Share

Pagmamahal

Author: AtengKadiwa
last update Last Updated: 2022-06-13 12:19:04

Ito ang unang araw ng pasok ni Luisa bilang isang Fourth Year Student sa Wirland University. Excited siya ng mga sandaling iyon. Pagkagising, agad siyang bumangon at nagtungo sa komedor para mag-agahan. Naabutan niya ang kaniyang ina na abala sa pagtulong kay Nanay Selina sa pagluluto. Ang ama naman niya ay abala sa pagbabasa ng dyaryo.

Lumapit siya sa kaniyang ama at hinalikan sa pisngi. Mukhang nagulat si Mr. Serrano sa ginawa ng anak dahil nakatutok ang atensiyon nito sa binabasang diyaryo. Tiningala ni Mr. Serrano si Luisa na bagong gising at nginitian.

"Magandang umaga, iha. Kamusta ang tulog mo?" bati nito sa anak. Ngumiti si Luisa sa ama.

"Ayos naman po, dad. Excited po ako ngayon. Graduating na po ako. Matutulungan ko na po kayo ni Ma," ani Luisa at nagtungo sa upuan katapat ng kaniyang ama at naupo.

Bago pa makasagot si Anthony ay sumingit na si Susan na naglalakad patungo sa hapag-kainan na may dalang isang malaking pinggan na naglalaman ng agahan nila.

"Oo, isang taon nalang anak at ikaw na ang mamamahala sa kompanya. Matutulungan mo na kami ng iyong ama. Kaya nagpapasalamat kami sa iyo dahil kahit hindi ito ang kursong gusto mong kunin, kinuha mo pa rin para sa amin ng iyong ama. Maraming-maraming salamat anak," ani Susan habang inilalapag ang pinggan sa mesa at nakatingin sa anak ng may buong pagsuyo at punong-puno ng pagmamahal.

Ang gusto talaga ni Luisa na kurso ay Bachelor in Journalism and Mass Communication. Gusto niyang maging mamamahayag pero dahil sa walang ibang tagapagmana sa kompanya ng kaniyang magulang ay pinili niya ang Kursong Business Management na siyang gusto ng mga ito.

Walang dahilan para hindi niya sundin ang kaniyang mga magulang. Kung wala sila, wala siya sa mundo ngayon. Ang kaniyang ina na nagluwal sa kaniya at kaniyang ama na nagpursige sa buhay para mabigyan siya ng magandang kinabukasan at mabili lahat ng gusto niya. Kung materyal na bagay ay hindi nagkukulang ang kaniyang magulang sa pag-provide niyon sa kaniya. Kung iyon ang ikasasaya nila, gagawin niya.

Tumayo si Luisa mula sa pagkakaupo at niyakap ang ina ng buong pagmamahal. Niyakap din pabalik ni Susan ang anak at hinalikan sa noo. Samantalang, nakatingin lamang sa kanila sina Anthony at Nanay Selina na may masuyong ngiti sa mga labi dahil sa nakikita. Kumalas sa pagkakayakap si Luisa at pinakatitigan ang ina na medyo may katandaan na.

Miracle baby si Luisa dahil noong nasa trenta'y nuwebe anyos ang kaniyang ina ay ipinagbuntis siya na ang akala'y hindi na magbubuntis. Naging maselan ang pagbubuntis ni Susan pero naging maayos naman ang lahat lalo at naging maingat ito. Kaya nagpapasalamat ang mga ito sa Diyos dahil sa biyayang ipinagkaloob Niya sa kanila.

"Ma, gusto ko po maging masaya kayo. Minahal ko na ang kursong ito sa loob ng dalawang taon, at nagpapasalamat ako dahil iniisip niyo ang kinabukasan ko. Kaya huwag na kayong maguilty dahil mahal ko po itong ginagawa ko. Siguro hindi para sakin ang maging Journalist," ani Luisa at nginitian ang ina na kahit nasa edad singkwenta'y otso ay maganda pa rin. Hindi pa halata ang pagtanda sa mukha. Alaga kasi nito ang sarili.

Ngumiti pabalik si Susan sa anak. Masaya si Susan dahil lumaking mabait at may paggalang sa magulang si Luisa. Wala itong ibang hangad sa anak kung hindi ang magkaroon ng magandang kinabukasan at may matatag na negosyo dahil hindi sa habang panahon ay makakasama nila ang anak. Kaya gusto nila ni Anthony masiguro ang magiging kinabukasan o buhay ni Luisa sa hinaharap.

"Kain na! Baka ma-late si Luisa. First day of class pa man din," biro ni Anthony sa kanila. Agad namang lumapit si Nay Selina sa mesa na may hawak na isang bandehado ng kanin at inilapag iyon. Tumawa si Luisa sa sinabi ng kaniyang ama.

"Buti napansin mo iyon, Dad," biro ni Luisa sa ama. "Tara kain na tayo! Gutom na ako," aniya sabay himas sa tiyan. Nagtawanan ang lahat dahil sa tinuran ni Luisa.

"Ipagtitimpla kita ng gatas, anak," ani Susan.

"Salamat, Ma," tugon niya sa ina at tinulungan si Nay Selina sa paghahanda ng almusal.

Nang matapos sa pagprepara ng agahan ay salo-salo silang nag-agahan habang maganang kumakain ay panaka-naka'y nagkwekwentuhan at nagtatawanan sa biruan ng isa't-isa.

Habang nakatingin si Luisa sa kaniyang pamilya. Itinuring na nilang pamilya si Nanay Selina, dahil simula bata pa lang ay ito na ang nag-alaga sa kaniya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kasiyahan sa nakikita. Masarap mabuhay sa mundo kapag ganito kasaya ang pamilya. Na na kahit may mga problema ay nalalampasan nila ng magkakasama. Iilan nalang ang pamilyang buong at masaya sa piling ng isa't-isa.

PAGKATAPOS kumain ni Luisa, tumayo na siya at nagpaalam sa kaniyang magulang. Mamayang 9:00 am pa ang pasok nila sa kompanya.

"Maghahanda na po ako sa pagpasok Ma, Dad," paalam ni Luisa sa magulang. Ngumiti sina Anthony at Susan sa anak.

"Okay, iha," sabay nilang ani.

Nagtungo na si Luisa sa kwarto para doon maligo. Habang nasa ilalalim siya ng shower hindi niya maiwasang isipin si Christian. Tiyak na magkikita na naman sila. Sana hindi si Christian ang maging professor ng Ruby A. Piping dalangin niya.

Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng takot dahil may namumuong paghanga sa kaniyang puso para kay Christian. Sana may dumating na ibang professor na siyang magtuturo sa Math Subject. Iyon kasi ang subject na na walang professor na nagtuturo. Nag-ibang bansa kasi ang dating nagtuturo.

Ayaw niyang makita ang lalaki dahil pakiramdam niya may gusto ito sa kaniya ito. Agad na kinastigo ni Luisa ang sarili dahil sa naisip. Imposibleng magkagusto sa kaniya si Christian. Dahil ang totoo, siya ang may gusto rito. Walang dahilan para magkagusto si Christian sa kaniya. Napabuntong-hininga si Luisa at ini-off ang shower saka lumabas ng bathroom. Nagbihis siya ng uniporme at inayos ang sarili.

Nang matapos si Luisa sa ginagawa, isinukbit niya ang bagpack sa kaniyang balikat at lumabas ng kwarto. Bumaba siya ng hagdan at naabutan ang kaniyang magulang na nasa salas at may ginagawa sa laptop. Marahil ay patungkol sa negosyo o sa kompanya ang inassikaso nila sa laptop. Kinuha ni Luisa ang atensyon ng kaniyang magulang.

"Ma, Dad!" aniya at naglakad patungo sa kinaroroonan nila. Bumaling naman ang mga ito sa kaniya at sabay na ngumiti.

"Ang ganda naman ng anak namin," puri ng kaniyang ama sa kaniya.

"Thank you, Dad!" ani Luisa at niyakap ang ama at hinalikan sa pisngi.

"Nabati mo na ang anak mo ng maganda, eh ako ay hindi mo pa binabati!" pabirong pagmamaktol ni Susan sa asawa.

Sinamangutan ni Susan ang asawa. Pero alam naman ni Susan na kahit hindi sabihin ni Anthony na maganda siya, makikita naman iyon sa kung paano siya tingnan nito. Walang nagbago sa pakikitungo nila sa isa't-isa. Kung ano sila noon, ganpon pa rin sila hanggang iyon. Iyon ang higit na ipinagpapasalamat niya sa Maykapal na biniyayaan siya ng isang mabuti at responsableng asawa. Higit sa lahat, mabait na anak.

Si Luisa na nakatingin naman sa magulang ay hindi maiwasang mapailing na nangingiti sa pagmamaktol ng ina. Ganiyan talaga ang kaniyang ina, pero pagkunwari lamang iyon. Agad na niyakap ng kaniyang ama ang kaniyang ina at kinintalan ng halik sa noo. Marahil nahihiyang halikan sa labi dahil nasa haparan siya.

"Syempre maganda kayo pareho ni Luisa, ikaw ang aking reyna at si Luisa ang aking prinsesa. Mahal na mahal ko kayo," ani Anthony habang masuyong nakattitig kay Susan.

Hindi naiwasan ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Luisa dahil sa nakikitang eksena. Agad niyang pinunasan iyon gamit ang hawak na panyo.

"Mauna na ako, Ma at Dad! Naiinggit ako eh!" biro niya na ikinatawa naman nila Susan at Anthony.

"Mag-iingat ka, anak," ani Anthony sa anak.

"Opo," ani Luisa at lumabas na ng bahay at tinungo ang Black Lancer, sumakay at pinasibad iyon patungong Wirland University.

SA BAHAY, masaya ang mag-asawang Susan at Anthony dahil sa pag-express ng narardaman nila sa isa't-isa sa harapan ng anak. Inakbayan ni Anthony ang asawa at muling hinalikan sa noo. Kahit matagal na silang nagsasama, para pa rin silang magkasintahan sa kung paano nila ituring ang isa't-isa.

"Nagdadalaga na ang anak natin. Nahihiya na siyang makita tayong naglalambingan sa isa't-isa," biro ni Susan. Natawa si Anthony sa sinabi ng asawa.

"Oo nga eh. Balang araw gusto ko makilala niya ang lalaking mapapangasawa niya na alam kong magiging maganda ang buhay niya kapag sila ang nagkatuluyan," ani Anthony habang iniisip ang lalaking napupusuan para sa anak.

Pinagplanuhan na nila itong mag-asawa na ipagkasundo si Luisa sa anak ng ka-sosyo niya. Syempre, magiging malapit muna sila sa isa't-isa. Hindi pwedeng ikasal sila ng walang pagmamahal sa isa't-isa. Tiningala siya ni Susan na kababakasan ang pag-aalala at pangamba sa mukha dah sa plano ni Anthony.

"Tama kaya ng desisyon natin na mamili ng lalaking makakasama niya habambuhay, Anthony? Baka sumama ang loob niya sa atin kapag nagdesisyon tayo sa buhay pag-ibig niya," anito. Tiningnan ni Anthony ang asawa, kitang-kita sa mga mata nito ang takot sa pwedeng mangyari. Hinawakan ni Anthony ang kamay ni Susan at pinisil iyon.

"Huwag kang kabahan, tiyak na maiintindihan tayo ng anak natin kung bakit natin ito ginagawa. Para sa kaniya rin naman ito. Kaya mas mainam na ipakilala na natin sila ng maaga para magkakilala na sila," ani Anthony. Ngumiti ng pilit si Susan sa kaniya.

"Natatakot lang ako na kamuhian tayo, alam mo naman na tayo ang nagdesisyon sa kursong kukunin niya. Ayaw ko naman na pati sa magiging asawa ay tayo parin ang magdedesisyon," ani Susan na bahagyang nanginig ang kamay.

"Maiintindihan niya iyon, Susan. Maiintindihan niya. Kaya, magtiwala ka. Mabait ang ating anak kaya alam kong susunod siya sa gusto natin," ani Anthony na punong-puno ng kasiguraduhan ang boses.

Mali ba ang gagawin ni Anthony? Pero walang ibang maisip na paraan si Anthony kung paano mapapabuti si Luisa. Baka may lalaking manligaw rito at mahalin ni Luisa pero iba pala ang intensyon nito. Hindi niya hahayaang mangyari iyon.

Related chapters

  • Forbidden Affinity   Unang Araw Ng Klase

    Nang marating ni Luisa ang unibersidad sakay ng kaniyang Lancer ay ipinarada na niya iyon sa parking lot ng paaralan. Napakunot-noo siya ng makita si Drake sa tabi ng sasakyan nito habang nakahalukipkip at nakatingin sa sasakyan niya. Hinihintay ba siya ni Drake? Baka nga dahil wala namang ibang tao sa parking lot kung hindi siya lamang. Pagkatapos patayin ang makina ng sasakyan, binuksan na ni Luisa ang pintuan ng driver's seat at umibis. Kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha ni Drake at ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Naglakad ito palapit sa kaniya."Bakit nandito ka pa sa labas? Hinihintay mo ba ako?" nagtatakang tanong niya. Ngumiti si Drake at kinuha sa kaniyang balikat ang shoulder bag niyang dala na kaagad naman niyang ibinigay."Oo, hinihintay talaga kita Ihahatid kita sa silid-aralan mo. Pwede naman 'yun, hindi ba?" nag-aalangan nitong tanong na baka hindi-an niya ang alok nito. Nginitian niya si Drake. Wala namang masama kung ihahatid siya nito. Bagaman binasted niya

    Last Updated : 2022-08-31
  • Forbidden Affinity   Bilang Tutor

    Pagkatapos magpakilala ni Suzette at makabalik sa upuan nito. Si Luisa na ang susunod na magpapakilala. Tumayo siya at nagpunta sa harapan. Ramdam niya ang titig sa ni Christian na wari'y inaalisa ang kaniyang kilos, nasa likuran kasi ito. Nang nasa harapan na si Luisa, tumayo siya ng tuwid at nagsimula ng magpakilala. Nagsimula sa kaniyang buong pangalan, tirahan at edad. Habang nagpapakilala, ramdam niya ang matiim na titig nito sa kaniya. Na-cuncious siya bigla sa sarili. mabuti nalang maayos niyang naitawid ang pagpapakilala. Yumuko siya, katunayan na tapos na siya."Thank you po," aniya. Ihahakbang na sana niya ang paa pabalik sa upuan ng magsalita si Christian."Bakit mo kinuha ang Kursong BSBA, Ms. Serrano?" kuryos nitong tanong. Napalunok siya ng magtama ang kanilang mga mata. He has a tantalizing eyes and thick eyebrows. Napakagat-labi siya. "Actually, hindi po ito ang course na gusto ko. Pinili ko po ito dahil kailangan lalo at ako ang mamamahala sa kompanya ng aking magula

    Last Updated : 2022-09-27
  • Forbidden Affinity   Tour

    Bahagyang natigilan si Luisa sa tanong na iyon ni Christian. Naalala nya bigla iyong pagkakataon na nagkasabay sila sa pagkain sa canteen kung saan humingi ito ng permiso na samahan siya na i-tour ito sa buong unibersidad. Kinuha pa nga nito ang cellphone number niya para kung sakali ay tawagan siya nito. Nang makabawi, ngumiti siya. Kitang-kita niya ang pagtitig ni Christian sa kaniyang mga labi. Hindi na lang niya pinansin ang ginawa nitong iyon pero ang totoo, nakaramdam siya ng parang may nagliliparang paro-paro sa kaniyang tiyan."Ahm.. Opo sir, pwede po kitang samahan mamaya pagkatapos po ng huli kong klase," aniya habang nakatitig sa mga mata nitong mapang-akit. Ngumiti ito. Lumitaw tuloy ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Napaisip tuloy siya kung anong toothpaste brand ang gamit nito at iyon ang gamitin niya."Okay, salamat. Tawagan na lang kita mamaya. See you later, Luisa," anito at tumalikod saka naglakad palayo sa kaniya. Napatitig siya sa likod nito. Malaking

    Last Updated : 2022-10-23
  • Forbidden Affinity   Break-up

    Tahimik lamang si Luisa at Christian habang naglalakad sa pasilyo ng eskwelahan. Habang naglalakad ay itinuturo niya ang mga departamento ng paaralan. Iyong ibang estudyante ay napapatingin sa kanila pero hindi niya iyon alintana. Hangga't wala siyang ginagawang masama, wala siyang dapat ikahiya. Tatlong palapag lamang ang eskwelahan pero maluwang iyon. Nalibot na nila halos lahat ng departamento. Hindi maiwasang mapakagat-labi si Luisa ng maramdaman ang pagkirot ng kaniyang paa. May heels kasi ang suot niyang sapatos. Hindi man iyon kataasan pero nakakangawit pa rin lalo na at nasa bente minuto na sila naglalakad at nasa ikatlong palapag na sila. Nang lingunin siya ni Christian, binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti."Pagod ka na ba?" nag-aalala nitong tanong. Mababakasan talaga sa mukha ng propesor ang pag-aalala sa kaniya. Ayaw niya magsinungaling dahil kanina pa talaga masakit ang paa niya. Pinagdikit niya ang mga labi. Napansin niyang napatingin roon si Christian pero agad

    Last Updated : 2022-11-12
  • Forbidden Affinity   Sumisibol Na Damdamin

    Pagka-uwi ni Luisa, agad siyang nagtungo sa kaniyang silid. Nagbihis at nahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang nangyari kanina. Ang ginawa nitong paghilot sa kaniyang paa. Iba talaga ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. May kiliti at kilig. Napabuntong-hininga siya."Lumalalim na ata ang nararamdaman ko para kay Sir Christian," hindi niya napigilang sabihin sa sarili. Sabagay, wala namang masama kung magkagusto siya sa professor niya. Ang mahirap lang doon ay kapag mas lumalim pa ang nararamdaman niya para rito na mauuwi sa pagmamahal. Iba kasi kong tumingin ang binatang professor sa kaniya. Napabuntong-hininga siya at akmang tatawagan na si Suzette pero napag-isip-isip niya na mas mainam na ikuwento na lang iyon kinabukasan. Bumangon siya at inabala na lang ang sarili sa pag-review ng mga notes niya. Sumapit ang gabi at dumating na ang kaniyang magulang, bumaba siya ng hagdan at nagmano sa mga ito."Kamusta ang pag-aaral?" tanong ng ka

    Last Updated : 2023-10-20
  • Forbidden Affinity   Ang Plano Ni Janizza

    Bubuksan na sana ni Luisa ang kaniyang sasakyan nang tumawag si Suzette. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bag at sinagot ang tawag ng kaibigan."Suzette, napatawag ka? Na-miss mo agad ako at hindi mo na ako kayang hintayin diyan sa school?" biro niya. Narinig niyang umubo ito. Nakaramdam siya bigla ng pag-aalala."Ayos ka lang, bes?" nag-aalala niyang tanong. "Puwede mo bang ipaalam ako sa teacher natin na hind ako makakapasok. Trinatrangkaso ako, Luisa," sabi nito sa nanginginig naa boses. Narinig niya ang boses ng ina nito na uminom na ito ng gamot pero sumagot si Suzette na sandali lang dahil kausap siya nito."Sure, bes. Ipapaalam kita. Bibisitahin kita mamayang gabi. Pakikamusta na lan ako kina tita," aniya at nagpaalam na. Ibinalik niya ang cellphone sa bag at pumasok na sa loob ng sasakyan at pinasibad iyon patungo sa unibersidad. Nang makarating roon, nagtungo muna siya sa library para tumingin ng libro na makakatulong sa kaniya para mas mapalawak ang kaalaman niya sa ma

    Last Updated : 2023-10-31
  • Forbidden Affinity   Banggaan

    Minamaneho ni Luisa ang Black Mitsubishi Lancer na regalo sa kaniya ng kaniyang ama noong nakaraang kaarawan niya. Hindi niya akalain na reregolahan siya ng kaniyang ama ng mamahaling sasakyan. Nang mga sandaling iyon, walang pagsidlan ng kagalakan ang kaniyang puso sa pagmamahal na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang ama. Lubos siyang nagpapasalamat sa Diyos na hinahayaan siya ng mapagmahal na ama at maasikasong ina.Papunta si Luisa ngayon sa bahay ng kaniyang matalik na kaibigan para yayain na samahan siyang bumili ng bagong labas na libro ni Arya Deltan, The Red Rose. Isa itong sikat na manunulat na talaga namang walang maikukumpara sa alinmang mga libro ang kaniyang akda.Sobrang namimiss niya na ang kaibigan, kagagaling lang kasi ni Luisa sa probinsya at doon nanatili ng dalawang buwan na bakasyon. Ito na kasi ang huling linggo ng bakasyon nila. Mapapasabak na naman sila sa puspusang pagsusunog ng kilay. Siguradong magiging kalbaryo ni Luisa ang isang buong taon dah graduating na si

    Last Updated : 2022-05-08
  • Forbidden Affinity   Muling Pagkikita

    PAUWI na si Christian sakay ng kaniyang second hand na kotse. Galing siya sa Wirland University kung saan siya magtuturo nitong pasukan dahil may mga tinapos pa siyang gawain roon. Biglang pumasok sa isip niya ang dalaga na nakabanggaan niya kanina sa Crystal Book Store. Maganda ang dalaga, makinis ang balat, mapungay na mga mata, balingkinitang katawan at mapupulang labi. Fvck! Bakit ba niya iniisip ang dalaga? Sigurado naman na hindi na sila magkikita pa.Nang makarating si Christian sa bahay na inookopa niya, ipinark niya sa garahe ang sasakyan. Ang bahay ay ipinahiram ng kaniyang Tito Meño Martinez para hindi siya mahirapan lalo na at may kalayuan ang bahay nila mula sa unibersidad. Ang kaniyang Tito Meño Martinez ay may-ari ng isang kilala at tanyag na kompanya, ang Martinez Real Estate Incorporation.Lumabas si Christian ng kotse at tinungo ang bahay. Napakunot-noo siya nang makitang bukas ang pintuan ng bahay. Panigurado nandito sa bahay si Janizza, ang kaniyang nobya. Isang tao

    Last Updated : 2022-05-08

Latest chapter

  • Forbidden Affinity   Pagmamahal

    Ito ang unang araw ng pasok ni Luisa bilang isang Fourth Year Student sa Wirland University. Excited siya ng mga sandaling iyon. Pagkagising, agad siyang bumangon at nagtungo sa komedor para mag-agahan. Naabutan niya ang kaniyang ina na abala sa pagtulong kay Nanay Selina sa pagluluto. Ang ama naman niya ay abala sa pagbabasa ng dyaryo.Lumapit siya sa kaniyang ama at hinalikan sa pisngi. Mukhang nagulat si Mr. Serrano sa ginawa ng anak dahil nakatutok ang atensiyon nito sa binabasang diyaryo. Tiningala ni Mr. Serrano si Luisa na bagong gising at nginitian."Magandang umaga, iha. Kamusta ang tulog mo?" bati nito sa anak. Ngumiti si Luisa sa ama."Ayos naman po, dad. Excited po ako ngayon. Graduating na po ako. Matutulungan ko na po kayo ni Ma," ani Luisa at nagtungo sa upuan katapat ng kaniyang ama at naupo. Bago pa makasagot si Anthony ay sumingit na si Susan na naglalakad patungo sa hapag-kainan na may dalang isang malaking pinggan na naglalaman ng agahan nila."Oo, isang taon nalan

  • Forbidden Affinity   Muling Pagkikita

    PAUWI na si Christian sakay ng kaniyang second hand na kotse. Galing siya sa Wirland University kung saan siya magtuturo nitong pasukan dahil may mga tinapos pa siyang gawain roon. Biglang pumasok sa isip niya ang dalaga na nakabanggaan niya kanina sa Crystal Book Store. Maganda ang dalaga, makinis ang balat, mapungay na mga mata, balingkinitang katawan at mapupulang labi. Fvck! Bakit ba niya iniisip ang dalaga? Sigurado naman na hindi na sila magkikita pa.Nang makarating si Christian sa bahay na inookopa niya, ipinark niya sa garahe ang sasakyan. Ang bahay ay ipinahiram ng kaniyang Tito Meño Martinez para hindi siya mahirapan lalo na at may kalayuan ang bahay nila mula sa unibersidad. Ang kaniyang Tito Meño Martinez ay may-ari ng isang kilala at tanyag na kompanya, ang Martinez Real Estate Incorporation.Lumabas si Christian ng kotse at tinungo ang bahay. Napakunot-noo siya nang makitang bukas ang pintuan ng bahay. Panigurado nandito sa bahay si Janizza, ang kaniyang nobya. Isang tao

  • Forbidden Affinity   Banggaan

    Minamaneho ni Luisa ang Black Mitsubishi Lancer na regalo sa kaniya ng kaniyang ama noong nakaraang kaarawan niya. Hindi niya akalain na reregolahan siya ng kaniyang ama ng mamahaling sasakyan. Nang mga sandaling iyon, walang pagsidlan ng kagalakan ang kaniyang puso sa pagmamahal na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang ama. Lubos siyang nagpapasalamat sa Diyos na hinahayaan siya ng mapagmahal na ama at maasikasong ina.Papunta si Luisa ngayon sa bahay ng kaniyang matalik na kaibigan para yayain na samahan siyang bumili ng bagong labas na libro ni Arya Deltan, The Red Rose. Isa itong sikat na manunulat na talaga namang walang maikukumpara sa alinmang mga libro ang kaniyang akda.Sobrang namimiss niya na ang kaibigan, kagagaling lang kasi ni Luisa sa probinsya at doon nanatili ng dalawang buwan na bakasyon. Ito na kasi ang huling linggo ng bakasyon nila. Mapapasabak na naman sila sa puspusang pagsusunog ng kilay. Siguradong magiging kalbaryo ni Luisa ang isang buong taon dah graduating na si

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status