"Sekretarya Luna, paki-ayos naman ang iyong pag-uugali sa trabaho. Akala mo ba bahay mo 'to?" malamig na usal ng lalaki. halatang naiinis dahil sa tingin niya ay ginagamit ni Luna ang posisyon nito para magkaroon ng espesyal na trato sa kanya.Kinabig ni Luna ang kanyang bag, habang ang ekspresyon sa kanyang mukha ay nanatiling walang pagbabago. "Kung hindi kayo nasisiyahan, maari niyo na akong tanggalin agad ngayon." kalmadong tugon ni Luna sa lalaki."Ikaw--" ang sagot lamang nito.Nakasama na ng sekretaryang si Troy ang boss niyang si Eduardo sa Villa Esperanza noon, pero alam din niyang ang tungkol sa pag file ni Luna ng liham para sa pag-alis niya sa pagtatrabaho ng kompanya.At kahit pa lubos siyang pinagkakatiwalaan ng Boss niyang si Eduardo, hindi naman siya ang nagmamay-ari ng kompanya, kaya't wala siyang karapatang sabihin kay Luna na umalis siya.Higit pa rito, si Luna ay paborito ni Ms. Monteverde. Kung pupunta si Luna doon para magreklamo, at kahit pa alam niya at sigurad
Bumuntong hininga ang matanda, "Kahit gaano ka pa kaabala sa trabaho mo, kailangan mo parin kumain ng maayos." malambing na sabi ng matanda."Alam ko po lola, mag-iingat po ako." malumanay na tugon naman ni Luna.Umupo si Luna sa tabi ng matanda, sinandal ang mukha sa balikat nito, at sumipsip ng kaunting init mula rito.Nang makita nang matanda ang malapit ng maluto niyang tupa, naghanda siya ng isang mangkok na sabaw, para mainitan muna si Luna.Habang nakikinig si Luna sa mapagmahal na salita ng matanda, naalala ni Luna ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw, at hindi mapigilang magsimulang manubig ang kanyang mga mata.Dahil sa takot na mabahala ang matanda, mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha at nagtanong, "Naglalakbay pa rin ba ang tiyahin ninyu kasama ang pamilya nila?" kalmadong tanong nito."Hindi na, masaya naman sila. Sabi nila, isang linggo pa raw ang uwi." sagot naman ng matanda."Nasaan nga pala ang tito? May pupuntahan ba siyang sosyal na okasyon ngayong
Ngunit hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin, nasip niyang marahil ay bumalik na nga si Luna sa kanyang pamilya.Pagpasok ni Eduardo sa banyo, bigla niyang naalala ang mga araw na tuwing umuuwi siya, ay palagi niyang nadadatnan na magkasama sina Aria at si Luna.Ngunit sa mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng pagkakaiba dahil sa hindi nito kasama ang anak niya, naisip niyang baka hindi umuwi si Luna o kaya naman ay may nangyari sa pamilya nila. Biglang naisip niya ang mga sinabi ng sekretaryang si Miguel, at doon lang niya napagtanto ang katotohanan. Sandali siyang natigilan, pero hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin.Kinabukasan, habang nag-aagahan, sinabi ni Eduardo sa kanyang anak, "Na-kompleto na ang pagpaparehistro mo. Magpa enroll kana bukas ng umaga sa paaralan." aniya."Opo, Dad, pwede niyo po ba akong samahan sa eskwelahan bukas?" tanong ni Aria habang bahagyang kumukunot ang ilong."Baka hindi ako bakante bukas." sagot ng ama.Kinalikot ng batang babae ang kany
Ngunit si Luna ay mas gugustuhin niyang siya mismo ang gumagawa ng mga bagay para sa anak niyang babae. At nasisiyahan pa siya rito at hindi niya kailanman nararamdaman na nakakapagod o nakakaabala.Kaya naman medyo nagulat si Eduardo nang marinig ang mga sinabi ni Luna. Pero hindi na niya ito masyadong inisip, dahil para kanya maliit na bagay lang naman iyon, at walang dapat ikabahala."Sige." isang simpleng sagot ng lalaki, at pagkatapos ay agad ding ibinaba ang cellphone.Habang nakikinig, alam na alam na kaagad ng batang babae kung sino ang kausap ng kanyang ama, "Si mommy ba?" tanong niya.Maayos namang tumango si Eduardo, at kalmadong sumagot, "Oo." "Kung ganon, uuwi so mommy mamaya at kasama natin siya papunta kina lola?" Sumunod na tanong ng batang babae, halata ang komplikadong saya sa mga mata nito."Oo, sasama ang iyong ina." ani Eduardo.Pagkarinig niyon, napakunot agad ang noo ng batang babae bago paman ito makapagsalita. Hindi naman dahil sa ayaw niyang makita ang kany
Napangiti si Luna nang bahagya, halos mapatawa ng marinig niya ang sinabi.Hindi niya maiwasang isipin ang kakaibang pagkakataon kung paano sila nagkakilala ni Eduardo. Sa katunayan, nagkakilala lamang sila matapos ang kasal nila ni Luna. Alam ni Regina ang tungkol sa relasyon niya kay Eduardo, ngunit hindi siya makapaniwala na hindi alam ng kanyang ama sa tuhod na si Eduardo ang asawa ng isa pa niyang anak na babae! Napaka imposible, tiyak naman na alam niya.Ngunit walang hiya parin niyang ipinagkasundo si Regina kay Eduardo. Mula rito'y maliwanag na lubos na napapabayaan ni Ernesto ang kanyang isa pang anak na babae, walang halaga sa kanya ang damdamin nito.Tumango si Eduardo. Isang simpleng pagsang-ayon, ngunit naglalaman ng di-maipaliwanag na bigat.Matapos ang maiksing pag-uusap na puno ng maingat na mga salita, nanatili si Luna sa kanyang kinatatayuan, pinagmamasdan si Eduardo. Naghihintay ito hanggang sa tuluyang makasakay si Ernesto sa sasakyan, bago sumakay sa sarili nito
Hindi na kinaya ng matandang ginang na marinig ang mga pang-iinsulto nila kay Luna. Akmang magsasalita na siya nang maunahan siya ni Luna. "Nakapag bigay na po ako ng liham na pagbibitaw sa trabaho. Kapag natapos ko na ang aking tungkulin, aalis na rin po ako sa kompanya." kalmadong wika ni Luna.Nang masabi niya ang mga salitang iyon, parehong natigilan sina Marcela at Clara. Kumunot ang noo ng matandang ginang, "Luna." Ngunit bago paman masundan ang sasabihin nito, isang bagong boses ang nagsalita. "Nandito ba ang mommy?" Si Aria, na kararating lang sa ikalawang palapag gamit ang elevator, ay nagpakita na, ang kanyang pagdating ay nagdulot ng bagong tensyon sa tensyonadong sitwasyon.Isang pagkakataon. Pagbaba ng batang babae sa elevator, sinalubong siya ng pigura ng kanyang ina. Isang maliwanag na ngiti ang sumilay sa mga labi ng bata, isang ngiting puno ng kagalakan at pag-asa. Mahigit isang buwan na rin pala ang nakalipas simula nang huli nilang pag-uusap, at ang muling pagkiki
Isang buntong-hininga ang kumawala sa labi ng matandang ginang, ang bigat sa kanyang damdamin ay tila isang mabigat na bato sa kanyang dibdib. Sa kanyang mga mata, nakikita niya ang kahinaan ni Luna, ang pagiging sunod-sunuran at pagpapaubaya kay Eduardo. Isang pagsuko na nagresulta sa kawalan ng pag-unlad sa kanilang relasyon sa loob ng mahabang panahon.Ngunit dahil iyon ang sinabi ni Luna, hindi na ito pinilit pa ng matandang ginang.Opisyal ng nagsimula ang hapunan, at habang kumakain ay nag-uusap silang lahat. Magandang ang naging takbo ng kanilang usapan.Bihira lamang magsalita si Luna, tahimik lamang siyang nakayuko habang kumakain.Mula nang dumating si Eduardo, mahigit sampung minuto na ang nakalilipas, ngunit ni isang salita man lang ay hindi pa nila nagagawa sa isat-isa.Ganoon na nga ang nakasanayan nilang katahimikan, isang katahimikan na mas malalim pa sa anumang salita. Parang normal nalang sa kanila ang lahat.Nasanay na rin ang lahat sa kanilang katahimikan, kaya't h
Ngunit nang masaksihan ang walang kapantay na kaligayahan sa mga mata ng matanda, pinili nina Clara at Marcela na manahimik na lamang, at hindi na nila sinira ang kasiyahan ng ginang.Nang gabing iyon, sumunod sila sa kagustuhan ng matanda at nagpalipas ng gabi sa lumang bahay. Bandang alas-otso, nagtungo sina Eduardo at ang ginang sa silid-aklatan upang pag-usapan ang tungkol sa negosyo.Maingat namang hinawakan ng batang babae si Luna, ang mga matang bata'y nagsusumamo ng tulong. "Gusto ko na pong maligo at matulog." malumanay na wika nito. Walang pag-alinlangan, sinamahan ni Luna ang kanyang anak sa pag-akyat, handang gampanan ang tungkuling inaasahan sa kanya.Habang nakahimlay sa maliit na batya, ang mga matang maliliit ni Aria ay nag-angat, isang maingat na tanong ang kumawala sa kanyang mga labi, "Mom, mayroon po ba kayong gagawin bukas ng umaga?"Kahit kaya niyang magparaya at pumayag na ang kanyang ina ang sumama sa kanya sa paaralan kinabukasan, sa kanyang puso'y si Regina
Kinabukasan. Nakauwi lamang si Luna sa kanyang bahay matapos tuluyang humupa ang lagnat ni Eleanor.Pagkauwi niya, naalala niyang hindi pa pala niya nasisimulan ang paghahanda ng kanyang damit para sa gaganaping salu-salo bukas ng gabi.Kinahapunan, umalis si Luna.Pagdating niya sa isang mamahaling tindahan ng mga damit, abala pa ang tagapamahala at ilang mga empleyado sa isang damit. Dahil sa abala, napansin lamang nila ang presensya ni Luna nang lapitan niya ang mga ito."Paumanhin mis, ano po ang kailangan niyo?" boses ng babaeng tauhan."Ahh, titingin na muna ako." ani Luna."Sige po." malumanay na tumango ang tauhang babae.Bagama't ikinasal siya sa pamilya Monteverde, halos si Luna ay hindi nakakadalo sa anumang mga salu-salo sa nakalipas na mga taon.Kung tutuusin, hindi siya isinasama nina Eduardo at Marcela kahit pa kinakailangan nilang dumalo sa mga pormal na okasyon.Kung tungkol naman sa matandang ginang, matagal na siyang nanatili sa likod ng mga eksena at hindi na nag
Ilang sandali lamang matapos ang pagpupulong, lumapit kay Luna ang sekretaryang si Miguel. Ang mga salita niya ay banayad, halos bulong ngunit sapat na upang marinig iyon ni Luna."Halos tapos na ang iyong paglilipat sa trabaho, mukhang hindi mo na kailangang bumalik bukas." boses ni Miguel, habang ang mga mata'y naglalaman ng isang hindi mabatid na emosyon.Isang simpleng "Alam ko." Lamang ang isinagot ni Luna rito. Walang anumang emosyon ang naririnig sa kanyang titig, isang patunay ng kanyang mahinahong pagtanggap sa balita.Nakapagdesisyon na si Luna na siya na mismo ang magpapaalam kay Miguel sa pagkompleto ng kanyang mga gawain, kahit hindi pa man ito binabanggit sa kanya.Dahil sa personal siyang pinuntahan ng sekretarya, nakaiwas si Luna sa pagod ng paglalakbay. Ngunit hindi inaasahan ni Miguel ang gaan ng pagpayag nito. "Ahh saka nga pala..." usal ni Luna, saka inunat ang kanyang kamay, "Salamat sa pag-aalalaga mo sa mga nakaraang taon." aniya.Hindi pa rin nakakabawi si Mig
Dahil sa kulit ng kanyang anak, wala nang nagawa si Luna kundi ang sumamahan na ito sa hapag-kainan at naupo sa tapat ni Eduardo.Marahan namang inabutan ng mayordoma si Luna ng isang basong tubig. Habang iniinom ito ni Luna, tahimik niyang pinakinggan ang kuwento ni Aria sa mga nangyari sa kanyang paaralan nitong mga nakaraang araw. Si Eduardo naman ay parang wala siyang nakikitang iba kundi ang kanyang anak. Sinasadya niya ba iyon? O sadyang wala lang siyang pakialam? Hindi masasabi, ngunit ang pagwawalang-bahala niya kay Eduardo ay hindi nakaligtas sa paningin nito. Napansin ni Eduardo ang pagbabago sa pakikitungo sa kanya ni Luna. Naalala ng lalaki ang huling pagbisita nila sa lumang bahay. Ganoon rin ang pakikitungo ni Luna sa kanya noon. Ang pag-aalala na iyon ay nagdulot ng isang madilim na anino sa kanyang mukha. Napakunot ang noo niya, ang galaw ng kanyang mga kamay ay huminto sa pagkain.Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang cellphone ni Eduardo. Saktong napatingin si L
"Opo." mahinang bulong ni Aria, ang pag-puot ng kanyang mga labi ay bahagyang humupa, napalitan ng isang manipis na ngiti. Isang maliit na tagumpay laban sa lungkot. Ibinaba niya ang telepono at bumaba sa hagdan, ang mga hakbang ay mas magaan na ngayon, patungo sa hapagkainan, dala ang isang bagong pag-asa para sa nalalapit na katapusan ng linggo.Matapos ibaba ang telepono, bumalik na rin kaagad si Eduardo sa kanyang pribadong silid. Pagkapasok pa lang niya, isang mapang-asar na boses ang sumalubong sa kanya, "Ang dami naman yatang tawag si Mr. President." biro pa ng isang bisita.Dahan-dahang inangat ni Eduardo ang baso ng alak sa kanyang labi, ang pulang likido ay sumasalamin sa malamlam na ilaw ng pribadong silid. Isang mahinang pagsimsim para sa sandaling katahimikan bago siya nagsalit, at halos walang emosyon."Nagtatampo kasi ang anak kong babae at ayaw kumain. Kinulit ko lang saglit." aniya, isang simpleng sagot.Nang marinig iyon, iba't-ibang ekspresyon ang sumilay sa mga muk
Sa pagkakataong iyon, ang sekretaryang si Miguel ay nakarating na sa silid ng tsaa. Nang marinig niya ang balita, natigilan siya.Si Miguel at ang isa pa nitong sekretarya na si Troy ay palaging naniniwala na si Luna ay hindi kailanman magiging handang talikuran ang kompanya. Matibay din ang paniniwala nilang makakahanap si Luna ng paraan para manatili. Kahapon, nang magsimula na si Melinda sa trabaho ni Luna, inaasahan nilang kikilos ito.Bukod pa rito, si Melinda ay mahusay at maganda. Paano nga ba magiging panatag si Luna na hahayaan ang dalaga na makasama si Eduardo?Ngunit ang mga pangyayari sa nakalipas na dalawang araw ay lubos na sumalungat sa kanilang inaasahan. Hindi lamang tinanggap ni Luna ang presensya ni Melinda, kundi isang hindi inaasahang pagiging malapit nito sa isat-isa. At tinuturuan pa niya ito kung paano gumawa ng kape?Ang kanilang nakikita ay tila hindi maipaliwanag na dahilan.Hindi alam ni Luna kung ano ang nasa isip ng sekretaryang si Miguel. Seryuso niyang
Isang mahabang, matinis na tili ang pumutol sa hangin, ang boses ni Aria. "Ahhh! Hindi pa pala ako nakapag hilamos at sipilyo, mom, mamaya nalang muna tayo mag-uusap muli!" anito, ang mga salita ay nagmistulang paro-paro, nagmamadaling lumipad.Pagkatapos noon, bago pa man makasagot si Luna, padabog na ibinaba ng bata ang telepono. Ibiniba na rin ni Luna ang kanyang cellphone at nag-almusal, at pagkatapos ay umalis patungo sa kompanya ng Monteverde para magtrabaho.May pagpupulong na gaganapin ngayong umaga, at si Eduardo ay dadalo rin.Pagdating nila sa silid, mahigit sampung minuto ng nakaupo si Luna at ang iba pa bago dumating si Eduardo.Isang iglap lamang at sa wakas ay naroon na rin si Eduardo. At sa sandaling iyon, tila huminto ang mundo para kay Melinda. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan, isang pag-amin sa matagal ng pagpipigil. Ang mga mata niyang nagniningning ay tila nakatuon lamang kay Eduardo.Maya-maya, nang opisyal ng magsimula ang pagpupulong,
Halos madaling araw na nang makauwi sina Eduardo at ang kanyang mga kaibigan matapos ang masayang pagdiriwang para kay Regina.Nakita ng mayordoma si Eduardo na pauwi ng hatinggabi, at karga-karga pa nito si Aria. "Bakit gabi na kayo nakauwi?" nag-aalalang tanong nito."Hmm..." tanging sagot lamang ni Eduardo sa mayordoma.Nang mailapag ni Eduardo ang kanyang anak sa kama nito, isang mabigat na katahimikan ang sumalubong sa kanya ng pumasok siya silid. Binuksan niya ang ilaw ang sinag nito'y sumasalubong sa katahimikan. Ngunit wala roon si Luna. Isang biglang pagkabigla ang dumapo sa dibdib ni Eduardo. Agad niyang tinawag ang mayordoma, "Hindi ba siya umuwi ngayong gabi?" tanong niya, ang boses ay may bahid ng kaunting pag-tataka."Ahh si Madam? Hindi." kalmadong sagot ng mayordoma.Bahagyang nagulat si Eduardo. Madalang na ngang umuuwi si Luna nitong mga nakaraang araw. Bihira na lamang itong magpalipas ng gabi sa labas ng kanilang tahanan. Isang bagay na hindi karaniwan sa kanya.Na
Hindi paman nagtatagal ang kanilang pagkikita, ipinakilala na ni Eduardo si Regina kina Ricardo at sa iba pa nitong mga kaibigan. Kaya naman, nang sumapit ang kaarawan ni Regina, si Eduardo mismo ang humingi ng tulong kina Ricardo at sa kanyang mga kasamahan upang sama-sama nilang maipagdiwang ang espesyal na araw na iyon.Nang sumali si Regina sa isang kompetisyon, naroon din sina Ricardo at ang iba pang mga manood. Sikat na rin ang mga balita na maganda ang samahan nina Regina, Ricardo at nang iba pa nitong mga kaibigan.Napakaganda ng kanilang pagsasamahan, anupat kahit wala si Eduardo, palagi pa ring inaanyayahan nina Ricardo at ng kanyang mga kaibigan si Regina sa anumang pagtitipon. Tunay na tinatanggap nila si Regina bilang isa sa kanila, parang tunay na kapatid at kaibigan.Kaya marahil, kapansin-pansin ang paglamig ng pakikitungo nina Ricardo sa kanya sa nakaraang dalawang taon, isang pagbabago na tila ba nagpapahiwatig ng isang di-maipaliwanag na distansya sa pagitan nila.
Napansin din ni Luna ang bahagyang pagkurap ng mga mata ni Eduardo, ang lalaking kilala sa kanyang kalmado at walang-emosyong mukha, isang palatandaan ng pagkagulat at paghanga. Ang karaniwang tipid niyang ekspresyon ay napalitan ng isang bagay na mas malalim, isang pagkilala sa kanyang husay na nasaksihan.Samantalang sina Apollo naman at ang anak niyang si Aria ay para bang nagising mula sa pagkatulala, parehong tumalon mula sa kanilang kina-uupuan. Ang kompetesyon ay pumasok na sa isang bagong antas ng kasidhian, puno ng kaba at kilig. Sa gitna ng kaguluhan at hiyawan, si Augustin ay nagsalita, ang boses niya'y malinaw at matatag habang hinihingi ang teleskopyo pabalik.Hindi tiyak kung si Regina lamang ang sentro ng atensyon ng binata. Mukhang hindi nga nito napapansin ang presensya ni Eduardo at maging ang iba pa nitong kasama.Isang sandali ng katahimikan ang sumunod, ang sigla ng kompetesyon ay biglang napalitan ng isang kakaibang tensyon. Pansamantalang natapos ang paligsahan