Pagsapit ng alas siyete ng gabi, nagbalik sina Eduardo kasama ang anak niyang babae sa kanilang tahanan.
Mahigpit na nakahawak ang bata sa laylayan ng damit kanyang Ama habang dahan-dahang bumaba ng sasakyan. Halos ayaw umuwi ng bata ng gabing iyon, dahil naroon ang kanyang Ina. Ngunit sinabihan ito ng Tita Regina niya na ang kanyang Ina ay pumarito upang makasama siya at ang kanyang Ama, at kung hindi sila uuwi, tiyak malulungkot ito. Walang magawa ang munting supling kundi sumang-ayon na umuwi. Ngunit may bahid pa rin ng pag-aalala sa kanyang mga mata, at sinabi ng may mapait na boses. “Dad, paano kung ipilit ni Mommy na lumabas tayo bukas?” anito sa kanyang Ama. “Hindi.” Mariin na sagot ni Eduardo. Sa mga taon ng kanilang pagsasama, laging si Luna ang naghahanap ng mga pagkakataon upang gumugol ng mas maraming oras sa kanya. Ngunit ang lalaki ay makatwiran. Hangga’t ipinapakita ng lalaki ang kanyang paninindigan, hindi siya nagnanais na magdulot ng hindi kasiyahan sa kanya. Sa pagkakaalam ni Aria, ang kanyang ina ay laging sumusunod sa utos ng kanyang ama. Dahil sa sinabi ng kanyang Ama, panatag na ang puso ni Aria na hindi mangyayari iyon. Sa wakas ay nakadama ng kapanatagan ang batang babae. Gumaan ang pakiramdam nito at nawala ang dating pagkabagot. Habang tumatalon sa tuwa papasok ng kanilang tahanan, pinaalam niya ka agad sa matandang mayordoma na nais niyang maligo. “Sige, sige.” Paulit-ulit na sagot ng mayordoma. Naalala ng mayordoma ang mga utos ni Luna, at inabot ang sobre sa boss nyang si Eduardo. “Boss, ito ang nais ipaabot ni Madam sa iyo.” aniya ng may mahinahong boses. Agad na kinuha ni Eduardo ang sobre, at walang pakialam na nagtanong, “Nasaan siya?” “A-ano… Umalis na si Madam pabalik ng kanilang bansa sa Valley Heights kaninang tanghali, hindi ba ninyo alam?” pagtatakang tanong ng mayordoma. Natigilan si Eduardo habang ito'y paakyat ng hagdan, lumingon siya at bumalik: “B-bumalik?” aniya. “Oo.” Sagot ng mayordoma. Hindi man lang binigyan ni Eduardo ng pagkakataong magsalita si Luna kung bakit ito biglang dumating sa Villa Esperanza. Wala siyang pakialam. Hindi rin nagbago ang emosyon sa mukha nito nang malaman ang pag-alis niya. Si Aria naman ay nagulat ng marinig niya ang sinabi ng mayordoma. Sa sandaling iyon, nararamdaman niya ang kaunting pagkadismaya. Iniisip din niya na kung hindi sasama ang kanyang ina sa paglalakbay nila ng kanyang ama bukas, maging maganda sana kung makakasama niya ito sa gabi. Bukod pa rito, madali siyang masaktan sa kamay kapag nagpo-polish siya ng mga kabibe, kaya't nais niyang tulungan siya ng kanyang ina at matapos nila ito ng sabay. Ilang buwan na rin mula nang huli silang magkita ni Luna. Ngunit sa pagdating niya, ay hindi man lang sila nagkita ni Eduardo. Nang maisip ang mukha ni Luna nang umalis siya, malungkot at parang hindi masaya. Kaya't hindi mapigilang paalalahanan siya ng mayordoma: “Boss, parang hindi maganda ang mukha ni madam nang umalis siya, parang galit.” Anito. Inakala ng mayordoma na may importanteng gagawin si Luna kaya nagmamadali itong umalis pabalik ng Valley Heights. Ngunit ng makita niya ang reaksyon ng lalaki at walang alam sa pag-alis niya, napagtanto niyang parang may mali. Galit? Pagtataka ng Lalaki. Sa harapan niya, si Luna ay lagi namang maganda ang asal at mapagpasensya. Bakit naman siya magagalit? Parang kakaiba, naninibago ang Lalaki. Walang pakialam na ngumiti si Eduardo, sinagot nang walang pakialam ang mayordoma at umakyat sa hagdan. Nang makabalik ito sa silid ng kanyang kwarto, bubuksan na sana niya ang liham na ipinadala ni Luna sa kanya, nang biglang tumunog ang kanyang Cellphone. Isang tawag mula kay Regina, matapos niyang masagot ang tawag nito, itinapon niya ang sobreng hawak niya at nagmamadaling lumabas sa pintuan. Ilang sandali, nahulog ang sobre sa sahig mula sa gilid ng kama. At si Eduardo ay hindi na nakabalik noong gabing iyon. Kinabukasan, nang umakyat ang mayordoma upang maglinis, napansin niya ang sobre na nakalatag sa sahig. Agad niyang nakilala ang sobre bilang ang ipinagbilin ni Luna na ibigay ito kay Eduardo. Naisip ng mayordoma na tapos na itong basahin ng Lalaki, kaya't inilagay niya ito sa gilid ng kabinet. Gayunpaman, pagbaba niya mula sa eroplanong sinakyan, agad na umakyat si Luna sa kanyang dating silid upang simulan ang pag-aayos ng kanyang mga gamit. Anim na taon na ang lumipas, at marami pa ring mga bagay ang naghihintay sa kanya mula sa tahanang iyon. Iilang hanay lamang ng damit ang kanyang isinilid sa maleta, kasama ang dalawang set ng pang araw-araw na pangangailangan at ilang propesyonal na aklat na nagsilbing mga bagay sa kanyang karera. Matapos ang kanilang pag-iisang dibdib, buwan-buwan ay nagbibigay si Eduardo ng sapat na pondo para sa kanilang sapat na pang araw-araw at pangangailangan, isang patunay ng kanyang pag-aalaga at pagmamahal. Ang mga pondo ay maingat na inilagay sa dalawang magkahiwalay na credit card. Ang isa ay para sa anak niyang babae, at ang isa naman ay para sa kanya.Karaniwan nang ginagamit ni Luna ang kanyang sariling card sa mga pangangailangan niya.Mula sa simula hanggang wakas, hindi niya kailanman hinawakan ang card ng kanyang anak.Higit pa rito, ang pagmamahal niya kay Eduardo ay umaapaw. Sa tuwing namimili siya, hindi niya mapigilang bumili ng mga damit, sapatos, kapeng iniinom, kurbata, at iba pang mga bagay na angkop sa panlasa ng kanyang minamahal.Para sa kanyang sarili, dahil sa trabaho, hindi mataas ang kanyang pang araw-araw na gastusin. Ang kanyang puso at paningin ay puno ng pagmamahal para sa kanyang anak at asawa, at nais niyang ibigay sa kanila ang pinakamabuti sa lahat ng bagay. Kaya naman, karaniwan sa pamumuhay na ibinigay ni Eduardo ay ginagastos niya para sa kanila.Sa ganitong kalagayan, hindi na dapat magkaroon pa ng natitirang pondo sa kanyang credit card.Ngunit sa nagdaang mga taon, dahil sa paglipat ng kanilang anak sa Villa Esperanza upang makasama ang kanyang ama, naging limitado ang mga pagkakataon ni Luna na ma
Si Miguel Diaz, ay isang taong naging sanay sa mga galaw ng kapangyarihan at mga pagsasabwatan ng negosyo, isang personal na sekretarya ni Eduardo.Ang kanyang mga mata na sanay sa pagbabasa ng mga emosyon at intensyon, ay nabigla ng makita ang liham ng pagbibitiw ni Luna.Si Miguel ay isa sa ilang tao sa kumpanya na nakakaalam ng lihim na kwento ng pag-iibigan nila Luna at Eduardo. Lahat ng mga nakakakilala kay Eduardo ay alam na hindi nasa kanya ang puso ni Luna.Pagkatapos ng kasal, naging isang malamig na hangin ang pakikitungo ni Eduardo kay Luna, at bihira lamang itong umuwi sa kanilang tahanan.Para mapalapit at makuha ang puso ni Eduardo, pinili ni Luna na magtrabaho sa Grupo ng mga Monteverde.Ang kanyang orihinal na layunin ay maging isang personal na sekretarya ng lalaki.Ngunit ang kanyang mga pangarap ay nabuwal sa isang pader ng pagtutol Hindi sumang-ayon si Eduardo.Kahit na ang matandang lalaki, ang taong naging sandigan ng kanyang mga pangarap, ang nagpakita at nag-a
“Hindi na kailangan.” ang matipid na tugon ni Luna.Karaniwan nang dalawang beses na lamang sa isang araw ang pagtawag ni Luna sa kanyang anak.Minsan alas-singko ng madaling araw, at minsan naman ay umabot na ng bandang tanghali. Lahat ng mga kasamahan ni Luna, ay alam ang tungkol sa kanya na may anak na siya.Ngunit isang lihim ang itinatago niya, isang lihim na hindi pa niya naibubunyag sa mga kasamahan niya. Ang ama ng kanyang anak ay walang iba kundi ang pinakamakapangyarihang tao o nagmamay-ari sa kanilang kompanya. Sa paglubog ng araw, matapos ang mahabang araw ng kanyang pagtatrabaho, nagtungo si Luna sa isang pamilihang bayan at naghahanap ng mga sariwang prutas at gulay at dinala niya ito pauwi ng kanyang tahanan. Pagkatapos ng hapunan, nagtungo si Luna sa kanyang silid upang buksan ang kanyang laptop. Sa liwanag kanyang screen, hinanap niya ang mga balita patungkol sa eksibisyon ng teknolohiya.Matapos mabasa ang mga balita, agad siyang nag dial ng numero at may tinawaga
Biglang napabangon si Aria mula sa kama, "Talaga?" masiglang tanong niya sa kanyang ama."Kung ganon, bakit hindi sinabi sa akin ni Tita Regina kanina?" dagdag pa niya.Mahinahong sinagot ni Eduardo ang kanyang anak, "Oo, ngayon palang naging malinaw ang sitwasyon at hindi ko pa ito nababanggit sa kanya." Labis ang pagkatuwa ng batang si Aria dahil sa sinabi ng kanyang ama, "Sige po Daddy, wag niyo nalang po munang ipagsabi kay Tita Gina, sosopresahin nalang natin siya pag-uwi natin, okay po ba?" masiglang wika ng bata.Maayos namang tumango si Eduardo sa munting kahilingan ng kanyang anak."Ang galing-galing mo talaga Daddy, mahal na mahal po kita." dagdag pa niyang sinabi.Matapos ang pag-uusap sa telepono, ang batang si Aria ay halos mapatalon sa tuwa, kumakanta at sumasayaw pa sa ibabaw ng kanyang kama.Ilang sandali, bigla na lamang niyang naisip ang kanyang ina. Dahil sa hindi pagtawag sa kanya nitong mga nakaraang araw, ay mas gumaan ang pakiramdam niya. Sa katunayan, sinasad
Tila ba isang malalim na katahimikan ang bumabalot sa puso ni Luna. Wala siyang kaalam-alam sa pagbabalik nina Eduardo sa Valley Heights kung saan kasama ang mga kaibigan niya. Ni isa ay walang nagsabi sa kanya.Kalahati na ng isang buwan mula ng lumipat siya sa Villa. At sa loob ng kalahating buwan na iyon, ay unti-unti na siyang nasanay na mamuhay ng tahimik at maginhawang pamumuhay ng mag-isa.Sabado ng araw, medyo nahuli ng gumising si Luna. Pagkatapos niyang maligo, binuksan niya ang mga kurtina at nakita ang maliwanag na sikat ng araw mula sa labas ng bintana. Nag unat-unat siya, dinidiligan ang mga halamang inaalagaan niya, at akmang magluluto na sana siya ng isang simpleng almusal ay bigla tumunog pindutan ng pinto.Si Mrs. Teresa pala, ang kapitbahay niya na nakatira malapit sa tapat niya."Miss Luna, naabala ba kita?" nahihiyang tanong nito."Ah...hindi naman gising na ako" mahinahong sabi ni Luna. "Mabuti naman, ito ang mga pansit at dumpling na inihurno ng pamilya namin
Matagal na panahon na ring pala noong huling nagkita sina Eloisa at Luna. Pero sa isang beses na muling nagkita sila, napansin ni Eloisa ang pagiging kakaiba nito, kumpara sa babaeng masigla na nakilala niya noon.Nang maisip niya ang isang Luna noon, hindi niya inakala na darating ang araw mararananasan pala ng babaeng ito ang pakiramdam ng pagiging hindi karapt-dapat.Wala ring kaalam-alam si Eloisa patungkol sa kasal nila ng lalaking si Eduardo.Ngunit may kaunting kaalaman siya sa katotohanan. Bagama't may mga hinala siya, pinili niyang huwag na lamang itong ipahayag. Sa halip, sinabi niya kay Luna nang may pagkaseryoso: "Hindi hadlang ang pagiging huli, ang iyong kakayahan ay natatangi. Luna, hanggat may pagnanais ka pang magpatuloy, hindi pa huli ang lahat." mahinahong wika ni Eloisa."Tandaan mong ikaw ang pinakanagpasaya sa akin bilang guro sa lahat ng taon kong pagtuturo." dagdag pa nito.Nakinig si Luna at bahagyang ngumiti, "Kung maririnig ito ng guro, natatakot ako na tata
Kahit na gustong-gusto ng anak ni Clara ang luto ni Luna, sa kanyang puso, minumukha siya nitong isang katulong. Halos utusan lamang siya ng bata, na parang isang yaya.Noon, dahil kay Eduardo, mabuti ang pakikitungo ni Luna sa anak ni Clara. Hindi niya nga pinapansin ang kawalang galang ng bata. Ngunit dahil sa nakapaghanda na si Luna sa diborsyo nila ni Eduardo, ayaw na niyang magkompromiso para sa kanya.Kaya diretsyong tumanggi si Luna at sinabi, "Pasensya na Clara, ngunit wala akong bakanteng oras bukas." Isang malinaw at matatag ang kanyang mga salita.Dahil babalik na siya sa kanyang propesyon, mas ilalaan niya ang lahat ng kanyang oras para sa hinaharap na negosyo.Kahit na si Eduardo man o si Clara, ay wala na siyang pakialam sa kanila pagkatapos ng diborsyo. Wala na siyang balak pang sayangin ang kanyang oras para sa kanila.Gayunpaman, hindi inaasahan ni Clara sa unang pagkakataon ay tatanggihan siya ni Luna.Sapagkat noon, pinilit ni Luna na ibaba ang kanyang sarili para
Kinabukasan.Nang makarating si Eduardo sa kompanya, nakasalubong niya si Luna. Hindi pa alam ni Luna na nagbalik na pala sa Valley Heights ang lalaki kasama ang anak niyang babae.Biglang napatigil si Luna nang makasalubong niya ang lalaking sa loob ng kumpanya, at ganoon din si Eduardo, ang inakala nga niya'y kakabalik lang ni Luna galing sa isang business trip kaya't hindi na ito nag-isip pa ng kung ano-ano.Walang anumang makikitang ekspresyon sa mukha ni Eduardo, sa halip ay agad siyang dumiretso sa silid ng kanyang opisina, parang isang estranghero lamang ang tingin niya kay Luna.Kung nuon, talaga namang magugulat at magugulat pa si Luna sa biglaang pagbalik nito sa Valley Heights. Sa sitwasyong kung saan kahit hindi niya magawang yakapin ang lalaki, tititigan pa rin niya ito ng masaya at masigla, habang ang mga mata'y puno ng pagmamahal sa kanya. Kahit malamig ang pakikitungo ni Eduardo sa kanya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin niyang "Magandang Umaga." Ngunit ngayon,
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Aria at nagsimula siyang mag kwento tungkol sa kanyang mga paboritong pagkain. Ang mga mata niya ay kumikinang habang binabanggit niya ang bawat detalye, ang bawat kagat, at bawat lasa.Habang si Eduardo naman na nasa gilid, ay tahimik na nakikinig sa kanyang anak.Nang matapos magsalita ang batang babae, isang papuri ang sumalubong sa kanya mula kay Regina, "Ang ganda naman ng damit mo, bagay sayo." malambing na boses ni Regina. "Talaga po tita?" masiglang sigaw ni Aria."Oo naman. Aria, kumusta ang araw mo sa eskwela? Nakasundo mo ba ng maayos ang ibang bata?" tanong muli ni Regina.Masayang nag-uusap ang dalawa. Bihira na ring makialam si Eduardo, at tahimik lang itong kumakain, ang kutsilyo at tinidor ang tangi lamang maririnig na gumagalaw ng marahan sa kanyang plato. Ang serbidor naman ng restawran ay may mga matang nakamasid sa kanilang masayang pag-uusap. Sa pananaw ng lalaki, isang perpektong larawan ng isang pamilya ang nabuo. Isang lihim
Matagal na rin palang hindi natitikman ni Aria ang masarap na luto ng kanyang ina, bigla niya na lamang naramdaman ang pagka-miss nito.Ngunit akmang bubukas na ang bibig niya para sabihin iyon, naalala niya ang kompetensyon ng tita Regina niya na gaganapin mamaya. Isang kidlat na galit ang sumilay sa mga mata niya, at bigla na lamang niyang binitawan ang pagkakayakap sa kanyang ina. "Wala." ang mariing tugon niya, ang boses ay puno ng pagpipigil.Maaari siyang kumain ng masasarap na pagkaing luto ng kanyang ina, anumang oras na kanyang nanaisin. Ngunit ang gaganapin na paligsahan ng kanyang tita Regina ay naisip niyang hindi naman madalas nagaganap. Isang espesyal na okasyon na talaga namang hinihintay niya at pinaghahandaan niya.Kaya naman walang pag-aalinlangan, mas pinili niya ang manuod sa kompetesyon kaysa makasama ang kanyang ina na kumain. "Sige, pumasok ka na kaagad, wag mong hayaan maghintay ng matagal ang iyong guro." ani Luna."Okay." tipid na sagot ng bata.Handa nang
Si Isabella ay isang napakagandang bata. Ang kanyang mukha ay angkop lamang sa kanyang edad, matamis at kaakit-akit. Hindi siya pangit o kasuklam-suklam, sa katunayan, lagi siyang pinupuri sa kanyang kagandahan. Likas na nakaka-engganyo ang kanyang itsura, na nag-uudyok sa iba na yakapin at mahalikan siya. Kaya't para sa batang babae, ang mga salitang iyon ay parang isang himala, tila para isang liwanag sa gitna ng dilim. Unang beses, ang mga luhang kanina'y kanyang pinipigilan ay biglang bumuhos, kaya't mas lalong humigpit ang kanyang pagyakap kay Luna.Mabilis na niyakap ni Luna ang bata, at kanyang pinatahan, "Hindi Isabella, hindi ka naman pangit, maganda at napaka kyut mo pa. Hindi ka ba naniniwala?" malumanay na sabi ni Luna.Nang mga sandaling iyon, gumaan ang kalooban ng bata matapos niyang marinig kay Luna ang mga salitang iyon. Bago paman siya makapagsalita, nakita ni Aria na yakap-yakap muli ni Luna ang batang si Isabella at pinupuri ito sa kagandahan at ka-kyutan! Agad na
Habang si Luna ay matyagang naghihintay habang nakaupo sa kanyang anak sa ibaba.Nang mga oras na iyon, tumunog ang screen ng cellphone ni Aria. Isang mensahe ang lumabas sa cellphone ng bata. Nabasa na Luna ang anim na salitang nakasulat sa screen nito, "Mahal ni tita Regina." Nang mabasa iyon ni Luna, bigla siyang napahinto. Isang bahagyang pagkunot ng noo ang sumilay sa kanyang mukha.Kahit pa si Aria ay wala pa sa wastong gulang, palagi niyang ginagalang ang personal na cellphone nito, ni minsan ay hindi niya sinubukang silipin ang mga mensahe o tawag nito mula nang magkaroon ito ng cellphone ng kanya. Ngunit nang mabasa niyang ang isang mensaheng ipinadala mula kay Regina, natigilan siya. Ilang sandali, bago paman niya ito tuluyang mabasa, dahan-dahang kinuha ni Luna ang cellphone habang ang mga daliri ay bahagya pang nanginginig.At doon napagtanto niya kung bakit madalas magalit sa kanya ang anak niya tuwing umaga.Mabilis itong binuklat ni Luna at doo'y natagpuan din niya an
Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Aria. Ang karera ng mga sasakyan mamaya, ang alala ng nakakamanghang mga kasuotan ng kanyang tita Regina ay ang mga imaheng nagdulot ng kakaibang sigla sa kanyang puso. Parang may mga naglalaro ng masayang musika sa kanyang kalooban. Matapos ang paghahanda at pagpapalit ng damit, marahang dinampot ng batang babae ang kanyang cellphone. Ang maliit na aparato, ay tagapagdala ng daigdig sa kanyang mga palad, at naghihintay sa kanyang mga daliri.Ngunit isang pagkunot ng noo ang sumunod sa ngiti. Sa nakaraan, kapag nagte-text siya sa kanyang tita Regina, agad naman itong sumasagot sa kanya.Subalit ng mga oras na iyon, kakatapos lang ng batang babae na maligo, nang muli niyang sipyatin ang kanyang cellphone, wala pa ring mensahe ang kanyang tita. May kung anong kirot ang bahagyang dumapi sa kanyang puso, naisip niyang baka galit ito sa kanya.Dahil dito, dali-dali siyang nagpadala muli ng mensahe kay Regina."[Tita, anong problema, galit ka ba?]" panimu
Tinignan ni Luna ang likod nito, iniisip ang kanilang diborsyo, at nais na itanong kung kailan sila makakapunta para kunin ang sertipiko ng diborsyo.Ngunit kayrami ngang pinagkakaabalahan si Eduardo. Batid niyang sa kalikasan nitong mapagpasyahan, sa sandaling ma kompleto na ang lahat ng kinakailangang pormalidad, siya na mismo ang magpapabatid kay Luna, na hindi na kinakailangang pilitin pa sa huli.Bukod pa rito, siya naman talaga ang mas nagnanais ng paghihiwalay, at hindi si Luna.At dahil dito, matiyaga na lamang aantayin ang anumang balita mula kay Eduardo sa nakaraang linggo, nang hindi man lang nagtatangkang mag-usisa.Sa sandaling iyon, tumunog ang cellphone ni Eduardo.Nasaksihan ni Luna kung paano sinagot ng lalaki ang tawag, at ang pagbati niyang "Hello" ay lubhang kakaiba sa karaniwan niyang tono sa pakikipag-usap sa kanya sa telepono, may lambing sa tinig nito.Agad na umukit sa isipan ni Luna ang posibilidad na si Regina ang kausap ng lalaki sa kabilang linya. Samantal
Mula kay Clara ang tinig. Napabaling si Luna sa pinanggalingan ng boses. Doon niya nakita sina Eduardo at Clara.Sandaling napahinto si Luna.Nang mga sandaling iyon, si Eduardo humihithit ng sigarilyo, ang usok ay sumasabay sa katahimikan, walang sagot na binitawan. Malayo ang distansya, at ang likod lamang ng lalaki ang nakikita ni Luna, kaya naman hindi niya makita ang ekspresyon nito sa mukha. "Sa totoo lang, naiintindihan kita," wika ni Clara. "Ilang beses ko nang nakasalamuha si Regina, bente-singko anyus pa lang siya, pero may dectorate na mula sa isang unibersidad na kinikilala sa buong mundo.""Mukhang kaya niyang panghawakan nang maayos ang negosyo ng pamilya. Maganda siya, at ang ugali ay ligaw at matapang. Ang galing at kinang niya, hindi taglay ng karamihan, at mayroon siyang karisma upang makuha ang atensyon mo. Pero ang pinagmulan niya ay hindi sapat na marangal. Eduardo, pinag-isipan mo ba ito ng mabuti? Ikaw--" pagpapatuloy pa ni Clara."Alam ko kung anong klaseng b
Ngunit nang masaksihan ang walang kapantay na kaligayahan sa mga mata ng matanda, pinili nina Clara at Marcela na manahimik na lamang, at hindi na nila sinira ang kasiyahan ng ginang.Nang gabing iyon, sumunod sila sa kagustuhan ng matanda at nagpalipas ng gabi sa lumang bahay. Bandang alas-otso, nagtungo sina Eduardo at ang ginang sa silid-aklatan upang pag-usapan ang tungkol sa negosyo.Maingat namang hinawakan ng batang babae si Luna, ang mga matang bata'y nagsusumamo ng tulong. "Gusto ko na pong maligo at matulog." malumanay na wika nito. Walang pag-alinlangan, sinamahan ni Luna ang kanyang anak sa pag-akyat, handang gampanan ang tungkuling inaasahan sa kanya.Habang nakahimlay sa maliit na batya, ang mga matang maliliit ni Aria ay nag-angat, isang maingat na tanong ang kumawala sa kanyang mga labi, "Mom, mayroon po ba kayong gagawin bukas ng umaga?"Kahit kaya niyang magparaya at pumayag na ang kanyang ina ang sumama sa kanya sa paaralan kinabukasan, sa kanyang puso'y si Regina
Isang buntong-hininga ang kumawala sa labi ng matandang ginang, ang bigat sa kanyang damdamin ay tila isang mabigat na bato sa kanyang dibdib. Sa kanyang mga mata, nakikita niya ang kahinaan ni Luna, ang pagiging sunod-sunuran at pagpapaubaya kay Eduardo. Isang pagsuko na nagresulta sa kawalan ng pag-unlad sa kanilang relasyon sa loob ng mahabang panahon.Ngunit dahil iyon ang sinabi ni Luna, hindi na ito pinilit pa ng matandang ginang.Opisyal ng nagsimula ang hapunan, at habang kumakain ay nag-uusap silang lahat. Magandang ang naging takbo ng kanilang usapan.Bihira lamang magsalita si Luna, tahimik lamang siyang nakayuko habang kumakain.Mula nang dumating si Eduardo, mahigit sampung minuto na ang nakalilipas, ngunit ni isang salita man lang ay hindi pa nila nagagawa sa isat-isa.Ganoon na nga ang nakasanayan nilang katahimikan, isang katahimikan na mas malalim pa sa anumang salita. Parang normal nalang sa kanila ang lahat.Nasanay na rin ang lahat sa kanilang katahimikan, kaya't h