Minamaneho ni Luisa ang Black Mitsubishi Lancer na regalo sa kaniya ng kaniyang ama noong nakaraang kaarawan niya. Hindi niya akalain na reregolahan siya ng kaniyang ama ng mamahaling sasakyan. Nang mga sandaling iyon, walang pagsidlan ng kagalakan ang kaniyang puso sa pagmamahal na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang ama. Lubos siyang nagpapasalamat sa Diyos na hinahayaan siya ng mapagmahal na ama at maasikasong ina.
Papunta si Luisa ngayon sa bahay ng kaniyang matalik na kaibigan para yayain na samahan siyang bumili ng bagong labas na libro ni Arya Deltan, The Red Rose. Isa itong sikat na manunulat na talaga namang walang maikukumpara sa alinmang mga libro ang kaniyang akda.Sobrang namimiss niya na ang kaibigan, kagagaling lang kasi ni Luisa sa probinsya at doon nanatili ng dalawang buwan na bakasyon. Ito na kasi ang huling linggo ng bakasyon nila. Mapapasabak na naman sila sa puspusang pagsusunog ng kilay. Siguradong magiging kalbaryo ni Luisa ang isang buong taon dah graduating na siya. Pero, kakayanin niya para sa sarili at sa kompanya na ipapamana sa kaniya ng kaniyang magulang pagka-graduate niya.Kumukuha siya ng Kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Financial Managent dahil iyon ang kurso na gusto ng kaniyang magulang para sa kaniya. Nagmamay-ari sila ng Serrano Garments Factory na talaga namang nangunguna sa industriya. Sa kanila kumukuha ang mga kompanya na gumagawa ng damit dito sa Pilipinas. Nag-e-export sila ng mga iba't-ibang klase ng tela sa ibang bansa. Nag-iisang anak lang si Luisa, at walang ibang susunod sa yapak ng kaniyang ama sa pagnenegosyo kung hindi siya lamang. Kahit papaano natutunan na niyang mahalin ang Kursong BSBA.Pinindot niya ang ON botton ng radyo sa kanyang sasakyan. Umalingawngaw ang napakagandang boses ni Avril Lavigne na kinakanta ang paborito niyang kanta na COMPLICATED. Isa si Avril sa paboritong mang-aawit ni Luisa.Habang napapasabay sa pagkanta, biglang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya sa screen ng cellphone kung sino ang tumatawag, si Suzette. Sinagot ni niya iyon at hininaan ang volume ng radyo para marinig niya ang kausap at marinig din siya."Hello BFF! Ang tagal mo! Kanina pa ako naghihintay. Asan ka na ba?" malditang bungad ni Suzette. Ayun na naman ang pagiging mainipin nito. Isa iyon sa pinaka-ayaw niyang ugali ni Suzette noong una, pero kalaunan nasanay na siya.Akala mo naman naghihintay ng matagal sa isang mamahaling restaurant at ito nalang ang nandoon kong makapagsalita si Suzette. Sanay na si Luisa rito, kaya minsan isinasawalang-bahala nalang niya iyon. Ganoon talaga ito magsalita pero mabait at malambing si Suzette."Malapit na ako," pagbibigay-alam niya."Okay, hihintayin kita rito sa bahay," iyon lang ang sinagot ni Suzette at pinatay na ang tawag.Nang makarating si Luisa sa kaniyang destinasyon. Pinagbuksan siya ng gate ni Roberto, ang gwardiya nina Suzette. Nang matapat siya rito, ibinaba niya ang windshield at binati ito. Sakto naman na nasa gawing driver's seat ito."Magandang hapon po, Tatay Roberto!" masiglang bati ni Luisa sa may edad nang gwardiya. Ilang taon na rin itong naninilbihan sa pamilya Esmeralte. Elementary palang sila ni Suzette ay gwardiya na si Roberto nina Crispina Esmeralte, ang ina ni Suzette. Ipinark ni Luisa ang Mitsubishi Lancer sa kanang bahagi ng mansiyon kung saan mayroong espasyo para sa sasakyan.Pumunta siya sa front door at pinindot and doorbell. Ilang sandali pa ay lumabas na ang mayordoma nina Suzette, si Jessa at pinagbuksan siya ng pintuan. "Magandang hapon po, Manang Jessa," bati ni Luisa kay Jessa na may ngiti sa mga labi. Sinuklian siya nito nang isang ngiti."Magandang hapon rin, iha. Kanina ka pa hinihintay ni Suzette. Pasok ka," paanyaya nito at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok siya. Nauna nang pumasok sa loob si Jessa, sumunod naman siya. Hindi pa siya tuluyang nakakapasok nang biglang may marinig siyang pagsigaw."Bes!" tiningnan niya ang nagmamay-ari ng boses, si Suzette.Patakbong lumapit si Suzette sa kaniya at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Niyakap niya rin ito pabalik. Sobrang namiss niya talaga ito. Nang humiwalay ito sa pagkakayakap sa kaniya, tiningnan siya nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagkasabik na makita siya."I miss you, bes. Grabe! Two months ba naman na hindi tayo nagkita! Hindi pa kita makontak," pagmamaktol nito at nakanguso ang mga labi. Natawa nalang si Luisa."Mahina ang signal sa probinsya, Suzette. Pahirapan ang signal doon. Pero kahit walang signal, nag-enjoy ako kasi nakasama ko ang aking mga pinsan maging sina tito at tita," aniya. Liblib na lugar kasi ang probinsya ng ama ni Luisa, pero kahit papaano hindi naman siya nainip sa pananatili roon dahil kasama niya ang mga pinsan para maaliw siya. Ipinasyal rin siya sa ilog, sapa at sa may katamtamang laki nilang palengke. Umabresete si Suzette sa kaniyang braso."So, let's go!" ani Suzette na mas excited pa kaysa sa kaniya. Mahilig rin sa libro si Suzette, kaya lagi silang magkasundo kung libro ang pag-uusapan. Nagpaalam muna sila kay Jessa bago lumabas ng bahay."HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa ganda ng sasakyan mo, bes!" Puri ni Suzette ng makasakay ito sa passenger's seat ng Lancer. Mahina siyang natawa sa reaksyon nito."Dapat masanay ka na," aniya at pinausad na ang sasakyan palabas ng compound ng mansiyon. Kumaway pa sila kay Roberto. Habang nasa daan, nagkwentuhan si Luisa at Suzette hanggang sa makuha ang atensiyon niya sa sinabi ni Suzette."Alam mo bang may bagong professor tayo sa math?" tanong ni Suzette. Umiling siya. Hindi naman kasi siya interesado sa kung sinoman ang nagiging professor ng unibersidad. Pinagtutuunan niya ng pansin ang pag-aaral."Hindi, paano mo nalaman?" tanong ni Luisa."Sa group chat, tsismis doon. May nakapagsabi na sobrang gwapo daw ng bagong professor. Batang-bata, Luisa. Hindi na ako makapaghintay na makita siya," ani Suzette na May kasamang gigil. Huminga siya ng malalim. Pagdating talaga sa mga gwapo, napakabilis sa tsismis ng kaibigan. "Hindi ko pa nabasa," aniya.Pero ang totoo wala siyang balak magbasa sa GC, naka-span nga iyon dahil walang tigil sa kakatunog ang cellphone niya dahil sa ingay ng group chat.Ilang minuto rin ang nilakbay nila nang marating ang Crystal Book Store na nasa bayan. Malapit lang ang Book Store sa bahay nina Suzette. Ipinark ni Luisa ang Mitshubishi Lancer sa parking area ng book store. Bumaba sila ni Suzette at naglakad patungong entrance. Kinuha ang Crystal sa pangalan ng anak ng may-ari nito.Sa labas ay may gwardiya na nakatayo na siyang nagbubukas ng glass door para sa mga taong pumapasok at lumalabas sa book store. Malapit na sila sa entrance ng mamataan ni Luisa ang isang lalaking kalalabas lang ng kotse nito. Sa tingin niya ay second hand lamang ang kotse pero maayos pa naman. Hindi na niya napansin ang itsura ng lalaki dahil hinila na siya ni Suzette papasok sa loob."Good Morning Ma'am. Welcome po sa Crystal Book Store," magiliw na bati ng gwardya sa kanila at nakapaskil ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Binuksan nito ang glass door. Nang madaanan nila ang isang saleslady, binati sila nito. Ito ang maganda sa Crystal Book Store, mababait at approachable ang mga empleyado kaya dinarayo ito maski taga-ibang bayan."Doon ako maghahanap nang librong bibilhin ko," paalam ni Suzette sabay turo sa kaliwang bahagi ng book store. "Sa counter nalang tayo magtagpo," ani Suzette. Mahilig ito sa mga Mystery Book. Tumango si Luisa."Okay. Dito nalang ako," aniya at itinuro ang book shelve di kalayuan sa kinaroroonan niya. Tumango si Suzette at nagtungo sa Mystery Book Section.Tinungo ni Luisa ang shelve ng mga libro na ang genre ay Dark Romance at hinanap ang libro ni Arya Deltan na The Red Rose. Nang hindi niya makita iyon, nagtungo siya sa kabilang shelves sa kaliwang bahagi. Nang makita ni Luisa na may dalawa pang kopya ang naroon. Hindi niya maiwasang mapatalon sa tuwa. Madadagdagan na naman ang mga koleksyon niya ng mga libro ng kaniyang paboritong manunulat."Salamat at may natira pang dalawa!" bulalas niya at niyakap pa ang libro saka hinalikan iyon.Naglakad na siya patungo sa counter para bayaran ang libro. Pagkadaan ni Luisa sa kanto ng isang book shelve, nabangga siya sa isang matigas na bagay. Sa lakas ng impact napaupo siya sa sahig. Tumama ang puwet ni Luisa sa sahig. Nalaglag ang libro sa sahig. Mabuti na lang at hindi iyon nasira dahil maayos ang pagkakabagsak. Masakit ang ulo niya dahil sa pagkakauntog sa matigas na bagay na iyon at ang puwet niya na tumama sa sahig."Aray ko!" d***g niya habang nakahawak sa noo at puwet niya.Sino ba kasi iyon na hindi man lang tinitingnan ang dinadaanan nito? Tumingala siya para tingnan kung sino iyon at balak niya nang pagalitan, pero nahinto si Luisa sa gagawin nang makita ang itsura ng nakabongguan niya. Isang napaka-gwapong lalaki! Isang Adonis! Hindi niya akalain na may ganitong kagwapong nilalang sa mundo na nag-eexist.Tatayo na sana si Luisa ng ilahad ng lalaki ang kanang kamay nito sa kaniyang harapan. Ito 'yung lalaki na nakita niya kanina na bumaba ng kotse. Hindi niya napansin ang mukha nito dahil hinila na siya ni Suzette. Subalit, natandaan ni Luisa ang kasuotan ng lalaki. Ang tangkad niya! Marahil hanggang balikat lang siya nito kahit na nasa 5'5 na siya.Napatitig si Luisa sa lalaki. Menemorya niya ang kabuuan nito. Nakasuot ang lalaki ng checkered polo na bumagay sa maganda nitong katawan. Panigurado sa loob niyon ay nagtatago ang mga muscles nito sa katawan at black slacks na bumagay sa black leather shoes nitong suot. Mas lalo itong gwumapo sa kaniyang paningin dahil sa suot ng lalaki. Dumako ang kaniyang paningin sa mukha nito. May saktong kapal na kilay, manipis na labi na may natural ang pagkapula. Kulay abong mga mata at matangos na ilong. Bumagay sa lalaki ang gupit nito. Sh*t! Nag-eexist pa pala ang ganitong nilalang sa mundo? Na para bang noong nagpaulan ng magagandang panlabas na katangian ay nasalo na nito ang lahat. "Miss, okay ka lang? Pasensya ka na, nagmamadali kasi ako. Kaya hindi ko napansin na makakasalubong pala kita," hinging paumanhin nito habang nakalahad pa rin ang kamay sa kaniyang harapan. Hindi maiwasang kastiguhin ni Luisa ang sarili dahil sa ginawa niyang paghagod ng tingin rito. Baka napansin nito ang ginawa niya."Ayos lang po ako. Pasensya na rin po at hindi ko rin po kayo napansin. Sa sobrang pananabik ko po sa libro, kaya lutang po ako," dahilan niya. Umatras na ang dila niya para pagalitan ito. Tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay. Hindi malambot, hindi rin magaspang ang texture ng kamay nito. Sakto lang. Nang makatayo si Luisa, yumuko ang lalaki at pinulot nito ang aklat na nalaglag sa sahig."Mabuti na lang at hindi nasira," biro nito at binuntutan iyon ng mahinang pagtawa. Natulala siya sa ganda ng tawa nito. Kaysarap pakinggan. "Ako na magbabayad nito. Papunta ka na ba sa counter?" nakangiti nitong tanong. Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Nahiya ang ngipin niya sa ngipin ng lalaki. Hindi man pantay-pantay ang ngipin ni Luisa, malinis at maayos iyon tsaka wala pang sira dahil lagi siyang nagpapakunsulta sa dentista.Hindi maiwasang mapatulala ni Luisa. Mas lalong dumadagdag iyon sa kagwapuhang taglay ng lalaki. Pakiramdam niya malalaglag ang panty niya! Napakaamo ng mata nito na wari'y nakikiusap. Naglakad na ang lalaki papunta sa counter. Doon lang natauhan si Luisa. Patakbo siyang lumapit sa lalaki."Sandali po. Ako na po magbabayad niyan. Nakakahiya naman po kung ipapabayad ko po sa inyo," pigil ni Luisa sa lalaki. "Ako na. Bilang paghingi ko na rin ng paumanhin sa nagawa ko," anito.Napakalaki ng mga hakbang ng lalaki kaya hindi na niya ito naabutan. Nasa counter na ito at iniaabot na sa cashier ang libro at ang isang makapal na libro na siyang sadya ng lalaki sa book store. Wala na siyang nagawa ng nag-aabot na ito ng bayad sa cashier. Iniabot ng cashier ang libro na naka-paper bag sa lalaki. Lumapit ang lalaki kay Luisa pagkatapos kunin sa cashier ang libro na binayaran nito. Napabuntong-hininga siya. May magagawa pa ba siya, eh nabayaran na nito ang libro? Tinanggap niya ang paper bag. Ngumiti ito sa kaniya. Hindi niya maiwasang mapatitig mga labi nito na kaypula. Sh*t! Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Bakit siya nag-iisip ng kung ano-ano?Ipinilig niya ang ulo at ginantihan ng ngiti ang lalaki. Bakit ganoon ito makangiti sa kaniya? Nakakadala. 'Yung parang mapapangiti ka na rin dahil sa pagngiti nito. "Muli, humihingi ako ng pasensya sa nangyari," hingi ulit nito ng paumanhin."Ayos lang po iyon. Pasensya na rin po sa nangyari, kayo tuloy ang nagbayad ng libro," ani Luisa. Hindi biro ang halaga ng libro, nasa isang libo mahigit iyon."Ayos lang, remembrance ko na rin kasi nagkakilala tayo. Mahilig ka pala sa mga nobela ni Arya Deltan," anito na nakangiti at nakatitig sa kaniya. Hindi niya maiwasang kiligin sa sinabi nito. Bata pa ang lalaki sa tantiya niya nasa 22 pataas pa lang ang edad nito. Baby face din kasi. Nagbase na rin si Luisa sa tindig ng lalaki."Salamat po. Opo, avid fan po ako ni Arya Deltan," sagot niya."May kapatid akong babae na idolo rin si Arya Deltan. Talagang pinag-iipunan niya makabili lang ng libro niya. Nakabili na siya ng kopya niyan kahapon dito rin," anang lalaki. Napakaswerte naman ng kapatid nito. Mayroon itong kuya na responsable, mabait na, gentleman pa."Ganon po ba. Mabuti naman po kung ganon. Salamat po ulit dito," aniya at itinaas ng bahagya ang paper bag na naglalaman ng libro. Ayaw na ni Luisa na pahabain pa ang usapan nila. Dahil tiyak na hindi nabrin naman sila magkikita pang muli."Mauna na ako, may pupuntahan pa kasi ako. Nice meeting you," anito.At sa huling pagkakataon ngumiti muli ang lalaki sa kaniya at naglakad palabas ng Crystal Book Store. Hindi maiwasang mapatitig ni Luisa sa papalayong lalaki. Lalaking lalaki ito kung tumindig at halata sa suot nito na batak ito sa ehersisyo. Hindi niya maiwasang mapatanong sa sarili kung kailan sila ulit magkikita. Sana magkita pa ulit sila. Natigil si Luisa sa pagmumuni-muni ng marinig niya ang boses ni Suzette na nasa kaniyang tagiliran. "Luisa? Okay ka lang? Kanina ka pa tulala riyan," ani Suzette. Binalingan niya si Suzette tsaka bumaba ang tingin niya sa dala nitong paper bag na siguradong ang laman niyon ay ang librong napili. Ngumiti si Luisa at napailing."Okay lang ako, may naalala lang ako," pagdadahilan niya. Hindi niya pwedeng sabihin sa kaibugan ang totoong rason dahil siguradong tutuksuhin siya ni Suzette. Tumango-tango ito at umabresete sa braso niya at hinila siya palabas ng Book Store."Dahil nawala ka ng dalawang buwan at sinamahan kita rito sa Crystal Book Store, itre-treat mo ako ng meryenda," ani Suzette.Sumang-ayon nalang si Luisa sa gusto nito. Sabagay, kapag si Suzette ang may favor kay Luisa, ito na ang kusang nangtre-treat sa kaniya. Iyon na ang nakagawian nilang dalawa. Sumakay sila sa Lancer niya at pinausad iyon niya iyon palabas ng parking lot patungo sa pinakamalapit na restaurant.PAUWI na si Christian sakay ng kaniyang second hand na kotse. Galing siya sa Wirland University kung saan siya magtuturo nitong pasukan dahil may mga tinapos pa siyang gawain roon. Biglang pumasok sa isip niya ang dalaga na nakabanggaan niya kanina sa Crystal Book Store. Maganda ang dalaga, makinis ang balat, mapungay na mga mata, balingkinitang katawan at mapupulang labi. Fvck! Bakit ba niya iniisip ang dalaga? Sigurado naman na hindi na sila magkikita pa.Nang makarating si Christian sa bahay na inookopa niya, ipinark niya sa garahe ang sasakyan. Ang bahay ay ipinahiram ng kaniyang Tito Meño Martinez para hindi siya mahirapan lalo na at may kalayuan ang bahay nila mula sa unibersidad. Ang kaniyang Tito Meño Martinez ay may-ari ng isang kilala at tanyag na kompanya, ang Martinez Real Estate Incorporation.Lumabas si Christian ng kotse at tinungo ang bahay. Napakunot-noo siya nang makitang bukas ang pintuan ng bahay. Panigurado nandito sa bahay si Janizza, ang kaniyang nobya. Isang tao
Ito ang unang araw ng pasok ni Luisa bilang isang Fourth Year Student sa Wirland University. Excited siya ng mga sandaling iyon. Pagkagising, agad siyang bumangon at nagtungo sa komedor para mag-agahan. Naabutan niya ang kaniyang ina na abala sa pagtulong kay Nanay Selina sa pagluluto. Ang ama naman niya ay abala sa pagbabasa ng dyaryo.Lumapit siya sa kaniyang ama at hinalikan sa pisngi. Mukhang nagulat si Mr. Serrano sa ginawa ng anak dahil nakatutok ang atensiyon nito sa binabasang diyaryo. Tiningala ni Mr. Serrano si Luisa na bagong gising at nginitian."Magandang umaga, iha. Kamusta ang tulog mo?" bati nito sa anak. Ngumiti si Luisa sa ama."Ayos naman po, dad. Excited po ako ngayon. Graduating na po ako. Matutulungan ko na po kayo ni Ma," ani Luisa at nagtungo sa upuan katapat ng kaniyang ama at naupo. Bago pa makasagot si Anthony ay sumingit na si Susan na naglalakad patungo sa hapag-kainan na may dalang isang malaking pinggan na naglalaman ng agahan nila."Oo, isang taon nalan
Nang marating ni Luisa ang unibersidad sakay ng kaniyang Lancer ay ipinarada na niya iyon sa parking lot ng paaralan. Napakunot-noo siya ng makita si Drake sa tabi ng sasakyan nito habang nakahalukipkip at nakatingin sa sasakyan niya. Hinihintay ba siya ni Drake? Baka nga dahil wala namang ibang tao sa parking lot kung hindi siya lamang. Pagkatapos patayin ang makina ng sasakyan, binuksan na ni Luisa ang pintuan ng driver's seat at umibis. Kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha ni Drake at ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Naglakad ito palapit sa kaniya."Bakit nandito ka pa sa labas? Hinihintay mo ba ako?" nagtatakang tanong niya. Ngumiti si Drake at kinuha sa kaniyang balikat ang shoulder bag niyang dala na kaagad naman niyang ibinigay."Oo, hinihintay talaga kita Ihahatid kita sa silid-aralan mo. Pwede naman 'yun, hindi ba?" nag-aalangan nitong tanong na baka hindi-an niya ang alok nito. Nginitian niya si Drake. Wala namang masama kung ihahatid siya nito. Bagaman binasted niya
Pagkatapos magpakilala ni Suzette at makabalik sa upuan nito. Si Luisa na ang susunod na magpapakilala. Tumayo siya at nagpunta sa harapan. Ramdam niya ang titig sa ni Christian na wari'y inaalisa ang kaniyang kilos, nasa likuran kasi ito. Nang nasa harapan na si Luisa, tumayo siya ng tuwid at nagsimula ng magpakilala. Nagsimula sa kaniyang buong pangalan, tirahan at edad. Habang nagpapakilala, ramdam niya ang matiim na titig nito sa kaniya. Na-cuncious siya bigla sa sarili. mabuti nalang maayos niyang naitawid ang pagpapakilala. Yumuko siya, katunayan na tapos na siya."Thank you po," aniya. Ihahakbang na sana niya ang paa pabalik sa upuan ng magsalita si Christian."Bakit mo kinuha ang Kursong BSBA, Ms. Serrano?" kuryos nitong tanong. Napalunok siya ng magtama ang kanilang mga mata. He has a tantalizing eyes and thick eyebrows. Napakagat-labi siya. "Actually, hindi po ito ang course na gusto ko. Pinili ko po ito dahil kailangan lalo at ako ang mamamahala sa kompanya ng aking magula
Bahagyang natigilan si Luisa sa tanong na iyon ni Christian. Naalala nya bigla iyong pagkakataon na nagkasabay sila sa pagkain sa canteen kung saan humingi ito ng permiso na samahan siya na i-tour ito sa buong unibersidad. Kinuha pa nga nito ang cellphone number niya para kung sakali ay tawagan siya nito. Nang makabawi, ngumiti siya. Kitang-kita niya ang pagtitig ni Christian sa kaniyang mga labi. Hindi na lang niya pinansin ang ginawa nitong iyon pero ang totoo, nakaramdam siya ng parang may nagliliparang paro-paro sa kaniyang tiyan."Ahm.. Opo sir, pwede po kitang samahan mamaya pagkatapos po ng huli kong klase," aniya habang nakatitig sa mga mata nitong mapang-akit. Ngumiti ito. Lumitaw tuloy ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Napaisip tuloy siya kung anong toothpaste brand ang gamit nito at iyon ang gamitin niya."Okay, salamat. Tawagan na lang kita mamaya. See you later, Luisa," anito at tumalikod saka naglakad palayo sa kaniya. Napatitig siya sa likod nito. Malaking
Tahimik lamang si Luisa at Christian habang naglalakad sa pasilyo ng eskwelahan. Habang naglalakad ay itinuturo niya ang mga departamento ng paaralan. Iyong ibang estudyante ay napapatingin sa kanila pero hindi niya iyon alintana. Hangga't wala siyang ginagawang masama, wala siyang dapat ikahiya. Tatlong palapag lamang ang eskwelahan pero maluwang iyon. Nalibot na nila halos lahat ng departamento. Hindi maiwasang mapakagat-labi si Luisa ng maramdaman ang pagkirot ng kaniyang paa. May heels kasi ang suot niyang sapatos. Hindi man iyon kataasan pero nakakangawit pa rin lalo na at nasa bente minuto na sila naglalakad at nasa ikatlong palapag na sila. Nang lingunin siya ni Christian, binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti."Pagod ka na ba?" nag-aalala nitong tanong. Mababakasan talaga sa mukha ng propesor ang pag-aalala sa kaniya. Ayaw niya magsinungaling dahil kanina pa talaga masakit ang paa niya. Pinagdikit niya ang mga labi. Napansin niyang napatingin roon si Christian pero agad
Pagka-uwi ni Luisa, agad siyang nagtungo sa kaniyang silid. Nagbihis at nahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang nangyari kanina. Ang ginawa nitong paghilot sa kaniyang paa. Iba talaga ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. May kiliti at kilig. Napabuntong-hininga siya."Lumalalim na ata ang nararamdaman ko para kay Sir Christian," hindi niya napigilang sabihin sa sarili. Sabagay, wala namang masama kung magkagusto siya sa professor niya. Ang mahirap lang doon ay kapag mas lumalim pa ang nararamdaman niya para rito na mauuwi sa pagmamahal. Iba kasi kong tumingin ang binatang professor sa kaniya. Napabuntong-hininga siya at akmang tatawagan na si Suzette pero napag-isip-isip niya na mas mainam na ikuwento na lang iyon kinabukasan. Bumangon siya at inabala na lang ang sarili sa pag-review ng mga notes niya. Sumapit ang gabi at dumating na ang kaniyang magulang, bumaba siya ng hagdan at nagmano sa mga ito."Kamusta ang pag-aaral?" tanong ng ka
Bubuksan na sana ni Luisa ang kaniyang sasakyan nang tumawag si Suzette. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bag at sinagot ang tawag ng kaibigan."Suzette, napatawag ka? Na-miss mo agad ako at hindi mo na ako kayang hintayin diyan sa school?" biro niya. Narinig niyang umubo ito. Nakaramdam siya bigla ng pag-aalala."Ayos ka lang, bes?" nag-aalala niyang tanong. "Puwede mo bang ipaalam ako sa teacher natin na hind ako makakapasok. Trinatrangkaso ako, Luisa," sabi nito sa nanginginig naa boses. Narinig niya ang boses ng ina nito na uminom na ito ng gamot pero sumagot si Suzette na sandali lang dahil kausap siya nito."Sure, bes. Ipapaalam kita. Bibisitahin kita mamayang gabi. Pakikamusta na lan ako kina tita," aniya at nagpaalam na. Ibinalik niya ang cellphone sa bag at pumasok na sa loob ng sasakyan at pinasibad iyon patungo sa unibersidad. Nang makarating roon, nagtungo muna siya sa library para tumingin ng libro na makakatulong sa kaniya para mas mapalawak ang kaalaman niya sa ma

PAUWI na si Christian sakay ng kaniyang second hand na kotse. Galing siya sa Wirland University kung saan siya magtuturo nitong pasukan dahil may mga tinapos pa siyang gawain roon. Biglang pumasok sa isip niya ang dalaga na nakabanggaan niya kanina sa Crystal Book Store. Maganda ang dalaga, makinis ang balat, mapungay na mga mata, balingkinitang katawan at mapupulang labi. Fvck! Bakit ba niya iniisip ang dalaga? Sigurado naman na hindi na sila magkikita pa.Nang makarating si Christian sa bahay na inookopa niya, ipinark niya sa garahe ang sasakyan. Ang bahay ay ipinahiram ng kaniyang Tito Meño Martinez para hindi siya mahirapan lalo na at may kalayuan ang bahay nila mula sa unibersidad. Ang kaniyang Tito Meño Martinez ay may-ari ng isang kilala at tanyag na kompanya, ang Martinez Real Estate Incorporation.Lumabas si Christian ng kotse at tinungo ang bahay. Napakunot-noo siya nang makitang bukas ang pintuan ng bahay. Panigurado nandito sa bahay si Janizza, ang kaniyang nobya. Isang tao
Minamaneho ni Luisa ang Black Mitsubishi Lancer na regalo sa kaniya ng kaniyang ama noong nakaraang kaarawan niya. Hindi niya akalain na reregolahan siya ng kaniyang ama ng mamahaling sasakyan. Nang mga sandaling iyon, walang pagsidlan ng kagalakan ang kaniyang puso sa pagmamahal na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang ama. Lubos siyang nagpapasalamat sa Diyos na hinahayaan siya ng mapagmahal na ama at maasikasong ina.Papunta si Luisa ngayon sa bahay ng kaniyang matalik na kaibigan para yayain na samahan siyang bumili ng bagong labas na libro ni Arya Deltan, The Red Rose. Isa itong sikat na manunulat na talaga namang walang maikukumpara sa alinmang mga libro ang kaniyang akda.Sobrang namimiss niya na ang kaibigan, kagagaling lang kasi ni Luisa sa probinsya at doon nanatili ng dalawang buwan na bakasyon. Ito na kasi ang huling linggo ng bakasyon nila. Mapapasabak na naman sila sa puspusang pagsusunog ng kilay. Siguradong magiging kalbaryo ni Luisa ang isang buong taon dah graduating na si