan lang ang dala niya sa pag-aaral ko!

KINABUKASAN ay Linggo kaya ayos lang na tanghali na ako gumising. Ngunit nabulabog ako sa walang tigil na pag-ring ng aking cell phone. Ang aga-aga naman! I sleepily checked the name of the caller. Napabalikwas ako ng makita ang name ng caller. Mom! Anong oras na ba?

“H-hello, mom?”

“Ashley Nicole! Kanina pa ako tumatawag. Don't tell me you just woke up? It's noon already!” bungad agad ng mom ko. Gusto na agad sumakit ng tainga ko.

“Mom, pagod kasi ako kahapon. Yesterday was the first day of my class, remember?” pagdadahilan ko.

“Kahit pa. Tanghali na. I guess you haven't eaten your breakfast yet? Matuto kang ingatan ang sarili mo, Ashley.”

Alam ko na concern siya sa akin, pero minsan ay OA na. Sa kabila noon ay alam kong mahal niya ako at nag-aalala lang siya sa akin. Lalo pa at alam niya ang breakup namin ni Ryan. Alam niya na nasasaktan pa rin ako.

Hindi naman ako iresponsable, pero sa mga mata ni mommy ay hindi ko kayang alagaan ang aking sarili. Her definition of "irresponsibility" has created the perception that I cannot take care of myself. Unlike ng ate ko na perfect sa paningin nila; responsible, smart at calculated lahat ng desisyon sa buhay. Samantalang ako, pahirapan pa bago napapayag ang parents ko na bumukod ng tirahan.

“Anak, samahan mo naman ako mag-grocery ngayon,” biglang naging malambing ang boses ni mommy. “Wala si Daddy. Nasa conference kasama si Manong Jun.”

Whenever mom needs something, she transformed into an angel. Minsan iniisip ko kung sino ba sa aming dalawa ang anak?

“Eh si ate?” tanong ko.

“Alam mo naman na busy ang ate mo sa trabaho,” mabilis na sagot niya. Kapag ang kapatid ko, hindi niya kayang abalahin. Samantalang ako, pwede. Busy din naman ako sa trabaho at pag-aaral ngayon ah! Pero dahil hindi ko kayang humindi kay mommy ay mabilis akong gumayak para sunduin siya.

“How was your first day at school?” tanong niya habang naglalakad kami sa loob ng grocery store. Sa edad na fifty-three ay maganda at bata tingnan si mommy. Why? Alagang-alaga niya ang sarili. Her hobbies include lounging at saloons and beauty spas as well as keeping up with the latest fashion trends. May schedule pa yata ang mga treatment niya at talagang hindi siya pumapalya. Tulad ngayon ang classy niyang tingnan. Ako? Nakasuot lang ako ng t-shirt at maong pants. Itinali ko lang ang hanggang balikat na buhok.

“O-okay naman po,” maikling sagot ko.

Natigil siya sa pagtulak ng cart. “Can you explain what you mean by "okay"?

“There's nothing interesting, mom,” sagot ko na lang. Alangan namang sabihin ko na may nakaaway ako? Ayokong masermonan dito mismo sa loob ng grocery store.

“How about your classmates? You may have interesting classmates there. You should start making friends, Ashley. Enrich your social circle. Dapat madami kang connections.”

“Mom, may kaibigan naman ako.”

“Who? Si Ezra at Tricia? Halos kayo na lang tatlo ang magkakasama. Don't you want to meet other people?”

“Hindi naman kailangang madami ang kaibigan eh. Ang mahalaga iyong totoo,” depensa ko.

“Oh really? Ano nga ulit ang nangyari sa’yo at kay Ryan? You broke up, and it has something to do with your good friend Mitch, right? Iyon ba ang totoong kaibigan?”

“Iba naman si Tricia at Ezra eh!” Pagtatanggol ko sa dalawa kong natitirang kaibigan dahil wala na akong magagawa pa para kay Mitch. Sa totoo lang, kahit ako ay hindi alam kung paano haharapin si Mitch matapos ang ginawa niya.

“Dapat magkaroon ka ng madaming kaibigan. Hindi mo alam pero baka dumating ang araw na mahingan mo sila ng tulong,” sagot ni mommy habang namimili ng mga canned foods.

My mother enjoys social gatherings. Member yata siya ng halos lahat ng organization sa lugar namin. Ewan kung bakit gustong-gusto niya ang mga gatherings samantalang nakakainip lang naman kapag pinipilit niya akong sumama. She said her purpose is to have connections with well-known and noteworthy people. Sa kabilang banda, kami namang magkapatid ay parehong walang kahilig-hilig sa mga pagtitipon. Kung hindi siguro kami babantaan ni Dad ay hindi kami mapipilit sumama sa mga events nila.

Nagtutulak kami ng cart nang may bumati sa amin na babaeng sa tingin ko ay hindi din nalalayo ang edad sa mom ko. Maputi siya, maganda at makintab ang buhok na halatang alaga sa saloon. Her style is defined by the designer bag she is carrying and her elegant dress.

“Oh hi! It’s nice to see you! How are you?” mataas ang boses ni mom at nagbeso sa magandang babae.

“I’m fine. Sinong kasama mo?” tanong ng babae at dumako ang magagandang mata niya sa akin. Parang gusto kong manliit pero matamis siyang ngumiti sa akin.

“Ahh, Sherry, meet my daughter, Ashley. She is my youngest daughter,” pakilala sa akin ni mom at hinila ako papalapit sa kanila. Tipid na ngumit ako kahit naiilang dahil mukha akong katulong sa tabi nila.

“Ashley, siya ang tita Sherry mo. Last week, I had the pleasure of meeting her at the annual party. She is my sister at the WFW Organization,” pakilala naman ni Mommy sa babae.

“Hello po, tita Sherry,” tipid na ngumiti ako sa kaharap. Sana pala ay nag-ayos ako kahit papaano. Hindi naman pangit ang suot ko, pero ang mga kaharap ko ngayon ay ibang level ang mga damit na suot.

“Actually, kasama ko din ang anak kong lalaki. Asan na ba iyon,” sabi ng babae na lumingon para hanapin ang anak. “There he is! Nathan!” tawag nito sa kasama na nasa kabilang shelf.

Lumingon ang lalaki at napako ako sa kinatatayuan. Namuo ang pawis sa aking noo. Nathan?! Pinaglalaruan yata ako ng tadhana. Kakasabi ko lang na iiwasan ko na siya, but here he is, grinning in front of me!

Mukhang nagulat din si Nathan nang makita ako pero bahagya siyang tumawa.

“Hi! Ashley?” nakakalokong bati niya sa akin.

“You knew each other?” nagtatakang tanong ni tita Sherry. Ganoon din ang mom ko na nooy namimilog ang singkit na mga mata.

“Yes po, classmate ko siya sa ilang subjects sa graduate school,” paliwanag ko.

Wag naman sana magkwento ang lalaking ito sa nangyari kahapon sa library. My father will have me killed!

“Oh! Great! Kita mo nga naman, magkaklase pala ang mga anak natin,” ngiting-ngiti si tita Sherry.

“You know what, why don’t you join us for lunch?” akit ni mommy sa dalawa.

Nagtaka ako dahil wala naman kaming usapan na kakain pa ng lunch. Baka kung ano ang sabihin ni Nathan sa kanila! Tiningnan ko si tita Sherry, hoping that she would refuse my mom's invitation.

Tumanggi ka tita Sherry, please!

“Mabuti pa nga ay sabay-sabay na tayong kumain. Im starving. Gutom ka na rin Nathan, diba?” Napansin kong nag-alangan din muna si Nathan. Tiningnan muna niya ako bago animo napipilitan din na sumagot.

“S-sure.”             

Nanlumo ako. Wala na akong magagawa. Bakit ba palagi ko nalang nakakasalamuha ang Nathaniel Torres na ito?

Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Wilma Llona
lagi kayong nagkikita tindahana kayo naku magaganap na Ang forced marriage hahahha
goodnovel comment avatar
Wilma Llona
destiny Kasi kayo Ashley ni nathan
goodnovel comment avatar
Russell Alabado
hnd ka lang makati mary rose makapal din mukha mo si ashley p talaga ang nakakahiya..gigil mo ako ah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status