Habang si Luna ay matyagang naghihintay habang nakaupo sa kanyang anak sa ibaba.Nang mga oras na iyon, tumunog ang screen ng cellphone ni Aria. Isang mensahe ang lumabas sa cellphone ng bata. Nabasa na Luna ang anim na salitang nakasulat sa screen nito, "Mahal ni tita Regina." Nang mabasa iyon ni Luna, bigla siyang napahinto. Isang bahagyang pagkunot ng noo ang sumilay sa kanyang mukha.Kahit pa si Aria ay wala pa sa wastong gulang, palagi niyang ginagalang ang personal na cellphone nito, ni minsan ay hindi niya sinubukang silipin ang mga mensahe o tawag nito mula nang magkaroon ito ng cellphone ng kanya. Ngunit nang mabasa niyang ang isang mensaheng ipinadala mula kay Regina, natigilan siya. Ilang sandali, bago paman niya ito tuluyang mabasa, dahan-dahang kinuha ni Luna ang cellphone habang ang mga daliri ay bahagya pang nanginginig.At doon napagtanto niya kung bakit madalas magalit sa kanya ang anak niya tuwing umaga.Mabilis itong binuklat ni Luna at doo'y natagpuan din niya an
Si Isabella ay isang napakagandang bata. Ang kanyang mukha ay angkop lamang sa kanyang edad, matamis at kaakit-akit. Hindi siya pangit o kasuklam-suklam, sa katunayan, lagi siyang pinupuri sa kanyang kagandahan. Likas na nakaka-engganyo ang kanyang itsura, na nag-uudyok sa iba na yakapin at mahalikan siya. Kaya't para sa batang babae, ang mga salitang iyon ay parang isang himala, tila para isang liwanag sa gitna ng dilim. Unang beses, ang mga luhang kanina'y kanyang pinipigilan ay biglang bumuhos, kaya't mas lalong humigpit ang kanyang pagyakap kay Luna.Mabilis na niyakap ni Luna ang bata, at kanyang pinatahan, "Hindi Isabella, hindi ka naman pangit, maganda at napaka kyut mo pa. Hindi ka ba naniniwala?" malumanay na sabi ni Luna.Nang mga sandaling iyon, gumaan ang kalooban ng bata matapos niyang marinig kay Luna ang mga salitang iyon. Bago paman siya makapagsalita, nakita ni Aria na yakap-yakap muli ni Luna ang batang si Isabella at pinupuri ito sa kagandahan at ka-kyutan! Agad na
Matagal na rin palang hindi natitikman ni Aria ang masarap na luto ng kanyang ina, bigla niya na lamang naramdaman ang pagka-miss nito.Ngunit akmang bubukas na ang bibig niya para sabihin iyon, naalala niya ang kompetensyon ng tita Regina niya na gaganapin mamaya. Isang kidlat na galit ang sumilay sa mga mata niya, at bigla na lamang niyang binitawan ang pagkakayakap sa kanyang ina. "Wala." ang mariing tugon niya, ang boses ay puno ng pagpipigil.Maaari siyang kumain ng masasarap na pagkaing luto ng kanyang ina, anumang oras na kanyang nanaisin. Ngunit ang gaganapin na paligsahan ng kanyang tita Regina ay naisip niyang hindi naman madalas nagaganap. Isang espesyal na okasyon na talaga namang hinihintay niya at pinaghahandaan niya.Kaya naman walang pag-aalinlangan, mas pinili niya ang manuod sa kompetesyon kaysa makasama ang kanyang ina na kumain. "Sige, pumasok ka na kaagad, wag mong hayaan maghintay ng matagal ang iyong guro." ani Luna."Okay." tipid na sagot ng bata.Handa nang
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Aria at nagsimula siyang mag kwento tungkol sa kanyang mga paboritong pagkain. Ang mga mata niya ay kumikinang habang binabanggit niya ang bawat detalye, ang bawat kagat, at bawat lasa.Habang si Eduardo naman na nasa gilid, ay tahimik na nakikinig sa kanyang anak.Nang matapos magsalita ang batang babae, isang papuri ang sumalubong sa kanya mula kay Regina, "Ang ganda naman ng damit mo, bagay sayo." malambing na boses ni Regina. "Talaga po tita?" masiglang sigaw ni Aria."Oo naman. Aria, kumusta ang araw mo sa eskwela? Nakasundo mo ba ng maayos ang ibang bata?" tanong muli ni Regina.Masayang nag-uusap ang dalawa. Bihira na ring makialam si Eduardo, at tahimik lang itong kumakain, ang kutsilyo at tinidor ang tangi lamang maririnig na gumagalaw ng marahan sa kanyang plato. Ang serbidor naman ng restawran ay may mga matang nakamasid sa kanilang masayang pag-uusap. Sa pananaw ng lalaki, isang perpektong larawan ng isang pamilya ang nabuo. Isang lihim
Nang dumating si Luna Santos- Monteverde sa paliparan sa lungsod ng Villa Esperanza, lampas na sa alas nuebe ng gabi.Ngayong araw ay kaarawan niya.Nang binuksan niya ang kanyang telepono, sunod-sunod na bati ang bumungad sa kanya. Ang mga mensahe na mula sa kanyang mga kaibigan, mga kamag-anak, at mga kakilala.Ngunit sa kabila ng mga mensaheng natanggap niya, wala ning isang bati man lang sa kanyang kinakasamang si Eduardo Monteverde ang natanggap. Bahagyang natunaw ang mga ngiti sa labi ni Luna.Nang makarating sila sa Villa, lampas na sa alas diyes ng gabi.“Madam, ahhh ano pong ginagawa niyo rito?” nagtataka at naguguluhang boses ng mayordoma na si Aurora.“Nasaan sina Eduardo at Aria?” mahinang tanong ni Luna.“Hindi pa po nakabalik si Boss, nasa kwarto naman ang bata naglalaro.” sagot ng mayordoma.Inabot ni Luna ang bitbit niyang maleta sa mayordoma at dahan-dahang umakyat sa itaas na palapag ng hagdan. Nang makarating siya sa silid ng kanyang anak, naabutan niya ang supling
“Si Daddy at ako ay nagkasundo na sasamahan namin sa dalampasigan si Tita Regina bukas. Kung sakaling biglang na lamang dumating si Mommy at sumama sa amin, magiging nakakahiya ito para sa amin.” nagsusumigaw pa ng munting bata.“Bukod pa rito, laging masungit si Mommy, hindi maganda ang kanyang pakikitungo kay Tita Regina.” dagdag pa nito.“Binibini, siya ay ang iyong Ina. Hindi ka dapat magsalita ng ganyan. Masasaktan ang damdamin ng iyong Ina maayos ba?” mahinahong tugon ng mayordoma.“Alam ko, pero mas gusto namin ni Daddy si Tita Regina. Hindi ba pwedeng siya na lang ang maging Ina ko?” sagot ng supling.Hindi na narinig pa ni Luna ang mga salitang binitawan ng mayordoma.Siya na ang nag-alaga at nagpalaki sa kanyang anak ng mag-isa. Sa nakalipas na dalawang taon, mas marami silang oras na magkasama. Sa halip, si Aria ay mas malapit sa kanyang ama. Noong nakaraang taon, pumunta si Eduardo sa Villa Esperanza upang paunlarin ang merkado, at ang kanyang anak na babae ay kinakailanga
Pagsapit ng alas siyete ng gabi, nagbalik sina Eduardo kasama ang anak niyang babae sa kanilang tahanan. Mahigpit na nakahawak ang bata sa laylayan ng damit kanyang Ama habang dahan-dahang bumaba ng sasakyan.Halos ayaw umuwi ng bata ng gabing iyon, dahil naroon ang kanyang Ina.Ngunit sinabihan ito ng Tita Regina niya na ang kanyang Ina ay pumarito upang makasama siya at ang kanyang Ama, at kung hindi sila uuwi, tiyak malulungkot ito.Walang magawa ang munting supling kundi sumang-ayon na umuwi.Ngunit may bahid pa rin ng pag-aalala sa kanyang mga mata, at sinabi ng may mapait na boses. “Dad, paano kung ipilit ni Mommy na lumabas tayo bukas?” anito sa kanyang Ama.“Hindi.” Mariin na sagot ni Eduardo.Sa mga taon ng kanilang pagsasama, laging si Luna ang naghahanap ng mga pagkakataon upang gumugol ng mas maraming oras sa kanya.Ngunit ang lalaki ay makatwiran.Hangga’t ipinapakita ng lalaki ang kanyang paninindigan, hindi siya nagnanais na magdulot ng hindi kasiyahan sa kanya.Sa pag
Karaniwan nang ginagamit ni Luna ang kanyang sariling card sa mga pangangailangan niya.Mula sa simula hanggang wakas, hindi niya kailanman hinawakan ang card ng kanyang anak.Higit pa rito, ang pagmamahal niya kay Eduardo ay umaapaw. Sa tuwing namimili siya, hindi niya mapigilang bumili ng mga damit, sapatos, kapeng iniinom, kurbata, at iba pang mga bagay na angkop sa panlasa ng kanyang minamahal.Para sa kanyang sarili, dahil sa trabaho, hindi mataas ang kanyang pang araw-araw na gastusin. Ang kanyang puso at paningin ay puno ng pagmamahal para sa kanyang anak at asawa, at nais niyang ibigay sa kanila ang pinakamabuti sa lahat ng bagay. Kaya naman, karaniwan sa pamumuhay na ibinigay ni Eduardo ay ginagastos niya para sa kanila.Sa ganitong kalagayan, hindi na dapat magkaroon pa ng natitirang pondo sa kanyang credit card.Ngunit sa nagdaang mga taon, dahil sa paglipat ng kanilang anak sa Villa Esperanza upang makasama ang kanyang ama, naging limitado ang mga pagkakataon ni Luna na ma
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Aria at nagsimula siyang mag kwento tungkol sa kanyang mga paboritong pagkain. Ang mga mata niya ay kumikinang habang binabanggit niya ang bawat detalye, ang bawat kagat, at bawat lasa.Habang si Eduardo naman na nasa gilid, ay tahimik na nakikinig sa kanyang anak.Nang matapos magsalita ang batang babae, isang papuri ang sumalubong sa kanya mula kay Regina, "Ang ganda naman ng damit mo, bagay sayo." malambing na boses ni Regina. "Talaga po tita?" masiglang sigaw ni Aria."Oo naman. Aria, kumusta ang araw mo sa eskwela? Nakasundo mo ba ng maayos ang ibang bata?" tanong muli ni Regina.Masayang nag-uusap ang dalawa. Bihira na ring makialam si Eduardo, at tahimik lang itong kumakain, ang kutsilyo at tinidor ang tangi lamang maririnig na gumagalaw ng marahan sa kanyang plato. Ang serbidor naman ng restawran ay may mga matang nakamasid sa kanilang masayang pag-uusap. Sa pananaw ng lalaki, isang perpektong larawan ng isang pamilya ang nabuo. Isang lihim
Matagal na rin palang hindi natitikman ni Aria ang masarap na luto ng kanyang ina, bigla niya na lamang naramdaman ang pagka-miss nito.Ngunit akmang bubukas na ang bibig niya para sabihin iyon, naalala niya ang kompetensyon ng tita Regina niya na gaganapin mamaya. Isang kidlat na galit ang sumilay sa mga mata niya, at bigla na lamang niyang binitawan ang pagkakayakap sa kanyang ina. "Wala." ang mariing tugon niya, ang boses ay puno ng pagpipigil.Maaari siyang kumain ng masasarap na pagkaing luto ng kanyang ina, anumang oras na kanyang nanaisin. Ngunit ang gaganapin na paligsahan ng kanyang tita Regina ay naisip niyang hindi naman madalas nagaganap. Isang espesyal na okasyon na talaga namang hinihintay niya at pinaghahandaan niya.Kaya naman walang pag-aalinlangan, mas pinili niya ang manuod sa kompetesyon kaysa makasama ang kanyang ina na kumain. "Sige, pumasok ka na kaagad, wag mong hayaan maghintay ng matagal ang iyong guro." ani Luna."Okay." tipid na sagot ng bata.Handa nang
Si Isabella ay isang napakagandang bata. Ang kanyang mukha ay angkop lamang sa kanyang edad, matamis at kaakit-akit. Hindi siya pangit o kasuklam-suklam, sa katunayan, lagi siyang pinupuri sa kanyang kagandahan. Likas na nakaka-engganyo ang kanyang itsura, na nag-uudyok sa iba na yakapin at mahalikan siya. Kaya't para sa batang babae, ang mga salitang iyon ay parang isang himala, tila para isang liwanag sa gitna ng dilim. Unang beses, ang mga luhang kanina'y kanyang pinipigilan ay biglang bumuhos, kaya't mas lalong humigpit ang kanyang pagyakap kay Luna.Mabilis na niyakap ni Luna ang bata, at kanyang pinatahan, "Hindi Isabella, hindi ka naman pangit, maganda at napaka kyut mo pa. Hindi ka ba naniniwala?" malumanay na sabi ni Luna.Nang mga sandaling iyon, gumaan ang kalooban ng bata matapos niyang marinig kay Luna ang mga salitang iyon. Bago paman siya makapagsalita, nakita ni Aria na yakap-yakap muli ni Luna ang batang si Isabella at pinupuri ito sa kagandahan at ka-kyutan! Agad na
Habang si Luna ay matyagang naghihintay habang nakaupo sa kanyang anak sa ibaba.Nang mga oras na iyon, tumunog ang screen ng cellphone ni Aria. Isang mensahe ang lumabas sa cellphone ng bata. Nabasa na Luna ang anim na salitang nakasulat sa screen nito, "Mahal ni tita Regina." Nang mabasa iyon ni Luna, bigla siyang napahinto. Isang bahagyang pagkunot ng noo ang sumilay sa kanyang mukha.Kahit pa si Aria ay wala pa sa wastong gulang, palagi niyang ginagalang ang personal na cellphone nito, ni minsan ay hindi niya sinubukang silipin ang mga mensahe o tawag nito mula nang magkaroon ito ng cellphone ng kanya. Ngunit nang mabasa niyang ang isang mensaheng ipinadala mula kay Regina, natigilan siya. Ilang sandali, bago paman niya ito tuluyang mabasa, dahan-dahang kinuha ni Luna ang cellphone habang ang mga daliri ay bahagya pang nanginginig.At doon napagtanto niya kung bakit madalas magalit sa kanya ang anak niya tuwing umaga.Mabilis itong binuklat ni Luna at doo'y natagpuan din niya an
Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Aria. Ang karera ng mga sasakyan mamaya, ang alala ng nakakamanghang mga kasuotan ng kanyang tita Regina ay ang mga imaheng nagdulot ng kakaibang sigla sa kanyang puso. Parang may mga naglalaro ng masayang musika sa kanyang kalooban. Matapos ang paghahanda at pagpapalit ng damit, marahang dinampot ng batang babae ang kanyang cellphone. Ang maliit na aparato, ay tagapagdala ng daigdig sa kanyang mga palad, at naghihintay sa kanyang mga daliri.Ngunit isang pagkunot ng noo ang sumunod sa ngiti. Sa nakaraan, kapag nagte-text siya sa kanyang tita Regina, agad naman itong sumasagot sa kanya.Subalit ng mga oras na iyon, kakatapos lang ng batang babae na maligo, nang muli niyang sipyatin ang kanyang cellphone, wala pa ring mensahe ang kanyang tita. May kung anong kirot ang bahagyang dumapi sa kanyang puso, naisip niyang baka galit ito sa kanya.Dahil dito, dali-dali siyang nagpadala muli ng mensahe kay Regina."[Tita, anong problema, galit ka ba?]" panimu
Tinignan ni Luna ang likod nito, iniisip ang kanilang diborsyo, at nais na itanong kung kailan sila makakapunta para kunin ang sertipiko ng diborsyo.Ngunit kayrami ngang pinagkakaabalahan si Eduardo. Batid niyang sa kalikasan nitong mapagpasyahan, sa sandaling ma kompleto na ang lahat ng kinakailangang pormalidad, siya na mismo ang magpapabatid kay Luna, na hindi na kinakailangang pilitin pa sa huli.Bukod pa rito, siya naman talaga ang mas nagnanais ng paghihiwalay, at hindi si Luna.At dahil dito, matiyaga na lamang aantayin ang anumang balita mula kay Eduardo sa nakaraang linggo, nang hindi man lang nagtatangkang mag-usisa.Sa sandaling iyon, tumunog ang cellphone ni Eduardo.Nasaksihan ni Luna kung paano sinagot ng lalaki ang tawag, at ang pagbati niyang "Hello" ay lubhang kakaiba sa karaniwan niyang tono sa pakikipag-usap sa kanya sa telepono, may lambing sa tinig nito.Agad na umukit sa isipan ni Luna ang posibilidad na si Regina ang kausap ng lalaki sa kabilang linya. Samantal
Mula kay Clara ang tinig. Napabaling si Luna sa pinanggalingan ng boses. Doon niya nakita sina Eduardo at Clara.Sandaling napahinto si Luna.Nang mga sandaling iyon, si Eduardo humihithit ng sigarilyo, ang usok ay sumasabay sa katahimikan, walang sagot na binitawan. Malayo ang distansya, at ang likod lamang ng lalaki ang nakikita ni Luna, kaya naman hindi niya makita ang ekspresyon nito sa mukha. "Sa totoo lang, naiintindihan kita," wika ni Clara. "Ilang beses ko nang nakasalamuha si Regina, bente-singko anyus pa lang siya, pero may dectorate na mula sa isang unibersidad na kinikilala sa buong mundo.""Mukhang kaya niyang panghawakan nang maayos ang negosyo ng pamilya. Maganda siya, at ang ugali ay ligaw at matapang. Ang galing at kinang niya, hindi taglay ng karamihan, at mayroon siyang karisma upang makuha ang atensyon mo. Pero ang pinagmulan niya ay hindi sapat na marangal. Eduardo, pinag-isipan mo ba ito ng mabuti? Ikaw--" pagpapatuloy pa ni Clara."Alam ko kung anong klaseng b
Ngunit nang masaksihan ang walang kapantay na kaligayahan sa mga mata ng matanda, pinili nina Clara at Marcela na manahimik na lamang, at hindi na nila sinira ang kasiyahan ng ginang.Nang gabing iyon, sumunod sila sa kagustuhan ng matanda at nagpalipas ng gabi sa lumang bahay. Bandang alas-otso, nagtungo sina Eduardo at ang ginang sa silid-aklatan upang pag-usapan ang tungkol sa negosyo.Maingat namang hinawakan ng batang babae si Luna, ang mga matang bata'y nagsusumamo ng tulong. "Gusto ko na pong maligo at matulog." malumanay na wika nito. Walang pag-alinlangan, sinamahan ni Luna ang kanyang anak sa pag-akyat, handang gampanan ang tungkuling inaasahan sa kanya.Habang nakahimlay sa maliit na batya, ang mga matang maliliit ni Aria ay nag-angat, isang maingat na tanong ang kumawala sa kanyang mga labi, "Mom, mayroon po ba kayong gagawin bukas ng umaga?"Kahit kaya niyang magparaya at pumayag na ang kanyang ina ang sumama sa kanya sa paaralan kinabukasan, sa kanyang puso'y si Regina
Isang buntong-hininga ang kumawala sa labi ng matandang ginang, ang bigat sa kanyang damdamin ay tila isang mabigat na bato sa kanyang dibdib. Sa kanyang mga mata, nakikita niya ang kahinaan ni Luna, ang pagiging sunod-sunuran at pagpapaubaya kay Eduardo. Isang pagsuko na nagresulta sa kawalan ng pag-unlad sa kanilang relasyon sa loob ng mahabang panahon.Ngunit dahil iyon ang sinabi ni Luna, hindi na ito pinilit pa ng matandang ginang.Opisyal ng nagsimula ang hapunan, at habang kumakain ay nag-uusap silang lahat. Magandang ang naging takbo ng kanilang usapan.Bihira lamang magsalita si Luna, tahimik lamang siyang nakayuko habang kumakain.Mula nang dumating si Eduardo, mahigit sampung minuto na ang nakalilipas, ngunit ni isang salita man lang ay hindi pa nila nagagawa sa isat-isa.Ganoon na nga ang nakasanayan nilang katahimikan, isang katahimikan na mas malalim pa sa anumang salita. Parang normal nalang sa kanila ang lahat.Nasanay na rin ang lahat sa kanilang katahimikan, kaya't h