Matagal na panahon na ring pala noong huling nagkita sina Eloisa at Luna. Pero sa isang beses na muling nagkita sila, napansin ni Eloisa ang pagiging kakaiba nito, kumpara sa babaeng masigla na nakilala niya noon.Nang maisip niya ang isang Luna noon, hindi niya inakala na darating ang araw mararananasan pala ng babaeng ito ang pakiramdam ng pagiging hindi karapt-dapat.Wala ring kaalam-alam si Eloisa patungkol sa kasal nila ng lalaking si Eduardo.Ngunit may kaunting kaalaman siya sa katotohanan. Bagama't may mga hinala siya, pinili niyang huwag na lamang itong ipahayag. Sa halip, sinabi niya kay Luna nang may pagkaseryoso: "Hindi hadlang ang pagiging huli, ang iyong kakayahan ay natatangi. Luna, hanggat may pagnanais ka pang magpatuloy, hindi pa huli ang lahat." mahinahong wika ni Eloisa."Tandaan mong ikaw ang pinakanagpasaya sa akin bilang guro sa lahat ng taon kong pagtuturo." dagdag pa nito.Nakinig si Luna at bahagyang ngumiti, "Kung maririnig ito ng guro, natatakot ako na tata
Kahit na gustong-gusto ng anak ni Clara ang luto ni Luna, sa kanyang puso, minumukha siya nitong isang katulong. Halos utusan lamang siya ng bata, na parang isang yaya.Noon, dahil kay Eduardo, mabuti ang pakikitungo ni Luna sa anak ni Clara. Hindi niya nga pinapansin ang kawalang galang ng bata. Ngunit dahil sa nakapaghanda na si Luna sa diborsyo nila ni Eduardo, ayaw na niyang magkompromiso para sa kanya.Kaya diretsyong tumanggi si Luna at sinabi, "Pasensya na Clara, ngunit wala akong bakanteng oras bukas." Isang malinaw at matatag ang kanyang mga salita.Dahil babalik na siya sa kanyang propesyon, mas ilalaan niya ang lahat ng kanyang oras para sa hinaharap na negosyo.Kahit na si Eduardo man o si Clara, ay wala na siyang pakialam sa kanila pagkatapos ng diborsyo. Wala na siyang balak pang sayangin ang kanyang oras para sa kanila.Gayunpaman, hindi inaasahan ni Clara sa unang pagkakataon ay tatanggihan siya ni Luna.Sapagkat noon, pinilit ni Luna na ibaba ang kanyang sarili para
Kinabukasan.Nang makarating si Eduardo sa kompanya, nakasalubong niya si Luna. Hindi pa alam ni Luna na nagbalik na pala sa Valley Heights ang lalaki kasama ang anak niyang babae.Biglang napatigil si Luna nang makasalubong niya ang lalaking sa loob ng kumpanya, at ganoon din si Eduardo, ang inakala nga niya'y kakabalik lang ni Luna galing sa isang business trip kaya't hindi na ito nag-isip pa ng kung ano-ano.Walang anumang makikitang ekspresyon sa mukha ni Eduardo, sa halip ay agad siyang dumiretso sa silid ng kanyang opisina, parang isang estranghero lamang ang tingin niya kay Luna.Kung nuon, talaga namang magugulat at magugulat pa si Luna sa biglaang pagbalik nito sa Valley Heights. Sa sitwasyong kung saan kahit hindi niya magawang yakapin ang lalaki, tititigan pa rin niya ito ng masaya at masigla, habang ang mga mata'y puno ng pagmamahal sa kanya. Kahit malamig ang pakikitungo ni Eduardo sa kanya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin niyang "Magandang Umaga." Ngunit ngayon,
Kung noon, talagang gagawin niya, pero ngayon na malapit na siyang makipaghiwalay sa lalaki, paano pa kaya niya nagagawa ang ganoong bagay? Ngunit hindi man lang nila binigyan ng pagkakataon si Luna na magpaliwanag."Pakiusap, umalis kana kaagad!" malamig na sigaw ng sekretarya.Namumugto ang mga mata ni Luna, bahagyang nanginginig ang mga kamay habang buhat ang tray. Ang mainit na kape ay halos natatapon na dahilan ng pagkapaso ng kanyang mga daliri, sa kabila ng matinding hapdi, hindi siya umimik at tahimik na tumalikod. Ngunit bago paman siya makalayo, muling umaalingawngaw ang boses ni Eduardo mula sa loob ng opisina: "Kung may susunod pang pagkakataon, huwag ka nang magpapakita pa rito sa kompanya." matigas na usal ng lalaki.Isinuko na ni Luna ang kanyang trabaho. Kahit hindi paman iyon nangyari, matagal na rin naman niyang pinagplanohan ang pag-alis ng kompanya agad-agad kapag nakahanap siya ng ipapalit niya.Lubos niyang naunawaan na wala siyang halaga sa mga taong naroon, an
Ang dalawang kasamahan ni Luna ay nagmamadaling umatras ng dalawang hakbang at sumandal sa pader. Para silang mga daga na natatakot sa pusa, habang nakasilip kay Regina.Nakita rin ni Regina si Luna. Ang mga mata nilang dalawa ay nagtama.Pero pagkatapos ay malamig siyang tumalikod, halatang hindi siya interesado. Deristyo ang tingin niya at walang pakialam na pamasok sa elevator habang pinapalibotan ng mga opisyal.Nang masara ang pinto ng elevator, nakahinga naman ng maluwag ang dalawang kasamahan ni Luna, at muli'y nag tsismisan ang dalawa habang kinikilig."Siya siguro ang kabiyak ni Boss Eduardo, di'ba? Grabe ang ganda niya! Lahat ng suot niya ang kilala sa lahat ng brand, halatang mamahalin, talagang mayaman siya. Ang kalmado at tiwala niya sa sarili niya ay mataas, iba talaga ang aura niya kompara sa ating mga ordinaryong tao!" ang sabi pa ng isang kasamahan."Oo nga!" sagot naman ng isa.Sabay na nagsalita ang dalawa at mahinang tinanong nila si Luna, "Luna, ano sa tingin mo?"
Nang makarating sila sa sulok ng lobby, ilang mga kaibigan nina Eduardo at Regina ang sumulpot sa dulo ng pasilyo.Mabilis na umiwas si Luna sa gilid, at narinig niya ang masayang tawag ng kanyang anak, "Tita Regina!" mabilis namang tumako ang batang babae, at yumakap ito ng mahigpit sa kanya.Si Luna ay nakatalikod na umupo sa isang sofa, at ginagamit niya ang mga halaman at ang sandalan ng upuan para bahagyang matakpan ang kanyang katawan at hindi makita ng sinuman."Aria, nakabalik kana rin?" masiglang tanong ni Regina."Kasi Tita Gina, nakabalik kana rin, hindi naman namin kaya ni Daddy ng wala ka. Kaya tinapos din agad ni Daddy ang kanyang mga gawain ng maaga para maisama niya ako pauwi rito! Sinasadya talaga naming bumalik kami sa isang araw bago ang kaarawan mo para makadalo kami sa iyong selebrasyon." masiglang wika naman ng batang babae. "Ito nga pala ang kwintas na ginawa namin ni Daddy para sa'yo. Happy birthday po Tita Regina." dagdag pa niya. Habang binabati ay makikita
May kung anung pamilyar na pigura ang kanyang nasulyapan, "Parang kilala ko siya..." mahinang usal ni Apollo sa sarili.Ang alaala mula sa pagkabata nila ni Eduardo, at ang tahimik na pagtingin ni Luna nito, ay muling sumulpot sa isipan ni Apollo, Isang alaalang alam ng lahat sa kanilang grupo.Maganda si Luna, walang duda. Ngunit ang kagandahang iyon ay tila naliligaw sa kanyang katahimikan. Wala siyang kapansin-pansing kakaibang katangian; isang uri ng kagandahang karaniwan, hindi ang tipo na karaniwang nagpapatibok ng puso ni Eduardo.Lagi siyang iniiwasan ni Eduardo, at dahil doon, hindi na nila gaanong napapansin si Luna. Bihira na rin nilang makasalubong ang dalaga, at kung minsan ay hindi na nila ito kinikibo. Para bang isang anino lamang si Luna sa kanilang mga buhay.Sa katunayan, medyo malabo na ang alaala ni Apollo sa mukha Luna, kaya't hindi niya tiyak kung siya nga ang nakita nito. Ngunit kung si Luna man ang kanyang nakita, hindi na niya ito gaanong pinansin, at ibinalik
Ngunit sa panahong iyon, si Eduardo ay wala pang dalawampung taong gulang!Ang mga kompanya ni Eduardo ay sumasaklaw sa mga larangan ng teknolohiya, medisina, libangan at turismo.Sa sumunod na mga taon, habang itinatatag niya ang kanyang sariling kumpanya, kinuha niya ang pamumuno nang Monteverde's Group. At sa nakalipas na ilang taon, madali niyang itinaas ang Monteverde sa mas mataas na antas.Sino ba naman ang hindi magtataas ng hinlalaki kapag si Eduardo ang pinag-uusapan? Bukod pa rito, ay ang napaka guwapo nitong hitsura. Kaya naman hindi nakapagtataka kay Eleanor na si Luna, isang henyo, ay umiibig sa lalaki na isa ring henyo. Ngunit tila ang lalaking ito ay talagang walang awa sa mga taong ayaw niya.Nang maalala ni Eleanor kung paano mali ang pagkakaintindi ni Eduardo kay Luna, at kung paano sinayang nito ang taos-pusong pagmamahal sa kanya sa loob ng maraming taon, ay para bang tuluyan naring nawala ang paghanga niya sa lalaki.Matagal nang nakikita ni Eleanor kung gaano k
Napansin din ni Luna ang bahagyang pagkurap ng mga mata ni Eduardo, ang lalaking kilala sa kanyang kalmado at walang-emosyong mukha, isang palatandaan ng pagkagulat at paghanga. Ang karaniwang tipid niyang ekspresyon ay napalitan ng isang bagay na mas malalim, isang pagkilala sa kanyang husay na nasaksihan.Samantalang sina Apollo naman at ang anak niyang si Aria ay para bang nagising mula sa pagkatulala, parehong tumalon mula sa kanilang kina-uupuan. Ang kompetesyon ay pumasok na sa isang bagong antas ng kasidhian, puno ng kaba at kilig. Sa gitna ng kaguluhan at hiyawan, si Augustin ay nagsalita, ang boses niya'y malinaw at matatag habang hinihingi ang teleskopyo pabalik.Hindi tiyak kung si Regina lamang ang sentro ng atensyon ng binata. Mukhang hindi nga nito napapansin ang presensya ni Eduardo at maging ang iba pa nitong kasama.Isang sandali ng katahimikan ang sumunod, ang sigla ng kompetesyon ay biglang napalitan ng isang kakaibang tensyon. Pansamantalang natapos ang paligsahan
Dalawampung minuto ang lumipas bago niya natagpuan ang hinahanap. Pagod na pagod siya, ang mga mata'y nanlalabo na sa pagod. Nang sa wakas ay may naaninag siyang isang tao, isang pigura sa gitna ng karamihan. Nang makita ni Augustin si Luna, nanlaki ang mga mata ng binata, "Ate Luna? Anong ginagawa mo dito." tanong niya, puno ng pagtataka. Humugot ng hininga si Luna bago niya ikinuwento sa binata ang dahilan ng pagpunta.Ngunit si Augustin ay tila ba may sariling mundo, itinaas nito ang kanyang mga kamay, ang palad ay nakabukas, isang panata sa hangin, "Ngayon mismo! Makipagkompetensiya ang diyosa ko, si Gina, ang tinguriang numero unong babaeng karerista sa buong asya! Unang laban niya ito simula ng bumalik siya sa Valley Heights, hindi ko ito pwedeng palampasin! Nanunumpa ako ate Luna na babalik ako kaagad pagkatapos ng karera. Kaya't huwag ka nang mag-alala ate Luna, mauna ka ng umuwi at magpahinga!" anito."Pero..." Hindi pa man natapos magsalita si Luna nang marinig niya ang si
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Aria at nagsimula siyang mag kwento tungkol sa kanyang mga paboritong pagkain. Ang mga mata niya ay kumikinang habang binabanggit niya ang bawat detalye, ang bawat kagat, at bawat lasa.Habang si Eduardo naman na nasa gilid, ay tahimik na nakikinig sa kanyang anak.Nang matapos magsalita ang batang babae, isang papuri ang sumalubong sa kanya mula kay Regina, "Ang ganda naman ng damit mo, bagay sayo." malambing na boses ni Regina. "Talaga po tita?" masiglang sigaw ni Aria."Oo naman. Aria, kumusta ang araw mo sa eskwela? Nakasundo mo ba ng maayos ang ibang bata?" tanong muli ni Regina.Masayang nag-uusap ang dalawa. Bihira na ring makialam si Eduardo, at tahimik lang itong kumakain, ang kutsilyo at tinidor ang tangi lamang maririnig na gumagalaw ng marahan sa kanyang plato. Ang serbidor naman ng restawran ay may mga matang nakamasid sa kanilang masayang pag-uusap. Sa pananaw ng lalaki, isang perpektong larawan ng isang pamilya ang nabuo. Isang lihim
Matagal na rin palang hindi natitikman ni Aria ang masarap na luto ng kanyang ina, bigla niya na lamang naramdaman ang pagka-miss nito.Ngunit akmang bubukas na ang bibig niya para sabihin iyon, naalala niya ang kompetensyon ng tita Regina niya na gaganapin mamaya. Isang kidlat na galit ang sumilay sa mga mata niya, at bigla na lamang niyang binitawan ang pagkakayakap sa kanyang ina. "Wala." ang mariing tugon niya, ang boses ay puno ng pagpipigil.Maaari siyang kumain ng masasarap na pagkaing luto ng kanyang ina, anumang oras na kanyang nanaisin. Ngunit ang gaganapin na paligsahan ng kanyang tita Regina ay naisip niyang hindi naman madalas nagaganap. Isang espesyal na okasyon na talaga namang hinihintay niya at pinaghahandaan niya.Kaya naman walang pag-aalinlangan, mas pinili niya ang manuod sa kompetesyon kaysa makasama ang kanyang ina na kumain. "Sige, pumasok ka na kaagad, wag mong hayaan maghintay ng matagal ang iyong guro." ani Luna."Okay." tipid na sagot ng bata.Handa nang
Si Isabella ay isang napakagandang bata. Ang kanyang mukha ay angkop lamang sa kanyang edad, matamis at kaakit-akit. Hindi siya pangit o kasuklam-suklam, sa katunayan, lagi siyang pinupuri sa kanyang kagandahan. Likas na nakaka-engganyo ang kanyang itsura, na nag-uudyok sa iba na yakapin at mahalikan siya. Kaya't para sa batang babae, ang mga salitang iyon ay parang isang himala, tila para isang liwanag sa gitna ng dilim. Unang beses, ang mga luhang kanina'y kanyang pinipigilan ay biglang bumuhos, kaya't mas lalong humigpit ang kanyang pagyakap kay Luna.Mabilis na niyakap ni Luna ang bata, at kanyang pinatahan, "Hindi Isabella, hindi ka naman pangit, maganda at napaka kyut mo pa. Hindi ka ba naniniwala?" malumanay na sabi ni Luna.Nang mga sandaling iyon, gumaan ang kalooban ng bata matapos niyang marinig kay Luna ang mga salitang iyon. Bago paman siya makapagsalita, nakita ni Aria na yakap-yakap muli ni Luna ang batang si Isabella at pinupuri ito sa kagandahan at ka-kyutan! Agad na
Habang si Luna ay matyagang naghihintay habang nakaupo sa kanyang anak sa ibaba.Nang mga oras na iyon, tumunog ang screen ng cellphone ni Aria. Isang mensahe ang lumabas sa cellphone ng bata. Nabasa na Luna ang anim na salitang nakasulat sa screen nito, "Mahal ni tita Regina." Nang mabasa iyon ni Luna, bigla siyang napahinto. Isang bahagyang pagkunot ng noo ang sumilay sa kanyang mukha.Kahit pa si Aria ay wala pa sa wastong gulang, palagi niyang ginagalang ang personal na cellphone nito, ni minsan ay hindi niya sinubukang silipin ang mga mensahe o tawag nito mula nang magkaroon ito ng cellphone ng kanya. Ngunit nang mabasa niyang ang isang mensaheng ipinadala mula kay Regina, natigilan siya. Ilang sandali, bago paman niya ito tuluyang mabasa, dahan-dahang kinuha ni Luna ang cellphone habang ang mga daliri ay bahagya pang nanginginig.At doon napagtanto niya kung bakit madalas magalit sa kanya ang anak niya tuwing umaga.Mabilis itong binuklat ni Luna at doo'y natagpuan din niya an
Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Aria. Ang karera ng mga sasakyan mamaya, ang alala ng nakakamanghang mga kasuotan ng kanyang tita Regina ay ang mga imaheng nagdulot ng kakaibang sigla sa kanyang puso. Parang may mga naglalaro ng masayang musika sa kanyang kalooban. Matapos ang paghahanda at pagpapalit ng damit, marahang dinampot ng batang babae ang kanyang cellphone. Ang maliit na aparato, ay tagapagdala ng daigdig sa kanyang mga palad, at naghihintay sa kanyang mga daliri.Ngunit isang pagkunot ng noo ang sumunod sa ngiti. Sa nakaraan, kapag nagte-text siya sa kanyang tita Regina, agad naman itong sumasagot sa kanya.Subalit ng mga oras na iyon, kakatapos lang ng batang babae na maligo, nang muli niyang sipyatin ang kanyang cellphone, wala pa ring mensahe ang kanyang tita. May kung anong kirot ang bahagyang dumapi sa kanyang puso, naisip niyang baka galit ito sa kanya.Dahil dito, dali-dali siyang nagpadala muli ng mensahe kay Regina."[Tita, anong problema, galit ka ba?]" panimu
Tinignan ni Luna ang likod nito, iniisip ang kanilang diborsyo, at nais na itanong kung kailan sila makakapunta para kunin ang sertipiko ng diborsyo.Ngunit kayrami ngang pinagkakaabalahan si Eduardo. Batid niyang sa kalikasan nitong mapagpasyahan, sa sandaling ma kompleto na ang lahat ng kinakailangang pormalidad, siya na mismo ang magpapabatid kay Luna, na hindi na kinakailangang pilitin pa sa huli.Bukod pa rito, siya naman talaga ang mas nagnanais ng paghihiwalay, at hindi si Luna.At dahil dito, matiyaga na lamang aantayin ang anumang balita mula kay Eduardo sa nakaraang linggo, nang hindi man lang nagtatangkang mag-usisa.Sa sandaling iyon, tumunog ang cellphone ni Eduardo.Nasaksihan ni Luna kung paano sinagot ng lalaki ang tawag, at ang pagbati niyang "Hello" ay lubhang kakaiba sa karaniwan niyang tono sa pakikipag-usap sa kanya sa telepono, may lambing sa tinig nito.Agad na umukit sa isipan ni Luna ang posibilidad na si Regina ang kausap ng lalaki sa kabilang linya. Samantal
Mula kay Clara ang tinig. Napabaling si Luna sa pinanggalingan ng boses. Doon niya nakita sina Eduardo at Clara.Sandaling napahinto si Luna.Nang mga sandaling iyon, si Eduardo humihithit ng sigarilyo, ang usok ay sumasabay sa katahimikan, walang sagot na binitawan. Malayo ang distansya, at ang likod lamang ng lalaki ang nakikita ni Luna, kaya naman hindi niya makita ang ekspresyon nito sa mukha. "Sa totoo lang, naiintindihan kita," wika ni Clara. "Ilang beses ko nang nakasalamuha si Regina, bente-singko anyus pa lang siya, pero may dectorate na mula sa isang unibersidad na kinikilala sa buong mundo.""Mukhang kaya niyang panghawakan nang maayos ang negosyo ng pamilya. Maganda siya, at ang ugali ay ligaw at matapang. Ang galing at kinang niya, hindi taglay ng karamihan, at mayroon siyang karisma upang makuha ang atensyon mo. Pero ang pinagmulan niya ay hindi sapat na marangal. Eduardo, pinag-isipan mo ba ito ng mabuti? Ikaw--" pagpapatuloy pa ni Clara."Alam ko kung anong klaseng b