Share

For the Love of Rafael
For the Love of Rafael
Author: Re-Ya

Kabanata Isa

Author: Re-Ya
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“The nerve!” puno ng iritasyon na wika ni Rada sa sarili. Labis ang pagngi-ngitngit niya ng araw na iyon.

Araw ng biyernes at nasa panghuling asignatura na sila. Kanina pa siya naiinip sa tagal na itinatakbo ng klase. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang napasulyap sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. Parang kay bagal ng ikot niyon sa pakiwari niya, animo nananadya para mas lalo siyang maasar. Haisst!

Isinandal niya ang likod sa backrest ng metal na upuan bago inilibot ang tingin sa kabuuan ng silid. Kanina pa niya napapansin ang panaka-nakang sulyap ng mga kaklase, kahit na nasa likurang bahagi na siya nakaupo. Talaga namang to the effort pa sa paglingon ang mga classmates niya.

Nakapagkit sa mga mukha ang samut-saring reaksyon.

Mayroong gulilat, namangha, nalungkot at naawa. Meron namang mga nakangisi at tila sinasabing buti nga sayo kasi pabibo ka. Ang iba naman ay pangitang pinipigilan lang matawa sa sitwasyon katulad nila Cathy at Bing na naturingan pa mandin niyang mga kaibigan. Pinandilatan niya ang dalawa na tinugon lamang siya ng peace sign pero magsisipag+bungisngis pagkatapos. Napapailing na naiyakap niya ang mga kamay sa dibdib sabay irap sa dalawa.

Sa wakas ay tumunog na rin ang bell hudyat nang pagtatapos ng klase sa araw na iyon. Mabilis na dinampot ni Rada ang mga gamit sa desk at pinaloob sa kanyang bag. Pagkatapos ay nagmamadaling tinungo ang pinto palabas ng hindi man lang tinatapunan ng sulyap ang kanilang guro na kasalukuyang nagdidikta ng kanilang takdang-aralin para bukas.

Napapailing na hinabol na lamang siya ng tanaw ni Mrs. Galvan, ang propesora nila sa asignaturang History. Hindi na rin pinansin ni Rada ang mga kaibigan. Ayaw niyang mabuska na siguradong siyang gagawin nila Cathy at Bing. Baka mas lalong mag-init ang ulo niya at mapikon lang sa dalawa.

Habang daan palabas ay dinig niya ang mga anasan sa paligid. Ramdam niya ang mga matang nakasunod sa bawat kilos na ginagawa niya. Hindi tuloy niya maiwasang kuluan ng dugo. Hot topic siya malamang sa buwang ito. Piyesta kung piyesta.

Kaninang tanghali pa siya nanggigigil kay Clark. Bakit? Pagka’t tinapos nito ang kanilang pagpapanggap as mag-fake na magkasintahan sa nakakagulat nitong anunsiyo sa harap pa mandin ng gusali ng college department.

May plano na pala ang magaling na lalaki na tuldukan ang kanilang kasunduan ay ni hindi man lang nagbigay abiso. At ang ungas ay pinag kaabalahan pa talagang gumamit ng megaphone. Kung hindi ba naman layon talaga nito ang mang-asar at galitin sya.

Nagmukha tuloy siyang katawa-tawa sa harap ng nakararami. Kaya heto siya at nagngingitngit sa sobrang pagkabwisit sa lalaki. Minabuti ni Rada na maupo sa nadaanang bench na yari sa kahoy. Makailang beses na huminga ng malalim upang magkaroon ng sapat na hangin ang dibdib at makalma ng konti ang nag-iinit na ulo.

She is freaking out.

"Ouch! He dumped you bitch! Tsk tsk tsk. That was embarrassing," anang maarteng tinig.

Napatuwid si Rada ng upo mula sa sandalan.

Nalingunan niya si Carol kasama ang mga kaibigan nito at pawang mga nakangisi. Agad siyang napasimangot. Kung mamalasin ka nga naman kung sino pa ang huling tao na inaasahan mong makita sa araw na iyon ay siyang umekstra agad.

Si Carol ay kaklase ni Clark na lantarang ipinapakita ang pagkadisgusto sa kanya. Malimit itong nakaismid sa tuwing nagkakasalubong sila sa hallway o sa kahit saang panig ng akademya. May kayabangan din ang hitad porket punong alkalde sa kanilang bayan ang ama nito na si Ginoong Dimetrio Cruz. Ang pamilya rin nito ang nagmamay-ari ng isa sa may pinakamalaking produksyon ng poultry sa ilang karatig bayan kasama na ang San Isidro.

Tiningnan niya ng tuwid ang babae maging ang iba pa nitong kasama na may nakaka-iretableng mga ngisi. May parte ng ugat niya sa sentido na pumitik. Subalit pinili niyang magpakahinahon.

“Wala akong panahon sa mga patutsada mo Carol” wika niya sa kalmadong tono pero nakakuyom naman ang mga kamao.

“Patutsada? " Mabilis na umarko ang nakakorteng kilay ng babae. "Correction- I'm just stating the facts,” Carol exclaimed.

“Why don’t you just accept that like everyone else you’re just a nobody? She added in disgust.

“See how Clark throws you like a damn trash? Oh, I feel sorry for you ..” Banat pa ni Carol na kunwa ay pinalungkot pa ang mukha at pagkatapos ay bumunghalit ng ubod lakas na halakhak.

Aww! Ang maarte at panabay na sambit naman ng mga alipores nito na kay sasarap pagbuhulin.

Mangali- ngali na siyang sumagot nang pabalang, but she took a deep breath. Lihim na napabuga ng hangin. Marahan siyang tumayo. Sinukbit ang bag at tumalikod. Kaysa patulan ang mga hitad ay mas pinili niyang umiwas. Magiging katawa-tawa lamang siya sa paningin ng lahat lalo na at kumukuha na ng atensyon ang grupo ni Carol.

She knows their capabilities. They could ruin someone's day. At ayaw niyang tuluyang magdilim ang araw niya ngayon. Habang papalayo ay naulanigan pa niya ang malakas na tawanan ng grupo. Muli niyang naikuyom ang mga palad at tahimik na nagngitngit.

Malaki ang hinala niya na hindi pa rin nakakamove-on ang kaiskwela sa pagkakapanalo niya bilang Binibining SMA ng high school department dalawang taon na ang nakakaraan. Kung saan ay isa rin ito sa mga naging kalahok at naging mahigpit pa nga niyang katunggali.

Nasa pangatlong taon siya noon sa sekondarya samantalang sila Carol at Clark ay nasa huling taon naman. Naging matunog ang usap-usapan noon na kaya lamang niya napagwagian ang nasabing patimpalak ay dahil malapit na kaibigan ng mga Zantillan ang kanilang pamilya. Iyon ay base sa ipinakalat na kuwento ni Carol.

Ang St.Magdalene Academy ay isang pribado at modernisadong iskwelahan na pag-aari ng mga magulang ni Clark.

Hindi maikakaila ang pagiging malapit ng dalawang pamilya sapagkat matalik na magkaibigan sina Senyor Ramon at ang papa ni Clark na si Don Franco Zantillan.

Ayon pa sa kwentong sinimulan ni Carol ay kahina-hinala rin ang pagkakapili sa kanya ng mga hurado. Hindi raw kasi siya ganoon kagaling sa pagsagot sa question and answers. Maliwanag na isa raw iyong pandaraya pagka't brainless daw siya o mas kilala sa pintas na b. o. b. o.

May katamaran talaga siya pagdating sa pag-aaral aminado siya roon. Katunayan ay naipapasa lamang niya ang kanyang mga asignatura dahil sa tulong ni Clark at suhol na ginagawa ng ama. Kaya nga hindi na lamang niya pinapansin ang mga pagkakalat ng tsismis ni Carol. Subalit hindi ka tanggap-tanggap sa pandinig niya ang pagsalitaang bobo. Gayunpaman ay nanahimik na lamang siya para hindi na humaba ang mga usapin. Ngunit sadyang maligalig si Carol lumilikha ito ng siga upang magningas ng apoy.

Malaki rin ang pagkakagusto nito kay Clark. Paanong hindi nila malalaman eh napaka vocal ng babae sa pagsasabi pagdating sa bagay na iyon. Suspetsa nga niya ay baka isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit labis na nagpuputok ang butse nito sa presensiya niya. Hindi kasi ito pinapansin ni Clark dahil lagi na'y nakadikit siya sa kababata.

Tumuloy si Rada sa likod ng College building ng Agriculture department. Ang bahaging ito ng akademya ang hindi tinatambayan nang madalas. Boring daw kasi ang mga estudyante rito. Palibhasa karamihan ay mga iskolar na malamang ay subsob sa kanilang pag-aaral.

Luminga- linga muna ang dalaga nang kung ilang minuto at nang masiguro na walang ibang tao sa paligid ay mabilis na kinuha mula sa loob ng bag nito ang isang kaha ng sigarilyo at naglabas ng isang stick.

Mula naman sa paldang suot ay hinugot ni Rada sa bulsa nito ang lighter na nabili niya nang minsang magawi sila nila Cathy at Bing sa Plaza. Nagsindi siya at pagkatapos ay nagsimulang humitit bago bumuga ng usok.

Maraming beses na niyang sinubukang aralin ang paninigarilyo. Ayon kasi sa mga sabi-sabi ay nakakaalis raw iyon ng tensyon at nakakapag+pakalma ng nag-aalab na damdamin. Ngunit imbes na kumalma sya ay inahit lamang sya ng pag-ubo dahil sa pagkasamid. Kaya sa inis ay inihagis na lamang niya ang stick sa kung saan na lamang sa paligid. Pagkatapos ay iretableng sinukbit muli ang kanyang bag at nagpasyang lisanin na lamang ang lugar. Ngunit bago pa man niya maihakbang ang mga paa paalis ay isang impit na boses na napagibik ang naulanigan niya mula sa may halamanan.

Naalarma si Rada ng mahinuhang may ibang tao pala sa paligid. Agad itong kinabahan lalo na at mag-isa lamang siya roon. Walang tao ng mga oras na iyon pagka't suspendido ang klase ng mga iskolar dahil sa isang event na katatapos pa lamang. Maliban sa hapon na rin. Ngayon niya tuloy gustong pagsisihan kung bakit iniwan niya sa classroom ang mga kaibigan. Marahan siyang napaatras nang mapansin na may paggalaw mula sa likuran ng mayabong na halamang santan. Dinunggol siya ng kaba at nakaramdam ng munting takot, akmang kakaripas na siya ng takbo nang biglang lumutang ang isang matangkad na lalaki habang aligaga.

Gulilat na napasinghap na lamang si Rada. Ang lalaki naman ay di magkamayaw sa kapapagpag sa suot nitong kamiseta. May hawak itong panabas na basta na lamang binitawan sa lupa bago mabilis na hinubad ang suot.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay tila naman na estatwa ang dalaga. Ito kasi ang unang beses na may tumambad na hubad baro sa harapan niya at isang estranghero pa. Bagama't may suot namang pantalon ay hindi niya maiwasang maeskandalo. Lalo na nang mapagmasdan ang impis nitong tiyan na may maliliit na umbok na tila pandesal. At mga pinong buhok sa parteng ilalim ng tiyan nito na ayaw na niyang isipin kung saan patungo. Namumula ang mukha na inilihis niya ang tingin. Nakakahiya! Anong pakiramdam ba ito? Lito ang isip na kausap niya sa sarili.

Subalit hindi nakatiis ang dalaga kaya't pahapyaw nitong sinulyapan ang lalaki. Napansin niya na may maliit na sunog sa bahaging likod ng hawak nitong kamiseta. Noon niya napagtanto na ang hinagis na upos ay pumaloob pala sa suot nitong pantaas. Bigla tuloy siyang napalunok. Hindi niya malaman kung paanong approach ang gagawin. Higit siyang nataranta nang makita na namumula ang balat ng estranghero sa may parteng batok nito.

"I.I'm sorry. I didn't mean to do that." aniyang nakalawaran sa mukha ang guilt.

Bahagyang tumapon ng tingin ang lalaki sa kanya ngunit tila dumaan lamang. Ibinalik rin nito agad ang pansin sa puting kamiseta na bahagyang nabutas. Nang masigurong wala ng palatandaan ng usok ay mabilis na isinuot iyon. Pagkatapos ay pinulot ang karet o panabas at inilagay sa kartilya kasama na ang iba pang mga kagamitan sa pagtatanim.

Pa-simple namang pinasadahan ito ng tingin ni Rada. Ang totoo ay agad siyang nakaramdam ng inis sa lalaki. Kung kanina ay nagigi-guilty siya dahil sa maling nagawa, ngayon ay nasusuya na siya sa hindi nito pagpansin gayung humingi naman sya ng paumanhin. Tuloy ay parang gusto niyang magtaray.

Nakayuko na noon ang lalaki at pansin niya ang mga hibla ng buhok nitong tumatabing sa noo. Saglit na napako roon ang paningin niya. Though his hair was cut shorter than usual. Pakiwari niya ay tila kay sarap hawiin ng buhok nito gamit ang mga daliri niya. Tumulay ang mga mata niya sa katawan nito. Medyo dark ang kulay ngunit yaong resulta ng pagkakabilad sa araw sa hula niya. Tantya niya ay hindi ito nagkakalayo ng edad ni Clark. Mayroon itong matangos at prominenteng Ilong. Kapansin-pansin ang malalim at mapangusap na mga mata. Kumunot ang kanyang noo. Sigurado siyang never pa niya itong nakasalamuha. At bagamat hindi niya ito nakikitang pakalat-kalat sa unibersidad. He seems familiar.

Subalit hindi niya matukoy kung saan niya ito unang nakita. Kung hardinero ito sa SMA ay imposibleng hindi niya ito makilala. Halos lahat ng empleyado sa akademya ay kilala niya at kabiruan.

Estudyante rin ba ang lalaki ngunit bakit ito nasa halamanan at gumagawa?

Ehmmm. Tikhim niya bago muling nagsalita.

"Again, I'm sorry. Actually, I don't smoke—-“

"Hindi mo kailangang mag paliwanag pagka't hindi namam ako humihingi ng iyong eksplanasyon." Agaw ng lalaki sa mababang boses.

She froze when he heard his baritone voice. Tila musikang humaplos iyon sa kanyang pandinig. Subalit nag-isang linya ang kanyang mga kilay sa pambabara nito.

"Look, I simply wanted to say how sorry I am for causing your shirt to be burned so why the sarcasm? Either do something about it, I don't care."

Bulalas niya na hindi napigilang magtaray at bahiran ng pagkairita ang boses. Tuluyang bumigay ang pagka-m*****a niya.

Subalit hindi na umimik ang sinabihan patuloy lang ang lalaki sa pagliligpit ng mga kagamitan. Hindi na rin ito nag-abalang tapunan siya muli ng sulyap. Hindi naman maunawaan ni Rada kung bakit nagpupumilit siyang mag paliwanag rito. May parte ng isip niya na layong ipaunawa sa kausap na she's not that bad. Gusto niyang mabago ang pananaw at maling interpretasyon nito sa nasaksihan. Ngunit bakit? At saka kailan pa naging mahalaga sa kanya ang magiging tingin o opinyon ng ibang tao patungkol sa kanya?

She's just an insensitive bitch. Iyon ay ayon sa mga taong hindi tipo ang karakas raw niya.

Kaugnay na kabanata

  • For the Love of Rafael   Kabanata Dalawa

    Who is he? Muling pinasadahan nang tingin ni Rada ang lalaki. Siya lang naman ang piping saksi saiyong kahangalan. Pangungunsensya ng isipan niya. Napangiwi ang dalaga. Bigla ay nahiya sa kanyang naging asal. Maaari ngang mag-isip ang lalaki ng hindi kaaya-aya sapagkat nasaksihan nito ang kanyang ginawang kalokohan. Labag sa regulasyon ng akademya ang kanyang ginawa. Mabigat na parusa ang kakaharapin niya pag nagkataon. Paano na lamang kung magsumbong ito sa pamunuan? Anong mukha ang ihaharap niya sa mga magulang ni Clark kapag umabot sa kaalaman ng mga ito ang pinaggagagawa niyang kalokohan ngayong hapon? Siguradong ipapatawag ang kanyang mga magulang at malamang ay magpuputok ang butse ng ama. Pag nagkataon ay grounded na naman siya at hindi siyempre nito palalabasin ng mansion sa loob ng ilang linggo, depende sa kanyang parusa.Kalma Rada, hindi ka pa naman sigurado kung nakamasid nga ito kanina. Hindi nga ba at nasa likod ito ng halamanan? Tama, paano nga kung wala naman itong

  • For the Love of Rafael   Kabanata Tatlo

    Napangiti si Rada. Baka nagkaroon na naman ng aberya. Hindi pa siguro nakakabalik sa inuupahan nitong bahay ang kanilang maestra. Malamang ay umuwi ito sa home town nito kung saan ay tatlong bayan pa ang layo mula sa San Isidro. Dalawang oras din ang kinakain nila sa klase ni Miss Tionco at kung susumahin niya ang binabyahe ng propesora na isang oras mula sa tinitirhan nito ay imposibleng umabot pa ito sa unang klase. Kaya't may isa't kalahati pang natitira sa kanila, tamang magpalamig sa school canteen. Hinablot ni Rada ang bag at niyaya ang dalawa na lumabas ng kuwarto. "Imposible nang umabot si Ms.Tionco sa klase, palamig tayo sa canteen." aniya. Nagbunyi ang dalawa. Kita sa mga mata ang tuwa. Kapag kasi si Rada ang mag-aya, siguradong libre ang kanilang meryenda. Hindi lang iyon wala itong reklamo sa halaga. Habang patungo sa school canteen ay wala pa ring tigil ang dalawang kaibigan sa pambubuska. Hindi maawat ang dalawa sa panunukso Andoon iyong manghaharang pa ng mga kap

  • For the Love of Rafael   Kabanata Apat

    Sa pagtama ng kanilang mga tingin ay tila nanlambot si Rada. Pakiramdam niya anumang sandali ay mabubuway siya. Bakit ba ganoon na lamang ang epekto ng presensiya ni Rafael sa kanya? Pinabibilis nito ang tibok ng kanyang puso. Tila ito alon sa dagat na basta na lamang rumaragasa pahampas na ikabubuway niya. Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay ng binata sa maliit niyang palad. "Ayos ka lang ba Miss Buenavista? Para kang bubuway saiyong pagkakatayo." pansin ni Mrs. Esperanza. Nagplaster sa mukha ng propesora ang pagkabahala. May sumilip na gahiblang emosyon kay, Rafael. Maagap siya nitong nahawakan sa may baywang. Napalunok siya nang kung ilang beses. Tila nawalan ng saysay ang suot na unipormeng pangtaas. Ramdam niya ang init ng palad ni Rafael nang lumapat iyon sa kanyang balat. Ang init na dulot niyon ay mistulang nagpayanig at nagbigay ligalig sa mga pandama niya. Naguguluhan siyang unuwain ang pabago-bagong emosyon at sikolohikal na kamalayan. "A..ayos lang po ako." sag

  • For the Love of Rafael   Kabanata Lima

    Psstt!Sitsit ni Carlito kay Rafael na noo'y abala sa binabasa nitong aklat. Nag-angat ng mukha ang binata at lumingon sa kanyang likuran. Nakangisi si Carlito na nagawa pa siyang dunggulin sa braso. "Mukhang ikaw ata ang hinahanap ni Ms. Buenavista," wika nito sabay nguso sa labas. Sinundan niya ng tingin ang direksyong itinuturo ng kaibigan at kaklase. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Natanaw niya si Rada malapit sa may bintana ng kanilang silid.Ano ang ginagawa ng dalaga sa gusali ng Agrikultura ng ganitong oras at naka-uniporme pa? “Siguradong umabot na sa kanyang kaalaman ang iyong pagtanggi na makilahok sa darating na kasayahan.” anas ni Carlito.Maaaring tama ang kaibigan, subalit ay kailangan pa ba na sadyain siya ng dalaga para lamang sa bagay na iyon? Nakita ni Rafael na inilibot ng babae ang tingin. Hangang sa magsalubong ang kanilang mga mata. Agad na kumaway si Rada pagkakita sa kanya. Lumiwanag ang mukha nito at awtomatikong nagplaster ang ngiti sa mga

  • For the Love of Rafael   Kabanata Anim

    Sa sasakyan ay hindi mapakali si Rada. Labis ang nadarama niyang kahihiyan para sa sarili. Ilang beses syang nag-ipon ng hangin sa dibdib bago nagsalita. "Mang Kanor, pasensya na po kung huli na akong lumabas." paghingi nya ng paumanhin sa matandang drayber. "A...ang totoo po niyan ay wala naman po akong aralin na tinapos. May hinintay lang po akong isang kaibigan, humihingi po ako ng paumanhin sa aking pagsisinungaling." malumanay at puno ng damdamin na wika pa niya kay Mang Kanor. Ngumiti ang drayber na sinilip sya sa unahang salamin. "Wala kang dapat na ipangamba sa akin, Ineng, ikaw ang aking inaalala dahil siguradong mapapagalitan ka na naman ng Senyor.," "Salamat po,. ngunit huwag po kayong mag-alala at sanay na rin po ako kay daddy," sagot niyang asa tono ang lungkot. Hindi na sumagot ang matanda ngunit dumaan ang pagka-awa sa mukha nito para sa dalaga. Malapit ang loob nito kay Rada. Nasundan nito ang paglaki ng batang heredera. At bagama't lumaking may ginintuang

  • For the Love of Rafael   Kabanata Pito

    Habang pababa ng hagdan ay natatanaw na ni Rada ang pamilyar na bulto mula sa beranda. Bahagyang lumukot ang kanyang mukha. Hindi niya inaasahan ang pagdalaw ni Clark sa araw na ito ng sabado. Sa pagkakaalam niya ay lumuwas ng Maynila ang kababata for a business seminar. Inakyat siya sa kwarto ni Manang Yoly at sinabing may naghihintay na bisita sa kanya sa ibaba. Sa pag-aakalang sila Cathy at Bing ang dumating ay dali-dali siyang sumunod sa mayordoma. Nangako kasi ang mga kaibigan na dadalawin siya ng mga ito ngayong araw. Batung-bato na siya sa bahay at wala na siyang ginawa kundi ang maglagi sa kanyang silid. Hindi rin naman niya mahagilap ang inang si Clara dahil lagi na’y abala ang Senyora sa mga itinayo nitong foundation. Maliban sa Sociable na tao ang mommy niya kaya lagi itong nasa mga gatherings. Ayon na rin sa tagubilin ng ama ay bahay-iskwela lamang ang kanyang pang araw- araw na rotina. Kailangan niyang magpakabait kung ayaw niyang muling masira sa daddy niya. Baka mam

  • For the Love of Rafael   Kabanata Walo

    “You're sure are we on the right path?" tanong ni Clark, mabilis nitong nilinga si Rada sa tabi. "We are at the far end, brat." dagdag pa ng binata habang itinuon muli ang pansin sa kalsada. Binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan. Si Rada naman ay halos humaba na ang leeg sa katatanaw sa labas na binuksan na ang bintana ng behikulo. Tama si Clark mukhang nasa dulong bahagi na nga sila ng San Isidro. Binistahan niya ang hawak na papel kung saan ay nakaguhit ang isang direksyon. Tama naman ang daan na tinahak nila. Napabuga siya sa hangin. Ni hindi dumaan sa kanyang isip na may ganito kaliblib na lugar sa bayan nila. Kung saan ay walang ibang matatanaw kundi pawang kakahuyan at kabundukan. At sa dako pa roon kung ipagpapatuloy pa nila ni Clark ay paanan na ng bundok. Ang layo na nila sa kabihasnan. Maliban kasi sa makitid na ang daan ay malubak pa. Makapal rin ang putik sa kalsada gawa ng magdamag na pag-ulan nang nagdaang gabi. Muntik na nga silang mabalahaw sa medyo may

  • For the Love of Rafael   Kabanata Siyam

    Kung sa Hansel and Gretel ay may isang matandang hukluban na may nakakatakot na anyo. Ang kaharap niya ay sadyang napaka-amo ng bukas ng mukha na tila kay bait. Bagama't bakas ang pagkakaroon ng edad ay hindi maikakailang napakaganda nitong babae noong kabataan nito. Ang magkabilang biloy nito sa pisngi ay sadyang kapansin-pansin sa tuwing ngumingiti ito. "Ma- Magandang araw po... k..kayo po ba ang may-ari nitong bahay?" sa wakas ay kanyang naisatinig. Itinuro ni Rada sa babae ang kubo.Hindi kasi agad siya nakapagsalita dahil sa pagkamangha sa kaharap. May kahawig kasi itong artista na paboritong panoorin ng Mommy Clara niya. Hindi nga lang niya matukoy ang pangalan. "Ako nga ineng. Akala ko ay namali lamang ang aking pandinig na mayroong boses sa paligid. May maipaglilingkod ba ako sa iyo?" anang babae na may bahagyang pagkunot ng noo. "Naliligaw ka ba? Wala ka bang kasama?" dagdag tanong pa ng babae. Kasabay nang pagguhit ng pangamba sa mukha nito ay ang maliit na hakbang pala

Pinakabagong kabanata

  • For the Love of Rafael   Animnapu’t Kabanata

    Noon nama'y ramdam na ramdam ni Pael ang panginginig ng babaing sinaklolohan. Marahan niya itong ibinababa sa lupa at maingat na isinandal sa punong muntik nang pagsalpukan ng sasakyan nito. Inayos niya ang ulo ng babae sa pagkakasandal at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa makinis nitong mukha. Subalit nauwi ang binata sa labis na pagkagulat nang tuluyang mapagmasdan ang babaeng nadisgrasya. Hindi agad nakakilos si Pael, animo binuhusan ito ng pagkalamig-lamig na tubig sa katawan at napako na lamang ang tingin sa babaing nasa harapan.Kahit na nanatiling nakapikit ang mga mata ni Rada ay alam ng binata na may malay ito base sa pasalit-salit na pag galaw ng mga talukap nito. Kapansin-pansin rin ang pagtaas-baba ng dibdib ng babae na tila naghahabol ng hininga. Sa tingin niya ay ninerbiyos ito sa muntik na pagkakapahamak kayat nakararamdam ng sobrang pagyugyog ng katawan. Pinalis ni Pael ang pag aalala pagka't sigurado syang maayos ang lagay nito. Umangat ang kanyang kama

  • For the Love of Rafael   Kabanata Limangpu’t Syam

    Isang taon pa ang lumipas. Masaya at may pananabik na binabagtas ni Rada ang daan habang minamaneho ang isang top-down Jeep Renegade. Hindi alintana ng dalaga ang mabako at maalikabok na kalsada kung saan ay nahagip pa niya ng tanaw ang isang lalaking hindi na maipinta ang mukha sa pagkainis dahil halos kumain na ito ng alikabok sa bilis nang pagpapatakbo niya. “Welcome home, Rada!” wika ng dalaga sa sarili nang sa wakas ay matanaw ang malaking arko papasok sa bayan ng San Isidro. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nasasabik na siyang makita ang mga magulang. Limang taon halos din siyang namalagi sa San Francisco sa kagustuhan ng ama na doon sya makapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa masyadong mataas ang standard ng daddy niya pagdating sa kalidad ng edukasyon ay may isang mabigat na dahilan ito kung bakit sya ipinadala sa pangangalaga ng tiyahin niya sa California. At ang bagay na iyon ay ayaw na niyang balikan pa. Pagka"t nagdudulot lamang ito ng ibayong sakit at poot sa damdamin

  • For the Love of Rafael   Limangpu’t Walong Kabanata

    Dahil maaga pa ay humantong sila Rada at Clark sa Alamo Square Park. Napagkasunduan nilang dalawa na mamayang gabi na lang gumimik. Clark takes a deep breath. Iginala ng binata ang tingin sa palibot ng parke. Pamoso ang nasabing lugar dahil sa painted houses na siyang pangunahing dahilan nang pagbisita ng maraming turista roon. Kadalasan kasi ay napapanood ito sa mga movies o sitcoms. “Great view of the city overlooking the bay.” He thought of the city. “It's so lovely, isn’t it?”Rada said amusingly. “Yeah. Worth visiting place because of its breathtaking beauty,” he replied while still overlooking the surroundings. Clark rested his gaze on her after his exploration. Kasalukuyang inilalatag ni Rada ang dalang blanket sa damuhan. Ibinaba na muna ng binata ang hawak na basket na pinaglagyan ni Aunt Lucia ng baon nilang pagkain bago tinulungan nito ang kaibigan sa paglalatag. “Para lang tayong nasa burol niyo hindi ba?" ani Rada na naupo ng pa Indian sit. Hindi naman maiwasan ni

  • For the Love of Rafael   Limangpu’t Pitong Kabanata

    Mahinang katok sa pinto ang nagpa-angat sa ulo ni Rada mula sa binabasa niyang magazine. Sumungaw mula sa pintuan ng kanyang silid ang nakangiting si Aunt Lucia. Tila ay excited ang tiyahin base sa panliliit ng mga mata nito. "Honey, someone is looking for you in the living room,” she said. Rada quirked her eyebrows. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayong araw. Katunayan ay tumanggi na siyang sumama sa mga kaibiganng Franciscans na magpunta ng Monarch club mamayang gabi dahil mas gusto niyang manatili na lamang sa bahay at magbasa ng mga paborito niyang babasahin for a change. Unang araw ng spring break. Mahaba-haba ring bakasyon sa iskwela. Gusto niyang gugulin ang mga araw na walang pasok sa mga makabuluhang bagay. Pass na muna sya sa mga social activities like dancing at clubs, big parties, and live music concerts. Nightlife in other words. Babawasan na rin muna niya ang pag-iinom. Pansin niya ay nagiging alcoholic na sya. “Who is looking for me, Auntie Lucy? I don’t e

  • For the Love of Rafael   Limangpu’t Anim na Kabanata

    Mahal ko, Kumusta ang iyong araw? Sa oras na mabasa mo ang liham na ito ay hangad kong nawa ay lagi kang nasa mabuting kalagayan. Matagal-tagal na rin mula nang huli tayong magka-usap. Nais kong ipaalam saiyo na labis ang aking nararamdamang pangungulila saiyong presensya. Pinanabikan kong marinig ang matutunog mong halakhak. Higit sa lahat ay nais kong masilayan ang ngiti saiyong mga labi at mapangusap na mga mata. Kung ako ang iyong tatanungin ay maayos naman ang aking lagay ganoon rin si Inay, bagama't napupuno ako ng kalungkutan. Mahal ko, isang taon na rin ang lumipas mula nang lisanin mo ang San Isidro. Subalit ni isang sagot sa aking mga ipinadalang liham ay wala akong natanggap na kasagutan. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala saiyong kalagayan riyan sa ibang bansa. Katulad nang nasabi ko sayo noon ay naririto lamang ako sa San Isisdro at maghihintay saiyong pagbabalik. Pinagsusumikapan kong abutin ang ating mga pangarap upang maging karapat-dapat ako sa pagmamahal mo. Gus

  • For the Love of Rafael   Limangpu’t Limang Kabanata

    Isang tapik sa balikat ang nagpaigtad kay Pael. Nakaupo sya noon sa papag na upuan na ginawa niya sa palibot ng kanilang punong mangga. Kung saan ay nalililiman ito ng mayayabong na dahon sa bawat sanga. “Ang lalim ng iniisip mo anak ah kapara ba niyan ay balong malalim?" Nilingon ni Pael ang ina na kadarating lang mula sa pagsisimba nito. Agad siyang napangiti sa biro ni Lourdes. Tumayo siya at inabot ang palad ng ina para magmano.“Mano po, Inay." magalang niyang wika sa babae.“Kaawaan ka ng Poong Maykapal." tugon ni Lourdes na medyo hinihingal pa.Kaya naman ay agad itong inalalayan ni Pael para makaupo.“Sigurado akong naglakad na naman po kayo pauwi ni Lola Mareng mula sa Bongto." marahan niyang sambit rito.Mahigpit na bilin niya sa ina na huwag nang naglalakad pauwi kapag naluluwas ito ng bayan. May kalayuan rin kasi ang Bongto mula sa kanilang baryo. May hika ang ina kaya't ayaw niyang napapagod ito.“Ayos lang ho ba kayo?" nag-aalala niyang wika.“Mabuti naman ako anak, h

  • For the Love of Rafael   Limangpu't Apat na Kabanata

    Pagkagaling sa Laoyon ay tumuloy na sila Rada at Clark sa San Sebastian kasama si Kate. Nakilala ng dalaga ang pinakamatalik na kaibigan ng kababata na si Vincent Villaroman. Naging mainit naman ang naging pagtanggap sa kanila ng lola Consuelo nito na siyang may kaarawan. Inestima silang mabuti at ipinakilala sa mga naroong bisita. At dahill iisang circle lang naman ang ginagalawan ng kani-kanilang mga magulang ay hind naging mahirap para sa mga bisita ang killalanin silang magkakaibigan. Hindi rin sila masyadong nagtagal sa San Sebastian at tumulak na rin pauwi ng San Isidro pagdating ng hapon. Alinsunod sa bilin ni Senyor Roman kaya't maaga silang bumiyahe pabalik.Ngunit bago si Rada maihataid ng magkapatid sa hacienda ay sinadya nila sina Cathy at Bing. Gayun na lamang ang naging katuwaan ng dalawang kaibigan niya nang magkita-kita silang tatlo. Subalit nalungkot rin ang mga ito nang magpaalam siya na pansamantala munang aalis ng San Isidro para manirahan sa ibang bansa at

  • For the Love of Rafael   Limangpu’t Tatlong Kabanata

    Naluha ang dalaga. Tila yelo na natunaw sa magkahalong saya at lungkot ang damdamin niya. Tuloy ay namalisbis sa luha ang kanyang mga mata. Mabilis naman iyong pinahid ni Pael gamit ang mga daliri nito. "Ikaw talaga, mahal, huwag ka nang umiyak. Baka akalain ni Zantillan ay pinapaiyak kita. Allergic pa naman sa akin ang kababata mong iyon" pabulong na biro ni Pael. Impit na natawa si Rada kahit panay ang tulo ng kanyang mga luha. Tinulungan niya si Pael na tuyuin iyon sa pamamagitan ng panyo na dinukot niya mula sa kanyang bulsa." Hindi ko alam na kenkoy ka rin palang kausap." kunwa'y ismid niya sa nobyo.Tumawa ng mahina si Pael.“Pinapasaya ko lang ang paligid. Dahil nalulungkot rin ako. Ayaw ko lang na maghiwalay tayo na parehong may dinaramdam. Nauunawaan niyo po ba iyon mahal na prinsesa?" tukso naman nito sa kasintahan.Ubod tamis na ngumiti si Rada at makailang beses na tumango sa nobyo. Alam niyang pinapagaan lamang ni Pael ang nagbibigat nilang pakiramdam dahil sa nalalap

  • For the Love of Rafael   Limangput Dalawang Kabanata

    "Kumusta po kayo Aling Lourdes?" may ngiti sa labi na bati ni Clark sa nanay ni Pael pagkapasok sa bahay. “Mabuti naman Clark." magiliw na tugon ni Lourdes sa binata. Kahit na pangalawang beses pa lamang niyang nakakaharap si Clark ay magaan ang loob niya rito. Kilalang may mabubuting kalooban ang mga magulang nito na sila Don Franco at Donya Isabel. Kaya't hindi na siya nagtaka na sa kabila nang hindi nito pagkakaunawan ng anak na si Pael ay maayos at may paggalang itong nakikisalamuha at nakikipag-usap sa kanilang mag-ina. Pinalapit ni Clark ang kapatid na si Kate at ipinakilala sa kanya. Katulad ng binata ay mukha rin itong mabait at magalang. “Nakababata ko pong kapatid si Kate." anito. “Nagagalak akong makilala ka Kate." bati ni Lourdes sa dalagita. “Ako rin po Aling Lourdes." Tugon ni Kate kasabay ng pagmano sa kanya. “Matagal na hong nababanggit sa akin ni kuya ang mala-paraiso niyong bakuran hindi ko akalain na mas higit pa pala roon ang isinasa-larawan ko sa aking isi

DMCA.com Protection Status