Tinignan ni Luna ang likod nito, iniisip ang kanilang diborsyo, at nais na itanong kung kailan sila makakapunta para kunin ang sertipiko ng diborsyo.Ngunit kayrami ngang pinagkakaabalahan si Eduardo. Batid niyang sa kalikasan nitong mapagpasyahan, sa sandaling ma kompleto na ang lahat ng kinakailangang pormalidad, siya na mismo ang magpapabatid kay Luna, na hindi na kinakailangang pilitin pa sa huli.Bukod pa rito, siya naman talaga ang mas nagnanais ng paghihiwalay, at hindi si Luna.At dahil dito, matiyaga na lamang aantayin ang anumang balita mula kay Eduardo sa nakaraang linggo, nang hindi man lang nagtatangkang mag-usisa.Sa sandaling iyon, tumunog ang cellphone ni Eduardo.Nasaksihan ni Luna kung paano sinagot ng lalaki ang tawag, at ang pagbati niyang "Hello" ay lubhang kakaiba sa karaniwan niyang tono sa pakikipag-usap sa kanya sa telepono, may lambing sa tinig nito.Agad na umukit sa isipan ni Luna ang posibilidad na si Regina ang kausap ng lalaki sa kabilang linya. Samantal
Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Aria. Ang karera ng mga sasakyan mamaya, ang alala ng nakakamanghang mga kasuotan ng kanyang tita Regina ay ang mga imaheng nagdulot ng kakaibang sigla sa kanyang puso. Parang may mga naglalaro ng masayang musika sa kanyang kalooban. Matapos ang paghahanda at pagpapalit ng damit, marahang dinampot ng batang babae ang kanyang cellphone. Ang maliit na aparato, ay tagapagdala ng daigdig sa kanyang mga palad, at naghihintay sa kanyang mga daliri.Ngunit isang pagkunot ng noo ang sumunod sa ngiti. Sa nakaraan, kapag nagte-text siya sa kanyang tita Regina, agad naman itong sumasagot sa kanya.Subalit ng mga oras na iyon, kakatapos lang ng batang babae na maligo, nang muli niyang sipyatin ang kanyang cellphone, wala pa ring mensahe ang kanyang tita. May kung anong kirot ang bahagyang dumapi sa kanyang puso, naisip niyang baka galit ito sa kanya.Dahil dito, dali-dali siyang nagpadala muli ng mensahe kay Regina."[Tita, anong problema, galit ka ba?]" panimu
Habang si Luna ay matyagang naghihintay habang nakaupo sa kanyang anak sa ibaba.Nang mga oras na iyon, tumunog ang screen ng cellphone ni Aria. Isang mensahe ang lumabas sa cellphone ng bata. Nabasa na Luna ang anim na salitang nakasulat sa screen nito, "Mahal ni tita Regina." Nang mabasa iyon ni Luna, bigla siyang napahinto. Isang bahagyang pagkunot ng noo ang sumilay sa kanyang mukha.Kahit pa si Aria ay wala pa sa wastong gulang, palagi niyang ginagalang ang personal na cellphone nito, ni minsan ay hindi niya sinubukang silipin ang mga mensahe o tawag nito mula nang magkaroon ito ng cellphone ng kanya. Ngunit nang mabasa niyang ang isang mensaheng ipinadala mula kay Regina, natigilan siya. Ilang sandali, bago paman niya ito tuluyang mabasa, dahan-dahang kinuha ni Luna ang cellphone habang ang mga daliri ay bahagya pang nanginginig.At doon napagtanto niya kung bakit madalas magalit sa kanya ang anak niya tuwing umaga.Mabilis itong binuklat ni Luna at doo'y natagpuan din niya an
Si Isabella ay isang napakagandang bata. Ang kanyang mukha ay angkop lamang sa kanyang edad, matamis at kaakit-akit. Hindi siya pangit o kasuklam-suklam, sa katunayan, lagi siyang pinupuri sa kanyang kagandahan. Likas na nakaka-engganyo ang kanyang itsura, na nag-uudyok sa iba na yakapin at mahalikan siya. Kaya't para sa batang babae, ang mga salitang iyon ay parang isang himala, tila para isang liwanag sa gitna ng dilim. Unang beses, ang mga luhang kanina'y kanyang pinipigilan ay biglang bumuhos, kaya't mas lalong humigpit ang kanyang pagyakap kay Luna.Mabilis na niyakap ni Luna ang bata, at kanyang pinatahan, "Hindi Isabella, hindi ka naman pangit, maganda at napaka kyut mo pa. Hindi ka ba naniniwala?" malumanay na sabi ni Luna.Nang mga sandaling iyon, gumaan ang kalooban ng bata matapos niyang marinig kay Luna ang mga salitang iyon. Bago paman siya makapagsalita, nakita ni Aria na yakap-yakap muli ni Luna ang batang si Isabella at pinupuri ito sa kagandahan at ka-kyutan! Agad na
Matagal na rin palang hindi natitikman ni Aria ang masarap na luto ng kanyang ina, bigla niya na lamang naramdaman ang pagka-miss nito.Ngunit akmang bubukas na ang bibig niya para sabihin iyon, naalala niya ang kompetensyon ng tita Regina niya na gaganapin mamaya. Isang kidlat na galit ang sumilay sa mga mata niya, at bigla na lamang niyang binitawan ang pagkakayakap sa kanyang ina. "Wala." ang mariing tugon niya, ang boses ay puno ng pagpipigil.Maaari siyang kumain ng masasarap na pagkaing luto ng kanyang ina, anumang oras na kanyang nanaisin. Ngunit ang gaganapin na paligsahan ng kanyang tita Regina ay naisip niyang hindi naman madalas nagaganap. Isang espesyal na okasyon na talaga namang hinihintay niya at pinaghahandaan niya.Kaya naman walang pag-aalinlangan, mas pinili niya ang manuod sa kompetesyon kaysa makasama ang kanyang ina na kumain. "Sige, pumasok ka na kaagad, wag mong hayaan maghintay ng matagal ang iyong guro." ani Luna."Okay." tipid na sagot ng bata.Handa nang
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Aria at nagsimula siyang mag kwento tungkol sa kanyang mga paboritong pagkain. Ang mga mata niya ay kumikinang habang binabanggit niya ang bawat detalye, ang bawat kagat, at bawat lasa.Habang si Eduardo naman na nasa gilid, ay tahimik na nakikinig sa kanyang anak.Nang matapos magsalita ang batang babae, isang papuri ang sumalubong sa kanya mula kay Regina, "Ang ganda naman ng damit mo, bagay sayo." malambing na boses ni Regina. "Talaga po tita?" masiglang sigaw ni Aria."Oo naman. Aria, kumusta ang araw mo sa eskwela? Nakasundo mo ba ng maayos ang ibang bata?" tanong muli ni Regina.Masayang nag-uusap ang dalawa. Bihira na ring makialam si Eduardo, at tahimik lang itong kumakain, ang kutsilyo at tinidor ang tangi lamang maririnig na gumagalaw ng marahan sa kanyang plato. Ang serbidor naman ng restawran ay may mga matang nakamasid sa kanilang masayang pag-uusap. Sa pananaw ng lalaki, isang perpektong larawan ng isang pamilya ang nabuo. Isang lihim
Dalawampung minuto ang lumipas bago niya natagpuan ang hinahanap. Pagod na pagod siya, ang mga mata'y nanlalabo na sa pagod. Nang sa wakas ay may naaninag siyang isang tao, isang pigura sa gitna ng karamihan. Nang makita ni Augustin si Luna, nanlaki ang mga mata ng binata, "Ate Luna? Anong ginagawa mo dito." tanong niya, puno ng pagtataka. Humugot ng hininga si Luna bago niya ikinuwento sa binata ang dahilan ng pagpunta.Ngunit si Augustin ay tila ba may sariling mundo, itinaas nito ang kanyang mga kamay, ang palad ay nakabukas, isang panata sa hangin, "Ngayon mismo! Makipagkompetensiya ang diyosa ko, si Gina, ang tinguriang numero unong babaeng karerista sa buong asya! Unang laban niya ito simula ng bumalik siya sa Valley Heights, hindi ko ito pwedeng palampasin! Nanunumpa ako ate Luna na babalik ako kaagad pagkatapos ng karera. Kaya't huwag ka nang mag-alala ate Luna, mauna ka ng umuwi at magpahinga!" anito."Pero..." Hindi pa man natapos magsalita si Luna nang marinig niya ang si
Napansin din ni Luna ang bahagyang pagkurap ng mga mata ni Eduardo, ang lalaking kilala sa kanyang kalmado at walang-emosyong mukha, isang palatandaan ng pagkagulat at paghanga. Ang karaniwang tipid niyang ekspresyon ay napalitan ng isang bagay na mas malalim, isang pagkilala sa kanyang husay na nasaksihan.Samantalang sina Apollo naman at ang anak niyang si Aria ay para bang nagising mula sa pagkatulala, parehong tumalon mula sa kanilang kina-uupuan. Ang kompetesyon ay pumasok na sa isang bagong antas ng kasidhian, puno ng kaba at kilig. Sa gitna ng kaguluhan at hiyawan, si Augustin ay nagsalita, ang boses niya'y malinaw at matatag habang hinihingi ang teleskopyo pabalik.Hindi tiyak kung si Regina lamang ang sentro ng atensyon ng binata. Mukhang hindi nga nito napapansin ang presensya ni Eduardo at maging ang iba pa nitong kasama.Isang sandali ng katahimikan ang sumunod, ang sigla ng kompetesyon ay biglang napalitan ng isang kakaibang tensyon. Pansamantalang natapos ang paligsahan
Noong labing pitong taong gulang pa lamang si Luna, binuo na niya ang Technopath kasama ang kanyang koponan. Marami noon ang nagpapawalang-halaga rito, at itinuturing na ordinaryo lamang. Ngunit sa paglipas ng panahon, napatunayan nitong ito ang pinakamatibay na sandata ng kanilang kompanya, isang hindi matitinag na pundasyon ng kanilang tagumpay. Ngayon, kinilala na ng buong industriya ang kahanga-hangang kakayahan ng Technopath. Kaya naman tiyak na ang pagdating ni Regina ay dahil dito."Sa nakalipas na dalawa o tatlong taon, talagang napakaraming mahuhusay na indibidwal mula sa iba't-ibang larangan ang nagtungo sa aming kompanya, dahil sa wikang programming na ito." muling paliwanag ni Jeriko.Laking gulat ni Luna sa kanyang mga narinig.Mariing tumingin si Jeriko kay Luna, hinaplos ang kanyang ulo, at ngumiti habang sinasabi, "Kaya naman hindi ako nagkakamali kapag sinabi kong wala siyang halaga sa harap mo." Dagdag pa ng lalaki.Talagang napakagaling ni Luna sa larangang ito. Paa
Kinabukasan. Nakauwi lamang si Luna sa kanyang bahay matapos tuluyang humupa ang lagnat ni Eleanor.Pagkauwi niya, naalala niyang hindi pa pala niya nasisimulan ang paghahanda ng kanyang damit para sa gaganaping salu-salo bukas ng gabi.Kinahapunan, umalis si Luna.Pagdating niya sa isang mamahaling tindahan ng mga damit, abala pa ang tagapamahala at ilang mga empleyado sa isang damit. Dahil sa abala, napansin lamang nila ang presensya ni Luna nang lapitan niya ang mga ito."Paumanhin mis, ano po ang kailangan niyo?" boses ng babaeng tauhan."Ahh, titingin na muna ako." ani Luna."Sige po." malumanay na tumango ang tauhang babae.Bagama't ikinasal siya sa pamilya Monteverde, halos si Luna ay hindi nakakadalo sa anumang mga salu-salo sa nakalipas na mga taon.Kung tutuusin, hindi siya isinasama nina Eduardo at Marcela kahit pa kinakailangan nilang dumalo sa mga pormal na okasyon.Kung tungkol naman sa matandang ginang, matagal na siyang nanatili sa likod ng mga eksena at hindi na nag
Ilang sandali lamang matapos ang pagpupulong, lumapit kay Luna ang sekretaryang si Miguel. Ang mga salita niya ay banayad, halos bulong ngunit sapat na upang marinig iyon ni Luna."Halos tapos na ang iyong paglilipat sa trabaho, mukhang hindi mo na kailangang bumalik bukas." boses ni Miguel, habang ang mga mata'y naglalaman ng isang hindi mabatid na emosyon.Isang simpleng "Alam ko." Lamang ang isinagot ni Luna rito. Walang anumang emosyon ang naririnig sa kanyang titig, isang patunay ng kanyang mahinahong pagtanggap sa balita.Nakapagdesisyon na si Luna na siya na mismo ang magpapaalam kay Miguel sa pagkompleto ng kanyang mga gawain, kahit hindi pa man ito binabanggit sa kanya.Dahil sa personal siyang pinuntahan ng sekretarya, nakaiwas si Luna sa pagod ng paglalakbay. Ngunit hindi inaasahan ni Miguel ang gaan ng pagpayag nito. "Ahh saka nga pala..." usal ni Luna, saka inunat ang kanyang kamay, "Salamat sa pag-aalalaga mo sa mga nakaraang taon." aniya.Hindi pa rin nakakabawi si Mig
Dahil sa kulit ng kanyang anak, wala nang nagawa si Luna kundi ang sumamahan na ito sa hapag-kainan at naupo sa tapat ni Eduardo.Marahan namang inabutan ng mayordoma si Luna ng isang basong tubig. Habang iniinom ito ni Luna, tahimik niyang pinakinggan ang kuwento ni Aria sa mga nangyari sa kanyang paaralan nitong mga nakaraang araw. Si Eduardo naman ay parang wala siyang nakikitang iba kundi ang kanyang anak. Sinasadya niya ba iyon? O sadyang wala lang siyang pakialam? Hindi masasabi, ngunit ang pagwawalang-bahala niya kay Eduardo ay hindi nakaligtas sa paningin nito. Napansin ni Eduardo ang pagbabago sa pakikitungo sa kanya ni Luna. Naalala ng lalaki ang huling pagbisita nila sa lumang bahay. Ganoon rin ang pakikitungo ni Luna sa kanya noon. Ang pag-aalala na iyon ay nagdulot ng isang madilim na anino sa kanyang mukha. Napakunot ang noo niya, ang galaw ng kanyang mga kamay ay huminto sa pagkain.Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang cellphone ni Eduardo. Saktong napatingin si L
"Opo." mahinang bulong ni Aria, ang pag-puot ng kanyang mga labi ay bahagyang humupa, napalitan ng isang manipis na ngiti. Isang maliit na tagumpay laban sa lungkot. Ibinaba niya ang telepono at bumaba sa hagdan, ang mga hakbang ay mas magaan na ngayon, patungo sa hapagkainan, dala ang isang bagong pag-asa para sa nalalapit na katapusan ng linggo.Matapos ibaba ang telepono, bumalik na rin kaagad si Eduardo sa kanyang pribadong silid. Pagkapasok pa lang niya, isang mapang-asar na boses ang sumalubong sa kanya, "Ang dami naman yatang tawag si Mr. President." biro pa ng isang bisita.Dahan-dahang inangat ni Eduardo ang baso ng alak sa kanyang labi, ang pulang likido ay sumasalamin sa malamlam na ilaw ng pribadong silid. Isang mahinang pagsimsim para sa sandaling katahimikan bago siya nagsalit, at halos walang emosyon."Nagtatampo kasi ang anak kong babae at ayaw kumain. Kinulit ko lang saglit." aniya, isang simpleng sagot.Nang marinig iyon, iba't-ibang ekspresyon ang sumilay sa mga muk
Sa pagkakataong iyon, ang sekretaryang si Miguel ay nakarating na sa silid ng tsaa. Nang marinig niya ang balita, natigilan siya.Si Miguel at ang isa pa nitong sekretarya na si Troy ay palaging naniniwala na si Luna ay hindi kailanman magiging handang talikuran ang kompanya. Matibay din ang paniniwala nilang makakahanap si Luna ng paraan para manatili. Kahapon, nang magsimula na si Melinda sa trabaho ni Luna, inaasahan nilang kikilos ito.Bukod pa rito, si Melinda ay mahusay at maganda. Paano nga ba magiging panatag si Luna na hahayaan ang dalaga na makasama si Eduardo?Ngunit ang mga pangyayari sa nakalipas na dalawang araw ay lubos na sumalungat sa kanilang inaasahan. Hindi lamang tinanggap ni Luna ang presensya ni Melinda, kundi isang hindi inaasahang pagiging malapit nito sa isat-isa. At tinuturuan pa niya ito kung paano gumawa ng kape?Ang kanilang nakikita ay tila hindi maipaliwanag na dahilan.Hindi alam ni Luna kung ano ang nasa isip ng sekretaryang si Miguel. Seryuso niyang
Isang mahabang, matinis na tili ang pumutol sa hangin, ang boses ni Aria. "Ahhh! Hindi pa pala ako nakapag hilamos at sipilyo, mom, mamaya nalang muna tayo mag-uusap muli!" anito, ang mga salita ay nagmistulang paro-paro, nagmamadaling lumipad.Pagkatapos noon, bago pa man makasagot si Luna, padabog na ibinaba ng bata ang telepono. Ibiniba na rin ni Luna ang kanyang cellphone at nag-almusal, at pagkatapos ay umalis patungo sa kompanya ng Monteverde para magtrabaho.May pagpupulong na gaganapin ngayong umaga, at si Eduardo ay dadalo rin.Pagdating nila sa silid, mahigit sampung minuto ng nakaupo si Luna at ang iba pa bago dumating si Eduardo.Isang iglap lamang at sa wakas ay naroon na rin si Eduardo. At sa sandaling iyon, tila huminto ang mundo para kay Melinda. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan, isang pag-amin sa matagal ng pagpipigil. Ang mga mata niyang nagniningning ay tila nakatuon lamang kay Eduardo.Maya-maya, nang opisyal ng magsimula ang pagpupulong,
Halos madaling araw na nang makauwi sina Eduardo at ang kanyang mga kaibigan matapos ang masayang pagdiriwang para kay Regina.Nakita ng mayordoma si Eduardo na pauwi ng hatinggabi, at karga-karga pa nito si Aria. "Bakit gabi na kayo nakauwi?" nag-aalalang tanong nito."Hmm..." tanging sagot lamang ni Eduardo sa mayordoma.Nang mailapag ni Eduardo ang kanyang anak sa kama nito, isang mabigat na katahimikan ang sumalubong sa kanya ng pumasok siya silid. Binuksan niya ang ilaw ang sinag nito'y sumasalubong sa katahimikan. Ngunit wala roon si Luna. Isang biglang pagkabigla ang dumapo sa dibdib ni Eduardo. Agad niyang tinawag ang mayordoma, "Hindi ba siya umuwi ngayong gabi?" tanong niya, ang boses ay may bahid ng kaunting pag-tataka."Ahh si Madam? Hindi." kalmadong sagot ng mayordoma.Bahagyang nagulat si Eduardo. Madalang na ngang umuuwi si Luna nitong mga nakaraang araw. Bihira na lamang itong magpalipas ng gabi sa labas ng kanilang tahanan. Isang bagay na hindi karaniwan sa kanya.Na
Hindi paman nagtatagal ang kanilang pagkikita, ipinakilala na ni Eduardo si Regina kina Ricardo at sa iba pa nitong mga kaibigan. Kaya naman, nang sumapit ang kaarawan ni Regina, si Eduardo mismo ang humingi ng tulong kina Ricardo at sa kanyang mga kasamahan upang sama-sama nilang maipagdiwang ang espesyal na araw na iyon.Nang sumali si Regina sa isang kompetisyon, naroon din sina Ricardo at ang iba pang mga manood. Sikat na rin ang mga balita na maganda ang samahan nina Regina, Ricardo at nang iba pa nitong mga kaibigan.Napakaganda ng kanilang pagsasamahan, anupat kahit wala si Eduardo, palagi pa ring inaanyayahan nina Ricardo at ng kanyang mga kaibigan si Regina sa anumang pagtitipon. Tunay na tinatanggap nila si Regina bilang isa sa kanila, parang tunay na kapatid at kaibigan.Kaya marahil, kapansin-pansin ang paglamig ng pakikitungo nina Ricardo sa kanya sa nakaraang dalawang taon, isang pagbabago na tila ba nagpapahiwatig ng isang di-maipaliwanag na distansya sa pagitan nila.