Pagkatapos magpakilala ni Suzette at makabalik sa upuan nito. Si Luisa na ang susunod na magpapakilala. Tumayo siya at nagpunta sa harapan. Ramdam niya ang titig sa ni Christian na wari'y inaalisa ang kaniyang kilos, nasa likuran kasi ito. Nang nasa harapan na si Luisa, tumayo siya ng tuwid at nagsimula ng magpakilala.
Nagsimula sa kaniyang buong pangalan, tirahan at edad. Habang nagpapakilala, ramdam niya ang matiim na titig nito sa kaniya. Na-cuncious siya bigla sa sarili. mabuti nalang maayos niyang naitawid ang pagpapakilala. Yumuko siya, katunayan na tapos na siya."Thank you po," aniya. Ihahakbang na sana niya ang paa pabalik sa upuan ng magsalita si Christian."Bakit mo kinuha ang Kursong BSBA, Ms. Serrano?" kuryos nitong tanong. Napalunok siya ng magtama ang kanilang mga mata. He has a tantalizing eyes and thick eyebrows. Napakagat-labi siya."Actually, hindi po ito ang course na gusto ko. Pinili ko po ito dahil kailangan lalo at ako ang mamamahala sa kompanya ng aking magulang sa lalong madaling panahon. Masaya naman ako sa kursong ito lalo at kasama ko ang matalik kong kaibigan," sagot niya. Tiningnan niya si Suzette na ngayon ay may matamis na ngiti sa mga labi. Tumango-tango ito."Vacant niyo mamaya, hindi ba?" tanong nito."Opo, bakit po?""Mag-paiwan ka mamaya. May sasabihin ako," anito. Tumango siya."Okay sir," aniya at nagtungo na sa kaniyang upuan. Napaisip siya kung ano ang itatanong nito sa kaniya. Sa isiping magkakaharap sila ng silang dalawa lang, bigla siyang nakaramdam ng kaba."Sa lahat ng mga classmate natin na nagpakilala, ikaw lang ang tinanong ng ganoon ni sir. Ang haba ng buhok mo, bes!" bulong ni Suzette sa kaniya na may kasamang gigil. Bumaling siya rito at binigyan ng masamang tingin."Sira! Kung ano-ano ang iniisip mo!" aniya. Bumulong ulit ito."Iba kasi makatitig sa iyo si sir. Parang may something sa titig niya," anito.Natigilan siya sa sinabi nito. May iba nga ba sa titig nito o binibigyan lang ni Suzette iyon ng malisya? Nang matapos ang lahat sa pagpapakilala. Tumayo s Christian at nagtungo sa harapan."So, that's all for today. You can leave now. Good bye, class. Nice meeting you all. See you tomorrow," anito."Good bye, sir. Nice meeting you too," sagot ng buong klase. Tumayo si Suzette, kinuha ang bag nito at isinukbit sa balikat. Sinulyapan siya nito."Hihintayin kita sa dating tambayan," anito at kinindatan siya. Lumapit ito sa kaniya at bumulong. "Good luck sa pag-uusap niyo. I-chika mo na lang sa akin mamaya."Kinurot niya ito sa tagiliran. Tumawa lamang ito sa ginawa niya. Nang makalabas na ang lahat at sila na lamang ni Christian ang nasa loob ng silid-aralan, kinuha niya ang bag at lumapit sa mesa nito. Habang papalapit ay kumakabog ng malakas ang kaniyang dibdib. Kukunin na sana niya ang monoblock na nasa isang tabi pero naunahan siya ni Christian."Ako na," anito at nginitian siya. Inilagay ni Christian ang upuan sa harap ng mesa nito. Naupo siya roon saka ipinatong ang shoulder bag sa kaniyang kandungan. Naupo naman si Christian sa upuan nito sa mesa."Ahm, Miss Avi tells me na ang kahinaan mo ay Math Subject. Tama ba?" tanong nito at pinagsiklop ang mga kamay sa mesa. Kitang-kita niya ang paggalaw ng mga muscles nito sa braso. Gaano ba kadalas ito mag-exercise o mag-gym para ma-maintain nito ang magandang hubog ng katawan? Tumango siya. Oo, mahina talaga siya sa matematika. At ito ang subject na pinakakaayawan niya."Yes po. Bakit niyo po natanong?" tanong niya at nakipagtitigan rito. Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin."Gusto kong i-offer ang sarili ko bilang tutor mo. Payag ka ba na magkaroon tayo ng one on one class? Isang araw sa isang linggo. Kung payag ka lang naman," anito at muling tiningnan siya.Maganda ang offer nito dahil matututo siya. Oo, mas mapapalapit siya rito pero kung ito ang makakabuti para sa grades niya, tatanggapin niya ang alok nito."Okay, sir. Sumasang-ayon ako sa desisyon niyo. Pag-usapan na lang po natin 'yung magiging sahod niyo po kung sakali. Isasangguni ko rin po kasi ito kina dad at mom po," aniya. Umiling ito."Hindi ako humihingi ng kapalit. Gusto kitang tulungan, Luisa. Kaya huwag mo ng isipin ang bayad," anito sabay ngiti."Pero unfair po iyon, sir. Magpapakahirap kayo na turuan ako tapos wala kayong hihinging bayad? Hindi po tama iyon at hindi ko po tatanggapin na libre lamang ang pagiging tutor niyo sa'kin," pamimilit niya.Umiling ito at ngumiti. Hindi niya maiwasan na mapatingin sa labi nito na kay-pula. Sh*t! Ano ba itong ginagawa niya? Nagbaba siya ng tingin dahil nakaramdam siya ng hiya. Siguradong nakita nito ang ginawa niya."Mali ka dahil hindi ako mahihirapan na tulungan ka. At tiyak na mag-eenjoy ako lalo kung ang tuturuan ko ay mabilis matuto," anito. Nag-angat siya ng tingin para tingnan ito. Ngumiti siya."Salamat po pero buo po ang disisyon ko na ibibigay ko 'yung bayad na para sa inyo," aniya sa determinadong boses. Bumuntong-hininga si Christian at tumango. "Okay. Kung iyon ang gusto mo, sige. Ahm, iyon lang ang dahilan kaya pinanatili kita rito sa room. Maaari ka ng umalis," anito.Tumayo siya at nagpasalamat saka naglakad palabas ng silid-aralan. Nang makalabas, huminga siya ng malalim. Aaminin niya, attracted siya kay Christian. Sino ba naman ang hindi? Pero hanggang doon lang iyon at hindi niya hahayaang lumalim pa iyon dahil mali. Maling-mali."Kanina ka pa tulala diyan. Ano ba iyang iniisip mo?" tanong ni Suzette kay Luisa.Napatingin siya rito. Narito sila ngayon sa isa sa mga paborito nilang tambayan. Sa may ilalim ng puno ng acacia at pasalampak na nakaupo sa nakalatag na tela para hindi sila madumihan. Vacant kasi nila dahil may emergency ang isa sa mga guro na magtuturo sa kanila."Tama ba ang desisyon ko na magpa-tutor kay Sir Christian?" she asked out of nowhere. Huli na ng mapagtanto niya ang tinanong niya sa kaibigan. Nabanggit niya kanina na itu-tutor siya ni Christian."Ano naman ang mali doon? Atleast matututo ka. Ang bait nga niya dahil inalok ka niya ng walang bayad. Ikaw lang itong mapilit na bayaran ang serbisyo niya," anito."Deserve niya iyon. May pera naman kami na pambayad sa kaniya kaya inayawan ko ang gusto niya," aniya.Para kahit papaano makatulong siya sa mga gugulin nito sa bahay at para makatulong rin sa magulang. Oo, excited siyang makasama ito pero natatakot siya na mas mapalapit rito at maging dahilan para mas lumalim ang paghangang nararamdaman niya. Ipinilig niya ang ulo sa mga iniisip. Dapat ang iniisip niya ay ang matuto hindi ang damdamin na sumisibol sa kaniyang puso. Dapat hanggang crush lang!"Wait! 'Yung nangyari kanina Hindi mo pa nasasabi sa'kin. Paano pala kayo nagkakilala ni sir?" biglang tanong nito sa kaniya.Wala na talaga siyang choice kung hindi ang ikwento rito ang una nilang pagkikita sa Crystal Book Store at ang pagsabay nila ni Christian sa canteen para kumain. Habang nagkwekwento siya, tumitili naman si Suzette."Grabe ah, hindi ko akalain na may itinatago ka palang moment niyong dalawa ni sir. Tapos hindi mo man lang sinasabi sa akin. Nakakatampo ka na," anito at sumimangot. Niyakap niya ito."Sorry na, nahihiya lang kasi ako mag-kwento," aniya."Matitiis ba kita? Eh ikaw lang naman ang kaibigan ko rito. Hindi naman pwede na magtampo ako ng matagal dahil hindi ko kaya," anito. Kumalas siya sa pagkakayakap rito at tiningnan ito."Thank you," Goal kasi nila na walang lihiman kaya naiintindihan niya kung magtatampo ito. Tumayo ito at inilahad ang kamay sa kaniya."Tara sa library, magbasa-basa tayo," anyaya nito. Tinanggap niya ang nakalahad nitong palad. Pagkatapos tiklopin ang telang ginamit, sabay silang nagtungo sa library.Nasa Diamond D si Christian at gaya sa Ruby A, nagpakilala rin ang mga estudyante. Masaya siya dahil tinanggap ni Luisa ang alok niya ng walang pag-aalinlangan. Sabagay, willing talaga itong matuto.Mas mapapalapit siya sa dalaga at mas makikilala niya ito ng lubusan. Kanina, habang nag-uusap sila. Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya, nang mga sandaling iyon pakiramdam niya tumigil ang pag-inog ng mundo. Attracted din kaya si Luisa sa kaniya?Bigla siyang napasulyap sa labas ng mahagip ng kaniyang paningin ang dalawang babaeng naglalakad. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso ng makitang si Luisa iyon kasama si Suzette na kaibigan nito. Saan kaya papunta ang dalawa? Sa dulo ay naroon ang library. Malamang doon sila patungo."Wait class. Maglabas ng papel at isulat doon kung bakit niyo kinuha ang kursong kinukuha niyo ngayon. May pupuntahan lang ako saglit," aniya.Tumayo siya at lumabas ng silid-aralan. Binagtas niya ang daan patungo sa library. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito. Ano ba itong nangyayari sa kaniya? Bahala na. Nang marating niya ang library, nagtungo siya sa librarian at pumirma."Sir Martinez, bakit po kayo nandito?" tanong ng librarian. Pati ba naman iyon tatanungin nito? Aniya sa sarili."May kukunin lang akong libro," sagot niya.Hinanap niya kung nasaan si Luisa. Nakita niya itong tumitingin-tingin sa mga nakahilerang libro sa book shelves na nasa dulo. Naglakad siya palapit rito, inilagay ang mga kamay sa bulsa ng slacks na suot. Nang medyo malayo siya ng kaonti rito, tumikhim siya."Ms. Serrano nandito ka pala," aniya. Natigilan ito at bumaling sa kaniya. Hindi talaga nakakasawang titigan ang mukha nito lalo na ang mga matang laging nakikiusap. Ngumiti ito."Sir, andito po pala kayo," anito na may ngiti sa mga labi. Lumapit siya ng tuluyan rito."Oo, may kukunin lang akong libro. Eh, nakita kita kaya nilapitan kita," aniya.Tumango ito at muling ibinalik ang atensiyon sa paghahanap ng libro. Naalala niya pala yung sinabi niya noon sa canteen na gusto niyang maging tour-guide ito."Pwede ka ba mamayang hapon? Magpapasama sana ako sa'yo na maglibot sa buong unibersidad. May mga ibang departamento pa kasi akong hindi alam. Okay lang ba?" tanong niya.Bahagyang natigilan ito. Sana pumayag ito. Hindi naman siya nagsisinungaling. Madami pa siyang hindi alam sa unibersidad at saka gusto rin niya itong makasama.Bahagyang natigilan si Luisa sa tanong na iyon ni Christian. Naalala nya bigla iyong pagkakataon na nagkasabay sila sa pagkain sa canteen kung saan humingi ito ng permiso na samahan siya na i-tour ito sa buong unibersidad. Kinuha pa nga nito ang cellphone number niya para kung sakali ay tawagan siya nito. Nang makabawi, ngumiti siya. Kitang-kita niya ang pagtitig ni Christian sa kaniyang mga labi. Hindi na lang niya pinansin ang ginawa nitong iyon pero ang totoo, nakaramdam siya ng parang may nagliliparang paro-paro sa kaniyang tiyan."Ahm.. Opo sir, pwede po kitang samahan mamaya pagkatapos po ng huli kong klase," aniya habang nakatitig sa mga mata nitong mapang-akit. Ngumiti ito. Lumitaw tuloy ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Napaisip tuloy siya kung anong toothpaste brand ang gamit nito at iyon ang gamitin niya."Okay, salamat. Tawagan na lang kita mamaya. See you later, Luisa," anito at tumalikod saka naglakad palayo sa kaniya. Napatitig siya sa likod nito. Malaking
Tahimik lamang si Luisa at Christian habang naglalakad sa pasilyo ng eskwelahan. Habang naglalakad ay itinuturo niya ang mga departamento ng paaralan. Iyong ibang estudyante ay napapatingin sa kanila pero hindi niya iyon alintana. Hangga't wala siyang ginagawang masama, wala siyang dapat ikahiya. Tatlong palapag lamang ang eskwelahan pero maluwang iyon. Nalibot na nila halos lahat ng departamento. Hindi maiwasang mapakagat-labi si Luisa ng maramdaman ang pagkirot ng kaniyang paa. May heels kasi ang suot niyang sapatos. Hindi man iyon kataasan pero nakakangawit pa rin lalo na at nasa bente minuto na sila naglalakad at nasa ikatlong palapag na sila. Nang lingunin siya ni Christian, binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti."Pagod ka na ba?" nag-aalala nitong tanong. Mababakasan talaga sa mukha ng propesor ang pag-aalala sa kaniya. Ayaw niya magsinungaling dahil kanina pa talaga masakit ang paa niya. Pinagdikit niya ang mga labi. Napansin niyang napatingin roon si Christian pero agad
Pagka-uwi ni Luisa, agad siyang nagtungo sa kaniyang silid. Nagbihis at nahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang nangyari kanina. Ang ginawa nitong paghilot sa kaniyang paa. Iba talaga ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. May kiliti at kilig. Napabuntong-hininga siya."Lumalalim na ata ang nararamdaman ko para kay Sir Christian," hindi niya napigilang sabihin sa sarili. Sabagay, wala namang masama kung magkagusto siya sa professor niya. Ang mahirap lang doon ay kapag mas lumalim pa ang nararamdaman niya para rito na mauuwi sa pagmamahal. Iba kasi kong tumingin ang binatang professor sa kaniya. Napabuntong-hininga siya at akmang tatawagan na si Suzette pero napag-isip-isip niya na mas mainam na ikuwento na lang iyon kinabukasan. Bumangon siya at inabala na lang ang sarili sa pag-review ng mga notes niya. Sumapit ang gabi at dumating na ang kaniyang magulang, bumaba siya ng hagdan at nagmano sa mga ito."Kamusta ang pag-aaral?" tanong ng ka
Bubuksan na sana ni Luisa ang kaniyang sasakyan nang tumawag si Suzette. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bag at sinagot ang tawag ng kaibigan."Suzette, napatawag ka? Na-miss mo agad ako at hindi mo na ako kayang hintayin diyan sa school?" biro niya. Narinig niyang umubo ito. Nakaramdam siya bigla ng pag-aalala."Ayos ka lang, bes?" nag-aalala niyang tanong. "Puwede mo bang ipaalam ako sa teacher natin na hind ako makakapasok. Trinatrangkaso ako, Luisa," sabi nito sa nanginginig naa boses. Narinig niya ang boses ng ina nito na uminom na ito ng gamot pero sumagot si Suzette na sandali lang dahil kausap siya nito."Sure, bes. Ipapaalam kita. Bibisitahin kita mamayang gabi. Pakikamusta na lan ako kina tita," aniya at nagpaalam na. Ibinalik niya ang cellphone sa bag at pumasok na sa loob ng sasakyan at pinasibad iyon patungo sa unibersidad. Nang makarating roon, nagtungo muna siya sa library para tumingin ng libro na makakatulong sa kaniya para mas mapalawak ang kaalaman niya sa ma
Minamaneho ni Luisa ang Black Mitsubishi Lancer na regalo sa kaniya ng kaniyang ama noong nakaraang kaarawan niya. Hindi niya akalain na reregolahan siya ng kaniyang ama ng mamahaling sasakyan. Nang mga sandaling iyon, walang pagsidlan ng kagalakan ang kaniyang puso sa pagmamahal na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang ama. Lubos siyang nagpapasalamat sa Diyos na hinahayaan siya ng mapagmahal na ama at maasikasong ina.Papunta si Luisa ngayon sa bahay ng kaniyang matalik na kaibigan para yayain na samahan siyang bumili ng bagong labas na libro ni Arya Deltan, The Red Rose. Isa itong sikat na manunulat na talaga namang walang maikukumpara sa alinmang mga libro ang kaniyang akda.Sobrang namimiss niya na ang kaibigan, kagagaling lang kasi ni Luisa sa probinsya at doon nanatili ng dalawang buwan na bakasyon. Ito na kasi ang huling linggo ng bakasyon nila. Mapapasabak na naman sila sa puspusang pagsusunog ng kilay. Siguradong magiging kalbaryo ni Luisa ang isang buong taon dah graduating na si
PAUWI na si Christian sakay ng kaniyang second hand na kotse. Galing siya sa Wirland University kung saan siya magtuturo nitong pasukan dahil may mga tinapos pa siyang gawain roon. Biglang pumasok sa isip niya ang dalaga na nakabanggaan niya kanina sa Crystal Book Store. Maganda ang dalaga, makinis ang balat, mapungay na mga mata, balingkinitang katawan at mapupulang labi. Fvck! Bakit ba niya iniisip ang dalaga? Sigurado naman na hindi na sila magkikita pa.Nang makarating si Christian sa bahay na inookopa niya, ipinark niya sa garahe ang sasakyan. Ang bahay ay ipinahiram ng kaniyang Tito Meño Martinez para hindi siya mahirapan lalo na at may kalayuan ang bahay nila mula sa unibersidad. Ang kaniyang Tito Meño Martinez ay may-ari ng isang kilala at tanyag na kompanya, ang Martinez Real Estate Incorporation.Lumabas si Christian ng kotse at tinungo ang bahay. Napakunot-noo siya nang makitang bukas ang pintuan ng bahay. Panigurado nandito sa bahay si Janizza, ang kaniyang nobya. Isang tao
Ito ang unang araw ng pasok ni Luisa bilang isang Fourth Year Student sa Wirland University. Excited siya ng mga sandaling iyon. Pagkagising, agad siyang bumangon at nagtungo sa komedor para mag-agahan. Naabutan niya ang kaniyang ina na abala sa pagtulong kay Nanay Selina sa pagluluto. Ang ama naman niya ay abala sa pagbabasa ng dyaryo.Lumapit siya sa kaniyang ama at hinalikan sa pisngi. Mukhang nagulat si Mr. Serrano sa ginawa ng anak dahil nakatutok ang atensiyon nito sa binabasang diyaryo. Tiningala ni Mr. Serrano si Luisa na bagong gising at nginitian."Magandang umaga, iha. Kamusta ang tulog mo?" bati nito sa anak. Ngumiti si Luisa sa ama."Ayos naman po, dad. Excited po ako ngayon. Graduating na po ako. Matutulungan ko na po kayo ni Ma," ani Luisa at nagtungo sa upuan katapat ng kaniyang ama at naupo. Bago pa makasagot si Anthony ay sumingit na si Susan na naglalakad patungo sa hapag-kainan na may dalang isang malaking pinggan na naglalaman ng agahan nila."Oo, isang taon nalan
Nang marating ni Luisa ang unibersidad sakay ng kaniyang Lancer ay ipinarada na niya iyon sa parking lot ng paaralan. Napakunot-noo siya ng makita si Drake sa tabi ng sasakyan nito habang nakahalukipkip at nakatingin sa sasakyan niya. Hinihintay ba siya ni Drake? Baka nga dahil wala namang ibang tao sa parking lot kung hindi siya lamang. Pagkatapos patayin ang makina ng sasakyan, binuksan na ni Luisa ang pintuan ng driver's seat at umibis. Kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha ni Drake at ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Naglakad ito palapit sa kaniya."Bakit nandito ka pa sa labas? Hinihintay mo ba ako?" nagtatakang tanong niya. Ngumiti si Drake at kinuha sa kaniyang balikat ang shoulder bag niyang dala na kaagad naman niyang ibinigay."Oo, hinihintay talaga kita Ihahatid kita sa silid-aralan mo. Pwede naman 'yun, hindi ba?" nag-aalangan nitong tanong na baka hindi-an niya ang alok nito. Nginitian niya si Drake. Wala namang masama kung ihahatid siya nito. Bagaman binasted niya

Bahagyang natigilan si Luisa sa tanong na iyon ni Christian. Naalala nya bigla iyong pagkakataon na nagkasabay sila sa pagkain sa canteen kung saan humingi ito ng permiso na samahan siya na i-tour ito sa buong unibersidad. Kinuha pa nga nito ang cellphone number niya para kung sakali ay tawagan siya nito. Nang makabawi, ngumiti siya. Kitang-kita niya ang pagtitig ni Christian sa kaniyang mga labi. Hindi na lang niya pinansin ang ginawa nitong iyon pero ang totoo, nakaramdam siya ng parang may nagliliparang paro-paro sa kaniyang tiyan."Ahm.. Opo sir, pwede po kitang samahan mamaya pagkatapos po ng huli kong klase," aniya habang nakatitig sa mga mata nitong mapang-akit. Ngumiti ito. Lumitaw tuloy ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Napaisip tuloy siya kung anong toothpaste brand ang gamit nito at iyon ang gamitin niya."Okay, salamat. Tawagan na lang kita mamaya. See you later, Luisa," anito at tumalikod saka naglakad palayo sa kaniya. Napatitig siya sa likod nito. Malaking
Pagkatapos magpakilala ni Suzette at makabalik sa upuan nito. Si Luisa na ang susunod na magpapakilala. Tumayo siya at nagpunta sa harapan. Ramdam niya ang titig sa ni Christian na wari'y inaalisa ang kaniyang kilos, nasa likuran kasi ito. Nang nasa harapan na si Luisa, tumayo siya ng tuwid at nagsimula ng magpakilala. Nagsimula sa kaniyang buong pangalan, tirahan at edad. Habang nagpapakilala, ramdam niya ang matiim na titig nito sa kaniya. Na-cuncious siya bigla sa sarili. mabuti nalang maayos niyang naitawid ang pagpapakilala. Yumuko siya, katunayan na tapos na siya."Thank you po," aniya. Ihahakbang na sana niya ang paa pabalik sa upuan ng magsalita si Christian."Bakit mo kinuha ang Kursong BSBA, Ms. Serrano?" kuryos nitong tanong. Napalunok siya ng magtama ang kanilang mga mata. He has a tantalizing eyes and thick eyebrows. Napakagat-labi siya. "Actually, hindi po ito ang course na gusto ko. Pinili ko po ito dahil kailangan lalo at ako ang mamamahala sa kompanya ng aking magula