Napangiti si Rada. Baka nagkaroon na naman ng aberya. Hindi pa siguro nakakabalik sa inuupahan nitong bahay ang kanilang maestra. Malamang ay umuwi ito sa home town nito kung saan ay tatlong bayan pa ang layo mula sa San Isidro.
Dalawang oras din ang kinakain nila sa klase ni Miss Tionco at kung susumahin niya ang binabyahe ng propesora na isang oras mula sa tinitirhan nito ay imposibleng umabot pa ito sa unang klase. Kaya't may isa't kalahati pang natitira sa kanila, tamang magpalamig sa school canteen. Hinablot ni Rada ang bag at niyaya ang dalawa na lumabas ng kuwarto. "Imposible nang umabot si Ms.Tionco sa klase, palamig tayo sa canteen." aniya. Nagbunyi ang dalawa. Kita sa mga mata ang tuwa. Kapag kasi si Rada ang mag-aya, siguradong libre ang kanilang meryenda. Hindi lang iyon wala itong reklamo sa halaga. Habang patungo sa school canteen ay wala pa ring tigil ang dalawang kaibigan sa pambubuska. Hindi maawat ang dalawa sa panunukso Andoon iyong manghaharang pa ng mga kapwa nila estudyante. Ididikit sa mga mukha ng makakasalubong nila ang bond paper na pinagguhitan niya at pagkatapos ay pagkukumparahin. Iling at tawa na lamang siya sa kalokohan ng dalawa. Muling lumipad ang isip niya sa estrangherong lalaki. Bakit ba kay hirap nitong matagpuan? Naiinis na siya sa sarili, hindi niya dapat ginagawa ang bagay na ito. Isa siyang Buenavista, kapara ay isang prinsesa, and chasing an ordinary man is not her cup of tea. Gusto niyang ipagpilitan ang bagay na iyon sa isip niya, subalit iba ang isinisigaw ng kanyang damdamin. Sumisigid ang kagustuhan niyang makitang muli ang lalaki. " I want to see him again by any means," she whispered habang inaalala ang anyo nito. Isang kalabit sa tagiliran ang nagpanumbalik ng kanyang huwisyo sa kasalukuyan. Nilinga niya si Bing na may inginu-nguso. Sinundan niya ang direksyong itinuturo ng kaibigan. She saw Clark with her current girl Carolina, na makakasalubong pa nila sa hallway. Ang hitad at kuntodo naka-pulupot pa sa kaibigan niya. Nakangisi habang nakatitig sa kanya. Nang-uuyam. Animo nagmamalaki. Na parang sinasabi na nanalo ito ngayon. As if naman apektado siya sa nakikita. Isang linggo pagkatapos ng breakup kuno nila ni Clark ay kumalat ang balitang magkasintahan na raw ang dalawa. Siyempre pa ay nangunguna si Carol sa pagsiwalat noon. Bunying- bunyi ang babae. Sa wakas nga naman nakamit rin nito ang pinaka-minimithi. Good luck na lang kay Clark. Eww! Sinalubong ni Rada ang mga titig ni Carol while raising her eyebrow. Si Clark naman ay tinitigan niya ng masama. Sinadya niyang ipakita ang talim sa mga mata. At hindi nagbago iyon kahit na bakas sa mukha ng kababata ang pagsisisi at kalungkutan. Ang totoo ay ilang beses na sumubok si Clark na kausapin siya, katulad ngayon akmang lalapitan sya nito subalit hindi niya ito pinansin at nag tuloy-tuloy lamang siya ng hakbang. Wala na rin namang nagawa pa ang binata. Umabot pa sa kanyang pandinig ang pagpipigil rito ni Carol. Isang linggo na ring nagpabalik-balik si Clark sa asyenda upang makausap siya. Subalit lagi na'y hindi niya hinaharap ang kababata. Wala pa siya sa mood para makipagsalitaan rito. Hindi na rin niya ito pinagkaabalahan pang komprontahin sa mga nangyari. Naisip niyang it's better that way. Isa pa hindi naman kasi siya talaga apektado. Pride na lang ang umiiral sa kanya ngayon. Saka na niya haharapin ang lalaki. May mas mahalaga siyang kailangang unahin. Hindi siya galit Kay Clark ngunit nagdaramdam siya bilang kaibigan nito. Bago pa man marating nila Rada ang canteen ay napukaw agad ang atensyon nila ng pagkakagulo sa malawak na lawn ng akademya. Bagama't medyo mainit na dahil mataas na rin ang araw ay maraming estudyante roon at nagkukumpulan. Karamihan ay mga estudyanteng mula sa college department. May mga iilang juniors na pawang mga nagnanais lang namang umusyuso. Dinig na dinig ang malagom na tinig ni Mrs. Irma Esperanza. Si Mrs. Esperanza ay kilala sa mga kakaibang pakulo pagdating sa mga school events. Isa rin itong magaling na musical theatre actress bukod sa pagiging propesora. Umani na rin ito ng iba't ibang mga parangal sa larangan ng tanghalan. Masyadong malawak ang mga ideya nito lalo na pagdating sa mga pa-sorpresa. Kung hindi sila nagkakamali ng rinig ay anunsyo iyon para sa nalalapit na masquerade ball, na gaganapin mismo sa nalalapit na araw ng mga puso. Kahit batid na nila Rada ang bagay na iyon ay napukaw pa rin nito ang pansin nilang magkakaibigan. Kaya heto sila at kasama na sa mga kapwa estudyanteng nakikipagsiksikan at nakikiusyuso na rin. Palalagpasin ba naman nila ang mga ganitong eksena? Tutal eh vacant period naman. Eksakto namang kasisimula pa lamang ni Mrs. Esperanza sa pagsasalita. "Attention everyone! Like I've said the prom is already cancelled," anunsyo nito. Hindi na siya nagulat pagka't nauna na iyong naipaskel sa school bulletin board bago pa magbukas ang klase ngayong araw. But some students gasped in disappointment. Umulan ng anasan mula sa junior high. Dismayado ang mga ito. Mauulanigan ang kabi-kabilang mga reklamo. Maging sila ay nagtaka. Kauna-unahan ito sa history ng SMC na nag kansela ng Prom. "But wait my beloved students, don't be disappointed," kambyong sambit ni Mrs. Esperanza. "Siyempre pa ay hindi ko naman kayo hahayaang maging malungkot itong darating na araw ng mga puso. Magkakaroon pa rin tayo ng programa at selebrasyon. Kaya mga girls, huwag nang sumimangot at nakakawala ng ganda iyan," pagbibiro ng propesora na nagpa-ugong ng tawanan. Inayos ng guro ang salamin bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Instead of prom night, we will have an acquaintance party, where the students from the college department as well as from junior high school departments can both join the said event," dagdag ng propesora. Nagsigawan ang mga estudyante sa tuwa. "This year acquaintance theme will still be a masquerade ball," nakangiting imporma ni Mrs. Esperanza. Sa sinabi nito ay muling umugong ang hiyawan ng pagkatuwa. Napuno ng galak ang paligid. Maging sila Cathy at Bing ay napapalundag pa sa excitement.“There's more. Kilala niyo ako, hindi maaaaring mawalan ng twist ang event na ito," pa-suspense na banggit pa ni, Mrs. Esperanza. Namilog ang mata ng iilan kasama na sila Bing at Cathy. Lumarawan ang excitement sa lahat. Ano kaya ang pasabog itong taon? Ito na nga ba ang sorpresang inaantay nila? Hays sana lang katulad ng iba ay makaramdam din siya ng drive at pagkasabik. Himutok ni Rada. "So, there are the collegiate scholars from different departments," sabay turo ni Mrs. Esperanza sa grupo ng mga estudyanteng nakahanay ng patalikod at naka-pwesto ang mga kamay ng bawat isa sa likod. Kumunot ang noo niya. Kaiba ata ang gimmick ngayon ng propesora. "I need more sponsors so they can also join the said acquaintance party. Ika nga the more the merrier pero siyempre pa ay kailangan ko ang mga tulong nyo. Kumbaga share your blessings to others." saglit na huminto sa pagsasalita si Mrs. Esperanza. Nilingon nito ang staff na naka-antabay. "Okay, my beloved students, mayroon akong mga rosas dito," dagdag nito. Lumapit ang naturang staff na may bitbit na katamtamang basket. May laman iyong ilang bungkos ng mga pulang rosas. Maraming nag-angat ng kilay sa mga babae, pagkamangha naman sa mga lalaki. Datapuwat nabalot silang lahat sa pagtataka dahil sa mga pabulaklak effect ay sumidhi naman ang pagkasabik nila na malaman ang supresa sa likod ng mga rosas. "Kung sino man sa inyo ang nagnanais na maging kabahagi sila ng event.." patungkol ng propesora sa mga nakahanay na iskolars ng bayan. " Sa pamamagitan ng mga rosas na ito ay maaari kayong mamili ng taong nais tulungan. Just simply put the roses on the palm of a person you chosen," patuloy ng propesora. Umugong ang bulungan, maraming napantastikuhan. Maraming nagka-interes at nagnanais na makibahagi sa pakulo. Bago ang gimmick na ito pagka't may tema ng pagbibigay pagkakataon sa ibang mga estudyante na maging bahagi ng selebrasyon na hindi kailanman nangyayari pa. Dahil nakatalikod ang mga iskolars ay blangko sila sa pagkakakilanlan ng mga ito. Para kay Rada the gimmick sounded interesting. Well, not bad kung makiki-cooperate siya lalo na at wala pa siyang escort. Hindi problema sa kanya ang gastos para lamang bihisan ang isang tao. Tutal isang kawang-gawa na rin itong maituturing. Bakit niya ipagkakait sa mga ito ang munting kasiyahang maaari niyang maihandog? "It is so much fun at all," sambit niyang napuno rin ng galak. Mula sa mga hanay ay binistahan niya isa-isa ang mga nakatayo. Nang mapako ang pansin niya sa partikular na bulto na nasa hulihang pila. Sa di mawaring dahilan ay biglang sumikdo ang dibdib niya. Ang tindig at pangangatawan maging kulay at buhok nito ay pawang pamilyar. “Oh God, it must be him.”usal ni Rada. Nagsimulang kumabog ang puso niya. Dahilan upang mapahawak siya sa dibdib. Pinakatitigan niya ang matangkad na lalaki upang makasiguro. Hanggang sa mapalunok ng dalawang beses. Hindi siya maaaaring magkamali. Ang bultong iyon ay dalawang linggo nang laman ng kanyang puso at isipan. May ideyang mabilis na naglaro sa isip ni Rada. Sinulyapan niya ang pinaglalagyan ng mga rosas may kalayuan iyon sa pwesto nila. Malamang bago pa niya marating iyon ay ubos na sa dami ng gustong makilahok. Nagsisiksikan pa naman ang mga estudyanteng sabik na maging bahagi ng naturang pakulo. Nakaramdam siya ng panghihinayang nang makitang iilan na lamang ang rosas sa lalagyanan. "Nakaka-excite naman kung wala lang sana akong escort," narinig ni Rada na sambit ni Bing. Nilinga niya ang kaibigan. Larawan ito ng pagkadismaya at kaaliwan. Nakita niyang hawak pa rin nito ang pumpon ng mga pulang rosas. Biglang nabuhayan ng loob ang dalaga. Mukat-mukat ay tila anghel ang naging tingin nito kay Bing. Walang pagdadalawang isip na hinablot ni Rada ang mga bulaklak mula sa kamay ng kaibigan sa pagkagulat naman nito. "Bing, mamaya na ako magpapaliwanag. I'm sorry but I need these roses right now. Make it up to you later promise," sambit niya habang paatras na humakbang. Pagkatapos ay may pagmamadaling tumakbo siya palapit sa lalaki lalo na nang mapansin niyang may isang estudyanteng babae na patungo rin sa direksyon nito. Natulala naman na naiwan ang dalawa niyang kaibigan. Napapantastiskuhan na napatitig sa kanya si, Mrs.Esperanza. Larawan ito ng pagka-aliw.Nagbigay si Rada ng matamis na ngiti sa propesora. Na sinuklian naman ng guro ng isang maluwang na ngiti. Sa nanginginig na kamay ay mabilis niyang ipinatong ang bungkos ng mga rosas sa kamay ng nakatalikod na lalaki. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang marahas na pagsinghap nito. Tila tunog ng di pag sang+ayon. Sa hudyat ni Mrs. Esperanza ay sabay-sabay na humarap ang mga nasabing iskolars. Si Rada ay 'di maiwasang kabahan. Halos ikabingi niya ang lakas ng kabog sa dibdib na tila tambol na dumadagundong sa bawat hampas. Pakiramdam niya ay gusto ring manghina ng mga tuhod niya. Ramdam niya ang unti-unting pagkawala ng balanse. Oh God, hindi niya inaasahan na sa araw na ito ay matatagpuan niya ang lalaking ilang linggo na ring tumatakbo at gumugulo sa kanyang isipan. Pigil ang hininga na inantay niyang humarap ang nakatalikod. Sa bawat galaw na ginagawa nito ay naroon ang masidhing pagkasabik na mapagmasdan ito. Agad na rumehistro ang pagkagulat sa mukha ng lalaki nang mabungaran ang dalagita sa harapan nito. Subalit segundo lang ang dumaan at dagli ring pomormal ang anyo nito. Mabilis na naglaho ang sumilip na emosyon. Si Rada ay talaga namang natigilan. Saglit na natulala sa bultong ngayon ay kanya ng abot-kamay.Ang tagal niyang hinintay ang pagkakataong ito. Ang kanyang pinakaaasam-asam na pagtatagpo. "Mr. Samaniego meet your sponsor, Ms. Rada Buenavista. And Ms. Rada your sponsee, Mr. Rafael Samaniego," pakilala ni Mrs. Esperanza sa dalawa. Rada's face recognition redened, and she gulped for the second time. "Hi... Pael," turan ni Rada, sabay inilahad ang kamay. Naroon ang panginginig. Alanganin din ang kanyang ngiti lalo na at walang tugon mula sa lalaki. Halos hindi niya mabigkas nang malinaw ang pangalang Rafael sa sobrang kaba kaya Pael ang lumabas sa bibig niya. Tinitigan siya ng lalaki nang matiim bago bumaba sa nakalahad niyang palad. Pinag-iisipan ba ng lalaki kung tatanggapin ang pakikipag-kamay niya? Nag-aalinlangan ba ito? Oh please... Nagsusumigaw na bulong ng isip niya. Nang unti-unti ay marahang umangat ang mga kamay ni Rafael at inabot ang palad niya. "Nagkita tayong muli, senyorita...." Banayad, subalit pormal na wika ni Rafael sa kanya.Sa pagtama ng kanilang mga tingin ay tila nanlambot si Rada. Pakiramdam niya anumang sandali ay mabubuway siya. Bakit ba ganoon na lamang ang epekto ng presensiya ni Rafael sa kanya? Pinabibilis nito ang tibok ng kanyang puso. Tila ito alon sa dagat na basta na lamang rumaragasa pahampas na ikabubuway niya. Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay ng binata sa maliit niyang palad. "Ayos ka lang ba Miss Buenavista? Para kang bubuway saiyong pagkakatayo." pansin ni Mrs. Esperanza. Nagplaster sa mukha ng propesora ang pagkabahala. May sumilip na gahiblang emosyon kay, Rafael. Maagap siya nitong nahawakan sa may baywang. Napalunok siya nang kung ilang beses. Tila nawalan ng saysay ang suot na unipormeng pangtaas. Ramdam niya ang init ng palad ni Rafael nang lumapat iyon sa kanyang balat. Ang init na dulot niyon ay mistulang nagpayanig at nagbigay ligalig sa mga pandama niya. Naguguluhan siyang unuwain ang pabago-bagong emosyon at sikolohikal na kamalayan. "A..ayos lang po ako." sag
Psstt!Sitsit ni Carlito kay Rafael na noo'y abala sa binabasa nitong aklat. Nag-angat ng mukha ang binata at lumingon sa kanyang likuran. Nakangisi si Carlito na nagawa pa siyang dunggulin sa braso. "Mukhang ikaw ata ang hinahanap ni Ms. Buenavista," wika nito sabay nguso sa labas. Sinundan niya ng tingin ang direksyong itinuturo ng kaibigan at kaklase. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Natanaw niya si Rada malapit sa may bintana ng kanilang silid.Ano ang ginagawa ng dalaga sa gusali ng Agrikultura ng ganitong oras at naka-uniporme pa? “Siguradong umabot na sa kanyang kaalaman ang iyong pagtanggi na makilahok sa darating na kasayahan.” anas ni Carlito.Maaaring tama ang kaibigan, subalit ay kailangan pa ba na sadyain siya ng dalaga para lamang sa bagay na iyon? Nakita ni Rafael na inilibot ng babae ang tingin. Hangang sa magsalubong ang kanilang mga mata. Agad na kumaway si Rada pagkakita sa kanya. Lumiwanag ang mukha nito at awtomatikong nagplaster ang ngiti sa mga
Sa sasakyan ay hindi mapakali si Rada. Labis ang nadarama niyang kahihiyan para sa sarili. Ilang beses syang nag-ipon ng hangin sa dibdib bago nagsalita. "Mang Kanor, pasensya na po kung huli na akong lumabas." paghingi nya ng paumanhin sa matandang drayber. "A...ang totoo po niyan ay wala naman po akong aralin na tinapos. May hinintay lang po akong isang kaibigan, humihingi po ako ng paumanhin sa aking pagsisinungaling." malumanay at puno ng damdamin na wika pa niya kay Mang Kanor. Ngumiti ang drayber na sinilip sya sa unahang salamin. "Wala kang dapat na ipangamba sa akin, Ineng, ikaw ang aking inaalala dahil siguradong mapapagalitan ka na naman ng Senyor.," "Salamat po,. ngunit huwag po kayong mag-alala at sanay na rin po ako kay daddy," sagot niyang asa tono ang lungkot. Hindi na sumagot ang matanda ngunit dumaan ang pagka-awa sa mukha nito para sa dalaga. Malapit ang loob nito kay Rada. Nasundan nito ang paglaki ng batang heredera. At bagama't lumaking may ginintuang
Habang pababa ng hagdan ay natatanaw na ni Rada ang pamilyar na bulto mula sa beranda. Bahagyang lumukot ang kanyang mukha. Hindi niya inaasahan ang pagdalaw ni Clark sa araw na ito ng sabado. Sa pagkakaalam niya ay lumuwas ng Maynila ang kababata for a business seminar. Inakyat siya sa kwarto ni Manang Yoly at sinabing may naghihintay na bisita sa kanya sa ibaba. Sa pag-aakalang sila Cathy at Bing ang dumating ay dali-dali siyang sumunod sa mayordoma. Nangako kasi ang mga kaibigan na dadalawin siya ng mga ito ngayong araw. Batung-bato na siya sa bahay at wala na siyang ginawa kundi ang maglagi sa kanyang silid. Hindi rin naman niya mahagilap ang inang si Clara dahil lagi na’y abala ang Senyora sa mga itinayo nitong foundation. Maliban sa Sociable na tao ang mommy niya kaya lagi itong nasa mga gatherings. Ayon na rin sa tagubilin ng ama ay bahay-iskwela lamang ang kanyang pang araw- araw na rotina. Kailangan niyang magpakabait kung ayaw niyang muling masira sa daddy niya. Baka mam
“You're sure are we on the right path?" tanong ni Clark, mabilis nitong nilinga si Rada sa tabi. "We are at the far end, brat." dagdag pa ng binata habang itinuon muli ang pansin sa kalsada. Binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan. Si Rada naman ay halos humaba na ang leeg sa katatanaw sa labas na binuksan na ang bintana ng behikulo. Tama si Clark mukhang nasa dulong bahagi na nga sila ng San Isidro. Binistahan niya ang hawak na papel kung saan ay nakaguhit ang isang direksyon. Tama naman ang daan na tinahak nila. Napabuga siya sa hangin. Ni hindi dumaan sa kanyang isip na may ganito kaliblib na lugar sa bayan nila. Kung saan ay walang ibang matatanaw kundi pawang kakahuyan at kabundukan. At sa dako pa roon kung ipagpapatuloy pa nila ni Clark ay paanan na ng bundok. Ang layo na nila sa kabihasnan. Maliban kasi sa makitid na ang daan ay malubak pa. Makapal rin ang putik sa kalsada gawa ng magdamag na pag-ulan nang nagdaang gabi. Muntik na nga silang mabalahaw sa medyo may
Kung sa Hansel and Gretel ay may isang matandang hukluban na may nakakatakot na anyo. Ang kaharap niya ay sadyang napaka-amo ng bukas ng mukha na tila kay bait. Bagama't bakas ang pagkakaroon ng edad ay hindi maikakailang napakaganda nitong babae noong kabataan nito. Ang magkabilang biloy nito sa pisngi ay sadyang kapansin-pansin sa tuwing ngumingiti ito. "Ma- Magandang araw po... k..kayo po ba ang may-ari nitong bahay?" sa wakas ay kanyang naisatinig. Itinuro ni Rada sa babae ang kubo.Hindi kasi agad siya nakapagsalita dahil sa pagkamangha sa kaharap. May kahawig kasi itong artista na paboritong panoorin ng Mommy Clara niya. Hindi nga lang niya matukoy ang pangalan. "Ako nga ineng. Akala ko ay namali lamang ang aking pandinig na mayroong boses sa paligid. May maipaglilingkod ba ako sa iyo?" anang babae na may bahagyang pagkunot ng noo. "Naliligaw ka ba? Wala ka bang kasama?" dagdag tanong pa ng babae. Kasabay nang pagguhit ng pangamba sa mukha nito ay ang maliit na hakbang pala
Ibinalik ni Rada ang tingin kay Aling Lourdes at nagpakawala ng malalim ngunit pasimpleng paghinga. "Ang totoo po niyan ay dito po talaga ang aking tungo sa inyong tahanan," aniya sa magalang at mababang tono. Kumunot ang noo ni Lourdes,nabahiran ng pagtataka ang mukha. "May nangyari ba kay kuya Kanor?" agarang usisa nito kalakip ang pangamba sa boses. Si Rafael naman ay nanatiling tahimik ngunit patuloy na hinayon ng mata ang dalaga. Sa isip ay may namumuong hinala. "Naku, wala po Aling Lourdes. Wala po kayong dapat na ipangamba at maayos po ang kalagayan ni Mang Kanor," maagap na sagot ni Rada. Pilit nitong pinasigla ang boses at baka magkaroon pa ng maling konklusyon. Nahimigan kasi nito ang pag-aalala sa babae. Lumiwanag naman ng bahagya ang mukha ni Lourdes at naging kampante. Ngunit nanatili ang katanungan sa mata.“Kung gayun ay ano ang pakay mo sa amin, Ineng?” diretsa nang tanong ni Lourdes. Huminga muna ng malalim si Rada at humugot ng lakas bago nagpatuloy. Halatan
Pael...sambit ni Rada nang ilang minuto na ay hindi pa rin tumugon ang binata. "Kung hindi ako nagkakamali ay nabanggit mong may kasama kang kaibigan sa pagparito hindi ba?, Maaaring nag-aalala na iyon at hinahanap ka na rin," putol sa kanya ni Rafael. Mabilis nitong tinapos ang pagtatali ng lubid sa punong malapit sa lubluban ni Malik. Pagkatapos ay nagsimulang humakbang paalis sa lugar. Halata ang pag-iwas na ginagawa ng binatang magsasaka kaya't bahagyang lumukot ang mukha ni Rada. Gayunpaman ay mabilis itong sumunod kay Rafael nang lagpasan ng binata. "Pael, pangako ni singko ay wala kang gagastahin. Ako na ang bahala sa lahat ng mga kakailanganin mo, pagpayag mo lang ang kontribusyong hinihingi ko---please..." ang ayaw magpapigil na habol ni Rada. Huminto ang binata sa paghakbang. Hinarap ang dalaga. Bagama't nakukulitan na ay kalmado pa rin ito. "Hindi mo ata nauunawaan senyorita, ang isang bagay ay hindi ipinagpipilitan dahil lamang sa kagustuhan ng isa. Kundi nasa p
Noon nama'y ramdam na ramdam ni Pael ang panginginig ng babaing sinaklolohan. Marahan niya itong ibinababa sa lupa at maingat na isinandal sa punong muntik nang pagsalpukan ng sasakyan nito. Inayos niya ang ulo ng babae sa pagkakasandal at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa makinis nitong mukha. Subalit nauwi ang binata sa labis na pagkagulat nang tuluyang mapagmasdan ang babaeng nadisgrasya. Hindi agad nakakilos si Pael, animo binuhusan ito ng pagkalamig-lamig na tubig sa katawan at napako na lamang ang tingin sa babaing nasa harapan.Kahit na nanatiling nakapikit ang mga mata ni Rada ay alam ng binata na may malay ito base sa pasalit-salit na pag galaw ng mga talukap nito. Kapansin-pansin rin ang pagtaas-baba ng dibdib ng babae na tila naghahabol ng hininga. Sa tingin niya ay ninerbiyos ito sa muntik na pagkakapahamak kayat nakararamdam ng sobrang pagyugyog ng katawan. Pinalis ni Pael ang pag aalala pagka't sigurado syang maayos ang lagay nito. Umangat ang kanyang kama
Isang taon pa ang lumipas. Masaya at may pananabik na binabagtas ni Rada ang daan habang minamaneho ang isang top-down Jeep Renegade. Hindi alintana ng dalaga ang mabako at maalikabok na kalsada kung saan ay nahagip pa niya ng tanaw ang isang lalaking hindi na maipinta ang mukha sa pagkainis dahil halos kumain na ito ng alikabok sa bilis nang pagpapatakbo niya. “Welcome home, Rada!” wika ng dalaga sa sarili nang sa wakas ay matanaw ang malaking arko papasok sa bayan ng San Isidro. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nasasabik na siyang makita ang mga magulang. Limang taon halos din siyang namalagi sa San Francisco sa kagustuhan ng ama na doon sya makapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa masyadong mataas ang standard ng daddy niya pagdating sa kalidad ng edukasyon ay may isang mabigat na dahilan ito kung bakit sya ipinadala sa pangangalaga ng tiyahin niya sa California. At ang bagay na iyon ay ayaw na niyang balikan pa. Pagka"t nagdudulot lamang ito ng ibayong sakit at poot sa damdamin
Dahil maaga pa ay humantong sila Rada at Clark sa Alamo Square Park. Napagkasunduan nilang dalawa na mamayang gabi na lang gumimik. Clark takes a deep breath. Iginala ng binata ang tingin sa palibot ng parke. Pamoso ang nasabing lugar dahil sa painted houses na siyang pangunahing dahilan nang pagbisita ng maraming turista roon. Kadalasan kasi ay napapanood ito sa mga movies o sitcoms. “Great view of the city overlooking the bay.” He thought of the city. “It's so lovely, isn’t it?”Rada said amusingly. “Yeah. Worth visiting place because of its breathtaking beauty,” he replied while still overlooking the surroundings. Clark rested his gaze on her after his exploration. Kasalukuyang inilalatag ni Rada ang dalang blanket sa damuhan. Ibinaba na muna ng binata ang hawak na basket na pinaglagyan ni Aunt Lucia ng baon nilang pagkain bago tinulungan nito ang kaibigan sa paglalatag. “Para lang tayong nasa burol niyo hindi ba?" ani Rada na naupo ng pa Indian sit. Hindi naman maiwasan ni
Mahinang katok sa pinto ang nagpa-angat sa ulo ni Rada mula sa binabasa niyang magazine. Sumungaw mula sa pintuan ng kanyang silid ang nakangiting si Aunt Lucia. Tila ay excited ang tiyahin base sa panliliit ng mga mata nito. "Honey, someone is looking for you in the living room,” she said. Rada quirked her eyebrows. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayong araw. Katunayan ay tumanggi na siyang sumama sa mga kaibiganng Franciscans na magpunta ng Monarch club mamayang gabi dahil mas gusto niyang manatili na lamang sa bahay at magbasa ng mga paborito niyang babasahin for a change. Unang araw ng spring break. Mahaba-haba ring bakasyon sa iskwela. Gusto niyang gugulin ang mga araw na walang pasok sa mga makabuluhang bagay. Pass na muna sya sa mga social activities like dancing at clubs, big parties, and live music concerts. Nightlife in other words. Babawasan na rin muna niya ang pag-iinom. Pansin niya ay nagiging alcoholic na sya. “Who is looking for me, Auntie Lucy? I don’t e
Mahal ko, Kumusta ang iyong araw? Sa oras na mabasa mo ang liham na ito ay hangad kong nawa ay lagi kang nasa mabuting kalagayan. Matagal-tagal na rin mula nang huli tayong magka-usap. Nais kong ipaalam saiyo na labis ang aking nararamdamang pangungulila saiyong presensya. Pinanabikan kong marinig ang matutunog mong halakhak. Higit sa lahat ay nais kong masilayan ang ngiti saiyong mga labi at mapangusap na mga mata. Kung ako ang iyong tatanungin ay maayos naman ang aking lagay ganoon rin si Inay, bagama't napupuno ako ng kalungkutan. Mahal ko, isang taon na rin ang lumipas mula nang lisanin mo ang San Isidro. Subalit ni isang sagot sa aking mga ipinadalang liham ay wala akong natanggap na kasagutan. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala saiyong kalagayan riyan sa ibang bansa. Katulad nang nasabi ko sayo noon ay naririto lamang ako sa San Isisdro at maghihintay saiyong pagbabalik. Pinagsusumikapan kong abutin ang ating mga pangarap upang maging karapat-dapat ako sa pagmamahal mo. Gus
Isang tapik sa balikat ang nagpaigtad kay Pael. Nakaupo sya noon sa papag na upuan na ginawa niya sa palibot ng kanilang punong mangga. Kung saan ay nalililiman ito ng mayayabong na dahon sa bawat sanga. “Ang lalim ng iniisip mo anak ah kapara ba niyan ay balong malalim?" Nilingon ni Pael ang ina na kadarating lang mula sa pagsisimba nito. Agad siyang napangiti sa biro ni Lourdes. Tumayo siya at inabot ang palad ng ina para magmano.“Mano po, Inay." magalang niyang wika sa babae.“Kaawaan ka ng Poong Maykapal." tugon ni Lourdes na medyo hinihingal pa.Kaya naman ay agad itong inalalayan ni Pael para makaupo.“Sigurado akong naglakad na naman po kayo pauwi ni Lola Mareng mula sa Bongto." marahan niyang sambit rito.Mahigpit na bilin niya sa ina na huwag nang naglalakad pauwi kapag naluluwas ito ng bayan. May kalayuan rin kasi ang Bongto mula sa kanilang baryo. May hika ang ina kaya't ayaw niyang napapagod ito.“Ayos lang ho ba kayo?" nag-aalala niyang wika.“Mabuti naman ako anak, h
Pagkagaling sa Laoyon ay tumuloy na sila Rada at Clark sa San Sebastian kasama si Kate. Nakilala ng dalaga ang pinakamatalik na kaibigan ng kababata na si Vincent Villaroman. Naging mainit naman ang naging pagtanggap sa kanila ng lola Consuelo nito na siyang may kaarawan. Inestima silang mabuti at ipinakilala sa mga naroong bisita. At dahill iisang circle lang naman ang ginagalawan ng kani-kanilang mga magulang ay hind naging mahirap para sa mga bisita ang killalanin silang magkakaibigan. Hindi rin sila masyadong nagtagal sa San Sebastian at tumulak na rin pauwi ng San Isidro pagdating ng hapon. Alinsunod sa bilin ni Senyor Roman kaya't maaga silang bumiyahe pabalik.Ngunit bago si Rada maihataid ng magkapatid sa hacienda ay sinadya nila sina Cathy at Bing. Gayun na lamang ang naging katuwaan ng dalawang kaibigan niya nang magkita-kita silang tatlo. Subalit nalungkot rin ang mga ito nang magpaalam siya na pansamantala munang aalis ng San Isidro para manirahan sa ibang bansa at
Naluha ang dalaga. Tila yelo na natunaw sa magkahalong saya at lungkot ang damdamin niya. Tuloy ay namalisbis sa luha ang kanyang mga mata. Mabilis naman iyong pinahid ni Pael gamit ang mga daliri nito. "Ikaw talaga, mahal, huwag ka nang umiyak. Baka akalain ni Zantillan ay pinapaiyak kita. Allergic pa naman sa akin ang kababata mong iyon" pabulong na biro ni Pael. Impit na natawa si Rada kahit panay ang tulo ng kanyang mga luha. Tinulungan niya si Pael na tuyuin iyon sa pamamagitan ng panyo na dinukot niya mula sa kanyang bulsa." Hindi ko alam na kenkoy ka rin palang kausap." kunwa'y ismid niya sa nobyo.Tumawa ng mahina si Pael.“Pinapasaya ko lang ang paligid. Dahil nalulungkot rin ako. Ayaw ko lang na maghiwalay tayo na parehong may dinaramdam. Nauunawaan niyo po ba iyon mahal na prinsesa?" tukso naman nito sa kasintahan.Ubod tamis na ngumiti si Rada at makailang beses na tumango sa nobyo. Alam niyang pinapagaan lamang ni Pael ang nagbibigat nilang pakiramdam dahil sa nalalap
"Kumusta po kayo Aling Lourdes?" may ngiti sa labi na bati ni Clark sa nanay ni Pael pagkapasok sa bahay. “Mabuti naman Clark." magiliw na tugon ni Lourdes sa binata. Kahit na pangalawang beses pa lamang niyang nakakaharap si Clark ay magaan ang loob niya rito. Kilalang may mabubuting kalooban ang mga magulang nito na sila Don Franco at Donya Isabel. Kaya't hindi na siya nagtaka na sa kabila nang hindi nito pagkakaunawan ng anak na si Pael ay maayos at may paggalang itong nakikisalamuha at nakikipag-usap sa kanilang mag-ina. Pinalapit ni Clark ang kapatid na si Kate at ipinakilala sa kanya. Katulad ng binata ay mukha rin itong mabait at magalang. “Nakababata ko pong kapatid si Kate." anito. “Nagagalak akong makilala ka Kate." bati ni Lourdes sa dalagita. “Ako rin po Aling Lourdes." Tugon ni Kate kasabay ng pagmano sa kanya. “Matagal na hong nababanggit sa akin ni kuya ang mala-paraiso niyong bakuran hindi ko akalain na mas higit pa pala roon ang isinasa-larawan ko sa aking isi